APAN 3RD QUARTER REVIEWER - Grade 10 - Kasarian at Sekswalidad PDF

Summary

This document reviews concepts of gender and sexuality. It includes discussion on sex, gender roles, and various perspectives. It also covers topics on different types of identities like homosexual, bisexual and others. Includes a discussion on the significance of culture, media, law and history on gender and sexuality.

Full Transcript

**APAN 3^RD^ QUARTER REVIEWER** **PAKSA 1: KASARIAN AT SEKSWALIDAD** **KONSEPTO NG GENDER AT SEX** - **SEX** - Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. - Genetic inheritance o Pinagmulan - Genes na nagtataglay...

**APAN 3^RD^ QUARTER REVIEWER** **PAKSA 1: KASARIAN AT SEKSWALIDAD** **KONSEPTO NG GENDER AT SEX** - **SEX** - Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. - Genetic inheritance o Pinagmulan - Genes na nagtataglay ng ating mga biyolohikal na katangian - Halimbawa: Babae, Lalaki, Lesbian, Gay - **GENDER** - Ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. - Natutunan mula sa kultura o lipunanng ating kinabibilangan o ginagalawan - Halimbawa: Haligi ng tahanan, Ilaw ng tahanan, Mahinhin, Gwapo, Gentleman - **BABAE** -- May dibdib at vagina. - **LALAKI** -- May penis at testes. Anything biological is **SEX**. **MGA SALIK NA NAKAAPEKTO SA PAGKAKAROON NG HINDI PATAS NA PAGTINGIN SA KASARIAN BILANG ISANG BABAE AT LALAKI (4)** 1. **KAHIRAPAN** - May ilang mga kalalakihan ang mas piniling maghanapbuhay upang makatulong sa gastusin sa tahanan. 2. **KULTURA** - Kultural na paniniwala na ang babae ay sa loob lamang ng tahanan, mag-aasawa at mangangalaga sa mga anak. (**Diskriminasyon sa kulay ex. Blue only for men and Pink for women.**) (**Bawal mag drive ang mga kababaihan sa Saudi**) 3. **BATAS** - Ang mga kababaihan noong ika-19 (Panahon ng Amerikano) na siglo ay hindi pinahihintulutan na makapag-aral - **Thomasites** -- Guro na Amerikano - **Illustrado** -- Pilipinong lalaki na nakapagtapos ng pag aaral sa ibang bansa - Ang mga Thomasites ang nagbigay karapatan na makapagaral ng libre ang mga babae at lalaki hanggang tersiary (**college**) - **PNU (PHILIPPINE NATIONAL UNIVERSITY)** 4. **OCCUPATIONAL SEXISM** - May ilang trabaho na iniaayon sa kasarian ng isang indibidwal. (**Manikurista -- trabaho para lamang babae, Barbero -- trabaho para lamang sa lalaki**) **GENDER ROLES** - Ito ay **tumutukoy sa mga ugali, asal at katangiang** **tinatanggap at inaasahan ng lipunan batay sa kasarian** at **sekswalidad** ng isang tao. **MGA PANANAW (2)** - **OLD SCHOOL OF THOUGHT** - **TRADITIONAL/CONSERVATIVE** - Mga lalaki bilang family provider at mga babae bilang mapagkalinga sa pamilya. - **MODERNONG PANANAW** - **LIBERAL** - Hindi nakabase sa kasarian o sekswalidad ang gampanin ng isang tao. **SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity Expression)** - **ORYENTASYONG SEKSWAL (SEXUAL ORIENTATION)** - Ang terminong **oryentasyong sekswal** (sexual orientation) ay tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksyon na nararamdaman ng isang indibidwal para sa isa pang indibidwal. **DALAWANG URI NG ORYENTASYONG SEKSWAL** **HETEROSEXUAL** - Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki. - STRAIGHT **HOMOSEXUAL** - Mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha. - LGBTQIA+ - **PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (GENDER IDENTITY EXPRESSION)** - Ang terminong **pagkakakilanlang pangkasarian** (gender identity) ay ang paniniwalang kasarian ng isang indibidwal o indibidwal maging ito ay akma o hindi akma sa kanyang sekswalidad - **LESBIAN** -- Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy). - **GAY** -- Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot). - **BISEXUAL** -- Mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian. - **TRANSGENDER** -- Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan. (Si Juan Dela Cruz ay isang lalaki na nagsusuot ng skirt) - **TRANSEXUAL** -- Mga taong nag undergo sa operasyon para mag palit ng kasarian. (ex. Nagpalagay ng penis, nagpalaki ng boobs) - **QUEER** -- Another term for "**Questioning Gender**". - **INTERSEX** -- Taong mayroong dalawang organ. May problema sila sa chromosomes. - **ASEXUAL** -- Taong walang nararamdamang atraksyong sekswal sa anumang kasarian. - **PANSEXUAL** -- Nagkakagusto sa lahat ng kasarian. **PAGLALADLAD** - May mga pag-aaral na isinigawa tungkol sa pagusbong ng homosekswalidad ng isang indibidwal. Sa Pilipinas, ang terminong "paglaladlad ay tumutukoy sa pagpapahayag ng isang indibidwal ng kanyang oryentasyong sekswal: **UNANG YUGTO: "Pag-alam sa sarili"** - Pagtanggap at pagiging bukas sa atraksyon at relasyon sa katauhan at kasarian. **IKALAWANG YUGTO: "Pag-amin sa ibang tao"** - Pagsasabi sa kapamilya, kaibigan o katrabaho ng pagiging homosekswal. **IKATLONG YUGTO: "Pag-amin sa lipunan"** - Pamumuhay ng bukas bilang isang LGBT sa Lipunan. **KARAPATANG IPINAGLALABAN NG MGA HOMOSEXUAL SA MUNDO** 1. Karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban. 2. Karapatang maikasal nang sibil at mapagkalooban ng mga benepisyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga kasal na heterosexual at kanilang mga anak. 3. Karapatang mamuhay ng Malaya at walang diskriminasyon. **PANAHON NG PRE-KOLONYAL** **BINUKOT: Ang pagkakaroon ng mga binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay mga babae na itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa. Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa Panay.** 1. **Hari** -- Sultan/Datu 2. **Maharlika** -- Warriors/Sundalo/Mayaman 3. **Timawa** -- Malaya sila namumuhay. (tayo) 4. **Alipin** -- Mga tapag silbi ng hari - Namamahay = pwede silang umuwi sa pamilya/bahay nila. - Sagigilid = walang karapatan umuwi sa bahay nila. Sa gilid lang sila ng bahay naninirahan. **PAG AASAWA:** Ang **mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa** subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. **EDUKASYON:** Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. **Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan**, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. - **THOMASITES --** mga guro Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay. Sa kasalukuyan, marami nang pagkilos at batas ang isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang mga babae, lalaki at LGBT. **ASOG:** Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas, **mababanggit ang mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo.** Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman. Ang salitang babaylan ay sinasabing tumutukoy sa babae, mayroon ding lalaking babaylan -- halimbawa ay ang mga **asog sa Visayas noong ika-17 siglo** - na hindi lamang nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu. **Asog ang tawag sa sinaunang bakla.** Dito nagsimula ang LGBTQ. - May tinatawag tayo na babaylan. Sila ang mga **Spiritual Leaders** na babae dahil babae lang daw pinapakinggan ng Diyos. Dahil sa kakulangan ng babaylan, ang mga lalaki ay nagpanggap at kumilos ng pangbabae. Sila rin ay nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki. **MGA ANYO NG DISKRIMINASYON SA MGA LGBT** 1\. Hindi pagtanggap sa kanilang trabaho 2\. Mga pangiinsulto at pangungutya  3\. Hindi pagpapatuloy sa establishiyemento dahil sa kanilang kasuotan o pagkilos 4\. Karahasan ng pambubugbog o pagpatay 5\. Bullying sa paaralan HALIMBAWA: Ang karumaldumal na pagpatay ni **Joseph Scott Pemberton kay Jennifer Laude** na isang **Pilipino transwoman** na nangyari sa **Olongapo city noong Oktubre 11, 2014.