ESP8 - Unang Markahang Pagsusulit 2023-2024 (PDF)

Summary

This is an exam for grade 8 students in the Philippines for the first quarter of school year 2023-2024. The exam is about values education and covers topics like family, community, and Filipino values.

Full Transcript

![](media/image2.gif)**Republic of the Philippines** Department of Education Region II -- Cagayan Valley SCHOOL DIVISION OF TUGUEGARAO CITY CAPATAN INTEGRATED SCHOOL **UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT** **SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8** **SCHOOL YEAR 2023- 2024** **Pangalan: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\...

![](media/image2.gif)**Republic of the Philippines** Department of Education Region II -- Cagayan Valley SCHOOL DIVISION OF TUGUEGARAO CITY CAPATAN INTEGRATED SCHOOL **UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT** **SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8** **SCHOOL YEAR 2023- 2024** **Pangalan: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng inyong sagot sa patlang.** \_\_\_\_\_1. Ano ang tawag sa itinuturing na pinakamaliit na yunit ng lipunan? A. komunidad B. lipunan C. mamamayan D. pamilya \_\_\_\_\_2. Ano ang tawag sa isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga pamahalaan? A. komunidad B. lipunan C. mamamayan D. pamilya \_\_\_\_\_3. Ano ang tawag sa isang pamayanan na nagbibigay-daan sa atin na magkakasama, magkalinga, at magtulungan tungo sa isang mas maganda at maunlad na lipunan? A. komunidad B. lipunan C. mamamayan D. pamilya \_\_\_\_\_4. Ano ang tawag sa mga taong nakatira sa isang pamayanan at ito ay maaaring isang bansa, lipunan, rehiyon, at iba pa? A. komunidad B. lipunan C. mamamayan D. pamilya \_\_\_\_\_5. Ano ang pangunahing layunin ng pamilya sa lipunan? A. Magkaroon ng magandang bahay B. Magkaroon ng malusog na katawan C. Magtaguyod ng pagmamahalan at suporta D. Magkaroon ng mataas na antas ng edukasyon \_\_\_\_\_6. Ano ang mga konkretong paraan kung paano ang pamilya ay nagiging inspirasyon sa atin upang maabot ang ating mga minimithing pangarap sa buhay? Sa pamamagitan ng... A. pagbibigay sa atin ng pera at pinansyal na tulong B. pagpapadala nila sa atin sa mga prestihiyosong paaralan C. pagpapahirap sa atin upang matutunan natin ang halaga ng pagtitiyaga D. kanilang pangaraw-araw na suporta at paghihikayat sa ating mga layunin \_\_\_\_\_7. Ano ang pangunahing epekto ng pagmamahalan at pagtutulungan sa loob ng pamilya? A. Pagpapalakas ng ugnayan at pagkakaisa sa pamilya B. Pagpapalakas ng kompetisyon at selos sa loob ng pamilya C. Pagpapabuti ng kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya D. Pagtutulungan sa pagnanakaw ng mga ari-arian ng isa\'t isa \_\_\_\_\_8. Ano ang kahalagahan ng pag-unawa sa konsepto ng \"***ang pamilya ay likas na*** ***organisasyon o lipunan na pinatatag ng isang misyon***\"? A. Upang malaman kung gaano karaming pamilya ang mayroong misyon B. Upang matukoy ang mga pamilya na mayaman at may mahirap na misyon C. Upang masuri kung gaano karaming pamilya ang may mga magkaibang misyon D. Upang maunawaan kung paano nakakaapekto ang misyon ng pamilya sa kanilang pagkakaisa at paglinang \_\_\_\_\_9. Ano ang pinakamainam na halimbawa ng pag-aapply ng likas na pagmamahal at pagkatuto sa loob ng pamilya? A. Ang pag-aaruga sa mga magulang sa kanilang mga anak. B. Ang pag-aalaga sa mga pamilya ng hayop tulad ng aso o pusa. C. Ang pag-aaral ng mga pamilya ng kasaysayan ng kanilang lahi. D. Ang pagtuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak ng mga bagong kasanayan. \_\_\_\_\_10. Sa iyong pagsasanay ng mga