ARALING PANLIPUNAN 10 Unang Markahang Pagsusulit - Reviewer PDF
Document Details
Uploaded by ProfuseFife
Bicol University
2024
Tags
Related
- Araling Panlipunan Grade 10 Q1 W1 PDF
- Unang Markahan - Araling Panlipunan Reviewer G10 - Ika-1st Quarter
- Araling Panlipunan 10, QTR 1, Module 4 PDF
- Araling Panlipunan Grade 10 Globalisasyon PDF
- Grade 10 AP (Araling Panlipunan) Questions_PDF
- Araling Panlipunan: Ikalawang Markahan- Modyul 2 Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon 2020 PDF
Summary
This is a reviewer for the first quarter examination in Araling Panlipunan 10, covering topics like contemporary issues, social structures, and personal responsibility. It includes multiple-choice questions.
Full Transcript
**ARALING PANLIPUNAN 10** **UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT -REVIEWER** **S.Y. 2024 -- 2025** **MARAMIHANG PAGPILIAN:** **PANUTO**: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. 1\. Alin ang pinakamalap...
**ARALING PANLIPUNAN 10** **UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT -REVIEWER** **S.Y. 2024 -- 2025** **MARAMIHANG PAGPILIAN:** **PANUTO**: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. 1\. Alin ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng kontemporaryong isyu? A. Ang pag-aaral ng mga hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba ng tao. B. Tumutukoy sa mga isyu at hamong panlipunan na nagaganap sa kasalukuyang panahon. C. Pag-aaral sa pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyang kahulugan sa kasalukuyan. D. Tumutukoy sa pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu at hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pangkasarian at pampolitika 2\. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu? I. Nagiging mulat sa katotohanan. II\. Nahahasa ang kritikal na pag-iisip. III\. Napapalawak ang kaalaman. IV\. Napapaunlad ang sariling kakayahan A. I B. I , II C. I, II, III D. I, II, III, IV 3\. Alin sa mga sumusunod na elemento ng istrukturang panlipunan ang tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan? A. Gampanin B.Simbolo C.Social Groups D. Status 4\. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO sa ascribed status? A. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng mga dokumento. B. Nakatalaga sa isang indibidwal mula ng siya ay ipinanganak. C. Nakatalaga sa isang indibidwal sa kung ano ang isinasaad ng batas. D. Nakatalaga sa isang indibidwal bunga ng kanyang pagsusumikap. 5\. Bilang isang guro, isa sa mga pinakaimportanteng obligasyon ni Ginang Maricris ang turuan nang maayos ang kanyang mga mag-aaral. Sa anong elemento ng istrukturang panlipunan ito nabibilang? A.Institusyon B. Social Group C. Social Status D. Gampanin 6\. Ayon kay C. Wright Mills, mahalagang malinang ang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Ano ang tawag sa kakayahang makita ang ugnayan ng lipunan at personal na karanasan? A. Biological Imagination C.Psychological Imagination B. Personal Imagination D.Sociological Imagination 7\. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa materyal na uri ng kultura? A. Pagmano sa mga magulang sa tuwing umuuwi ng bahay. B. Pagsunod sa mga alituntunin ng paaralan ng buong katapatan. C. Pagtatayo ng mga bahay-kubo partikular na sa probinsya. D. Paniniwala sa iba't ibang uri ng mga pamahiing nakagisnan. 8\. Sa gitna ng mga suliraning panlipunan na ating kinakaharap sa kasalukuyan, ano ang pinakamainam mong gawin? A. Bigyang pansin ang mga suliraning nakakaapekto sa inyong komunidad. B. Maging aktibong kabahagi sa pagbibigay solusyon sa mga hamong panlipunan. C. Maging responsible sa lahat ng tungkulin at gampanin bilang isang mag-aaral. D. Punahin ang pamahalaan para gawin ang kanilang responsibilidad sa taong bayan. 9\. Alin sa mga sumusunod ang **HINDI** kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu? A. Kalituhan sa pagtimbang sa kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay. B. Kamalayan sa pagbuo ng opinyon at ugnayan sa lipunan. C. Kakayahan sa pagkilala at pagbusisi ng mga sanggunian. D. Natutukoy ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon. 10\. Saang isyu nabibilang ang samahang pandaigdigan na binubuo ng iba't ibang kinatawan mula sa pambansang organisasyon para sa pandaigdigang katahimikan at pagkakaisa? A. Isyung Pangkalakalan C. Isyung Pangkapaligiran B. Isyung Pangkalusugan D. Isyung Panlipunan 11\. Umakyat sa 9.4 milyon na mga Pilipino ang walang trabaho ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations noong Disyembre 8 hanggang Disyembre 11, 2023. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa suliranin ng unemployment rate ang **TOTOO?** A. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang Pilipino. B. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba't ibang institusyong panlipunan na gampanan ang kani-kanilang responsibilidad sa mga mamamayan. C. Nagkakaroon ng mataas na unemployment rate dahil hindi natutupad ng institusyon ng edukasyon at ekonomiya ang kanilang mga tungkulin. D. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa unemployment sa Pilipinas. 12\. Paano mo maipapakita ang pagiging mapanagutan? A. Magbigay ng tulong sa mga taong alam mong may kapasidad ding tumulong sa iba. B. Maging mapagbigay sa mga taong alam mong umaasa sa iyo. C. Magbahagi ng iyong mga kaalaman sa mga taong nahihirapang matuto. D. Punain ang mga pagkakamali na nagagawa ng iyong kapwa. **Para sa bilang 13-14, basahin at suriin ang bahagi ng awit na "Pananagutan" at sagutin ang mga katanungan sa bawat aytem.** **[PANANAGUTAN]** Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man Tayo'y nagdadala ng balita ng kaligtasan 13.Batay sa naturang awit, kanino tayo may pananagutan? A. Diyos B. Kapwa C. Pamahalaan D. Simbahan 14\. Ano ang ipinahihiwatig ng unang talata tungkol sa pagiging bahagi ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan? A. Kailangan ang aktibong partisipasyon para sa ikatatagumpay ng mga proyektong panlipunan sa ating bansa. B. Kailangan ang pantay na pagtrato sa ating kapwa upang maiwasan ang mga kaguluhan sa ating lipunan. C.Kailangan natin ng maayos na pakikipag-ugnayan upang maging matiwasay ang lipunang ating ginagalawan. D.Kailangan nating gampanan ang ating mga tungkulin sa isa't isa upang magkaroon ng kaayusang panlipunan. **Para sa bilang 15-23, basahin at unawaing mabuti ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan.** ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Mayroong mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang ibinigay ni C.Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho.Kung ang isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaring ituring ito bilang isang isyung personal.Subalit kung sa isang lipunang mayoong 50milyong tao at 15milyon sa mga ito ay walang trabaho, maari itong ituring na isyung panlipunan. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 15.Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal sa isyung panlipunan? A.Ang isyung personal at panlipunan ay sumasalamin sa suliraning kinakaharap ng indibiduwal. B.Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi. C.Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang. D.Sumasalamin ang isyung panlipunan at isyung personal sa mga suliraning kinakaharap ng isang lipunan. 16\. Anong kalagayan ng manggagawa ang binigyang pansin sa pagpapaliwang ng pagkakaiba ng isyung personal sa isyung panlipunan? A. May mga taong naghahanap ng trabaho B. Kakulangan ng kaalaman at kasanayan ng mga manggawa C. Kawalan ng trabaho ng isa o higit pang manggagawa D. Mga mamamayang maaring maghanapbuhay 17\. Bakit may mga nasasaktan at nagbubuwis ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad sa isang lugar? I. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mapanganib na lugar. II. Pakikinig sa radyo o panonood ng TV upang malaman ang pinakahuling balita. III. Hindi pagsunod ng mga tao sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may kalamidad. A.I,II,III B. I , II C. I , III D. II , II 18\. Bakit kailangan ang pagtutulungan ng iba't ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran? A. Kabalikat ang mga dayuhan sa pagsugpo sa iba't ibang suliraning pangkapaligiran. B. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito. C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba't ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning panlipunan. D. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba't ibang sektor ng lipunan. 19\. Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index, naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na pinakanaaapektuhan ng Climate Change. Ano kaya ang naging batayan ng deklarasyong ito? A. Kakulangan ng mga gawaing pang-ekonomiya na magsusulong sa sektor ng agrikultura sa ating bansa. B. Lumalakas at dumadalas ang pagkakaroon ng mga kalamidad sa ating bansa. C. Lumalalang terorismo na sumisira sa pisikal na heograpiya ng ating bansa. D. Tumitinding tensyon sa pulitika na nagiging dahilan ng kapabayaan sa ating kapaligiran. 20\. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng natural at anthropogenic na dahilan ng Climate Change? A. Enerhiya mula sa araw at Air Pollution B. Suliranin sa Solid Waste C. Illegal Logging at Fuel Wood Harvesting D. Water Pollution at Illegal Mining 21.Dahil sa likas na tinatamaan ng mga kalamidad ang Pilipinas, sinisikap ng pamahalaan ang "zero casualty report". Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Philippine Disater Risk Reduction and Management Act of 2000? A. Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad sa aspeto ng ari-arian at walang inaasahang magbubuwis ng buhay. B. Mailigtas ang mas maraming buhay at aria-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paanon tututgunan ang kalamidad. C. Mabigyan ng karampatang solusyon ang iba't --ibang suliranin sa hazard at kalamidad sa pamamagitan ng organisadong plano. D.Ang hamon na dulot ng kalmidad at hazard at dapat pagplanuhan at hindi lamang hahahrapin sa panahon ng pagsapit ng iba't --ibang kalamidad. 22\. Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management Status Report noong 2015. A. Biodegradable C. Non-Biodegradable waste B. Electronic waste D. Nuclear waste 23\. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa Solid Waste sa Pilipinas? A. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno. B. Pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao. C. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. D. Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao. 24\. Ano ang suliraning pangkapaligiran ang tumutukoy sa natural na pagbabago-bago ng panahon at pag-init ng klima ng ating bansa na pinalala ng kagagawan ng tao? A.Climate Change B.El Niňo Phenomenon C.Pagkasira ng Likas na Yaman D.Suliranin sa Solid Waste 25.Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng nagaganap na deforestation? A. Ang patuloy pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang pinagkukunan ng pangangailangan. B. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan dahil sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan. C. Sila ay napeperwisyo sa mga ilegal na gawain ng mga tao na nagiging dahilan ng kanilang paglilipat ng tirahan. D.Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers para magkaroon ng pagkakakitaan. 26\. Dahil sa malalang problema sa "single used plastics" na lubhang ikinababahala ng mga eksperto sa kapaligiran, naisipan ng mga environmental warriors na ito ay pakinabangan muli. Sa pagbuo ng produkto gamit ang single used plactics, paano isasaalang - alang ang mga hakbang na dapat gawin? I - gupitin ang mga plastics II - assemble o ihulma III - pinturahan o kulayan IV - hugasan ang mga plastics A.I,II,III,IV B.I,II,IV.III C. IV,I,II,III D. IV,I,II,III 27\. Ito ay ang Non-Government Organization na nagsusulong sa karapatan ng mga Pilipino sa balanse at malusog na kapaligiran A. Bantay Kalikasan C. Greenpeace B. Clean and Green Foundation D. Mother Earth Foundation 28\. Alin sa mga sumusunod na epekto ng Climate Change ang may kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas? A. Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkasira ng mga kalupaan na kinatatayuan ng kanilang tahanan. B. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na bagyo. C. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon. D. Pagtaas ng lebel ng tagtuyot na nagiging sanhi ng mababang produksiyon sa agrikultura. 29\. Alin sa mga sumusunod ang ahensiyang namumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na nararanasan ng bansa? A. Department of Interior and Local Government B. Disaster and Risk Mitigation C. Department of Environment and Natural Resources D. National Disaster Risk Reduction Management Council 30\. Alin sa mga sumusunod na gawain ng tao ang nakakapagdulot ng pagguho ng lupa o landslide? A. Pagtatapon ng basura C. Paninirahan sa Estero B. Paninirahan sa paanan ng bulkan D. Pagmimina at quarrying 31\. Alin sa mga sumusunod ang kemikal na nakakasira ng ozone layer ng ating mundo na ginagamit bilang refrigerants o pampalamig, aerosol propellants, at iba pa. A.Chlorofluorocarbons C. Methane B.Greenhouse gases D.Nitrous oxide 32\. Ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang masamang epekto ng mga special wastes sa ating kapaligiran? A. Maaari itong ilagay sa mga compost pit o open dumpsite sa ating komunidad. B. Maaari itong itapon sa mga nakatalagang MRF sa ating komunidad. C. Maaari itong magsilbing pataba o fertilizer sa mga lupain. D. Maaari itong pakinabangan sa pamamagitan ng pagreresiklo 33\. Alin sa sumusunod na solid waste ang kabilang sa electronic waste? A.Computer at sirang yero C. Laptop, computer at hiringgilya B.Lata, plastic at papel D. Laptop, computer at cellular phone 34\. Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank noong 2004, paano nakakaapekto ang mga dumpsite na matatagpuan sa Metro Manila? I. II. III. A.I B. I at II C. II at III D. I, II at III 35.Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment mahalaga na suriin ang sumusunod na salik **MALIBAN** sa: A. Elements at risk C. Location of people at risk B. Location of elements at risk D. People at risk 36.Ito ang pangunahing Non Government Organization (NGO )na gumagamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa mga suliraning pangkapaligiran. A. Bantay Kalikasan C. Greenpeace B. Clean and Green Foundation D. Mother Earth Foundation 37\. Anong katangian ang ipinamalas ng mga mamamayan sa Albay upang maisakatuparan ang pagpaplano at implementasyon ng Disaster Management Plan? A. Pagkakaisa at partisipasyon C. Masipag at masinop B. Pakikipagtulungan at mapagkumbaba D. Pagmamalasakit sa bayan 38\. Alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin upang mapaghandaan ang lindol? A. Tukuyin ang mga lugar na sakop ng fault line. B. Ihanda ang de-bateryang radyo,flashlight at ekstrang baterya. C. Makinig sa radyo o telebisyon para sa balita tungkol sa kalamidad. D. Magtanim ng mga puno sa inyong kapaligiran. 39\. Ano ang dapat malinang sa inyong sarili upang makapaghanda sa kalamidad? A. Pagiging disiplinado at nakikipagtulungan B. Pagiging makakakalikasan at makatao C. Pagiging magalang at mapagbigay D. Pagiging masipag at may paggalang sa mga otoridad. 40\. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagdudulot ng pagkasira ng ozone layer? A. Pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig. B. Pagsusunog ng mga basura may nakakalasong kemikal. C. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar. D. Paninirahan sa paanan ng bulkan na nakabilang sa permanent danger zone. 41\. Ano ang dapat malinang sa iyong sarili upang makapaghanda sa kalamidad? A. Pagiging disiplinado at kooperatibo C. Pagiging makakalikasan at makatao B. Paging magalang at mapagbigay D. Pagiging masipag at mapagmatyag 42\. Layunin ng Disaster preparedness ang mga sumusunod **MALIBAN** sa ; A. magbigay ng impormasyon C. magbigay ng panuto B. magbigay ng pagbabago D. magbigay payo 43\. Alin sa sumusunod ang isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mamamayan? A. Community Based Disaster and Risk Management Approach B. Community Preparedness and Risk Management Approach C. Philippine Disaster Risk Management Council D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council 44.Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba't ibang hazard at kalamidad? A. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng plano para sa buong pamayanan. B. Magsagawa ng pansariling plano para matugunan ang pangangailangan ng lipunan. C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at protektahan ang mga maapektuhan. D. Magkaroon ng planong pinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao. 45\. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang **HINDI** naaayon sa pagsasagawa ng Disaster Management Plan? A. Dapat na kasama ang mga NGOs sa pagbuo ng Disaster Management Plan. B. Pagtutulungan ang lahat ng sektor ng lipunan sa pagbuo ng Disaster Management Plan. C.Puspusang paghahanda sa kalamidad sa tuwing nararanasan ito sa mga iilang lugar. D.Tungkulin ng lahat ang paglutas sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan. 46.Paano maisasagawa ang top-down approach sa inyong komunidad? 47\. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa top-down approach? A. Ang paghahanda sa kalamidad ay nakasalalay sa kamay ng mga mamamayan. B. Ang paghahanda sa kalamidad ay nakasalalay sa kamay ng mga NGO. C. Ang paghahanda sa kalamidad ay nakasalalay sa kamay ng pamahalaan. D. Ang paghahanda sa kalamidad ay nakasalalay sa kamay ng mga pribadong sektor 48\. Nararapat bang isang approach lang ang gamitin sa pagbuo ng disaster management plan? Bakit? A. Hindi, dahil bukod sa dalawang approach ay kailangan pang mag-isip ng pamahalaan at mamamayan ng iba pang approach na magiging akma sa kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran. B. Hindi, dahil mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan at mamamayan upang magdulot ng holistic na pagtingin sa kalamidad at hazard. C. Oo, dahil kung pareho nating susundin ang mga ito ay magdudulot lang ng kalituhan o kaguluhan kung sino ang susundin sa isang pamayanan. D. Oo, dahil mas magiging mabilis ang paghahanda at pagresponde sa isang pamayanan kung may isang tao/grupo lang ang susundin ng mga tao. 49.Ano ang ikatlong yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan? A. Disaster Prevention and Mitigation C. Hazard Assessment B. Disaster Response D. Recovery and Rehabilitation 50\. Ang Non-Structural Mitigation ay tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa Non-structural Mitigation? A.Paggawa ng ordinasa at batas C.Pagtatayo ng mga floodgates B.Paglalagay ng mga sandbags D.Pagsisiguro ng fire exit sa mga gusali