Araling Panlipunan Grade 10 Past Paper PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Department of Education
Tags
Summary
This is a Philippine secondary school social studies module for Grade 10, specifically covering the topic of active citizenship. The module includes learning materials, activities, and assessment in a student-centered format for offline use.
Full Transcript
10 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan-Modyul 1: Aktibong Pagkamamamayan Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Ikaapat na Markahan– Modyul 1: Aktibong Pagkamamamayan Pamantayang Pangnilalaman Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon...
10 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan-Modyul 1: Aktibong Pagkamamamayan Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Ikaapat na Markahan– Modyul 1: Aktibong Pagkamamamayan Pamantayang Pangnilalaman Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Juanito L. Lumibao, Jr. Editor: Rubilita L. San Pedro Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag, PhD / Bernadette G. Paraiso Marie Claire M. Estabillo / Lorna G. Capinpin Tagasuri ng Wika: Donna Erfe A. Aspiras / Gerwin L. Cortez Tagasuri sa ADM Format: Kristian Marquez Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat Donna Oliveros / Bryan Balintec Glehn Mark A. Jarlego Tagaguhit: Emmanuel DG. Castro Tagapaglapat: Marvie C. Delos Santos Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor P. Nuesca, EdD Marie Ann C. Ligsay, PhD Salome P. Manuel, PhD Rubilita L. San Pedro Marie Claire M. Estabillo Melvin S. Lazaro Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III Office Address: Matalino St. , D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected] 10 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan–Modyul 1: Aktibong Pagkamamamayan Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. ii Alamin Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 10. Ang modyul na ito ay naglalayong maipaliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan. Ano ba ang konsepto ng pagkamamamayan o citizenship? Ano- ano ang pagkakahawig at pagkakaiba ng legal at lumalawak na pananaw? Paano ba maging isang mabuting mamamayan ang isang kabataang katulad mo? Sa pagtatapos mo nang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. nakatutukoy ng mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko; 2. nakasusuri ng mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan; at 3. napahahalagahan ang papel ng isang mamamayan para sa pagbabagong panlipunan. Subukin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot. 1. Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado. A. pagkamamamayan C. gawaing pansibiko B. karapatang pantao D. mabuting pamamahala 2. Malinaw na inilalahad sa Saligang Batas ng 1987 kung sino ang maituturing na mga tunay na mamamayang Pilipino. Itinatadhana ito sa: A. Artikulo 3 C. Artikulo 5 B. Artikulo 4 D. Artikulo 6 3. Nakapangasawa ng isang British si Joia at nagdesisyon silang sa England na manirahan. Madalas pa rin siyang umuwi sa Pilipinas upang dalawin ang kanyang mga magulang at kapatid at para na rin magbakasyon. Ano ang pagkamamamayan ni Joia? A. British, sapagkat sa England na siya naninirahan. B. British, sapagkat nakapangasawa na siya sa England. C. Pilipino, sapagkat hindi naman niya itinakwil ang kanyang pagkamamamayan. D. Pilipino, sapagkat madalas pa rin naman siyang umuwi sa Pilipinas para dalawin ang kanyang pamilya at magbakasyon. 1 4. Si Franchesca ay ipinanganak at lumaki sa Amerika. Ang pareho niyang mga magulang ay kapwa Pilipino. Si Franchesca ay: A. mamamayang Pilipino. B. mamamayang Amerikano C. walang pagkamamamayan. D. parehong mamamayang Pilipino at Amerikano. 