Aralin 1: Ang Pamilya bilang Hulwaran ng Pagkatao at Pakikipagkapwa PDF

Summary

This document discusses the family as a fundamental social institution in Filipino culture. It details the values, virtues, and roles within the Filipino family unit. The document emphasizes the importance of the family in shaping individuals and society.

Full Transcript

Aralin 1: Ang Pamilya bilang Hulwaran ng Pagkatao at Pakikipagkapwa Pagpapahalaga (Values) – mga kaugalian, tao, bagay at iba pa na mahalaga sa ating buhay Halimbawa: buhay, pamilya, cellphone, pera Hindi lahat ng pagpapahalaga ay Mabuti Birtud (Virtues) – ito...

Aralin 1: Ang Pamilya bilang Hulwaran ng Pagkatao at Pakikipagkapwa Pagpapahalaga (Values) – mga kaugalian, tao, bagay at iba pa na mahalaga sa ating buhay Halimbawa: buhay, pamilya, cellphone, pera Hindi lahat ng pagpapahalaga ay Mabuti Birtud (Virtues) – ito ay mga mabuting pagpapahalaga na paulit-ulit na ginagawa at isinasabuhay Bisyo (Vices) – ito ay mga hindi mabuting pagpapahalaga na paulit-ulit na ginagawa Kahulugan ng Pamilya Ayon kay PIERANGELO ALEJO, ang Pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot,puro, at romantikong pagmamahal. Ayon naman kina Burgess at Locke (1991), Ang pamilya ay nagsasama-samang mga Tao na pinagbuklod ng kasal. Nag-uugnayan at nag-uusap sa kani-kanilang gampanin bilang mag-asawa, ina, ama, anak, kapatid. Nagpapanatili ng nagkakaisang pamumuhay Ang pamilya ay isang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o pagsunod. Bakit ang pamilya ay likas na institusyon? 1. Ang pamilya ay maliit na pamayanan ng mga tao na inaasahang may maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay na nakabatay sa mabuting ugnayan Sa pamamagitan ng edukasyon, motibasyon, at suporta ng mga kasapi, ang pamilya ay nagsisilbing likas-yaman para sa maayos at mapayapang lipunan Mahalaga ang katatagan sa pagpapairal ng kabutihan sa pamilya at sa kapwa 2. Ang pundasyon ng institusyon ng Pamilya ay pinatitibay ng Pagmamahalan Ng mga magulang Ang pagiging matibay ng pamilya ay nakabatay sa pagmamahalan na namamagitan sa mag-asawa Mula sa pagmamahalan ng mag-asawa ay naisasalin nila ang bahagi ng kanilang pagkatao sa mga anak nila Mga suliranin na kinakaharap ng naghihiwalay na pamilya o Sapilitan o Walang kahandaan o Hindi pinag-isipang mabuti o Madaliang kasalan o Huwad na pagmamahalan 3. Ang pamilya ang una at pinaka mahalagang bahagi ng lipunan. Ang kalakasan ng mga pamilyang bumubuo ng lipunan ay sila ring kalakasan ng bansa “Walang tagumpay ng bayan ang mangingibabaw o nangunguna sa kaniyang mamamayan” Ang lipunan ay may tungkuling igalang at protektahan ang karapatan ng pamilya 4. Ang pamilya ay ibinibilang na institusyonng pagmamahalan at pagtutulungan Ang tunay na pagmamahal ay walang hinihintay na kapalit Ang pagmamahalan at pagtutulungan ay nalilinang sa loob ng tahanan Ang paglalaan ng sarili para sa kapwa ay nagpapakita ng pagmamahal na hindi mabibili o naipagbibili 5. Ang pamilya ang una at walang makapapalit na paaralan para sa panlipunang buhay Ang pamilya ang institusyon upang gawing makatao at mapagmahal ang lipunan Natatangi ang mga Pilipino sa larangan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya Ang mga birtud na nag-uugat sa pamilya ay madaling naipakikita sa pakikipagkapwa sa pamayanan 6. Ang pamilya ay may panlipunan at pampolitikal na gampanin Isang gampaning panlipunan ang pagtulong sa kapwa upang magkaroon sila ng kakayahan sa pagharap sa kanilang pangangailangan Ang politikal na gampanin ng pamilya ay ang mga gawaing pampamahalaan tulad ng pagsasakatuparan at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan

Use Quizgecko on...
Browser
Browser