Filipino 9 RUQA Quarter # PDF

Summary

This document is a Filipino 9 exam, part of the Regional Unified Quarterly Assessment (RUQA) for the third grading period. It features various questions based on stories, and cultural context.

Full Transcript

Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikatlong Markahang Pagsusulit –Filipino 9 Pangalan Petsa Seksiyon...

Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikatlong Markahang Pagsusulit –Filipino 9 Pangalan Petsa Seksiyon Sangay Paaralan PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat teksto/tanong at piliin ang titik na katumbas sa iyong sagot. Lubhang nahabag ang ama nang makita ang anak, naawa siya sa kalagayan ng kanyang pinakamamahal na anak. “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak, ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.” Niyakap at hinagkan siya ng kanyang ama at ipinag-utos sa mga alila na bigyan ang anak ng magarang kasuotan at maghanda ng isang salo-salo at nagwika na namatay na ang anak kong ito, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.” At sila’y nagsaya. Sipi mula sa Alibughang Anak Lucas 15:11-32 1. Anong pagpapahalagang pangkatauhan ang mabubuo sa katangian ng ama ayon sa sipi na binasang parabula? a. Ang pagpapatawad ng ama sa kanyang anak ay dapat pamarisan. b. Ang pagtanggap ng ama sa kanyang anak ay nagpapakita ng kahanga-hangang biyaya. c. Ang pagpapahalaga ng ama sa kanyang anak na kahit nagkasala ay tinanggap at pinatawad niya. d. Napakadakila ng pag-ibig ng ama sa kanyang anak na kahit nagkasala ang anak ay tinanggap at pinatawad niya. 2. Kung ikaw ang nakababatang kapatid, ano ang gagawin mo upang mabawasan ang hinanakit at pagtatampo ng iyong kapatid? a. Bumawi sa mga pagkukulang at sabihin sa kaniya na napakabuti niyang anak. b. Humingi ng tawad at ipakita na ikaw ay nagsisisi sa iyong ginawang kasalanan. c. Humingi ng tawad at gagawin ang lahat upang makuha muli ang kanyang loob. d. Humingi ng tawad at umiyak sa kaniyang harapan upang ikaw ay kaawaan at patawarin ng iyong kapatid. 3. Sa iyong pagsusuri, anong mabuting asal ang masasalamin sa pahayag ng bunsong anak na “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak, ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila”? a. pagpapakumbaba c. pagmamayabang b. pagmamalaki d. pagmamakaawa 2 4. Para sa iyo, sa paanong paraan mo maipapakita ang pagmamahal mo sa iyong mga magulang? a. Sumunod sa kanilang mga pangaral. b. Tumulong sa mga gawaing bahay upang sila’y matuwa. c. Kapag pinapagalitan ay huwag sumagot nang pabalang. d. Igalang at iparamdam sa kanila na mahalaga sila aking buhay. 5. Ano ang mabubuong magkatulad na sitwasyon na naaayon sa parabulang pinamagatang “Alibughang Anak”? a. Sumama siya sa kanyang barkada kahit alam niyang magagalit ang kanyang mga magulang, humingi siya ng tawad at siya’y pinatawad subalit sinusuway pa rin niya ang kanyang mga magulang. b. Umalis ng kanilang bahay si Aida, bumalik siya sa kanilang bahay at humingi ng tawad sa kanyang mga magulang sa pagkakamaling ginawa, siya’y pinatawad ng magulang ngunit sa kabila ng kanilang pagtitiwala muli ay inulit pa rin ni Aida. c. Lumiban siya sa klase at sumama sa kanyang mga barkada at nang malaman ito ng kanyang magulang nalungkot sila kaya humingi siya ng tawad, pinatawad siya ng mga magulang subalit inulit niya pa rin ito dahil alam niyang patatawarin siya. d. Nalulong sa masamang bisyo at napariwara ang kanyang buhay, nagising siya sa katotohanang mali ang kanyang ginagawa, bumalik siya sa kanilang bahay at humingi ng tawad sa kanyang magulang at nagsisisi sa kanyang ginawa at nangangako na hindi na uulitin. 