AP8-IKALAWANG-MARKAHAN-REVIEWER-2024 PDF
Document Details
Uploaded by AmusingFuturism
2024
Tags
Summary
This document appears to contain review questions for a Tagalog-language class, likely focusing on a topic from the Middle Ages. The questions cover various aspects of the period, including economics, social structures, and religious institutions, in Southeast Asia.
Full Transcript
Ito ang pangunahing gawaing pangkabuhayan sa loob ng isang manor. A. Pagsasaka B. Pakikipagkalakalan C. Paglilingkod sa may-ari ng lupa D. Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan Sila ang mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay hindi nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian A. Fief...
Ito ang pangunahing gawaing pangkabuhayan sa loob ng isang manor. A. Pagsasaka B. Pakikipagkalakalan C. Paglilingkod sa may-ari ng lupa D. Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan Sila ang mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay hindi nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian A. Fief C. Lord B. Bourgeoisie D. Artisano Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng piyudalismo? A. Sistemang pampolitika B. Malakas ang kapangyarihan ng panginoon C. Nakabatay sa agrikultura sa loob ng manor D. Nakabatay sa katapatan ng basalyo sa panginoon Ang mga sumusunod ay katangian ng manoryalismo MALIBAN sa? A. Sistemang pampolitika B. Sistemang pang-ekonomiya C. Ang mga pesante ang naglilinang sa lupain D. Ang panginoon ang namamahala sa isang manor Alin sa mga sumusunod ang makikita sa isang manor? A. Pagamutan B. Paaralan C. Kastilyo D. Palengke Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: Pari, Kabalyero at Serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf? A. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya. B. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval. C. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya. D. Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan Paano lumakas ang panggitnang uri noong Gitnang Panahon? A. Ang mga manor ay unti-unting pinamunuan ng mga mangangalakal. B. Ang produksyon mula sa manor ay pinagkakitaan ng mga mangangalakal kung kaya't sila ay yumaman. C. Nagkaroon ng mataas na reputasyon ang mga mangangalakal dahil sa kanilang kahusayan sa pagtupad ng obligasyon sa kanilang mga basalyo. D. Ang paglakas ng kahalagahan ng pera bilang batayan ng ekonomiya kumpara sa lupa ay nagbigay ng politikal na kapangyarihan sa mga mangangalakal. Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag? A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro B. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao C. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon D. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga grupong barbaro Marami sa mga naninirahan sa bayan ay sumali sa guild. Ano ang guild? A. Panggitnang-uri B. Mga mangangalakal sa pamahalaang bayan C. Binubuo ng mga barbero, panadero at sastre D. Samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay Paano naiiba ang manor sa isang lungsod o bayan? A. Mas malaki ang sakop ng manor sa isang bayan o lungsod. B. Maunlad ang teknlohiya ng isang manor nasa ginagamit sa produksyon. C. Ang manor ay may lupang pansakahan, simbahan, kastilyo at kagubatan. D. Ang manor ay sa agrikultura at produksyon at ang bayan ay pangangailan at kagustuhan. Paano naimpluwensiyahan ng muling pag usbong ng mga lungsod at bayan ang buhay ng mga tao noong Gitnang Panahon? A. Ang ekonomiya sa mga lungsod at bayan ay naging batay sa salapi na nagbigay ng importansiya sa mga mangangalakal at manggagawa. B. Ang mga relasyong pyudal gaya ng sistema ng obligasyon at pribilehiyo sa pagitan ng panginoon at basalyo C. Napatatag ng mga bayan at lungsod ang sistema ng manoryalismo na nagdikta sa buhay ekonomiko ng mga tao. D. Umunlad ang mga larangan ng sining gaya ng musika at literatura. Noong Gitnang Panahon ay may malakas na kapangyarihan ang simbahan sa Pilipinas sa kasalukuyan ay malaki pa rin ang papel ng simbahan paglutas sa mga suliraning panlipunan. Bilang isang miyembro ng simbahan, sa paanong paraan ka makapag-aambag sa paglutas sa panlipunang suliranin gaya ng kahirapan? A. Pag-aanunsiyo sa media tungkol sa kahirapan. B. Pagtitipid sa pera upang maipakita ang pakikiisa sa mga mahihir tao. C. Pagbibigay ng limos sa mga pulubi at walang trabaho upang makatulong sa pang-araw-araw na gastos. D. Pagsali sa mga organisasyon at gawaing naglalayong makalikom pondo para sa proyekto para sa mga maralita Ang tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro ang nangalaga sa mga pangangailangan ng mga tao noong Gitnang Panahon A. Pagamutan C. Pamahalaan B. Simbahan D. Paaralan Sila ay naniniwala na ”Ang pagtatrabaho ay pagdarasal” A. Monghe B. Papa C. Obispo D. Pari Siya ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko sa Gitnang Panahon A. Kardinal C. Papa B. Hari D. Pari Ito ang tinaguriang Krusada ng mga Hari A. Una C. Ikatlo B. Ikalawa D. Ikaapat Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ginampanan ng mga monghe noong Panahong Medieval? A. Nagpakain ang mga monasteryo sa mga mahihirap. B. Kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa kanilang mga kaaway. C. Pag-iingat sa karunungang klasikal ng mga Sinaunang Griyego at Romano. D. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Santo Papa sa iba’t ibang dako ng Europe. Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano? A. Hindi matatag na pamumuno B. Paglusob ng mga barbaro C. May sariling paraan ang bawat isa D. Pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan Alin sa mga sumusunod ang magandang naidulot ng Krusada? A. Napalakas ang mga Turkong Muslim B. Nabawasan nito ang populasyon ng mga tao sa Europe C. Nakilala ang Europe na may malakas na sandatahang militar D. Napalaganap ang komersyo at napayaman ang kulturang Kristiyano Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring nagbigay daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval MALIBAN sa: A. Paglunsad ng Krusada B. Ang Holy Roman Empire C. Paglakas ng Simbahang Katoliko D. Pagbagsak ng Imperyong Romano Nang namatay si Louis the Religious hinati ng kaniyang anak ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan sa Verdun, anong bansa ang napunta kay Lothair? A. Germany B. France C. Italy D. Greece Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada? A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko Ang mga tagapagmana ni Charlemagne ay kulang sa mga katangian ng pamumuno na kailangan upang mapanatili ang batas at kaayusan sa Kanlurang Europe. Ano ang mahihinuha sa pahayag? A. Ang mahinang pamumuno ay karaniwang nangyayari sa kasaysayan B. Nagwakas ang malawak na imperyo na itinatag ni Charlemagne sa kanyang pagkamatay C. Nangangailangan ng maayos na tagapagmana ang imperyong pinalakas ni Charlemagne D. Upang mapanatili ang kaayusan at pagsunod sa batas,kailangang magkaroon ng maayos na pinuno Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o sa Papacy? A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko. B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican. C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan. D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Panahong Medieval Bakit tinawag ng mga Kanluranin ang Africa na ”dark continent”? A. Hindi nasisikatan ng araw ang kabuuan ng Africa B. Itim ang kulay ng balat ng mga taong naninirahan dito C. Nababalutan ang buong kontinente ng mistero at kababalaghan D. Matatagpuan dito ang malaking disyerto na may buhanging kulay itim Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pagunlad nito? A. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara B. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop C. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka D. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara Sa panahon ng paghahari ni Mansa Musa, ang Gao, Timbuktu at Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya. Ano ang mahihinuha batay dito? A. Maunlad ang mga lungsod ng Imperyong Mali B. Makapangyarihang imperyo ng Aprika ang Mali C. Ang Mali ay tagapagmana ng Imperyong Ghana D. Pinahahalagahan ni Mansa Musa ang karunungan Ito ang kauna- unahang nasulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Romano A. Ten Tables C. Twelve Tables B. Eleven Tables D. Thirteen Tables Ang heneral ng Carthage na tinawid ang bundok ng Alps upang makarating sa Italy A. Scipio Africanus C. Brutus B. Marcus Cato D. Hannibal Sa tatlong digmaang Punic, ang nagwaging imperyo ay tatanghalin na ______________ A. Pinuno ng Mediterranean B. Pinuno ng Republika ng Roma C. May kontrol sa Aegean D. Makapangyarihan sa Silangan Alin ang pinakamalaki sa tatlong pangkat ng mga pulo sa Pacific. A. Melanesia B. Polynesia C. Micronesia D. Australia Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa Migrasyong Austronesian? A. Magkakaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo sa Pacific at Timog-Silangang Asya B. Nahahati ang mga pulo sa Pacific sa tatlong malalaking pangkat. C. May mga batas na sinusunod upang hindi mawala ang mana D. May sariling kakayahan at katangian ang mga isla sa Pacific. Ang 12 tables ay mahalaga sa kultura ng mga Romano ito rin