KULPOP Musika G1 Notes PDF
Document Details
Uploaded by AgileTrust
Felix Lao Macanang
Tags
Related
- La Música en la Antigua Grecia PDF
- Paggawa ng mga Animated Videos para sa mga Bata (GED 107-2024) PDF
- Questões Objetivas de Música - Senta no Fazendeiro (PDF)
- Unitat 2. La Música en la civilització grega PDF
- El Sonido que Dio Origen al Mundo: Reflexiones sobre la Música y la Palabra
- MÚSICA Y DESARROLLO COGNITIVO PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga tala tungkol sa musika, kabilang ang mga konsepto, kahalagahan, at kasaysayan ng musikang Pilipino. Ito ay isang mahusay na mapagkukunan para sa mga mag-aaral sa mga kurso ng musika.
Full Transcript
Kulpop Presentation Group 1 - MUSIKA FELIX LAO MACANANG Part I. Kalikasan at Kahulugan Ang musika ay isang sining na gumagamit ng tunog. Ito ay binubuo ng mga nota, ritmo, melodiya, harmoniya, at iba’t ibang tunog upang mas malalim a...
Kulpop Presentation Group 1 - MUSIKA FELIX LAO MACANANG Part I. Kalikasan at Kahulugan Ang musika ay isang sining na gumagamit ng tunog. Ito ay binubuo ng mga nota, ritmo, melodiya, harmoniya, at iba’t ibang tunog upang mas malalim ang pagpapahayag ng damdamin kaysa sa salita lamang. Ito ay hango sa salitang Griyego na mousa na nangangahulugang “muse” na naging mousike pagkatapos na ibig sabihin ay “art of muses” dahil sa mitolohiyang Griyego, ang mga musa ang namamahala sa sining, panitak at agham. Dahil sa terminong Griyegong ito, inangkop ito sa Latin bilang musica na tumutukoy na partikular na sining ng pagtutugma ng mga tunog sa harmoniya. Sa iba pang depinisyon, ang musika ay sangay ng Humanidades na pinagsasama-sama ang tunog ng iba’t ibang tono upang makalikha ng isang katha na musika. Pero lahat tayo, alam naman natin na ang musika ay tunog na nililikha ng mga instrumentong pangmusika at sa paglipas ng panahon ito rin ay isinasagawa na gamit ang boses ng tao upang mas lalong ipahayag ang damdamin tulad ng saya, lungkot, pag-ibig, galit, at iba pang emosyon. Ang musika ay pangunahing ginagamit para magbigay libangan, may kakayahang pag-isahin ang mga tao; gingamit din ito sa pagsamba at ritwal upang lumikha ng banal na kapaligiran, at may iba naman sinasabing ito ay ginagamit bilang terapiya ng mga tao. Part II. Kahalagahan Ang musika ay mayroong malawak at malalim na epekto sa pamumuhay ng bawat tao. Napakahalaga nito dahil ito ay madalas na nagsisilbing buhay sa kalooban ng bawat tao na nakikinig dito. At nakikita ang kahalagahan nito sa iba’t-ibang aspeto tulad ng emosyonal, pisikal, at mental na kalusugan ng bawat isa. Kung kaya’t ito ay naging makapangyarihang kasangkapan na nagbibigay ng maraming benepisyo sa tao sa iba't ibang aspeto ng kanilang buhay. Ang regular na pakikinig at pag-engage sa musika ay maaaring magdulot ng positibong epekto sa kapasidad at kalooban ng bawat tao. Narito ang ilan sa mga pangunahing tulong at magandang benepisyo ng pakikinig sa musika. Sa aspetong emosyonal, nakakatanggal ito ng stress sa pagkat ang pakikinig ng musika ay maaaring makatulong na maiwasan ang pag igting ng stress. Ang mga slow-tempo na kanta ay maaaring magbigay ng pakiramdam ng kapayapaan at relaxation.Ipinag bubuti rin nito ang mood ng isang tao dahil ang mga upbeat at masiglang kanta ay maaaring magdulot ng saya at enerhiya. Habang sa Mental na aspeto naman ay pinapalakas nito ang ating abilidad sa pamamagitan ng pakikinig sa mga classical music o mga paborito nating kanta upang makapag pokus at concentrate sa ating mga gawain. Mapapaunlad rin nito ang ating memorya at recall lalo na sa mga lumang kanta na may personal na kahulugan sa isang tao. Sa pisikal na aspeto naman, maaaring magamot ng musika ang ating mga sakit sa pamamagitan ng music therapy. Kung saan, tinutulungan nito ang mga taong