ARALIN 1: Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses the purposes and importance of writing. It provides different perspectives on writing, from personal expression to communication with others. It also outlines different writing styles and methods, making it a great introductory lesson for students on Filipino writing lessons.
Full Transcript
Layunin: Nabibigyang-kahulugan ang pagsulat; Naiisa-isa ang mga layunin at kahalagahan ng pagsulat; PAGBASA PAGSASALIT A PAKIKINIG MAKRONG KASANAYAN PAGSUSULAT PANONOOD Ayon kay Ceci...
Layunin: Nabibigyang-kahulugan ang pagsulat; Naiisa-isa ang mga layunin at kahalagahan ng pagsulat; PAGBASA PAGSASALIT A PAKIKINIG MAKRONG KASANAYAN PAGSUSULAT PANONOOD Ayon kay Cecilia Austera, et al., may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009), ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay Edwin Mabilin, et al., sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Bakit nga ba tayo nagsusulat? Sa iba, ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila Sa mga mag-aaral, ang kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan Sa mga propesyonal namang manunulat tulad ng mga awtor, peryodista, sekretarya, guro at iba pa, ito ay kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabaho na kanilang ginagampanan sa lipunan. Malaking tulong ang pagsusulat NAGSUSULAT LIPUNAN MGA MAMBABASA Ayon nga kay Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman. Madalas ang isang indibidwal na gumagawa PAKIKINIG nito ay kumukuha o PAGBABASA nagdaragdag ng mga PANONOOD kaalaman sa kanyang isipan. PAGSASALITA Ang taong nagsasagawa PAGSUSULAT nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat. Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat Ayon kay Royo, na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip, at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili,ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan, at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman, napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag-iisip, at damdamin ng makababasa nito. Ayon naman kay Mabilin, sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. personal o panlipunan o ekspresibo sosyal personal o ekspresibo Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga manunulat na sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit at iba pang akdang pampanitikan. panlipunan o sosyal Ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako, maaari din namang magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariling pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig. Ano-ano ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat? Kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat: 1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. 3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. 4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat 5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan 6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap 7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat 1. Wika 2. Paksa 3. Layunin 4. Pamamaraan ng Pagsulat 4. PAMARAAN NG PAGSULAT May limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat: a. Paraang impormatibo b. Paraang ekspresibo c. Pamamaraang naratibo d. Pamamaraang Deskriptibo e. Pamamaraang Argumentatibo 5. Kasanayang Pampag-iisip 6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat 7. Kasanayan sa Wastong Paghahabi ng Buong Sulatin Mga Uri ng Pagsulat 1. Malikhaing Pagsulat 2. Teknikal na Pagsulat 3. Propesyonal na Pagsulat 4. Dyornalistik na Pagsulat 5. Reperensiyal na Pagsulat 6. Akademikong Pagsulat Pag-usapan Natin 1. Ano ang kahulugan ng pagsulat? 2. Isa-isahin ang layunin at kahalagahan ng pagsulat. Nararanasan mo ba ang benepisyo nito sa iyo upang higit na mapaunlad ang iyong kasanayan? 3. Ano-ano ang gamit o pangangailangan sa pagsulat? Alin sa palagay mo ang pinakamahalaga? 4. Sa mga uri ng pagsulat, alin sa mga ito ang pinakagusto mong gawin? Ang Akade mikong Pagsul at Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat sapagkat kung marunong sumulat nang maayos at may kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho. Sa pag-aaral, mahalagang masagot nang maayos ng mga mag-aaral ang mga pagsusulit na nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag, makabuo ng organisadong ulat, makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at eksperimentasyon, at higit sa lahat ay makalikha ng mga papel na pananaliksik. Sa mundo naman ng empleyo, ang isang tao ay kailangang marunong sumulat ng liham ng aplikasyon, may kakayahang gumawa ng project proposal, at tanong ng mga kliyente, makapagpasa ng makabuluhang ulat na pinagagawa ng manager at marami pang iba. Kaya naman, sa mga paaralan at unibersidad ay sinasanay ang bawat mag-aaral na matutuhan at magkaroon ng sapat na kasanayan sa akademikong pagsulat. Ang Paggamit ng Akademikong Filipino sa Pagsasagawa ng Akademikong Pagsulat Madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa salitang akademya. Ang akademya ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. Ang mga elementong bumubuo rito ay ang mga mag-aaral, guro, administrador, gusali, kurikulum, at iba pa. Higit sa lahat, hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang akademya kung wala ang instrumento upang mapakilos ito at maganap ang mga mithiin at misyon nito, walang iba kundi ang wika. Sa pag-aaral ng kursong ito, ang akademikong Filipino ang gagamitin sa akademya. Ang akademikong Filipino ay iba sa wikang karaniwan o sa wikang nakasanayan nang gamitin ng marami sa araw-araw na pakikipag-usap o pakikipagtalastasan kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang mga alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng Filipino. Sa paggamit ng akademikong Filipino, malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito man ay sa paraang pasalita o pasulat, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino upang ito ay maging istandard at magamit bilang wika ng intelektuwalisasyon. Kaya naman sa kasalukuyan, hindi lamang sa mababang paaralan at high school pinagbubuti ang pagtuturo at paggamit ng wika kundi pati na rin sa mga kolehiyo at unibersidad, nangunguna na rito ang Unibersidad ng Pilipinas. Bukod sa ang Filipino ay napatunayang mabisang gamitin sa pagkatuto ng mga mag-aaral, nakasaad din sa Konstitusyon na ito ay isa sa mga opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ayon kay Vivencio Jose, isang mahusay na manunulat at historyador, sa kanyang sanaysay mula sa aklat ng Mga Diskurso sa Wika at Lipunan (1996), epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademya, hindi lamang sa larangan ng pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at buhay sa akademya. Naniniwala siyang kailangan ang masidhing hangarin ng bawat isa sa atin na maging tagapaghatid at tagapagtaguyod ng mga kaisipang dumadaloy sa wikang Filipino. Higit na magiging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung sa wikang alam niya ito matatamo. Bilang pagtugon sa layuning ito, isinama sa kurikulum sa pag-aaral ng Senior High School ang Akademikong Pagsulat kung saan sa asignaturang ito ay lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa elementarya, sekundarya, kolehiyo at maging graduate school ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat. Sa inyong pag-aaral ay ikinintal sa inyong isipan ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino at higit sa lahat ang mga tuntunin sa paggamit nito. Kabilang sa mga pagsasanay na ito ang paggawa ng sanaysay, pagsulat at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, pagsulat ng mga artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case studies, pagsulat ng pamanahong papel, at pananaliksik. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat 1. Obhetibo. Una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang pagkakasulat. Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwala hinggil sa isang paksang tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon. 2. Pormal. Dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino, nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito. Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din. 3. Maliwanag at Organisado. Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at organisado. Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa. Maging ang pag-uugnay ng mga parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Bukod sa katangiang kaisahan at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan, ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin. 4. May paninindigan. Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa. 5. May pananagutan. Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian. Bukod sa ito ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng iyong ginawa. Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Sulatin 1. Abstrak 2. Sintesis/buod 3.Bionote 4. Panukalang proyekto 5. Talumpati 6. Adyenda 7. Katitikan ng pulong 8. Posisyong papel 9. Replektibong sanaysay 10. Pictorial-essay 11. Lakbay-sanaysay Sanggunian: Julian,A.B & Lontoc, N.S.(2017).Filipino sa Piling Larang(Akademik).Phoenix Publishing House, Inc. Maraming salamat.