Document Details

Uploaded by Deleted User

Mababang Paaralan ng Malabon

2017

Chylde A Lim

Tags

agenda meeting planning school meeting Tagalog

Summary

This document is an agenda for a meeting at Mababang Paaralan ng Malabon on October 27, 2017. It outlines the meeting's purpose, agenda items (including Halloween planning), and participants. The document is helpful for understanding meeting procedures and planning.

Full Transcript

M3L1: Agenda Agenda - listahan, plano o balangkas ng mga pag-uusapan, dedesisyunan o gawain sa isang pulong. - Nakasulat ito sa kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod na batay sa sa halaga nito sa mga indibidwal na organisasyon o institusyong nagpupulong. - Maari itong mangahulugan...

M3L1: Agenda Agenda - listahan, plano o balangkas ng mga pag-uusapan, dedesisyunan o gawain sa isang pulong. - Nakasulat ito sa kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod na batay sa sa halaga nito sa mga indibidwal na organisasyon o institusyong nagpupulong. - Maari itong mangahulugang lihim na pinaplano ng isang tao para sa kaniyang sariling kapakinabangan na makakatulong sa pagpapaunald ng organisasyon o institusyong kinabibilangan. - Ginagamit sa pagtukoy sa mga gawaing dapat aksiyunan o bigyan ng prayoridad tulad ng sosyo-ekonomikong agenda na ginawa ng Administrasyong Duterte para sa Pilipinas. Mga Layunin ng Agenda - Magbigay ng Estruktura: Ang agenda ay naglalagay ng malinaw na istruktura para sa isang pulong, na nagbibigay-daan sa mga kalahok na malaman kung ano ang aasahan at kung paano maghanda. - Itakda ang Layunin: Dito nakasaad ang mga layunin ng pulong, kaya’t malinaw sa lahat ng kalahok kung ano ang mga dapat matamo sa pagtatapos ng pulong. - Pamamahala ng Oras: Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng nakaayos na mga paksa at oras, natutulungan ang bawat isa na maging epektibo at produktibo sa loob ng itinakdang oras. - Tugunan ang Mahahalagang Isyu: Tinitiyak ng agenda na lahat ng mahahalagang isyu ay mapag-uusapan at walang makakaligtaang detalye. Mga Bahagi ng Agenda Pamagat ng Pulong: Dapat na malinaw na nakasaad ang pamagat o layunin ng pulong. Petsa, Oras, at Lugar: Mahalagang detalyado ang mga impormasyon na ito upang masigurong alam ng mga kalahok kung kailan at saan gaganapin ang pulong. Listahan ng mga Kalahok: Maaaring ilagay dito ang mga inaasahang dadalo sa pulong. Mga Paksa o Agenda Items: Dapat nakasaad ang bawat paksa na tatalakayin, kasama ang oras na inilaan para dito at ang responsable sa presentasyon o diskusyon. Oras para sa Bawat Paksa: Tiyakin na may oras na itinakda para sa bawat paksa upang mapanatili ang tamang daloy ng pulong. Mga Layunin ng Pulong: Ano ang mga inaasahang resulta o desisyon na dapat makamtan sa pagtatapos ng pulong. Agenda ng Pagpupulong Lokasyon: Mababang Paaralan ng Malabon Petsa: Ika-27 ng Oktubre taong 2017 Oras: 3:00 n.h. Tagapangasiwa: Punong Guro Letty Pascual 1. Introduksyon 2. Pagtala ng Bilang ng Dumalo 3. Pagpresenta at Pagtalakay sa Adyenda 4. Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween 5. Skedyul ng klase 6. Balangkas ng programa 1 7. Listahan ng mga magpeperform 8. Palamuti sa eskwelahan 9. Petsa ng Halloween party Pagpapalawak sa bahagi ng Agenda 1. Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Sagot: Mababang Paaralan ng Malabon, ika-27 ng Oktubre 2017 2. Anong oras ito magsisimula at matatapos? Sagot: Ika-3 ng hapon 3. Sino ang tagapangsiwa ng pagpupulong? Sagot: Punong Guro Letty Pascual 4. Ano ang paksa o usapin ng talakayin? Sagot: Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween Karagdagang pagpapakahulugan sa Agenda Ang agenda ay talaan o listahan ng mga talakayin sa gagawing pagpupulong. Nakasaad dito ang aksyon o rekomendasyong inaasahang pag-usapan sa pulong. Ano ang ibig sabihin ng Agenda? Ang kahulugan ng salitang agenda ay plano o mga gawain na kailangang gawin. Karaniwang gumagawa ng agenda sa mga pagpupulong kung saan inililista o isinusulat nila ang mga paksang kailangan nilang pag-usapan. Layunin nitong bigyan ng ideya ang mga dadalo sa gaganaping pagpupulong. Dito malalaman kung saan, kailan at kung ano ang mga paksang pag-uusapan sa gaganaping pagpupulong. Ang agenda ay pormal, organisado at malinaw ang salitang ginagamit Isa sa mahalagang bahagi o kailangan upang magkaroon ng maayos na takbo at iisa ang direksyon sa gagawing pagpupulong. Mas magiging madali rin ang daloy ng pagpupulong kung may sa agenda dahil mapaghahandaan na ito ng lahat. Mga Dapat Tandaan: Ang agenda ay parang mapa. Nagsisilbi itong gabay na nagbibigay ng malinaw na direksyon kung paano mararating nang mabilis ang patutunguhan. Iba-iba ang mga dahilan upang magsagawa at magtipon para sa isang pagpupulong. magpulong para magplano (planning) magbigay impormasyon (information dissemination) kumosulta (ask for advice) maglutas ng problema (solving problems) magtasa (evaluate). Mga Bahagi Agenda ng Pagpupulong Lokasyon Petsa Oras Tagapangasiwa Karadagang Bahagi ng Komprehensibong Agenda Introduksyon Pagtatala ng mga dumalo Pagpresenta at pagtalakay sa Agenda Karagdagang Impormasyon Pangwakas na Salita 2 M3L2: Katitikan ng Pulong Katuturan ng Katitikan ng Pulong Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. Sa wikang Ingles tinatawag itong “minutes of the meeting”. Hindi kilala sa mga Pilipino ang tawag na “katitikan ng pulong” dahil nasanay tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga bagay-bagay. Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Isinusulat dito ang mga tinatalakay sa pagpupulong ng isang bahagi ng agenda. Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong Ito ang nagsisilbing tala ng isang malaking organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay na tinatalakay. Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong. Maaaring mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon. Makikita ang mga mahahalagang impormasyon gaya ng oras, petsa, mga dumalo, agenda at mga rekomendasyon, opinion at mga mahahalagang napag-usapan. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong. Kailangang pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat at linaw ng pag-iisip. Paksa Petsa Oras ng pagsisimula o pagtatapos Pook na pagdarausan ng pulong Mga taong dumalo at hindi dumalo Ano-ano ang mga kahalagahan ng katitikan ng pulong sa isang organisasyon? Binabasa ito bago pa magsisimula ang pagpupulong Lahat ng mga adyenda sa pagpupulong ay mababasa dito at kung ano ang napag-usapan sa nasabing paksa Ang haba nito ay dumedepende sa dami ng paksa o agenda na napag-usapan Ang kalihim ng isang kompanya o pangkat ang gumagawa nito Ito ay naka-organisa batay sa pagkakasunod sa pag-uusap sa pulong Layunin ng Katitikan ng Pulong Magbigay ng Opisyal na Tala: Ang katitikan ng pulong ay nagsisilbing opisyal na dokumento na nagtatala ng mga napag-usapan, napagdesisyunan, at mga aksyon na kinakailangan. Magsilbing Reference: Nagbibigay ito ng malinaw na reference para sa mga hindi nakadalo sa pulong, pati na rin para sa mga susunod na pulong. Magpabuti ng Komunikasyon: Tumutulong ito na mapanatili ang malinaw na komunikasyon sa lahat ng mga kalahok sa pulong. Subaybayan ang Pag-unlad: Nagbibigay ito ng paraan upang subaybayan ang pag-unlad ng mga desisyon at aksyon na napagkasunduan sa pulong. 