Filipino 7, Q4, Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
DepEd
Tags
Related
- Mga Detalye ng Kurso sa Komunikasyon at Pananaliksik (PDF)
- Iba't Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin (Fil9_Q1)
- Filipino sa Iba't ibang Disiplina PDF
- Filipino Reviewer Q2 - Pagsusuri ng Iba't Ibang Elemento ng Tula
- FILIPINO 102 PDF - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
- Filipino Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto PDF
Summary
This Filipino 7 module from DepEd details the historical context of the Ibong Adarna. It discusses the characteristics of Korido, and examines the author's motivations in composing the story, especially in the context of the Spanish colonial period.
Full Transcript
7 Filipino Ikaapat Na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan Ng Ibong Adarna CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Filipino – Baitang 7 Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Unang Edisyon, 2020...
7 Filipino Ikaapat Na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan Ng Ibong Adarna CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Filipino – Baitang 7 Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Virgilina L. Cabaylo Editor: Mylene S. Arzadon Tagasuri: Lelita A. Laguda / Sally A. Palomo Tagaguhit: Ihryn T. Jaranilla Tagalapat: Guinevier T. Alloso Jerson Rod A. Acosta Tagapamahala: Allan G. Farnazo Fiel Y. Almendra Rommel G. Flores Mario M. Bermudez Gilbert B. Barrera Arturo D. Tingson Jr. Peter Van C. Ang-ug Leonardo Mission Juliet F. Lastimosa Sally A.Palomo Greogorio O. Ruales Lelita A. Laguda Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XII Office Address: Department of Education – Region XII Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email Address: depedroxii.org Email: [email protected] 7 Filipino Ikaapat Na Markahan Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan Ng Ibong Adarna Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Magandang araw, kaibigan! Ikinagagalak ko ang iyong determinasyon sa iyong pag- aaral. Alam kong marami ka nang natutuhan sa mga aralin para sa Ikaapat na Markahan. Nabasa mo na ba ang Ibong Adarna? O marahil ay may narinig ka nang kuwento sa isang mahiwagang ibon na ang awit ay makapagpapagaling ng may sakit. Sa modyul na ito ay matutuhan mo ang pinakamahalagang kasanayan sa pampagkatuto na: 1. Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido”. (F7PT-IVa-b-18) 2. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda. (F7PB-IVa-b-20) Alam kong nasasabik ka na para matunghayan at makita ang susunod na aralin. Kaya, handa ka na ba, kaibigan? 1 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Subukin Bago ka magpatuloy, subukin muna natin ang inyong kakayahan tungkol sa bagong aralin na ating tatalakayin. Ang mga tanong na ito ay susuri sa iyong talas at lawak ng isip tungkol sa korido. Tama o Mali Panuto: Basahin ang pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung TAMA ang pangungusap at M naman kung MALI. _____1. Ang korido ay maikling tulang pasalaysay. _____2. Ang korido ay tulang may sukat at tugma. _____3. Ang korido ay tungkol sa pakikipagsapalarang posibleng maganap sa tunay na buhay. _____4. Kapag sinabing may sukat ang tula, pare-pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. _____5. Sinasabing di-tiyak ang sukat ng tula kapag hindi pare-pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. _____6. Magkatugma ang mga salitang pusa at puso dahil parehong may impit na tunog sa dulo. _____7. Ang mga tauhan sa isang korido ay karaniwang mga hari at reyna, prinsipe, at prinsesa at iba pang mga mahal na tao. _____8. Magkatugma ang mga salitang lawiswis at pagaspas dahil parehong ang dulong tunog. _____9. Magkakatugma ang mga salitang taksil, sutil, at bilbil. _____10. Ang Ibong Adarna ay isang korido. _____11. Ginagamit ang Ibong Adarna sa Pilipinas bilang instrumento upang maipakita ang magagandang kaugalian at kultura ng mga Espanyol. _____12. Isa sa mga natatanging kaugalian at pagpapahalagang Pilipinong masasalamin sa akdang Ibong Adarna ay ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos. _____13. Ang korido ay binibigkas sa pamamaraan ng pakantang pagpapahayag nito. _____14. Ang korido ay mabagal ang himig o tinatawag na andante. _____15. Ang korido ay mabilis ang himig o tinatawag na allegro. 