Araling Panlipunan Modyul 2: Gender Roles PDF

Document Details

WellReceivedTsilaisite6881

Uploaded by WellReceivedTsilaisite6881

Apas National High School

Randy D. Estopa

Tags

gender roles social studies gender studies cultural anthropology

Summary

This document is a past paper on gender roles in different parts of the world for Araling Panlipunan. It contains multiple choice questions about gender roles, female genital mutilation (FGM), and cultural aspects of different societies including the roles of women and men.

Full Transcript

10 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 2: Gender Roles sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig Randy D. Estopa Teacher III – Apas National High School Modyul Gender Roles sa Iba’t ibang 2 Bahagi ng Daigdig Ikalaw...

10 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 2: Gender Roles sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig Randy D. Estopa Teacher III – Apas National High School Modyul Gender Roles sa Iba’t ibang 2 Bahagi ng Daigdig Ikalawang Linggo Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Pamantayang sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay may pang-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan. Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Paksa: Gender Roles sa iba’t ibang Bahagi ng Daigdig Subukin Magandang buhay mga butihin kong estudyante. Bago natin simulan ang pagtatalakay sa paksang nakapaloob sa modyul na ito mas nakabubuti na sagutin muna ang mga pagsubok para mabigyan ng panimulang ideya ukol sa kung ano ang paksang nakapaloob sa modyul na ito. PAALALA: Pag-aralang mabuti ang bawat gawain sa ibaba at bigyang-halaga ang mga aralin. Gayundin, maging matapat sa pagtugon ng mga tanong kaugnay dito. PANUTO: Isulat ang titik ng TAMANG sagot sa inyong sagutang papel. 1. Anong bansa sa Africa ang unang nabigyan ng karapatang makaboto ang mga kababaihan? A. Algeria B. Sudan C. Egypt D. Libya 2. Sino sa mga sumusunod ang nakakaranas ng paghihigpit ng lipunan sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya? A. lalaki B. matanda C. bata D. babae at LGBTQ+ 3. Anong organisasyon ang nagsabi na walang benepisyong medikal ang makukuha sa pagsasagawa ng FGM (Female Genital Mutilation)? A. UNO B. UNICEF C. WHO D. IATF 4. Isang pangkulturang pangkat sa Papua New Guinea na kapwa matapang at bayolente ang mga lalaki at babae A. Mundugumor B. Tchambuli C. Arapesh D. Bantu 2 5. Ang mga pangkulturang pangkat na Arapesh, Mundugumor at Tchambuli ay matatagpuan sa bansang ___________. A. Saudi Arabia B. South Africa C. Papaua New Guinea D. Senegal 6. Ano ang pinaka-unang bansa sa Kanlurang Asya ang nabigyan ng karapatang makaboto ang mga kababaihan? A. Syria B. Yemen C. Oman D. Iraq 7. Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan na walang benepisyong medical. A. Foot binding C. Female Genital Mutilation B. Tubal ligation D. Cervical Pap Smear 8. Ano ang ginagawa sa mga lesbian sa bahagi ng South Africa para mabago ang kanilang oryentasyong seksuwal? A. ipapakulong C. ipa gang rape B. ihuhulog sa bangin D. wala sa pagpipili-an 9. Bahagi ng kultura ng bansang ito ang pagbabawal sa kababaihan na magmaneho na walang pahintulot mula sa pamilya o kamag-anak. A. Papua New Guinea C. South Africa B. Cameroon D. Saudi Arabia 10. Sa pag-aaral na ginawa ng mag-asawang antropologo na Mead at Fortune, ano ang kanilang natuklasan ukol sa pangkat ng mga Arapesh? A. may disenteng kasuotan C. mahilig sa digmaan B. walang pangalan ang tao D. nakatira sa mga kuweba 11. Ayon sa inilabas na datos ng World Health Organization (2016), gaano karami ang biktima ng FGM sa mga bansa sa Africa, Asya at Middle East? A. lampas 200M C. lampas 500M B. lampas 300M D. lampas 400M 12. Ano ang pangunahing layunin sa pagsasagawa ng female genital mutilation? A. pagsunod sa kultura at paniniwala B. upang hindi mag-asawa ang kababaihan C. ito ay isinasagawa upang maging malinis ang kababaihan D. mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang siya ay makasal 13. Ano ang naganap sa ikalawang bahagi ng ika-2 siglo sa mga bansa ng Africa at Kanlurang Asya? A. payagan ang mga babae na makaboto B. payagan ang mga babae na makapaglakbay C. payagan ang mga babae na makapagtrabaho D. payagan ang mga babae na magkaroon ng posisyon sa pamahalaan 14. Ayon sa pag-aaral na ginawa nina Mead at Fortune ukol sa pangkulturang pangkat, ano ang kinagigiliwang gawin ng mga kalalakihan sa pangkat ng mga Tchambuli? A. Mahilig maghanap ng pagkain. B. Mahilig pumunta sa ibang lugar. C. Mahilig mag-ayos sa sarili at magkwento. D. Mahilig makipagdigmaan sa ibang pangkat. 3 15. Alin sa mga sumusunod ang dahilan sa pagiging dominante ng mga kababaihan sa pangkat ng Tchambuli ayon sa pag-aaral nina Mead at Fortune? A. sila ay nagbibigay ng anak B. sila ang pinuno ng pangkat C. sila ay mga mukhang lalaki D. sila ang naghahanap ng pagkain Aralin 1: Gender Roles sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig Alamin Malugod na pagbati mga mahal kong estudyante, muli natin tuklasin ang mga bagong kaalaman na nakapaloob sa modyul na ito. Simulan na natin ang paglalakbay. Matutunghayan mo sa araling ito ang paksang gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Upang magkaroon ng komprehensibong pagkatuto kayo ay inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod: 1. nasusuri ang mga gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig; 2. naihahambing ang iba’t ibang pangkulturang pangkat; at 3. napahahalagahan ang kaalaman ukol sa gender roles sa iba’t ibang lipunan sa mundo. Panimulang Gawain PANUTO: Suriin ang mga larawan sa ibaba at basahin ang gabay na tanong na nasa loob ng bote upang mabuo ang mga ginulong titik (jumbled letter). Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. PGAAMAMOHEN BGAOPTO UMTLIATOIN 1.Ang ipinagbabawal sa mga 2. Pinayagan na makasali 3. Isang proseso ng kababaihan sa Saudi Arabia ang mga kababaihan sa pagbabago sa ari ng Africa at Kanlurang Asya kababaihan sa mga bansa noong ikalawang bahagi ng sa Africa at Kanlurang ika 2 siglo Asya. Kasagutan: Kasagutan: Kasagutan: __________________ __________________ ___________________ 4 Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang mga salita ang iyong nabuo? 2. Ano ang epekto ng mga sitwasyon na ito sa mga kababaihan at sa lipunan? Tuklasin at Suriin Sa nakaraang aralin, natutuhan ninyo ang konsepto ng kasarian. Sa aralin na ito matutunghayan ninyo ang mga gampanin ng mga kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+ sa lipunan na kanilang ginagalawan. Tara! tuklasin at suriin ang mga ito. GENDER ROLES SA IBA’T IBANG LIPUNAN SA MUNDO Africa at Kanlurang Asya Sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ+. Matagal ang panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-2- siglo nang payagan ng ibang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto. Nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa paghihigpit sa mga kababaihan. Noong Disyembre 2015 ay pinayagan na makaboto ang mga kababaihan sa Saudi Arabia. Talahanayan 2.1 Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa Kababaihan Kanlurang Asya Africa Lebanon 1952 Egypt 1956 Syria 1949 , 1953 Tunisia 1959 Yemen 1967 Mauritania 1961 Iraq 1980 Algeria 1962 Oman 1994 Morocco 1963 Kuwait 1985, 2005 Libya 1964 Sudan 1964 1. Ano ang ipinapakita ng talahanayan? 2. Anong bansa sa Africa ang unang nabigyan ng karapatang bumoto ang mga kababaihan? 3. Ano ang implikasyon sa pagbibigay ng karapatang bumoto ng mga kababaihan sa Kanlurang Asya at Africa? 4. Naging pantay ba ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan sa Kanlurang Asya at Africa? 5. Kung ikaw ang nasa katayauan ng mga mamamayan sa Kanlurang Asya at Africa, makatarungan ba ang pagbibigay ng karapatang makaboto ang kababaihan? Ipaliwanag. 5 Bukod sa hindi pagboto, may pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki (asawa, magulang o kapatid). Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may iilang bansa na hindi pinapayagan ang mga babae na maglakbay na mag-isa dahil sa nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal) Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), “more than 200 million girls and women alive today have been cut in the 30 countries in Africa, Asia and the Middle East where FGM is concentrated (2016)”. Ang Female Genital Mutilation ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda). Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong medikal ang FGM sa mga babae na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan. Ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagalawan. Ang ganitong gawain ay maitututring paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan. Sa bahagi ng South Africa may mga kaso ng gang rape sa mga lesbian sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Ayon sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council noong 2011 may mga kaso ng karahasan na nagmumula mismo sa pamilya ng mga miyembro ng LGBTQ+. Pangkulturang Pangkat sa New Guinea Sa Papua New Guinea nakatagpo ng pangkulturang pangkat ang mag- asawang antropologo na sina Margaret Mead at Reo Fortune. Ang mga pangkat na ito ay ang Arapesh, Mundugumor at Tchambuli. 6 Sa pag-aaral na kanilang ginawa napag- alaman nilang walang mga pangalan ang mga tao sa Arapesh (kilala din sa tawag na “Tao”) at napansin nilang mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa at kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat ang mga babae at lalaki. Ang mga Mundugumor (kilala din sa tawag na “Biwat”) ay kapwa agresibo, matapang, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan ang lalaki at babae sa kanilang pangkat. Ang Tchambuli (kilala din sa tawag na “Chambri”) may magkaibang gampanin ang lalaki at babae, dominante ang mga kababaihan sa dahilan na sila ang naghahanap ng makakain para sa pamilya habang abala naman sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa kwento ang kalalakihan. Isaisip Panuto: Punan ng mga kaukulang salita upang mabuo ang mga konseptong nakapaloob at sagutin ang mga tanong sa ibaba sa inyong sagutang papel. Piliin ang sagot sa loob ng kahon kalalakihan LGBTQ+ kababaihan 200M proseso sikolohikal pagboto medikal Mahigpit ang lipunan para sa mga babae at lesbian sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya. Matagal na panahon ang hinintay ng mga __________ para makalahok sa proseso ng __________. Ang Female Genital Mutilation ay isang __________ sa pagbabago sa ari ng kababaihan. Napatunayan ng World Health Organization na walang benepisyong __________ sa mga babae. May lampas __________ kababaihan ang biktima ng Female Genital Mutilation sa 30 na bansa sa Africa, Asya at Middle East. 7 Sagutin ang mga tanong. 1. Bakit mahigpit ang lipunan para sa mga kababaihan at lesbian sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya? 2. Makatarungan ba ang paghihigpit na nararanasan nila? Ipaliwanag 3. May kabutihan bang naidudulot sa mga kababaihan ang female genital mutilation? Isagawa/Pagyamanin Panuto: Punan ng kaukulang impormasyon ukol sa gampanin ng mga kababaihan at kalalakihan sa panlipunang pangkat ng Papua New Guinea ang mga bote at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba sa inyong sagutang papel. ARAPESH MUNDUGUMOR TCHAMBULI Gampanin ng Babae at Lalaki Gampanin ng Babae at Lalaki Gampanin ng Babae at Lalaki Pamprosesong Tanong: 1. May pagkakatulad ba ang mga gampanin ng kalalakihan at kababaihan sa mga panlipunang pangkat na nabanggit? Patunayan. 2. Pantay ba ang gampanin ng mga lalaki at babae sa panlipunang pangkat ng Papua New Guinea? Ipaliwanag. Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Ano ang naidudulot ng female genital mutilation sa mga kababaihan sa Africa? A. walang medical na benepisyo C. nagdudulot ng impeksyon B. nagdudulot ng pagdurugo D. lahat ng nabanggit 2. Alin sa mga sumusunod ang ibang katawagan para sa mga Arapesh? A. Biwat B. Liwat C. Chambri D. Tao 8 3. Anong uri ng pakikitungo ang nararanasan ng mga kababaihan at miyembro ng LGBTQ+ sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya? A. maganda B. matiwasay C. maayos D. mahigpit 4. May mga kaso na ipinapagahasa ang mga lesbian sa bahagi ng bansang ito, aling bansa ang tinutukoy? A. Jamaica B. Saudi Arabia C. South Africa D. Sierra Leone 5. Ang Arapesh, Mundugumur at Tchambuli ay mga pangkulturang pangkat sa Papua New Guinea, ano ang ibang katawagan sa pangkat ng Mundugumor? A. Biwat B. Liwat C. Chambri D. Tao 6. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng pangkulturang pangkat na Arapesh maliban sa: A. mapag-aruga sa mga anak C. matulungin sa pamilya B. matapang ang lalaki at babae D. matulungin sa pangkat 7. Ano ang dahilan sa pagiging dominante ng mga kababaihan sa pangkat ng Tchambuli? A. sila ang nagbibigay ng anak C. sila ay mukhang mga lalaki B. sila ang pinuno ng pangkat D. sila ang naghahanap ng pagkain 8. Bakit may mga bansa pa rin na nagpapatuloy sa pagsasagawa ng female genital mutilation? A. impluwensiya ng tradisyon C. implwensiya ng medisina B. impluwensiya ng paniniwala D. wala sa pagpipilian 9. Sa anong dahilan isinasagawa ang female genital mutilation? A. pagsunod sa kultura at paniniwala B. upang hindi mag-asawa ang kababaihan C. ito ay isinasagawa upang maging malinis ang kababaihan D. mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang siya ay makasal 10. Ano ang kinagigiliwang gawin ng mga kalalakihan sa pangkat ng mga Tchambuli? A. pag-aayos sa sarili B. paghahanap ng pagkain C. paghahanap ng mga alipin D. pakikipagdigmaan sa ibang pangkat 11. Ano ang iginawad sa mga kababaihan sa bansang Lebanon noong 1952? A. karapatang makapaglakbay sa ibang bansa B. karapatang makapag-asawa ng dayuhan C. karapatang makasali sa mga pamamalakad sa lipunan D. karapatang makasali sa pagboto ng mga pinuno ng bansa. 12. May mga kaso sa iilang bansa kung saan ipinagagahasa ang mga lesbian, bakit kaya isinasagawa ito? A. dahil sa kanilang kultura B. dahil sa kanilang paniniwala C. upang dumami ang kanilang populasyon D. paniniwalang mabago ang oryentasyong sekswal 9 13. Ano ang sinabi ng World Health Organization ukol sa female genital mutilation na nagaganap sa Africa, Asya at Middle East? A. nakapagpapababa sa populasyon ng bansa B. nakapagpapabago sa oryentasyong seksuwal C. walang makukuhang medikal na benipisyo ito D. nakapagbibigay ng takot sa mga kabataan at matatanda 14. Ano ang dahilan sa pagiging matapang, agresibo at dominante ng mga kababaihan at kalalakihan sa pangkat ng mga Mundugumor? A. dahil kapwa sila naghahanap ng pagkain B. dahil kapwa sila nagpapaligsahan sa posisyon C. dahil kapwa sila naghahangad ng kapangyarihan D. wala sa pagpipilian 15. May mga bansa na hindi pantay ang karapatang ng mga kababaihan sa lipunan. Bilang mag-aaral, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nararapat mong gawin? A. Ipagwalang bahala dahil ito ay gampanin ng pamahalaan. B. Mag-post ng negative comments sa social media laban sa mga bansang ito. C. Mag-protesta sa pangunahing lugar ng ating lundsod upang maipakita ang kawalang ng pantay na karapatan ng mga kababaihan. D. Pag-aralan at maging mapanuri sa ibat-ibang isyu tungkol sa karapatan ng kababaihan sa loob at labas ng bansa upang maging gabay sa hinaharap. Karagdagang Gawain Sa pagtatapos, ibahagi ang iyong saloobin tungkol sa aralin at sagutin ang bawat sitwasyon gamit ang pormat sa ibaba. Panuto : Basahin ang bawat sitwasyon at ibigay ang iyong saloobin Nakatulong o Hindi Mga Sitwasyon Paliwanag Nakatulong 1. Pagtatrabaho ng mga babae sa mga trabahong panlalaki. 2. Pagkakaroon ng mga pinunong babae sa ating lipunan 3. Pagbibigay ng karapatang makaboto ang mga kababaihan 4. Pagpapatuloy ng female genital mutilation 5. Pagpapagahasa sa mga lesbian para mabago ang oryentasyong seksuwal 10 Susi sa Pagwawasto 3. FGM 5. 200M 2. PAGBOTO 4. medikal 1. PAGMAMANEHO 3. proseso Pamprosesong Tanong 2. pagboto Panimulang Gawain: 1. kababaihan ISAISIP: Sanggunian  Evangeline M. Dallo, E. D. (2017). Kayamanan - Kontemporaryong Isyu. Quezon City: Rex Printing Company Inc.  Module sa Araling Panlipunan - Kontemporaryong Isyu. (n.d.). Kagawaran ng Edukasyon. Mga larawan:  https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2017/09/D- 1.jpg?fit=1152%2C648&ssl=1  https://encrypted- tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSW0i_co8cvs9EfblkFV- zPzJV6vFS9ir5QqA&usqp=CAU  https://pinoyweekly.org/wp-content/uploads/2013/05/Mary-Anne- Granada_last-person-to-cast-vote_Angel-Tesorero.jpg  https://girlsglobe.files.wordpress.com/2013/02/fgm.jpg  https://i2.wp.com/www.healthnews.ng/wp- content/uploads/2019/12/FGM.jpg?fit=1024%2C575  https://i2.wp.com/newspeakonline.com/wp-content/uploads/2018/11/image- 34.jpg?fit=450%2C325&ssl=1 11

Use Quizgecko on...
Browser
Browser