6. “Lubhang nahabag ang ama nang makita ang anak, naawa siya sa kalagayan ng kanyang pinakamamahal na anak”, aling salita mula sa pahayag ang magkasingkahulugan? a. makita – kalagayan c. nahabag – naawa b. ama – anak d. lubhang – kalagayan 7. Paano nakatulong ang paggamit ng matalinghagang salita sa mga akda? a. upang matuto tayong gumamit ng mga wastong salita at naaayon na mga salita sa pakikipag-usap. b. upang maunawaan ng mambabasa ang mensaheng nais ipahatid ng may-akda sa kanyang mga akdang isinulat. c. upang mapalawak ang kanilang imahinasyon sa lahat ng bagay sa paligid at mapalawak ang kanilang bokabularyo. d. upang maiparating ng may-akda ang kanyang mensahe sa isang mas maganda at masining na pagpapahayag ng damdamin. 8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop gamitin na talinghagang pahayag upang mabuo ang kaisipan na “____________ ang galit at poot sa ating kapwa at matutong magpatawad”? a. kalimutan na c. itago sa kaban b. itanim sa isipan d. ibaon natin sa hukay Elehiya sa Kamatayan ni Kuya Pema, ang immortal na pangalan Walang katapusang pagdarasal Mula sa nilisang tahanan Kasama ng lungkot, luha, at pighati Walang imahe, walang anino, at walang Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan katawan 3 Mula sa maraming taon ang paghihirap Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral bumaba, Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay ang bukid ay nadaanan ng unos nawala Malungkot na lumisan ang tag-araw O’ ano ang naganap, Kasama ang pagmamahal na inialay Ang buhay ay saglit na nawala Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita Ang masayang panahon ng pangarap. -Elihiya mula sa Bhutan Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte 9. Sino ang taong binibigyang-parangal sa isang elehiya? a. ang bagong ikinasal c. ang taong namatay b. ang mga magulang d. ang taong umalis 10. Ano ang tema ng binasang elehiya? a. Tungkol sa mahal sa buhay na pumanaw at kailan man ay hindi na babalik. b. Tungkol sa kamatayan ni Pema at ang pagluluksa ng kanyang mga mahal sa buhay. c. Tungkol sa paraan ng pagluluksa ng namatayan hanggang sa paghatid sa huling hantungan. d. Tungkol sa mahal sa buhay na pumanaw at ang alaala ay mananatili na lamang sa puso’t isipan. 11. Batay sa pahayag na “Malungkot na lumisan ang kaniyang mahal ngunit hindi ang mga alaala nito, alin sa sumusunod na elemento ng elehiya ang tinutukoy ng nakasalungguhit na salita? a. damdamin c. tauhan b. simbolo d. tema 12. Paano mo maisusulat sa simpleng pangungusap ang pahayag na “Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita”? a. Umalis ang kanyang ina. b. Pumanaw ang kanyang anak. c. Namatay ang kanyang kapatid. d. May yumao siyang kamag-anak. 13. Anong kaugalian ang ipinapahiwatig sa pahayag na “Walang katapusang pagdarasal, kasama ng lungkot, luha, at pighati”? a. mawawala ang pighati kapag nagdarasal. b. walang katapusang pagluha kapag namatayan. c. walang tigil na kalungkutan sa iniwang pamilya. d. pag-aalay ng panalangin para sa taong namatay. 14. Bakit kailangan ang pagdarasal para sa taong namatay na? a. dahil nakakapawi ito ng sakit at pighati sa pamilya. b. dahil bahagi ito ng pinaniniwalaang tradisyon at kaugalian. c. sapagkat gumagabay ito sa kanyang kaluluwa sa kabilang buhay. d. sapagkat binibigyan nito ng liwanag ang landas na kanyang tatahakin. 4 15. Sa tingin mo, may pagkakatulad bang kaugalian ang bansang Bhutan at Pilipinas batay sa elehiyang binasa? a. Wala, dahil ang dalawang bansa ay iba ang pananampalataya at relihiyong pinaniniwalaan. b. Oo, magkatulad ang dalawang bansa sa pag-aalay ng panalangin at pagburol sa taong namatay. c. Wala, sapagkat ang mga kristiyano lamang ang naniniwala sa pagburol at pagdarasal sa namatay. d. Oo, magkapareho ng kaugalian ang dalawang bansa sa pag-alala ng ina sa kanyang anak na namatay. 16. Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na “Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan”? a. pagbigay respeto sa kanya. b. pagsunod sa kanyang ginawa. c. pag-alala sa kanyang kabutihan. d. pagsaludo sa kanyang mga tagumpay. 17. Naranasan mo na bang mawalan o iwan ka ng mahal mo sa buhay? Ano ang iyong ginawa upang maibsan ang iyong pagdadalamhati? a. Tumanggap ng iba’t ibang tulong mula sa mga kaibigan at makinig sa kanilang mga payo. b. Matulog sa tamang oras upang maibsan ang pagdadalamhati at lumuwag ang pakiramdam. c. Kumain ng mga masustansyang gulay at uminom ng maraming tubig upang humaba ang buhay. d. Alalahanin ang mga masasayang alaala ng mahal mo sa buhay at taimtim na magdadasal sa Panginoon. 18. “Pema, ang immortal na pangalan”. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. walang hanggan c. walang pangalan b. walang kamatayan d. walang patunguhan 19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng salitang magkasingkahulugan? a. Mula sa nilisang tahanan, Walang imahe, walang anino, at walang katawan b. Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, Malungkot na lumisan ang tag-araw c. Kasama ang pagmamahal na inialay Ang masayang panahon ng pangarap. d. Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral 20. Batay sa iyong sariling kaalaman, kanino kadalasang ginagamit ang salitang immortal? a. mga santo at santa b. mga diyos at diyosa c. mga tauhan sa bibliya d. mga taong makapangyarihan 5 21. Ang salitang lungkot ay damdaming nararamdaman ng tao. Ito ay may iba’t ibang kahulugan batay sa wikang Filipino. Ano ang mabubuong kasingkahulugan ng salita ayon sa kasidhian nito? a. lungkot, tamlay, lumbay, dalamhati, pighati b. lungkot, lumbay, pighati, dalamhati, tamlay c. tamlay, pighati, lumbay, lungkot, dalamhati d. tamlay, lumbay, lungkot, dalamhati, pighati 22. Alin sa ibaba ang tamang pangungusap na nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin sa paggamit ng salitang nagluksa? a. Mas nagluksa ang pamilya sa pagkawala ng kanilang anak. b. Lalong nagluksa ang pamilya sa pagkawala ng kanilang anak. c. Ang pagluluksa ay damdaming nararanasan ng pamilya kapag may namatayan. d. Di-gaanong nagluksa ang taong bayan sa nangyaring pagkamatay ng pamilya. 