ARALIN 6 Mga Konseptong Pangwika PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga konsepto at kahulugan ng Wika at Wikang Pambansa, pati na rin ang kasaysayan nito sa Pilipinas. Mayroon ding talakayan ukol sa kung paano ito ginagamit sa mga paaralan at sa pang-araw-araw na buhay.

Full Transcript

# Mga Konseptong Pang WIKA ## WIKA - Ang sandatang tangan-tangan ng tao sa bawat minutong siya ay nabubuhay sa mundo. - Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon ng isang bansa. - Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao. - Mga pananagisag sa anum...

# Mga Konseptong Pang WIKA ## WIKA - Ang sandatang tangan-tangan ng tao sa bawat minutong siya ay nabubuhay sa mundo. - Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon ng isang bansa. - Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao. - Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at interpretasyon sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat man o binibigkas. - Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan. ## PAMBANSANG WIKA - Ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan. - Filipino ang opisyal na wika dito sa Pilipinas. ## Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. ## Ama ng Wikang Pambansa ### ANG. MANUEL L. QUEZON ## PAGPILI SA WIKANG PAMBANSA ## Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3 "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga na umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal." ## Surian ng Wikang Pambansa (SWP) - Nobyembre 13, 1936 ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 184. Pagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ## KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 1.34 - Pinili at ipirinoklama ni Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika. ## Bakit pinili ang TAGALOG bilang Wikang Pambansa? - Ang TAGALOG ay malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito. - Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo. ## KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 236 - Binigyang-pahintulot ang paglilimbag sa: "A Tagalog-English Dictionary" ## KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 236 - Binigyang-pahintulot ang paglilimbag sa: "Ang Balarilang Wikang Pambansa" ni Lope K. santos (Ama ng Balarilang Tagalog). ## Proklama Blg. 12 (Marso 26, 1954) - **LINGGO NG WIKA** (Marso 29 hanggang Abril 24) - Pang. Ramon Magsaysay ## Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Agosto 13, 1959) - Nagsasaad na kapag tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang **PILIPINO** ang gagamitin. ## Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksiyon 3 - Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging **FILIPINO**. ## "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay **FILIPINO**. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Dilipinas at iba pang wika." ## Artikulo 14, Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 ## Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (Enero, 1987) - Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa SWP. - Pang. Corazon Aquino ## Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) - Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino, ito ay pamalit sa dating SWP at LWP. ## Proklamasyon Blg. 1041 (1997) - Pagdiriwang ng **Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31.** - Pang. Fidel Ramos ## Opisyal na Wika - Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan at sa ibang bansa sa daigdig. ## Artikulo 14, Seksiyon 7 ng Saligang Batas ng 1987 “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay **Filipino**, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, **Ingles**." ## Wikang Panturo - Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. - Ito ang wika ng talakayang guro-mag-aaral na may kinalaman sa mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase. - Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan. ## Kagawaran ng Edukasyon – Ordinansa Blg. 74 (Hulyo 14, 2009) - Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementary o MTBMLE. - Mother Tongue-Based Multilingual Language Education ## BILINGGUWALISMO at MULTILINGGUWALISMO ## Monolingguwalismo - Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa - Lisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura - May iisang wika ding umiiral bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na buhay ## Bilingguwalismo - John Macnamara (1967) — isa pa ring lingguwista - Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na markong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. ## Multilingguwalismo - Dahil sa napakaraming wika na umiiral sa ating bansa, ang Pilipinas ay maituturing na multilingguwal - Kaya't nahihirapang umiral sa atin ang sistema ang pagiging monolingguwal ## Homogeneous at Heterogeneous na Wika ### Homogeneous na Wika - Ang Homogeneous ay ang pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at intonason o aksent sa pagbigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan. #### MGA HALIMBAWA: - puNO - Wala ng espasyo - PUno - (Tree) sa ingles - SaMA - (Bad) sa ingles - SAma - (Join) sa ingles - BUkas - (Tomorrow) sa ingles - buKAS - (Open) sa ingles - BAka - (Cow) sa ingles - baKA - Siguro ### Heterogeneous na Wika - Ito ay mula sa salitang "heterous" na nangangahulugang magkaiba at "genos" naman ay uri o lahi. Sinasabing na ang bawat wika ay mayroon mahigit sa isang barayti. - Wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito, maraming baryasyon na wika #### MGA HALIMBAWA: - Erpat - Binaligtad na pater (Father) - Ermat - Binaligtad na mater (Mother) - Lodi - Binaligtad na (Idol) - Werpa - Binaligtad na pawer (Power) - Lokbu - Binaligtad na Bulok - Letmaku - Binaligtad na Makulet - Bokal - Binaligtad na Kalbo - Igop - Binaligtad na Pogi ## Unang Wika - Tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. - Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, at kinakatawan din ng L1. ## Pangalawa ng Wika - Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa ibang pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro, at iba pa. ## Ikatlong Wika - Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser