Mga Aralin sa Pagsulat ng Balitang Pang-Isports PDF
Document Details
Uploaded by AstoundedOctopus3927
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin ukol sa pagsulat ng balitang pang-isports sa Filipino. Tinalakay ang kahulugan, katangian at iba't ibang uri ng balitang pang-isports. Kasama rin dito ang mga halimbawa at paraan ng paghuhubog ng sports reporting.
Full Transcript
Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Pagsulat ng Sulating Pang-Isports LESSON 2 Ano-ano ang kahulugan ng salitang ISPORTS para sa iyo? Ilagay ang iyong sagot sa loob ng mga bilog at pagsamasahin ang mga salita na iyong binigay upang ikaw ay makabuo ng isang pangungusap ukol sa kahulug...
Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Pagsulat ng Sulating Pang-Isports LESSON 2 Ano-ano ang kahulugan ng salitang ISPORTS para sa iyo? Ilagay ang iyong sagot sa loob ng mga bilog at pagsamasahin ang mga salita na iyong binigay upang ikaw ay makabuo ng isang pangungusap ukol sa kahulugan ng isports. ISPORTS Pagsulat ng Ulat o Balitang Pang- Isports Nakakasulat ng isang maayos na balitang pang- isports Tukuyin kung anu-anong mga larong Pinoy ang nasa bawat larawan? Ano ba ang kahulugan ng Isports? Ang isports ay binubuo ng isang pangkaraniwang pisikal na gawain o kasanayan na nagbuhat sa ilalim ng napagkasunduan na mga patakarang hayag, at kasama ang iba't-ibang layuning rekreasyonal kagaya ng pakikipagpaligsahan, sariling kasiyahan, pagkamtan ng premyo, paghirang ng kampeon, pagsulong ng isang kasanayan, o kombinasyon ng mga ito. Pagsulat ng Ulat o Balitang Pang-Isports Ang balitang pang-isport ay isang uri ng natatanging balita ukol sa iba’t-ibang uri ng laro na batay sa tuwirang balita subalit karaniwang nasusulat sa pamaraang action story. Ito ay paglalarawan ng aksiyon, reaksiyon at emosyon ng manlalaro, tagasanay at maging ang mga manonood. Katangian ng Balitang Pang-Isport 1.Sumasagot sa tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano. 2.Nagtatagalay ng kapana-panabik na pasimula na naglalarawan ng kilos at paglalaban. 3.Gumagamit ng natatanging uri ng talasalitaan (sports lingo) na hindi kaagad mauunawaan ng karaniwang mambabasa. 4.Gumagamit ng mahusay na salita, maraming pang-uri, mahahabang pangungusap na hindi ginagawa sa pagsulat Uri ng Balitang Pang- Isport 1. Paunang Balita – Ibinabalita ang napipintong labanan ng mga koponan. Ito ay naglalaman hinggil sa sa kakayahan at kahinaan ng manlalaro sa koponan. Tinatalakay rin ang kahalagahan ng larong gaganapin. 2. Kasalukuyang Balita – Ito ay naglalahad ng mga kaganapan sa laro. 3. Resulta ng Laro – Ang mga istoryang ito ay nagbubuod ng mga naganap na laro. Ang ganitong balita ay kailangang mailabas kaagad dahil ito ay “time bound” at mawawalan ng saysay kung maibabalita na ng huli sa panahon. 4. Sports Profile – Binibigyang pansin ng mga istoryang ito ang mga personalidad o koponan na nagpapakita ng pambihirang katangian at karangalan. Mas mahaba ang ganitong artikulo dahil nangangailangan ito ng pananaliksik at Paraan ng Pagsulat ng Balitang Pang-Isport 1.Isinusulat ito katulad ng pagsusulat ng pangkaraniwang balita. 2.Inuuna sa pagsulat nito ang malaking pangyayari sa pamamagitan ng baligtad na pyramid. 3.Gumagamit ang isang manunulat ng isport ng mga salitang makukulay at buhay. 4.Laging nasa patnubay ang resulta ng laro o tunggalian na siyang pumupukaw o umaakit sa mambabasa. 5.Kung ang laro ay labanan ng koponan na katulad ng basketball o volleyball ay huwag kalimutan banggitin ang nagpanalo sa laro. Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Manunulat ng Balitang Pang-Isport 1. May kaalaman sa Isport na tatalakayin. 2. Marunong gumamit ng lenggawahe ng isport. 3. Marunong umunawa sa talang nakuha sa laro. 4. Mausisa at matalas ang pakiramdam sa galaw at ikinikilos ng mga manlalaro. 5. Matalas ang mata sa maliit na detalye na nangyayari sa laro. Halimbawa ng Ulat o Balitang Pang-Isport