23. “Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita.” Paano mo maipapaliwanag ang damdamin ng isang ina sa pahayag? a. Pinakadakila ang pagmamahal ng isang ina kapag nawalay sa kaniyang anak. b. Tagos sa puso ang sakit ng isang ina kapag umalis na walang paalam ang anak. c. Pinakamasakit sa isang ina ang makaranas ng kalungkutan kapag namatayan ng anak. d. Tunay na hindi mo masisisi ang isang ina sa pagdadalamhati kapag nasabingit ng kamatayan ang kanyang anak. 24. Nagmamadaling sinagot ni Tina ang telepono. Nang marining ang sinabi ng tumawag ay bigla niyang nabitawan ang teleponong hawak. Hindi siya makapagsalita at tulalang tumatakbo sa isip ang mga katagang “Tina pumanaw na anag iyong ina”. Gamit ang mga masidhing pang-uri, ano ang maaaring kasunod na reaksyon ni Tina? a. Padabog niyang binaba ang telepono at pasigaw na tinawag ang mga kasama sa bahay upang mahingan niya ito ng tulog sa nangyari. b. Biglang namutla si Tina, nag-uunahan ang pagpatak ng kanyang luha hanggang ang kanyang namamanhid na katawan ay bumagsak sa sahig. c. Tumakbo nang mabilis si Tina palabas ng bahay upang puntahan ang abalang ama na walang ideya sa masamang balitang kanyang natanggap. d. Mabilis niyang tinanong ang kausap kung saan niya nakuha ang masamang balita at pinaharurot ang sasakyan at pinuntahan ang kanyang ina. Ang Kayamanan ng Hari (buod) Nakatira sa isang lambak ang manggagawang si Abdul Karim kasama ang kanyang pamilya. Bilang manggagawa hindi siya tumatanggap ng bayad, at ang damit na kabayaran ay sapat na sa kanya. Isang araw, natuwa ang kanyang Panginoon sa kaniyang ginawa kaya binigyan siya ng sampung krans. Pinagbakasyon si Abdul Karim kaya napagdesisyunan niya at ng pamilya na pumunta si Abdul sa siyudad ng Meshed upang doon ay bumili ng mga bagay na gusto ng pamilya. Nagpaalam si Karim na pumasok sa mosque upang manalangin at mag-alay ng dalawang krans sa banal na libingan. “Sinasayang ko lang ang oras ko sa pakikipag-usap. Mainam na lisanin mo na ang tindahang ito. Umuwi kana at huwag nang babalik pa,” ang wika ng katulong. Hindi nabili ni Abdul Karim ang seda ng asawa pati na mga laruan at gintong tsinelas ng anak. Sa halip umuwi siyang bigo. Nakasalubong niya ang pulubing nanghingi ng limos at nagwikang, “Ang sinumang naglilimos sa mahirap, inaabutan ang Panginoon at ang isang 6 katiyakan, susuklian siya ng Panginoon ng sandaang balik.” Sinagot siya ni Abdul, “Tanging sa iyo lamang ako maaaring makipagsundo. Kaya ibinigay niya ang natitirang walong krans. Nabalitaan ng Panginoon ang lahat na kinasangkutan ng manggagawa. Hinagupit ng mga alipin ng Panginoon si Abdul nang sandaang ulit. Inutusan itong maghukay sa kabukiran hanggang sa lumabas ang tubig. Nakahukay siya ng batong kumikinang at itinago ang mga ito at hindi binanggit kanino man. Bumalik siya sa Meshed upang doon ipagbenta ang mga butil na bato sa alahero. Mayamaya kasamang dumating ang namamahala ng shop at daan daang sundalo upang hulihin siya. Habang nangyayari ang mga ito, napanaginipan ng hari ng tatlong sunod-sunod na gabi ang Banal na Propeta na proteksyunan at alagaan ang kanyang kaibigan. Nagkalakas ng loob ang hari sa ikatlong gabi na tanungin kung sino ang kaibigan ng Propeta. Humingi ng tawad sa hari si Abdul Karim at nakiusap na palayain ang kanyang asawa at anak. Sa narinig ng hari agad siya nitong pinatayo at nagwika, “Naparito ako upang bigyan ka ng dangal at hindi upang patayin. Ibabalik kita sa inyong lalawigan hindi bilang isang bilanggo kundi bilang gobernador.” Halaw mula sa kuwento”Ang Kayamanan ng Hari” Isinulat ni Hebry Altemus Isinalin ni June Cesar Macabio 25. Anong uri ng tunggalian ang binasang kwento? a. tao laban sa tao b. tao laban sa sarili c. tao laban sa lipunan d. tao laban sa kalikasan 26. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapahayag ng isang tunggalian? a. Daan daang sundalo ang dumating upang hulihin si Adbul Kiram. b. Umuwi Si Abdul Kiram sa kanyang pamilya at ibinalita ang natanggap na pera. c. Natuwa ang Panginoon kay Abdul Kiram kaya siya binigyan ng sampung krans. d. Pumunta si Abdul sa siyudad ng Meshed upang doon ay bumili ng mga bagay na gusto ng pamilya. 27. Alin sa ibaba ang pahayag na nagsasaad ng kaganapang may kaugnayan sa tunggaliang tao laban sa tao? a. Hinagupit ng mga Alipin ng Panginoon si Abdul Kiram nang sandaang ulit. b. Inutusang maghukay sa bukid si Abdul Kiram, at itinago ang mga bato at hindi binanggit kaninoman. c. Dahil sa nasiyahan ang Panginoon sa paghuhukay ni Abdul Kiram kaya ginantimpalaan siya ng bakasyon. d. Hinagupit ng mga alipin si Abdul Kiram at inutusang maghukay sa kabukiran hanggang sa may lumabas na tubig. 28. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang kaganapang tao laban sa tao, at tao laban sa sarili? Piliin ang sagot na nagpapatunay ng tamang hanay ng mga pahayag batay sa akda. a. Nagalit kay Abdul ang Panginoon at pinaghukay ng balon, kaya hindi na lamang siya nagsalita. b. Inutusang maghukay si Abdul sa bundok hanggang sa lumabas ang tubig at tuluyan niyang ibinaun ang nahukay na mga bato sa lupa. c. Hinagupit ng mga alipin si Abdul at inutusang maghukay sa bundok, at ng makakita ng mga bato itinago at hindi pinaalam pa kahit kanino. d. Nakahukay siya ng batong kumikinang at itinago ang mga ito at hindi binanggit kaninoman, kaya hinagupit siya ng mga alipin ng Panginoon. 7 Ang kran ay nagmula sa salitang barya o pera. Ito ang pangunahing pera ng Persia mula noong 1826-1932. Ang isang pilak na barya ay kumakatawan sa isang krans. Halaw mula sa: https://www.merriam-webster.com/dictionary/krans 29. Ang salitang krans ay nagmula sa salitang barya o pera, kung gagamitin natin ang salitang pera bilang paksa sa pangungusap, alin sa pangungusap sa ibaba ang may tamang paggamit nito? a. Ang pera ay mahalaga sa buhay ng tao. b. Binigyan siya ng pera pambili ng pagkain. c. Siya ay maraming pera dahil sa pagsusumikap sa trabaho. d. Hindi matutumbasan ng pera ang pagmamahal ng magulang. 30. Ang salitang kran ay nagmula sa salitang barya o pera, mula sa pinagmulan ng salitang ito, nanatili pa ba ang kran sa kasalukuyang panahon bilang pambilin ng mga pangangailangan ng mga tao? a. Oo, dahil kahit sa modernong panahon, marami pa ring tao ang gumagamit ng barya o pera para sa maliliit na transaksyon tulad ng pagbili ng pagkain sa palengke at pamasahe. b. Oo, dahil mas madali ang paggamit ng barya o pera kaysa sa mga digital na pamamaraan sapagkat may iilan pa ring mga tao na hindi marunong sa modern paraan ng pagbayad. c. Hindi, dahil karamihan ng mga tao ay gumagamit na ng digital na paraan ng pagbabayad tulad ng credit at debit card. d. Hindi, dahil ang halaga ng barya o pera ito ay unti-unti ng nawawala sa serkulasyon at ito ay nakaimbak na lamang sa mga bangko bilang koleksyon. 