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na Pilipino? A. mga naging mamamayan ayon sa batas B. ang ama o ina na mamamayan ng Pilipinas C. ang mamamayan ng Pilipinas ng pagtibayin ang Saligang Batas ng 1987 D. mga isinilang pagkatapos sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang 6. Sa pamamagitan ng Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003, binibigyan ng pagkakataon ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa na maging mamamayang Pilipino muli sa pamamagitan ng naturalisasyon. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan. Ang batas na ito ay kilala rin bilang: A. Republic Act No. 9125 C. Republic Act No. 9325 B. Republic Act No. 9225 D. Republic Act No. 9425 7. Si Yuan ay likas o katutubong Pilipino dahil: A. siya ay ipinanganak sa Pilipinas. B. dumaan siya sa proseso ng naturalisasyon. C. pareho sa kanyang mga magulang ay Pilipino. D. pinagkalooban siya ng hukuman ng pagkamamamayang Pilipino. 8. Kung ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang, ito ay sumusunod sa prinsipyo ng: A. jus soli C. jus naturale B. jus civile D. jus sanguinis 9. Kung ang pagkamamamayan naman ng isang tao ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak, ito ay sumusunod sa prinsipyo ng: A. jus soli C. jus naturale B. jus civile D. jus sanguinis 10. Sa patuloy na paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan, hindi na lamang ito nananatili sa legal na konteksto. Isa sa mga pinakamahalagang aspekto nito sa kasalukuyan ay ang: A. pagkakabit-bisig upang isulong ang mga pansariling interes B. pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan. C. pagsasama-sama ng mga indibiduwal upang ipagtanggol ang interes ng pangulo. D. pagkakaisa ng mga mamamayan upang magkaroon ng isang malakas na pamahalaan. 2 11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama o wasto ukol sa aktibong pagkamamamayan? A. Ang isang aktibong mamamayan ay nakakahon lamang sa pagsunod sa mga batas. B. Ang mga mamamayan sa kasalukuyan ay tagasunod lamang ng mga ipinag- uutos ng pamahalaan. C. Pinipili ng iilan na huwag na lamang makialam sa mga isyung hindi naman ito direktang nakaaapekto sa kanila. D. Maaaring maging aktibo ang mga indibiduwal sa kani-kanilang mga pamayanan sa iba’t ibang mga paraan. 12. Ang mga halimbawa ng pagpapahalagang nakaugat sa aktibong pagkamamamayan ay ang mga sumusunod maliban sa: A. pagpaparaya o tolerance B. paninindigan para sa sariling kapakanan C. lakas ng loob na ipagtanggol ang isang pananaw D. paggalang sa katarungan, demokrasya at rule of law 13. Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong 1939, nagpalabas si Pangulong Manuel L. Quezon ng mga panuntunang sibiko at etika na ituturo sa lahat ng mga paaralan sa bisa ng Executive Order No. 217 na tinatawag na: A. Kodigo ng Pagka-Pilipino at Kabutihang Asal B. Kodigo ng Pagkamamamayan at Kabutihang Asal C. Kodigo ng Pagkamakabayan at Kagandahang Asal D. Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal 14. Para kay Pangulong Quezon, ang pinakamahalagang asal na dapat nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyang panahon ay: A. mahalin at igalang ang iyong mga magulang. B. magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa. C. tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan. D. mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao. 15. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging mga aktibong mamamayan? A. Pananagutan at gampanin natin ito bilang mamamayan ng bansa. B. Malaki ang ating magagawa para sa bansa upang patuloy na mapabuti at mapa-angat ang antas ng ating pamumuhay. C. Ang ating pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling inaasahan mula sa atin ay lubhang mahalaga tungo sa kabutihang panlahat. D. Ang pagsunod at pagtalima sa mga utos ng pamahalaan ang pinakakongkretong manipestasyon ng aktibong pagkamamamayan. 3 Aralin 1 Aktibong Pagkamamamayan Balikan Bago tayo dumako sa isa sa mga pinakamahalagang isyu at hamon na kinakaharap ng ating lipunan sa kasalukuyan, muling balikan ang mga konseptong tinalakay ukol sa kasarian, gayundin ang mga hakbangin ng iba’t ibang samahan at pamahalaan upang isulong ang karapatan ng mga kalalakihan, kababaihan at mga miyembro ng LGBT community. Suriing mabuti ang mga sumusunod na larawan. Tukuyin kung anong konsepto ang ipinakikita sa ibaba. Isulat ang sagot sa papel. 