pagpapahalaga, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang pinakamahusay na nagpapakita ng iyong pag-unawa at A. Sa isang debate, ginamit mo ang iyong kaalaman sa mga pagpapahalaga B. Nag-ambag ka sa isang proyekto ng komunidad na naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan at pag-aalaga sa kapwa. C. Binasa mo ang mga akda ng mga kilalang pilosopo at ini-apply ang kanilang mga ideya sa iyong mga desisyon at pananaw sa buhay. D. Sa iyong personal na buhay, napagtanto mo ang kahalagahan ng integridad at pagiging tapat sa iyong mga salita at gawaing araw-araw. \_\_\_\_\_11. Ano ang pangunahing mensahe o aral na makukuha mula sa kawikaan na "Kaya nga sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa panalangin, manalig kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo"? \_\_\_\_\_12. Ano ang tawag sa institusyong na ang layunin ay nagtuturo sa tao ng katotohanan at aral ng Diyos? A. paaralan B. pagamutan C. pamayanan D. simbahan \_\_\_\_\_13. Ano ang tawag sa itinuturing na ikalawang tahanan? A. paaralan B. pagamutan C. pamayanan D. simbahan \_\_\_\_\_14. Ano ang mensahe ng utos na ito mula kay Hesus sa Juan 15:12 "ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo"? A. Ang mga tao ay dapat magtanim ng halaman. B. Ang tao ay dapat magmahalan tulad ng pagmamahal ni Hesus sa kanila. C. Ang tao ay dapat maging matapat sa kanilang mga pangako hiling sa Diyos. D. Ang mga tao ay dapat maging masunurin sa lahat ng utos ng mga lider upang magkaroon ngh matiwasay na pamumuhay. \_\_\_\_\_15. Ano ang pangunahing mensahe ang Kawikaang 12:17 "sa pagsasabi ng tapat, katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan"? A. Ang pagsasabi ng tapat ay nagdudulot ng katarungan. B. Ang katarungan ay masusukat sa dami ng pagsisinungaling. C. Hindi dapat magsabi ng totoo dahil ito\'y maaaring makasama. D. Ang pagsisinungaling ay makakapagligtas sa mga tao sa mga sitwasyong delikado. \_\_\_\_\_16. Paano maipapakita ng kawikaang 12:17 na nasa itaas, ang epekto ng pagiging tapat at pagiging hindi tapat sa lipunan? A. Ang pagiging tapat ay nagpapabawas ng seguridad sa lipunan. B. Ang pagsisinungaling ay nagdudulot ng katarungan sa lipunan. C. Ang pagiging tapat ay nagbubunga ng kapahamakan sa lipunan. D. Ang tapat na pag-uugali ay nagpapabuti sa kalakalan sa lipunan. \_\_\_\_\_17. Paano mo maipapakita ang mga aral mula sa Efeso 4:2 (mapagpakumbaba, mabait, matiyaga, pagmamahalan, at pagpapatawad) sa iyong sariling buhay? A. Sa pamamagitan ng pagiging malupit at matapang sa mga tao. B. Sa pamamagitan ng pagtutulungan lamang sa mga taong mahalaga sa iyo. C. Sa pamamagitan ng pag-aaksaya ng oras sa mga bagay na hindi importante. D. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagiging mapagkumbaba sa mga kasamahan. \_\_\_\_\_18. Paano ang mga prinsipyong itinatag sa Efeso 4:2 (mapagpakumbaba, mabait, matiyaga, pagmamahalan, at pagpapatawad) ay nakakatulong sa pag-unlad ng mga indibidwal at ng kanilang komunidad? A. Ang mga prinsipyong ito ay nagiging sanhi ng hidwaan at alitan sa B. Ang mga prinsipyong ito ay walang silbi sa pag-unlad ng mga indibidwal at komunidad. C. Ang mga prinsipyong ito ay nagbibigay daan sa pagkakaroon ng mas maginhawang buhay. D. Ang mga prinsipyong ito ay isang hadlang sa pag-unlad ng mga indibidwal at komunidad. \_\_\_\_\_19. Paano maipapakita ng pamilya Santos ang mga hakbang na maaring kunin upang malunasan ang kanilang pagkakaroon ng kagipitan sa pagkain dulot ng pandemyang dulot ng Covid-19? A. Wala silang magagawa dahil sa kahirapan ng sitwasyon. B. Magdesisyon sila na hindi kumain ng masarap na pagkain upang makatipid. C. Humingi ng tulong mula sa lokal na pamahalaan