AKADEMYA AT KARANASANG AKADEMIKO PDF 2024

Document Details

HarmoniousEpigram1010

Uploaded by HarmoniousEpigram1010

MSU-IIT Integrated Developmental School

2024

Alexandra Jane R. Badelles George Salvador J-lai Mariane S. Taladua

Tags

Filipino education academic skills Filipino studies

Summary

This document discusses the roles of academia and the importance of academic skills. It explains how these skills are used in Filipino society. The authors are Alexandra Jane R. Badelles, George Salvador, and J-lai Mariane S. Taladua.

Full Transcript

AKADEMYA AT KARANASANG AKADEMIKO Alexandra Jane R. Badelles George Salvador J-lai Mariane S. Taladua Filipino | 2024 PAGKATAPOS NG ARALING ITO, INAASAHANG MAISASAGAWA NG MGA MAG-...

AKADEMYA AT KARANASANG AKADEMIKO Alexandra Jane R. Badelles George Salvador J-lai Mariane S. Taladua Filipino | 2024 PAGKATAPOS NG ARALING ITO, INAASAHANG MAISASAGAWA NG MGA MAG- AARAL ANG SUMUSUNOD: Akademya at Karanasang Akademiko 1 naipaliliwanag ang ilang tungkulin ng akademya 2 nakapagbibigay-halimbawa ng gawaing akademiko 3 naipaliliwanag ang ugnayan ng mapanuri at malikhaing pag-iisip. Ang Tungkulin Ng Akademya Nabibigyan ng kaalaman at kasanayan ang isang indibidwal upang maunawaan niya ang mga nangyayari sa kaniyang paligid, lipunan, at mundo. Batay sa kaniyang mga kaalaman, kasanayan, at pagkaunawa, inaasahang makakakilos siya kasama ng ibang tao para mabuhay nang maayos ang sarili, ang kaniyang pamilya, ang pamayanan, at ang buong lipunan. Ang akademya ang isa sa mga institusyong pumapanday sa kaalaman at kasanayan na kailangan para sa iba’t ibang tungkuling gagampanan ng isang indibidwal sa lipunan. Sa pamamagitan ng mga gawaing akademiko, karaniwang natitipon at nasusuri ang mga datos; nadedebelop ang mga metodo ng pananalisik; at nabubuo ang mga bagong konsepto, teorya, at mismong kaalaman. Ang anumang nalilinang sa mga disiplina ay hindi dapat makulong hanggang sa bakuran lang ng akademya. Akademya at Karanasang Akademiko Nababawasan at nalulunasan ang mga sakit Akademya at Karanasang Akademiko Napauunlad ang sistema ng komunikasyon at transportasyon Naiaayos ang pamumuhay ng tao sa Akademya at Karanasang Akademiko pamamagitan ng mga tuklas sa pabahay, pagkain, at trabaho. Akademya at Karanasang Akademiko Napahahalagahan ang kapaligiran Ang pag-aaral o pananaliksik na ginagawa sa Akademya at Karanasang Akademiko loob ng akademya ay mahalagang makatulong, tuwiran man o di-tuwiran, sa paglutas ng mga suliranin ng mga tao at ng lipunan. Samakatwid, nag-aambag ang gawaing akademiko sa pagpapabuting buhay ng lahat. Kasanayan at Gawaing Akademiko Pangunahing pinauunlad sa akademya ang mga kaalaman at kasanayan ng mga indibidwal at ng mga pangkat ng tao sa loob ng pamayanang ito. Sa proseso, napapaunlad din ang mga larangan ng kaalaman o disiplina, at sa kalaunan, nag-ambag din ito sa pag-unlad at pagbuti ng mas malawak na pamayanan at ng kabuoan ng lipunan. Pinapaunlad ng akademya ang kakayahan kung paano mag-isip, hindi kung ano ang dapat isipin. Ang mga impormasyon (kung ano ang iisipin) ay naluluma, puwedeng mali o tama, at maaaring mamanipula. Gayunpaman, kung may kakayahan at kasanayang gawin ang iba’t ibang proseso ng pag-iisip, lumilikha ito ng bagong mga kaalaman; nasusuri at napag-iiba ang tama sa mali, katotohanan at opinyon; at natitiyak kung anong impormasyon ang dapat pagtiwalaan. Mahalaga na mapanday ang mga kasanayang akademiko ng isang indibidwal, ng bawat estudyante, upang magampanan niya ang kaniyang tungkuling akademiko-ang pagpapaunlad ng sarili, ang larangan ng kaalaman, at ng lipunan Ang mga kasanayang akademiko ay maaaring tumukoy sa mga ginagawa at kaugalian ng mga estudyante upang maisakatuparan ang mga inaasahang gawain, kahingian, at tungkulin sa mas mataas na edukasyon. Maaaring mauri ang mga kasanayang akademiko sa batayang kasanayan at mataas na kasanayan. Halimbawa ng mga batayang kasanayan sa kasanayang akademiko TPGLSUAA Tumutukoy sa pagbuo ng mga simpleng sulatin tulad ng mga sanaysay tulad ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad, o pangangatwiran; repleksiyon o reaksiyong papel at report. PAGSULAT Tumutukoy sa pagbuo ng mga simpleng sulatin tulad ng mga sanaysay tulad ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad, o pangangatwiran; repleksiyon o reaksiyong papel at report. Dapat maipamalas dito ang kakayahang bumuo ng epektibong mga pangungusap at talata. Inaasahan ding ang sulatin ay may kaisahan, lohikal na nakaayos, at may nadebelop na pangunahing ideya o argumento. ABPGAAS Tumutukoy sa kakayahang bigyang- kahulugan ang mga salita at mapag- ugnay-ugnay ang kahulugan ng mga ito upang makabuo ng