Pagsusuri ng Mitolohiya
Document Details
Uploaded by ClearerAutomatism3121
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang pagsusuri sa mitolohiya, na kinabibilangan ng pag-aaral ng mga karakter, mga setting, storyline, at tema. Ang layunin ay maunawaan ang pangkalahatang mensahe at kultura na nasa likod ng mga mitolohiya.
Full Transcript
Ang **Mitolohiya** ay isang tradisyonal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral? Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang...
Ang **Mitolohiya** ay isang tradisyonal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral? Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang mitolohiya mula nang magtanong ang mga tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. Mahalaga ang mitolohiya dahil nakapaloob dito ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon at kultura ng isang bansa at kapupulutan din ito ng aral. Ang mga ito ay maaaring iugnay sa pagtukoy sa pangunahing idea o paksa ng usapan sa isang akdang pampanitikan. 11 **Panunuri ng Mitolohiya** Ang **pagsusuri** ay isang kasanayan na siyang nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang sining. Sa panunuri ng isang akdang pampanitikan, naipapakita ang pagpapahalaga at pagbibigay puri sa akda at pamumuna sa kahinaan nito. Sa pamamagitan ng panunuri, lumilitaw ang mga mensahe na hindi gaanong lantad sa akda na siyang makatutulong sa mga mambabasa upang mas maunawaan ang akda, at mas mabigyang pagpapahalaga ang kultura ng lugar kung saan ito nagmula. Kinakailangang maging patas sa panunuri upang mas lumitaw ang bisa, kagandahan, at kahinaan ng isang akda na siyang magiging tulay sa mas malawak at komprehensibong pag-unawa sa nilalaman ng isang akdang pampanitikan. **Mga Dapat Tandaan sa Panunuri ng Mitolohiya** Upang maging sistematiko ang panunuri ng isang mitolohiya, kinakailangang bigyang puna ang mga elemento ng mitolohiya batay sa kahinaan at kalakasan nito. Mahalagang naunawaan mo ang iyong binasa upang ikaw ay makasuri. Mainam din ang paghahambing nito sa iba pang mitolohiya upang mas mapalabas ang mensahe ng akda at ang kultura ng lugar na pinagmulan nito. **A. Tauhan** Ang mga tauhan sa mitolohiya ay kadalasang mga diyos at diyosa na kinikilala at sinasamba ng mga tao dahil sa taglay na kakaibang lakas at kapangyarihan. Suriin ang pangunahing tauhan batay sa kaniyang pisikal na anyo, ugali, paraan ng pananalita, at kung paano siya nakisalamuha sa iba pang mga tauhan sa kuwento. Maaaring gawing batayan ang mga diyalogo ng mga tauhan upang malaman ang pangunahing idea o paksa na nais iparating ng tauhan sa akda. Makatutulong rin ang mga linya o diyalogo upang mapalabas ang damdamin ng tauhan na nagsasalita sa susuriing akda. Bigyang-pansin din ang tungkuling ginampanan ng tauhan sa kabuoan ng kuwento. Bigyang-puna ang mga naging kalakasan at kahinaan ng tauhan na nakaapekto sa kaniyang suliranin sa kuwento. Tandaan: Ang ganda at bisa ng isang akda ay nakasalalay sa paglalarawan at pagbibigay-buhay sa mga karakter ng kuwento kung kaya naman mahalagang maunawaan ang mga ikinilos at ginampanan ng tauhan upang mas maunawaan ang mensahe ng akda. A. **B. Tagpuan** Mahalagang maunawaan mo ang ginampanan ng tagpuan na nakaapekto sa kalagayan ng tauhan sa kuwento. Ilarawan ang lugar batay sa pisikal na anyo nito, mga kilos at gawi ng mga tao o nilalang na naninirahan dito. (Mahalaga na may kaalaman ka sa kultura ng mga taong naninirahan sa bansang pinagmulan ng binasang akda dahil may kaugnayan ito sa tagpuan ng kuwentong binasa). Bigyang-puna ang kasiningan ng paglalarawan ng may-akda sa tagpuan. **C. Banghay** A. Alamin kung ano ang mga naging tuon ng mga pangyayari sa akda. Tukuyin ang pangunahing suliranin na siyang dinanas ng tauhan sa mitolohiya. Suriin ito na may pagpapaliwanag sa naging kahalagahan ng pagkakaayos ng mga pangyayari sa kuwento. Naging malinaw ba ito? Bigyang-puna kung papaano sinimulan at winakasan ang mitolohiya. Mas mainam kung bigyang pagpapaliwanag ang mga natatanging mga pangyayari sa kuwento batay sa bisa at kahalagahan nito at kung papaano ito maaaring maihambing sa totoong buhay. A. **D. Tema** Suriin kung ano ang tema ng binasang mitolohiya batay sa kung ano ang naging tuon nito. Bigyang paliwanag ang mga aral ng kuwento, maging ang mga hindi kanais-nais na mga pag-uugali ng mga tauhan upang makatulong sa mas malalim na pagpapakahulugan sa mitolohiya. Mainam na magbigay repleksyon sa bisa at kahalagahan ng mensahe at aral ng akda sa kung papaano ito nakaapekto sa iyong sarili at lipunan. +-----------------------------------------------------------------------+ | I. **I. Tauhan** | | | | II. a\. Thor -- Anak ni Odin. Ang pangunahing tauhan sa akda. Batay s | | a | | mito, siya ang pinakamalakas na diyos. Isa sa kaniyang katangian | | ay | | ang pagiging magagalitin. Matipuno ang kaniyang pangangatawan. | | | | III. b\. Loki -- Siya ay may angking galing sa pabilisan ng pagkain. | | Kinakitaan rin siya ng pagmamataas sa kuwento. | | | | IV. c\. Thjalfi -- Isang mortal na naging alagad ni Thor. Taglay niya | | ang husay at bilis sa pagtakbo. | | | | V. d\. Utgard-Loki -- Ang diyos na mapanlinlang. Ang hari ng mga | | higante na may taglay na mahika na kayang lumikha ng mga ilusyon. | | | | VI. e\. Skrymir -- Isang higante na tumulong sa grupo nina Thor na si | | ya | | ring balat-kayo ni Utgard-Loki. | | | | Ipinakita sa mito ang katangian ng mga *Viking* sa pamamagitan ni | | Thor. Taglay ni Thor ang pagiging matapang at pagiging palaban ng mga | | *Viking*. Kung ihahambing ang tauhang si Thor sa ibang mito, | | halimbawa sa mitolohiya ng bansang Greece, napakatipikal na ang tema | | o ang mga tauhan ay nagtataglay ng kakaibang lakas at husay. Malaki | | ang ginampanan ng tauhang si Thor sa akda dahil bukod sa kaniya | | umikot halos ang buong mito, nagkaroon tayo ng idea kung ano ang | | kultura ng mga Eskandinaba o *Vikings* noong unang panahon. | | | | I. **II. Tagpuan** | | | | Bago magpunta sina Thor sa kaharian ni Utgard-Loki, siya muna ay | | dumaan at anuluyan sa tahanan nina Thjalfi. Ipinapakita lang nito | +-----------------------------------------------------------------------+ +-----------------------------------------------------------------------+ | ***Dagdag kaalaman...*** | | | | Ang **etimolohiya** ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung | | paano nag-iiba ang kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon. | | Hango ang salitang etimolohiya sa salitang **Griyego** na | | **etumologia** na ang ibig sabihin ay **may ibig sabihin o may | | kahulugan**. | | | | Maaaring magbago ang anyo ng mga salita sa pamamagitan ng **pagsasama | | ng mga** salita -- hampaslupa, bahaghari; **hiram na mga salita | | (salitang banyaga)** -- *computer* sa wikang Ingles at kompyuter sa | | wikang Filipino, economia sa wikang Kastila at ekonomiya naman sa | | wikang Filipino; at **morpolohikal na pinagmulan** kung saan | | nagpapakita ito ng paglihis mula sa ugat ng salita. Tumutukoy din ito | | sa pag-aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita gaya ng | | salitang karimlan na ang salitang-ugat ay dilim. | +-----------------------------------------------------------------------+ ***Alam mo bang...*** Ang **dula** ay hango sa salitang Griyego na "drama" na nangangahulugang gawain o kilos? Ang dula ay isang akdang pampanitikang ang pinakalayunin ay itanghal. Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahagi ng buhay. Taglay nito ang katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng mga suliranin o mga pagsubok na kaniyang pinagtagumpayan o kinasawian. Ayon kay Aristotle, ito ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito ang realidad sa buhay ng tao gayondin ang kaniyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ang **trahedya** ay isang dulang ang bida ay hahantong sa kabiguan o malungkot na wakas. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng drama mula sa sinaunang Gresya. Kabilang sa mga maagang mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa Gresya ay sina Aeschylus, Sophocles, at Euripides. Trahedya rin ang dula kapag ang tema nito'y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulumos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan. Ito'y nagwawakas nang malungkot. Ang Romeo at Juliet ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare tungkol sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya't naging magkaaway. Nakabatay ang balangkas ng dulang ito sa isang kuwento mula sa Italy na isinaling wika upang maging taludtod bilang The Tragical History of Romeus and Juliet (Ang Kalunos-lunos na Kasaysayan nina Romeus at Julieta) ni Arthur Brooke noong 1562 at muling isinalaysay na nasa anyong tuluyan o prosa sa Palace of Pleasure (Palasyo ng Kaluguran) ni William Painter noong 1567. Isang layunin ng may akda na ipakita ang kadalisayan ng tunay at wagas na pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Ipinakikita rin ng may akda ang magiging bunga kung ang isang tao o mga tao ay walang ganap na pag-intindi sa mga bagay-bagay. Ang kanilang kamatayan ang naging bunga ng hidwaang walang tigil sa pagitan ng dalawang pamilya. **Mga Elemento ng Dula** ***Iskrip*** -- ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula at nararapat na naaayon sa isang iskrip. ***Gumaganap o Aktor*** -- sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang nagbibigay ng dayalogo, nagpapakita ng iba't ibang damdamin at pinapanood na tauhan sa dula. ***Tanghalan*** -- anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Tanghalan din ang tawag sa kalsadang pinagtatanghalan ng isang dula o silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase. ***Tagadirehe o Direktor*** -- siya ang nagpapakahulugan sa iskrip. Siya ang nagpapasya sa hitsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan, hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumedepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip. ***Manonood*** -- hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung hindi ito mapapanood ng ibang tao. ***Tulang Soneto***. Ito ay isang uri ng tulang nagmula sa Italya na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na kinakailangang isaa **Tula** ang tawag sa isang akdang pampanitikang may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan. Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan at naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa. Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa kasalukuyan. May apat na pangkalahatang uri ng tula: Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang Padula at Tulang Patnigan. Sa araling ito, bibigyang-pansin natin ang Tulang Pandamdamin o Liriko **Tulang Liriko** -- Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula. **Uri ng Tulang Liriko** 1\. ***Soneto*** -- Ang tulang ito ay may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao. Naghahatid ng aral sa mambabasa. *Mga Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon* 2\. ***Pastoral*** -- Hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ang tulang ito ay pumapaksa at naglalarawan ito ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa. *Mga Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig* *Ang Tinig ng Ligaw na Gansa* 3\. ***Elehiya*** -- Ito ay tula ng pamamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan, kamatayan at iba pa *Mga Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus* Elehiya para kay Ram ni Patrocinio V. Villafuerte 4\. ***Oda*** -- Ang tulang ito ay nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang uri ng damdamin. Karaniwang tungkol sa papuri tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o anomang bagay na maaaring papurihan. *Mga Halimbawa: Tumangis si Raquel* *Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus* 5\. ***Awit*** -- Karaniwang pinapaksa ng tulang ito ay pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. Tinatawag din itong kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ito ay awit tungkol sa pag-ibig. *Mga Halimbawa: May isang pangarap ni Teodoro Gener* Sa Dalampasigan ni Teodoro Agoncillo 6\. ***Dalit*** -- Ito ay katutubong tula na may apat na taludtod sa bawat saknong at may sakut na wawaluhin. Ito'y awiting patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya na may layuning dumakila at magparangal. sa kasalukuyang kahulugan, masasabi na ring dalit ang isang tula kung ito'y may pagdarakila sa bayan. Dalitsamba: patungkol sa Diyos Dalitbayan: pagdakila sa bayan *Halimbawa: Dalit kay Maria* **Mga Elemento ng Tula** 1\. ***Persona*** -- Tumutukoy ito sa nagsasalita sa tula na nililikha ng makata. 2\. ***Imahen*** -- Tumutukoy ito sa larawang diwa na nabubuo sa mambabasa. Pinagagalaw nito ang guniguni ng mambabasa. Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan. 3\. ***Musikalidad*** -- Nakapokus ito sa porma at paraan ng pagkakasulat ng tula. Nagtataglay ito ng angking melodiya o tonong nararamdaman sa indayog o ritmo. a\. ***Sukat*** -- Saklaw nito ang sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng tula. Ang pangkaraniwang tula ay may walo hanggang labindalawang pantig sa bawat taludtod. *Halimbawa:* Lalabindalawahing Pantig Ako'y magsasakang bayani ng bukid Sandata'y araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang lamig 10 CO\_Q2\_Filipino10\_Module3 b\. ***Tugma*** -- Ito ang pagkakasintunugan ng mga salita o pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng tula. Ito ay isang elemento ng tula na nagbibigay dito ng himig at indayog *Halimbawa:* Sukat: a-a-a-a (magkakatugma lahat ng linya) Sa aking lupain doon nagmumula Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ang lahat ng tao, mayaman o dukha Sila'y umaasa sa pawis ko't gawa c\. ***Tono o Indayog*** -- Ipinababatid nito paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa. 4\. ***Wika*** -- Tumutukoy ito sa paggamit ng salita -- maaaring lantad o di-lantad ang mga salita. 5\. ***Kaisipan o Bagong Pagtingin sa/ng Tula*** -- tumutukoy ito sa kung paano nagkaroon ng bagong pagtingin sa isang bagay na palasak. a\. ***Talinghaga*** -- tumutukoy ito sa matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangang gumamit ng tayutay at matalinghagang mga pahayag o salita upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. *Halimbawa:* Nahuli sa pain, umiyak Ako'y hawak ng iyong pag-ibig Hindi ako makaalpas b\. ***Kariktan*** -- Tumutukoy ito sa malinaw at di-malilimutang impresyong nakikintal sa isipan ng mambabasa. Ito ang pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa. **Mga Paraan sa Pagsulat ng Tula** 1\. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng mga halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula. 2\. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid o bunga lamang ng kanyang makulay na imahinasyon. 3\. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang paglayo sa karaniawang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita. 4\. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tula kung ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kanyang akda hindi lamang niya ito sinasabi. **Matatalinghagang Pananalita** ang tawag sa mga salita o pahayag na hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan ng isang salita. Sa madaling sabi, ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng malalim na kahulugan. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa. Nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan. Nagsisilbing larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag na *patayutay o tayutay.* **Tayutay** -- Ito ay tumutukoy sa mga salita o pahayag na ginagamit upang maging maganda at kaakit-akit ang isang pahayag. Tumutukoy din ito sa sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya't magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula. **Mga Uri ng Tayutay** 1\. ***Pagtutulad (Simile)*** -- Isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito'y ginagamitan ng mga salita't pariralang *tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki'y, animo'y*, *tila, kasing-, magkasing-* at iba pa. *Halimbawa:* Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha. Ang iyong labi ay tila rosas sa pula. 2\. ***Pagwawangis (Metapora)*** -- Tiyakang naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing. Hindi na ito ginagamitan ng mga salitang tulad ng ginagamit sa Simile. Halimbawa: Leon sa bagsik ang ama ni David Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan. 3\. ***Pagmamalabis (Hyperbole***) -- Pilit na pinalalabis sa normal na katangian, kalagayan o katayuan ng isang tao, bagay, pook o pangyayari upang bigyang kaigtingan ang nais ipahayag. Tinatawag din itong eksaherasyon. *Halimbawa:* Nalulunod na siya sa kanyang luha. Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya'y aking nakilala. 4\. ***Pagtatao (Personipikasyon)*** -- Ito'y mga pahayag ng paglilipat ng katangian, gawi at talino ng isang tao sa mga karaniwang bagay na walang buhay. Ginagamitan ito ng pandiwa. Tinatawag din itong Pagbibigay-katauhan. *Halimbawa:* Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat. Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit. 5\. ***Pagtawag (Apostrophe)*** -- Ito ay isang panawagan o pakiusap nang may masidhing damdamin sa isang bagay na tila ito ay isang tao o kaya't tao na na animo'y kaharap ang kausap. Halimbawa O tukso, layuan mo ako! Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay. +-----------------------------------------------------------------------+ | **Maikling Kuwento ng Tauhan** ang tawag sa isang uri ng kuwentong | | ang higit na binibigyang-halaga o diin ay ang kilos o galaw, ang | | pananalita at pangungusap at kaisipan ng isang tauhan. | | | | Kumakatawan siya sa kabuoan ng kuwento sa pamamagitan ng anomang | | nangingibabaw na idea o ng mga kabuluhan sa kuwento. | | | | Nangingibabaw rito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa | | tunay na pagkatao ng tauhan sa katha. | | | | Maraming paraan ang ginagamit ng may-akda sa paglalarawan ng buong | | pagkatao ng tauhan. Nasasalig ito sa kaniyang panloob na anyo -- ang | | isipan, mithiin, damdamin at gayon din sa kaniyang panlabas na anyo | | pagkilos at pananalita. | | | | Nakatutulong din sa pagpapalitan ng katauhan ang mga pag-uusap ng | | ibang tauhan sa kuwento tungkol sa kaniya. Ngunit sa pamamagitan na | | rin ng tauhan nagkakaroon ng pinakambisang paglalarawan ng katauhan | | at naipakikita ito sa kaniyang reaksyon o saloobin sa isang tiyak na | | pangyayari. | +-----------------------------------------------------------------------+ +-----------------------------------------------------------------------+ | a. 1\. ***Umpisahan sa pagbuo ng isang payak na profayl*** -- pangal | | an, | | edad, kasarian at trabaho. Ang mga nabanggit ay makaaapekto sa | | iyong karakter. a. *Pisikal na Profayl* -- ito ang pisikal na | | katangian at kaanyuan | | | | b\. *Sikolohikal na Profayl* -- tumutukoy ito sa kung paano siya | | mag-isip, ano ang laman ng pag iisip, pandama, dumama at iba pa. | | | | c\. *Sosyal na Profayl* -- ito ang katayuan niya sa lipunan: anon | | g | | papel bilang indibidwal ang ginagampanan niya sa lipunan. | | | | 2\. ***Pumili ng isang magandang pangalan***. Ang pangalan ay dap | | at | | ding isaalang-alang dahil kailangang bumagay ang kanyang pangalan | | sa kanyang personalidad. | | | | 3\. ***Bumuo ng background ng karakter.*** Ano ang kanyang layuni | | n | | sa paggawa ng mga bagay-bagay. Ang kapaligiran at ang mga | | pangyayari ay nakatutulong sa paghubog ng personalidad ng isang | | tao. | | | | 4\. ***Gumawa ng isang mas maunlad na personalidad.*** Paano | | nakaaapekto ang kanyang *background* sa kanyang personalidad? | | Nawalan ba siya ng mahal sa buhay kaya may ganoon siyang | | pag-uugali? | +-----------------------------------------------------------------------+ ***Paghihinuha (inference)*** Ang tawag sa pahayag ng mga inaakalang mangyayari batay sa sitwasyon o kondisyon? Ito'y ang pag-intindi ng mga bagay mula s pahiwatig o mga ebidensya/ clue nito. Halimbawa sa isang kuwento o napanood, aalamin mo ang wakas ayon sa mga pangyayari. Sa tulong din ng pag-unawa sa pamagat ng kuwento o napanood magkakaroon ng hinuha batay sa iyong sariling karanasan, sa mga nangyayari sa paligid at sa mga ebidensya na nakalap. Halimbawa: Ang Kuwintas mula sa kanyang pamagat makapagbibigay ka na ng iyong hinuha sa paksa o tema ng babasahin o panonooring video. Maaari rin makatulong sa paghihinuha ang dating kaalaman, katangian o anyo ng materyal at iba pang elemento. Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na talasalitaan, kakayahang magpakahulugan sa mga pahayag at katalasan ng isip sa mga pahiwatig. Kung ang bawat pahiwatig at implikasyong ibinigay ay uunawaing mabuti at buhat dito ay makakayanang bumuo ng isang makabuluhang hinuha, ganap ang naging pag-unawa niya sa nabasa. Sa hinuhang ito, makabubuo ng prediksyon o paghuhula. Sa pagbuo ng hinuha maaring gamitin ang mga pantulong na gawain sa paghihinuha tulad ng mga sumusunod: 1\. Paghihinuha sa pansuportang detalye 2\. Paghihinuha sa pangunahing idea 3\. Paghihinuha sa pagkakasunod-sunod 4\. Paghihinuha sa paghahambing 5\. Paghihinuha sa sanhi at bunga 6\. Paghihinuha sa katangian ng tauhan 7\. Paghihinuha sa kalalabasan *Mga halimbawa ng mga salita o pahayag sa paghihihuha:* baka, tila, wari, marahil, siguro, yata, sa/ang tingin ko ay, hindi malayo, sa palagay ko, sa aking sapantaha at iba pa *Mga Halimbawang Pangungusap:* *Baka* magbago ang isip niya kapag nabasa niyang muli ang panukala. Sa pagdami ngayon ng kaso ng COVID-19, *tila* magtatagal pa ang ECQ. *Marahil* totoo ang kanyang sinasabi tungkol sa Anti-Terrorism Bill. Sa *wari* ko'y isang malaking pagkakamali kung hindi tayo susunod sa batas. *Siguro* may bagyong darating dahil makulimlim ang kalangitan. Hindi na *yata,* magbabalik pa sa normal ang lahat dahil sa pandemya. Ang tingin ko ay tama lang ang kanyang desisyong magbagong-buhay. *Hindi malayong* maging matagumpay si Juan dahil sa kanyang pagsisikap. *Sa palagay ko,* kailangan nating magtulungan upang labanan ang sakit ng lipunan. 14 CO\_Q2\_Filipino10\_Module4 Ang pagbibigay hinuha ay maaaring maging positibo o negatibo. Kaya't kailangang maging maingat sa pagpapahayag upang hindi makasakit sa damdamin ng kapwa. **NOBELA** Ano ang nobela? Paano ito lumaganap sa kanluran? Ihambing ang nobela sa iba pang akdang pampanitikan **Nobela** ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan? Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa. Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad samakatuwid isa itong mahabang akda, samantalang sa maikling kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito. Ang nobela ay nagtataglay ng mas maraming mga tauhan samantalang kakaunti sa maikling kuwento. Sa kabilang dako, nagkakapareho naman ang nobela at maikling kuwento sa mga sumusunod na dahilan: (1) parehong salaysay na tuluyan (prosa), (2) parehong nagtataglay ng tema, (3) parehong nangangailangan ng kasudukan. **Elemento ng Nobela** 1\. ***Tauhan*** -- tumutukoy ito sa nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela. 2\. ***Tagpuan*** -- tumutukoy ito sa lugar at panahon ng mga pinangyarihan. 3\. ***Banghay*** -- ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 4\. ***Pananaw*** -- ito ay tumutukoy sa panauhang ginagamit ng may-akda. a\. *Una* -- kapag kasali ang may-akda; b\. *Pangalawa*- ang may-akda ang nakikipag-usap; c\. *Pangatlo*- batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda. 5\. ***Tema*** -- ito ay ang paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela. 6\. ***Damdamin*** -- ito ay nagbibigay-kulay sa mga pangyayari. 7\. ***Pamamaraan*** -- tumutukoy ito sa estilo ng manunulat/awtor 8\. ***Pananalita*** -- tumutukoy sa diyalogong ginamit. 9\. ***Simbolismo*** -- ito ay tumututukoy sa pagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari **Katangiang Dapat Taglayin ng Nobela** - naglalarawan ito ng iisang kakintalan sa taong inilalarawan o pinapaksa. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan. Pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan Kawili-wili at pumupukaw ng damdamin. Pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng pamahalaan at relihiyon atbp. Malikhain at dapat may maguni-guning paglalahad. Nag-iiwan ng kakintalan. ***Alam mo bang...*** Ang **panunuri** ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang sining. Hindi lamang ito nagsusuri o nagbibigay-kahulugan kundi ito'y isang paraan ng pagsusuri sa kabuoan ng tao- ang kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at maging ang kanyang pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya. Halimbawa sa **panunuri** ng maikling kuwento, dapat suriin ang mga elementong taglay nito: tauhan, tagpuan, tunggalian, simbolo, pahiwatig, magagandang kaisipan o pahayag at maging paraan kung paano ito nagsimula at nagwakas. Samantala sa nobela karaniwan na inaalam ang mga katangiang pampanitikang aspektong panlipunan, pampolitikal, pangkabuhayan, at pangkultural na nakapaloob sa nobela at paggamit ng angkop na teoryang gagamitin sa pagsusuri. Ang **panunuring pampanitikan** ay tawag sa isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba't ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing katha ng manunulat. **Suring-Basa** -- ito ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay o iba pang gawa /uri ng panitikan. **Suring-pampelikula** -- Ito ay isang pagsusuri o rebyu ng pinanood na pelikula. **Suring-pantelebisyon** -- Ito ay isang pagsusuri o rebyu ng pinanood na programang naisatelebisyon. Sa pagsusuri o rebyu, inaalam at sinusuri natin ang nilalaman at kaisipan ng isang akda. Sa pagsasagawa nito, maaaring gamitin ang dalawang paraan: Ang (1) patalatang pagsusuri at (2) pabalangkas na pagsusuri gaya ng pormat na ito: +-----------------------------------------------------------------------+ | **I. Panimula** | | | | Pamagat | | | | May-akda | | | | Uri ng Pantikan | | | | Bansang Pinagmulan | | | | Layunin ng Akda | +-----------------------------------------------------------------------+ **Mga Pahayag na Pagsang-ayon at Pagtanggi sa** **Panunuring Pampanitikan** 1\. ***Pang-abay bilang Instrumento sa Pagbibigay Opinyon** --* Ito ay bahagi ng pananalitang nagbibigay katuringan o naglalarawan sa pang-uri, pandiwa o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay may siyam na uri: pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam, pamitagan, pampanukat, panulad, panang-ayon at pananggi. Ang pang-abay na panang-ayon at pang-abay na pananggi ay nagsisilbi bilang instrumento sa pagbibigay opinyon. **a. Pang-abay na Panang-ayon** -- nagsasaad ng pagsang-ayon (Konsesyon) sa isang bagay o pangyayari. *Halimbawa:* Oo, opo, tunay, totoo, sadya, talaga, sige, tiyak, walang duda, sigurado, siyempre, siyanga atbp. **Oo, asahan mo ang aking tulong.