Araling Panlipunan Grade 10 Q1 W1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Tags
Summary
This document appears to be a module for a Grade 10 Araling Panlipunan class. It covers social issues and challenges, with activities, questions, and a glossary.
Full Transcript
10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Kaligiran at Katangian ng mga Isyu at Hamong Panlipunan 1 Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Kaligiran at Katangian ng mga Isyu at Hamong Panlipunan Unang Edi...
10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Kaligiran at Katangian ng mga Isyu at Hamong Panlipunan 1 Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Kaligiran at Katangian ng mga Isyu at Hamong Panlipunan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis – Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ariel E. Sastre, Ma. Consolacion R. Gadayan, Salvacion R. Quiqui Editor: Mary Ann M. Gordoncillo Tagasuri: Gemma F. Depositario EdD Tagaguhit: Mark Dave M. Vendiola Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera Fay C. Luarez TM, EdD, PhD Maricel S. Rasid Joelyza M. Arcilla EdD Elmar L. Cabrera Marcelo K. Palispis EdD Nilita L. Ragay EdD Adolf P. Aguilar EdD Carmelita A. Alcala EdD Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 E-mail Address: [email protected] 1 Alamin Sa bahaging ito ay susuriin ang iyong mga dating katangian at pag-unawa tungkol sa mga katangian ng isyu at hamong panlipunan. Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtupad sa susunod na gawain. Most Essential Learning Competency: PAMANTAYANG NILALAMAN Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maging bahagi ng mga pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao. AP10PK1-1a-1 Naipaliliwanang ang konsepto ng kontemporaryong isyu at lipunan. K Nakagagawa ang mag-aaral ng Photo Essay tungkol sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maibahagi sa buhay ng tao at ito’y nag-uugnay tungo sa pagbabago upang mapigil S ang ganitong isyu sa kapaligiran. Napapahalagahan at natutukan ng mag-aaral ang mga epekto, sanhi, at implikasyon hinggil sa hamong pangkapaligiran upang matuto ang tao sa paggawa ng kabutihan para sa ikakaunlad sa ating lahat. A 2 Subukin Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit matukoy ang lawak ng iyon kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t- ibang aralin sa modyul na ito. 1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. A. Lipunan B. Bansa C. Komunidad D. Organisasyon 2. Ipinakita sa larawan ang pagpaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento? https://www.biography.com’scholar’karl-marx A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo 3. Ito ay tumutukoy sa indibidwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t-isa. A. Primary Group B. Secondary Group C. Social Group D. Social Status 4. Si Andre ay isang kapitan ng Brgy. Agustin, nang lumikas sila sa baha, siya at ang kanyang mga kagawad ang nangunguna sa pag-rescue sa mga bata at kalauna’y nagpapakain sa mga nakatira sa evacuation center. Ang kanilang ginawa ay ___________. A. Kultura B. Gampanin (Roles) C. Folkways D. Mores 5. Siya ang nagsabi, ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain.” A. Charles Cooley C. Emile Durkheim B. Karl Marx D. Floyd Michael 6. Ito ay nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya’y ipinanganak; halimbawa ay Kasarian. A. Achieved Status C. Lipunan B. Ascribed Status D. Social Group 3 7. Ito ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayang panlipunan. A. Social Group C. Primary Group B. Secondary Group D. Norms 8. Piliin ang naiiba mula sa mga salita. A. Ginto B. Simbahan C. Tiyanak at kapre D. lumang gusal 9. Mga organisadong sistema ng ugnayan sa lipunan. A. Lipunan B. Institusyon C. komunidad D. Organisasyon 10. Si Mayor Espinosa ay nakulong dahil kasama siya sa Narco-Politician na nasa drug watchlist ni Pangulong Duterte. Walang kawala ang mga opisyal ng gobyerno sa pagkakakulong. Ano ang ibig sabihin nito? A. Norms B. Pamahiin C. Pagpapahalaga D. (Laws) Batas Balikan Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno. Subukan mong ilarawan ang iyong lipunan. Ano-anong mga suliranin ang iyong nakita? Paano ito nakaaapekto sa iyong pamumuhay? Paano tinutugunan ng inyong komunidad ang mga nabanggit na isyu at hamon? Sa aralin na ito ay mauunawan mo ang mga sanhi at bunga ng mga isyu at hamong nararanasan sa lipunan. Mahalagang maunawan mo ito upang ikaw ay maging bahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamong ito. Hindi lamang mga namumuno sa pamahalaan at ng mga pangkat na nagsusulong ng kanilang adhikain ang may tungkulin. Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng lipunang iyong ginagalawan, inaasahang masasagot mo ang tanong na: Paano ka makatutulong sa pagtugon sa iba’t-ibang isyu at hamong panlipunan? 4 Tuklasin GAWAIN 1. Headline-Suri Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang tanong na: Bakit, ito ay maituturing bilang isyu o suliraning panlipunan? HEADLINE 1 https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fp artidongmanggagawa2001.blogspot.com%2F2018%2F08 HEADLINE 2 HEADLINE 4 %2Flabor-group-welcomes-300000-new- regular.html&psig=AOvVaw3WX2svp3scxUwnyuencve4& ust=1596088652879000&source=images&cd=vfe&ved=0 CAIQjRxqFwoTCMD2x5Lk8eoCFQAAAAAdAAAAABAD HEADLINE https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F %2Fwww.neweurope.eu%2Farticle%2Ffirst- HEADLINE 3 https://www.google.com/url?sa=i&url transgender-member-congress- =http%3A%2F%2Fmanila.gov.ph%2F2 philippines%2F&psig=AOvVaw3AJjXQVGun- 020%2F04%2Fnews-alert-manila-to- iB0ZYEKW_52&ust=1596088920260000&source=i conduct-mass-covid-19-tests-during- mages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPivneLk8eo tondo- CFQAAAAAdAAAAABAK lockdown%2F&psig=AOvVaw3mWk_x RWyRNMuJrbAiXcEJ&ust=1596089115 500000&source=images&cd=vfe&ved Philippines elect first =0CAIQjRxqFwoTCKiNocTl8eoCFQAAA transgender woman to AAdAAAAABAD Congress https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fww w.philstar.com%2Fheadlines%2F2017%2F09%2F26%2F17428 69%2F16-senators-call-govt-stop-killings-especially- children&psig=AOvVaw1c7jYK_5GNKQA0Kgsjhe51&ust=1596 089348077000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwo TCOCq5Krm8eoCFQAAAAAdAAAAABAD UN rights expert welcomes halt in drug killings in the Philippines 5 1. Ano-ano ang pananaw mo sa mga larawang nakikita ninyo? 2. Maituturing mo bang isyung panlipunan ang ipinakita ng bawat isa? 3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t- ibang isyung panlipunan? 4. Paano kaya natin mapigil ang isyung pangkapaligiran sa ating lipunan? 