SFM114 Sanaysay at Talumpati PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
The document provides a detailed overview of essays, categorized into sections like introduction, body, and conclusion. It explains different types of essays, including formal and informal ones, and describes essential characteristics and techniques for effective composition. The document includes examples of different styles of essays.
Full Transcript
SFM114-SANAYSAY AT TALUMPATI BLUE- YEAR and PLACE YELLOW- NAME IMPORTANT PART (WORKS) Sanaysay - Ayon kay RUBEN ET.AL(1989:91) ito raw ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at ali...
SFM114-SANAYSAY AT TALUMPATI BLUE- YEAR and PLACE YELLOW- NAME IMPORTANT PART (WORKS) Sanaysay - Ayon kay RUBEN ET.AL(1989:91) ito raw ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa. ALEJANDRO ABADILLA - ito ay nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na nagalalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu. MGA BAHAGI NG SANAYSAY 1. PANIMULA- pinakamahalagang bahagi ng sulatin dahil dito nahuhuli ang atensyon at interes ng mambabasa. MGA GABAY SA MAHUSAY NA PANIMULA Gumamit ng mga pangungusap na nakatatawag-pansin Gumamit ng katanungan o retorikal na tanong Gumamit ng pambungad na salaysay Gumamit ng siniping pahayag Gumamit ng mga salitaan o diyalogo Gumamit ng paglalarawan Gumamit ng resulta ng sarbey Gumamit ng nakakagulat na pahayag 2. KATAWAN- naglalaman ng wastong paglalahad ng mga detalye at kaisipan. Dapat may ugnayan at kaisahan ng mga ideya upang hindi malito ang mambabasa, dahil ito ang pinakamalaking bahagi ng teksto. MGA GABAY SA MAHUSAY NA KATAWAN Simulan sa mga bagay na alam na patungo sa mga hindi pa nalalaman. Simulan sa payak patungo sa mas masalimuot. Simulan sa tiyak patungo sa masaklaw. Simulan sa masaklaw patungo sa tiyak. Simulan sa dimasyadong mahalaga patungo sa higit na mahalaga. 3. WAKAS- ito ay dapat mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa, maaaring buod ng paksa o isang makabuluhang repleksyon upang magbigay-diin sa mensahe ng akda. MGA GABAY SA MAHUSAY NA KATAWAN Ang mga pangunahing kaisipan ay inuulit upang mabuod ang buong nilalaman. Paggamit ng tamang kopya sa isang teksto na matatagpuan sat ula o tuluyan. Pagpaparamdam ng mga idyeng lubs na hinihingi ng sinundang paglalahad at pangangatwiran. Pag-iwan sa isang palaisipan upang patuloy na limiin ng mambabasa ang nilalaman ng sanaysay. Paglikha ng isang pangitain sa maaring maganap. Pasasabi ng pinakamensahe ng akda Pagbabalik tanaw sa mga suliranin na inilahad sa umpisa. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MANUNULAT NG SANAYSAY 1. mabilis mag-isip 2. sensitibo sa kapaligiran 3. may laging tugon at hinuha sa interes ng buhay, ng tao, at mga bagay-bagay 4. may kakayahang manuklas ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ang panlabas lamang. 5. malikhain at orihinal sa isip at damdamin 6. may mapiling panlasa 7. may kalugurang mapagkakatiwalaan 8. may kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa makataong kapakanan 9. pamilyar sa mga mabubuting panitikan at iba pang sining. ELEMENTO NG SANAYSAY 1. Elemento ng Sanaysay 2. Mahusay na Pagtalakay ng Paksa sa isang Sanaysay 3. Katangian ng Isang Pormal na Sanaysay ELEMENTO NG SANAYSAY 1. TEMA AT NILALAMAN 2. ANYO AT ISTRUKTURA 3. KAISIPAN 4. WIKA AT ESTILO 5. LARAWAN NG BUHAY 6. DAMDAMIN 7. HIMIG MAHUSAY NA PAGTALAKAY NG PAKSA ISANG SANAYSAY 1. KAISAHAN 2. KAGANAPAN 3. KALINAWAN 4. PAGKAKAUGNAY-UGNAY 5. KAAYUSAN PORMAL NA SANAYSAY - Tumatalakay ito sa seryosong paksa, nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa. Nagbibigay ito ng impormasyon sa maayos at mariing paraan, bunga ng maingat na pagsusuri ng mga pangyayari at kaisipan. KATANGIAN NG ISANG PORMAL NA SANAYSAY 1. Ang mga pormal na sanaysay at komposiyng sa Fililipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang Mabuti ng sumulat. 2. Seryoso ang pormal na sanaysay. 3. Ang mga salita ay umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignatura o paksang ginawan ng pananaliksik 4. Maingat na inilahad at ipinapaliwanag ng awtor ang kanyang tinatalakay na bagay o siyu nang hindi lamang nababatay sa sarili nyang karanasan at naglalaman ito ng may batayan. HALIMBAWA NG ISANG PORMAL NA SANAYSAY 1. Editoryal 2. Testimonyal 3. Investigative /Teknikal na ulat 4. Rebyu 5. Pananaliksik 6. Panunuring Pampanitikan 7. Political Manifesto PINAGMULAN NG SANAYSAY 1571 (FRANCE) - nagsimula ang pagsulat ng sanaysay MICHAEL de MONTAIGE - abogado, retiradong iskolar ang pasimuno nito. ESSAIS - isang pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng may akda. - Nagsimula ang sanaysay dahil sa palagay at damdamin ni MICHAEL DE MONTAIGE. - Isinalin sa Ingles ang ESSAIS kaya nabasa ito ng buong Inglatera. Dito rin nagsimula na magsulat ang mga mamamayan ng mga sanaysay. 1597 - Nagsimulang magsulat ng sanaysay si Francis B. na naglalaman ng mga saloobin at kaisipang punong-puno ng buhay. FRANCIS BACON - Ama ng Sanaysay na nasusulat sa Ingles IKA-17 DANTAON - Kaunti pa lamang ang naisulat na sanaysay ngunit maraming naghangad na sundan ang yapak ni Bacon IZAAK WALTON - THE COMPLEAT ANGLER (1653) - tungkol sa pamimingwit at pakikipagkaibigan. THOMAS BROWNE - (RELIGIO MEDECI AT URN BURIAL) - paksang katutobong kaugalian. JOHN DRYDEN - ang kaniyang mga opinyon tungkol sa panitikan at sining ay kinalugdaang basahin ng mga nagpapahalaga sa disiplinang nabanggit. - ESSAY OF DRAMATIC POETRY,pinakamahusay na sanaysay ni Dryden. IKA-18 DANTAON - Nakilala sina Richard Steele, Joseph Addison, Samuel Johnson,Oliver Goldsmith atbp. IKA-19 DANTAON - Lumaganap ang sanaysay sa panitikan, sining, at mga paksang panlipunan at panrelihiyon, na pinasikat ng mga manunulat tulad nina John Ruskin, Thomas Henry Huxley, at Matthew Arnold. - Sa Pransya, hindi gaanong lumaganap ang sanaysay hanggang sa ika-17 dantaon, na kilala bilang Gintong Panahon ng Panitikang Pranses. - Ang mga sanaysay ni Francois Rochefoucauld tungkol sa sawikain ay nakaimpluwensya sa mga manunulat na Pranses, kabilang na si Voltaire IKA-19 DANTAON- PRANSES - sumikat sina Sainte-Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand Brunetiere atAnatole France (Pranses). - Sa Estados Unidos, ang mga sanaysay ni Washington Irving sa Sketch Book noong 1819 ay katulad ng mga naisulat ng mga manunulat sa Ingles, ngunit nagkakaiba sila sa istilo. - Nakilala sa panahong ito sina RalphWaldo Emerson, John Burroughs, Edgar Allan Poe,Oliver Wendell Holmes at James Russel. - Sa panahong ding ito nailathala ang dalawang magasin; The Atlantic Monthly at Harper's Magazine. Karamihan sa mga nailathala ay mga panunuring pampanitikan. PINAGMULAN NG SANAYSAY SA PILIPINAS - Nagsimula ito sa mga isinulat ni José Rizal tulad ng The Indolence of the Filipino People at The Philippines: A Century Hence. - Si Marcelo H. del Pilar, patnugot at tagapag lathala ng La Solidaridad ang nanguna sa kilusang propaganda, kasama sina Graciano López, Jaena José Burgos, at Apolinario Mabini. Sumunod sa kanilang yapak ang mga manunulat tulad nina Rafael Palma Teodoro M. Kalaw, Trinidad Pardo de Tavera at Epifanio de los Santos. - Ang mga Pilipinong mananaysay na sumulat sa Ingles ay nakilala sa pamamagitan ng The College Folio at Literary Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas, kung saan nailathala ang kanilang mga piling akda. DI PORMAL NA SANAYSAY - Ang di-pormal na sanaysay ay tumatalakay sa magagaan, karaniwan, at pang-araw-araw na paksa. Binibigyang-diin nito ang mga karanasan o isyu na nagpapakita ng personalidad ng manunulat at ang kanyang pakikisangkot sa mga mambabasa. URI NG SANAYSAY PORMAL DI PORMAL ❑Makatotohanang ❑Mapang-aliw Impormasyon ❑Mapagbiro ❑Maingat na tinatalakay ❑Paglagay ng loob ng ❑Makaagham at Lohikal may-akda Layunin Layunin ✓Magpaliwanag ✓Manggganyak ✓Manghikayat ✓Magpatawa ✓Magturo ✓Manudyo TALAMBUHAY - Ang talambuhay ay isang akdang naglalahad ng kasaysayan o mahalagang tala sa buhay ng isang tao. Ang wastong paggamit ng gramatika at retorika ay mahalaga upang maging masining ang pagkakasulat nito. PAGSULAT NG LIHAM BAHAGI NG LIHAM 1. Pamuhatan 2. Bating Panimula 3. Katawan ng Liham 4. Batang Pangwakas 5. Lagda URI NG LIHAM 1. Liham Pangkaibigan 2. Liham Pangangalakal 3. Liham Paanyaya 4. Liham panghingi ng paumanhin 5. Liham Pagtanggi 6. Liham ng Pagmamahal 7. Liham Pamamaalam LAKBAY SANAYSAY - Isang di-pormal na sanaysay na naglalarawan ng karanasan ng manunulat sa kanyang paglalakbay. HAKBANG SA EPEKTIBONG PAGSUSULAT HABANG NAGLALAKBAY ayon kay dinty moore 2003 1. Magsaliksik 2. Mag-isip ng labas sa ordinary 3. Maging isang manunulat SANAYSAY NG LARAWAN - Isa itong kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling deskripsyon o kapsyon kada larawan. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY 1. Malinaw na Paksa 2. Pokus 3. Orihinalidad 4. Lohikal na Istruktura 5. Kawilihan 6. Komposisyon 7. Mahusay na Paggamit ng Wika ARTIKULONG PERYODIKO - Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon, at patalastas. Karaniwan itong naimprenta sa mababang halaga, maaaring pangkalahatan o nakatuon sa espesyal na interes, at kadalasang inilalathala araw-araw o lingguhan. URI NG PAHAYAGAN - BROADSHEET - TABLOID