ESP 8 Q1 W1-W2 SY 24-25 PDF

Summary

This document covers a lesson plan on family studies for an 8th-grade Filipino class. It includes questions, activities, and discussions about family life and values.

Full Transcript

MAGALING AKO! MATALINO AKO! KAYA KO ‘TO! Inihanda ni: Gng. Ludilyn Dargantes Sabate Paksa Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon ng Lipunan Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan. Pamantayan s...

MAGALING AKO! MATALINO AKO! KAYA KO ‘TO! Inihanda ni: Gng. Ludilyn Dargantes Sabate Paksa Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon ng Lipunan Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan. Pamantayan sa Paggawa Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO (MELCS) Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili Ano ang iyong nadama sa napanood? Bilang isang anak, sa paanong paraan mo naipadadama ang pagmamahal sa iyong pamilya? Pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan. Pamilya-nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang puro at romantikong pagmamahal - kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. (Pierangelo Alejo 2004) Pamilya-isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o pagsunod. (Pierangelo Alejo 2004) Ang pamilya ay binubuo ng isang lipunan na magkakasama at pinamamahalaan ng ama’t ina na siya ring gumagabay sa mga anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga bahaging ginagampanan na makatutulong upang mapalago at mapanatiling matatag ang kanilang samahan. Ang pamilya ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay at pagmamahal. Sa pamilya umuusbong ang pagkatao ng bawat kasapi ng pamilya. Ang ihanda ang anak sa buhay panlipunan ay isang regalong hindi kailanman matutumbasan ng anumang halaga – hindi ito mauubos at hindi mananakaw THOUGHTS MO, SHARE MO! Magbahagi ng personal na aral na natutuhan sa pamilya. TANDAAN... Palagi nating alalahanin ang mga mabubuting aral na natutuhan natin sa ating pamilya. Ang lahat ng ito ay makatutulong upang magkaroong ng mabuting impluwensya sa ating sarili at mahubog ang ating pagkatao. PAGSASANAY 1-A (5 Puntos) Mula sa iyong mga natutuhan, isulat sa loob ng puso ang 5 positibong pagbabagong naganap sa buhay mo mula sa mga karanasan na nakuha mo sa iyong pamilya. PAGSASANAY 1-B (5 Puntos) PAGSASANAY 1-B (5 Puntos) PAGSASANAY 1-B (5 Puntos) TAMANG SAGOT: 1. X 2. 3. 4.X 5. Balik-Aral tayo! Kompletuhin ang mga pahayag: Ang Pamilya ay nabuo sa pamamagitan ng ___________ ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang puro at romantikong pagmamahal - kapwa nangakong ___________ hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa ___________ at pagtataguyod ng ___________ ng kanilang mga magiging ___________. (Pierangelo Alejo 2004) Balik-Aral tayo! Kompletuhin ang mga pahayag: Ang Pamilya nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang puro at romantikong pagmamahal - kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. (Pierangelo Alejo 2004) Balik-Aral tayo! Kompletuhin ang mga pahayag: Ang pamilya ay binubuo ng isang lipunan na magkakasama at pinamamahalaan ng ___________ na siya ring gumagabay sa mga anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga bahaging ___________ na makatutulong upang mapalago at mapanatiling matatag ang kanilang ___________. Balik-Aral tayo! Kompletuhin ang mga pahayag: Ang pamilya ay binubuo ng isang lipunan na magkakasama at pinamamahalaan ng ama’t ina na siya ring gumagabay sa mga anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga bahaging ginagampanan na makatutulong upang mapalago at mapanatiling matatag ang kanilang samahan. Balik-Aral tayo! Kompletuhin ang mga pahayag: Ang pamilya ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng ___________ at ___________. Sa pamilya umuusbong ang ___________ ng bawat kasapi ng pamilya. Ang ihanda ang anak sa ___________ ay isang regalong hindi kailanman matutumbasan ng anumang halaga – hindi ito mauubos at hindi mananakaw ninuman. Balik-Aral tayo! Kompletuhin ang mga pahayag: Ang pamilya ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay at pagmamahal. Sa pamilya umuusbong ang pagkatao ng bawat kasapi ng pamilya. Ang ihanda ang anak sa buhay panlipunan ay isang regalong hindi kailanman matutumbasan ng anumang halaga – hindi ito mauubos at hindi mananakaw ninuman. KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO (MELCS) Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood. Larawan ko, Tukuyin mo! 1. Ano ang tinutukoy sa bawat larawan? 