nakakaranas ng chronic pain, depression, at iba pang kondisyon. Ang musika ay maaaring magbigay ng pansamantalang ginhawa mula sa sakit at discomfort. Isa pa, nakakatulong din ang musika upang makatulog kaagad ang isang tao, lalo na kapag sila ay nakikinig ng mga pampalakmang klase ng musika. At pang huli, sa aspetong kultural, ito ay nakakatulong sa pagpapakilala ng isang kultura kasama ang kanilang mga tradisyon. Ito ay nagbibigay ng pagkakakilanlan at pag-unawa sa kasaysayan at kultura ng isang lugar. Pinapalakas rin nito ang ating kumpyansa sa sarili lalo na kapag ginagamit ito sa mga pampasigla na sitwasyon o pagtatanghal. At dito na nagtatapos, ang kahalagahan ng musika. Tayo naman ay dumako na sa kaligirang pangkasaysayan. Part III. Kaligirang Pangkasaysayan Ang "Kaligirang Pangkasaysayan ng Musikang Pilipino" ay tumutukoy sa pinagmulan o origin, pag-unlad, at konteksto ng musikang Pilipino sa loob ng ating kasaysayan. Ito ay tumatalakay sa kung paano umunlad at nagbago ang musika sa Pilipinas, at kung ano ang mga salik na nakakaapekto dito. Mayroong apat na panahon ang kaligirang kasaysayan ng musikang pilipino at ito ay ang panahon ng kolonisasyon ng mga espanyol, kung saan malaki ang naging epekto ng kulturang espanyol sa musikang pilipino. Ang mga misyonero ay nagdala ng mga instrumento tulad ng gitara at tinuruan ang mga Pilipino ng mga kantang relihiyoso at klasikal. Dito nagsimulang magsanib ang mga lokal na tunog at estilong Europeo, na nagbunga ng mga anyo tulad ng korido, awiting bayan at kundiman. Habang sa panahon ng amerikano naman nagkaroon ng malawak na impluwensya ang mga banyagang pamamaraan sa mga Pilipino at dito na rin umusbong ang panahon ng mga modernong musika tulad ng mga makabayan, progresibong musika, at OPM o original pilipino music. Ang susunod na naman ay ang panahon ng mga hapon, kung saan sa panahon na ito, ay ginagamit ang musikang pilipino upang pataasin ang moral at palakasin ang loob ng ating mga kababayan laban sa pang aabuso ng mga hapon. At matapos ang world war 2, dito na papasok ang post-war period o modernong panahon. Kung saan, patuloy na umusbong ang musikang pilipino at nagkaroon ng iba’t-ibang estilo tulad ng Reggae, Rap, at iba pa. Dito na nagtatapos ang maikling pagbubuod tungkol sa kaligirang pang kasaysayan ng musikang pilipino. Tayo naman ay dumako na sa mga halimbawa nito. Una, ang korido. Kung saan, ito ay mga tulang nasa anyong pantanghalan na karaniwang nagkukuwento ng mga pakikipagsapalaran at kabayanihan, at madalas na nakabatay sa mga temang makabayan o pantasya. Ang isang halimbawa nito ay ang ibong adarna! Ito rin ay may walong pantig at kadalasan ay mabilis ang paraan ng pagbigkas o paghimig. Ikalawa, ang musikang makabayan, kung saan ito ay kasabay ng pakikibaka para sa kalayaan laban sa mga mananakop. Ang mga kantang makabayan ay kadalasang ginagamit upang pukawin ang damdaming nasyonalismo at patriotismo sa panahon ng Rebolusyong Pilipino at sa mga sumunod na dekada. Ikatlo, ay reggae kung saan ang istilong ito ay nakuha ang popularidad sa pamamagitan ng mga lokal na banda at artist na ang-eksperimento sa tunog ng musika. Ito ay malumanay at relaxed na tono hanggang sa mas energetic at rhythmic na delivery. Ang pag-awit ay kadalasang may natural na flow at minsang gumagamit ng call-and-response na estilo. Awiting Bayan- Sa bawat himig ng awiting bayan, may pagsuyo. Isang pag-ibig na hindi lamang para sa minamahal, kundi para sa lupa, sa tubig, sa hangin: ang ating Inang Bayan. Binibini at Ginoo, ang awiting bayan ay isang uri ng musika na naging popular bago pa man dumating ang mga espanyol. Hay naku~ Sa awiting bayan, ang karaniwang paksa dito ay ang pang-araw araw na pamumuhay ng mga tao sa isang bayan. Ang awiting bayan ay higit pa sa mga salitang isinasahimig. Iyan ay agos ng kasaysayan; mga awit ng pangarap, ng pag-ibig, at ng pagkakaisa. Ilan sa mga uri ng awiting bayan ay: 1. ang oyayi o hele na isang musikang pangpatulog ng bata. 2. Soliranin- awit sa pamamangka 3. Maluway- awit sa sama-samang paggawa 4. Kundiman- awit sa pag-ibig 5. Kumintang- awit ng pakikidigma 6. Dalit- awit na panrelihiyon 7. Dung-aw- awit sa patay ng mga Ilocano Leron Leron sinta ay isa mga popular na halimbawa ng awiting bayan na ang tila isang makulay na piraso ng tela, hinahabi ang kwento ng masilayan ang kagandahan ng simpleng pamumuhay. Ang bawat taludtod ay parang mga dahon ng papaya na sumasayaw sa hangin; mga kasiyahan at pag-asa na nagmumula sa araw-araw na pagsisikap at pagkakaisa. Progresibo - Ang progresibong musika ay lumalampas sa pangkaraniwan na genre, gumagamit ng ibang uri ng ritmo, istruktura, at mga bagong tunog. Hinahamon nito ang mga nakasanayan, hinihikayat ang malikhain at magtuklas pa ng ibang pamamaraan. Mula rock, jazz, o elektronik, hinihikayat ng progresibong musika ang mga tagapakinig na maglakbay, sa labas ng pamilyar, tuklasin ang bagong uri pamamaraan ng ekspresyon sa musika. Ang rap ay isang uri ng musika kung saan ang mga salita ay hindi inaawit ngunit binibigkas sa isang mabilis, ritmo. Ang pangunahing bahagi ng rap ay ang liriko na karaniwang binubuo ng mga taludtod na may ritmo at rhyming pattern. Halimbawa: Panalo - Ez Mil Nakikita niyo ba yung ritmo at flow at beat sa musikang ito. Samakatuwid, ang rap ay madalas na ginagamit bilang isang paraan ng pagpapahayag ng opinyon, pagkuwento ng mga kwento, at pagtalakay sa mga isyung panlipunan. Ang rap ay umusbong noong Dekada 70s na sinimulan ng mga taga South Bronx, mga Black Americans, kaya naman men, ang mga rappers ay karaniwang mga Black Americans. Naimpluwensyahan ang Pilipinas kaya naman umusbong ang mga kanta na may rap tulad ng Banyo Queen, Sirena, Gayuma na kinanta ng mga tangyag na Rappers tulad nina Andrew E, Gloc-9 at Abra. Sa ngayong, umuusbong na lalo ang mga rap at nagkakaroon na ng iba pang mga tema na hindi ko pwedeng banggitin dahil baka ma mtrcb tayo, men! That’s for my part, Peace!! Kundiman - Ang sarap magmahal diba? Tila’y pakiramdam mo ang saya na dala ng araw tuwing umaga. Sa pamamagitan ng musika, ang inaalay ang tanging harana. Ang Kundiman ay isang uri ng kanta na ginagamit sa panliligaw, ang himig nito ay puno ng pagmamahal na umaapaw. Ang tono nito ay nagpapagaan sa ating damdamin, himig na siyang nakakapukaw ng pansin. OPM - Mabuhay ang atin, sariling musika ay tangkilikin. Ang Original Pilipino Music o kilala sa OPM, ay mga kantang gawa ng mga mang-aawit na Pilipino. Ito ay patuloy na umuusbong, at marami pang mga bagong pangalan ang sumisikat dito sa larangang ito. Ang mga mang-aawit dito ay kagaya ng Eraserheads, Itchyworms, Cup of Joe, at marami pang iba. Sa ngayon ang presidente ng OPM ay si ginoong Ogie Alcasid, na isang mang-aawit at manunulat ng kanta. Kasalukuyang Musika - Ano nga ba ang PPOP na ito? Ang PPOP o Philippine Pop ay ang bagong paraan sa musika, na hango sa Korean Pop o KPOP. Sa ngayon, unti-unting nakikilala ang mga iilang grupo at nagkaroon na ng mga parangal at gantimpala. Kagaya ng SB19 at BINI, na ngayon ay kilalang kilala na sa ibang bansa rin. Bukod dito, nauso narin ang mga ginagawang remix ang kanta, o kaya ay mas binibigyang buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sayaw. Kagaya ng bersyon na Electronic Dance Music (EDM) na dito sa bansa ay nauso rin ang tinatawag na budots. Ang musika ay mayroong napakahalagang Impluwensya na mayroong malawak at malalim na tulong sa kulturang Pilipino. Kung saan, tinulungan tayo nito upang mas lumalim ang ating pagkakakilanlan sa ating mga sarili o sa aspetong pagpapahayag ng identidad. Ang musika rin ang nagsilbing instrumento sa pagpapakita ng pagkakakilanlan ng iba’t-ibang grupong etniko sa ating bansa. Ito rin ang isa sa nagsisilbing aspeto upang mapanatili natin ang ilan sa ating mga tradisyon. Ang mga katutubong awit at sayaw, gaya ng Tinikling at Singkil, ay bahagi ng mga ritwal at pagdiriwang na ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Ang isa pang importanteng impluwensya ng musika sa ating kultura ay, nagsisilbing tulay ito upang magkaisa ang bawat Pilipino. Ang mga popular na kanta at grupong musikal ay maaaring magsanib ng mga tao mula sa iba't ibang bahagi ng bansa, nagiging daan sa pagkakaroon ng shared experience sa mga pagdiriwang at kaganapan. Nakakatulong rin ito sa pagpapahayag ng ating mga opinyon at saloobin. Kung saan, maaari natin itong magamit bilang plataporma para sa pagpapahayag ng opinyon at saloobin. Ang mga awit na naglalaman ng mga mensahe tungkol sa politika, lipunan, at iba pang isyu ay nagbibigay boses sa mga mamamayan. Pang huli, sa aspetong komersyal, malaki rin ang papel ng music industry sa ating bansa upang mas makilala ang angking talento ng ating mga kababayan. Ang mga Pilipinong artist ay nagiging pandaigdigang tagumpay, na nagdadala ng atensyon sa kulturang Pilipino sa ibang bahagi ng mundo. Kung kaya’t nakilala ang mga Pilipino sa iba’t-ibang bansa na mayroong magandang boses. Sa pangkalahatan, ang musika ay higit pa sa isang sining, dahil ito ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino, na nagdadala ng saya, nagpapakita ng pag-aalala, at nagpapalakas ng pagkakakilanlan. - History and Eras Summary Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Musika sa Daigdig* ay tumatalakay sa pag-unlad ng musika mula sa sinaunang ritwal at pagdiriwang ng iba't ibang kultura, patungo sa mga organisadong pamamaraan ng mga Griyego at Romano, hanggang sa pagiging sentro ng uri ng pananampalataya at pagsamba sa Medieval at Renaissance periods. Sa mga sumunod na panahon, ang musika ay naging mas masining sa Baroque at Classical na mga panahon, at mas emosyonal sa Romantic period. Sa ika-dalawampung siglo, ang musika ay naging mas magkakaiba at masaklaw, naimpluwensyahan ng teknolohiya at mga bagong genre tulad ng jazz, rock, at pop, na nagpadali sa pandaigdigan na distribusyon at paglikha. - Impluwensya ng Musikang Pandaigdig Ang musika ay may malalim na impluwensiya sa kulturang Pilipino, lalo na at tuwing mga handaan kagaya ng birthdays, hindi mawawala ang kanta sa mga videoke. Bukod dito hindi lamang nagmumula sa loob ng bansa kundi pati na rin sa pandaigdigang eksena. Ang globalisasyon ay nagdala ng iba’t ibang uri ng musika mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at mabilis itong tinanggap ng mga Pilipino, lalo na sa ngayon sari-sari na ang mga kantang ating pinakikinggan. Ang pag-usbong ng K-Pop, Western pop, at iba pang tema mula sa iba’t ibang bansa ay nagbunga ng karagdagang pagkilala, ng mga Pilipino sa larangan ng musika. Ito ay nagdulot ng mga pagbabago sa paraan ng paglalarawan, pagsayaw, at maging sa paraan ng pagpapahayag ng damdamin ng mga kabataan. Kasabay nito, naging mas bukas ang mga Pilipino sa pagtangkilik ng mga kanta sa iba’t ibang wika, lalo na ang Ingles, na nagiging bahagi na ng pang-araw-araw na pakikinig narin.. Ngayon maituturing ba natin na banta sa kultura ang musika ng mga dayuhan? Sa pangkalahatan na pananaw ay hindi, subalit nakadepende rin ito sa mga posibleng mangyari at sa paraan ng pagtangkilik. Bagkus kahit mayroon man mga bagong natutuklasan na musika, sana ay hindi ito magsilbing hudyat ng pagkalimot sa sariling atin. Lalo na kapag ang OPM ay tuluyan ng kinalimutan at humina, isa narin itong paglalarawan ng pagkawala sa ating kultura at pagkakakilanlan.