4 Tuklasin Ang mamamayan ang isa sa mga mahahalagang elemento ng estado. Ang kanilang partisipasyon sa pamamahala ay esensyal upang patuloy na umunlad at lumago ang antas ng ekonomiya at lipunan nito. Hindi lahat ng tao sa mundo ay mulat sa kanilang gampanin at responsibilidad bilang mga mahahalagang kabahagi ng pagsusulong ng kabutihang panlahat at pambansang kapakanan. Paano ba maging isang mabuting mamamayan ang isang kabataang katulad mo? Panatang Makabayan Hinalaw mula sa DepEd Order 54, s. 2001 Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan, tahanan ng aking lahi; kinukupkop ako at tinutulungang maging malakas, masipag at marangal. Dahil mahal ko ang Pilipinas, Diringgin ko ang payo ng aking magulang, susundin ko ang tuntunin ng paaralan, tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan: naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal nang buong katapatan. Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas. 5 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ano ang mga pangakong inilahad sa panata? 2. Bakit mahalagang gawin ng isang kabataang katulad mo ang mga tungkulin at pananagutang iyong nabasa? 3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano ka makatutulong sa paglago at pag-unlad ng bansang kinabibilangan mo? Suriin Maraming mga tao sa buong mundo ang kailanman ay hindi nakaranas o nakasaksi sa aktibo at kritikal na pagkamamamayan. Ang ibang mga kultura sa ilang mga bansa ay mas pinahahalagahan ang pagsunod sa mga nasa kapangyarihan kumpara sa aktibong pakikisangkot sa pamamahala. Ang usapin ng aktibong pagkamamamayan ay lubhang mahalaga upang mas maimulat ang mga tao sa kanilang gampanin at responsibilidad tungo sa kanilang minimithing mas maunlad at progresibong lipunan. Ano ba ang ibig sabihin ng pagkamamayan o citizenship? Konsepto ng Pagkamamamayan 1. Legal na Pananaw Ang konsepto ng pagkamamamayan o citizenship ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado. Tinitingnan natin ang pagkamamamayan bilang isang legal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon o estado. Ayon kay Heywood (1994), ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng mga indibiduwal at ng estado, na kung saan ang dalawa ay pinagbigkis ng reciprocal na karapatan at pananagutan. Malinaw na inilalahad sa Artikulo IV ng Saligang Batas ng 1987 kung sino ba ang maituturing na tunay na mamamayang Pilipino. Artikulo IV: Pagkamamamayan Seksiyon 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: 1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas na ito; 2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; 3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at 4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas. 6 Seksiyon 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan. Seksiyon 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas. Seksiyon 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito. Seksiyon 5. Ang dalawang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas. Batay naman sa Republic Act No. 9225 o Citizenship Retention and Re- acquisition Act of 2003, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring maging mamamayang Pilipino muli. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship). Dalawang Uri ng Mamamayan 1. Likas o Katutubo- anak ng Pilipino, parehong mga magulang o alinman 2. Naturalisado- dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayan 1. Jus sanguinis. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas. 2. Jus soli. Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika. Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: a. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa; b. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan; at c. nawala na ang bisa ng naturalisasyon. 