ESP 8 - Q1 W5-W6 SY 24-25 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Communication Skills Week 3 pt 2 PDF
- Filipino Culture, Values, and Practices in Healthcare PDF
- Writing & Communication Skills for Family & Community Social Services PDF
- Writing & Communication Skills for Family & Community Social Services PDF
- Writing & Communication Skills for Family & Community Social Services PDF
- Community Health Nursing Module 9: Filipino Culture, Values, and Practices (2024-2025) PDF
Summary
These notes discuss communication within Filipino families. It identifies activities and experiences demonstrating open and closed communication. The importance of maintaining open communication within families is also discussed.
Full Transcript
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon ANG KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA SURIIN NATIN! ▪ Tungkol saan ang trailer na napanood? ▪ K...
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon ANG KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA SURIIN NATIN! ▪ Tungkol saan ang trailer na napanood? ▪ Kakikitaan ba ang pamilyang napanood ng kawalan ng bukas na komunikasyon? Patunayan. ▪ Anong mga pangyayari o karanasan sa iyong sariling pamilya o pamilyang nakasama, ang nagpapatunay na mayroon kayong bukas na komunikasyon? ▪ Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa pamilya? Maaaring maging sanhi : ◦Ang bawat ▪ madalas na pagtatalo pamilya ay ▪ kakulangan sa kakayahang dumaraan sa malutas ang mga suliranin ▪ paglalayo ng loob sa isa’t isa maraming ▪ pagkawala ng galang sa pagbabago na awtoridad o nakatatanda ▪ legal na paghihiwalay ng mga nakakaapekto mag-asawa o pagsasawalang bisa sa ng matrimonya ng kasal ▪ pagpapalaglag komunikasyon ▪ kahirapan o kasalatan sa buhay Ayon kay Dr. Manuel Dy (2010), mahalaga ang komunikasyon sa patuloy na paghahanap ng tao sa katotohanan sapagkat ito ay dapat manatiling tapat at mapagkakatiwalaan. Ang komunikasyon ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa. Ang komunikasyon ang daan upang makapagpalitan ng pasalita at di-pasalitang impormasyon ang mga kasapi ng pamilya. Mahalagang magbigyan ng tuon ang iniisip at nadarama ng kapwa. Higit pa rito, nangangailangan din ito ng pakikinig at pag-unawa sa sinasabi ng kausap. Sa pamamagitan ng bukas at tapat na komunikasyon, naipahahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais, pananaw at ang kanilang pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Mahalaga na patatagin ang komunikasyon sa pamilya lalo na sa panahon na humaharap ang mundo sa malaking pagsubok tulad ng paglaganap noon ng ‘Corona Virus’ o COVID - 19. Importanteng nag-uusap ang bawat miyembro ng pamilya tungkol sa mga paraan paano magiging ligtas sa sakit ang bawat miyembro nito. Kailangang makinig at magkaisa tayo, lalo’t higit sa loob ng mga tahanan upang sama – sama nating malagpasan ang mga makabagong hamon. Panuto: Magbahagi ng mga sitwasyon, gawain o karanasan ng iyong sariling pamilya o pamilyang nakasama noong nagdaang Enhance Community Quarantine o ECQ na nagpapakita ng kawalan ng bukas na komunikasyon at ang iyong planong gawin upang hindi na maulit ang ganitong mga pangyayari. TANDAAN… ✓ Mahalaga na maging bukas at tapat ang komunikasyon ng bawat kasapi ng inyong pamilya upang mamayani ang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa. ✓ Ito ang magiging susi upang malagpasan ninyo ng sama – sama ang ano mang hamon na dadating sa buhay ninyo bunga ng mga pagbabagong taglay ng ating modernong lipunan. BALIK-ARAL TAYO! Kompletohin ang pahayag: Ayon kay Dr. Manuel Dy (2010), mahalaga ang komunikasyon sa patuloy na paghahanap ng tao sa katotohanan sapagkat ito ay dapat manatiling _____________ at _____________ Ang komunikasyon ay anumang senyas o _____________ na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang _____________ at pinahahalagahan, kabilang dito ang wika, _____________, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa. ` Ayon kay Dr. Manuel Dy (2010), mahalaga ang komunikasyon sa patuloy na paghahanap ng tao sa katotohanan sapagkat ito ay dapat manatiling tapat at mapagkakatiwalaan. Ang komunikasyon ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa. Nabibigyang -puna ang uri ng komunikasyon na umiiral sa isang pamilyang nakasama, Naobserbahan o napanood 1.Sa iyong palagay, tama ba ang iyong naging tugon sa pahayag? Pangatwiranan. 