ang naging batayan ng Batas Romano, paano ito nakakaapekto sa pamumuhay nila? A. Maaari nang magpakasal sa isa’t isa ang Plebeians at Patricians B. Pinatawad ang mga Plebeian sa kanilang mga pagkakautang C. Ang mga Romano ay nagkaroon ng mga tagapagtanggol ng karapatan D. Ang mga Plebeiam ay nagkaroon ng kaalaman sa kanilang mga karapatan. Ang pamahalaang demokrasya na umiiral sa ating bansa ngayon ay isa sa mahalagang ambag ng Athens. Ano ang kahulugan ng demokrasya? A. Ito ay sistema ng pamahalaan na naging dahilan kung bakit kinainggitan at kinakatukan ang Athens. B. Ito ay uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan. C. Ang kapangyarihan ng estado ay nagmumula sa iisang tao. D. Ito ay pinamumunuan ng pinakamahusay na tao. Ito ang mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay floating garden ng mga Aztec. A. Chichen Itza C. Pachakuti B. Aqueduct D. Chinampas Ano ang binibiling produkto ng Aprikano kapalit ng kanilang ginto? A. Asin B. Asukal C. Tubig D. Bigas Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific? A. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay Animismo. B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan. C. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda. D. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga Pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o “mana”. Sentro ng bawat lungsod ng kabihasnang Maya ang isang piramide na ang itaas na bahagi ay dambana para sa Diyos. Ano ang ipinahihiwatig nito? A. Binubuo ng lungsod-estado ang kabihasnang Maya B. Maunlad at mapayapa ang bawat lungsod estado ng Kabihasnang Maya C. May kaayusang panlipunan ang bawat lungsod-estado ng Kabihasnang Maya D. Sentro ng bawat lungsod-estado ng Kabihasnang Maya ang pagpapahalaga sa relihiyon Ito ang tawag sa mga lungsod-estado sa sinaunang Greece. A. Barangay B. Republic C. Polis D. Pamahalaan Ang Greece ay binubuo ng iba’t-ibang lungsodestado na malaya sa isa’t-isa. Alin sa mga sumusunod ang tinawag na mandirigmang polis? A. Sparta C. Corinth B. Athens D. Megara Kung nakuha ng mga Greek ang sistema ng panukat sa mga Sumerian, ano naman ang natutuhan nila mula sa mga Lydian? A. Nakuha nila ang ideya ng alpabeto B. Paggawa ng malalakas at mabibilis na barko C. Paggamit ng mga selyo sa pagpapalitan ng produkto D. Paggamit ng sinsilyo at ng barya sa pakikipagkalakalan Ang kabihasnang Minoan ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito? A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan. B. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete. C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete. D. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito. Kung ikaw ay babaing Spartan, paano mo paglilingkuran ang iyong estado? A. Turuang bumasa at sumulat ang mga anak B. Mag-asikaso ng mga lupain habang ang asawa ay nasa kampo militar C. Bilang kasapi ng asembleya ng mamamayan, lumahok sa paghahalal ng hari D. Samahan ang mga anak at asawa sa kampo militar habang sila ay nagsasanay Ang pamahalaan ng demokrasya na umiiral sa ating bansa ngayon ay nahawig sa pamahalaan ng mga Griyego. Paano nagkakahawig ang mga ito? A. Ang ating pamahalaan ay may tatlong sangay. B. Ang lahat ng kapangyarihan sa pamumuno ay nasa pangulo. C. Ang Saligang Batas ay naglalaman ng mga karapatang pantao. D. Ang mga mamamayan ay may karapatang mamili ng kanilang pinuno. Siya ang tinaguriang Unang Emperador ng Roma A. Julius Caesar C. Marcus Lepidus B. Mark Anthony D. Augustus Caesar Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome? A. Censor at Praetor B. Etruscan at Roman C. Patrician at Plebeian D. Maharlika at Alipin Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Unang Triumvirate? A. Julius Caesar B. Octavian C. Pompey D. Marcus Crassus Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean? A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-lugar. B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece. C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece D. Wasto ang lahat ng nabanggit Ano ang ibig sabihin ng pahayag na The Glory that was Greece, the Grandeur that was Rome A. Palisaghan ng Gresya at Roma B. Kaunlaran ng Gresya at Roma C. Tunggalian ng Gresya at Roma D. Labanan ng Gresya at Roma Paano nakilala ang kabihasnang klasikal ng Gresya at Roma upang makilala ang Europa sa daigdig? A. Malaki ang mga nagawa ng Gresya at Roma. B. Ang mga nagawa ng Gresya at Roma ay kahanga-hanga. C. Malaki ang naging impluwensiya ng Gresya at Roma sa kultura ng daigdig. D. Naging makapangyarihan ang Europa dahil sa mga pinunong naging makapangyarihan sa Gresya at Roma