2. Lumawak na Pananaw Sa patuloy na pagbabago ng ating lipunan, patuloy din na lumalawak ang konsepto ng pagkamamamayan. Isa sa mga pinakamahalagang aspekto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan ay ang pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang kanilang pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling inaasahan mula sa kanila ay mahalaga para sa ikatatamo ng kabutihang panlahat. 7 Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad nito sa isang estado. Ibig sabihin, hinihikayat ang kanilang aktibong pakikipag-ugnayan at pakikipagdiyalogo upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa mga hamon at usaping kinakaharap ng pamayanan o bansa. Maaaring maging aktibo ang mga indibiduwal sa kani-kanilang mga pamayanan sa iba’t ibang mga paraan. Pinipili ng ilan na makialam sa isyu at usaping tuwirang nakaaapekto sa kanilang buhay sa lokal na antas samantalang ang ilan naman ay gustong makapagdulot ng pagbabago sa mga usaping may pandaigdigang saklaw. Ang isang aktibong mamamayan ay hindi lamang nalilimitahan sa pagsunod sa mga batas at hindi pagsuway dito. Sa ilang mga pagkakataon ay sinusubok nila ang mga panuntunan at mga umiiral na istruktura, ngunit palagiang nananatili sa mga hangganan ng mga demokratikong pamamaraan at hindi nakikisangkot sa mga gawaing mararahas. Niyayakap nila ang mga pagpapahalagang nakaugat sa aktibong pagkamamamayan kabilang ang paggalang sa katarungan, demokrasya, at pananaig ng batas (rule of law); pagiging bukas (openness); pagpaparaya (tolerance); lakas ng loob na ipagtanggol ang isang pananaw; at may pagnanais na makinig, makipagtulungan at manindigan para sa iba. Noong Agosto 19, 1939, kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-61 taon ng kaniyang kaarawan, nagpalabas ang Pangulong Manuel L. Quezon ng Atas Tagapagpaganap Blg. 217 (Executive Order No. 217) ng mga panuntunang sibiko at etikal- na tinatawag na Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal- na ituturo sa lahat ng mga paaralan. Ang mga aral ng nasabing kodigo ay nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyang panahon. 1. Magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa. 2. Mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao. Ang pagtatanggol sa bayan ang pangunahin mong tungkulin. Maging handa sa lahat ng oras na magpakasakit at ialay ang buhay kung kinakailangan. 3. Igalang mo ang Saligang Batas na nagpapahayag ng makapangyarihang kalooban. Itinatag ang Saligang Batas para sa iyong kaligtasan at sariling kapakanan. Sundin ang mga batas at tiyaking sinusunod ito ng lahat ng mamamayan at tumutupad sa kanilang tungkulin ang mga pinuno ng bayan. 8 4. Kusang magbayad ng mga buwis at maging maluwag sa kalooban ang maagap na pagbabayad nito. Alalahaning ang pagkamamamayan ay hindi lamang mga karapatan ang taglay kung hindi maging mga pananagutan din. 5. Panatilihing malinis ang halalan at sumunod sa pasya ng nakararami. 6. Mahalin at igalang ang iyong mga magulang. Paglingkuran mo silang mabuti at pasalamatan. 7. Pahalagahan mo ang iyong karangalan gaya ng pagpapahalaga mo sa iyong buhay. Ang karalitaang may dangal ay higit na mahalaga kaysa yamang walang karangalan. 8. Maging matapat sa pag-iisip at sa gawa. Maging makatarungan at mapagkawanggawa, ngunit marangal sa pakikitungo sa kapwa. 9. Mamuhay nang malinis at walang pag-aaksaya. Huwag maging maluho at mapagkunwari. Maging simple sa pananamit at kumilos nang maayos. 10. Mamuhay na gaya ng inaasahan sa iyo ng marangal na tradisyon ng ating lahi. Igalang ang alaala ng ating mga bayani. Ang kanilang buhay ay halimbawa ng daan tungo sa tungkulin at karangalan. 11. Maging masipag. Huwag ikatakot o ikahiya ang pagbabanat ng buto. Ang pagiging masipag ay daan tungo sa isang matatag na kabuhayan at sa yaman ng bansa. 12. Umasa sa iyong kakayahan sa pag-unlad at kaligayahan. Huwag agad mawawalan ng pag-asa. Magsikap upang makamit ang katuparan ng iyong mga layunin. 13. Gampanang maluwag sa kalooban ang iyong mga tungkulin. Ang gawaing hindi maayos ay higit na masama sa gawaing hindi tinapos. Huwag ipagpabukas ang gawaing maaari mong gawin ngayon. 14. Tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan. Hindi ka nabubuhay na nag-iisa kapiling ang iyong mag-anak lamang. Bahagi ka ng isang lipunang pinagkakautangan ng pananagutan. 15. Ugaliin ang pagtangkilik sa sariling atin at sa mga kalakal na gawa rito sa atin. 16. Gamitin at linangin ang ating likas na yaman at pangalagaan ito para sa susunod na salinlahi. Ang mga kayamanang ito ay minana pa natin sa ating mga ninuno. Huwag mong gawing kalakal ang iyong pagkamamamayan. Mahalagang bahagi ng ating pagka-Pilipino ang aktibo nating pakikilahok sa mga isyu at hamong ating kinakaharap. May magagawa tayo bilang mga aktibong mamamayan ng bansa upang patuloy na mapabuti at mapa-angat ang antas ng ating pamumuhay. 9 Pagyamanin A. Pinoy Ako Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat sa papel ang NT kung ang pagkamamamayang Pilipino ay natamo, NW kung nawala at MMT naman kung muling matatamo. 1. Ako si Irvin, ipinanganak sa Nueva Ecija. Ang ama ko ay Pilipino, Tsino naman ang aking ina. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay. 2. Ako ay si Lorenz. Sumapi ako sa Hukbong Sandatahan ng Amerika. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay. 3. Ako ay si Lianne. Ang tatay at nanay ko ay Kapampangan. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay. 4. Ako si Marisse. Nakapag-asawa ako ng taga-Canada at doon na kami naninirahan. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay. 5. Ako si Juvy ay naging mamamayang British. Nagbalik-bayan ako at gusto kong maging Pilipino muli. Nagharap ako ng kahilingan sa hukuman at pinagtibay ito ng Kongreso. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay. B. Tukoy-Salita Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung anong salita ang inilalarawan ng mga pangungusap. Piliin mula sa kahon ang salitang naglalarawan sa mga sumusunod. Isulat sa papel ang iyong sagot. jus sanguinis naturalisasyon jus soli Saligang Batas pagkamamamayan legal na pananaw ______1. Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado. ______2. Ito ang kasulatang naglalahad kung sino-sino ba ang maituturing na mga mamamayang Pilipino. ______3. Ito ang prinsipyo ng pagkamamamayang nakabatay sa citizenship ng alinman sa kaniyang mga magulang. ______4. Ito ang prinsipyo ng pagkamamamayang nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. ______5. Ito ay tumutukoy sa legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte. 10 C. I-mapa Natin! Panuto: Batay sa mga konseptong iyong pinag-aralan ukol sa legal na pananaw sa pagkamamamayan, ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng graphic organizer sa ibaba. Isulat sa papel ang iyong sagot. Mamamayang Pilipino Pagiging Dahilan ng Mamamayang Pagkawala ng Pilipino Pagkamamamayan D. Finding Sim and Dif Panuto: Punan ang mga impormasyong kinakailangan ng Venn diagram sa ibaba. Muling isulat sa iyong papel ang Venn diagram na nasa ibaba. Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng legal at lumalawak na konsepto ng pagkamamamayan. legal lumalawak 11 E. Gusto Ko, Happy Ka! Panuto: Gumuhit ng masayang mukha (😊😊) kung tama ang ipinahahayag ng sumusunod na pangungusap at malungkot na mukha (☹ ) naman kung mali. Isulat ang sagot sa isang papel. ______1. Mula pa man noong unang panahon, hindi nagbabago ang konsepto ng pagkamamamayan. ______2. Upang masabing aktibong mamamayan ang isang indibiduwal, kinakailangan ang pikit-matang pagsunod sa lahat ng panuntunan at alituntuning inilalatag ng pamahaalan. ______3. Mahalaga ang kolektibong pagtugon ng pamahalaan at ng mga mamamayan nito sa mga kritikal na isyung kinakaharap ng lipunan o estado. ______4. Ang pagpuna sa mga isyu ng korapsiyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ay mahalagang elemento ng pagiging isang aktibong mamamayan. ______5. Ang isang kabataan tulad mo ay may mahalagang papel na dapat gampanan sa ikapagtatamo ng bansa ng