Filipino 02 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document presents a variety of Filipino literary terms and concepts, including types of stories (Alamat, Anekdota, etc.), and different writing styles (like essays). It also introduces strategies for active reading.
Full Transcript
FILIPINO 02 Alamat – isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Anekdota – isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao...
FILIPINO 02 Alamat – isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Anekdota – isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Balita – isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Bugtong – ito ay maaring matalinghagang pangungusap, tanong o tulang may tinutukoy na tao, pook o bagay na dapat hulaan. Dula – isang uri ng panitikang sinulat para itanghal sa entablado, na ang mga gumaganap ay kumakatawan ayon sa hinihinging papel ng nasusulat na akda Epiko – isang uri ng tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipaglaban ng isa o grupo ng tao laban sa kanilang mga kaaway. Maikling kwento – ito ay isang maikling salaysay na karaniwang may tagpuan, banghay, tauhan, hidwaan, pataas na kilos, kasukdulan at kalutasan ng suliranin. Mito – mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Nobela – itoý mahabang tuluyang salaysay na sumasaklaw sa maraming mga tauhan at mahabang panahon na binubuo ng mga kabanata. Pabula – isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan. Parabula – ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Salawikain/Kasabihan – maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan. Sanaysay – ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Talambuhay – isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, at impormasyon. Talumpati – isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Estratehiya sa Aktibong Pagbasa Predicting (Pagbibigay-kahulugan) - kailangang mahulaan kung ano ang nangyayari at kung paano magtatapos ang seleksiyon o paghihinuha, pagpapaliwanag sa mga kahulugan ng mga simbolong ginamit sa binasa. Visualizing (paglalarawan) - pagbubuhay sa imahinasyon ng mga karakter, pangyayari at tagpuan upang maunawaan kung ano ang nangyayari sa binasa, tulad ng paglalarawan na magkaroon ng paggalaw sa imahinasyon ng isang mambabasa sa kilos, ugali at paniniwala na natatagpuan ng mambabasa sa binasang teksto. Connecting (pakikisangkot) - pag-uugnay sa binasa sa iyong sarili o paglalapat ng karanasang emosyon o ugnayan ng mambabasa sa teksto. Questioning o Pagtatanong - dapat magtatanong habang nagbabasa. Ang paghahanap ng dahilan ay maging isang pantulong upang mas lalong maunawaan ang pagbasa o pagsusuri. Clarifying (pakikipag-ugnayan) - ang paghinto minsan sa pagbasa ay isang paraan upang masuri ang pagkakaunawa sa binasa at aasahang ang pag-unawa ay maaaring may pagbabago hanggang nagpapatuloy sa binasa at maaari ring iuugnay o ihahalintulad sa karanasan, saloobin at kaalaman ng tekstong binasa mula sa iba pang teksto. Evaluating (Paghahatol) - ang pagbuo ng opinyon, paghusga o pagkritik tungkol sa binasa ay isang estratehiya rin upang lalong mapalago ang kaalaman sa pagsusuri ng tekstong binasa. Tekstong Ekspositori Anumang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang saklaw ng kaalaman ng tao. Nililinaw nito ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang pangangailngan ng mga mambabasa na malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu. Taglay ng Tekstong Ekspositori: 1. Obhetibong pagtalakay ng paksa 2. Sapat na mga kaalamang inilalahad sa teksto 3. Malinaw na pagkakahanay ng mga kaisipan o ideya 4. Analitik na pagsusuri ng mga kaisipan ANG MGA HULWARAN AT ORGANISASYON NG TEKSTONG EKSPOSITORI Kapag binibigyan ng kahulugan ang isang di-pamilyar na termino o mga salitang bago sa pandinig at isusulat ng isang sanaysay o ano pa man, kalimitang ginagamit ang depinisyon o pagbibigay kahulugan. Ito ay nagtataglay ng tatlong bahagi: 1. ang termino o salitang binibigyang-kahulugan 2. Ang uri, class o specie kung saan kabilang o nauuri ang terminong binibigyang-kahulugan 3. Ang mga natatanging katangian (distinguishing characteristics) o kung paano ito naiiba sa mga katulad na uri Sa pagbibigay kahulugan may tatlong paraan na maaaring gamitin. 