2 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Aralin Kaligirang Pangkasaysayan ng 1 Ibong Adarna Balikan Binabati kita, kaibigan sapagkat natapos mong sagutin ang unang pagsubok. Nabasa mo na ba ang Ibong Adarna? O marahil ay may narinig ka ng kuwento tungkol sa isang mahiwagang ibon na ang awit ay nakapagpapagaling ng maysakit. Ang kaligirang kasaysayan tungkol sa mahiwagang ibon at ang tatlong mararangal na prinsipe ang magiging daluyan ng mga kasanayang inaasahang matamo sa modyul na ito. Inaasahang matutuhan mo kung paano makilala ang korido at masuri ang Ibong Adarna batay sa tiyak na katangian at pamantayan tulad ng sukat at tugma at maging ang motibo ng may akda sa pagsulat nito. Ngunit bago tayo magpapatuloy ay balikan muna natin ang nakaraang aralin tungkol sa Balita. Tingnan natin kung masasagot mo ang gawaing ito. Panuto: Tukuyin kung anong pamamaraan nang pagbabahagi ng isang balita ang bawat aytem na nasa ibaba. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa sagutang papel. pasalita pasulat pampaningin ____________1. Kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at sa iba pang uri ng babasahin. ___________2. Kung ang midyum na ginamit ay ang telebisyon at sine. ___________3. Kung ang ginamit na midyum ay ang radio at telebisyon. 3 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Tuklasin Sa pagkakataong ito, kaibigan, sagutin mo ang mga pagsasanay sa ibaba. Gawain A. Panuto: Kopyahin ang graphic organizer sa sagutang papel. Isulat sa bawat bilog ang iyong mga hinuhang salita na may kaugnayan sa katangian ng korido. __ __ Korido __ __ 4 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Gawain B. Panuto: Kopyahin ang graphic organizer sa sagutang papel. Isulat sa bawat bilog ang iyong mga hinuhang salita na may kaugnayan sa motibo ng may-akda sa pagsulat ng Ibong Adarna. __ Motibo __ ng May- akda __ __ 5 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Suriin Alamin natin… ANG KORIDO AT ANG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG IBONG ADARNA Ang korido ay isang mahabang tulang pasalaysay. Ito ay pinaniniwalaang nakapasok sa Pilipinas noong 1600 sa pamamagitan ni Miguel Lopez de Legaspi. Ito ay lumaganap sa panahon pa ng Espanyol subalit hanggang ngayon ay patuloy na binabasa at pinag-aralan ng mga kabataang Pilipino dahil sa kariktang taglay at sa mga pagpapahalagang maaring kapulutan ng mga aral sa buhay maging ng kabataan sa makabagong panahon. A. Ang mga Katangian ng Korido 1. May sukat at tugma. Sinasabing may sukat ang tula kung pare-pareho ang bilang ng pantig ng mga salitang bumubuo sa bawat taludtod o linya ng tula. Bilangin mo nga ang mga pantig sa unang saknong ng Ibong Adarna: O Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa layo’y di malihis. Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod? Walo,‘di ba? Pare-parehong walo ang pantig sa bawat taludtod. Kapag korido ang pinag-uusapan, laging walong pantig ang mayroon sa bawat taludtod. May tugma naman kung ang mga dulong pantig ng salita sa bawat taludtod o linya ay magkakapareho ng tunog. Balikan mo ang saknong sa itaas. Ano ang dulong pantig ng mga salita sa dulo ng bawat taludtod o linya? Ito ay ang kaibig- ibig, langit, isip, at malihis. Ano ang dulong tunog? Hindi ba’t /big/, /ngit/, /sip/, at /his/. Tandaan, magkakatugma ang mga katinig na g, t, p, at s pero pansinin mo rin na ang patinig bago ang mga dulong tunog na nabanggit ay pawang i. Kung hindi magkapareho ang huling patinig, hindi masasabing magkatugma ang dalawang salita. Tandaan, sa pagsusuri ng tugmaan, ang tunog ng huling pantig ng bawat dulong salita sa bawat linya o taludtod ang dapat mong sundan. 6 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 2. Ito’y sadyang para basahin, hindi awitin. 3. Kapag inawit, mabilis ang himig o allegro. Ito ay dahil maiikli ang mga taludtod; wawaluhing pantig lamang. 4. Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural, o may kakayahang magsagawa ng mga kababalaghang hindi kayang gawin ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok sa isang magdamag lamang. 