AP 3rd Quarter Reviewer 2024-2025 PDF
Document Details
![SmittenNeumann](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-11.webp)
Uploaded by SmittenNeumann
SENA
2024
Tags
Summary
This document is a reviewer for the 3rd quarter of AP. It covers topics including the Renaissance, colonialism, the scientific revolution, the Enlightenment, and the Industrial Revolution. It seems to be designed for secondary school students.
Full Transcript
IKATLONG MARKAHANG – REVIEWER 2024-2025 Aralin 1: Renaissance - KAHULUGAN: Muling pagsilang ng kaalamang Griyego at Romano - Umusbong ang Renaissance sa bansang Italy - Mailalarawan ang panahon ng Renaissance bilang pagbabalik sigla sa kagandahan ng sinaunang kulturang...
IKATLONG MARKAHANG – REVIEWER 2024-2025 Aralin 1: Renaissance - KAHULUGAN: Muling pagsilang ng kaalamang Griyego at Romano - Umusbong ang Renaissance sa bansang Italy - Mailalarawan ang panahon ng Renaissance bilang pagbabalik sigla sa kagandahan ng sinaunang kulturang Griyego at Romano - Nakatuon ang pag-aaral ng mga iskolar ng humanismo - Pag-aaral sa wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan, pilosopiya, matematika at musika. - Mga salik ang nagbigay-daan sa muling pagsilang ng sinaunang kulturang Griyego at Romano? I. Isa sa dahilan ay ang magandang lokasyon nito. II. Pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome. III. Ang pagtataguyod ng mga maharlikang angkan tulad ng mga Medici ay nakatulong sa pag-unlad ng Renaissaance sa Italy. Prinsipyong binigyang-diin ni Machievelli - Ang layunin ang nagbibigay-katwiran sa uri ng pamamaraan. Teoryang Heliocentric - Ang araw ang sentro ng uniberso. Raphael Santi - Nakilala sa pagkakatugma at balanse o proporsiyon ng kaniyang mga likha. Aralin 2:Unang Yugto ng Kolonyalismo Pangunahing motibo: Pagpapalaganap ng kristiyanismo, paghahanap ng kayamanan, at paghahangad ng katanyagan at karangalan. Bansa ang nanguna sa eksplorasyon - Portugal at Espanya Ang Ekspedisyon ni Ferdinand Magellan - Nabatid niya na ang mundo ay bilog. Pangunahing manlalakbay sa panahon ng eksplorasyon - Amerigo Vespucci, Ferdinand Magellan, at Vasco de Gama Matagumpay na natuklasan ni Bartolomeu Dias ang Cape of Good Hope, pinatutunayan nito na maaaring makarating ang mga Europeo sa Asya at Africa sa pamamagitan ng paglalakbay sa karagatan. Mabuting epekto ng kolonyalismo - napukaw ang interes sa mga makabagong teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. Mapapanatili ang magandang samahan at pagtutulungan ng mga bansa sa pamamagitan ng Panatilihin ang paggalang sa kapayapaan at kultura ng bawat bansa. Kabutihang dulot ng paglalayag at pagtuklas ng mga lupain - Ito ang naging daan upang marating ang mga bansa sa Asya at Afrika na nagtataglay ng mga natatagong yaman. Aralin 3: Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal Nakatulong ang Rebolusyong Siyentipiko sa pag-unlad ng medikal na kaalaman at paggamot sa kasalukuyan - Nagbago ang pananaw mula sa Rebolusyong Siyentipiko na nagbigay-daan sa katwiran at lohikal na pag-iisip at sa paraan ng pagtingin sa kalusugan at sakit. Ang pangunahing layunin ng mga pilosopo sa pagbabagong dulot ng Enlightenment - Ang pagtaguyod ng katwiran, kalayaan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan. Bakit sa Great Britain nagsimula ang Rebolusyong Industriyal? Ang pagkakaroon ng malaking yaman sa mga likas na materyales tulad ng iron at coal na matatagpuan sa Great Britain. Pagkakaiba sa pagitan ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment - Ang Rebolusyong Siyentipiko ay nakatuon sa pag- unawa sa natural na mundo habang ang Enlightenment ay pag-unawa sa lipunan. Nagdulot ng pagbabago ang mga tuklas nina Kepler at Galileo sa pananaw ng tao tungkol sa uniberso - Nagbigay-daan ito sa pag-usbong ng modernong astronomiya at agham, at nagbukas