2nd Quarter Grade 6 A.P Reviewer PDF
Document Details
Uploaded by WorthwhileNewton3226
ELCOM E WHELE 4
Tags
Related
- Kasaysayan ng Wikang Filipino (2nd & 3rd Parts) PDF
- Rizal's Early Life and Education PDF
- 2nd Achievement Test in AP-3 (Tagalog) PDF
- COR 003: Filipino Language and Literature Through History PDF
- 2nd Achievement Test (AP-3) - Legazpi Nazarene Christian Academy, PDF
- Filipino 10 2nd Quarter Exam (A1-A7) PDF
Summary
This document appears to be a reviewer for the second quarter of Grade 6, covering topics regarding Filipino history.It details specific topics, like the Treaty of Biak-na-Bato and the American colonization period of the Philippines.
Full Transcript
# REVIEWER ## PAGBABALIK-ARAL PARA SA IKALAWANG MARKAHAN ### MGA PAKSA: - Aralin 3: Kasunduan sa Biak na Bato p.47-48. - Aralin 4: Pananakop ng Amerikano sa p.56-72. - Aralin 5: Pamamahalang Amerikano sa Pilipinas sa p.90-103 - Aralin 6: Pilipinisasyon Tungo sa Pagsasarili sa p.113-124 ## ARALIN...
# REVIEWER ## PAGBABALIK-ARAL PARA SA IKALAWANG MARKAHAN ### MGA PAKSA: - Aralin 3: Kasunduan sa Biak na Bato p.47-48. - Aralin 4: Pananakop ng Amerikano sa p.56-72. - Aralin 5: Pamamahalang Amerikano sa Pilipinas sa p.90-103 - Aralin 6: Pilipinisasyon Tungo sa Pagsasarili sa p.113-124 ## ARALIN 3: KASUNDUAN SA BIAK NA BATO - Kasunduan sa Biak na Bato ay sa pagitan ng mga Pilipino sa pangunguna ni Emilio Aguinaldo sa Kasalukuyang Gobernador-Heneral Primo de Rivera noong 1897. Batay sa Kasunduan: ### Ang nais na Pagbabago ng mga Pilipino: 1. Sekularisasyon sa mga Parokya. (Secularization) 2. Pagtatalaga ng kinatawan sa Pamahalaan. (Representative) 3. Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila. (Equality) 4. Kalayaan sa Pagpapahayag. (Freedom of Speech/Expression) 5. ### Ang Hinihingi at ibibigay ng mga Espanyol: 1. Pagpapatapon kayla Aguinaldo sa ibang bansa. (Exile) 2. Magbabayad sila ng 1.7milyon para sa pagsusuko nila ng mga armas at bayad pinsala sa mga Pamilya. - Nabigo ang Kasunduan dahil: 1.Kawalan ng tiwala, 2. Hindi pagtupad sa napagkasunduang halaga at 3. Pagpapahuli sa mga Rebolusyonaryo ## ARALIN 4: PANANAKOP NG AMERIKANO - Nakabuo ng alyansa sila Aguinaldo at Hen. Dewey sa pag-aakalang walang masamang hangad ang Estados Unidos sa Pilipinas na may parehong layunin na pabagsakin ang mga Kastila. - Nagsimula ang hidwaan ng Estados Unidos sa Spain: Noong binomba ng Spain ang barkong USS Maine sa Havana, Cuba noong Peb.1898. - Nagtagumpay naman ang Amerika sa mga biglaan nitong Pag-atake sa Maynila at iba pang panig ng Pilipinas. - Naging hudyat ito sa mabilis na pagbagsak ng Spain sa Amerika. - At noong ika-10 ng Disyembre 1898, lumagda sa Kasunduan ng Paris ang dalawang bansa sa pormal na pagwawakas ng digmaan at pagbibigay ng karapatan na sakupin ang: Guam, Puerto Rico, Pilipinas kapalit ng 20,000,000 dolyar sa mga Espanyol. - Pagpapahayag ng Benevolent Assimilation ni William Mckinley p.65. - “.. the U.S have “come not as invaders or conquerors but as friends, to protect the natives in their homes" - Ito ang pagpapahayag ng kanilang pakikipagkaibigan sa mga Pilipino. - Digmaang Pilipino- Amerikano 1899-1902 basahin ang p.67-73. - Nakipaglaban ang mga Bayaning- Pilipino sa loob ng mahigit tatlong taon ng digmaan: tulad nila Hen. Luna, Hen. Del Pilar at Sakay. - Pormal na nagwakas ang Digmaan ng madakip si Pang. Aguinaldo ng mga Amerikano at pinanumpa ng Katapatan sa Estados Unidos. ### Mga Pamahalaan sa Panahon ng Estados sa Pilipinas: 1. Pamahalaang Militar -pinamumunuan ng mahihigpit na batas at mga sundalong militar. 2. Pamahalaang Sibil -pinamumunuan ng karaniwang mamamayan na may kakayanang makilahok sa kongreso at nagagawad ng karapatan o kalayaan. 3. Pamahalaang Commonwealth - nagbibigay ng pagsasarili at kalayaan sa Pilipinas matapos ang sampung taon transisyon mula sa Amerika ## ARALIN 5: PAMAMAHALA NG AMERIKA ### Mga Pamahalaan sa Panahon ng Estados sa Pilipinas: 1. Pamahalaang Militar - sinusupil ang damdaming Nasyonalismo ng mga Pilipino upang magbigay takot sa mamamayan na sundin ang Pamahalaan. 2. Mga Gobernador Heneral (M.O.A) - Wesley Meritt - Stephen Elwell Otis - Arthur McArthur. ### Mga Patakaran sa Pagsupil ng Nasyonalismo: - Batas Sedisyon (Sedition Law)- pagbibigay ng parusang kamatayan o pagkakakulong sa mga pilipinong nagsusulong o nangangampanya ng Kalayaan. - Batas Brigandilya (Brigandage Act) - pagbabawal sa mga pilipino na bumuo ng Samahan o Pangkat na makabayan para sa pag-aaklas sa Pamahalaan. - Batas Bandila (Flag Law) - pagbabawal ng mga sagisag o simbolo ng Kilusan. - Batas Rekonsentrasyon (Reconcentration Act) - pwersahang paglilipat ng tirahan sa mga pilipino sa iisang lugar lamang upang lubos na mabantayan ng mga Amerikano ang kanilang kilos. Nagdulot ng tagutom at epidemya. ### Mga Pamahalaan sa Panahon ng Estados sa Pilipinas: - 2. Pamahalaang Sibil - nagpatupad ng Hinirang ng Pangulong William Mckinley si Hen. William Howard Taft bilang Gobernador Sibil. ### Mga Pagbabago sa Pamahalaang Sibil: 1. Kagawaran ng Panturuan Pambayan o Department of Public Instructions. - Nagpatayo ng mga libreng paaralan at edukasiyon para sa lahat. - Thomasites - mga sundalong amerikano na naging guro ng mga Pilipino. - Pensionados - pagpapadala ng mga mamamayang Pilipino sa Amerika upang mag-aral ng Libre. 2. Lupon sa Kalusugan ng Bayan o Board of Public Health - Nagpatayo ng mga Pampublikong ospital at klinika. - Nagpakilala rin sila ng mga makabagong gamot at kalinisan sa katawan. 3. Tanggapang Koreo - nagpapadala ng mga sulat, telegrama at salapi sa iba't-ibang lugar sa bansa. 4. Colonial Mentality - ay isang pag-uugali at pag-iisip ng mga tao na nagtatangkilik ng ibang kultura bukod sa sariling kultura. Kaya rin tinawag ang mga Pilipino na "Little Brown Americans" dahil sa mga nagayang kultura. ### MGA BATAS NA NAIPATUPAD: - BATAS PAYNE-ALDRICH- Nagtatakda ng malayang kalakalan sa Pilipinas at Estados Unidos. Ngunit hindi nasunod dahil sa pagtatakda ng Taripa (Buwis) at Kota (Dami) sa mga Produkto ng Pilipinas. - HOMESTEAD LAW - batas na nagtatadhana ng pagbibigay ng lupain na hindi hihigit sa 25 ektarya sa mga magsasaka. - TORRENS TITLE - batas na nabibigay ng titulo o sertipiko sa mga nagmamay-ari ng lupa. - JONES LAW - batas na nagsasaad ng Karapatan at Kapangyarihan ng Pilipinas na magkaroon na ng Lehislatura- ahensya sa paggawa ng batas. - COOPER ACT- batas na naglilipat ng pamamahala ng mga Amerikano sa Kongreso sa kapangyarihan ng mga Pilipinong Komisyoner. - BATAS TYDINGS MCDUFFIE - batas na nagkakaloob sa Pilipinas ng Kasarinlan matapos ang sampung taon ng paghahanda sa pagsasarili. Ito ay nilagdaan ng Pang. Franklin Roosevelt na kalaunan kinilalang Pamahalaang Commonwealth. ## ARALIN 6: PILIPINISASYON TUNGO SA PAGSASARILI - PILIPINISASYON - tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkasarinlan ng Pilipinas sa kanyang sariling lugar o lupain. ### Mga Elemento ng Estado: 1. Teritoryo - lupang tirahan at nasasakupan nito kung saan kinukuha ang mga likas na yaman na kailangan ng mga mamamayan. 2. Pamahalaan- isang katawan o grupo ng mga taong namamahala ng isang komunidad o estado at nag-oorganisa ng sistema nito - Tatlong Sangay: Lehislatura (tagapagbatas), Ehekutibo (tagapagpaganap) at Hudikatura (tagahukom) 3. Mamamayan- mga taong kasaping isang bansa ayon sa itinatakda ng batas. 4. Soberanya -kapangyarihan o pagiging kataas-taasan sa pamamahala. Ito ang kapangyarihan ng bansa na kontrolin at pamununuan ang kaniyang Pamahalaan sa pamamagitan ng mga pinatibay na batas/patakaran. ## ARALIN 3-5: MGA BAYANING PILIPINO. 1. Antonio Luna-Dakilang Heneral ng Digmaang Pilipino-Amerikano. 2. Macario Sakay- Presidente ng Republikang Tagalog. 3. Emilio Aguinaldo- Unang Presidente ng Pilipinas. 4. Gregorio Del Pilar- Bayani ng Pasong Tirad. 5. Apolinario Mabini- Utak ng Himagsikan. ## ARALIN 3-6: MGA AMERIKANONG PINUNO. 1. George Dewey - Admiral na tumulong kayla Aguinaldo. 2. Wesley Meritt - Unang Gobernador Heneral. 3. Arthur McArthur - Huling Gobernador Heneral. 4. William Mckinley- Presidente at nakipagkilalang kaibigan ng Pilipina sa proklamasyon ng Benevolent assimilation 5. Franklin Roosevelt- Presidenteng nagpasa ng batas na nagkakaloob ng kasarinlan matapos ang sampung taon. As you prepare for your quarterly exams, I declare that wisdom reigns in your heart and knowledge fills with joy.