ESP Reviewer 2nd Quarter PDF

Summary

This document appears to be a review of the 2nd quarter of Filipino Social Studies, focusing on concepts of relationships with others and interpersonal connections. It defines 'kapwa' (another person) and explores different levels of interaction.

Full Transcript

**ESP REVIEWER** **AKO AT ANG IBANG TAO, KAPUWA-TAO**           Ang kapuwa ay isang konsepto na tumutukoy sa mga tao sa isang panlipunang kapaligiran. Ang lahat ng tao na kasama ng isang indibidwal sa isang lipunan ay maituturing na kaniyang kapuwa. Ang isang lipunan ay binubuo ng mga taong may pa...

**ESP REVIEWER** **AKO AT ANG IBANG TAO, KAPUWA-TAO**           Ang kapuwa ay isang konsepto na tumutukoy sa mga tao sa isang panlipunang kapaligiran. Ang lahat ng tao na kasama ng isang indibidwal sa isang lipunan ay maituturing na kaniyang kapuwa. Ang isang lipunan ay binubuo ng mga taong may pangangailangan makipag-ugnayan sa isa't-isa.           Ayon kay **Dr. Manuel Dy, Jr. --** propesor ng sosyolohiya at pilosopiya ng AdMU Ang tao ay sang panlipunang nilalang at hindi lamang ito dahil kasama niya ang kapwa kundi dahil ang lahat ng bagay ng kaniyang iniisip, maging ang pagpapaunlad at pagbuo ng sarili, ay mula sa kapwa at para sa kapwa. **MABUHAY-SA-PAMAMAGITAN-NG-KAPWA**           Mahalagang maunawaan ng isang tao na kailangan niya ang kaniyang kapwa. Ito ay dahil nabubuhay siya sa pamamagitan ng kaniyang kapwa at nagkakaroon ng kahulugan ang kaniyang buhay dahil sa mga natutuhan niya mula sa kaniyang kapwa. Kinikilala ng tao ang kahalagahan ng iba sapagkat ang kaniyang mga pangangailangan ay nagmumula sa ibang tao at natutugunan ng ibang tao. Samakatuwid, nabubuhay siya dahil sa ginagawa ng ibang tao para sa kaniya. **MABUHAY PARA SA KAPWA**           Ito ang tinatawag na pakikipagkapwa. Sa pamamagtan nito nabubuo ng isang tao ang kaniyang sarili dahil higit na nagkakaroon ng kahulugan ng kaniyang pagkatao. Ito ay sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa at pagtataguyod ng pag-unlad ng kapwa para sa kaniyang kapakanan at hindi para sa sarili. Tatlong sangkap ng paglilingkod: **DIYALOGO, PAGMAMAHAL at KATARUNGAN** - **DIYALOGO** ay ang pakikipag-usap sa kapwa nang buong katapatan at may pagkilala at pagtanggap sa pagiging bukod-tangi niya bilang tao. - **PAGMAMAHAL** sa pamamagitan ng pagtanggap ng kanilang kahinaan at pagkukulang. - **KATARUNGAN**, ito ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya ito ay ang kaniyang dignidad o halaga bilang tao. **ANTAS NG UGNAYAN SA PAKIKIPAGKAPWA**             Sa iyong araw- araw na pamumuhay, may mga taong nakakasalamuha ka sa iba't-ibang pagkakataon na maituturing mong kasama sa lawak ng iyong kapwa. Bukod sa iyong mga magulang, kapatid, at kaibigan, nariyan din ang iyong mga kamag-aral, guro, kapitbahay, kabarangay, at iba pang mga tao na maaaring hindi mo nabibigyang pansin.           Ayon kay Enriquez, may **dalawang kategorya** ang ating pakikipagkapuwa na maaaring matukoy ayon sa antas ng pakikipag-ugnayang ginagawa mo sa kanila.\ 1. Ang kategoryang **"ibang tao"** kung saan nakikitungo ka nang walang komitment sa pangkata at maaaring hindi mo gaaanong nauunawaan ang kanilang ginagawa o layunin. Subalit kailangan mo makisama sa kanila para masabing kabilang o kabahagi ka ng kanilang pangkat.\ 2. Ang kategoryang **"hindi ibang tao"** sapagkat dito ay ipinalalagay na ang isang tao ay talagang kabilang na sa pangkat at nakikiisa sa damdamin at kaisipan ng pangkat.   **WALONG ANTAS NG PAKIKIPAGKAPWA**  **1. PAKIKITUNGO - **Ito ang pinakamababang antas ng pakikipagkapwa. Dito naipapakita ng isang tao ang pagnanais ng maayos na ugnayan sa iba kahit hindi niya ito kilala o kasama sa pangkat.\ **2. PAKIKISALAMUHA-** Napalalim nang bahagya ang pakikitungo sa pamamgitan ng mga maiikli at kaswal na pakikipag-usap gaya ng pagtatanong ng oras o pagbibigay ng komento ukol sa panahon.\ **3. PAKIKILAHOK-** Ang isang taong nasa antas na ito ay maaaring nakikita na o nakikilahok na sa mga Gawain ng ibang tao gaya ng pagdalo sa isang pagtitipon at programa.\ **4. PAKIKIBAGAY-** Sa antas na ito mayroong pagpapakita ng interes o pagkawili sa mga gawain ng ibang tao kung kaya maaaring ginagawa rin ang nakikitang gawain ng iba.\ **5. PAKIKISAMA- **Kusang pagsama sa mga gawain ng iba kahit hindi pa lubusang nauunawaan o nagugustuhan ito.\ **6. PAKIKIPAGPALAGAYANG- LOOB- **Nagsisimula sa antas na ito ang pagbubukas ng sarili at pagbibigay ng tiwala sa kapwa na makikita sa pagbabahagi ng mga personal na impormasyon ukol sa sarili.\ **7. PAKIKISANGKOT-** Dito maituturing ng isang tao ang kaniyang sarili bilang kalahok o kasama sa anumang suliranin, layunin, o Gawain ng kaniyang kapwa kung kaya nakikibahagi siya sa mga ito.\ **8. PAKIKIISA-** Sa antas na ito, naituturing ng isang tao na siya ay hindi iba sa kaniyang kapwa at iisa ang kanilang suliranin, layunin, o Gawain. Naipapakita ng isang tao ang kaniyang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pakikiramay at pagtulong sa paglutas sa suliranin nito. Itinuturing niya na ang suliranin ng kaniyang kapwa ay suliranin niya rin. **MGA PARAAN SA PAGPAPAUNLAD NG PAKIKIPAGKAPWA** **1. MAGPAKITA NG INTERES SA PAKIKIPAG-USAP SA IBANG TAO**\            Hindi mo makikilala ang ibang tao kung hindi ka magkakaroon ng interes na kausapin, magtanong at kilalanin sila. **2. NGUMITI**\            Naipakikita ng isang simpleng ngiti ang pagtanggap at pagiging bukas sa ibang tao. **3. MATUTONG MAGPAHALAGA SA IBA**\             Madaling makakita ng kamalian sa kapuwa na ginagamit sa pagpuna sa iba. Ang ganitong pag-uugali ay hindi nakatutulong sa pagkakaroon ng maayos na ugnayan sa kanila. Kaya sa halip na pagtuunan ang mga kapintasan, hanapin ang mga magagandang katangian sa kapuwa at sikaping purihin ito. **4. ALALAHANING HINDI PALAGING IKAW ANG TAMA**\             Hindi kailangang palaging mapatunayan na ikaw ang tama sa isang argumento. Kung nagkamali, aminin ito at agad na tanggapin. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng maayos na katapusan ang pagtatalo at nabubuo ang pagkakaunawaan. \\ **5. MAKINIG**\             Ang komunikasyon ay isang mabisang paraan upang masimulan at mapaunlad ang anumang ugnayan. **6. IGALANG ANG PAGKATAO NG IBA**\              Ang pagpapakita ng paggalang sa iba ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang pagkatao, dignidad, damdamin, at paniniwala. **7. MATUTONG MAGPATAWAD**\             Ang bawat isa ay nagkakamali subalit isang makataong gawain ang pagpapatawad sa pagkakamali ng kapwa. **8. MAGING TAPAT AT MAKATARUNGAN SA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA KAPUWA**\            Ang isang matatag na ugnayan ay nagsisimula sa matapat na makatarungang ugnayan sa isa't-isa. Mahalagang maramdaman ng kapuwa na walang bahid ng pagkukunwari ang iyong pakikipag-ugnayan upang makuha at mabuo ang tiwala sa isa't-isa. **MABUTING PAKIKIPAGKAIBIGAN TUNAY NA KAYAMANAN**    Ang pakikipagkaibigan ay isang malalim na uri ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. Pumapangalawa ang kaibigan sa pamilya na kasama ng tao sa hirap at ginhawa. Sa kaibigan nailalahad ang tunay nating saloobin, damdamin, at pagkatao.            Higit pa sa kayamanan ang makapagtagpo ng mga tunay na kaibigan. Patuloy na lalago at lalalim ang pakikipagkaibigan kung isasaisip na hindi lamang puro pagtanggap sa maaaring ibigay ng isang kaibigan ang isaalang-alang.Kinakailangang mayroon ding pagbibigay sa bahagi ng taong tumatanggap. **MGA KATANGIAN NA BUBUO SA ULIRANG PAKIKIPAGKAIBIGAN** 1\. Ang mabuting kaibigan ay handang dumamay sa iyo sa lahat ng oras lalo't higit sa panahon ng kagipitan.\ 2. Ang mabuting kaibigan ay matapat.\ 3. Ang mabuting kaibigan ay marunong magbigay\ 4. Ang mabuting kaibigan ay mapagkakatiwalaan. **ANTAS NG PAKIKIPAGKAIBIGAN** **Barkada** ¬ Ito ang pinakamababaw na antas ng pakikipagkaibigan\ ¬ Ang mga taong ito ay karaniwang kasa-kasama mo sa maraming gawain tulad ng paglilibang o paggawa ng proyekto.\ ¬ Hindi mo sila karaniwang pinagkakatiwalaan ng sikreto at sensitibong impormasyon.\ ¬ Ang barkada ay karaniwang kasama sa panahon lamang ng kasiyahan ngunit ang isang mahirap at mapanganib na karanasan na inyong pinagsamahan ay maaaring magpalalim sa antas ng inyong relasyon. **Kaibigan** ¬ Malalaman mo kung sino ang nasa antas na ito sa panahon ng suliranin sapagkat marami silang alam tungkol sa iyo na makatulong upang malutas mo ang iyong problema.\ ¬ Mas komportable ka rin na ipaalam sa kanila ang iyong suliranin at ganoon din sila sa iyo dahil sa nabuong tiwala para sa isa't-isa. **Kaibigang matalik** ¬ Mula sa iyong kaibigan, karaniwan nang ilan na mas malapit sa iyo o itinatangi.\ ¬ Naipagkakatiwala mo sa kanila ang pinakasensitibong impormasyon tungkol sa iyo.\ ¬ Karaniwan ding itinuturirng mo na sila bilang bahagi ng iyong pamilya.\ ¬ Mas inaasahan natin ang ating matalik na kaibigan kaysa barkada sapagkat mas kilala nila tayo. **LIMANG ANTAS NG PAKIKIPAGKAIBIGAN** ** **Si Fr. Ruben Villote ay isang pari na naging awardee ng Mother Teresa of Calcutta Awards noong 2007 dahil sa kaniyang mabubuting ginawa bilang founder at chaplain ng Migrant Youth Center. Isa sa kaniyang sinulat sa isang dyornal ay ang tungkol sa limang antas ng pagkakaibigan. **1. PAG-UNLAD\ ** Umuunlad ba ang aking pagkatao dahil sa pagsasamahan naming magkaibigan? Sa antas na ito, isang tao lamang ang nagkakaroon ng biyaya upang umunlad at unti-unting magbago tungo sa paglago. **2. SABAY O KAPWA PAG-UNLAD NG MAGKAIBIGAN\ ** Nais mo bang umunlad ang pagkatao ng iyong kaibigan dahil sa iyo at ikaw naman ay dahil sa kaniya? Hindi sa sapat na umuunlad lamang ang isa, ang mahalaga ay ang pag-unlad ninyong magkaibigan. Ang pagkakaibigan ay hindi kaniya-kaniya kundi salo-salo. **3. KAPWA PAG-UNLAD KASABAY NG IBA\ ** Maari mo bang pagbigyan ang ibang tao na umunlad kasabay sa pag-unlad niyong dalawa? Kinakailangan ang pagiging bukas ng pagkakaibigan sa iba pang tao at hikayatin din silang umunlad kasabay ng paglago ng inyong pagkatao at pagsasamahan. **4. KAPWA PAG-UNLAD PARA SA IISANG LAYUNIN\ ** Bukod sa pagpapaunlad ng inyong sarili, nais mo ba na magkasama kayong umunlad tungo sa isang mabuting layunin? Ito ay isang klase ng pakikipagkaibigan hindi lamang para sa sarili kundi higit sa kapakinabangan ng nakararami. **5. KAPWA PAG-UNLAD KASAMA ANG PANGINOON\ ** Umuunlad lamang ba ang inyong pisikal, pinansyal, panlipunan, at espiritwal na aspekto sa pakikipagkaibigan? Ang isang pagkakaibigan na sinangkapan lamang ng permanenteng interes ay hindi makabuluhan at hindi magtatagal kung hindi isasama ang Panginoon sa relasyon. **MGA TUNTUNIN SA PAGPAPALALIM NG PAKIKIPAGKAIBIGAN** **            Sa aklat na Friendship Factor ni Alan Loy McGinnis, nagbigay siya ng ilang tuntuning maaaring magpalalim ng pakikipagkaibigan:** 1\. Bigyan ng sapat na panahon ang iyong pakikipagkaibigan. 2\. Magkaroon ng isang malinaw na pag-uunawaan na may pagsasabihan kung ano ang mga pangyayari sa inyong dalawang magkaibigan. 3\. Maglakas- loob na sabihin ang iyong pagmamahal. 4\. Pag-aralan ang mga kakayahan at kilos na nagpapakita ng pagmamahal. 5\. Maglaan ng kaunting espasyo sa inyong pagiging magkaibigan. **CYBER FRIENDSHIP: PAKIKIPAGKAIBIGAN GAMIT ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA** Ang Cyberspace ay nagbigay pagkakataon sa marami na mapalawak pa ang kanilang pakikipag-ugnayan Ang Internet ay nagdudulot ng natatanging pagkakataon at pamamaraan sa pagpapayaman ng ating ugnayan. Sa pamamagitan nito, hindi na hadlang ang pisikal na agwat o layo upang makipag-ugnayan sa mga dating kakilala, kaklase, kaibigan, at malalayong kamag-anak. Ang pagiging maunawain ay pangunahing katangian na inaasahan sa pakikipagkaibigan online. Iwasan ang pagtalakay sa mga sensitibong paksa at huwag makipag-away. Gamitin ang Internet sa pangungumusta, pakikipagbalitaan, at pagbibigay saya ngunit ilaan ang mga mahahalagang usapan sa inyong pagkikita. **EMOSYONAL NA KAGALINGAN TUNGO SA MATIBAY NA UGANAYAN\ KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EMOSYON\ **Ang emosyon ay nagbibigay buhay, ulay, at saysay sa buhay ng tao.**\ Apat Na Bahagi Ng Depenisyon Ng Emosyon**\ 1. Reaksyon ng katawan tulad ng tibok ng puso, blood pressure, laki ng balintataw sa mata,\ bilis ng paghinga, at sidhi ng tensyon ng kalamanan.\ 2. Pangkaisipan tulad ng iyong paniniwala, kaisipan, opinyon, mga inaasahan, at mga sinabi\ mo sa iyong sarili na siyang nagdidikta ng uri at tindi ng iyong emosyonal na reaksyon.\ 3. Pagkilos tulad ng iyong gagawin, malumanay man o hindi, tulad ng iyong pagsimangot,\ pananalitang nangungutya, pagbagsak ng telepono, o paghagis ng libro sa bintana.