ng pinto para sa mas malalim na pag-unawa sa kalikasan ng ating solar sysytem. Paano nakatulong ang steam engine sa pagpapalawak ng kalakalan sa Europe? Nagbigay-daan sa bagong ruta ng kalakalan na maaaring makapaglakbay sa mas malalayong distansya at nagbukas ng mga bago at mas malawak na merkado sa buong mundo. Mailalarawan ang kahalagahan ng mga imbentor sa pag-unlad ng Rebolusyong Industriyal - Maituturing silang mga bayani na nagdala ng pag-unlad sa mundo. Paano nakatulong ang mga kaisipan ng Enlightenment sa kasalukuyan? Nagtaguyod sa mga prinsipyo ng rasyonalismo tulad ng; pagkakapantay-pantay at karapatan sa lahat ng mga tao, pagtugon sa mga hamon ng tradisyunal at matatag na estruktura ng lipunan. Paano ka makatutulong sa mga hamong dulot ng Rebolusyong Industriyal sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyang panahon? Mahalagang magkaroon ng patas na kondisyon sa trabaho at sahod upang mapigilan ang pagsasamantala sa mga manggagawa. Pangunahing kontribusyon ni Isaac Newton sa Rebolusyong Siyentipiko - Paglikha ng mga batas ng motion at gravity Aralin 4: Rebolusyong Amerikano at Pranses Paano naimpluwensiyahan ng Rebolusyong Pangkaisipan ang naganap na Rebolusyong Amerikano at Pranses? Nagbigay ng pagkamulat sa mga ideya at wika na siyang gingamit ng mga Pranses at Amerikano. Ano ang pangunahing dahilan ng Rebolusyong Amerikano? Ang mataas na buwis na ipinapataw ng Britanya sa mga kolonya. Paano magagamit ang prinsipyo ng Deklarasyon ng Kalayaan sa ating natatamasang kalayaan sa kasalukuyang panahon? Gawing gabay sa buhay, kalayaan at kaligayahan sa kasalukuyan. Paano natin magagamit ang mga aral mula sa Rebolusyong Pranses? Ang kahalagahan ng representasyon ng mamamayan sa pamahalaan. Ang pagkakaiba sa pagitan ng Rebolusyong Amerikano at Pranses? Ang Rebolusyong Amerikano ay laban sa isang kolonyal na kapangyarihan, habang samantalang ang rebolusyong Pranses ay laban sa sariling monarkiya. “No taxation without representation” - Ang mga kolonya ay naniniwala na wala silang kinatawan sa Parliyamento sa Britanya kaya hindi sila dapat buwisan. Nang magsimula ang Rebolusyong Amerikano laban sa England nagpadala ng tulong militar ang France sa United States na naging daan sa tagumpay ng Amerikano sa naganap na Rebolusyon. Ginamit na pagkakataon ng France ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak ang England. Ang pinakamahalagang leksyon na matututuhan natin mula sa Rebolusyong Amerikano - Ang kahalagahan ng pagkakaisa sa paglaban sa opresyon. Papel ni Napoleon Bonaparte sa kasaysayan ng Rebolusyong Pranses - Tunay na bayani ng rebolusyon na nagdala ng kaayusan at katatagan sa Pransya. Paano naimpluwensyahan ng mga ideya ng Enlightenment ang naganap na Rebolusyong Pranses? Malaki ang naging impluwensya nito sa mga prinsipyo ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran. Aralin 5: ikalawang Yugto ng Kolonyalismo Naganap ang ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo - 1870-1974 Ang pangunahing salik na nagtulak sa mga Europeo upang ipagpatuloy ang imperyalismo - Paghahanap ng hilaw na materyales na gagamitin sa mga industriya. ‘’Manifest Destiny’’ ang nagpapaliwanag na - May karapatang ibinigay ang Diyos sa United States na angkinin ang Hilagang Amerika. Ang “Social Darwinism” ay Ginamit upang magtangi ng lahi kung saan sa pananaw ng mga racist, ang mga lahing puti ay umuunlad at nagiging mas mataas ang antas ng sibilisasyon. Ang “Open Door Policy “ng Tsina sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang “sphere of influence”. Paano nakaapekto ang patakarang ito sa bansang Tsina? Naging pantay ang karapatan ng mga kanluranin sa pakikipagkalakalan sa Tsina. Pangunahing epekto ng imperyalistang kanluranin sa mga bansa sa Africa at Asya? Pagkaubos ng likas na yaman at lakas pagagawa sa mga kolonya.