Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga konsepto ng wika sa Tagalog, kabilang ang mga depinisyon, teorya, at gampanin nito sa komunikasyon.

Full Transcript

MGA KONSEPTONG PANGWIKA Depinisyon ng wika - Webster Kalipunan ng mga salitang ginagamit at nauunawaan ng komunidad. - Paz et.al, 2003- Pag-aaral ng Wika Ekspresyon at komunikasyon - Henry Gleason Masistemang ba...

MGA KONSEPTONG PANGWIKA Depinisyon ng wika - Webster Kalipunan ng mga salitang ginagamit at nauunawaan ng komunidad. - Paz et.al, 2003- Pag-aaral ng Wika Ekspresyon at komunikasyon - Henry Gleason Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos. - Edward Sapir Likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng kaisipan, damdamin, at mithiin - Caroll Sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan - Todd Kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komuniksyon - Edgar Sturvent Sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog - Hutch (1991) Malimit na binibigyan ng kahulugan ang wika bilang sistema ng mga tunog - Bouman (1990) Komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar Kahalagahan ng Wika 1. Sa Sarili - Mapaunlad ang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng kaalaman sa paligid 2. Sa Kapwa - Pakikipagtalastasan, upang mapatatag ang relasyong sosyal na magbubunsod pa sa malawak na karasanasan sa buhay 3. Sa Lipunan - Pagbuklurin ang lipunan sa sandaling magsama sama ang karanasan ng tao. Katangian ng Wika 1. Sinasalitang Tunog May tunog na mag kahulugan at wala 2. Pinipili at isinasaayos Kumakausap at kinakausap Produktibo at likas na mapanlikha 3. Ang Wika ay Ginagamit Patay na wika 4. Ang Wika ay Nakabatay sa Kultura Kakambal ng kultura ang wika Wikang Panturo Filipino Ingles Mother Tongue - based TEORYA, GAMPANIN, AT TUNGKULING NG WIKA Teorya ng Wika 1. Teoryang Bow-wow - Nagsimula ang wika sa pangagaya ng mga tao sa tunog na nilikha ng kalikasan at huni ng hayop. 2. Teoryang Ding-dong - Lahat ng bagay sa mundo ay may tunog na kaugnay at ito rin ang kahulugan 3. Teoryang Pooh-pooh - Bunga ng bugso ng damdamin, may kaugnay na sambitla ang bawat damdamin 4. Teoryang Yo-he-ho - Ginagamitan ng pwersang pisikal 5. Teoryang Tara-ra-boom-de-ay - Tunog na likha ng tao ay bunga ng ritwal at selebrasyon 6. Teorya ng Tore ni Babel - Teorya sa aklat ng Genesis 11:1-9 Gampanin ng Wika 1. Impormatibo - Makapaglahad ng impormasyon tungo sa tatanggap nito 2. Ekspresib - Makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng emosyon 3. Direktib - Hayagan o di-hayagan nitong napapakilos ang tao upang gawin ang isang bagay 4. Perpormatib - Higit sa pasalitang anyo, dahil kinapapalooban din ito ng kilos bilang pansuporta sa pahayag. 5. Persweysib - Makapanghikayat ng tao sa isang pananampalataya 6. Imahinatibo - Mayamang kaisipan gamit ang ating imahinasyon at maaaring maging makatotohanan sa ating isipan at maaaring maisawika Tungkulin ng Wika 1. Instrumental - Instrumento sa mga upang magawa o maisakatuparan ang gawain. - “Nais o Gusto ko” 2. Regulatori - Kontrolin ang pangyayari sa paligid 3. Representasyunal - Makipagtalastasan - Makapagbahagi ng pangyayari - Makapagpahayag ng detalya - Makapaghatid at makatanggap ng mensahe 4. Interaksyunal - Mapanatili at mapatatag ang relasyon ng tao sa kapwa 5. Personal - Maipahayag ang personalidad ng isang indibidwal ayon sa sariling paraan 6. Heuristik - Makapagtamo ng kaalaman TEORYANG PILOSOPIKAL NG EDUKASYON AT WIKA 1. JEAN PIAGET - DEVELOPMENTAL STAGES OF LEARNING - Simpleng tanong ng matanda ay komplikado sa bata Sensorimotor Lebel - 0 - 2 taong gulang Preoperational Lebel - 2 -7 taong gulang Concrete