6 Suriin Bilang isang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa isang lipunan at sa bansa. Mahalaga ring maunawaan na tayong lahat ay may bahaging ginampanan sa pagkakaroon ng mga suliraning ito at tayo’y may gampanin sa paglutas nito. Ano ba ang kontemporaryong isyu? Ito ay tumutukoy sa mga isyu na nangyayari sa kasalukuyan o tumutukoy sa mga napapanahong isyu. Sa madaling sabi, ito ang pinag-uusapan sa ating lipunan ngayon. Maaring ito’y maging pampersonal, pangkapaligiran, panlipunan o pang-ekonomiko. Paksa: Ang Lipunan Ang LIPUNAN ayon sa Tatlong Sosyologo Ang Lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad, na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. EMILE DURKHEIM “Ang lipunan ay isang buhay na organism kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.” https://www.google.com/url?sa=i& url=https%3A%2F%2Fsociologys ound.wordpress.com%2Ffamous- sociologist%2Femile- durkheim%2F&psig=AOvVaw2VN _Wa8xccV7mve9tIVuCW&ust=15 96090043105000&source=image s&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoT CNils_bo8eoCFQAAAAAdAAAAA BAJ 7 KARL MARX “Ang lipunan ay kakitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabuo dahil sa pag-aagawan ng tao sa limitadong pinagkukunang-yaman.” https://www.google.com/url?sa=i& url=https%3A%2F%2Fen.wikipedi a.org%2Fwiki%2FKarl_Marx&psig =AOvVaw1UIqLUsMd8LdKegZXH RTBr&ust=1596090260138000&s ource=images&cd=vfe&ved=0CAI QjRxqFwoTCJC5o93p8eoCFQAA AAAdAAAAABAD CHARLES COOLEY “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng interaksyon.” https://www.google.com/url?sa=i& url=https%3A%2F%2Fbreaktheco deofsilence.wordpress.com%2Fch arles- cooley%2F&psig=AOvVaw3rgHhP Q7-ZY2C3E7Ab- O51&ust=1596090572526000&so urce=images&cd=vfe&ved=0CAIQj RxqFwoTCJiRmfTq8eoCFQAAAA AdAAAAABAD Ang lipunan ay may dalawang mukha: A. Istrukturang Panlipunan at B. Kultura 8 A. Istrukturang Panlipunan Para lubos mong maunawaan, basahin at tingnan mo ang dyagram sa ibaba 1. Social Group – dalawa o higit pang tao na may magkakatulad 2. Institusyon – ito ay na katangian na nagkakaroon organisadong Sistema ng ng ugnayan sa isa’t-isa at ugnayan sa isang lipunan. bumubuo sa isang ugnayang panlipunan. 4 ELEMENTO NG STRUKTURANG PANLIPUNAN 4. Status – tumutukoy sa 3. Gampanin (Roles) - karapatan, posisyong kinabibilangan ng obligasyon at mga inaasahang isang indibidwal sa lipunan. Gawain ng tao sa lipunan 1. Institusyon - Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon 1. Pamilya 5. Ekonomiya Mga Institusyong 2. Panlipunan Edukasyon 3. Relihiyon 4. Pamahalaan 9 1. Pamilya – Pinakamaliit na uri ng lipunan. Ito ang pundasyon sa pagbuo ng isang komunidad. 2. Edukasyon - nagdudulot ng karunongan at pag-unlad sa kakayahan ng mga mamamayan. 3. Relihiyon - paghahangad sa kaligtasan at pananampalataya sa Poong Maykapal. 4. Pamahalaan - nangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan at kaunlaran ng lipunan. 5. Ekonomiya - Tinutugunan nito ang pangangailangan ng lipunan. 2. Social Group - Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social group. 1. Primary Group - malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal. Hal: kaibigan at pamilya 2 Uri ng Social Group 2. Secondary Group- indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa’t-isa. Hal: Amo at manggagawa 3. Status - Ang mga social groups ay binubuo naman ng iba’t-ibang status. Nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya’y ipinanganak; Ascribed Status Hindi niya ito kontrolado. Hal: Kasarian 2 Uri ng Status Nakatalaga sa isang tao sa bisa ng kanyang Achieved Status pagsusumikap. Halimbawa: Kampeon sa palaro, Nakapagtapos ng kurso 10 4. Gampanin (Roles) – May posisyon ang bawat indibidwal sa social group. Bawat isa ay may kanya-kanyang tungkulin. https://www.google.com/url?sa=i&url=https% 3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F8 07270301937675141%2F&psig=AOvVaw3Z aURPTLOJIDymWBMNgM7X&ust=1596094 373482000&source=images&cd=vfe&ved=0 CAIQjRxqFwoTCMiZ14b58eoCFQAAAAAd