ARALIN-4-KONTEKSTO-NG-SULIRANING-PANGKAPALIGIRAN.pptx

Full Transcript

Aralin 4 KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN Balik-aral Ang kultura ang sumasalamin sa pagkatao ng mga bumubuo sa isang lipunan. Ito ay binubuo ng mga elemento tulad ng paniniwala, pagpapahalaga, norms at simbolo. Sandaling Isipin! Ang Barangay Soriano ay isang isla na kada...

Aralin 4 KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN Balik-aral Ang kultura ang sumasalamin sa pagkatao ng mga bumubuo sa isang lipunan. Ito ay binubuo ng mga elemento tulad ng paniniwala, pagpapahalaga, norms at simbolo. Sandaling Isipin! Ang Barangay Soriano ay isang isla na kadalasang nakararaanas ng malakas na bagyo. Isipin ang hakbang na dapat gawin ng tauhan na naitalaga sa iyo sa sumusunod na pagkakataon:  bago ang bagyo  pagtama ng bagyo  pagkatapos ng bagyo Ikaw ay maaaring maitalaga bilang government official, pangkaraniwang mamamayan, miyembro ng isang Pamprosesong Tanong  1. Sa iyong palagay, tama ba ang iyong ginawang aksyon sa naganap na kalamidad? Bakit?  2. Bakit may mga pagkakataon na malaki ang pinasalang dulot ng mga kalamidad sa buhay at ari-arian?  3. Paano magiging handa ang isang lugar sa pagharap sa mga kalamidad? Panimula Sa kasalukuyan, malaki ang suliranin at hamong kinahaharap ng ating bansa dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa kalikasan. Ang kapabayaang ito ay nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalakas na bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha. Sa huli, ang mga mamamayang umaasa sa kalikasan para mabuhay ang siya ring nakararanas ng hindi mabuting epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay SULIRANIN SA SOLID WASTE Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakalalason (Official SULIRANIN SA SOLID WASTE Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015. SULIRANIN SA SOLID WASTE Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw- araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world average (National Solid Waste 56.7 % MGA DAHILAN NG SULIRANIN SA SOLID WASTE  Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura  Pagtatapon sa estero, ilog at kalsada  Pagsusunog ng basura  Kawalan ng waste segregation  Leachate o katas ng basura sa mga dumpsite  Pagtatapon ng e-waste MGA HAKBANG HINGGIL SA SULIRANIN SA SOLID WASTE  Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000  Pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF)  Pagtulong ng mga NGOs tulad ng Mother Earth Foundation, Clean and Green Foundation, Bantay Kaliksan at GAWAIN 1: Skit Ang apat na pangkat ay magpapakita ng maikling skit o sitwasyon na nagpapakita ng kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura sa tahanan (G1), paaralan (G2), barangay (G3) at pampublikong lugar (G4). Ang gawain ay bibigyan ng marka batay sa sumusunod na rubrik: Kooperasyon – 10 Kaangkupan sa paksa- 5 Impak – 5 KABUUAN – 20 puntos GAWAIN 2: Pagbuo ng Resolusyon Ang mga mag-aaral ay bubuo ng mga resolusyon hinggil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura kung saan-saan. Ang resolusyon ay bibigyan ng marka batay sa sumusunod na rubrik: 1. Kawastuhan - 7 2. Nilalaman - 6 3. Organisasyon - 4 4. Pagkamalikhain – 3 KABUUAN: 20 PAGPAPAHALAGA 1. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor sa mga programa para sa solid waste management? 3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa solid waste? PAGLALAHAT Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking hamon ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino sa pagtatapon ng basura. Nangangailangan pa nang mas malawak na suporta at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang suliraning ito dahil ang patuloy na paglala nito ay lalong magpapabigat sa iba pang suliraning pangkapaligiran na ating nararanasan. Panimula Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman. Mahalaga ang likas na yaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga computer, sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga likas na yaman. SANDALING ISIPIN! Napapansin mo ba na halos lahat na ng mga establisyamento sa ating lugar ay hindi na gumagamit ng plastic at sa harap ay supot na papel na? Ano kaya ang pangunahing dahilan hinggil sa PAGKASIRA NG LIKAS NA YAMAN Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan…  Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003.  Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa dating 10 kilo.  Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa huling SULIRANIN SA YAMANG GUBAT o Illegal Logging Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tirahan ng mga SULIRANIN SA YAMANG GUBAT o Migrasyon Nagsasagawa ng kaingin (slash-and- burn farming) ang mga lumilipat sa kagubatan at kabundukan na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng sustansya ng lupain SULIRANIN SA YAMANG GUBAT o Mabilis na pagtaas ng Populasyon Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas ay nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto kung kaya’t ang mga dating kagubatan ay ginawang plantasyon, subdivision, paaralan at iba pang SULIRANIN SA YAMANG GUBAT o Fuel Wood Harvesting Paggamit ng puno bilang panggatong. Halimbawa ay ang paggawa ng uling mula sa puno. SULIRANIN SA YAMANG GUBAT o Ilegal na Pagmimina Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil kadalasang dito natatagpuan ang deposito ng mga mineral tulad ng limestone, nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin ang mga puno upang maging maayos ang operasyon ng pagmimina na nagdudulot ng panganib sa mga tao at HAKBANG UKOL SA SULIRANIN SA YAMANG GUBAT Sa kasalukuyan, isa sa maituturing na tagumpay ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, NGO, at mga mamamayan ay ang unti-unting pagbuti ng kalagayan ng kagubatan ng Pilipinas. Ayon sa ulat ng United Nations Food and Agriculture Organization (FAO), noong 2015 ay panlima ang Pilipinas sa 234 na bansa na may malawak na lupaing napapanumbalik sa kagubatan (Galvez, 2016). GAWAIN 3: Pagbuo ng Liham Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng bukas na liham para sa pangulo ng ating bansa na siyang kukumbinsi kung gaano na kalala ang suliraning hinggil sa likas na yaman at kagubatan. Kalakip rin ng liham ay ang mga suhestyon at hakbangin upang mapigil ang paglala ng isyu at hamong ito sa kapaligiran. Ang gawain ay bibigyan ng marka gamit ang sumusunod na rubrik: 1. Kawastuhan - 7 2. Nilalaman - 6 3. Organisasyon - 4 4. Pagkamalikhain – 3 KABUUAN: 20 PAGLALAHAT Ang pangkalahatang epekto ng pagkasira ng likas na yaman ay nararanasan ng mga mamamayan lalo na yaong mga mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan. Ang patuloy na pagliit ng forest cover ay nagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan. PAGPAPAHALAGA 1. Paano nakaapekto sa ating pamumuhayang suliranin sa likas na yaman? 2. Kung magpapatuloy ang mga nabanggit na suliranin, ano ang maaaring mangyari sa ating pamumuhay? 3. Paano masosolusyunan ang mga nabanggit na suliranin sa ating mga likas na yaman? PAGTATAYA 1. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang matatagpuan sa Pacific Ring of Fire kaya ito ay masasabing prone sa mga kalamidad at sakuna. Hindi maitatanggi na halos taun-taon ay malaking pinsala ang naidudulot ng mga ito sa ating bansa. Isang uri ng likas na kalamidad ay ang bagyo kung saan ito ay may dalang malakas at maraming ulan, malakas na hangin, pagkulog at pagkidlat. Sa paanong paraan mo ito nararapat harapin sakaling tumama ito sa lugar ninyo? A. Maghanap ng mapagtataguan sakaling hindi makakayang lumabas ng bahay B. Maghanap ng kumot, basain ito at gumapang palabas ng bahay at humingi ng tulong. C. Lumikas at magtungo sa mataas na lugar na hindi maabot ng baha at makinig ng balita. D. Makinig nang balita, ihanda ang emergency kit, at mag imbak ng mga de latang pagkain. PAGTATAYA 2. Kadalasan, tuwing lumalakas ang buhos ng ulan, ang mga mag-aaral sa lalawigan ng Cavite ay naghihintay na nang anunsyo ng pagkansela ng klase. Ang iba ay nakikinig ng radio, nanonood ng telebisyon o kaya ay nagsesearch sa internet. Sa mga panahong tulad nito, naglalabas ng Rainfall Warning ang PAGASA na nagiging basehan ng mga namamahala upang magkansela ng klase. Sa Rain Fall Warning na ito, anong kulay ang ibinibigay sa mga lugar na inaasahang makararanas ng 15 mm hanggang 30 mm na buhos ng ulan sa susunod na isang oras. A. Red rainfall advisory B. Green rainfall advisory PAGTATAYA 3. Isa sa maaari nating gawin upang masigurong ligtas ang ating mga sarili at mahal sa buhay sa paparating na sakuna ay ang paghahanda rito. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng pag iimbak ng pagkain at pakikinig ng balita. Makatutulong din ang paghahanda ng emergency kit upang mas mapabilis ang paglikas kung kinakailangan.Malaking tulong din ang mga ahensya na nakahandang sumaklolo at umagapay kung sakaling may di kanais-nais na pangyayari. Isa sa mga ahensyang ito ang National Disaster Risk Reduction Management Council. Sa paanong paraan ito nakatutulong? A. Nagbibigay babala ang ahensyang ito sa paparating na kalamidad na maaaring tumama sa ating bansa. B. Malalapitan mo ang ahensyang ito kung ikaw ay nangangailangan ng gamot at iba pang tulong medical. C. Ang ahensiyang ito ang namumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na mararanasan ng bansa D. Katungkulan ng ahensyang ito na matiyak na may matatakbuhan ang mga ngangangailangan ng tulong. PAGTATAYA 4. Ang mga natural na kalamidad at sakuna ay hindi maiiwasang mangyari ngunit maaring mabawasan ang magiging pinsala na maidudulot nito. Kaya kailangan nating siguraduhin na handa tayo sa pagtama o pagdating ng mga ito. Ano ang pinakaangkop na dahilan upang maghanda tayo sa anumang kalamidad o sakuna? A. Nang hindi makaranas ng panganib sa pagdating ng kalamidad. B. Para maiwasan ang pagkamatay o pagkawala ng mahal sa buhay. C. Upang mapanatili ang ating mga tirahan, kahayupan at ari-arian sa matinding pinsala. D. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagsisi sa pamahalaan sa maaring maging bunga ng nasabing kalamidad. PAGTATAYA 5. May mga paghahandang ginagawa upang mabawasan ang pinsala na maaring maidulot ng mga kalamidad at sakuna. Ito ay mga paghahanda bago, habang at matapos ang bawat kalamidad. Bakit sa kabila ng paghupa ng kalamidad ay kailangan pa rin tayong magkaroon ng ibayong pag-iingat? A. Dahil kahit tapos na ang kalamidad ay mararanasan pa rin natin ang ilang epekto nito. B. Sapagkat hindi tayo nakakasigurado na ligtas na tayo. C. Kailangang hintayin muna natin ang sasabihin ng pamahalaan bago tayo kumilos. D. Walang mangyayari kung magpapanic pa rin BREAK MUNA! Video Suri (An Inconvenient Truth (2006) Official Trailer #1 - Al Gore Movie HD). PANIMULA Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index, naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na pinaka naapektuhan ng Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas, dumadalas, at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas dahil sa climate change. ANO ANG CLIMATE CHANGE? Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate Change (2001), “Climate change is a statistically significant variation in either the mean state of the climate or in its, variability, persisting for an extended period (typically decades or longer). It may be due to natural internal processes or external forcing, or to persistent anthropogenic changes in the composition of atmosphere or in land use.” PALATANDAAN NG CLIMATE CHANGE  Patuloy na pag-init ng daigdig o global warming  Matagalang kaso ng El Niño at La Niña  Pagkakaroon ng malalakas na bagyo  Forest fires  Coral Bleaching  Paglubog sa tubig ng ilang mabababang lugar GAWAIN 4: Climate Change Forum Magsaliksik ng batas, programa, mga best practices ng pamahalaan, NGO, at mga pamayanan bilang tugon sa hamon ng climate change sa Pilipinas. Gumawa ng presentasyon tungkol dito at ilahad sa Climate Change Forum ng inyong klase. Sa huling bahagi ng forum, gumawa ng repleksiyon kung paano nauugnay ang mga suliranin