5. Malayong maganap sa tunay na buhay ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan. Ang Ibong Adarna ang itinuturing na pinakapopular na korido. Ayon kay Pura Santillan Castrence (Publikasyon Blg. 26, Surian ng Wikang Pambansa, 1940), ang kuwento ng mahiwagang ibong ito ay maaaring hinango sa mga kwentong- bayan ng ibang bansa, gaya ng Germany, Denmark, Romania, Finland, Indonesia at iba pa. B. Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Mahalagang maunawaan ang ilang mga paliwanag o palagay sa kung sino ang may- akda ng iyong babasahing korido gayundin ang pagkakahawig ng balangkas nito sa iba pang kuwentong-bayan sa Europa dahil pinaniniwalaang ito ay nagmula sa kuwentong- bayang Europeo. Sa pag-unawa sa nilalaman ng bahaging ito, maaari mong panoorin ang sumusunod na bidyo upang higit na maunawaan ang aralin. Maaari mong kopyahin at itipa sa iyong device ang sumusunod na link: 1. Pala-palagay sa May-akda ng Ibong Adarna https://youtu.be/vB69bT5BfDU 2. Siklo at Disenyong Pokloriko ng Ibong Adarna https://youtu.be/PH0rWK9woNA C. Ang Ibong Adarna Bilang Isang Korido 1. Sinasabi ng mga folklorists na ang kuwentong-bayan, saan mang dako ng daigdig ay sadyang may pagkakahawig, may isang motif o sinusunod na balangkas. Gayon man, nagkakaiba ang mga detalye dahil sa kultura at mga pagpapahalaga ng partikular na bansang bumuo nito. Samakatuwid, kahit ang mga prinsipe at prinsesa mula sa malalayong bayan ang mga bida sa korido, kitang-kita pa rin sa mga kilos, pananalita, at paniniwala ang kanilang pagka-Pilipino. Mapapatunayan ito sa pag-aaral ng Ibong Adarna. May paraan ng pagsisimula ang isang korido sa isang panawagan o sa isang paghahandog na karaniwan ay sa isang patrong pintakasi. Mayroon bang patrong pintakasi sa inyong lugar? Sa koridong ito, sino kaya ang patrong pinipintakasi? 7 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 1 O, Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa iyo’y di malihis. 2 Ako’y isang hamak lamang taong lupa ang katawan, mahina ang kaisipan at maulap ang pananaw. 3 Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay pahidwa. 4 Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa baka kung mapalaot na ang mamangka’y di makaya. 5 Kaya, Inang matangkakal, ako’y iyong patnubayan, nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay. Ganito ang karaniwang simula ng korido, ang paghingi ng makata ng patnubay sa Birhen upang hindi magkamali sa gagawing pagsasalaysay. Ideyang relihiyoso ito. Karaniwan din na ang bidang nagtatagumpay sa pakikipagsapalaran ay iyong madasalin, hindi nakalilimot sa Diyos, at maawain sa kapuwa. Ang mga ganitong katangian ay sa kadahilanang sa Panahon ng Pananakop ng mga Kastila naging tanyag ang korido sa Pilipinas. Ano ang isa sa mga dahilan ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas? Kung ang sagot mo ay upang magpalaganap ng kaisipang Kristiyano, tama ka. Kaya nga ang korido at iba pang anyong pampanitikan sa Panahon ng Pananakop ng mga Kastila ay temang relihiyoso. Bahagi ng kulturang Pilipino ang pagdarasal sa tuwi-tuwina, maging ang tinatawagan ay ang Panginoong Diyos, si Yahweh, o si Allah. 2. Naging isang mabisang behikulo ang panitikan upang mabilis na mapalaganap ang relihiyong Katolisismo sa bansa. Isa sa pinakatanyag na uri ng panitikan ay ang 8 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 korido kung saan ang mga ito ay kalimitang pumapatungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihang karaniwang kinakasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa at mga maharlikang tao na ang pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kaniyang mataimtim na panalangin at matiyagang pagtawag sa Diyos. 3. Bagama’t itinuturing na nagmula o halaw sa ibang bansa ang akdang ito, sinasabi ng maraming kritiko na umaangkop naman sa kalinangan at kultura ng Pilipino ang nilalaman nito. Masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal, mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya, paggalang sa nakatatanda, pagtulong sa mga nangangailangan, mataas na pagtanaw ng utang na loob, pagkakaroon ng tibay ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay, at marami pang iba. Pagyamanin Bilang isang kabataan, nararapat lamang na maghanda ka sa pagharap sa iba’t ibang karanasan at pakikipagtungggali sa buhay. Bago ka magsimula sa pagtuklas ng pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa Ibong Adarna, atin munang subukin ang kakayahan mong ipamalas ang iyong kaalaman sa katangian ng korido sa pamamagitan ng mga gawain sa ibaba. Gawain A. Panuto: Kumuha ng larawan ng iyong pinagkakaabalahan ngayong panahon ng pandemya at ipaliwanag ang iyong larawan sa pamamagitan ng isa hanggang dalawang saknong ng korido. Ilagay ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. Larawan Ang Iyong Korido 9 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan (10) (8) (6) ng pagsasanay (4) Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at literal makahulugan ang makahulugan ang lalim ang kabuoan ang kabuoan ng kabuuan ng korido. kabuuan ng korido. ng korido. korido. Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang simbolismo/pahiwatig simbolismo/pahiwatig simbolismo na pagtangkang ginawa na nakapagpagpaisip na nakapagpagpaisip nakalito sa upang makagamit sa mga mambabasa. sa mga mambabasa. mambabasa. Ang ng simbolismo. Piling-pili ang mga May ilang piling mga salita ay di- salita at pariralang salita at pariralang gaanong pili. ginamit. ginamit. Gumamamit ng May mga sukat at May Walang sukat at napakahusay at tugma ngunit may pagtatangkang tugma kung may angkop na angkop na bahagyang gumamit ng sukat naisulat man. sukat at tugma. inkonsistensi. at tugma ngunit halos walang konsistensi ang lahat. Gawain B. Panuto: Lagyan ng ekis (X) ang mga terminong hindi naglalarawan sa korido bilang anyo ng panitikan. 1. Dala ng Kastila 6. Makatotohanang pangyayari 4. Binabasa nang mabagal 7. Tuluyan 3. Walang sukat 8. Walong saknong 4. Walang pantig 9. May sukat at tugma 5. Apat na taludtod 10. Walang tugma 10 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Isaisip Mahusay, kaibigan! Ikinararangal ko ang iyong sipag at tiyaga sa pag-aaral. Ipagpatuloy mo lamang ang ganiyang gawi sa pagsagot ng sumusunod na gawain sa ibaba. Gawain A. Panuto: Bago ka magpatuloy sa modyul na ito, kompletuhin mo ang mga pangungusap upang mabuo ang diwa ng talata. Ang korido ay … _____________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________. Ang mga katangian ng isang korido ay … 1.___________________________________________________________________________ 2. __________________________________________________________________________ 3. __________________________________________________________________________ 4. __________________________________________________________________________ Gawain B. Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot sa sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. Tanong Sagot 1. Ano ang kaugnayan ng Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pagiging tanyag ng Ibong Adarna sa ating bansa? 2. Bakit nangingibabaw ang paksa ng “pakikipagsapalaran” sa Ibong Adarna? Ano ang sa tingin mong nais na iparating ng hindi pa nakikilalang may-akda sa kaniyang mga mambabasa? 11 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 3. Sa iyong palagay, paano nakaapekto ang panahon kung kailan naging tanyag ang Ibong Adarna sa Pilipinas sa mga Pilipino? PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA Wastong gamit ng salita/wika (baybay, bantas, estruktura ng pangungusap) 5 puntos Paraan ng pagtalakay ng paksa at lohikal na pagkakaayos ang daloy ng ideya 5 puntos Lalim at lawak pagtalakay sa paksa 5 puntos Kabuoang Puntos 15 puntos Isagawa A. Panuto: Gamit ang iyong kaalaman tungkol sa natatanging katangian at pagpapahalaga ng akdang “Ibong Adarna”, sumulat ng isang talata na naglalahad ng iyong saloobin ukol sa pangangailangan sa sumusunod na paksa at pagpapahalaga sa kasalukuyang panahon. Paglutas sa mga sa mga Pagsubok sa Buhay _________________________________________________ 1 _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ 12 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Pagmamahal sa Magulang _________________________________________________ 2 _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ Paggalang sa Nakatatanda 3 _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ Pananampalataya 4 _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ 13 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Pagtulong sa Nangangailangan _________________________________________________ 5 _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ Pamantayan