2nd Quarter ESP 10 Performance Task (Tagalog) PDF

Summary

This document contains a performance task for a Filipino course, likely part of a secondary school curriculum focused on social studies and personal reflection. It includes questions about forgiveness and helping others, specifically within the context of dealing with interpersonal issues and disaster relief efforts. The assessment rubric is also provided highlighting the different criteria for evaluation.

Full Transcript

INDIVIDUAL PERFORMANCE TASK: ESP 10 (2nd Quarter) "Makataong Kilos: Sining ng Aking Pagpapasya" Pagpapatawad sa aking kaibigan: Ano ang naging sitwasyon na nagdala sa iyo upang gawin ang kilos na ito? May pagkakataon na nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng aking kaibigan, at ito ay nagdulot...

INDIVIDUAL PERFORMANCE TASK: ESP 10 (2nd Quarter) "Makataong Kilos: Sining ng Aking Pagpapasya" Pagpapatawad sa aking kaibigan: Ano ang naging sitwasyon na nagdala sa iyo upang gawin ang kilos na ito? May pagkakataon na nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng aking kaibigan, at ito ay nagdulot ng sama ng loob hindi lamang saakin kundi sakaniya rin. Ngunit, may mga nasabi siyang hindi maganda na hindi ko kinaya, ito ay nagdulot ng sakit na at galit na nagpabigat lalo sa aking pakiramdam. Sa kadahilanan na ayaw kong masira ang aming pagkakaibigan ay napagdesisyunan kong magpatawad. Ano ang naging epekto ng kilos na ito sa iyo at sa iba? Ang pagpapatawad na aking ginawa ay parehas may epekto hindi lamang para sa kaibigan ko kundi para sa sarili ko na rin. Ang epekto saakin kung ako'y hindi nagpatawad, ang galit at sama ng loob na aking nadarama ay magiging pabigat sa aking puso at isipan. Nang ako'y nagpatawad, binigyan ko ang aking sarili ng pagkakataong maghilom. At ito ay nagbigay ng kaluwagan sa aking puso at napansin ko na mas naging magaan ang aming relasyon o ugnayan sa isa't isa. Ang epekto naman nito sa aking kaibigan ay nakatulong din ito upang maibalik ang tiwala namin sa isa't isa at ang aming pagkakaibigan. Sa ganitong paraan, ang pagpapatawad na aking ginawa ay parehong nagpapakita ng malasakit sa iba at sa aking sarili. Ano ang natutunan mo mula sa karanasang ito? Natutunan ko sa karanasang ito na ang pagpapatawad ay hindi palaging madali, dahil ito ay isang mahalagang hakbang para sa personal na kapayapaan at pagpapabuti ng relasyon. Ang pagpapatawad ay isang pagpapakita ng pagmamahal, at ito ay nakakatulong sa lahat ng involve sa pangyayari na maging mas maayos ang pakiramdam at ang relasyon. Pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo: Ano ang naging sitwasyon na nagdala sa iyo upang gawin ang kilos na ito? Matinding pinsala ang iniwan ng sunod sunod na bagyo. Maraming nangailangan ng damit, pagkain, at kung ano ano pa dahil wala na silang naisalba sa panahon ng bagyo na nagdulot ng baha at pasukin ng tubig ang loob ng kanilang bahay. Ang kalagayan ng mga apektadong pamilya ay nag-udyok saamin ng aking pamilya magbigay ng mga damit upang matulungan silang maibsan ang kanilang kalungkutan at pangangailangan sa gitna ng kanilang pagsubok. Kami ay nakapagdonate ng sapat na damit para sa ilang mga nangailangang pamilya. Ano ang naging epekto ng kilos na ito sa iyo at sa iba? Ang pagbibigay ng mga damit ay nagbigay saamin ng kaligayahan at kasiyahan, dahil nakatulong kami sa mga tao sa oras ng pangangailangan. Sa mga tumanggap ng damit, nalaman nila na may mga tao pa ring nagmamalasakit sa kanila at handang tumulong sa kabila ng kanilang mga pagsubok. Ang simpleng kilos na ito ay nagdulot ng pag-asa at nakapagbigay ng kaunting ginhawa sa kanilang kalagayan. Ano ang natutunan mo mula sa karanasang ito? Natutunan ko na kahit maliit na bagay, tulad ng pagbibigay ng damit, ay may malaking epekto sa buhay ng iba, lalo na sa mga nangangailangan. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi laging nangangailangan ng malaking halaga; ang pagiging bukas-palad at matulungin ay sapat na upang magdulot ng positibong pagbabago sa buhay ng ibang tao. Pagpapatawad Isang araw, ako'y nasaktan, Salitang matatalim saakin ay iniwan, Ang aking puso'y nagalit at napuno ng tanong, Bakit niya nagawa sa aking iyon? Ngunit natutunan kong magpatawad, Upang bigat ng aking loob ay maalis agad, Hindi lang para sa kanya, kundi para rin sa akin, Dahil kapayapaan ay nais kong kamitin. Ngayon ay malaya na at ito'y magaan sa damdamin, Pagpapatawad pala ang dapat na gawin, Sa mga nangyari madaming kaaralan ang aking natutunan, Pag-ibig at respeto sa kapwa'y dapat na pahalagahan. **PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG PROYEKTO** +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Pamantayan** | **Paglalarawan** | **Puntos** | +=======================+=======================+=======================+ | ------------------- | Malalim at | | | --------------- | makatotohanang | | | Lalim ng Pagninilay | pagninilay sa | | | at Pagsusuri | makataong kilos gamit | | | ------------------- | ang gabay na tanong. | | | --------------- | | | | | Masusing naipaliwanag | | | -- | ang sitwasyon at | | | -- | epekto ng kilos. | | | | | | | (40 puntos) | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Kaugnayan at | Ang | | | Orihinalidad ng | tula/slogan/poster ay | | | Output | orihinal, | | | | makabuluhan, at | | | (30 puntos) | nauugnay sa napiling | | | | kilos. | | | | | | | | Malinaw na | | | | naipapakita ang | | | | kahulugan ng | | | | makataong kilos sa | | | | likhang sining. | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Pagkamalikhain at | Maganda at maayos ang | | | Presentasyon | disenyo, sumasalamin | | | | sa tema. | | | (20 puntos) | | | | | Wastong paggamit ng | | | | kulay, imahe, o | | | | simbolo. | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Pagsunod sa Panuto at | Sinunod ang mga | | | Format | teknikal na | | | | alituntunin (font, | | | (10 puntos) | spacing, folder, | | | | atbp.). | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **KABUUANG PUNTOS** | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+

Use Quizgecko on...
Browser
Browser