** **PAGUURI NG DISKRIMINASYON** **Di tuwirang Diskriminasyon:** Maaring mangyari ang di tuwirang paraan kung ang indibidwal o organisasyon ay hindi binibigyan ng kaukulang karapatan ang taong kabilang sa LGBT.** ** - **Tinatanggalan ng karapatan ang LGBTQ.** - Halimbawa: Sa school ang mga gay ay hindi pwede mag skirt/makeup. **Diskriminasyon sa Pagkakakilanlan:** Nakararanas din ng diskriminasyon ang LGBT ayon sa estado ng kanilang pamumuhay tulad ng lahi at katayuan ng pamilya.** ** - **Sa lahi nila nagkakaroon ng diskriminasyon. (pamilya)** **Relasyon sa Iba:** May ilang taong nahaharap din sa diskriminasyon dahil sa kanilang kaugnayan sa LGBT  - **May diskriminasyon sa pagkakaibigan.** - Halimbawa: Si Juan Dela Cruz may kaibigan na bakla, yung iba nyang kaibigan na straight lalayuan sya. **KALAGAYAN NG MGA MIYEMBRO NG LGBT SA IBANG PANIG SA KONTINENTE NG ASYA** - **QATAR:** 7 Taong pagkabilanggo at parusang kamatayan sa mga muslim sa sino mang mapatutunayan sa same sexual activity - **SAUDI ARABIA**: Parusang Kamatayan, pagkabilango, pagpapahirap, at pagkakapon sa sinumang mapatutunayan sa same sexual activity - **IRAN**: 74 na hagupit para sa mga bata, parusang kamatayan sa mga may sapat na gulang ang sino mang mapatutunayan na sa same sex activity - **PILIPINAS**: Ligal ang pagkakaroon ng same-sex activity maliban sa marawi **ILANG MIYEMBRO NG MGA LGBT NA NAKILALA SA IBA'T IBANG LARANGAN SA BANSA AT MAGING SA BUONG MUNDO** 1. **ELEN DEGENERS (LESBIAN)** Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk- show sa Amerika, ang "The Ellen Degeneres Show".  2. **TIM COOK (GAY)** Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products.  3. **CHARICE PEMPENGCO (LESBIAN):** Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na "the talented girl in the world." Isa sa sumikat na awit niya ay ang Pyramid 4. **GERALDINE ROMAN (TRANSGENDER):** Kauna-unahang transgender na miymebro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan ng Bataan** ** 5. **JAKAPONG "ANNE" JAKRAJUTATIP (TRANSWOMAN):** Owner ng Miss Universe Pageant /CEO of JKN Global Group 6. **Rikkie Kolle** -- 2023 Netherlands 7. **Marina Machete** -- 2023 Portugal **Karahasan sa Kababaihan sa Iba't ibang panig ng mundo** **FOOT BINDING: CHINA** - Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa. **FEMALE GENITAL MUTILATION: SOMALIA, AFRICA** - Isinasagawa ang Female Genital Mutilation o FGM na isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medical. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapananatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehangpanrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan. - Type 1 -- Clitoridectomy -- Tinatanggal ung clit for no sensation. - Type 2 -- Excision -- Tinatanggal yung excess skin sa loob. **Labia Minor** = outer **Labia Major** = Inner - Type 3 -- Infubilation -- Closing of clit to preserve the girls virginity. **BREAST IRONING: AFRICA** - May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala. Mababanggit na halimbawa ang breast ironing o breast flattening sa Africa. To avoid attraction to men. **GANG RAPE: AFRICA** - Sa South Africa may mga kaso ng gang rape sa mga lesbian sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. **PAKSA 3: TUGON SA MGA ISYU SA KASARIAN** **UNITED NATIONS SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS (17 GOALS)** **SDG = SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS** - Ginawa para ma attain peace at maayos na lipunan. And it is practiced by the whole world. 