tulad ng suliranin sa solid waste management at GAWAIN 5: Campaign Video Ang apat na pangkat ay pipili mula sa mga isyung pangkapaligiran na tinalakay. Mula rito ay gagawa ng isang campaign video na nagpapakita ng mga hakbangin kung paano ito maiiwasan at mabibigyan ng solusyon. Ang gawain ay bibigyan ng marka sa pamamagitan ng sumusunod na rubrik: Kooperasyon – 10 Kaangkupan sa paksa- 5 Impak – 5 KABUUAN – 20 puntos PAGLALAHAT Sa kasalukuyan, isa sa maituturing na na tagumpay ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, NGO at mga mamamayan ay ang unti- unting pagbuti ng kalagayan ng kagubatan sa Pilipinas. May mga pag-aaral na nagpapakita na nanunumbalik na itong muli. PAGPAPAHALAGA 1. Ano-ano ng mga naging hakbang ng pamahalaan at NGO upang maipatupad ang Solid Waste Management? 2. Bakit masasabing naging matagumpay ang pamahalaan at mga NGO na matugunan ang naging pagkasira ng kalikasan sa mga nakalipas na panahon? PAGTATAYA 1. Isa sa mga suliranin sa bansa ay ang pagdami ng basura. Isa itong suliranin na hanggang sa ngayon ay di pa rin nasosolusyunan. May iba’t ibang uri ang basura. Isa rito ay ang solid waste. Sa paanong paraan mo matutukoy ang uri ng basurang ito? I. Ang mga basura ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. II. Ang mga kabataan ay naiimpluwensiyahang gumawa ng illegal na gawain o mamatay. III. Ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataang waste picker sapagkat imbes na mag-aral ay nangangalakal na lamang sila upang makatulong sa pamilya. PAGTATAYA 2. Ang Republic Act 9003 ay batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Sa ilalim ng batas na ito ay mas napapangalagaan ang kalikasan sapagkat nagkaroon ng tamang pagproseso sa mga basura sa bansa. Bilang mag-aaral, sa paanong paraan ka makatutulong upang mabawasan ang problema sa basura sa iyong pamayanan? A. Iwasan ang paggamit ng plastic at magdala ng eco bag sa pamimili. B. Maghukay ng compost pit sa bakuran at doon itapon ang mga basura. C. Ugaliin ang paghihiwalay ng basura at matutong magrecycle ng mga ito. D. Itapon ang basura sa basurahan at panatilihin ang kalinisan ng pamayanan. PAGTATAYA 3. Ano ang masamang epekto ng ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura? I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao II. Nakadaragdag ng polusyon sa Hangin III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector A. I B. I at II C. II at III D. I,II, at III PAGTATAYA 4. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste Management Report ng 2015, biodegradables ang uri ng basura na may pinakamalaking porsyento na itinatapon sa bansa. Ito ay ang mga basurang nabubulok kagaya ng balat ng prutas, papel, karton at iba pa. Sa iyong palagay, bakit ang uri ng basurang ito ang may pinakamalaking porsyento ng itinatapon sa bansa? A. Maraming establisyemento ang hindi marunong maghiwalay ng mga basura. B. Marami sa mga Pilipino ang walang bakuran na maaaring tapunan ng mga basurang nabubulok. C. Ang mga biodegradables ay hindi agad natutunaw kaya dumadami ito ng dumadami sa mga dumpsites. D. Ang mga lokal na pamahalaan ay kulang sa mga proyektong magsusulong ng tamang pagtatapon ng basura. PAGTATAYA 5. Kadalasan sa mga tahanan at establisyemento ay walang sariling tapunan ng basura kagaya ng compost pit. Dahil ditto, ang mga basurang kanilang itinatapon ay dumidiretso sa mga dumpsites. Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank noong 2004, paano nakakaapekto sa tao ang mga dumpsite na matatagpuan sa Metro Manila? I. Ang mga basura ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. II. Ang mga kabataan ay naiimpluwensiyahang gumawa ng illegal na gawain o mamatay. III. Ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataang waste picker sapagkat imbes na mag-aral ay nangangalakal na lamang sila upang makatulong sa pamilya. A. I B. I at II C. II at III D. I,II, at III SANGGUNIAN  Araling Panlipunan 10 – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2017

Use Quizgecko on...
Browser
Browser