\ 4. Pagtataya o paghuhusga kung ang iyong pakiramdam ay mabuti o masama. **PANGUNAHING DAMDAMIN NG TAO**\ 1. **Pagkagalit (anger)-** Ito ay damdaming may matinding sama ng loob at pag-ayaw sa isang tao\ o bagay dahil nakapagdulot ito ng hindi magandang bagay o sakit sa iyo o sa ibang tao.\ 2. **Pagkamuhi (disgust)-** Isang masidhing damdamin ang pagka-inis o pagkasuklam sa ibang tao\ o bagay.\ 3. **Pagkalungkot (sadness)-** Ito ay pagkahapis o pagdadalamhati kaugnay ng pagkawala ng mahal\ sa buhay o isang mahalagang bagay.\ 4. **Pagkagulat (surprise)-** Ito ay damdaming dulot ng isang biglaang pangyayari o bagay na hndi\ inaasahan.\ 5. **Pagkatakot (fear)-** Ang pagkabahala sa sarili na masaktan, totoo man o haka-hakang panganib\ at pag-akalang walang kakayahang malampansan ang panganib.\ 6. **Pagtanggap (acceptance)-** Ito ay damdaming matanggap ang inaalay o ibinibigay o damdaming\ matiwasay dahil sa pagtanggap ng iba.\ 7. **Pagkagalak (joy)-** Ito ay isang masidhing damdamin ng kasiyahan, kaligayahan, o katuwaan.\ 8. **Pag-asam (anticipation)-** Ito ay positibong damdamin o paghihintay sa isang magandang\ mangyayarri sa hinaharap. **EMOTIONAL QUOTIENT**\ Ito ay kasanayang magkaroon ng mataas na kamalayan at\ epektibong kasanayan upang mapangasiwaan ang emosyon nang\ may batayang rasyonal para sa pang matagalang kaligayahan ng\ tao.\ **DALAWANG ASPEKTO NG EQ O EI\ 1. INTRAPERSONAL NA KAGALINGAN**\ - Ito ay ang pakikipag-ugnayan sa sarili.\ - Ito ay isang kakayahang makipag-ugnayan sa sariling damdamin at unawain ang\ nararamdaman at ang epekto ng damdamin sa buong pagkatao.\ **2. INTERPERSONAL NA KAGALINGAN**\ - Ito ang kakayahang umunawa sa ibang tao: kung ano ang kanilang motibasyon, paano sila\ magtrabaho, paano makilahok sa pangkat, o kung paano mamuhay sa loob ng organisasyon\ o lipunan.\ **LIMANG ASPEKTO NG EQ**\ **1. KAMALAYAN SA SARILI**\ - Ito ay pagkilala sa mga emosyon at nararamdaman ng isang tao.\ - Kaugnay din nito ang paghihiwalay ng opinyon, reaksyon, at iniisip sa nararamdaman.\ **2. PANGANGASIWA NG EMOSYON**\ - Nangangahulugan ito ng epektibong pagpapahayag ng damdamin batay sa kaangkupan\ nito sa pagkakataon o sitwasyon.\ **3. PAGHIKAYAT SA SARILI**\ - Mahalagang piliin natin na mapangasiwaan mabuti ang ating emosyon, lalong-lalo na ang\ mga negatibo tulad ng pagkatakot, pagkabagabag, kawalan ng pag-asa, at labis na\ pagkapoot.\ **4. PAGKILALA AT PAGGALANG SA DAMDAMIN NG IBA**\ - Magkaroon ng pag-unawa sa damdamin at emosyon ng iba.\ - Sikaping ilagay ang sarili sa sa kanilang sitwasyon\ **5. PANGANGASIWA NG RELASYON AT UGNAYAN**\ - Sikaping maipahayag ang iyong damdamin sa iyong mga kaibigan, mga magulang, at iba\ pang tao na may kaugnayan sa iyo. **TAMANG PARAAN SA PAMAMAHALA NG MATINDING EMOSYON**\ 1. Pagkabagabag bunga ng kasalanan\ Paano pangasiwaan ang emosyong ito?\ Huwag ipunin o ibaon ang mga ito sa kamalayan. Palitawin at ilabas sa pamamagitan ng\ pagsulat ng diary o sa taong nagawan ng kasalanan. Maaari ring magkuwento ng nangyari sa mga\ mapagkakatiwalaang tao.\ 2. Pagkatakot\ Paano pangasiwaan ang emosyong ito?\ Paglilinaw sa sitwasyon at mga bagay na kinatatakutan, pagganap sa mga solusyon upang\ maharap ang pinagmumulan ng takot, pagpapakalma sa isip at katawan sa gitna ng kinatatakutan.