FIL102 PPTP MODYUL 2 PDF

Summary

This document is a module on reading and writing in Tagalog. It covers informative and descriptive texts. It includes the purpose, structure, elements, as well as examples of informative and descriptive text genres.

Full Transcript

FIL102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda nina: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda...

FIL102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda nina: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda MODYUL 2 URI NG TEKSTO: IMPORMATIBO AT DESKRIPTIBO Panimula at Deskripsyon Ang modyul na ito ay komprehensibong tumatalakay sa kahulugan at mga uri ng tekstong impormatibo at deskriptibo. Binibigyang diin din dito ang iba’t-ibang uri ng paglalarawan at organisasyon ng teksto. Layunin: Sa katapusan ng mdyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Matukoy ang mahahalagang elemento ng tekstong impormatibo at deskriptibo 2. Makasulat ng halimbawa ng tekstong impormatibo at deskriptibo 3. Magsuri ng mga tekstong impormatibo at deskriptibo ayon sa kaugnayan ng mga ito sa sarili, pamilya, at lipunan. Bago Bumasa 1. Ano-ano ang mga uri ng teksto? 2. Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa mga uri ng teksto sa pagsulat ng pananaliksik? 3. Paano sinusuri ang mga tekstong impormatibo at deskriptibo? Aralin 2 TEKSTONG IMPORMATIBO Ang tekstong impormatibo ay uri ng babasahing di-piksiyon. Isinulat ito sa layuning makapaghatid ng impormasyon sa mga mambabasa. Maari itong mabasa sa mga magasin, mga batayang aklat, mga aklat sanggunian, at iba pa. Iba-iba ang paraan ng pagkakasulat nito depende sa uri ng impormasyong nilalaman nito. Maaari itong nasa wikang madaking maunawaan o wikang teknikal para sa mga dalubhasa o iskolar. Ang iba ay may kasamang biswal na representasyon tulad ng mga talahanayan o grap upang maging mas madali ang pag-unawa sa mga datos na isinasaad ng ganitong uri ng teksto. Layunin ng ganitong teksto na:  Maghatid ng kaalaman  Ilarawan ang anumang bagay na  Magpaliwanag ng mga ideya ipinaliliwanag  Magbigay kahulugan sa mga ideya  Magturo  Maglatag ng mga panuto o direksyon Halimbawa ng mga sulatin o akdang pampanitikan na naglalaman ng tekstong impormatibo:  Mga sangguniang aklat - mga  Komentaryo ensayklopediya, almanak, batayang  Polyeto o brochure aklat, at dyornal  Suring papel  Ulat  Sanaysay  Pananaliksik  Mungkahing proyekto  Artikulo  Balita FIL102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda nina: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo Malaki ang naitutulong sa pag-unawa ng binabasang teksto o materyales kung nalalaman ang kayarian ng katha o ang hulwaran ng organisasyon. Tinutukoy nito kung paano nakaayos ang mga impormasyon sa isang teksto. Madalas gumamit ng isa o ilan sa sumusunod na hulwaran ng organisasyon ang tekstong impormatibo:  Kahulugan  Paghahambing  Pag-iisa-isa  Sanhi at bunga  Pagsusuri  Suliranin at solusyon Kaugnay nito, madalas na nagagamit kapag nagbabasa ng tekstong impormatibo ang kasanayan sa pagkilala ng pagkakaiba ng opinion sa katotohanan at ang kasanayan sa pagbibigay ng interpretasyon ng mapa, tsart, grap, at iba pang grapikong representasyon ng mga impormasyon. Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo Layunin ng may-akda  Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?  Malinaw bang naipakita sa teksto ang layunin ng may-akda na makapagpaliwanag o magbigay impormasyon?  Anong impormasyon ang nais ipaalam ng may-akda sa mambabasa? Mga pangunahin at suportang ideya  Tungkol saan ang teksto?  Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?  Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya? Hulwarang organisasyon  Paano inilahad ang mga suportang ideya?  Ano ang hulwaran ng organisasyon na ginamit sa paglalahaad ng mga detalye sa teksto?  Maayos bang naihanay at naorganisa ang mga ideya gamit ang mga hulwarang organisasyon sa pagbasa? Talasalitaan  Gumamit ba ng mga salita o terminolohiya na di-karaniwang ginagamit sa normal na pakikipagusap at ginagamit lamang sa mga teknikal na usapin? Ano-ano ito?  Matapos mabasa ang teksto, naibigay ba nito ang kahulugan ng mga ginagamit na di-kilalang salita o terminolohiya?  Ano-anong impormasyon kaugnay ng mmga terminolohiyang ito ang tinalakay sa teksto? Kredibilidad ng mga impormasyong nakasaad sa teksto  Bagong kaalaaman o impormasyon ba ang ibinahagi ng teksto?  Kung oo, sapat ba ang mga suportang detalye na tumatalakay sa bagong kaalamang ito?  Nabanggit ba sa teksto ang mga pinagkuhanan ng ideya o impormasyon?  Mula ba sa kilala aat mapagkakatiwalaang materyal ang mga naksaad na impormasyon?  Kaya bang mapatunayan kung gaano katotoo ang impormasyong nakasaad sa teksto? FIL102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda nina: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Impormatibo Maingat ang ginagawang paghahanda sa pagsulat ng tekstong impormatibo. Mahalagang bahagi nito ang pananaliksik upang masigurong pawang mapagkakatiwalaan at totoong impormasyon lamang ang isusulat. Kung magkukulang sa pananaliksik ang manunulat, maaring mga ideyang naaayon lamang sa kaniyang palagay ang maisulat. Kapag nangyari ito, magkakaroon ng problema sa kawastuhan at katotohanan ng kanyang isusulat. Maaari ding masabing ito ay opinyon lamang. Madalas itong makikita sa mga sanaysay at mga komentaryo. Halimbawa ng isang Tekstong Impormatibo FIL102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda nina: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda TEKSTONG DESKRIPTIBO Ang tekstong deskriptibo ay may layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, o ideya, paniniwala, at iba pa. Ginagamit ang paglalarawan sa halos lahat ng uri ng teksto upang magbigay ng karagdagang detalye at nang tumatak sa isipan ng mambabasa ang isang karanasan o imahe ng paksang tinatalakay. Ginagamit ang tekstong deskriptibo bilang pandagdag o suporta sa mga impormasyong inilalahad ng tekstong impormatibo at sa mga pangyayari o kaganapang isinasalaysay sa tekstong naratibo. Maaaring payak lamang ang paglalarawan, o kaya’y mas malinaw na nakapupukaw sa ating limang pandama – paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama – upang maging kongkreto ang paglalarawan sa isip ng mambabasa. Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin na gumagamit ng tekstong deskiptibo:  Mga akdang pampanitikan  Suring-basa  Talaarawan  Obserbasyon  Talambuhay  Sanaysay  Polyetong Panturismo  Rebyu ng pelikula o palabas FIL102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda nina: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Mga Elemento ng Tekstong Deskriptibo May dalawang paraan ng paglalarawan upang makamit ang layon ng tekstong deskriptibo. Karaniwang Paglalarawan - tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay. Halimbawa: Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industriyalisasyon at urbanisasyon, lalo na ang pagbuga ng usok mula sa mga pabrika at mga kotse sa kalsada, at paggamit ng karbon sa halip na mga ligtas na alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Sa Tsina, ang malalaking pabrika at gawaing industriyal ang nagdudulot ng makapal at nakalalasong usok. – Mula sa Asya: Noon at Ngayon nina Alvarez at Ditchella, 2014) Madalas ginagamit ang paglalarawan sa mga pananaliksik tungkol sa teknolohiya, agham, at agham panlipunan. Halimbawa sa siyentipikong pamamaraan, talas ng mata at mapanuring isipan ang puhunan ng isang siyentipiko sa pagsasagawa ng kanilang obserbasyon. Inilalahad naman niya ang naobserbahan sa pamamagitan ng mga pisikal na katangian. Ang mga obserbasyon ang tumutulong sa kanila na makabuo ng mga hinuha. Ginagamit din ang tekstong deskriptibo sa paglalarawan ng mga kurikulum at silabus ng mga kurso sa kolehiyo. Ginagamit din ang tekstong naglalarawan sa pagbuo ng mga misyon at bisyon ng mga samahan, organisasyon, at iba pang institusyon. Bagaman tahasang binabanggit ang mga katangian ng isang paksa sa karaniwang paglalarawan, hindi ito sapat upang lumikha ng malinaw na imahe sa isip ng mambabasa. Masining na Paglalarawan Sa masining na paglalarawan, malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa, at ipadama ang isang bagay, karanasan o pangyayari. Ang masining na paggamit ng wika ay nagagawa sa tulong ng mga tayutay upang ihambing ang isang paksa sa isang bagay na mas malapit sa karanasan o alaala ng mambabasa. Binubuhay ng isang manunulat sa ganitong uri ng teksto ang imahinasyon ng mambabasa. Madalas gamitin ang ganitong diskurso sa mg atekstong pampanitikan kagaya ng mga tula, maikling kwento, nobela, at sanaysay. Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industriyalisasyon at urbanisasyon, lalo na ang pagbuga ng usok mula sa mga pabrika at mga kotse sa kalsada, at paggamit ng karbon sa halip na mga ligtas na alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Sa Tsina kung saan dambuhala at sindami ng kabute ang mga pabrika na dala ng maunlad nilang industriya, halos balutan na ng itim at nakalalasong ulap ang buong siyudad. Ihambing ang siping nasa itaas sa sipi na gumamit ng karaniwang paglalarawan. Pansinin kung paano naging mas matingkad ang paglalarawan nang palitan ang mga pang-uri. Makikita rito kung paano mas maging kongkreto ang paglalarawan ng mga “dambuhala” at “singdami ng kabuteng pabrika”. Malaki ang naitulong ng paggamit ng tayutay upang makamit ito. Page 5 of 10 FIL102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda nina: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Deskriptibo Layunin ng may-akda  Ano ang hangarin ng may-akda sa pagsulat?  Malinaw bang naipakita ang layunin ng may-akda na maipaliwanag o magbigay ng impormasyon? Mga pangunahin at suportang ideya  Tungkol saan ang teksto?  Ano ang pangunahing ideya tungkol sa paksa?  Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?  Paano inilahad ang mga suportang ideya?  Nagsimula ba ang talakay sa maliliit na detalye tungo sa malawak o pangkalahatang ideya o patungo bas a pagiging tiyak ang paghuhulma ng mga detalye? Paraan ng paglalarawan  Ano ang paksang inilalarawan sa teksto?  Paano ito inilalarawan?  Anong uri ng paglalarawan ang ginamit? Ito ba ay payak o masining na paglalarawan?  Anong katangian ng paksa ang binigyang-diin sa paglalarawan?  Kung payak ang paglalarawan, ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang katangiang ito?  Kung masining ang paglalarawan, ano-anong tayutay ang ginamit sa paglalarawan? Impresyong nabuo sa isip  Anong impresyon ang nabuo sa iyong isip batay sa paglalarawan?  Malinaw o kongkreto ba ang imaheng nalikha ng paglalarawan? Anong imahe ito?  Paano nabuo ang imaheng ito gamit ang payak o masining na paglalarawan?  Anong damdamin ang pinupukaw ng paglalarawan?  Ano ang nais ipaabot o layunin ng may-akda sa pagbuo ng gayong impresyon sa iyong isip?  Ano ang halaga ng paglalarawang ito sa kabuuan ng teksto? Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo Bagaman may tinatawag na deskriptibong sanaysay, mas madalas na sumusulat ng tekstong deskriptibo upang magsilbing karagdagan o suportang detalye sa isang sulatin. Mahalagang unang malaman ang layunin ng isinusulat at pag-isipan kung pano makatutulong ang paglalarawan bilang karagdagan o suportang detalye sa mensaheng nais ipabatid. Sa pagsulat ng tekstong deskriptibo, mahalagang pag-isipan kung aling aspekto ng paksang inilalarawan ang sapat nang gamitan ng payak na paglalarawan lamang at alin ang dapat laanan ng masining na paglalarawan. Kung ang aspektong iyon ay nararapat bigyang-diin at nais itatak sa karanasan ng mambabasa, nababgay lamang na ito ay gamitan ng masining na paglalarawan. Kaugnay nito, gumamit lamang ng mga wastong salita na maghahayag ng eksaktong sasabihin. Iwasang maging maligoy sa paglalarawan. Kung payak na paglalarawan ang gagawin, gamitin ang eksaktong pang-uri o pang-abay. Gayundin sa pagbubuo ng masining na paglalarawan, upang mag-iwan ng malinaw na impresyon sa mambabasa. Page 6 of 10 FIL102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda nina: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Makatutulong ang paggamit ng tayutay upang maging malikhain ang paggamit ng wika. A. Ang Simili o Pagtutulad ay tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, at katulad. 1. Kasingningning ng mga bituin ang iyong mga mata. 2. Ang bawat hakbang ng iyong mga paa ay parang isang higante. B. Ang Metapora o Pagwawangis ay tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan ng mga salitang naghahayag ng pagkakatulad. 1. Ang tawa ng bunsong anak niya ay musika sa tahanan. 2. Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib. C. Ang Personipikasyon o Pagsasatao ay tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay. 1. Naghahabulan ang malalakas na bugso ng hangin. 2. Matalinong mag-isip ang bagyo kaya lilihis ito sa ating bansa. D. Hayperboli o Pagmamalabis ay tumutukoy sa eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan. 1. Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang aking kinakaharap. 2. Nagdurugo ang aking utak sa hirap ng pagsusulit na ito. E. Ang Onomatopeya o Paghihimig ay tumutukoy sa paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito. 1. Malakas ang dagundong ng kulog. 2. Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan 3. Umaalingawngaw ang tinig ng asong ulol sa loob ng kweba. Bukod sa pagpipinta ng imahe sa isip ng mambabasa, maaari ding magdagdag ng paglalarawan ng emosyon upang tumagos din sa damdamin ng mambabasa ang inilalarawan. Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo Page 7 of 10 FIL102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda nina: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda HULWARANG ORGANISASYON NG TEKSTO 1. Paglilista o Enumerasyon – Tumutukoy ito sa talaan o listahan ng mga ideya tungkol sa pangunahing ideya. Ang kaayusan ng mga ideya ay maaaring magkapalitan na hindi mababago ang kahulugan. 2. Pagsusunud-sunod. Ang hulwarang pagsusunud-sunod ay mat tatlong uri: 2.1 Sekwensyal – serye ng pangyayari patungo sa kongklusyon (una, ikalawa, kasunod, panghuli, pagkatapos, ngayon, sa panahon, sa madaling panahon, noong mga panahon, samantala) 2.2 Kronolohikal – inililista niya ang hakbang ayon sa pangyayari ng kasaysayan, ng kwento, at iba pa. 2.3 Prosejural – pagkakasunud-sunod ng hakbang na gagamitin. (sa mga laboratoryo) 3. Paghahambing at Pagkokontrast – Ang paghahambing ay pagkakatulad sa pagitan ng dalawa o mahigit pang ideya, bagay, tao, o lugar. Sa pagkokontrast naman ay pagkakaiba. Gumagamit dito ng paglalarawan sa dalawang bagay na pianghahambing upang makita ang pagkakaiba at pagkakatulad. 4. Sanhi at Bunga – Ang sanhi ay nagsasaad ng kadahilanan ng mga pangyayaring naganap at ang epekto ng pangyayari ay tinatawag na bunga. 5. Problema at Solusyon – Ang manunulat ay nagpapahayag ng isang problema at nagtatala ng isa o mahigit na solusyon. Ang huwarang ito ay ang pormat na tanong at sagot, nagbibigay ng tanong ang manunulat at sinasagot ang mga tanong na ito. 6. Depenisyon o Pagbibigay Kahulugan – Ginagamit ito ng mga manunulat upang bigyang kahulugan ang isang paksa. Mahalaga ito sa tekstong ekspositori o anyong paglalahad. May mga salitang nakukuha ang kahulugan sa diksyunaryo at mayroon din naming pagbibigay- kahulugan kung paano ito ginamit sa isang sulatin. Page 8 of 10 FIL102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda nina: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Pagtataya 1. Paano sinusuri ang tekstong impormatibo at tekstong deskriptibo? 2. Ano-ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang tekstong nabanggit? 3. Bakit mahalagang malaman ang hulwarang organisasyon ng teksto kapag nagbabasa? Mga Gawain 1. Obhektibong pagtataya (quiz) 2. Pagbabasa ng Teksto at Pagsulat ng Sanaysay a. Basahing mabuti ang tekstong ibibigay ng guro sa Silid LMS. b. Sagutan ang mga ibibigay na katanungan sa pamamagitan ng isang sanaysay. Gamiting gabay ang rubriks na makikita sa huling pahina ng modyul na ito. Repleksyon Ang repleksyon ay isasagawa sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag ng mga ideya at saloobin sa mga natutunan pagkatapos ng talakayan sa klase. Mga Sanggunian: Atanacio, H. (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba’t- ibang teksto tungo sa pananaliksik. EDSA, South Triangle, Quezon City-C & E Publishing, Inc. Villalobos. C. (2015). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. pp. 25-30. Page 9 of 10 FIL102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda nina: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Institusyunal na Rubriks Very Comprehensiveness Excellent Satisfactory Fair Poor Satisfactory and Accuracy (10) (6) (4) (2) (8) Answers are Answers are Answers are not Answers are Answers are Score comprehensive, accurate and comprehensive or partial or incomplete. accurate and complete. Key completely stated. incomplete. Key ________ complete. Key points are stated Key points are points are not ideas are clearly and supported. addressed, but not clear. Questions stated, explained, well supported. are not and well supported. Very few spelling adequately and punctuation Most spelling, answered Free from spelling, errors, minor punctuation, punctuation or grammatical errors and grammar are Most spelling, grammatical errors correct allowing punctuation, reader to progress and grammar are though correct allowing essay. Few errors reader to remain. progress though essay. Some errors remain. Very Grammar and Excellent Satisfactory Fair Poor Satisfactory Mechanics (10) (6) (4) (2) (8) Free from spelling, Very few spelling Most spelling, Most spelling, Spelling, Score punctuation or and punctuation punctuation, punctuation, punctuation, grammatical errors errors, minor and grammar are and grammar are and ________ grammatical errors correct allowing correct allowing grammatical reader to progress reader to errors create though progress though distraction, essay. Few errors essay. Some making reading remain. errors remain. difficult. Page 10 of 10

Use Quizgecko on...
Browser
Browser