** **Talagang** mabilis ang pag-unlad ng bayan. **Totoo** namang kakaunti na ang puno sa kabundukan. **Sadyang** malaki ang ipinagbago mo. *Ang mga salitang nakadiin na **Oo, Talagang, Totoo,*** at ***Sadya** ay mga salitang nagsasaad ng pagsang-ayon o Konsesyon.* **b. Pang-abay na Pananggi** -- nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol (Kawnter-asersiyon) sa kilos na ginawa, ginagawa o gagawin pa lamang. *Halimbawa:* Hindi/di, wala, ayaw, huwag **Hindi** mabuti ang mag-aksaya ng panahon. **Huwag** tularan ang mga taong lumalabag sa batas. **Walang** maidudulot na mabuti ang pagbibisyo. **Ayaw** niyang makinig sa mga payo ng pamahalaan. *Ang mga salitang nakadiin na **Hindi, Huwag, Walang*** at ***Ayaw** ay mga salitang nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol o Kawnter-asersiyon.* 2\. ***Pangatnig sa Pagbibigay ng Opinyon*** -- nag-uugnay ng mga pangungusap at sugnay. Ang mga pangatnig na *ngunit, subalit, pero* ay maaaring nagpapabatid ng pagsang-ayon ay panubali o pagtutol. *Halimbawa:* Totoong maganda siya **pero** nagpapakita naman siya ng kagaspangan sa pag-uugali. Talagang matalino siya **ngunit** mas matalino ang kaniyang kalaban. Hindi man maganda ang tono ng kaniyang pananalita **subalit** marami naman siyang nagawang pagbabago para sa bansa. ***Alam mo bang...*** **Talumpati** ang tawag sa isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap ng madla? Ang layunin ng isang talumpati ay mapaniwala ang mga nakikinig sa pangangatuwirang ibinibigay ng kaalaman ng nagsasalita o kaya ay humihimok na gawin ang isang bagay ayon sa kaniyang paniniwala at higit sa lahat, mabago ang paniniwala ng mga nakikinig. **Mga Anyo ng Talumpati** Ang **panandaliang talumpati** (*extemporaneous speech*) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbigay ng sariling pananaw. Tinatawag na *impromptu* sa wikang Ingles ang **talumpating walang paghahanda** kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa. Maaari ring binabasa, **sinasaulo o binabalangkas** ang talumpati. Sa **binabasang talumpati**, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang **sinaulong talumpati**, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. **Mga Uri ng Talumpati** 1\. **Talumpati na Nagpapaliwanag** Layunin ng talumpati na magbigay ng impormasyon o paliwanag sa pamamagitan ng pag-uulat at paglalarawan. Simple at direkta ang paglalahad ng impormasyon upang madaling maunawaan ng mga tagapakinig. 2\. Talumpati na Nanghihikayat Layunin nitong makaimpluwensiya sa pag-iisip at kilos ng mga tagapakinig. Nagbibigay ng sapat na mga katibayan upang mahimok ang mga tagapakinig na paniwalaan ang sinasabing idea o pananaw. Kinakailangang maalam ang nagsasalita sa kaniyang pinupunto o sinasabi. 3\. **Talumpati ng Pagpapakilala** Isinasagawa ito upang ipakilala ang isang panauhin sa isang pagtitipon o gawain batay sa kaniyang mga karanasan at posisyon upang mabigyan ng kaalaman ang mga tagapakinig tungkol sa kaniyang buhay at upang maihanda ang mga tagapakinig sa sasabihin ng magtatalumpati. 4\. Talumpati ng Pagsalubong Madalas itong isinasagawa sa mga programa o okasyon. Ito ang paunang pagbati at pagpapaliwanag sa kahalagahan at layunin ng idinaraos na okasyon bago ito isagawa. 10 CO\_Q2\_Filipino10\_Module6 5\. Talumpati ng Pamamaalam Isinasagawa ito sa huling bahagi ng isang programa o okasyon. Laman nito ang mensahe ng pasasalamat sa mga dumalo at panghihikayat sa mga panauhin na pahalagahan ang layunin ng isinagawang programa. **Paano ang Pagsulat ng Mabisang Talumpati?** Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang pagpili ng paksa. Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang ikapagtatagumpay ng isang pagtatalumpati. Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng paksa ng isang talumpati? *Tumutugon sa layunin* -- naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod na layunin: magturo, magpabatid, manghikayat, manlibang, pumuri, pumuna at bumatikos *Napapanahon* -- ang paksa ng talumpati ay tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan. **Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati** 1\. **Paghahanda sa Pagsulat** -- Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at mga idea para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano sa paglikha, pagtuklas, pagdedebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga idea. 2\. **Aktwal na pagsulat** -- Sa hakbang na ito isinasalin mga idea sa mga pangungusap at talata. Malayang gumamit ng iba't-ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng mga ideya. Maaari ring magdagdag at magbawas ng mga impormasyon o ideya na angkop sa pangunahing paksa o tema ng ginagawang talumpati. 3\. **Pagrerebisa at Pag-eedit** -- Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipan upang masigurong handa na ang talumpati. Ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa nilalaman sa organisasyon ng mga idea at sa estruktura ng mga pangungusap at talata. **Mga Bahagi ng Talumpati** 1\. **Panimula** -- Sa bahaging ito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig. Kadalasang gumagamit ng anekdota o mga linya/pahayag na panawag-pansin ang nagtatalumpati upang pukawin ang interes ng mga tagapakinig. 2\. **Paglalahad** -- Ang bahaging ito ang pinakakatawan sa talumpati. Dito inilalahad ang isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay. Dito rin ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang layunin ng kaniyang talumpati sa mga tagapakinig. 3\. **Paninindigan** -- Dito ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang kaniyang mga katuwiran hinggil sa isyu. May layunin itong humikayat o magpaliwanag sa mga nakikinig. 4\. **Pamimitawan/Konklusyon** -- Sa bahaging ito binibigkas ang pangwakas na pangungusap ng isang talumpati. Kailangan din magtaglay ito ng masining na pangungusap upang mag-iwan ng kakintalan sa mga tagapakinig. ang pangungusap ay binubuo ng paksa at panaguri? Ang bawat bahagi ng pangungusap ay maaring buoin pa ng maliliit na bahagi. Sa **pagpapalawak ng pangungusap**, pinapalawak ang mga maliliit na mga bahagi sa paksa at panaguri. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at paksa, at pagsasama o pag-uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap. Sa pagsusuri ng pangungusap ay tinitingnan kung paano ito pinalalawak. Upang masuri ang pagpapalawak ng pangungusap kailangang malaman ang mga paraan kung paano ito ginagawa. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at paksa gayondin ang pagsasama-sama o pag-uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap. Hindi dapat na pinalalawak lamang ang pangungusap, kailangang suriin ang kasanayan at kaisahan ng pagpapalawak nito. **Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri** Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpapalawak sa panaguri sa tulong ng *ingklitik, komplemento, pang-abay,* at iba pa. Napalalawak naman ang pangungusap sa tulong ng paksa sa tulong ng *atribusyon o modipikasyon, pariralang lokatibo o panlunan, at pariralang naghahayag ng pagmamay-ari*. **Panaguri** -- Nagpapahayag ng tungkol sa paksa. 1\. **Ingklitik** -- tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay. *Halimbawa:* Batayang Pangungusap: Si Dilma Rousseff ang pangulo ng Brazil. Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil. Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil? Batayang Pangungusap: Ibinaba ang *poverty income threshold*. Ibinaba rin ang poverty income threshold o ang halagang dapat kitain ng isang pamilya na may limang miyembro. 2\. **Komplemento/Kaganapan** -- Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa. Sangkap ito sa pagpapalawak ng pangungusap. *Halimbawa:* Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan. (Tagaganap) Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, kape para sa matatanda, gatas para sa bata. *(Tagatanggap)* Ipagpapatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan. *(Layon)* Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. *(Ganapan)* Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga panukat. *(Kagamitan)* Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay bumaba mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon. *(Sanhi)* Nagtungo ang mga tao sa harap ng Palasyo upang makinig sa talumpati ng pangulo. *(Direksyunal)* 3\. **Pang-abay** -- Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. *Halimbawa:* Batayang Pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo. Pagpapalawak: Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang lahat. **Paksa** -- Ang pinag-uusapan sa pangungusap. 1\. **Atribusyon o Modipikasyon** -- May paglalarawan sa paksa ng pangungusap *Halimbawa:* Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na opisyal na iyon. Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo. 2\. **Pariralang Lokatibo/Panlunan** -- ang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng lugar *Halimbawa:* Inaayos ang plasa sa Brazil. Marami rin ang nasa Luneta upang makinig ng talumpati. 3\. **Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari** -- Gamit ng panghalip na nagpapahayag ng pagmamay-ari. *Halimbawa:* Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral. Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko. Ang ***Social Media*** ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga idea sa isang *virtual* na komunidad at mga *network*? Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga *Internet-based* na mga aplikasyon na bumubuo ng ideolohikal at teknolohikal na pundasyon ng *Web 2.0* na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng *social media*: **Facebook** -- Ito ay isang uri ng *social media* na kung saan maaring magdagdag ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. **Twitter** -- Ito ay tawag sa *microblogging* na serbisyong nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang *tweets.* Ang mga nakarehistrong *user* ay maaaring magpost ng mga *tweet* ngunit ang mga di-nakarehistro ay maaari lámang magbasá ng mga ito. Naaakses ng mga *user* ang *twitter* sa pamamagitan ng *website interface* nito, *SMS,* o isang *app* sa isang *mobile device.