2.Sa iyong araw – araw na pakikisalamuha sa iyong pamilya, anong uri kaya ng komunikasyon ang umiiral? Paano mo ito nasabi? PAANO NGA BA NAPATATATAG NG KOMUNIKASYON ANG SAMAHAN NG PAMILYA? Maraming pagbabago ang dadaan sa buhay ng modernong pamilya. Itong mga pagbabagong ito ay magdudulot ng negatibong epekto na maaaring makasira sa relasyon ng mga kasapi nito. Higit pa rito, kapag nasira ang samahan ng pamilya, masisira rin ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa. ❖ Ayon kay Martin Buber, ang pinakamabisang tugon dito ay ang pag-unawa sa “diyalogo”. ❖ Ang pakikipagdiyalogo ay pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadiyalogo. Kung saan ang tunay na diyalogo ay nagsisimula sa pakikinig, at nangangailangan din ng lubos na pagbubukas ng sarili at tiwala sa isa’t isa. ❖ Katarungan ang pinakamababang hatid ng tao sa diyalogo at pagmamahal naman ang pinakamataas. Kailangan mong tingnan ang paraan ng iyong pakikipagdayalogo. Kung ang komunikasyon ay ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili, o kung ang pakay ay marinig lamang at hindi ang makinig, hindi na ito isang diyalogo kundi monologo. Isa ito sa hamon ngayon sa ating lipunan; ang kawalan ng tunay na komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa, mga magulang at mga anak. Malaki ang parte na dapat gampanan ng pamilya sa paghubog ng pakikipag- diyalogo ng isang tao sapagkat sa pamilya dapat nagsisimula at natututuhan ang diyalogo. Higit na magiging madali ang pakikipag-diyalogo sa kasapi ng pamilya kung dito pa lamang ay natutuhan na ng mga kasapi nito ang pag-unawa at pakikinig. Ito ay maisasakatuparan lamang kung paiiralin ang pagmamahal, tiwala at lubusang pagbubukas ng sarili. TANDAAN… Nahihinuha na: a. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay - daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa b. Ang pag -unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di - pasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa c. Ang pag -unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at maayos na pakikipag - ugnayan sa kapwa DALOY NG KOMUNIKASYON 1. Paano nakaapekto ang mga hadlang sa komunikasyon na inyong naranasan sa relasyon ninyong pamilya? Ipaliwanag. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2. Ano ang maaari ninyong gawin upang hindi ito maging hadlang sa mabuting ugnayan ng inyong pamilya? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 3. Paano ninyo mapapanatili ang magandang ugnayan sa isa’t isa? Pangatwiranan. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ ▪ Ano mang uri ng komunikasyon ang umiral sa inyong ugnayan, mapa-pasalita, di- pasalita o virtual mang uri ng komunikasyon, maaari itong maapektuhan ng iba’t ibang suliranin sa komunikasyon. ▪ Marami ang maaaring maging hadlang sa komunikasyon at ilan na dito ang: -pagiging umid o walang kibo -mali o magkaibang pananaw -pagkainis o ilag sa kausap -takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin May limang antas ng komunikasyon na makatutulong sa pagkakaroon ng angkop at maayos na pakikipag - ugnayan sa kapwa. INTRAPERSONAL INTERPERSONAL PAMPUBLIKO CROSS – CULTURAL PANG – MIDYA Makikita sa unang hanay ang mga halimbawang pagsubok, pangyayari o sitwasyon na nararanasan ng mga miyembro ng pamilya. Paano ka makakatulong sa iyong pamilya sa ganitong mga pagkakataon gamit ang iba’t ibang uri ng komunikasyon? Isulat ang mga maaari mong sabihin sa personal, ikilos o ipadama, o ipahayag sa pamamagitan ng sosyal medya o iba pang uri ng virtual na komunikasyon sa mga sumusunod na pagkakataon. Magbigay ng sitwasyon o pangyayari na magpapakita o magrerepresenta ng iba’t ibang antas ng komunikasyon. Tiyakin na sa bawat sitwasyon ay makikita ang pinagkaiba ng bawat antas. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya 1. Ano ang mensahe ng iyong ginawang larawan o poster? _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ 2. Sa iyong palagay, mabuti ba ang kalagayan ng komunikasyon sa inyong pamilya? Ipaliwanag. _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ 3. Anong mga paraan ang maari mong gawin upang mapaunlad ang komunikasyon sa iyong sariling pamilya? _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ ▪ Madami na tayong napag – usapan tungkol sa kung ano nga ba ang komunikasyon at ambag nito sa pagpapatatag ng pamilya. Natalakay na natin ang mga uri, antas at pagdaloy ng komunikasyon. ▪ Nakita na rin natin ang mga positibo at negatibong epekto ng komunikasyon sa buhay ng bawat indibidwal at pamilya. ▪ Nakasaksi na rin tayo ng mga gawain o karanasan na nagpapakita ng kawalan ng bukas na komunikasyon. ▪ Pag – usapan natin ang mga paraan upang mapabuti ang komunikasyon. Ikinagagalak ko na samahan ka sa pagtuklas ng mga hakbang sa pagpapaunlad at pagsasaayos ng iyong ugnayan sa iyong pamilya at kapwa. Narito ang ilan sa mga paraan upang mapabuti ang kasanayan sa komunikasyon: 1. Pagiging mapanlikha o malikhain ( creativity ) 2. Pag – aalala at pagmamalasakit (care and concern ) 3. Pagiging hayag o bukas (cooperativeness/ openness ) 4. Atin – atin ( personal ) 5. Lugod o ligaya ( happiness ) ▪ Hindi madaling ang magkaroon ng husay sa pakikipag- komunikasyon kaya kailangan nating hasain ang ating mga sarili. Dadaan at dadaan tayo sa mga sitwasyon o pagkakataon na susubok sa ating kasanayan. Mga pagkakataon na kailangang makipagtalo tayo sa sarili, pamilya at kapwa natin. ▪ Ngunit itong mga pagtatalong ito ang maglalapit lalo sa atin patungo sa isa’t isa. Ang dating sigawan, ay maaari ng maging mahina at mahinahon sapagkat sa bawat maayos na ugnayan unti – unting naglalapit ang puso ng isa’t isa. ▪ Katulad ng sabi ng isang gurong Hindu sa kwento sa isang aklat (EsP 8 Learning Module, 2013), “Kung kayo’y nakikipagtalo o nakikipagpaliwanagan, lalo’t sa minamahal, huwag ninyong hayaang maglayo ang inyong mga kalooban. Maaaring dumating ang panahong malimot na ang daan patungo sa isa’t isa. Maaaring maging dahilan ito ng inyong tuluyang paghihiwalay ng landas.” ▪ Kaya bago pa man mauwi sa paglimot ng daan pabalik sa isa’t isa, sanayin ang sarili na makipagkomunikasyon ng bukas at tapat sa iyong kaugnayan. Ito ang susi upang ang katarungan at pagmamahal ang manaig sa bawat indibidwal, pamilya at maging sa lipunang kanilang ginagalawan. Sa loob ng hugis mukha, isulat ang mga bagay na magpapasaya sayo at sa pamilya mo. Bukod sa mga nabanggit na hakbang upang mapaunlad ang komunikasyon; magbigay ka pa ng mga kilos na sa tingin mo ay angkop upang mapaunlad ang komunikasyon sa pamilya. 1. _________________________________________ 6. _________________________________________ 2._________________________________________ 7. _________________________________________ 3. _________________________________________ 8. _________________________________________ 4. _________________________________________ 9. _________________________________________ 5. _________________________________________ 10. ________________________________________ TANDAAN… Sa dinami – dami ng angkop na kilos upang mapaunlad ang komunikasyon sa pamilya, tanging pagmamahal pa din ang pinakamabisang hakbang para makamit ito. Ito ay hindi na nangangailangan ng salita sapagkat sa pagmamahal ang puso at isip ng dalawang tao ay magkalapit na. Nawa ay hindi lang sa pamilya mo maipakita ang iyong pagmamahal, isama mo na rin ang buong mundo.