Summary

This document appears to be a review of different cultural beliefs, practices, and social issues related to gender and sexuality. It presents different cultural and sociological points of view from various cultural backgrounds in the Philippines.

Full Transcript

**Tchambuli (Chambri**) -- ang mga babae at lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang Lipunan. Ang mga babae ay inilalarawan na nakahihigit ang gampaning pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang naghahanap ng makakakain ng kanilang pamilya. Ang mga lalaki naman ay abala sa pag-aayos sa kanila...

**Tchambuli (Chambri**) -- ang mga babae at lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang Lipunan. Ang mga babae ay inilalarawan na nakahihigit ang gampaning pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang naghahanap ng makakakain ng kanilang pamilya. Ang mga lalaki naman ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento. **Arapesh (na nangangahulugang "tao")** -- walang pangalang ang mga tao na naninirahan dito. Ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. **Mundugumor (Biwat)** -- ang mga babe at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. **Female Genital Mutilation** -- isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medical, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng Gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyong lipunang kanilang ginagalawan. It ay isinasagawa sa mga batang babae na may edad 0-15 taong gulang. **Babaylan** -- isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon. Nagsisilbing manggagamot ng mga Espanyol sa pilipinas. **Asog** -- tawag sa mga lalaking babaylan sa Visayas noong ika-17 siglo. Hindi lamang sila nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang panalangin umano ay pakinggan ng mga Espiritu. **Gender** -- tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at Gawain na itinakda ng Lipunan para sa mga babae at lalaki. Karaniwang batayan nito ay gender identity at roles na mayroon sa Lipunan, ito ay ang pagiging masculine at feminine. **Sex** -- tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang nagtatakda ng pagkakaiba ng babe sa lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa Gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. **Sexual** **Orientation** -- tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal, sekswal, at malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa. **Gender** **Identity** -- kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya na siya ay ipanganak. **Homosexual** -- mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian. **Heterosexual** -- isang oryentasyong sekswal na tumutukoy sa isang katayuan na makaranas ng pagkabighaning sekswal, pandamdamin, pangkatawan, o pangroromansa sa mga tao ng taliwalas o kabaligtaran ng kaniyang kasarian. **Lesbian** -- mga babaeng nakararamdam ng pisikal o romantikong atraksyon sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng pilipinas na tibo at tomboy). **Gay** -- mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki. May iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng pilipinas na bakla, beki, at bayot). **Bisexual** -- mga taong nakakaramdam ng atraksyon sa dalawang kasarian **Transgender** -- ang isang taong nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma. **Queer** -- mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae. **Intersex** -- kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism, taong may parehong ari ng lalaki at babae. **Asexual** -- mga taong walang nararamdamang atraksyong sekswal sa anumang kasarian. **Diskriminasyon** -- tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kanilang mga Karapatan at Kalayaan. **Diskriminasyon sa Kalalakihan** -- ginagawang paksang biro ang pagtawag ng "House Husband" sa mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga gawaing pantahanan. **Diskriminasyon sa Kababaihan** -- ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nananatiling mas mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa paglaganap ng diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng trabaho partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at pagsulong ng mga manggagawang kababaihan, sexual harassment, agwat sa sahod at limitadong kakayahang umangkop sa trabaho. **Diskriminasyon sa LGBTQIA+** - ang mga LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medical, pabahay at maging sa edukasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay may mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa babae at lalaki. **Karahasan sa Kalalakihan** -- ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi kinakailangang maging pisikal, ngunit maaaring emosyonal at seksuwal. - May kalalakihang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso mula sa kanilang pamilya o sa mga taong pinagkakatiwalaan nil ana maaaring makaapekto sa kanilang damdamin o emosyon. May mga pagkakataon na sila rin ay biktima ng pisikal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner. **Karahasan sa Kababaihan** -- ang karahasan sa kababaihan ay anumang karahasang naguugat sa kasarian na humahantongsa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang Kalayaan. Hindi lamang limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence against women. Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal, at ekonomikal. **GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integritty, Equality, Leadership, and Action)** -- isang Samahan sa pilipinas na laban sa iba't ibang anyo ng karahasan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. **Seven Deadly Sins Against Women**: 1. Pambubugbog/pananakit 2. Panggagahasa 3. Incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso 4. Sexual harassment 5. Sexual discrimination at exploitation 6. Limitadong access sa reproductive health 7. Sex trafficking at prostitusyon **Karahasan sa LGBTQIA+** - ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang nabiktima ng pagpatay mula 2008-2015. - Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na AntiHomosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same sex marriages ay maaaring parusahan ng panghabangbuhay na pagkabilanggo. **Gang** **rape** -- ito ay kaso sa mga lesbian sa bahagi ng South Africa kung saan pinaniniwalaang magbabago ang oryentasyon ng mga lesbian matapos gasahain. **Foot Binding (lotus o lily feet)** -- isinassagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang paa ng babae ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang bakal o bubog sa talampakan. **Breast ironing o Breast flattening** -- isa sa mga kaugalian ng bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe sa dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. **Panahong Pre-Kolonyal --** ang mga kababaihan sa pinas noon, maging sila man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang Lipunan, ay pagmamay-ari ng mga lalaki. **Binukot** -- prinsesa ng isang katutubong pangkat sa isla ng panay at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Sila ay itinuturing na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng datu. Hindi siya maaaring tumapak sa lupa at masilayan ng mga kalalakihan hanggang sa magdalaga. **Boxer** **Codex** -- ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandalling makita itong may kasamang ibang lalaki. **Panahon ng Espanyol** -- ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso ang bawat pangangailangan ng kanilang asawa at anak. Tungkulin naman ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinikita sa paghahanapbuhay. **Gabriela Silang** -- may bahay ni Diego Silang. Isa sa mga kababaihang naging bahagi sa pagkamit ng Kalayaan laban sa mga kastila. **Marina Dizon** -- isang katipunera na tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol. **Panahong Amerikano** -- pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. Sa panahong ito rin ay nabuksan ang isipan ng mga kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. **Abril 30, 1937** -- isang espesyal na plebesito ang naganap, 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika. **Panahon ng Haponese** -- ipinakita ng mga Pilipino ang kagitingan sa pagtatanggol sa bansa sa abot ng kanilang kakayahan at maging hanggang kamatayan. Parehas na lumaban ang kalalakihan at kababaihan. **Kasalukuyang Panahon** -- ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay. Maraming mga pagkilos at batas ang isinulong upang magkaroon ng pantay na Karapatan sa trabaho at Lipunan ang kababaihan, kalalakihan, at iba pang kasarian o napapabilang sa LGBTQIA+. **Gloria M. Arroyo** -- isa sa mga babaing naging lider ng pilipinas. **Corazon C. Aquino** - isa sa mga babaing naging lider ng pilipinas.