* **Instagram** -- Ito ay isang uri ng *social media* na may serbisyong magbahagi ng kanilang larawan at *video*. Pinapayagan ang mga gumagamit na mag edit at mag upload ng mga larawan at maiikling *video* sa pamamagitan ng isang *mobile app.* Ang mga gumagamit ay maaring magdagdag ng isang *caption* sa bawat isa sa kanilang mga *post*. **YouTube** -- Ito ay isang *website* na nagbabahagi ng mga *video* at nagbibigay-daan para sa mga tagagagamit nito na magbahagi, makita, at ibahagi ang mga *video clips*. Ang mga *video* na ito ay maaaring gawing reaksiyon; ang dami ng husga o *likes* at ng mga nakanood ay parehong nakalathala. Maaari ring mag-iwan ng komento ang mga manonood sa karamihan ng *video.* **Wattpad** -- Ito ay isang *website o app* para sa mga mambabasa at manunulat na maglathala ng mga bagong kuwento na nilikha ng gumagamit sa iba't ibang genre. Nilalayon nitong lumikha ng mga pamayanan panlipunan sa pamamagitan ng mga kuwento para sa mga baguhan at batikang manunulat. Sa patuloy na paggamit ng kabataang tulad mo sa *social media*, maraming mga salita ang nabuo na palaging ginagamit at nakikita sa *social media*. Basahin ang sumusunod na pahayag. *"Ang ganda ng suot ko, mag-**selfie** nga ako."* *"**Flex** ko lang itong bagong cellphone ko."* *"Ang talino talaga niya sa klase, **Lodi**!"* *"Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, **friendzone** pa rin ako."* *"**Pabebe** naman itong babaeng ito!"* *"Hala Friend, ang ganda-ganda mo naman ngayon. **Charot!"*** Pansinin ang mga salitang nabigyang diin, pamilyar ka ba sa mga ito? Halina't bigyang natin ito ng kahulugan. **Selfie** -- Pagkuha ng larawan sa sarili gamit ang gadyet. **Friendzone** -- Isang uri ng relasyon na hanggang kaibigan lamang, marahil hindi pa handa ang isang tao o sadyang kaibigan lang ang turing nito. **Flex** -- Ang salitang ginagamit kapag may ipinagmamayabang, ito ay maaring tao, hayop o bagay. **Lodi** -- Hango sa salitang ingles na *idol* at binaligtad ito upang maiba ang pagbigkas. Ito ang salitang ginagamit kung mayroon kang taong hinahangaan. **Charot** -- Nangangahulugang na nagbibiro lamang o biro lang. **Pabebe** -- Ang ginagamit na salita sa taong maarte sa kaniyang kilos. **Anyo ng Panitikan sa *Social Media*** Ang paglaganap ng internet at pag-usbong ng iba't ibang *social media* ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa anyo ng panitikan. Ang pagkahilig ng marami, lalo na ng mga kabataang tulad mo sa mga kontemporaryong anyo ng panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyonal na anyo nito. Sa pamamagitan ng *social media* at mga aplikasyon nito sumasabay ang panitikan sa modernisasyon ng mundo -- sa pabago-bagong aspekto ng teknolohiya at internet. Ang modernisasyong ito ang nagluwal sa makabagong anyo sa pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo ng panitikan na labis na kinahuhumalingan ng mga kabataan. Maraming mga kabataan ngayon ang nawiwili sa pagbabasa o panonood sa iba't ibang anyo ng panitikan sa *social media*. **Blog** -- Ito ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga artikulo na may iba't ibang mga partikular na paksa. **Hugot lines** -- Pangungusap na nabuo mula sa paghihinuha ng mga sariling karanasang kadalasang tungkol sa pag-ibig. **Pick-up lines**/Banat -- Tumutukoy sa magiliw na paggamit ng paghahambing upang makatawag atensiyon sa taong pinatutungkulan nito. **Vlog --** Isang uri ng *blog* na ginagamit ang *video* bilang medium. Ito ay tinatawag na *web television*. Ang mga vlog ay kadalasang napanonood sa *YouTube.* **Fliptop** -- Pagsasagutan ng dalawang magkalabang panig sa pamamagitan ng rap o mabilis na pananalita. Tinatawag din itong makabagong balagtasan ng mga kabataan. **Spoken word poetry** -- Isang anyo ng tula na may malikhaing pagsasaad ng kuwento o pagsasalaysay. Ito ay malikhaing inilalahad ng patula sa mga madla. ***Dagli*** ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling maikling kuwento? Ang dagli ay isang napakaikling kuwento na nakapokus sa isang karanasan o pangyayari sa buhay ng isang tauhan. Mapapansing gahol ito sa banghay at walang aksiyong umuunlad kaya mga paglalarawan lamang sa mga sitwasyon. Ito ay isang anyo ng Panitikang Filipino na nagsasalaysay ng iba't ibang paksa sa buhay ng isang tao. Nagsasalaysay na lantaran at walang-timping nangangaral, namumuna, nanunudyo o kaya'y nagpapasaring. Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ang nauusong estilo ng maikling kuwento. Mga kuwentong pawang sitwasyon lamang, *plotless* wika nga sa Ingles. Ito rin ay napagkakamalang katumbas ng *flash fiction* o *sudden fiction* sa Ingles. Maraming mga tanyag na manunulat ngayon ang naglathala ng kani-kanilang aklat na naglalaman ng mga dagli. Isa na rito si Eros Atalia na naging kilala sa kaniyang aklat na "Wag Lang Di Makaraos" kung saan ito ay kalipunan ng isang daang mga dagli taong 2011 na hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong binabasa ng mga kabataang tulad mo. Iba't ibang paksa at layunin ang kaniyang mga dagli maaaring nagpapatawa, nagpapasaring, nagbubukas ng kamalayan at nag-iiwan ng isang makahulugang mensahe o aral. Mapapansin ang paglaganap ng dagli sa *social media*, maaring ito ay napapanood o nababasa sa iba't ibang aplikasyon.