3 Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong Pamagat ng Pulong: Dapat malinaw na nakasaad ang uri o layunin ng pulong. Petsa, Oras, at Lugar: Mga detalye ng petsa, oras, at lugar kung saan ginanap ang pulong. Mga Kalahok: Listahan ng mga dumalo at mga hindi nakadalo. Agenda: Mga paksa o usaping tinalakay sa pulong. Mga Desisyon at Aksyon: Mga desisyon na ginawa at mga aksyong napagkasunduan, kasama ang mga taong responsable sa bawat aksyon. Mga Talakayan: Buod ng mga diskusyong naganap, kabilang ang mga pangunahing punto at opinyon. Susunod na Pulong: Petsa at oras ng susunod na pulong, kung kinakailangan. M3L3: Posisyong Papel Ang posisyong papel; ay naglalahad ng paninidigan hinggil sa isang problema o isyu. Inilalahad nito ang pagkiling o bias ng manunulat sa isang panig ukol sa isang isyu. Ipinakikita rito ang mga argumento ng kabilang panig at isa-isang binabaklas ng posisyong papel ang mga argumentong ito nang mahusay. Hindi nuetral ang posisyong papel, bagkus may pinapanigan itong tindig na maaring makatulong sa pagkakaroon ng higit na linaw sa mahahalagang isyu o problema. Ipinaliliwanag ng posisyong papel kung bakit mali ang kabilang panig at kung ano ang magiging garantiya sa papanig sa posisyon ng sumulat ng posisyong papel. Layunin ng Posisyong Papel Ang pangunahing layunin ng posisyong papel ay: Ipahayag ang Paninindigan: Malinaw na ipakita ang posisyon ng manunulat sa isang partikular na isyu. Magbigay ng Ebidensya: Magbigay ng sapat na ebidensya at lohikal na argumento upang suportahan ang kanyang paninindigan. Hikayatin ang Mambabasa: Himukin ang mga mambabasa na tanggapin o isaalang-alang ang pananaw ng manunulat. Kalikasan ng Posisyong Papel Ang pagsulat ng posisyong papel ay isang intelektwal na gawain na nangangailangan ng masusing pananaliksik, pagsusuri ng mga ebidensya, at kritikal na pag-iisip. Ang isang mahusay na posisyong papel ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: Kalinawan: Malinaw at tiyak ang pagpapahayag ng posisyon ng manunulat. Lohikal na Estruktura: Organisado at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga argumento at ebidensya. Katibayan: Gumagamit ng mga makatotohanang ebidensya at halimbawa upang suportahan ang mga argumento. Pananaw ng Iba: Kinikilala at tinatalakay ang mga kontra-argumento o ibang pananaw upang maipakita ang kalakasan ng sariling posisyon. Mga Bahagi ng Posisyong Papel Ang isang posisyong papel ay karaniwang binubuo ng mga sumusunod na bahagi: Panimula: 4 Pahayag ng Isyu: Ipakilala ang isyu o paksa na tatalakayin. Pahayag ng Posisyon: Ilarawan ang iyong paninindigan ukol sa isyu. Katawan: Mga Argumento: Ipresenta ang mga pangunahing argumento na sumusuporta sa iyong posisyon. Bawat argumento ay dapat may kasamang ebidensya. Mga Ebidensya: Magbigay ng mga datos, pananaliksik, at halimbawa na sumusuporta sa bawat argumento. Kontra-argumento: Kilalanin at talakayin ang mga posibleng kontra-argumento at ipaliwanag kung bakit mas matimbang ang iyong posisyon. Konklusyon: Buod ng mga Pangunahing Punto: Ibuod ang mga pangunahing argumento na tinalakay sa katawan ng papel. Pahayag ng Posisyon: Muling ipahayag ang iyong posisyon at hikayatin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa iyo. Paghahanda sa Pagsulat ng Posisyong Papel Bago simulan ang pagsulat ng posisyong papel, mahalagang magsagawa ng masusing pananaliksik upang makakalap ng sapat na ebidensya at impormasyon ukol sa isyu. Narito ang ilang hakbang na maaaring sundan: Pagpili ng Paksa: Pumili ng isang isyu o paksa na may kaugnayan at interes para sa iyo. Pananaliksik: Maghanap ng mga mapagkakatiwalaang sources tulad ng mga akademikong journal, libro, at mga opisyal na ulat. Pagsusuri ng Ebidensya: Suriin ang mga nakalap na impormasyon at piliin ang mga ebidensyang pinakamalakas at pinakaakma sa iyong argumento. Pagbuo ng Balangkas: Gumawa ng balangkas upang magkaroon ng lohikal na daloy ang iyong mga argumento at ebidensya. Pagsusulat ng Posisyong Papel Kapag handa na ang lahat ng mga kinakailangang impormasyon at ebidensya, maaari nang simulan ang pagsulat ng posisyong papel. Tandaan na mahalaga ang pagiging malinaw, lohikal, at makatotohanan sa bawat bahagi ng iyong sulatin. Sa pag-aaral na ito, inaasahang magiging bihasa ang mga mag-aaral sa pagpapahayag ng kanilang mga pananaw sa isang maayos, organisado, at makabuluhang paraan. Ang kakayahang magsulat ng isang mahusay na posisyong papel ay isang mahalagang kasanayan na magagamit nila sa kanilang akademikong paglalakbay at maging sa kanilang propesyonal na buhay. Katuturan ng Posisyong Papel Ito gaya ng isang debate na naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao Ito rin ay naglalayong mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita at mapagtibayang argumentong pinaglaban gamit ang mga ebidensiyang magpapatotoo sa posisyong pinaniniwalaan. Ayon kay Grace Feming sa kanyang sinulat na artikulong “How to write an argumentative essay”, ang posisyong papel ay pagsalig o pagsuporta s katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa inyong pananaw o posisyon. Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami. Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang 5 katotohanan. Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at mapahayag ang mga opinyong ito sa iba. Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa argumentong inihahain sa kanila. Maaaring isagawa ang pagsulat ng posisyong papel ayon sa isyung ipinaglalaban ng isang indibidwal o organisasyon upang maiparating ang kanilang mga opinyon at paniniwala o rekomendasyon ukol sa isyu Kahalagahan ng Posisyong Papel Isang mabuting pagsasanay ang pagbuo ng posisyong papel sa pagpapatibay ng paninindigan o pagbuo muna ng paninindigan. Isang proseso rin ang pagbuo nito ng pagpapahusay sa paglalahad ng mga suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at katotohanan, at pagsanggi sa mga antitheses o sumasangging mga ideya mula sa paninindigan ng mga mag-aaral upang magdepensa. Karagdagang Kaalaman sa Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Posisyong Papel Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid. Dapat makatuwiran ang katibayang makapagpatunay. Dapat may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katuwiran upang makapanghikayat. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katuwiran. Proseso ng Pagsulat ng Posisyong Papel Pumili ng isyung tatalakayin Pumili ng posisyon sa isyu Magsaliksik ng mg impormasyon Pagpili kung anong uri ng pahayag Magsulat patungkol sa iyong mambabasa Pagsulat ng balangkas Pagsulat ng burador Pagrebisa ng burador Aktwal na papel Nilalaman ng Posisyong Papel Panimula Paglalahad ng counter argument Paglalahad ng iyong posisyon Konklusyon Bahagi ng Posisyong Papel 1. Panimula Ilahad ang paksa. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong pag-usapan. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o iyong posisyon tungkol sa isyu 2. Paglalahad ng Counter Argument o Argumentong Tumututol sa Iyong Tesis Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis. Ilahad ang kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang ang binanggit na counter argument. 6 Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counter argument na iyong inilahad. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa. Ipahayag o ilahadang unang punto ng iyong posisyo o paliwanag. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag. Ipahayag o ilahad ang ikatlongpunto ng iyong posisyon o paliwanag. 3. Kongklusyon Ilahad muli ang iyong argumento o tesis. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of actionna makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu M3L4: Talumpati Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino, ang talumpati ay isang pormal na pahayag sa harap ng publiko at pormal na pagtalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. Mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati dahil ang kasanayang ito ay magagamit habambuhay ng isag tao. Hindi lamang ito para sa gawaing pampaaralan o akademiko. Kasanayan at kaalaman itong magagamit ng sinoman. Halimbawa, ang mga pulitiko gaya ng mayor, senador o pangulo ay kailangang may kaalaman sa paghahanda ng talumpati. Ang isang propesyunal ay kailangang laging handa sa anumang okasyon ng pagtatalumpati. Ang isang propesyunal ay kailangang laging handa sa anumang okasyon ng pagtatalumpati tulad ng pagtanggap ng promosyon o paggawad ng parangal. Ang isang artista ay kailangang magtalumpati, lalo na kapag siya naparangalan sa mahusay na pagtatanghal o kaya ay nagawaran ng isang Lifetime Achievement Award. Nakasalalay sa husay ng pagsasalita at mabusising pananaliksik ang tagumpay ng taong may ipinaglalaban o may ipinapanukalanag pagbabago sa lipunan. Halimbawa: pangangalaga sa kalikasan, pagtatanggol sa karapatan ng kababaihan o kaya ay pagtutol sa mga minahang nakalalason sa ilog at karagatan. Layunin ng Pagsulat ng Talumpati Ang pagsulat ng talumpati ay may ilang pangunahing layunin: Magbigay-kaalaman: Ipaabot sa mga tagapakinig ang mahalagang impormasyon o kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa. Maghikayat: Kumbinsihin ang mga tagapakinig na tanggapin ang iyong pananaw o kumilos ayon sa iyong mungkahi. Magbigay-inspirasyon: Magbigay ng inspirasyon o pag-asa sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng makabuluhang mensahe. Maglibang: Magbigay ng aliw o kasiyahan sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng mga kwento o pagbibiro. Kalikasan ng Talumpati Ang talumpati ay isang sining na nangangailangan ng masusing paghahanda at pagsasanay. Narito ang ilang mga katangian ng isang mahusay na talumpati: Kalinawan: Malinaw at madaling maunawaan ang mensahe. Kakayahang Manghikayat: May kapangyarihang hikayatin o impluwensiyahan ang mga tagapakinig. Pagkabisa: Epektibong naipaparating ang mensahe sa madla. 7 Pagiging Makabuluhan: Angkop at mahalaga ang paksa sa interes ng mga tagapakinig. Mga Bahagi ng Talumpati Ang isang talumpati ay karaniwang binubuo ng tatlong pangunahing bahagi: Panimula: Pagbati: Batiin ang mga tagapakinig at pasalamatan sila sa kanilang pagdalo. Pagpapakilala ng Paksa: Ipakilala ang paksa ng talumpati at bigyan ng maikling background ang mga tagapakinig. Pahayag ng Layunin: Ilarawan ang layunin ng talumpati—kung ito ba ay magbibigay-kaalaman, maghihikayat, magbibigay-inspirasyon, o maglilibang. Katawan: Pangunahing Punto: Ipresenta o ilahad ang mga pangunahing punto ng talumpati. Bawat punto ay dapat may kasamang suporta tulad ng datos, kwento, o halimbawa. Paglalahad ng Ebidensya: Magbigay ng sapat na ebidensya upang suportahan ang bawat punto. Transisyon: Gumamit ng mga angkop na transisyon upang magkaroon ng maayos na daloy ng mga ideya. Konklusyon: Buod ng Pangunahing Punto: Ibuod ang mga pangunahing punto na tinalakay sa katawan ng talumpati. Pahayag ng Mensahe: Muling ipahayag ang pangunahing mensahe ng talumpati at bigyang-diin ang kahalagahan nito. Panawagan sa Aksyon: Kung ang layunin ng talumpati ay maghikayat, magbigay ng malinaw na panawagan sa aksyon. Paghahanda sa Pagsulat ng Talumpati Bago simulan ang pagsulat ng talumpati, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang: Pagpili ng Paksa: Pumili ng paksa na may kaugnayan sa interes ng mga tagapakinig at naaayon sa iyong layunin. Pananaliksik: Maghanap ng mga mapagkakatiwalaang impormasyon at ebidensya upang suportahan ang iyong mga punto. Pagkilala sa Madla: Alamin ang uri ng mga tagapakinig upang maiangkop ang tono, estilo, at nilalaman ng iyong talumpati. Pagbuo ng Balangkas: Gumawa ng balangkas upang magkaroon ng lohikal na daloy ang iyong mga ideya at puntos. Pagsusulat ng Talumpati Kapag handa na ang lahat ng kinakailangang impormasyon at ebidensya, maaari nang simulan ang pagsulat ng talumpati. Tandaan na mahalaga ang pagiging malinaw, organisado, at makabuluhan sa bawat bahagi ng iyong talumpati. Pagsasanay sa Pagsulat at Pagbigkas ng Talumpati Ang pagsulat ng talumpati ay hindi natatapos sa papel lamang. Mahalaga rin ang pagsasanay sa pagbigkas upang masiguro na epektibong maipaparating ang mensahe sa mga tagapakinig. Narito ang ilang tips sa pagsasanay: Magsanay sa Harap ng Salamin: Upang makita at maiwasto ang iyong mga galaw at ekspresyon. 8 Magsanay sa Harap ng mga Kaibigan o Pamilya: Upang makakuha ng feedback at mga suhestyon para sa pagpapabuti. Gamitin ang Tamang Boses at Pagbigkas: Maglaan ng tamang diin, tono, at bilis sa pagbigkas ng talumpati upang maging mas epektibo. M4L1: Panukalang Proyekto Katuturan ng Panukalang Proyekto Ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa komunidad o samahan. Nangangahulugang ito’y kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawain ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito (Dr. Phil Bartle). Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin (Besim Nebiu) Kalikasan ng Panukalang Proyekto Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto. Kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat , ito ay kailangang maging tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Ayon kay Bartle (2011), kailangang nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang o panlilinlang, sa halip ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin. Mga Isinaalang-alang sa Pagbuo ng Panukalang Proyekto Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang aklat na “A Guide to Proposal Planning and Writing,” Sa pagsasagawa ng panukalang papel, ay kailangang magtala ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod: Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto, Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito. Pagsulat ng Panimulang Proyekto Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, paaralan, klasrum, o kompanyang pag-uukulan ng project proposal upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Gawing tiyak ,napapanahon, at akma ang gagawing panukalang proyekto. Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat ng panukala. Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan. Ang panimula, ang unang bahagi ng iyong panukalang proyekto, ang magiging paksa ng araling ito. Dito mo tutukuyin ang kaukulang pangangailangan ng iyong pamayanan. Batay dito, maaari mo nang mailahad ang layunin ng iyong proposal. Dapat ay nakasaad din kung bakit mo ipinapalagay na ito ay mahalagang pangangailangan. 9 Ang bahaging ito ay dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto. Dapat na nakapaloob dito ang paglalarawan ng iyong pamayanan at kung paanong makatutulong sa pangangailangan ng pamayanan ang panukalang proyektong iyong ibinigay. Pagsulat ng Katawang ng Panukalang Proyekto Layunin -Kailangang maging tiyak at isulat batay sa inaasahang resulta ng panukalang proyekto. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005) , ang layunin ay kailangang maging SIMPLE. Specific -bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto Immediate -tiyak na petsa kung kailan ito matatapos Measurable–may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto Practical -solusyon sa suliranin Logical-paraan kung paano makakamit ang proyekto Evaluable -nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto. Plano ng Dapat Gawin -Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Dapat maging makatotohanan at kailangang ikonsidera ang badyet sa pagsasagawa nito. Makakatulong kung gagamit ng tsart o kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain. Badyet –pinakamahalagang bahagi ito ng anumang panukalang proyekto. Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin (tulad materyales at sweldo sa manggagawa, allowance sa magbabantay at iba pangkakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin. Huwag ding kaligtaang isama sa talaan ng badyet ang iba pang mga gastusin tulad ng sweldo ng mga manggagawa, allowance para sa mga magbabantay sa pagsasagawa nito. Dapat Isaalang-alang sa pagbuo ng Badyet Gawing simple at malinaw ang iyong badyet. Ayusing mabuti ang iyong panukala. Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin ang mgabagay na kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang makasama ang iyong panukala sa kanilang itataguyod Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo. Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. hal. Mga bata, mamamayan, kababaihan, magsasaka, mahihirap na pamilya, mga negosyante at iba pa. Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito, ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto. Balangkas ng Panukalang Proyekto 1. Pamagat ng Panukalang Proyekto – hinango sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin 2. Nagpadala - tirahan ng sumulat ng paanukalang proyekto 10 3. Petsa – araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel isinama na rin kung gaano katagal gagawin ang proyekto 4. Pagpapahayag ng Suliranin - nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan, 5. Layunin - dahilan okahalagahan kung bakit isagawa ang panukala 6. Plano na dapat gawin - talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing para pagsasakatuparanng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa. 7. Badyet - kalkulasyon ng mga guguling gagamiti sa pagpapagawa ng proyekto 8. Paano mapakinabangan ng pamayanan o samahan ang panukalang proyekto -konklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mularito. Ano ang Panukalang Proyekto? Karaniwang naglalaman ito ng mga sumusunod na bahagi: Pamagat ng Proyekto: Tinutukoy ang pangalan ng proyekto. Panimula: Nagbibigay ng background at dahilan kung bakit kinakailangan ang proyekto. Layunin ng Proyekto: Ipinapakita ang mga tiyak na layunin na nais makamit. Paglalarawan ng Proyekto: Naglalaman ng detalyadong plano at pamamaraan kung paano isasagawa ang proyekto. Pamamahala at Badyet: Ipinapaliwanag kung paano pamamahalaan ang proyekto at ang tinatayang gastusin. Timeline: Naglalaman ng iskedyul para sa mga hakbang ng proyekto. Pagpapahalaga at Ebalwasyon: Tinutukoy kung paano susukatin ang tagumpay ng proyekto. Bakit Mahalaga ang Panukalang Proyekto? ​ Pagpaplano: Nakakatulong ito sa maayos na pagpaplano at pagbuo ng estratehiya para sa pagsasakatuparan ng proyekto. ​ Pagkuha ng Pondo: Madalas itong ginagamit upang makuha ang kinakailangang pondo mula sa mga sponsor, investors, o funding agencies. ​ Pagpapakita ng Pagkakakilanlan: Nagbibigay ito ng malinaw na larawan kung ano ang magiging benepisyo ng proyekto sa mga benepisyaryo o sa komunidad. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto ​ Pagkilala sa Problema o Pangangailangan: Tiyakin ang problema o pangangailangan na nais tugunan ng proyekto. I-research at mangolekta ng datos upang suportahan ang iyong argumento. ​ Pagbubuo ng Layunin: Tukuyin ang mga tiyak na layunin ng proyekto na nais mong makamit. I-set ang mga measurable at achievable goals. ​ Pagbalangkas ng Plano: Gumawa ng detalyadong plano kung paano isasakatuparan ang proyekto. Kasama dito ang mga hakbang, pamamaraan, at mga kasangkot na tao. ​ Pagbuo ng Badyet: I-prepare ang detalyadong badyet para sa proyekto, kasama ang lahat ng inaasahang gastusin. ​ Paglikha ng Timeline: Maghanda ng timeline o iskedyul ng mga hakbang ng proyekto upang masubaybayan ang progreso nito. ​ Pagpapahayag ng Ebalwasyon: Ilarawan kung paano mo susukatin ang tagumpay ng proyekto at paano mo gagawin ang ebalwasyon. 11

Use Quizgecko on...
Browser
Browser