1. Sinonim – salitang katulad ang kahulugan Pangungusap: Filipino ang ating Pambansang Wika Depinisyon: wika – lenggwahe (pangalan) 2. Intensib – ginagamit ang tatlong bahagi na tinalakay sa naunang talata. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. 3. Ekstensib - pinalalawak ang kahulugang ibinigay o tinalakay sa intensib. Maaaring gamitin dito ang iba’t ibang metodo sa pagdebelop ng talata tulad ng pag-uuri, analohiya, paghahambing, pagkokontrast, paglalarawan, pagpapaliwanag, pagbibigay-halimbawa, pagbabanggit ng hanguan o awtoridad at iba pa. PAG-IISA-ISA O ENUMERASYON Ito ay nauuri sa dalawa: a. Simpleng pag-iisa-isa – pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita b. Komplikadong pag-iisa-isa- pagtalakay sa pamamaraang patalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa. PAGSUSUNOD-SUNOD O ORDER Sikwensyal-Kronolohikal Ang sikwens ayon sa diksyunaryo ay mga serye o sunod-sunod na mga pangyayari na konektado sa isa’t isa. Samakatwid, ang sikwensyal ay kinapapalooban ng serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa na humahantong sa isang pangyayari na siyang pinapaksa ng teksto. Ang kronolohiya naman ay mga pagkakasunod-sunod ng mga bagay. Kung ang paksa nito ay mga tao o kung ano pa mang bagay na inilhahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad, distansya, tindi, halaga, lokasyon, posisyon, bilang, dami at iba pa. Prosidyural Ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST Ito ay isang tekstong nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging pangyayari. PROBLEMA AT SOLUSYON Pagtatalakay naman sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan ang pokus ng hulwarang ito. Ang mga problema ay maaaring panlipunan o pang-agham na nangangailangan ng solusyon. Sa mga sulating teknikal at sayantipik ay napakagamitin ng hulwarang ito. SANHI AT BUNGA Sa hulwarang ito ay tinalakay naman ang mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at ang mga epekto nito. PAG-UURI NG MGA IDEYA AT DETALYE Paksang pangungusap – ang sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya. Kadalasa’y makikita ito sa unang talata at huling talata ng tekstong ekspositori. Maaaring implied o expressed Mga suportang detalye – tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang pangungusap. PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO Tumutukoy sng layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa. May mga teksto na may layuning manlibang, manghikayat, mang-aliw, magpaliwanag o magbigay ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo, magtanggol, mangaral at iba pa. PAGTIYAK SA DAMDAMIN, TONO AT PANANAW NG TEKST Damdamin ng Teksto – tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin nga mambabasa sa binasang teksto. Ito ang damdaming nabuo ng mambabasa Tono ng Teksto – tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinalakay o tumutukoy din sa atityud ng manunulat sa paksa. Makikilala ang tono sa kanyang pananalita kung siya ay may positibo o negatibong pananaw o perspektibo sa paksa. Pananaw ng Teksto – tumutukoy sa punto de bistang ginamit ng awtor ng teksto. PAGKILALA SA PAGKAKAIBA NG OPINYON AT KATOTOHANAN Opinyon – pahayag ng isang tao hinggil sa isang paksa batay sa kanyang paniniwala at prinsipyo. Maaaring sang-ayunan o tutulan ng ibang tao. Katotohanan – mga paktwal na kaisipan o pahayag na hindi na mapasusubalian at samakatwid ay tinatanggap na ng lahat. PAGHIHINUHA AT PAGHULA Paghihinuha – tinatawag ding inferencing. Paghuhula – tinatawag din namang prediksyon. PAGBUO NG LAGOM AT KONGKLUSYON Lagom o Buod – tumutukoy sa pinakapayak at pinakamaikling anyo ng dikurso na batay sa isang binasang teksto. Kongklusyon – tumutukoy sa mga implikasyong mahahango sa isang binasang teksto. AGBIBIGAY-INTERPRETASYON SA MAPA, TSART, GRAP AT TALAHANAYAN Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga presentasyong biswal na kadalasang ginagamit bilang pantulong sa isang teksto. Sa tulong na mga ito nagagawang payak at mas madaling unawain ang mga datos na inilalahad sa isang teksto.