5. **GENDER EQUALITY** (5^th^ goal) -- Gender equality is not only a fundamental human right, but a necessary foundation for a peaceful, prosperous and sustainable world. - **Dapat na magkaroon ng patas na pagtingin sa lipunan ang mga babae, lalaki, bakla, tomboy or kahit ano pa man ang kasarian ng isang indibidwal**. **MGA SALIK NA NAGIGING DAHILAN SA PAGKAKAROON NG DISKRIMINASYON SA KASARIAN (5)** 1. **PANINIWALANG KULTURAL** -- Ang kulturang kinagisnan ay nakaiimpluwensya sa paniniwala at pananaw ng bawat indibiduwal. Ito ay nagiging batayan upang makita kung tama o mali ang isang gawi batay sa kaniyang nakasanayan. - **Patriarkal** = A society where mas dominante ang kalalakihan kesa sa kababaihan. - **Feminism** = Women empowerment 2. **MEDIA GAYA NG TV, PELIKULA AT MAGASIN** -- Bawat imahen na nakikita sa telebisyon, pelikula, at magasin ay nagbibigay laya sa pisikal at berbal na pangaabuso sa kababaihan. - Halimbawa: Mga bullying scenes sa pelikula = boys nagbubully sa girls - Pagnood ng porn. Natutuwa ang mga kalalakihan pero naabuso rito ang mga kababaihan. 3. **PANANAW NG PAMILYA** -- Kung ang kinalakihang pamilya ay may mga gawi ng panghuhusga sa kasarian ng indibiduwal, hindi malayong masanay sa pangungutya at pangaasar sa kasarian ang sinumang lumaki sa pamilyang ito. - Halimbawa: tatay na sundalo at may anak siyang lalaki, yung anak niya ay inaasahan na dapat maging kasing tikas niya ang kaniyang ama. "BAWAL BAKLA SA PAMILYANG TO" 4. **KAKULANGAN NG EDUKASYON** -- Ang kakulangan ng sapat na edukasyon ay maaaring maging dahilan upang hindi maipaglaban ng sinuman lalo na ng kababaihan ang kanilang mga karapatan. 5. **KAWALAN NG KAUKULANG BATAS** -- Marami pa ring bansa ang walang kaukulang batas para sa pantay na pagtingin sa mga tao kahit ano pa man ang kasarian. - **VAWC (BATAS)** -- Violence Against Women and Children. **ANTI-DISCRIMINATION ACT SENATE BILL 689** Take note that ang batas ay iba sa bill. Ang batas ay implemented at may kaparusahan pag nilabag. Ang bill ay draft lamang, meaning it is not implemented and it has NO VIOLATION. - Senate Bill no. 689 was introduced by Francis N. Pangilinan - An act prohibiting discrimination on the basis of sexual orientation and gender identity or expression (SOGIE) and providing penalties therefor. **ILAN SA MGA UNLAWFUL PROVISIONS NG SENATE BILL 689** 1. Itaguyod at himukin ang pagpapalaganap ng stigma batay sa SOGIE sa media, mga aklat-aralin sa edukasyon, at iba pang midyum. - **Halimbawa, maaaring kabilang dito ang mga maling paniniwala na mas mababa ang halaga ng mga LGBTQ+ na tao o hindi sila karapat-dapat ng pantay na respeto at oportunidad. STIGMA.** **Ang ganitong klaseng nilalaman ay maaaring magpatibay ng mga negatibong stereotype at magdulot ng karagdagang diskriminasyon.** 2. Tanggihan ang pagtanggap o paalisin ang isang tao mula sa anumang institusyong pang-edukasyon o pangsanay batay sa SOGIE - **Halimbawa, kung ang isang tao ay transgender at tinanggihan ng paaralan dahil sa kanilang kasarian, ito ay malinaw na diskriminasyon. Halimbawa, ang isang estudyanteng bakla ay pinapaalis mula sa paaralan dahil hindi tinatanggap ang kanyang identidad o pagpapahayag ng kasarian.** 3. Magpataw ng mga parusang disiplinaryo, mga parusa na mas mahigpit kaysa sa karaniwan o katulad na mga parusa, mga kinakailangan, paghihigpit, o pagbabawal na lumalabag sa mga karapatan ng mga mag-aaral batay sa SOGIE - **No mistreatment such as abuse regardless of their sogie. Hindi maaaring patawan ng mas mabigat na parusa ang mag-aaral batay sa kanilang SOGIE para sa parehong paglabag.** 4. Tanggihan ang isang tao ng access o paggamit ng mga establisimyento, pasilidad, mga serbisyo, o utilities, kabilang ang pabahay, na bukas sa publiko batay sa SOGIE: Sa kundisyong, ang paggawa ng inferior na akomodasyon o serbisyo ay ituturing na isang pagtanggi ng access o paggamit sa naturang pasilidad o serbisyo - **Bawal tanggihan ang kung sino man na gagamit ng public places like bathroom regardless of their sogie. Bawal rin gagawa ng hiwalay na cr for lgtbq.** **PRINSIPYO NG YOGYAKARTA** Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa dipantay na pagtingin at karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at gender identity o SOGI) na nagmula sa iba't ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga rekomendasiyon - Nobyembre 6-9 2006, nagsama sama ang 27 eksperto sa sogie para bumuo ng prinsipyo. - 29 principles **PRINSIPYO 1 - ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO** - Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao - Pantay pantay na pag trato sa lgbt tulad ng normal na pagtrato sa babae at lalaki. Ito ay nakatuon sa **karapatang pantao sa pangkalahatan**, na dapat tamasahin ng lahat ng tao bilang likas na karapatan mula sa kanilang pagkasilang. **PRINSIPYO 2 - ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON** - **Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.** - **Bawal ang pang abuso, diskriminasyon, at pananakit regardless of their sogie. Tumutok ito sa pag-aalis ng diskriminasyon at pagpapantay ng mga oportunidad sa lahat ng tao, anuman ang kanilang oryentasyon o pagkakakilanlan.** **PRINSIPYO 4 - KARAPATAN SA BUHAY** - Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. - Ipinagbabawal nito ang anumang uri ng diskriminasyon o pagkitil ng buhay batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian, na nagsisiguro ng proteksyon para sa lahat, anuman ang kanilang pagkakakilanlan. Pinagtitibay nito na ang buhay ay isang pangunahing karapatan na dapat igalang ng bawat tao at institusyon. ito ay ang **pagbibigay proteksyon sa buhay** ng bawat isa **PRINSIPYO 12 - KARAPATAN SA TRABAHO** - **Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, samakatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.** - **Bawal ang hindi pagtanggap ng LGBTQ+ sa trabaho tulad ng pag mimilitar.** **ang karapatang magtrabaho at magkaroon ng pantay na oportunidad sa lahat ng aspeto ng trabaho** **PRINSIPYO 16 - KARAPATAN SA EDUKASYON** - Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong naguugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. - Bawal discrimination sa school. Payagan ang same sex relationships sa school. **saklaw** ng prinsipyong ito ay ang **lahat ng aspeto ng edukasyon**, mula sa pagpasok sa paaralan, pagkuha ng mga kurso o programa, hanggang sa mga aktibidad at benepisyo sa loob ng institusyong pang-edukasyon. **PRINSIPYO 25 - KARAPATAN LUMAHOK SA BUHAY PAMPUBLIKO ** - Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakaran, at makilahok sa mga proseso ng gobyerno at lipunan, nang walang diskriminasyon batay sa kanilang SOGIE - Pinapayagan nito ang tulad ng pagboto, pagtakbo sa halalan, at pakikilahok sa paggawa ng mga patakaran. Tinitiyak nito na walang diskriminasyon batay sa SOGIE.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser