Gender at Sexuality, and RH Law PDF
Document Details
Uploaded by IntriguingCouplet7059
Tags
Related
- Maternal-Child Nursing Anatomy, Physiology, Puberty, and Health Education PDF
- Presentación Clases Definiciones, Conceptos y Política SSR PDF
- Biomedical Perspective in Gender and Sexuality PDF
- GED 101 Understanding The Self PDF
- The Sexual Self PDF
- Caraga State University The Sexual Self and Family Planning PDF
Summary
This document discusses the concepts of gender and sexuality in Filipino culture, delving into topics like gender identity, expression, sexual orientation, and the perspectives of different groups, such as religious and liberal viewpoints regarding these concepts. This article also briefly mentions discrimination and the Reproductive Health Law.
Full Transcript
GENDER AND SEXUALITY Kasarian at Seksuwalidad ng Tao Ang konsepto ng kasarian ay ginagamit na katumbas ng seks (sex) bilang biyolohikal na katangian at gender bilang sosyolohikal, sikolohikal, at intelektuwal na konsepto. Ito ay karaniwang inuuri sa lalaki o babae. Mayroon naman kondisyong t...
GENDER AND SEXUALITY Kasarian at Seksuwalidad ng Tao Ang konsepto ng kasarian ay ginagamit na katumbas ng seks (sex) bilang biyolohikal na katangian at gender bilang sosyolohikal, sikolohikal, at intelektuwal na konsepto. Ito ay karaniwang inuuri sa lalaki o babae. Mayroon naman kondisyong tinatawag na intersex. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng isang tao na ipinanganak na may biyolohikal na bahaging pambabae at panlalaki kaya hindi angkop na tawaging babae o lalaki. Maaaring lalaking-lalaki ang panlabas na anyo, ngunit may bahagi ng katawan na maiuugnay sa pisikal na katangian ng babae. Isang aspekto ng seksuwalidad ay gender identity. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang tao bilang isang bababe, lalaki, pareho na babae at lalaki, walang kasarian, o nasa pagitan ng dalawang kasarian. Maaaring pareho o iba ito sa kasarian o sex ng isang tao sa kapanganakan. Transgender ang tawag sa mga taong may naiibang pagkakakilanlan o galaw mula sa kung anuman ang inaasahan sa karamihan sa isang kultura. Halimbawa, ang isang lalaking may pagkakakilanlan bilang babae at nanamit babae ay isang transgender. Isang aspekto ng seksuwalidad ay gender expression. Tumutukoy ito sa karaniwang galaw o gawi ng tao katulad ng kaniyang pananamit, pananalita, o kilos na nagpapakita ng pagkababae o pagkakalalaki. Maaaring mag-iba ang gender expression ng isang tao mula sa kaniyang kasarian sa kapanganakan. Halimbawa, si Maria ay may panlalaki (masculine) na gender expression kaya siya ay kumikilos na parang lalaki. Maaari rin na magkahalo o parehos na pambabae o panlalaki ang gender expression ng isang tao. Hindi rin palatandaan ang gender expression ng ibang aspekto ng seksuwalidad. Halimbawa, maaaring parang lalaki kumilos si Maria ngunit hindi ibig sabihin nito na may panlalaki o masculine siyang gender identity at hindi rin ito ibig sabihin na sa kapwa babae lamang siya nagkakagusto. Samantala, ang sexual orientation naman ay tumutukoy naman sa pakiramdam at atraksiyon ng isang tao sa kaniyang kapwa. Ito ay maaaring: Heteroseksuwal o naaakit sa kasalungat na kasarian. Halimbawa nito ay isinilang na babae at naaakit sa lalaki. Gayundin ang ipinanganak na lalaki na naaakit sa babae. Homoseksuwal o naaakit sa kaparehong kasarian. Ibig sabihin, ang isang taong ipinanganak na babae ay naaakit at nagkakagusto rin sa kapwa babae o ang isang lalaki ay nagkakagusto sa kaniyang kapwa lalaki. Biseksuwal na nangangahulugang ang isang tao ay naaakit sa dalawang kasarian. Halimbawa ay ang isang babae na naaakit sa kapwa babae at sa lalaki. Pag-unawa sa Transgender at Transsexual May tinatawag na panloob na pang-unawa sa kasarian kung saan ang ating kasarian ay sumasang-ayon sa ating pisikal na katawan. Halimbawa nito ay ang babaeng katawan na may kasariang babae rin. Ganoon din, ang ipinanganak na may pisikal na katawan na panlalaki at ang kasarian na lalaki. Ang isang taong transgender ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, kung saan ang kaniyang pag-iisip at pisikal na katawan ay hindi nagtutugma o magkasalungat. Halimbawa, isang babae na nais manamit bilang lalaki o lalaki na nais manamit bilang babae (cross dresser). Ang taong transsexual ay may mga taon nais gumamit ng medikal na paraan katulad ng surgery o gamot upang makamit ang nais nilang anyo bilang babae o lalaki. May tinatawag na: FTM (Female-to-Male) na transsexual kung saan ipinanganak na may babaeng katawan, ngunit nais na maging lalaking ang kasarian, at MTF (Male-to-Female) na ipinanganak na may lalaking katawan, ngunit mas nais na maging babae angkasarian. Samakatuwid, ang lalaking transsexual ay dapat na babae at ang babaeng transsexual ay dapat na lalaki. Iba’t Ibang Pananaw sa Karapatang Pumili ng Seksuwalidad Konserbatibo at Relihiyoso. Ang paniniwala na dalawa lamang ang nilikha ng Maykapal (lalaki at babae) na hindi dapat mabago ninuman. Itinuturing na imoral ang mga may piniling seksuwalidad dahil ito ay hindi naaayon sa Bibliya. Liberal at Ateista. Isinusulong ang karapatan bilang tao na may kalayaang mamuhay sa nais nila. Hindi nahahadlangan ng simbahan at lipunan ang kanilang pamumuhay. Diskriminasyon sa Kasarian Ang kasarian o sex ay tumutukoy sa biyolohikal na pagkakakilanlan ng isang indibiduwal. Ang mga bahagi ng kaniyang katawan ang tumutukoy kung siya ay isang lalaki (male) o babae (female). Ito ay binubuo ng pangunahin at sekondaryang mga katangian kung saan: Ang pangunahing katangian o primary sex characteristics ay tumutukoy sa panloob at panlabas na ari ng lalaki (penis at testes) at babae (clitoris at ovaries). Ipinakikita naman ng sekondaryang katangian o secondary sex characteristics ang mga pagkakaibang hormonal, gaya ng testosterone (lalaki) at estrogen (babae). Sa kabilang banda, ang gender ay hindi umaayon sa biyolohikal na katangian ng lalake at babae, bagkus isinasaalang-alang nito ang pagkakaiba sa paniniwala, pagtingin sa sarili, at kagawian. Ito ay nagbabago batay sa intelektuwal, sosyal, at sikolohikal na katayuan ng isang indibiduwal batay sa kaniyang kasarian. Sa loob ng mahabang panahon ng ating kasaysayan, makikita natin ang iba’t ibang pagtingin sa bawat kasarian. Ito ay nakapagdidikta ng ekspektasyon at paghusga ng mga taong kabilang sa isang lipunan at kultura. Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay makikita sa kawalan ng hadlang na gampanan ng lalaki at babae ang iba’t ibang tungkulin nito sa lipunan. Ngunit kung ang mga tungkuling ito ay hindi magagawa dahil ang kahusayan at kahinaan ay ibinabatay sa kasarian, nagkakaroon ng tinatawag na diskriminasyon. Sa tuwinang maririnig ang mga salitang “hindi mo kaya ‘yan dahil babae ka lang” o “ang hina mo naman, babae ka kasi,” ito ay malinaw na diskriminasyon sa kasarian. Samakatuwid, ang diskriminasyon sa kasarian ay tumutukoy sa hindi pantay na pagtingin at pakikisalamuha sa indibiduwal dahil sa pag-uugnay ng kaniyang kalakasan at kahinaan sa kasarian. Kabaliktaran nito ang tinatawag na gender equality o gender egalitarianism na tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa lahat ng larangan gaya ng edukasyon, trabaho, at pamumuno. Ang diskriminasyon sa kasarian ay hindi lamang sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Sa kasalukuyan, ang mga may piniling kasarian gaya ng lesbian, gay, bisexual, transgender, ay ang malimit na nakararanas ng diskriminasyon. Mga Salik na Nagiging Dahilan ng Diskriminasyon sa Kasarian Paniniwalang kultural. Ang kulturang kinagisnan ay nakaiimpluwensya sa paniniwala at pananaw ng bawat indibiduwal. Ito ay nagiging batayan upang makita kung tama o mali ang isang gawi batay sa kaniyang nakasanayan. Halimbawa na lamang nito ang patriarchal na kultura kung saan pinaniniwalaan ang higit na kapangyarihan at mas malawak na karapatan ay sa kalalakihan kumpara sa kababaihan. Media. Ayon kay Geena Davis ng Institute on Gender in Media, ang objectification ng kababaihan ay laganap sa iba’t ibang uri ng midya sa buong mundo. Bawat imahen na nakikita sa telebisyon, pelikula, at magasin ay nagbibigay laya sa pisikal at berbal na pang-aabuso sa kababaihan. Bilang karagdagan, piling-pili ang palabas na nagpapakita ng pantay na pagtingin sa kasarian. Pananaw ng Pamilya. Ang pamilya ang pangunahing pundasyon ng isang bata. Ang paniniwala ng kinalakihang pamilya ay taglay rin ng bata sa kaniyang paglaki. Kung ang kinalakihang pamilya ay may mga gawi ng panghuhusga sa kasarian ng indibiduwal, hindi malayong masanay sa pangungutya at pang-aasar sa kasarian ang sinumang lumaki sa pamilyang ito. Kakulangan ng edukasyon. Ang kakulangan ng sapat na edukasyon ay maaaring maging dahilan upang hindi maipaglaban ng sinuman lalo na ng kababaihan ang kanilang mga karapatan. Kawalan ng kaukulang batas. May mga kanluraning bansa na may mga batas nang sumusugpo sa anumang uri ng diskriminasyon. Ito ang maaaring magbigay ng babala at tuntunin sa mga mamamayan na ang diskriminasyon sa kasarian ay dapat na iwasan. Ngunit, marami pa ring bansa ang walang kaukulang batas para sa pantay na pagtingin sa mga tao kahit ano pa man ang kasarian. SOGIE BILL- Sexual Orientation, Gender Identity and Expression Mga Anyo ng Diskriminasyon sa Kasarian Sa Pamilya. Ang tahanan na siyang pangunahing yunit ng lipunan ay maaari ding kakitaan ngdiskriminasyon batay sa kasarian. Halimbawa, ang kultura ng mga Instik na binibigyan ng higit na pansin at mana ang mga lalaking anak dahil sa sila ang magpapatuloy ng negosyo. May iilang kultura ring hindi na pinag-aaral ang mga babaeng anak dahil sa bahay ito nararapat at mag- aasawa rin kalaunan. May iilang babae rin ang tumitigil sa pagtatrabaho matapos itong ikasal. Sa Trabaho. May bahagi ang ating kasaysayan kung saan ang kababaihan ay walang karapatang maghanapbuhay. Dumating ang pagkakataon na naibigay ang karapatang ito sa kababaihan, ngunit mas mababa naman ang bayad kumpara sa kalalakihan. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nawawala ang diskriminasyong ito gaya sa ating bansa. Makikita na marami nang babae ang pinipiling maging sundalo, pulis, bumbero, at iba pang gaya nito. Sa Pulitika. Ang pagbibigay ng karapatan sa kababaihan na lumahok sa mga gawaing pampulitika ay mailap pa rin sa Kanlurang Asya hanggang sa ngayon. Sa Pilipinas, noong dekada ’30 lamang nabigyan ng karapatan ang kababaihan na bumoto at lumahok sa pambansang eleksyon. Noong 1986, ang mga Pilipino ay nagkaroon ng unang babaeng pangulon, si Corazon Aquino na naging simbolo rin ng kalakasan ng kababaihan sa pulitika ng buong Timog- Silangang Asya. Sa kasalukuyan, dumarami na ang mga babaeng pinuno ng bansa taliwas sa panahon na ang kababaihan ay walang opinyon sa usapan ng pamumuno. Gender Roles sa Iba't Ibang Larangan at Institusyong Panlipunan Ang gender role o gampaning pangkasarian ay isang konsepto na higit na mag-uugnay sa sex at gender. Ito ay ang inaasahan ng isang lipunan na kilos, gawi, katangian, at tungkulin ng mga mamamayan na naaayon sa kanilang kasarian. Ang mga babae ay dapat pambabae ang kilos, pananamit, at pag-uugali. Gayundin, ang mga lalaki ay dapat panlalaki ang kilos, pananamit, at pag-uugali. Bawat lipunan, kultura, at pangkat ng tao ay may kani-kaniyang gender roles nainaaasahan. Ito ay maaari ding magbago sa paglipas ng panahon. Malaki ang impluwensya nito sa pamumuhay ng bawat indibiduwal dahil sa matinding pagnanais na mapabilang sa lipunang ginagalawan. Mga Aspekto na Kakakitaan ng Gender Roles Kaalamang biyolohikal kung saan ang kababaihan ay mas mahina kaysa sa kalalakihan. Kung kaya, ang mga gawain na kinakailangan ng matinding lakas ay sa lalaki iniuugnay. Kinalakihang pamilya ang siyang higit na nakaiimpluwensya upang malaman ang gender roles ng mga anak. Halimbawa na lamang ang pag-aatas sa babaeng anak na magluto at sa lalaking anak ang pag-iigib ng tubig. Impluwensya ng midya gaya ng telebisyon, pelikula, magasin, social media, at internet. Halimbawa na lamang ang gampanin ng mga babae sa pelikula bilang sekretarya at lalaki ang laging amo o boss; at mga ina na nananatili sa bahay na nagaalaga ng mga anak at ama nanaghahanapbuhay para sa pamilya. Epekto ng Gender Roles Kalimitang negatibo o hindi maganda ang epekto ng gender roles sa isang indibiduwal. Ang pagtatakda ng lipunan ng gampanin batay sa kasarian ay kadalasang nagiging sanhi ng sumusunod: Gender stereotyping na nagtatakda ng limitadong kalayaan ng bawat indibiduwal na makisalamuha at magpahayag ng kaniyang saloobin. Ito ay maaaring makita sa loob ng tahanan, trabaho, paaralan, at maging sa lansangan. Maaari itong bigyang kategorya batay sa: Ø Personal na pag-uugali kung saan inaasahang ang kababaihan na emosyonal at mahinhin, samantalang brusko at matapang naman ang kalalakihan. Ø Gawaing pambahay kung saan ang kababaihan ang nararapat gumawa ng pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga ng bata. Sa kalalakihan naman ang pagkukumpuni ng sasakyan, gastusin, at pagsasaayos ng mga sira sa bahay. Ø Uri ng hanapbuhay kung saan ang mga guro at nars ay kababaihan, samantalang mga inhinyero, piloto, at doktor ay kalalakihan. Ø Kaanyuang panlabas na inaasahang ang kalalakihan ay mas matangkad kaysa sa kababaihan. Maging sa pananamit na nakapantalon ang lalaki at nakabestida ang babae. Gender discrimination na nagpapakita ng hindi pantay na pagtingin at pakikitungo sa mga taong hindi umaayon sa itinakdang gender roles. Bahagi ng Gender Role sa Iba’t ibang Larangan at Institusyong Panlipunan sa Pilipinas Edukasyon. Ang edukasyon (hanggang kolehiyo) ng anak na lalaki ay mas binibigyang prayoridad. Ang pagkuha ng kurso sa kolehiyo ay naaayon din sa kasarian na angkop sa babae at lalaki. Halimbawa, noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang kabataang lalaki ang naunang binigyan ng pribilehiyong mag-aral at ang mga babae ay tinuturuan ng mga gawaing bahay. Ang pagiging doktor at inhinyero ay sa kalalakihan at pagiging guro, nars, at sekretarya naman sa kababaihan. Hanapbuhay. Kakikitaan ng higit na kasanayan ang kalalakihan kaysa sa kababaihan. Nakatatanggap ng mas mataas na sahod at posibleng promosyon ang mga lalaking manggagawa. Relihiyon. Pangingibabaw ng kababaihan sa espirituwal na buhay ng mga katutubo bago dumating ang mga Espanyol. Sa pagdating ng mga Espanyol, umiral ang patriyarkal na pananaw. Ang mga babaylan ang siyang pinuno ng sinaunang relihiyon ng mga katutubo. Kalalakihan gaya ng Santo Papa, Obispo, at Kardinal ang namumuno sa simbahang Katoliko. Pamilya. Ang patriyarkal na pananaw ay kumalat sa lipunan pagdating ng mga Espanyol. Pinaigting pa ito ng ibang mananakop. Ngunit sa kasalukuyan, ang magasawa ay malimit ng pagkasunduan ang desisyon para sa pamilya. Ang ama o lalaki ang nasusunod sa pagdedesiyon para sa pamliya. Pamahalaan. Bago ang 1937, ang pamahalaan ay hindi kinabibilangan ng kababaihan. Nabigyan ng karapatan ang kababaihan na bumoto at mamahala. Noong 1947, si Geronima T. Pecson ay naging unang babaeng senador. Si Corazon C. Aquino naman ang unang babaeng Pangulo noong 1986. Kalagayan ng Kababaihan Sa pagpasok ng ika-20 siglo ay umusbong din ang pagnanais ng kababaihan sa pantay na karapatan sa edukasyon, hanapbuhay, pasahod, pamumuno, at iba pa. Hindi na mabibilang ang Women’s Rights Movements sa buong mundo at ito ay patuloy na dumarami. Mga Dahilan ng Pagkakaiba-iba ng Katayuan ng Kababaihan at LGBTQI Ang bawat bansa/rehiyon ay may kani-kaniyang pagturing sa kababaihan at LGBTQI. Ilan sa mga salik ng lipunan na maaring nakaaapekto sa mga karapatang pangkasarian ay ang mga sumusunod: Pulitika Simula pa lamang ng pag-usbong ng mga karapatang pantao ay “Kanluranin” na ang tingin sa mga ito; diumano ay ginagamit lamang ng mga demokratikong bansa ang ideyang ito upang patularin sa kanila ang mga bansang komunista. Magkagayunman, kinalaunan ay naging “universal” na ang pagtingin sa mga karapatan, bagaman iba-iba pa rin ang pamamaraan ng pamamahala nito sa mga bansa. Ayon kay Encarnacion (2014), ang mga bansang mas demokratiko at hindi kumikiling sa iisang relihiyon o paniniwala ay mas patas at mas kompleto ang pagbibigay ng mga karapatang pangkasarian. Pinaghambing sa akda ang Amerika (legal ang same-sex marriage) bilang ganap na demokrasya at ang Uganda (hinihikayat ang karahasan laban sa mga LGBTQI) bilang isang Katolikong bansa. Ekonomiya Ayon kina Inglehart, atbp. (2004), ang mataas na antas ng ekonomiya ay nagbibigay sa kababaihan ng pagkakataong ibaling ang kanilang kakayahan sa paglalahad ng ideya at opinyon sa lipunan, sa halip na ituon lamang sa pang-araw-araw na pangangailangan. Hindi pa man ito nailalapat sa makabagong datos ukol sa karapatang pangkasarian, mahihinuha na totoo pa rin ito sa kasalukuyan. Bagaman may mga naiiba, kadalasang ang mas mayayamang bansa ay may mas mataas at mas personal na pamantayan ng karapatan kaysa sa mga bansang hindi malago ang ekonomiya. Edukasyon Ayon sa The Student Lawyer (2014), kapag mababa ang antas ng edukasyon, mababa rin ang kaalaman at interes ng mga mamamayan sa kanilang mga karapatan. Samakatuwid, mas madalas na naabuso ang mga taong hindi nakapag-aral. REPRODUCTIVE HEALTH LAW Ang Health Promotion sa Pilipinas Mahalagang salik panlipunan ang health promotion o ang proseso ng pagtulong sa mga tao na tangkilikin at pangalagaan ang kanilang kalusugan. Sa Pilipinas, laganap pa rin ang iba’t ibang uri ng nakahahawang sakit kagaya ng tuberkulosis, tigdas, at malaria. Marami na ring Pilipino ang nakararanas ng mga degenerative at lifestyle diseases katulad ng sakit sa puso, d epresyon, diabetes, at AIDS. Dahil sa estado ng kalusugan ng mga Pilipino, isinusulong ng pamahalaan ang health promotion sa mga Pilipino. Kasama sa pagpapatupad ng polisiyang ito ang pagsusulong ng mga makabagong batas at probisyon na tutulong sa kababaihan. Ang Reproductive Health Law o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354) ay isang batas na nagbibigay sa mga Pilipino ng universal access para sa kontrasepsyon, fertility control, maternal care, at sex education. Ang batas na ito ay sinimulang isulong noong 2011 at naisabatas noong Disyembre 21, 2012. Nagsimula ang batas na ito sa pagsusulong ni Cong. Edcel Lagman ng Albay ng isang batas na tutugon sa mga suliranin ng kababaihan na dumadaan sa pagbubuntis at panganganak. Sinuportahan ng maraming senador at kongresista ang proposisyon na ito dahil tunay nga naman na mayroong karapatan ang kababaihan na magdesisyon para sa kani-kanilang katawan. Kahalagahan ng Reproductive Health Law Ayon sa pananaliksik, ang family planning at pagkakaroon ng isang maayos na batas tungkol sa reproductive health ay makatutulong sa pagbabawas ng antas ng kamatayan na may kinalaman sa panganganak at pagbubuntis. Bukod pa rito, sinasabi na mahalaga ang Reproductive Health Law sapagkat nakapipigil nito ang aborsiyon na dala ng unwanted pregnancy. Isang radikal na posisyon ang kinukuha ng Reproductive Health Law sa pagsasabi na hindi lahat ng babaeng nagbubuntis ay ginusto ang kanilang pagbubuntis. May katotoohanan ang posisyong ito sapagkat ang pagbubuntis ng mga kababihan ay maaaring magmula rin sa hindi magandang karanasan (hal. rape o paggahasa). Kaya naman, nakatutulong din ang batas sa paninigurado na ang sinumang babae ay may pagkakataon na iwasan ang unwanted pregnancy sa pamamagitan ng contraceptives. Marahil ang isa sa pinakamahalagang kahalagahan ng Reproductive Health Law ay ang pagkilala nito sa karapatan ng mga babae at sa pagbibigay-respeto nito sa kagustuhan ng isang babae na magdesisyon para sa kaniyang sariling katawan. Ang Reproductive Health Law ay nakapaglunsad pa ng panibagong antas ng women empowerment na siyang lalo pang nakapagpapalakas ng loob ng kababaihan at nakatutulong na ipahayag ang kanilang mga karapatan sa lipunan. Mga Pagtutol sa Reproductive Health Law Sa kabila ng magandang layunin ng Reproductive Health Law, hindi pa rin maiiwasan na ituring bilang isang kontrobersiyal na isyu ang batas na ito. Maraming tao pa rin ang tumuligsa at lumaban sa pagpapatupapad ng RH Law. Narito ang ilang dahilan kung bakit tutol ang ilan sa pagpapatupad ng batas na ito. Isyu ng moralidad – Ayon sa mga bumabatikos sa Reproductive Health Law, hindi ito dapat ipinatutupad sapagkat ito ay lumalabag sa batas ng moralidad. Ayon sa kanila, isang batas na pro-abortion ang Reproductive Health Law. Bukod pa rito, binigyang-isyu ng ilan ang pagpapalaganap ng sex education bilang imoral dahil ipinakakalat nito sa mga bata ang impormasyon tungkol sa sekswalidad at pakikipagtalik sa murang edad pa lamang. Isyu ng relihiyon – Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng mga Katolikong mayorya, sinasabi ng marami na ang pagpapalaganap ng kontrasepsyon ay pagpipigil ng buhay na ibinigay ng Diyos. Gayundin, isinasaad ng ilan na ang katawan ng sinumang tao ay ipinahiram lamang ng Diyos kaya’t hindi nito dapat pinipigilan ang anumang pagbubuntis at pagkakaroon ng bagong buhay. Mahahalagang Probisyon ng Reproductive Health Law Ang Reproductive Health Law ay may mahahalagang probisyon na nagbibigay-pokus sa iba’t ibang sangay ng reproductive health at pagbubuo ng pamilya. Ang batas ay may sapat na nilalaman upang ipalaganap ang mga probisyon nito sa iba’t ibang sektor at institusyon. Ating isa- isahin sa araling ito ang mga saklaw ng batas. Family Planning Ayon sa Seksiyon 7 ng batas, ang lahat ng pampublikong pasilidad pangkalusugan ay kinakailangang magkaroon ng kapasidad na makapagbigay ng iba’t ibang modernong family planning method na sumasaklaw sa konsultasyon, mga suplay ng iba’t ibang kontrasepsyon, at mga paraan upang matulungan ang mahihirap na gustong magkaanak. Gayundin, isinasaad ng batas na ang family planning methods ay dapat ding ipagkaloob ng mga pribadong ospital. Maternal Health Services at Neonatal, Infant, Child Health, at Nutrition Services Ayon sa Seksiyon 5 ng batas, ang mga pamahalaang lokal sa Pilipinas ay kinakailangang magtalaga ng mga nars, barangay health worker, doktor, at mga nagpapaanak upang matulungan ang kababaihan na mas madaling makakuha ng serbisyong maternal. Kailangang tugunan ito ng lokal na pamahalaan upang matiyak na masusunod ang layunin ng Kagawaran ng Kalusugan na magkaroon ng 1:1 na ratio ng babae at health professional. Adolescent at Youth Reproductive Health Services Ang Seksiyon 14 ay tumatalakay sa Age and Development Appropriate Reproductive Health Education kung saan naglalayon ang estado na magbigay ng edukasyong sekswal na naaayon sa edad at kapasidad ng mga kabataan. Ang nasabing aralin ay kinakailangang ituro ng mga guro sa mga pormal at impormal na sektor ng edukasyon. Bukod pa rito, sinasabi rin ng batas na dapat iakma sa mga usapin ng values formation, pang-aabuso, diskriminasyon, pagbubuntis, karahasan, at iba pang mahahalagang paksa ang edukasyong sekswal. Sexually-Transmitted Diseases at Iba pang Sakit Isinasaad ng Seksiyon 12 na ang lahat ng sakit na may kinalaman sa reproductive health, kagaya ng mga sexually-transmitted infections (STI), HIV/AIDS, at reproductive tract cancers ay maaaring bigyan ng pinakamataas na uri ng benepisyo mula sa PhilHealth. Violence Against Women Isinusulong ng batas na ito ang hindi pagtanggap sa pagmamaltrato sa kababaihan, lalo na kung dala ng kaniyang kasarian. Bilang pagtugon sa probisyon na ito, ang Kagawaran ng Kasulusugan ay nagtalaga ng mga Women and Child Protection Units (WCPUs) na nasa 70 DOH-hospitals, 28 LGU hospitals, at mga municipal health offices. SB 1979- Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023 RA. 9262- Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004