Kabanata I PDF: Ang Wika at mga Batayang Kaalaman sa Pagdadalumat

Document Details

LowRiskFeministArt

Uploaded by LowRiskFeministArt

Don Honorio Ventura State University

Tags

Filipino language language concepts dalumat wika

Summary

Ang dokumentong ito ay isang lektura sa Filipino na tumatalakay sa kahalagahan ng wika at mga pangunahing konsepto sa pag-aaral nito, partikular na ang dalumat, paglilirip, at hiraya. Tinatalakay din ang pagbabago ng wika at ang papel nito sa lipunan. Ang lektura ay nagbibigay ng mga kahulugan at halimbawa upang mas maunawaan ang mga nabanggit na konsepto.

Full Transcript

Kabanata I : ANG WIKA AT MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGDADALUMAT ANG WIKA BILANG MAHALAGANG SALIK SA PAGBABAGONG LIPUNAN Panimula Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan upang magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa....

Kabanata I : ANG WIKA AT MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGDADALUMAT ANG WIKA BILANG MAHALAGANG SALIK SA PAGBABAGONG LIPUNAN Panimula Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan upang magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ito ay lubhang napakahalaga sapagkat kung wala ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaunawaan. WIKA Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa ibang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad. Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001), sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multikultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon kundi maging sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid, hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. HALIMBAWA NG MGA PAGBABAGO SA WIKA 1. Pagkakaroon ng mas maraming Barayti ng Wika. 2. Ang pag-usbong ng Teknolohiya na naging sanhi ng pagkalimumot sa pangunahing kaalaman kagaya ng wastong paggamit ng salita at ang kahalagahan at pagtangkilik sa ating sariling wika; ang wikang Filipino. KAHULUGAN NG DALUMAT, PAGDADALUMAT AT PAGDADALUMAT-SALITA DALUMAT Sa Ingles na kahulugan, ayon kay Panganiban (1973) “very deep thought, abstract conception” Maiuugnay sa proseso ng Paglilirip at Paghihiraya. Lektura sa Dalumat ng/sa Filipino Kabanata I : ANG WIKA AT MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGDADALUMAT Paglilirip -​ maingat na pag-iisip. -​ may pagsusuring sangkot sa gawaing pag-iisip. Hiraya -​ ilusyon, imahinasyon, bisyon, pangarap, sana. -​ anumang inilalarawan sa isip o binubuo sa isip. -​ ang kakayahan ng isip na maging malikhain o mapamaraan. -​ ang kakayahan ng isip na bumuo ng mga imahen o konsepto ng mga panlabas na bagay na hindi umiiral o hindi totoo. -​ kakayahan​ ng​ isip​ na​ bumuo​ ng​ mga​ bagong​ imahen​ o​ ideya sa pamamagitan ng pagdudugtong-dugtong ng mga dating karanasan. Paghihiraya - ang kahulugan mismo ng panghihiraya ay upang maging malikhain ang isang palaisip o teorista sa kognitibong konstruksyon ng kabuluhan, kahulugan at kakanyahan ng salita bilang dalumat. Kung kaya’t pumapasok dito ang lisensya ng isang iskolar o teorista na bumuo ng bagong salita sa dinadalumat na teorya. PAGDADALUMAT Tumutukoy sa pagteteorya at pagbubuo ng mga konsepto o kaisipan na mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay-bagay sa lipunan. Samakatuwid, kung nagdadalumat ang isang palaisip, nakakapit sa isip niya ang paglilirip, pagsisid sa kailaliman ng kahulugan o penomenon at paghihiraya nito. Ibig sabihin, dahil sa imahinasyon, tagakatha’t tagasuri siya sa pagdadalumat. Hindi lamang tekstwal ito bagkus, biswal din ang saklaw ng pagdadalumat. PAGDADALUMAT - SALITA Ito ang pagtatangkang teoretikal, alinsunod sa paglikha ng bagong salita at katuturan nito. Tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa malalimang pag-uuri’t paggamit nito. Tinitingnan sa paraang ito ang ugnayan ng salitang-ugat at ang varyasyon ng mga pagbabanghay ng salita na nagluluwal ng sanga-sangang kahulugan (Nuncio at Morales-Nuncio 2004: 167). Humihiwalay sa lexical o diksyunaryong kahulugan lamang ang salita at nililirip ito sa antas ng interpretasyon. Lektura sa Dalumat ng/sa Filipino

Use Quizgecko on...
Browser
Browser