o charitable organizations. D. Manatili lamang sila sa kanilang kasalukuyang kalagayan at maghintay ng tulong mula sa iba. \_\_\_\_\_20. Ano ang pangunahing konsepto na naipahayag sa aral na \"Pagmamahalan at Pagtutulungan: Susi sa Pagpapatatag ng Pamilya\"? A. Ang pamilya ay hindi mahalaga sa buhay ng tao. B. Ang pamilya ay dapat lamang maging masunurin sa mga utos ng magulang. C. Ang pamilya ay maaaring mapatibay sa pamamagitan ng pag-aaway at hindi pagkakasundo. D. Ang pagmamahalan at pagtutulungan ay nagbibigay-lakas at nagpapalakas ng pamilya. \_\_\_\_\_21. Bakit importante na pag-usapan ng pamilya ang kanilang mga pagsubok at problema kahit masaya at maayos ang kanilang relasyon? A. Dahil ang mga sigalot at problema ay hindi dapat kinakalimutan. B. Dahil hindi ito importante sa pagpapalakas ng pamilyang may sapat na pagmamahalan. C. Dahil ito ang nagpapakita ng pagkabukas ng pamilya sa pag-unawa at pagresolba ng isyu. D. Dahil ang pag-uusap ng mga problema ay nagdudulot lamang ng mas matinding hidwaan. \_\_\_\_\_22. Sino ang itinuturing na "Haligi ng Tahanan" sa isang pamilya? A. ama B. anak C. ina D. kuya \_\_\_\_\_23. Ano ang epekto ng pagbibigay ng edukasyon sa pamilya sa kanilang anak? A. Ang edukasyon ay maaaring magdulot ng labis na kahirapan sa pamilya. B. Ang pamilya ay hindi dapat binibigyan ng edukasyon dahil ito\'y hindi nila kailangan. C. Ang pagbibigay ng edukasyon sa pamilya ay hindi makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay. D. Ang pagbibigay ng edukasyon ay nagbibigay ng kaalaman at kakayahan sa pamilya na makabuo ng mas mabuting buhay. \_\_\_\_\_24. Sino ang itinuturing na "Ilaw ng Tahanan" sa isang pamilya? A. ama B. anak C. ina D. kuya \_\_\_\_\_25. Paano mararanasan ng pamilya ang tunay at malalim na mensahe ng aral ng pananampalataya? A. Kung bukal sa loob ang pagsampalataya B. Kung pipilitin na sumampalataya sa aral C. Kung mamememorya ang mga aral ng Diyos D. Kung maisasabuhay ang lahat ng mga aral na napapakinggan sa Diyos \_\_\_\_\_26. Kung ikaw ay niyaya ng iyong matalik na kaibigan na pumunta sa bahay nila sa araw ng lingo dahil kaarawan niya ngunit ayaw pumayag ng iyong magulang dahil magsisimba kayo. Ano ang iyong gagawin? A. Sasama ako sa aking magulang kahit labag sa aking kalooban. B. Sasama pa rin ako sa aking kaibigan dahil minsan lang siya maghanda. C. Papayag ako na sumama sa aking magulang kung kakain din kami sa labas pagkatapos magsimba. D. Sasama ako sa aking magulang dahil maaari pa naman ako makapunta sa kaarawan pagkatapos magsimba. \_\_\_\_\_27. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng paghubog ng pananampalataya? A. Nanalangin si Abby bago matulog. B. Sumasama si Linda sa kanyang pamilya magsimba kung kakain sa labas. C. Ginagamit ni Troy ang facebook upang maipahayag ang mga aral ng pananampalataya. D. Imbes na lumabas ng sama ng loob sa kaibigan kapag pag may problema mas pinipili ni ailyn na manalangin na lamang. \_\_\_\_\_28. Sa iyong pamilya, ano ang pinakauna at pinakamabuting dapat gawin kapag nakakaranas ng iba't-ibang suliranin ang pamilya? A. Humingi ng tulong sa pamahalaan B. Isisi lahat sa ama dahil sa pagkukulang niya C. Piliin na lamang na huwag makialam sa problema D. Idulog sa Diyos ang problema at manalangin ng taimtim \_\_\_\_\_29. Sa iyong palagay, ano ang kinakailangan ng pagtutulungan upang magkaroon ng mabuting kinabukasan ang isang bata? A. Pagtutulungan ng kaibigan at guro B. Pagtutulungan ng mga kamag-anak C. Pagtutulungan ng mga barkada at magulang D. Pagtutulungan ng mga magulang at kanilang mga anak \_\_\_\_\_30. Ano ang tawag sa anumang senyas o simbulo na gingamit ng tao upang ipahayag ang nasa kanyang isipan? A. Diyalogo B. Komunikasyon C. Monologo D. Wika \_\_\_\_\_31. Paano maipapakita ng pamilya ang pagganap ng kanilang misyon sa mga sumusunod na sitwasyon? A. Sa pamamagitan ng pag-aaksaya ng pera at materyal na bagay, maipapakita B. Sa pagbibigay ng oras at pagmamahal sa bawat miyembro ng pamilya, nagpapakita sila ng pagtutulungan at pagkakaisa. C. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagkukulang ng mga miyembro ng pamilya, nagpapakita sila ng pagkakaroon ng masusing pagmamahal. D. Lahat ng nabanggit. \_\_\_\_\_32. Ano ang pinakamabisang paraan upang maintindihan ang kausap? A. pakikinig B. pagsasalita C. pagsisigaw D. pagtalikod \_\_\_\_\_33. Sino ang itinuturing na ikalawang magulang sa mga anak ng isang pamilya? A. Doktor B. Guro C. Magulang D. Manunulat \_\_\_\_\_34. Ano ang tawag sa pagpapahayag; paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan; isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o A. mensahe C. tawag B. pakikipag-usap D. komunikasyon \_\_\_\_\_35. Sina Venice at Veronica ay taltong taon ng magkaibigan. Marami na silang napagkkwentuhan tungkol sa kanilang mga sarili. Maingat nilang iniingatan ang sikreto ng bawat isa. Ano ang ipinapakitang komunikasyon ng dalawa? A. Pag-alala o malasakit C. Pagiging hayag o bukas B. Pagkaumid o walang kibo D. Pagkainis o ilag sa kausap \_\_\_\_\_35. Ano ang tawag sa anumang senyas o simbulo na gingamit ng tao upang ipahayag ang nasa kanyang isipan? A. Diyalogo B. Komunikasyon C. Monologo D. Wika \_\_\_\_\_36. Bakit pinakamabisang komunikasyon ang "pagmamahal" sa isang pamilya? A. Dahil ang puso ay may tenga B. Dahil mas nakakrinig ang puso kesa tenga C. Dahil naglalapit ang kanilang damdamin kahit hindi sila nag-uusap D. Dahil ang pakikipag-usap ng may pagmamahal ang mas nakakaunwa \_\_\_\_\_37. Si Ivan ay tahimik na tao. Mas gusto niyang pinapakinggan lamang ang mga pahayag o sintemyento ng mga tao at hindi siya naglalakas loob na magbigay \_\_\_\_\_38. Paano mo maipakita sa iyong pamilya ang kahalagahan ng komunikasyon sa inyong pang-araw-araw na buhay? A. Sa pamamagitan ng pagtutulungan sa mga gawaing bahay. B. Sa pag-aayos ng kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa isa\'t isa. C. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain na walang pakialamanan. D. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng komunikasyon sa mga taong hindi parte ng pamilya. \_\_\_\_\_39. Sa daan ay nakasalubong si Tim ng isang matandang umiiyak. Hinintuan niya ito at tinanong kung bakit ito umiiyak. Nagsalaysay ang matanda at nalaman na Tim na naliligaw ito. Para matulungan, dinala niya ito sa malapit na istasyon ng pulisya. Ano ang ipinakitang pag-uugali ng Tim? A. Pagiging hayag o bukas C. Pag-alala o malasakit B. Pagkaumid o walang kibo D. Pagkainis o ilag sa kausap \_\_\_\_\_40. Magkaiba ang pananaw sa politika ng magkaibigang Lyza at Maxine. Naguguluhan ang isa pa nilang kaibigang si Jenny kung sino ang papakinggan sa mga ito dahil napapadalas na ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa. Ano ang dapat gawin ni Jen? A. Papanig siya kay Lyza. \_\_\_\_\_41. Ano ang pangunahing papel ng pamilya sa lipunan? A. Ang pamilya ay nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa buong lipunan. B. Ang pamilya ay nagbibigay ng pera at yaman sa mga nangangailangan sa lipunan. C. Ang pamilya ay pangunahing yunit ng pag-aalaga at paghubog ng mga indibidwal sa lipunan. D. Ang pamilya ay pangunahing responsable sa pagpapalaganap ng kaalaman sa komunidad. \_\_\_\_\_42. Ano ang pangunahing layunin ng bayanihan na kaugalian ng mga Pilipino? A. Ang pag-angat ng sariling interes sa bawat isa. B. Ang paglalagay ng sarili sa unahan ng lahat ng oras. C. Ang pagtutulungan at pagkakaisa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng isa\'t isa. D. Ang pagtutulungan sa pag-aakalang mas mataas ang sariling kakayahan kaysa sa iba. \_\_\_\_\_43. Ano ang pangunahing tungkulin ng pamilya sa lipunan? A. Ang pagpapalaganap ng mga kaganapan sa komunidad. B. Ang pag-aalaga, pag-aaruga, at paghubog sa mga miyembro nito. C. Ang pagtulong sa mga pamilya ng iba sa mga oras ng kagipitan nila. D. Ang pagpapahayag ng mga personal na opinyon sa mga isyu ng lipunan. \_\_\_\_\_44. Saan nanggaling ang salitang "Lipunan" na may kahulugan na pangkat? A. lipon B. mipon C. mayan D. punan \_\_\_\_\_45. "Ang pagiging **[bukas palad]** ay kaugalian ng mga Pilipino na tumulong sa mga nangangailangan ng hindi naghahanap ng kapalit." Ano ang kahulugan ng nasalungguhitan na salita? A. mabait B. mapagbigay C. mapagmahal D. masipag \_\_\_\_\_46. Ano ang pangunahing papel ng lipunan sa buhay ng tao? A. Ang lipunan ay nagbibigay ng kabuuang kalayaan at independensiya sa bawat isa. B. Ang lipunan ay nagbibigay ng kaalaman, suporta, at kultura sa mga indibidwal. C. Ang lipunan ay walang ibang responsibilidad kundi ang pagpapahayag ng sariling opinyon. D. Ang lipunan ay nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tirahan. \_\_\_\_\_47. Sa iyong palagay ano ang madalas na dahilan bakit hindi mo nagagampanan ang iyong papel sa lipunan? A. Kahirapan sa pag-unawa sa kahalagahan ng kanyang papel. B. Kakulangan ng oras at pagkukulang sa pag-organisa ng mga gawain. C. Kakulangan ng kakayahan o mga oportunidad upang magampanan ito. D. Pagiging pasibista at pagiging walang pakialam sa mga isyu sa Lipunan. \_\_\_\_\_48. Alin sa mga sumusunod ang tamang karapatan ng pamilya sa mga kabataan? A. Ang karapatang hayaan ang mga kabataan. B. Ang karapatan sa pagkakaroon ng lamat ng bigkis. C. Ang karapatang mabigyan ng mahihirap na trabaho ang kabataan. D. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at pagtuturo sa mga anak. **Para sa bilang 49 at 50.** +-----------------------------------------------------------------------+ | Nang nanalanta ang bagyong "ondoy" noong September 26, 2009, ay | | | | maraming kababayan natin sa pasig ang na stranded dahil sa malakas na | | buhos ng ulan at mabilis na pagtaas ng tubig na naging dahilan ng | | paglubog ng kalakhang maynila. Ang pangyayaring ito ay nagpamalas | | kung paano angmga taong na stranded ay tulong tulong at hawak kamay | | na naglakad upangmaalalayan ang bawat isa at makaalis sa problemang | | dulot ng bagyong Ondoy. | +-----------------------------------------------------------------------+ \_\_\_\_\_49. Sa iyong palagay, sa ganitong sitwasyon paano ka maktutulong na mapanatili ang diwa ng bayanihan? A. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon o tulong pinansiyal sa mga B. Sa pag-aalok ng iyong oras at kakayahan upang makatulong sa mga proyekto ng komunidad. C. Sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa bayanihan at kahalagahan nito sa pamamagitan ng edukasyon. D. Sa pagtutulak ng mga patakaran ng pamahalaan na nagpapalaganap at nagtutulak ng mga aktibidad ng bayanihan sa komunidad. \_\_\_\_\_50. Kailan nanalanta ang bagyong Ondoy sa ating bansa? A. Setyembre 23, 2009 C. Setyembre 25, 2009 B. Setyembre 24, 2009 D. Setyembre 26, 2009 Inihanda ni: Nirepaso ni: **[CHARELLE R. BOBIAS] [ARISTOTLE S. DAQUIOAG]** ESP TEACHER MASTER TEACHER I Inaprubahan: **[JAY LOREN C. TABUGAY]** PRINCIPAL I **Address:** Capatan, Tuguegarao City, 3500 **Email Address:** 501748\@deped.gov.ph

Use Quizgecko on...
Browser
Browser