\ Samantalang ang takot batay sa trauma o takot na nangyari sa nakaraan ay mapapangasiwaan sa\ pamamagitan ng pagkukuwento tungkol dito.\ 3. Pagkalungkot\ Paano pangasiwaan ang emosyong ito?\ Ang emosyong ito ay may kakambal na inis o galit na kinakailangang ilabas. Mag-\ ehersisyo o gumawa ng anumang pisikal na gawain, magpatawad sa nakasakit sa iyo, tukuyin ang\ tiyak na natutuhan sa pangyayaring ito, at isulat ang mga gagawing hakbang upang maprotektahan\ ang sarili sa pananakit ng iba upang hindi na ito maulit.\.\ **4 NA YUGTO NG KALUNGKUTAN AYON KAY ELIZABETH ROSS**\ 1. Yugto ng pagpapabulaan sa totoong nangyari\ 2. Yugto ng matindi at lantad na pagdadalamhati\ 3.Yugto ng matinding pagkalungkot at pagkatuliro\ 4. Yugto ng pagtanggap at pag-unawa sa realidad ng sitwasyon o karanasan. **PAMAMARAAN NG PAGPAPAUNLAD NG EQ**\ 1**. KAMALAYAN SA SARILI**\ - Pagmamasid o pakiramdaman sa sarili ang unang kasanayan para sa pagkakaroon ng\ kamalayan sa sarili.\ - Kailangan din ang kasanayan sa pagpapahayag ng damdamin ayon sa kaisipan, opinyon, at\ reaksyon.\ **2. PAGPAPASIYANG PERSONAL**\ - Kakayahang magsuri sa mga gustong gawin at mga maaaring kalabasan ng gagawing aksyon.\ - Kailangan malaman kung ang isip o ang emosyon ang siyang umiipluwensiya sa kapasiyahan.\ **3. PANGANGASIWA NG DAMDAMIN**\ - Maganda ang epekto ng pakikipag-usap sa sarili. Sa pamamagitan nito, nalalaman ang mga\ dahilan kung bakit nararamdaman ang isang tiyak na damdamin.\ **4. PAG-EEHERSISYO AT PAGLILIBANG**\ - Kailangan dito ang mga kasanayan sa ehersisyo, likhang isip, at iba't-ibang paraan ng\ paglilibang.\ **5. PAG-UNAWA SA DAMDAMIN NG IBA**\ - Pag-unawa ito sa damdamin at suliranin ng ibang tao at ang pagtingin sa mga bagay-bagay\ mula sa kanilang perspektiba.\ **6. KOMUNIKASYON**\ - Ang pagpapahayag at pagkukuwento ng mga sariling damdamin ay kailangang gawing\ malinaw.\ **7. PAGIGING BUKAS SA SARILI\ **- Ang pagiging bukas at pagkakaroon ng tiwala sa iba ay nakabubuti.\ - Mahalaga ang kasanayan sa pagkilala kung kailan maaaring magpahayag ng personal na\ damdamin at kung kailan itatago ito sa kapwa. **8. PAG-UNAWA SA PAGKATUTO\ **- Kailangan ding matutuhan ang pag-unawang natutuklasan mula sa emosyonal na bahagi ng\ buhay at mula sa mga karanasan ng iba.\ **9. PAGTANGGAP NG SARILING KALAKASAN AT KAHINAAN**\ - Ang positibong pagtingin sa sarili ay mahalagang kasanayan.\ - Mabuting malaman ang mga kalasakasan ngunit higit na mabuting tanggapin ang sariling\ kahinaan at pagkakamali.\ **10. PANANAGUTANG PERSONAL**\ - Ang pagkakaroon ng sariling pananagutan at pagkilala sa maaaring kalabasan ng mga\ kapasiyahan at kilos ay kailangan ding pagsanayan.\ **11. PAGIGING ASERTIBO**\ - Pinahahalagahan nito ang pagpapahayag ng mga suliranin o kapintasan sa malumanay at\ hindi agresibo o marahas na paraan.\ **12. PANGKATANG GAWAIN**\ - Ang mga pagpapahalaga tulad ng pagtutulungan, pakikilahok, pamumuno, at pagsunod ay\ binibigyang-pansin sa kasanayang ito.\ **13. PAG-AAYOS NG SALUNGATAN**\ - Kailangan ding matutuhan ang makaturungang paraan ng paglaban sa iba.\ **14. ESPIRIITWALIDAD**\ - Ang pagdarasal at pakikipag-usap sa Diyos ay mahalagang kasanayan para sa pag-unlad ng\ eespiritwalidad. YELLOW -- Mga dapat ireview

Use Quizgecko on...
Browser
Browser