AAAAABAD https://www.google.com/url? sa=i&url=http%3A%2F%2Fcli part- library.com%2Fclipart%2Fmal e-bathroom- cliparts_5.htm&psig=AOvVaw 11vFdT3dtaMxGAGwBaG5W- &ust=1596094615703000&so urce=images&cd=vfe&ved=0C AIQjRxqFwoTCIij4_f58eoCFQ AAAAAdAAAAABAJ https://www.google.com/url?sa=i&url=https% 3A%2F%2Fwww.123rf.com%2Fphoto_5712 5481_stock-vector-farmer-plow-paddy-field- design.html&psig=AOvVaw2tnK15kzM0zAlH lf7awsZK&ust=1596094507508000&source= images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKiF- Nv58eoCFQAAAAAdAAAAABAK Katuturan ng Kultura Sa pag-aaral tungkol sa lipunan mahalagang pagtu-unan ng pansin ang ugnayan nito sa kultura. Ano nga ba ang kultura? Tunghayan natin sa mga sumusunod kung ano ang ibig sabihin ng kultura? Ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa “Ito ang kabuuang konseptong paraan ng pamumuhay ng isang grupong sangkap sa pamumuhay ng panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa mga tao, ang batayan ng kilos isang lipunan, binibigyang-katwiran ng at gawi, at ang kabuuang kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa gawain ng tao”. Panopio mali at ang mabuti sa masama. Andersen at (2007) Taylor (2007) Ang ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura. Mooney (2011) 11 DALAWANG URI NG KULTURA Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao. Binubuo ito ng mga gusali, Hindi tulad ng materyal na likhang-sining, kagamitan, at iba kultura, hindi ito pang bagay na nakikita at nahahawakan subalit ito ay nahahawakan at gawa o nilikha maaaring makita o ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga maobserbahan. Ito ay bahagi bagay na ito ay may kahulugan ng pangaraw-araw na at mahalaga sa pag-unawa ng pamumuhay ng tao at kultura ng isang lipunan. sistemang panlipunan. (Mooney, 2011) MGA ELEMENTO NG KULTURA Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Halimbawa, ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao PANINIWALA anuman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa pag-unlad ng tao. Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang PAGPAPAHALAGA katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat(Mooney, 2011). 12 Paano kaya nabubuo ang isang kultura? https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.yo utube.com%2Fwatch%3Fv%3DHQ5C4_ETNKU&psig=AOvVaw3 ouWYqHUQPd3TV0EolD_P3&ust=1596095815229000&source=i mages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJC6t7P- 8eoCFQAAAAAdAAAAABAD Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949) Kung walang SIMBOLO simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan. Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan. Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano. NORMS Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan. Mauuri ang norms sa folkways at mores. Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. Sa kabilang banda, ang mores ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011). 13 Pagyamanin Gawain A. Mind Mapping. Guess the Pic and Identify! Alamin kung anong institusyong panlipunan ang mga larawan sa ibaba. sa bilang 5-8 ay isulat ang tamang sagot sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa bawat pangungusap. 1. 2. 2. http://2.bp.blogspot.com/-PblABc1M1q4/U- c4GeOdFaI/AAAAAAAAAG0/3h- https://www.google.com/search?q=market&tbm=isch&hl=e LsGQADwo/s1600/Malacanang_Palace.png n&safe=active&chips=q:market,g_1:clipart:3DPYF3NJCIE %3D&safe=active&hl=en&ved=2ahUKEwiNsIDO7qPqAhU NHqYKHTmbCNYQ4lYoAXoECAEQFw&biw=1349&bih=6 08#imgrc=RgXHpVET5AI1sM 3. 