31. Sa iyong sariling pananaw, bakit mahalagang matukoy ang pinagmulan ng isang salita? a. upang nararapat ba itong hiramin at gamitin ang bawat salitang nabigyan ng kahulugan batay sa pinagmulan at pinag-ugatan nito. b. upang mabibigyan ng konteksto’t pagpapakahulugan ang bawat salita at magamit ito sa wastong pakikipag-usap at pakikipag-unawaan sa kapwa. c. upang malaman ang pinagmulan ng bawat salita sa iba’t ibang lugar at mabigyan ito nang iimportansya lalo na sa makabago at kasalukuyang panahon. d. upang malaman at maunawaan ang kasaysayan ng bawat salita, ang paglago, pagbabago, ang kahulugan at kung paano nabuo ang iba't ibang wika sa mundo 32. Naniniwala ka ba na may taong katulad sa pahayag na “Bilang manggagawa hindi siya tumatanggap ng bayad”? a. Hindi, dahil ang katangiang ito ay sa mga kwento lamang makikita. b. Oo, totoong may mga taong handa kapag sila ay hinihingan ng tulong. c. Hindi, dahil lahat ng ating gagawin ay kailangang may kaukulang bayad. d. Oo, may mga taong tunay na inihahandog ang kanilang serbisyo sa kapwa. 33. Ano ang dapat na pinakamabuting ginawa ni Abdul Karim sa perang ipinagkaloob sa kanya ng hari? a. Ang ibili ang lahat na kahilingan ng kanyang asawa at mga anak. b. Ang umuwing mabigo dahil hindi nabili ang kahilingan ng kanyang asawa at mga anak. c. Ang maniwala sa pari at ialay ang mga kayamanan sa mosque at magkaroon ng gantimpala sa huli. d. Ang ialay ang natitirang pera sa pulubi na may pananalig nang buong puso sa Panginoon sa pagpapalang darating kapag nagtiwala sa kanya. 8 34. Nabanggit sa akda na inutusan ng hari na gawing gobernador ng isang lalawigan, si Abdul Karim, sa palagay mo ano ang maaaring magawa ng isang katulad ni Abdul na hindi dumaan sa tamang proseso ng pagpili para magampanan niya ang tungkulin ibinigay sa kanya bilang pagka-gobernador? a. Magtiwala sa sarili lamang gaya ng pagtitiwala ng taong naglagay sa iyo sa posisyon na buong puso. b. Walang mahirap gawin sa taong pursigedong matuto basta wala kang inaapakang iba ay ayos na. c. Pag-aaralan nang mabuti ang batas at magtiwala sa sariling kakayahan katulad ng pagtitiwala ng taong naglagay sa iyo. d. Humingi ng payo sa mga karanasan ng iba at sundin anumang inuutos nila upang makamit ang inaasahang mga plano sa hinaharap. 35. “Sinasayang ko lang ang oras ko sa pakikipag-usap. Mainam na lisanin mo na ang tindahang ito. Umuwi kana at huwag nang babalik pa,” ang wika ng katulong. Ano ang mabubuong angkop na pahayag upang higit na maunawaan ang sinabi ng katulong sa akda? a. Lisanin mo na ang tindahang ito, umuwi kana at huwag nang babalik, sinasayang ko lang ang oras ko sa pakikipag-usap. b. Mainam na lisanin mo na ang tindahang ito, umuwi kana, sinasayang ko lang ang oras ko sa iyo, huwag ka nang babalik. c. Sinasayang ko lang ang oras ko, mainam na lisanin mo na, umuwi ka na, huwag nang babalik pa. d. Umuwi ka na, sinasayang ko lang ang oras ko sa iyo, mainam na lisanin mo na ang tindahang ito, huwag ka nang babalik pa. 36. Si Abdul Karim ay inutusan na maghukay sa kabukiran hanggang may lumabas na tubig ______ nakahukay siya ng batong kumikinang, anong angkop na hudyat ng pang-ugnay ang angkop na gamitin sa pangungusap? a. sa dulo c. ikalawa b. sa umpisa d. maya-maya 37. Sa pahayag na “Sa huli humingi ng tawad si Abdul Karim at nakiusap na palayain ang kanyang asawa at mga anak” sa paanong paraan ginamit ang ang hudyat na sa huli? a. sa huli ang ginagamit na hudyat sa pahayag sapagkat ito ay nararapat na gamitin sa mga pangyayari. c. sa huli ang ginagamit na hudyat sa pahayag upang maintindihan ng mga mambabasa ang daloy ng mga pangyayari. b.sa huli ang ginagamit na hudyat sa pahayag sapagkat ito ay nagsasalaysay sa pagwawakas na detalye ng mga pangyayari. d.sa huli ang ginagamit na hudyat sa pahayag upang mapalawak ang kaalaman ng mga mambabasa sa mga mahahalagang pangyayari. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay Diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kanyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya. Halaw mula sa: Epiko ni Gilgamesh (Babylonia Iraq) (Isinalin ni Manuel A. Torres) 9 38. Aling pangyayari sa akda ang nagpapatunay sa negatibong katangian ni Gilgamesh bilang isang hari? a. Mabagsik at mapang-abusong hari si Gilgamesh sa mga tao na kanyang pinamamahalaan. b. Ang dalawa ay naglakbay patungo sa kagubatan, napatay nila ang halimaw at pinutol ang ipinagbabawal na puno. c. Si Gilgamesh ang hari nararapat lamang na sa kaniya mapunta ang pagkadalaga ng isang babae sa araw ng kanyang kasal. d. Nagpambuno ang dalawa hanggang sa natalo ni Gilgamesh si Enkidu na tinanggap naman niya at huli’y nagyakap ang dalawa at naging matalik na magkaibigan. 39. “Nahanap ni Gilgamesh ang halaman na nakapagpapabata, subalit ninakaw ito ng isang ahas isang gabi habang sila’y nagkakampo”. Sa tingin mo, katangian nang ahas ang kahalintulad sa paninaniniwalaan ng mga Pilipino? a. magnanakaw c. tamad b. traydor d. malupit 40. Bakit kaya naging mayabang at mapang-abuso si Gilgamesh sa unang bahagi ng epiko? a. Ito ang nararapat na gawain ng isang hari o lider sa isang lugar. b. Masyadong mahirap ang maging hari kaya dapat ipakita ang iyong bagsik. c. Iniisip ni Gilgamesh nararapat lamang na siya ang masusunod dahil siya ang hari. d. Lumaki siyang ito ang pinaniniwalaan niyang tama para sa kanyang nasasakupan. 41. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig sa pagpapahalaga ng anak sa kanyang ina? a. Niyakap ni Gilgamesh ang bato subalit tumutol ang kanyang ina. b. Ang ina ni Gilgamesh ay isang diyos na, ang bathalang si Rimat-ninsun. c. Pagkatapos ng kanyang panaginip ay tinanong ang ina at sinunod niya ito. d. Palaging sumusunod si Gilgamesh sa kanyang ina sapagkat isa itong makapangyarigang bathala. 42. Bakit kay bathala humihingi ng tulong ang mga tao sa epiko? a. Ang bathala ang nagsisilbing pinuno sa mga tao. b. Masamang magalit ang bathala kaya kinatatakutan ito. c. Ang bathala ang natatanging makapagbibigay parusa sa mga tao. d. Lubos ang pananalig ng mga tao sa kanilang bathalang tagapaglikha. 43. “Ang mga tao ay humingi ng tulong kay Anu ang punong bathala ng kanilang lungsod”. Anong pananampalataya ang masasalamin dito? a. Madasalin ang mga tao sa epiko. b. Ang mga tao ay naniniwala kay bathala. c. Palaging humihingi ang mga tao kay bathala. d. Binibigyan nila ng halaga ang kanilang bathala. 10 44. Anong kabutihan ang masasalamin sa “Nagalit si Enkidu nang malaman ang pang-aabuso ni haring Gilgamesh kaya’t tumayo siya sa harap ng pinto ng mag- asawa upang pigilan si Gilgamesh”. a. Sa isip ni Enkidu ay mayroong kaukulang hustisya sa mga taong inaapi ng kanilang hari. b. Hindi nagpapatalo si Enkidu sa kahit na sino mang taong kanyang makakaharap. c. Handang ipagtanggol ni Enkidu ang naaapi kahit na maging kapalit ang kanyang buhay. d. Si Enkidu ay may ginintuang puso na palaging tumutulong sa mga taong nangangailangan. 45. “Nagpambuno ang dalawa hanggang sa natalo ni Gilgamesh si Enkidu na tinanggap naman niya at huli’y nagyakap ang dalawa at naging matalik na magkaibigan”. Sa tingin mo anong kultura ang masasalamin dito? a. Ipaglaban ang sarili sa mga taong nang-aapi sa iyo. b. Kailangang matuto tayong magpatawad sa mga taong nagkasala sa atin. c. Walang kahihinatnan ang pakikipag-away at pakikipaglaban, dapat itong iwasan. d. Tanggapin kung ikaw ay natalo at ang gawing kaibigan ang minsan mong naging kaaway. Sa tindi ng pagdadalamhati ni Gilgamesh sa pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan at sa takot niya sa sariling kamatayan, nagtungo siya sa dagat at tubig ng kamatayan patungo sa kay Utnapishtim tinaguriang Noah ng Mesopotamia. Iginiit ni Gilgamesh na payagan din siyang mabuhay nang walang hanggan. Mamamatay ang mga tao subalit hindi ang sangkatauhan. Halaw mula sa: Epiko ni Gilgamesh (Babylonia Iraq) (Isinalin ni Manuel A. Torres ) 46. Batay sa pahayag na “sa pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan at sa takot niya sa sariling kamatayan”, naniniwala ka bang may mga taong natatakot sa sariling kamatayan? a. Oo, may mga taong sobrang nalulungkot kapag namatay ang kanilang matalik na kaibigan. b. Oo, hindi maiiwasang may taong natatakot at hindi handa kapag kamatayan ang pag-uusapan. c. Hindi, sapagkat ang mga tao ay matatapang upang harapin ang kahit na anuman sa buhay. d. Hindi, sapagkat walang makakapagsabi kung kailan at saan magaganap ang kamatayan ng isang tao. 47. Piliin sa ibaba ang nagpapatunay ng di-makatotohanang pangyayari. a. Isang bato ang lumabas sa kanyang bibig. b. Ang buhay ng tao ay hindi palaging masaya. c. May bulalakaw na nahulog mula sa kalangitan. d. Ang tunay na kaibigan ay nandiyan kung kinakailangan 48. Sa paanong paraan mapapatunayan na ang mga pangyayari sa akda na nagsasaad ng makatotohanan o di-makatotohanan? 11 a. Mapapatunayan ang mga pangyayari na makatotohanan kung nagpapahayag ito ng masidhing emosyon. b. Mapapatunayan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opinyon o hinuha ng mga pangyayari. c. Makatotohanan ang pangyayari sa akdang binasa kung ito ay nangyayari sa totoong buhay ng tao hindi na man makatotohanan ang pangyayari kung walang katuturan ang mga pangyayari. d. Mapapatunayan ang pangyayari kung ito ay makatotohanan kung nagpapakita ng sapat nadahilan at suportado ng katwiran at hindi na man makatotohanan ang pangyayari kung walang basehan at hindi suportado ng katwiran. 49. “Dahil sa kanyang pang-aabuso” Ano ang kasalungat sa salitang may salungguhit? a. pag-aaruga c. pagkamalikhain b. pagkamatulungin d. pagkamapagkumbaba 50. “Iginiit ni Gilgamesh na payagan din siyang mabuhay nang walang hanggang.” Anong katangian ang ipinapahiwatig dito? a. Nais niyang maging hari habang buhay. b. Malaki ang takot si Gilgamesh sa kamatayan. c. Ayaw niyang matulad sa kaibigan na mamamatay. d. Buhay na walang hanggan ang tunay na tagumpay. ____________________________________________________________________________________________ Binabati Kita! Natapos mo ang Pasulit! ____________________________________________________________________________________________