2.Ano-ano ang mga maaaring maging epekto nito sa iyong pamilya kung ginagawa ito ng bawat miyembro? Sa pamilya umiiral ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit (radical and unconditional love). Mahalaga na maunawaan natin ang kahulugan ng wagas na pagmamahal na mayroon ang ating mga magulang para sa atin upang sa gayon ay makapagpakita din tayo ng pagmamahal na naaayon para sa kanila. Ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng pamilya ay nakatutulong upang mabuo at maging matatag ang tiwala sa bawat isa. Kung may mga hindi tayo kayang gawin, ay nakaagapay ang ating mga magulang gayun din ang ibang miyembro ng ating pamilya upang tayo ay suportahan. Bawat miyembro ng ating pamilya ay handang tumulong para sa ating ikabubuti. Mahalaga rin na ikaw bilang miyembro ng pamilya ay magpakita ng suporta at tumulong sa abot ng iyong makakaya. Isa sa pinakamahalagang katangian na maituturo sa atin ng ating mga magulang ay ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos. Magbigay ng mga praktikal na gawain o sitwasyon kung saan naipapakita ninyo ang Pagmamahal, Pagtutulungan at Pananampalataya na mayroon sa iyong pamilya. TANDAAN... Ang ating pamilya ang unang nagpakita at nagturo sa atin ng pagmamahal. Sila ay ating masasandalan at matatakbuhan sa oras ng pangangailangan. Mas lalong titibay ang ating pananampalataya kung ang bawat miyembro ay sama-sama at nagkakaisang itaguyod ang magandang paniniwala na may Makapangyarihang Diyos na nagmamahal sa atin. SAGUTIN NATIN! TAMANG SAGOT: 1. TAMA 2.MALI 3.TAMA 4.TAMA 5.MALI KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO (MELCS) Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa. Gamit ang iyong malikhaing pag-iisip ay kumpletuhin ang Acronym na PAMILYA. Lagyan ng mga positibong salita sa bawat letra na naglalarawan sa iyong pamilya at ipaliwanag kung bakit mo ito pinili. Mga mahahalagang dahilan kung bakit ang pamilya ay isang likas na institusyon: 1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan. - Ang pagpapakita at pagpapadama ng pagmamahal, gayun din ang bantayan ito ay isang napakahalagang misyon ng pamilya. Matatawag lamang na pamayanan ng mga tao ang isang lipunan umiiral ang pagmamahal sa pamilya. Mga mahahalagang dahilan kung bakit ang pamilya ay isang likas na institusyon: 2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay. - Nagiging matibay at natural na institusyon ang pamilya sa pamamagitan ng pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan. Ang pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa (conjugal love) ay nakapagbibigay buhay kaya patungo ito sa pagmamahal ng magulang (parental love). Mga mahahalagang dahilan kung bakit ang pamilya ay isang likas na institusyon: 3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay- buhay. - Sa pamilya unang natututo, kumikilala at umuunlad ang isang tao na siyang magiging mahalagang bahagi ng lipunan. Kung maayos ang lahat ng pamilya ay tiyak na maayos ang lipunan. Mga mahahalagang dahilan kung bakit ang pamilya ay isang likas na institusyon: 4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal. - Sa pamilya, ipinaparanas sa tao kung paano mahalin upang ganap niyang matutuhan kung paano ang magmahal. Dito unang natututuhan ang tunay na kahulugan ng pagiging tao – binibigyang halaga para sa kanyang kapakanan upang mahubog sa maayos na paraan. Mga mahahalagang dahilan kung bakit ang pamilya ay isang likas na institusyon: 5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and irreplaceable school of social life). - Ang ating mga magulang ang unang nagturo sa atin ng mga kagandahang asal na ating isinasabuhay. Mga mahahalagang dahilan kung bakit ang pamilya ay isang likas na institusyon: 6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya. - Tungkulin ng pamilya na makiisa at tumulong sa kanyang pamayanan o lipunan na kinabibilangan. Ito ay maaaring sa paraan ng pagsuporta ng mga proyekto para sa ikabubuti ng lipunan o kaya naman ay sa pamamagitan ng matalinong pagpili o pagboto sa mga mamumuno sa lipunan. Mga mahahalagang dahilan kung bakit ang pamilya ay isang likas na institusyon: 7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya. - Tungkulin ng pamilya na magbigay edukasyon at ito ay napakahalagang magampanan ng magulang. Ang pagbibigay payo ay nakatutulong upang makabuo ng maayos na pagpapasiya ang isang ang isang bata at sa huli, ay ang pagtuturo ng mga magulang sa kahalagahan ng matatag na paniniwala sa Diyos. “Sa aking mga magulang ay natutuhan ko ang pagmamalasakit sa kapwa, ang pagiging matipid, at ang pamumuhay ng simple. Sa aking ama, natutuhan ko na ang pangangalaga sa integridad ng aking pagkatao at ang karangalan ang pinakamahalaga sa lahat.” -Dating Kalihim Jesse Robredo TANDAAN... Ang pamilya bilang isang natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng buhay ng bawat miyembro nito. Ang mga kontribusyon na magagawa ng pamilya ay hindi lamang sa loob ng pamilya kundi pati na rin sa lipunan. Mahalaga na ingatan at pahalagahan natin ang ating pamilya. KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO (MELCS) Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya Ang pagmamahal na nararanasan sa pamilya ay nakatutulong upang magkaroon ng positibong pananaw ang isang tao sa kanyang buhay. Ito rin ay nagbibigay ng malaking impluwensya sa isip at puso ng isang tao tungkol sa kahalagahan ng buhay. Tumutulong ang pamilya upang magbigay ng mga makabuluhang karanasan sa bawat miyembro upang maihanda ang mga ito sa pakikipagkapwa. Nakikita natin mula sa iba’t ibang mga miyembrop ang mga kilos na maaaring makatulong upang mapatatag ang pagmamahal at pagtutulungan sa loob ng pamilya. Ang mga pagkilos na ito ay maaaring sa simpleng pagtulong sa gawaing bahay o pagsuporta sa mga mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay. Ang pamilya ang itinuturing na pundasyon ng lipunan. Kung walang pamilya wala ring lipunan. Ang pagtutulungan ay natural na dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Sa pagtutulungan na ito ay maaaring matutuhan ng tao ang mga mabubuting pagpapahalaga na makukuha niya sa pakikibahagi sa mga gawaing ito. PETA 1 SINE MO ‘TO! Pagsasadula sa mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. PAMANTAYAN PUNTOS HUSAY SA PAGGANAP NG MGA AKTOR 30 AT AKTRES MAHUSAY NA NAIPAKITA 30 ANGKOP NA KILOS SA PAGPAPATATAG NG PAGMAMAHALAN AT PAGTUTULUNGAN SA PAMILYA PAGKAKAISA AT PAGTUTULUNGAN NG 25 PANGKAT MALIKHAIN ANG MGA GINAMIT NA 15 BAGAY O PROPS KABUOAN 100 PUNTOS TANDAAN... Bilang isang kabataan, marami kang magagawang angkop sa kilos upang maging matatag ang umiiral na pagmamahalan at pagtutulungan sa iyong pamilya. Tungkulin mo na pangalagaan at pahalagahan ang mga magagandang karanasan na nagiging sanhi upang maging matatag ka bilang isang tao. PAALALA: MAIKLING PAGSUSULIT BLG. 1(Ang Pamilya Bilang New Natural acquisitionsna Institusyon ng Lipunan):Artwork The artists -Agosto 6, 2024 Lorem ipsum dolor sit amet, Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur Lorem ipsum dolor sit amet, Lorem ipsum dolor sit amet, consecteturadipiscing adipiscingelit. elit.Vivamus consectetur adipiscing elit. Vivamus consectetur adipiscing elit. Vivamus Vivamus quis quisultrices ultricesfelis. felis.Fusce Fuscesapien sapiennunc, quis ultrices felis. Fusce sapien nunc, quis ultrices felis. Fusce sapien nunc, nunc, posuere posuereatatmauris maurissed,sed,sagittis sagittisluctus posuere at mauris sed, sagittis luctus posuere at mauris sed, sagittis luctus luctus erat. erat.Integer Integersollicitudin sollicitudinpellentesque erat. Integer sollicitudin pellentesque erat. Integer sollicitudin pellentesque pellentesque PETA 1 (Pangkatang Pagsasadula): dolor ac suscipit. Duis quis dolor ac suscipit. Duis quis commodo dolor ac suscipit. Duis quis dolor ac suscipit. Duis quis commodomauris. commodo mauris. commodo mauris. mauris. -Agosto 8, 2024 Maraming Salamat

Use Quizgecko on...
Browser
Browser