kabutihang panlahat. F. Sum It Up! Panuto: Isa-isahin ang mga pagpapahalagang nakaugat sa aktibong pagkamamamayan. Pagkatapos ay ipaliwanag kung paano makatutugon ang mga ito sa pagtupad mo bilang kabataang Pilipino sa mga gampanin at pananagutang inaasahan mula sa iyo. Isulat sa papel ang hinihingi ng graphic organizer sa ibaba. aktibong pagkama- mamayan 12 Isaisip Kumpletuhin ang talata ng mga angkop na salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang pagiging kasapi ng indibiduwal sa isang pamayanan o estado ayon sa itinatakda ng Saligang Batas ang pinakapuso ng (1) ________________. Sa paglipas ng panahon, patuloy na nagbago ang konsepto nito mula sa legal patungo sa (2) ________________. Sa kasalukuyan, hindi lamang nililimitahan ang konseptong ito sa pagiging miyembro ng bansa ng mga indibiduwal, bagkus hinihikayat ang bawat isa tungo sa (3) ________________. Isa sa mga pinakamahalagang katangian nito ay ang pagkakabuklod-buklod ng tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan at ikapagtatamo ng (4) _______________. Kahit sa paggawa lamang ng mga simpleng gawain, maaaring makatulong sa lipunan at bansa ang isang (5) ________________ na tulad mo. Isagawa Recite It! Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang poem analysis worksheet. Pagka Pilipino Ni Francene A. Hosillos Ikaw ay isinilang sa bayan ng mga bayani Tangkilikin mo ang gawa't produkto ng sariling lipi Itaas mo ang watawat ng iyong lahi Maging responsable - sa katamara'y huwag magpagapi 13 Manatiling totoo sa iyong mga tungkulin Huwag magsawang tumulong kahit na sa maliit lamang na gawain Malasakit sa kapwa't bayan ay pairalin Mga tuntunin sa paaralan at komunidad ay sundin Kilalanin ang karapatan ng bawat mamamayan Respeto'y hayaang manahan sa puso't isipan Paglingkuran nang buong sipag ang bayan Pahalagahan ang yaman ng kapaligiran Maging matalino sa pagpili ng mga kandidatong iboboto Ikaw ang maging simula ng inaasam mong pagbabago Pagkat nananalaytay sa iyong dugo ang salamin ng iyong pagkatao- Ikaw ay Pilipino! Pamagat ng Tula: Pagka Pilipino Unang Hakbang- Obserbasyon: Sumulat ng kabuoang impresyon ng tula. Ilarawan ang iyong damdamin at pagkatapos ay gamitin ang tsart sa ibaba para itala ang ibang detalye ng tula. 14 Manunulat: Estilo: Titik : Ikalawang Hakbang- Paghihinuha Ikatlong Hakbang. Ano-anong mga Batay sa iyong pagsusuri, sumulat ng katanungan ang nasa isip mo habang tatlong hinuha ukol sa tulang iyong binabasa mo ang tula? binasa. 1. 2. 3. Ikaapat na Hakbang. Bakit kaya Ikalimang Hakbang. Magtala ng 3-5 na naisipan at naisulat ang tulang ito? mga pangyayari sa bansa na magpapaliwanag sa kapanahunan nang maisulat ito. Ikaanim na Hakbang. Sumulat ng Ikapitong Hakbang. Paano ka tanong na hindi pa marahil nasagot ng makatutulong bilang isang mabuting manunulat. kabataang Pilipino sa pagsulong ng kabutihang panlahat at pambansang kapakanan? 15 Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot. 1. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay mas kilala bilang: A. karapatang pantao. C. gawaing pansibiko. B. pagkamamamayan. D. mabuting pamamahala. 2. Saang bahagi ng Saligang Batas ng 1987 ipinaliliwanag ang mga probisyon ukol sa mga tunay na mamamayang Pilipino? A. Artikulo 7 C. Artikulo 5 B. Artikulo 6 D. Artikulo 4 3. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na Pilipino? A. Mga naging mamamayan ayon sa batas B. Ang ama ni Rachelle ay mamamayan ng Pilipinas. C. Mamamayan ng Pilipinas si Abdul nang pagtibayin ang Saligang Batas ng 1987 D. Isinilang noong Enero 15, 1995 si Mich. Ang kaniyang ina ay Pilipino. Pinili niya ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang. 4. Ang ama at ina ni Mark ay kapwa Pilipino subalit ipinanganak at lumaki siya sa California. Si Mark ay: A. walang pagkamamamayan. B. mamamayang Pilipino lamang. C. mamamayang Amerikano lamang. D. parehong mamamayang Pilipino at Amerikano. 5. Nakapangasawa ng isang Australian si Via at nagdesisyon silang sa Australia na manirahan. Madalas pa rin siyang umuwi sa Pilipinas upang dalawin ang kaniyang mga magulang at kapatid sa Nueva Ecija at para na rin magbakasyon. Ano ang pagkamamamayan ni Via? A. Australian, sapagkat sa Australia na siya naninirahan. B. Australian, sapagkat nakapangasawa na siya sa Australia. C. Pilipino, sapagkat hindi naman niya itinakwil ang kanyang pagkamamamayan. D. Pilipino, sapagkat madalas pa rin naman siyang umuwi sa Pilipinas para dalawin ang kanyang pamilya at magbakasyon. 16 6. Binibigyan ng pagkakataon ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa na maging mamamayang Pilipino muli sa pamamagitan ng naturalisasyon. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship). Ang batas na ito ay kilala bilang: A. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 1993 B. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 1998 C. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003 D. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2008 7. Likas o katutubong Pilipino si Chris dahil: A. siya ay ipinanganak sa Pilipinas. B. dumaan siya sa proseso ng naturalisasyon. C. pareho sa kanyang mga magulang ay Pilipino. D. pinagkalooban siya ng hukuman ng pagkamamamayang Pilipino. 8. Dahil ang ama ni Marlon ay Pilipino, Pilipino rin siyang maituturing. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng: A. jus soli. C. jus naturale. B. jus civile. D. jus sanguinis. 9. Dahil sa United States of America ipinanganak si Diego, lumalabas na siya ay mamamayang Amerikano. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng: A. jus soli. C. jus naturale. B. jus civile. D. jus sanguinis. 10. Isa sa pinakamahalagang aspekto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan ay ang: A. pagkakabit-bisig upang isulong ang mga pansariling interes. B. pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan. C. pagsasama-sama ng mga indibiduwal upang ipagtanggol ang interes ng pangulo. D. pagkakaisa ng mga mamamayan upang magkaroon ng isang malakas na pamahalaan. 11. Ang aktibong pagkamamamayan ay: A. nakakahon lamang sa pagsunod sa mga batas. B. pakikialam sa mga isyung direkta lamang na nakaaapekto sa kanila. C. maipakita sa pagsunod lamang sa lahat ng mga ipinag-uutos ng pamahalaan. D. maaaring isagawa ng mga indibiduwal sa kani-kanilang mga pamayanan sa iba’t ibang mga paraan. 17 12. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pagpapahalagang nakaugat sa aktibong pagkamamamayan maliban sa: A. pagpaparaya o tolerance. B. paninidigan para sa sariling kapakanan. C. lakas ng loob na ipagtanggol ang isang pananaw. D. paggalang sa katarungan, demokrasya at rule of law. 13. Nagpalabas si Pangulong Manuel L. Quezon noong 1939 ng mga panuntunang sibiko at etika na ituturo sa lahat ng mga paaralan sa bisa ng Executive Order No. 217. Ito ay kilala sa tawag na: A. Kodigo ng Pagka-Pilipino at Kabutihang Asal. B. Kodigo ng Pagkamamamayan at Kabutihang Asal. C. Kodigo ng Pagkamakabayan at Kagandahang Asal. D. Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal. 14. Ang pinakamahalagang asal na dapat nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyang panahon ayon kay Pangulong Quezon ay: A. mahalin at igalang ang iyong mga magulang. B. magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa. C. tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan. D. mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao. 15. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging aktibong mamamayan maliban sa: A. pananagutan at gampanin natin bilang mamamayan ng bansa. B. pagpapabuti at pagpapa-angat ng antas ng ating pamumuhay. C. pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling inaasahan mula sa atin ay lubhang mahalaga tungo sa kabutihang panlahat. D. pagsunod at pagtalima sa mga utos ng pamahalaan ang pinakakongkretong manipestasyon ng aktibong pagkamamamayan. 18 Karagdagang Gawain Malayang Pilipinas Panuto: Gamit ang malikhaing imahinasyon, sumulat ng isang tula sa anyo ng spoken poetry ukol sa iyong mga pangarap at pag-asa para sa isang malayang Pilipinas bilang aktibong mamamayan nito. Gawing batayan ang rubrik sa ibaba sa paggawa ng gawain. (Maaaring mag-record ng video habang binibigkas ang nabuong spoken poetry at i-post ito sa learning management system ng klase.) Napakagaling Nangangailangan Magaling (8) Katamtaman (6) (10) ng pagsasanay (4) Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at literal makahulugan ang makahulugan ang lalim ang kabuuan ang kabuuan ng kabuuan ng tula. kabuuan ng tula. ng tula. tula. Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1- 2 Wala ni isang simbolismo/ simbolismo/ simbolismo/ pagtatangkang pahiwatig na pahiwatig na pahiwatig na ginawa upang nakapagpaisip sa bahagyang nakalito sa mga makagamit ng mga mambabasa. nakapagpaisip sa mambabasa. Ang simbolismo. Piling-pili ang mga mga mambabasa. mga salita ay di- salita at May ilang piling gaanong pili pariralang salita at ginamit. pariralang ginamit. 19 20 A. PINOY AKO Dahilan ng Pagkawala ng E. GUSTO KO HAPPY KA! Pagkamamamayan 1. NT 4. NT 1. 4. 1. Naturalisasyon 2. 5. 2. NW 5. NW 2. Ang panunumpa ng 3. 3. NT katapatan sa saligang- batas ng ibang bansa; B. TUKOY- SALITA 3. Tumakas sa hukbong F. SUM IT UP! 1. Pagkamamamayan sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan; at (in any order) 2. Saligang Batas 4. Nawala na ang bias ng 1. Paggalang sa 3. Jus Sanguinis naturalisasyyon. katarungan, D. VENN DIAGRAM demokrasya, at 4. Jus Soli pananaig ng batas 5. Naturalisasyon (posibleng sagot) (rule of law) C. MIND MAP Pagkakatulad: kalagayan o 2. Pagiging bukas katayuan ng isang tao bilang Pagiging Mamamayang miyembro ng isang pamayanan o 3. Pagpapaubaya Pilipino estado 4. Lakas ng loob na 1. yaong mamamayan ng Pagkakaiba: ipagtanggol ang pilipinas sa panahon ng isang pananaw pagpapatibay ng saligang- a. Legal. Limitado lamang sa konsepto ng pagkamamamayan 5. May pagnanais na batas na ito; makinig, ng isang indibiduwal bilang 2. yaong ang mga ama o mga miyembro ng isang estado na makipagtulungan at ina ay mamamayan ng ginawaran ng mga karapatan at manindigan para sa Pilipinas; pananagutan. iba 3. yaong mga isinilang bago b. Lumawak. Aktibong ISAISIP sumapit ang Enero 17, pakikilahok at pagkakabuklod- 1. Pagkamamamayan 1973 na ang mga ina ay buklod ng mga tao tungo sa 2. Lumawak na Pilipino, na pumili ng ikabubuti ng kanilang lipunan. pananaw pagkamamamayang Ang kanilang pagtugon sa mga 3. Aktibong Pilipino pagsapit sa tuntunin at tungkuling pagkamamamayan karampatang gulang; at inaasahan mula sa kanila ay 4. Kabutihang panlahat mahalaga para sa ikatatamo ng 5. Kabataan 4. yaong mga naging kabutihang panlahat. mamamayan ayon sa batas. TAYAHIN SUBUKIN 1. B 9. A 1. A 9. A 2. D 10. B 2. B 10. B 3. D 11. D 3. C 11. D 4. D 12. B 4. D 12. C 5. C 13. D 5. D 13. D 6. C 14. B 6. B 14. B 7. C 15. D 7. C 15. D 8. D 8. D Susi sa Pagwawasto Sanggunian Community Southwark, An Introduction to Active Citizenship, https://communitysouthwark.org/sites/default/files/images/Introdu ction%20to%20Active%20Citizenship.pdf Department of Education, Araling Panlipunan Grade 10 LM, 354-361, https://aralingpanlipunan9santolanhs.wordpress.com/curriculum/gr ade-10/ Department of Education Bureau of Elementary Education, Pagkamamamayang Pilipino: Natamo, Nawala at Muling Natamo (MISOSA Distance Education for Elementary Schools Self Instructional Materials,2010)1- 15 Habi Education Lab, Design thinking for teaching citizenship, Facebook, June 12, 2020, https://www.facebook.com/1497108803834566/posts/26525182616 26942/ “Quezon’s Code of Citizenship and Ethics”, Malacañan Palace, accessed July 15, 2020, https://malacanang.gov.ph/4376-the-code-of-ethics/ 21 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education Region III - Learning Resources Management Section (DepEd Region III - LRMS) Office Address: Matalino St., D.M. Government Center Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598 – 8580 to 89 Email Address: [email protected]