ng Pagwawasto ng Talata Pamantayan Puntos 5 4 3 2 1 Balarila Wastong gamit ng salita/wika (baybay, bantas, estruktura ng pangungusap) Hikayat Paraan ng pagtalakay ng paksa at lohikal na pagkakaayos ang daloy ng ideya Nilalaman Lalim at lawak pagtalakay sa paksa Kabuoang Puntos 5- Mahusay 2- Nagsisimula 4- Natugunan 1- Sadyang Di-mahusay 3- Umuunlad 14 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Tayahin Panuto: Kilalanin ang mga katangian ng korido mula sa pagpipilian. Lagyan ng tsek (/) ang lahat na tumutukoy sa tumpak na katangian nito. Samantala, isulat ang ekis (X) kung hindi. Ang korido ay… _______1. Binubuo ng walong (8) pantig sa isang taludod at apat na taludtod sa isang saknong. _______2. Binubuo ng 12 pantig sa isang taludtod sa isang saknong. _______3. Mabagal ang himig o iyong tinatawag na andante. _______4. Mabilis ang himig na yong tinatawag na allegro. _______5. Pumapaksa sa mga bayani at mandirigma at larawan ng buhay. _______6. Pumapaksa sa pananampalataya, alamat, at kababalaghan. _______7. May taglay na kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghang hindi nagagawa ng karaniwang tao ang mga tauhan. _______8. Walang taglay na kapangyarihang supernatural ang mga tauhan ngunit sila ay nahaharap din sa pakikipagsapalarang higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay. _______9. Naging isang mabisang behikulo ang panitikan upang mabilis na mapalaganap ang relihiyong Protestante sa bansa. _______10. Pumapatungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihang karaniwan ay isang patrong pintakasi. ________11. Nagsisimula sa isang panawagan o sa isang paghahandog na karaniwan ay isang patrong pintakasi. ________12. Sumasalamin sa natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal. ________13. Lumaganap sa panahon ng mga Amerikano. ________14. Karaniwang hango sa balangkas o siklo ng kuwentong-bayang mula sa Europa. ________15. Nagsilbing panitikang pantakas ng mga Pilipino upang makapaglibang sa Panahon ng Pananakop ng mga Kastila. 15 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Karagdagang Gawain Dahil nagawa mo ang lahat ng mga gawain at lubusan mong naunawaan ang ating aralin ay bibigyan kita ng karagdagang gawain na siyang magpapamalas ng iyong kahusayan sa pagsulat at paglikha. Bilang karagdagang gawain, panoorin muli ang bidyo mula sa link na ito: https://youtu.be/vB69bT5BfDU ngunit sa pagkakataong ito ay magtuon sa bahaging 3:25 hanggang 4:03 lamang. Matapos ito, ipaliwanag ang iyong sagot sa tanong mula sa bidyo. Tiyaking ipaliliwanag nang buong husay ang iyong panig. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. Para sa walang kapasidad na mapanonood ang link ng bidyo, narito ang tanong na dapat pagnilayan: Kung mula sa Europa ang Ibong Adarna, malaki ang posibilidad na ang inihahain nitong kultura at konteksto ay maka-Europa, bakit natin ito inaaral at inaangkin bilang isang obra maestrang Filipino? Dapat ba itong palitan ng iba pang panitikan na talagang mula sa atin? Tiyaking ipaliliwanag nang buong husay ang iyong panig. Pamantayan ng Pagwawasto Pamantayan Puntos 5 4 3 2 1 Balarila Wastong gamit ng salita/wika (baybay, bantas, estruktura ng pangungusap) Hikayat Paraan ng pagtalakay ng paksa at lohikal na pagkakaayos ang daloy ng ideya Nilalaman Lalim at lawak pagtalakay sa paksa Kabuoang Puntos 5- Mahusay 2- Nagsisimula 4- Natugunan 1- Sadyang Di-mahusay 3- Umuunlad 16 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 17 Tayahin 1. / 2. X 3. X 4. / 5. X 6. / 7. / 8. X 9. X 10. / 11. / 12. / 13. X 14. / 15. / Tuklasin Pagyamanin B. Subukin Gawain A. Korido 1. 1. T 2. X 2. T Malaya ang guro sa pagpupuntos sa 3. X 3. M ibinigay na hinuhang 4. X 4. T salita ng mag-aaral. 5. 5. T 6. 6. M 7. 7. T 8. X 8. M 9. 9. T Gawain B. Motibo 10. X 10. T ng may akda 11. M Malaya ang guro sa 12. T pagpupuntos sa 13. M ibinigay na hinuhang 14. M salita ng mag-aaral. 15. T Susi sa Pagwawasto Sanggunian: Mga Bagong Pakikipagsapalaran Filipino Grade 7 Modyul 12 https://sites.google.com/a/deped.gov.ph/mylrmds/resources/grade-seven Mga Huling pagsubok Tungo sa Masayang Wakas Filipino Grade 7 Modyul 21 https://sites.google.com/a/deped.gov.ph/mylrmds/resources/grade-seven 18 CO_Q4_Filipino7_Modyul1 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]