Operations - 7 - 11 taong gulang 2. LEV VYGOTSKY - COOPERATIVE LEARNING - Pagkatuto ng isang bata at nasisimula sa pakikisalamuha Ang karanasan na ito ay pinagninilayan at sa huli ay magagamit ang kaalamang ito 3. JEROME BRUNER - DISCOVERY LEARNING - Kung ang bata ang makatuklas sa kanilang pagkatuto ay madedebelop ang responsibiliddad matuto mag isa at mamotivate - Enactive - paggalaw iconic - mga larawan symbolic - mga abstract symbols 4. ROBERT GAGNE - HIERARCHY OF LEARNING - Set ng mga kasanayan na kinakailangang matutuhan at bubuo sa mas malawak na kasanayan na dapat matutunan ng bata. 5. DAVID AUSUBEL - INTERACTIVE/INTEGRATED LEARNING - Ang bagong kaalaman ay nakabatay sa mga naunang kaalaman 6. BASIC INTERPERSONAL COMMUNICATION SKILLS (BICS) COGNITIVE ACADEMIC LANGUAGE PROFICIENCY SKILLS (CALPS) BICS - Wikang ginagamit sa pakikipag usap sa mga kaibigan, sa telepono, party (social language) CALPS - Kinakailangang wika upang maintindihan ang aralin sa klase (akademiko) 7. TRADISYUNAL NA TEORYA SA PAGKATUTO NG WIKA - TEORYA BATAY SA GAWI (BEHAVIORIST) - 1968, binigyan diin ni Skinner ang kahalagahan ng pagganyak, pagsasanay at pagpapatibay para malinang ang intelektwal na kakayahan sa wika ng mag aaral. 8. TEORYA BATAY SA KALIKASAN NG MAG AARAL (CHOMSKY) - Likas sa mga bata ang pagkatuto ng wika ANTAS AT BARAYTI NG WIKA ANTAS NG WIKA 1. Balbal/pabalbal - Slang - Pinakamababang antas ng wika - Singaw ng panahon 2. Kolokyal - Pang araw-araw na hinalaw sa pormal na salita - Pinaiikli at tinatawag na country talk 3. Panlalawigan/lalawiganin - Salitain o diyalekto ng mga katutubo sa lalawigan 4. Pambansa - Ginagamit sa paaralan at sa pamahalaan, at sa sibilisadong lugar 5. Pampanitikan - Pinakamayang uri - Kadalasan may ibang kahulugan ang salita - Ginagamit sa akdang panliteratura 6. Pang - edukado - Pampropesyonal BARAYTI NG WIKA - Pinagkaiba iba ng wika - Variety is the spice of life” URI NG BARAYTI NG WIKA 1. Idyolek - Pekulyaridad ng tao sa paggamit ng kanyang wikang sinasalita. - Yunik sa kaniyang pagkatao 2. Dayalek - Rehiyong kinabibilangan - Panrelihiyonal na wika Tagalog ay isang wika subalit ang dayalek nito ay tumutukoy sa: Tagalog - Cavite Tagalog - Batangas Tagalog - Quezon 3. Sosyolek - Pansamantalang barayti dahil nalilinang ito sa malayang interaksyon at sosyalisasyon sa isang partikular na grupo 4. Etnolek - Salita ng mga etnolinggwistikong grupo 5. Ekolek - Salitang kadalasang ginagamit sa loob ng bahay 6. Pidgin - Wikang walang pormal na estruktura - Napaghahaluhalo ng nagsasalita ang unang wika sa wikang sinasalita ng komunidad na bagong kinabibilangan. 7. Creole - Produkto ng Pidgin - Nalilinang naman ang pormal na estruktura ng wika 8. Rejister - Espesyalisadong salita na ginagamit sa partikular na domeyn PONOLOHIYA - Maaghan na pag aaral ng tunog - Pinag aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog - (PONEMA) pinakamaliit na yunit ng tunog - Santiago (2003:3) nagiging makabuluhan ang tunog kung nagagawang baguhin ang kahulugan ng salitang kinapapalooban nito URI NG PONEMA 1. Ponemang segmental - Makabuluhang tunog na nangangahulugan ang bawat ponema ay maaaring makapagpabago ng kahulugan ng salita 2. Ponemang suprasegmental - Binubuo ng tono, diin, at paghinto Tono - pagtaas at baba ng tinig Haba - haba ng bigkas sa pantig Diin o stress - lakas ng bigkas sa pantig na kailangang bigyan diin Hinto o pagtigil - saglit na paghinto sa pagsasalita na maaaring panandalian Diptonggo - Magkasunod na patinig sa isang salita Klaster (Otanes at Schachter, 1972) - Consonant cluster - uri ng syllable pattern, sunuran ng dalawa o higit pang katinig sa loob ng isang pantig. - Nasa inisyal o pinal na posisyon Pares - minimal - Pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyong Hari - pari Basa - pasa Ponemang Malayang Nagpapalitan - Pares ng salita na katatagpuan ng mga magkaibang ponema sa magkatulad na kaligiran - Di nakapagpapabago ng kahulugan ng salita - (Santiago at Tiangco) ponema sa kategorya na ito ay maaaring ipalit sa pusisyon ng ibang ponema na hindi magbabago ang kahulugan ng salita - Karaniwang nagaganap sa ponemang patinig na /i/, /e/, /o/, /u/ Ponemang Suprasegmental - Bigat ng pagbigkas ng pantig - Maaaring makapagpaiba ng kahulugan, maging pareho man ang baybay. - Binubuo ng tono, diin, haba, at antala MORPOLOHIYA - Makaagham na pag aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema (maliit na yunit ng salita) PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO - Anumang pagbabagong nagaganap sa ordinaryong anyo ng morpema sanhi ng bisa ng kaligiran nito 1. Asimilasyon - Pagbabagong anyo ng morpema dulot ng pag impluwensiya ng katabing tunog - Nagsisimula sa D, L, R, S, at T, ay may panlapi na SIN o PAN - Nagsisimula sa B at P ay may panlapi na SIM at PAM Sing + tamis = sintamis Pang + dagat = pandagat Pang + basa = pambasa Sing + payat = simpayat URI 1. Asimilasyong Parsyal o Di - Ganap Pagbabagong nagaganap lamang sa pinal na panlapi -NG- Pangdalaga - pandalaga Pangbansa - pambansa 2. Asimilasyong Ganap Natapos na maging N at M ng panlapi Pangtakot - panakot 2. Pagpapalit - Ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita - D at R Dito = Rito Ma + Dapat = Marapat Ma + Dumi = Marumi - H at N Tawahan = tawanan 3. Paglilipat o metatesis - Paglilipat ng posisyon ng mga ponema - Nagsimula sa letrang L o Y at may gitlaping -IN- ay nagpalit ang N at I sa unlaping -NI- Y + IN + AKAP = Yinakap = Niyakap L + IN + AYO = Linayo = Nilayo 4. Pagdaragdag - Pagdadagdag ng hulapi sa salita kahit mayroong hulapi - Ka + totoo + han = katotohan + an = katotohanan - Pa + bula + han = pabulahan + an = pabulaanan 5. Pagkakaltas - Pagkawala ng isang ponema o morpema - Maaaring nasa unahan o sa gitna ng salita Bukas + an = bukasan = buksan Dala + hin = dalahin = dalhin PANGNGALAN Pangngalan - Tawag sa mga salitang tumutukoy sa tao, hayop, lugar, o bagay URI 1. PANTANGI 2. PAMBALANA BAHAGI NG PANGNGALAN 1. SIMUNO 2. PANAG - URI KASARIAN NG PANGNGALAN 1. PAMBABAE 2. PANLALAKI 3. DI-TIYAK 4. WALANG KASARIAN AYON SA KALIKASAN 1. Likas - Pangngalang natural na sa isang bagay at kadalasang hango sa kalikasan Apoy, lindol, ligaya 2. Likha - Hinango ng mga dalubhasa dahil sa pangangailangan - Bagong likha at lumang salita na may bagong kahulugan Agham, talatinigan, sining 3. Ligaw - Hiniram o hinango mula sa mga salitang banyaga Demokrasya, relihiyon, butones PANGHALIP - Ginagamit na panghalili o pamalit sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari URI 1. Panghalip na panao - Ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao 2. Panghalip na pamatlig - Ginagamit na panturo 3. Panghalip pananong - Ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, pook, pangyayari, at bagay 4. Panghalip panaklaw - Nagsasaad ng dami o bilang ng tao o bagay na nasasaklaw ng kilos 5. Panghalip pamanggit - Ginagamit bilang tagapag - ugnay ng dalawang pananalita PANDIWA - Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o hayop ASPEKTO 1. Pangnagdaan / naganap / perpektibo - Nangyari na 2. Pangkasalukuyan / nagaganap / imperpektibo - Kasalukuyang nagaganap o nangyayari o palaging ginagawa 3. Panghinaharap / magaganap / kontemplatibo - Hindi pa nangyayari, magaganap o mangyayari sa hinaharap

Use Quizgecko on...
Browser
Browser