4. https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2 Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F807270301937675141 https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2 %2F&psig=AOvVaw3ZaURPTLOJIDymWBMNgM7X&u F%2Fwww.clipartmax.com%2Fmiddle%2Fm2i8H7 st=1596094373482000&source=images&cd=vfe&ved=0 Z5G6b1G6H7_family-png-clipart-9-station-cartoon- CAIQjRxqFwoTCMiZ14b58eoCFQAAAAAdAAAAABAD images-of-nuclear- family%2F&psig=AOvVaw3duZPZW3UD8BvtkvnK knGd&ust=1596096510771000&source=images&c d=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNj6yoyB8uoCFQAA AAAdAAAAABAO 14 _____5. Ito ay posisyong nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya’y ipinanganak _____6. Ito ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan _____7. Ayon sa kanya, “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin”. _____ 8. Ito ay Social group na may pormal na ugnayan sa isa’t-isa. Isaisip Nabasa mo na at nauunawaan kung ano ang kontemporaryong isyu at nasuri mo na rin ang iba’t-ibang istrukturang panlipunan. Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang pag-unawa sa bumubuo sa lipunan. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. Magkakaiba man ang pagpapakahulugan sa lipunan, makikita na ang mga sosyologo ay nagkakaisa na ang lipunan ay binubuo ng iba’t-ibang institusyon, ugnayan at kultura. Ang lipunan ay binubuo ng dalawang mukha; ang istrukturang panlipunan at kultura. Bagamat magkaiba man ang dalawa sa katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaring paghiwalayin. May mga isyu at hamong panlipunan na nag-ugat dahil sa kabiguan ng institusyon na maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng isang lipunan. Maaaring ang kultura’y materyal o di-materyal. Ang paniniwala, pagpapahalaga, norms at simbolo ay mga elemento ng kultura. 15 Isagawa Panuto: Sa iyong kwaderno, ay gumawa ng photo essay na nagpapakita ng iba’t-ibang isyu at hamong panlipunan na dulot ng mga elemento ng istrukturang panlipunan. Maari ring gumupit ng mga larawan sa magazine o kumuha sa internet. Gawing batayan ang rubriks sa pagmamarka bilang gabay sa pagtupad ng gawaing ito. Rubrik sa Pagmamarka ng Photo Essay Nakuhang Pamantayan Deskripsyon Puntos puntos Ang mga inilagay sa larawan at paliwanag ay Kawastuhan tumutugon sa paglalarawan at konsepto ng 7 ang isyu at hamong panlipunan. Wasto at makatotohanan ang impormasyon. Nilalaman May pinag batayang pag-aaral, artikulo o 6 pagsasaliksik ang ginamit na datos. Komprehensibo at malinaw ang daloy ng photo essay. Maayos na naipahayag ang Organisasyon 4 konsepto ng isyu at hamong panlipunan gamit ang mga larawan at datos May sariling istilo sa pagsasaayos ng photo essay. Gumamit ng mga angkop na disenyo Pagkamalikhain 3 at kulay upang maging kaaya-aya ang kaanyuhan ng produkto. Kabuuan 20 16 Tayahin PANGWAKAS NA PAGTATAYA Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit matukoy ang lawak ng iyon kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t- ibang aralin sa modyul na ito. 1. Tumutukoy ito sa indibidwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t-isa. A. Primary Group C. Social Status B. Secondary Group D. Social Group 2. Ipinakita sa larawan ang pagpaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento? https//.www.google.com.search A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo 3. Ito ay nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya’y ipinanganak; halimbawa ay Kasarian. A. Achieved Status C. Lipunan B. Ascribed Status D. Social Group 4. Piliin ang naiiba mula sa mga salita. A. Ginto C. Tiyanak at kapre B. Simbahan D. lumang gusali 5. Ito ay tumutukoy sa indibidwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t-isa. A. Primary Group C. Social Group B. Secondary Group D. Social Status 6. Ayon sa kanya, ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at Gawain.” A. Charles Cooley C. Emile Durkheim B. Karl Marx D. Floyd Michael 7. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. A. Lipunan C. Komunidad B. Bansa D. Organisasyon 8. Si Andre ay isang kapitan ng Brgy. Agustin, nang lumikas sila sa baha, siya at ang kanyang mga kagawad ang nangunguna sa pagrescue sa mga bata at kalauna’y nagpapakain sa mga nakatira sa evacuation center. Ang kanilang ginawa ay__________. 17 A. Kultura C. Folkways B. Gampanin (Roles) D. Mores 9. Mga organisadong sistema ng ugnayan sa lipunan. A. Lipunan C. Komunidad B. Institusyon D. Organisasyon 10. Si Mayor Espinosa ay nakulong dahil kasama siya sa Narco Politician na nasa drug watchlist ni Pang. Duterte. Walang kawala ang mga opisyal ng gobyerno sa pagkakakulong. Ang kanilang ginawa ay _________. A. Norms C. Pagpapahalaga B. Pamahiin D. (Laws)Batas Karagdagang Gawain SHARE YOUR IDEA Sitwasyon: May 5 na kaso ang naitalang positibo sa CoVid-19 sa lalawigan ng Negros Oriental ayon sa Inter-Agency Task Force. Sang- ayon ka ba na ibalik pa rin sa Enhanced- Commmunity Quarantine ang Negros Oriental? Bakit? Ipaliwanag. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. 18 19 Pangwakas na Pagtataya 1. A. Primary Group 2. C. Norms 3. B. Ascribed Status 4. C. Tiyanak at kapre 5. A. Primary Group 6. C. Emile Durkheim 7. A. Lipunan 8. B. Gampanin 9. B. Institusyon 10. D. Laws o Batas Paunang Pagtataya 1. A. Lipunan 2. C. Norms Gawain A 3. A. Primary Group 1. Ekonomiya 4. B. Gampanin 2. Pamahalaan 5. C. Emile Durkheim 3. Edukasyon 6. B. Ascribed Status 4. Pamilya 7. C. Primary Group 5. Ascribed Status 6. Institusyon 8. C. Tiyanak at Kapre 7. Charles Cooley 9. B. Institusyon 8. Secondary Group 10. D. Laws o Batas Susi sa Pagwawasto Glosaryo Kontemporaryo - minarkahan ng katangian ng kasalukuyang panahon; moderno, uso o bago. Sosyologo - Mga taong dalubhasa sa pag-aaral ng lipunan. Institusyon - Organisadong sistema ng ugnayan sa lipunan. Norms - mga asal, kilos o gawi na binuo at nagsilbing pamantayan sa sang lipunan. Kultura - kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa lipunan. 20 Sanggunian Ang modyul na ito ay gumagamit ng mga karagdagang impormasyon at larawan mula sa internet. ❑ https://www.biography.com/scholar/karl-marx ❑ https://sociologysound.wordpress.com/famous-sociologist/emile-durkheim/ ❑ https://www.google.com/search?q=capitol&tbm=isch&safe=active&chips=q:capitol,g_ 1:vector:- EDxtYkh2RE%3D&safe=active&hl=en&ved=2ahUKEwiQyoC9iqLqAhWvG6YKHRYy DRAQ4lYoEHoECAEQNQ&biw=1349&bih=608#imgrc=hioLNlA14Pk80M ❑ https://www.google.com/search?q=person&tbm=isch&safe=active&chips=q:person,g _1:clipart:__eSO3_MnJA%3D&safe=active&hl=en&ved=2ahUKEwjt54iw46PqAhUIB JQKHZhFBJIQ4lYoAHoECAEQFQ&biw=1349&bih=608 ❑ https://www.google.com/search?q=doctor+wearing+ppe&safe=active&sxsrf=ALeKk0 0fiRp3tuKZdhC_1imqHXNLI_Zo0Q:1593410676430&source=lnms&tbm=isch&sa=X &ved=2ahUKEwih7uWqrabqAhUBFogKHUZdAqYQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1366& bih=657#imgrc=x0M_BxMYyycheM ❑ https://lrmds.deped.gov.ph/create/ ❑ Araling Panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan Learners’ Guide 21 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: [email protected] Website: lrmds.depednodis.net