ESP 8 - Q1 W7 SY 24-25 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses the social and political roles of the Filipino family. It examines how family activities and experiences demonstrate support for neighbours and communities (social role) and adherence to laws and societal institutions (political role). It encourages reflection on family actions and their impact.
Full Transcript
ANG PANLIPUNAN AT PAMPULITIKAL NA PAPEL NG PAMILYA Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampulitikal) Kumust...
ANG PANLIPUNAN AT PAMPULITIKAL NA PAPEL NG PAMILYA Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampulitikal) Kumusta ang ugnayan mo sa mga tao sa labas ng iyong tahanan? Ang pamilya ay itinuturing na isang maliit na lipunan at para ito ay umunlad kailangan nitong makipag-ugnayan sa ibang pamilya at iba pang sektor ng lipunan. Bukod sa pagiging ina, ama, kapatid, anak ng mga kasapi ng iyong pamilya sila ay maaari ding doktor, guro, ahente, trabahador, driver, tindera, o mag-aaral at bawat isa ay may ginagampanang tungkulin sa lipunan. Ayon kay Esteban (1990), “Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at ispiritu… siya ay isang panlipunang nilalang, likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling buhay kundi sa pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipag-niig sa ibang tao ay bahagi ng kaniyang pagiging tao.” (Sheen, isinalin mula sa Education in Values: What, Why and For Whom ni Esteban, 1990). Sa kadahilanang ang pamilya ay parte ng lipunan, tungkulin nito na panatilihin at paunlarin ito. May dalawang papel na ginagampan ang pamilya; ang papel na panlipunan at ang papel pampulitikal. PAGSASABUHAY Ano ang mamumungkahi mong mga gawain sa pamilya mo upang magampanan ninyo ang inyong papel na panlipunan at pampulitikal. Isulat ang iyong sagot sa kahon. Papel na Panlipunan Papel na Pampulitikal “Ang pinakamahalagang tungkulin at halaga ng pamilya sa kanyang lipunan ay ang paghubog ng mapanagutang mamamayan. Magagawa ito ng pamilya sa pamamagitan ng pagtupad sa kaniyang papel sa lipunan (pagiging bukas-palad, pagsusulong ng bayanihan, at pangangalaga sa kaniyang kapaligiran) at papel pampolitikal – (ang pagbabantay sa mga batas at mga institusyong panlipunan).” Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampulitikal na papel nito ANG PAPEL NG PAMILYA SA LIPUNAN ▪ Ang pinakamalaking naibabahagi ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan. Ang pamilya ang nagsasanay sa bawat indibidwal ng malayang pagbibigayan na ginagabayan ng paggalang at pangangalaga sa dignidad ng bawat isa. Ito ay naipakikita sa pamamagitan ng buong pusong pagtanggap, pag-uusap, palaging naroon para sa isa’t isa, bukas-palad at paglilingkod ng bukal sa puso, at matibay na bigkis at pagkakaisa. Bagamat, maganda nga kung ang pamilya ay nagkakaisa, hindi maaalis na kapag nasobrahan ay magdulot ng negatibong epekto tulad ng paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya, political dynasty o iisang pamilya ang namumuno, at pagiging makasarili. Dito papasok ang gampanin ng pamilya na hubugin ang isang indibidwal upang matututo itong magsakripisyo at magkawang– gawa para sa kapwa at kabutihan ng lahat. Ang pagtulong ng pamilya sa kanyang lipunan ay isang indikasyon na naisasabuhay ng mga miyembro nito ang natutuhan niyang mga pagpapahalaga at mabubuting kaugalian. Hindi natatapos sa pagtulong sa kapwa ang papel ng pamilya sa lipunan, ngunit tungkulin din nitong pangalagaan ang kalikasan. Kasama na dito ang pagtatanim ng mga puno, paghihiwalay ng mga nabubulok at di- nabubulok na basura, ang 3Rs (reduce, re-use, recycle), paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig at marami pang iba. ANG PAPEL NA PAMPULITIKAL NG PAMILYA ▪ Bilang isang bahagi ng lipunan, pamilya ang dapat na nangunguna sa pagtitiyak na ang mga batas at mga institusyong panlipunan ay nagsusulong at nangangalaga ng karapatan at tungkulin ng pamilya. Kalakip ng papel na panlipunan ng pamilya ang pakikialam sa pulitika. Kabilang dito ang pagpapahayag ng boto ng mga miyembro nito. Ang pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa at pangangalaga ng kalikasan ay dapat sa bahay pa lang ay natutuhan na ng bawat miyembro ng pamilya. Ang bawat isa ay dapat may alam sa mga pangyayari sa lipunan higit lalo sa mga batas na umiiral at ipinapatupad dito. Mahalagang magampanan ng bawat pamilya ang kanilang papel sa lipunan upang magawa nito ang kaniyang tungkulin. Dugtungan ang kwento na ito at ipakita kung paano magagampanan ng pamilya ang kanilang papel sa Lipunan at pulitikal. Ang mag-asawang Narciso at Brenda ay may tatlong anak. Kasalukuyang nagtatrabaho bilang salesman sa isang supermarket si Narciso samantalang isa namang nurse si Brenda. __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ UNANG MARKAHA NG PAGSUSULIT -Setyembre 26, 2024 Pag-aralan: ▪ A N G PA M I LYA B I L A N G N AT U R A L N A I N S T I T U S Y O N N G LIPUNAN ▪ ANG MISYON NG PAMILYA SA PAGBIBIGAY NG EDUKASYON, PAGGABAY SA PAGPAPASIYA AT PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA ▪ ANG KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA ▪ A N G PA N L I P U N A N AT PA M P U L I T I K A L N A PA P E L N G PA M I LYA