Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Modyul 4 PDF

Summary

This is a module on gratitude for Filipino 8th-grade students. It contains activities, exercises, and questions related to gratitude. The module was developed by the Department of Education, Division of Pasig.

Full Transcript

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-8 Baitang Ikatlong Markahan - Modyul 4: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kai...

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-8 Baitang Ikatlong Markahan - Modyul 4: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Jemmalyn T. Tarala Editor: Minerva D. Magtaan, Nida A. Leaño Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Phd., Josephine Z. Macawili Tagaguhit: Rema A. Domingo Tagalapat: Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Carolina T. Rivera, CESE OIC-Assistant Schools Division Superintendent Manuel A. Laguerta, EdD OIC-Chief, Curriculum Implementation Division Victor M. Javeña EdD Chief, School Governance and Operations Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM) Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Lungsod ng Pasig Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4 Pasasalamat: Isapuso Natin Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa araling Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay inaasahan na masusundan ng mga mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras na igugol sa pag-aaral. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang ika- 21 siglo habang isinasaalang alang ang kanilang mga pangangailangan at sitwasyon sa buhay. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul ukol sa Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa!! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan nito tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain.Sa tulong-aral na ito, ikaw ang kamay na sumisimbolo nito, kaya bilang isang mag-aaral, ikaw ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pangakademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay binubuo ng iba’t ibang bahagi na ginamitan ng mga imahe (icon) na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN –Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul. PAUNANG PAGSUBOK - Dito masusukat ang iyong matutuhan at maunawaan sa mga naunang paksa. BALIK-ARAL - Dito masusukat ang dati mong kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. ARALIN - Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa aralin. MGA PAGSASANAY - Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang halaga. PAGPAPAHALAGA - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUBOK - Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. MGA INAASAHAN Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa: A. naibibigay ang mga antas ng pasasalamat; B. naipaliliwanag ang mga paraan ng pasasalamat; at C. napapahalagahan ang mga biyayang ibinigay ng Diyos. PAUNANG PAGSUBOK Panuto: Lagyan ng ang patlang kung ang mga larawan sa ibaba ay dapat pinasasalamatan at kung hindi dapat. _____1. _____2. ____3. http://clipart-library.com/clipart/pc58yKeqi.htm http://clipart-library.com/clipart/305963.htm http://clipart-library.com/clipart/8iAbRbnaT.htm _____4. _____5. http://clipart- http://clipart-library.com/clipart/gieERKy8T.htm BALIK-ARAL Panuto: Sagutin ang tanong. 1. Ano ang magandang dulot ng pasasalamat sa ating kalusugan? a. ________________________________________________________________________ b. ________________________________________________________________________ c. ________________________________________________________________________ d. ________________________________________________________________________ ARALIN Gawain 1. Panuto: Ipaliwanag ang nakasaad sa larawan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa bilog. https://static.parade.com/wp-content/uploads/2019/10/Thankful-Quote-Cicero.jpg Antas ng Pasasalamat Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may tatlong antas ng pasasalamat. Pagkilala sa Pagbabayad sa kabutihang ginawa ng Pasasalamat kabutihan na ginawa kapwa ng kapwa Ang pasasalamat ay isang kaugalian ng mga Pilipino. Ito ay paraan ng pagkilala o pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa. Gawain 2. Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at isulat kung anong uri ng pagpapakita ng pasasalamat ang inilalarawan. Piliin sa kahon ang tamang sagot. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat Magpadala ng liham-pasasalamat Bigyan ng simpleng yakap o tapik kung kinakailangan Magpasalamat sa bawat araw Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti ng iyong pakiramdam Gumawa ng kabutihan sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit Magbigay ng munti o simpleng regalo 1. 2. 3. http://clipart-library.com/clipart/pi7rMbyi9.htm http://clipart-library.com/clipart/writing-clipart_17.htm https://img.picturequotes.com/1/670/each-day-i-am-thankful-quote-1.jpg 4. 5. 6. http://clipart-library.com/clipart/147474.htm http://clipart-library.com/clipart/8iAEdqMyT.htm https://pics.me.me/thank-you-god-not-only-for-today-but-for-everyday-30277528.png 7. https://www.netclipart.com/pp/m/36-364538_teacher-teacher-gift-clipart.png Tanong: 1. Alin sa mga paraang ito ang nagawa mo na sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa iyo? 2. Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing nagpapasalamat sa sa iyong kapwa? Ipaliwanag. MGA PAGSASANAY PAGSASANAY 1. Panuto: Magbigay ng sitwasyon o suliranin sa iyong buhay na hindi mo nalutas kung hindi dahil sa tulong ng iba. Ilista ito sa ibaba. Sitwasyon o Paano nalutas Tao/Mga taong Uri ng tulong na Suliranin Nakatulong ibinigay 1. 2. 3. Tanong: 1. Mahirap bang magbalik-tanaw sa mga taong nakatulong sa iyo? Bakit? 2. Nakapagpasalamat ka ba sa kanila? Kung oo, ano ang iyong pakiramdam matapos mong magpasalamat sa kanila? Kung hindi, ano ang pakiramdam na dulot nito? Bakit? 3. Ano ang ginawa mong paraan ng pasasalamat? Ipaliwanag. PAGSASANAY 2. Panuto: Itala sa pyramid ang mg pinasasalamatan mo sa buhay at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Tanong: 1. Sino-sino ang mga binibigyan mo ng pagpapahalaga sa buhay? 2. Naipakita mo ba ang iyong pasasalamat sa kanila? Paano? 3. Mahalaga ba para sa iyo ang pagiging mapagpasalamat? Bakit? PAGSASANAY 3. Panuto: Gamit ang graphic organizer, itala ang mga paraan ng pasasalamat. PARAAN NG PASASALAMAT Tanong: 1. Ano ang madalas mong gamiting paraan ng pasasalamat? Bakit? 2. Bakit mahalaga na magpasalamat sa kapwa? Ipaliwanag. PAGLALAHAT Panuto: Gamit ang grapic organizer, buuin ang mahalagang konsepto ng aralin ngayon. Ang pagiging mapagpasalamat ay………. Tatlong Antas ng Pasasalamat Paraan ng Pasasalamat 1. 2. 3. PAGPAPAHALAGA g Panuto: Ngayong panahon ng pandemya, ipaabot ang iyong pasasalamat sa pamamagitan ng paggawa ng isang Liham–Pasasalamat para sa mga sumusunod: magulang, kaibigan, frontliners, at guro. PANAPOS NA PAGSUSULIT Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pasasalamat at MALI naman kung hindi. __________1. Si Aira ay tumakbo bilang Representative sa Ika-8 baitang ng Supreme Student Governmernt sa kanilang paaralan. Makalipas ang isang linggong pangangampanya at botohan, isa siya sa mga nanalong representative. Sa sobrang kasiyahan ay nagpaluto siya ng pansit at nagpabili ng pizza at softdrinks upang ipamahagi sa kanyang mga mag- aaral at guro. __________2. Nagpadeliver ng pagkain si Mikay sa isang sikat ng fast food restaurant. Isang oras na ang lumipas ay hindi pa rin dumarating ang kanyang order. Nang dumating ito ay nagpaliwanag kaagad ang drayber na na-trapik ito dahil may aksidente sa daan. Ngunit nagalit si Mikay, sininghalan niya ang drayber at pinagdabugan niya pa ito. __________3. Nag-positive sa sakit nag COVID ang tatay ni Claudette. Makalipas lamang ang isang lingo ay bumuti ang lagay ng tatay niya dahil hindi ito pinabayaan ng kaniyang doktor. Nang makalabas sa ospital ang tatay ni Claudette ay nagpadala siya ng regalo at liham para sa mga doktor at nurses na nag-alaga at tumingin sa kaniyang tatay. __________4. Isa sa paboritong guro ni Princess si Mrs. Asuncion. Isang araw sa klase ay napagalitan siya nito dahil nahuli siya nitong gumagamit ng cellphone habang nagkaklase. Pagkatapos ng klase ay pinaiwan ni Mrs. Asuncion si Princess. Kinausap niya ito at sinabing huwag ng uulitin ang ginawa nito sa iba pang asignatura upang hindi mapagalitan. Humingi ng tawad si Princess at niyakap niya ang kanyang guro. __________5. Ang magkaibigang Prince at Christian ay galing sa isang handaan. Hindi sila pamilyar sa lugar at daan. Hininto nila ang kanilang sasakyan upang magtanong sa mga pulis na nagbabantay sa isang checkpoint. Upang maging ligtas ay sinamahan ng isang pulis ang magkaibigan. Sinundan naman ng dalawa ang pulis na naka-motorsiklo hanggang sa makarating sila sa bayan. Inilathala ni Christian ang kabutihang pinamalas ng mga pulis sa kanila sa isang social media at umani ng libo-libong papuri ang mga ito. https://brainly.ph/question/1053149. ghenbautista39. 2017. google.com. 11 14. Accessed 11 14, 2017. Sheryll Gayola, 242-246. para sa Mag-aaral, by Regina Mignon Bognot, Romualdes Comia and Edukasyon, Kagawaran ng. 2013. "Edukasyon sa Pagpapakato." In Modyul Timbre, 126-128. Vibal Group Inc. Pagpapakatao 8, by Danilo Aquino, Imelda dela Cruz and Marlette de Vega, nenita. 2018. "Edukasyon sa Pagpapakatao 8." In Edukasyon sa SANGGUNIAN PAUNANG PAGSUBOK BALIK – ARAL 1. 1. Ang pangongolekta ng quotations 2. 2. Magpadala ng liham-pasasalamat 3. 3. Bigyan ng tapik o yakap 4. 4. Gumawa ng kabutihan sa kapwa 5. 5. Magpasalamat sa bawat araw 6. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat 7. Magbigay ng munti o simpleng regalo PAGSASANAY 3 - Magkaroon ng ritwal na pasasalamat - Magpadala ng liham-pasasalamat - Bigyan ng simpleng yakap o tapik kung kinakailangan - Magpasalamat sa bawat araw - Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti ng iyong pakiramdam - Gumawa ng kabutihan sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit - Magbigay ng munti o simpleng regalo PANAPOS NA PAGSUSULIT 1. TAMA 2. MALI 3. TAMA 4. TAMA 5. TAMA SUSI SA PAGWAWASTO

Use Quizgecko on...
Browser
Browser