panibagong kaisipan ang isang pangungusap o talata sa isang sulatin. PAGBASA Tumutukoy sa kakayahang bigyang- kahulugan ang mga salita at mapag- ugnay-ugnay ang kahulugan ng mga ito upang makabuo ng panibagong kaisipan ang isang pangungusap o talata sa isang sulatin. Bahagi rin ng pagbasa ang kakayahang matukoy kung ano ang pangunahin at pantulong na mga ideya. ASYONPRENTES Tumutukoy sa pagsasalita sa publiko, sa kakayahang magplano ng paglalahad ng mga ideya para sa maayos na presentasyon. PRESENTASYON Tumutukoy sa pagsasalita sa publiko, sa kakayahang magplano ng paglalahad ng mga ideya para sa maayos na presentasyon. Kailangang maging maalam at malikhain sa paggamit ng wika, materyales na awdiyo-biswal, at teknolohiya para epektibong maipaabot sa makikinig o manonood ang mga impormasyon at ideya. KUMDOASYONTEN Tumutukoy sa angkop at sistematikong pagkilala sa pinagkunan ng datos, impormasyon, o ebidensiya para sa isang sulatin. DOKUMENTASYON Tumutukoy sa angkop at sistematikong pagkilala sa pinagkunan ng datos, impormasyon, o ebidensiya para sa isang sulatin. Halimbawa ng mga mataas na kasanayan sa kasanayang akademiko Pagiging mapanuri Sa unang antas, tumutukoy ito sa kakayahang sumuri o humimay ng mga bahagi o aspekto ng isang paksa o teksto, o kakayahang tasahin o bigyang ebalwasyon ang mga bagay-bagay. Pagiging mapanuri Sa isa pang antas, maaari din itong tumukoy sa isang pananaw o kamalayan. Ang pagiging mapanuri ay hindi lamang pinagagana o pinaiiral sa pagsulat ng papel, kundi sa iba pang gawaing akademiko. Tulad halimbawa ng pakikinig sa mga lektura, panonood ng pelikula at iba pang uri ng palabas, pakikipagtalakayan sa kaklase, o pagbabasa ng isang artikulo. Nagiging mapanuri ang isang tao kung hindi lamang pasibong nagbabasa, nakikinig, o tumatanggap ng anumang nae-engkuwentrong teksto sa paligid. Sa halip, iniuugnay niya ito sa iba pang teksto at konteksto. Akademikong pagsulat Tumutukoy sa pagsulat na mas pormal at mas nakabatay sa saliksik. Karaniwang ang akademikong komunidad din ang mambabasa nito. Mapanuring pagbasa Tumutukoy ito hindi lamang sa pag- intindi sa sinasabi ng binasang teksto kundi sa kakayahang makipagdiyalogo sa teksto. Naipamamalas ito sa pamamagitan ng pag-uugnay ng dating kaalaman ng mambabasa, pagbuong koneksion sa ibang teksto, paghimay sa naging batayang argumento ng teksto, at pagpapatibay o pagpapasubali sa argumento. Pagbuo ng konsepto at pagpaplano Tumutukoy ito sa pagpili ng paksa (kung hindi ito ibinigay o itinakda), at mas mahalaga pa, sa pagtukoy ng tiyak na suliranin o aspekto ng paksa na maaaring idebelop, gawan ng pag-aaral, at sulatin. Pagbuo ng konsepto at pagpaplano Kasama na rin dito ang pagbuo ng plano kung paanong isasagawa ang pag-aaral o pananaliksik-ang pagkukunan ng datos, ang metodo para makalap ang datos, at ang tiyak na perspektiba o teorya para masuri ang mga datos. Pagbuo ng sulating pananaliksik Tumutukoy ito sa pagtalakay at pagsagot sa isang suliraning akademiko o panlipunan sa pamamagitan ng pagsulat ng pananaliksik. Bahagi ng pananaliksik ang pagtitipon ng mga datos, paglalahad at pagsusuri ng datos batay sa isang pananaw o teorya, pagbuo ng mga kongklusyon. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga kasanayang dinedebelop sa akademya, at nailinang ito sa pamamagitan ng iba't ibang akademikong gawain at pagsasanay. Sa aklat na ito, bibigyang-diin ang mapanuring pagbasa at akademikong pagsulat. Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip Mapanuring pag-iisip Tumutukoy ito sa pagsulat ng kritikal na mga papel, artikulong nakabatay sa saliksik, panunuring papel, report at iba pang tumutukoy sa teknikal o pormal na pagsulat. Mapanuring pag-iisip Iniiuugnay sa pagsusuri, pagtatasa, at paghuhusga sa mga ideyang mahahango sa iba’t ibang sanggunian. Malikhaing pag-iisip Tumutukoy sa pagsulat ng mga kuwento, tulad, dula, personal na sanaysay, at iba pang nagpapagana ng imahinasyon. Malikhaing pag-iisip Karaniwa ng iniuugnay sa pagbuo o paglikha ng mga akda na mahahalaw sa sariling karanasan at imahinasyon. Wika Bilang Kasangkapang Panlipunan Ang wika ay isa sa pinakamahalangang kasangkapan sa lipunan. Hindi lamang ito instrumento ng komunikasyon, mahalaga rin itong instrumento para sa pagkakaisa gaya ng iba pang bansa ikatlong-daigdig kung saan ang kanilang Wikang Pambansa ay instrumento sa kanilang multiracial o multi-etnik na lipunan. Gayunpaman, maari din itong maghati o mag bukod-bukod ng mga tao at lipunan. Ang wika ay isa sa pinakamahalangang kasangkapan sa lipunan. Hindi lamang ito instrumento ng komunikasyon, mahalaga rin itong instrumento para sa pagkakaisa gaya ng iba pang bansa ikatlong-daigdig kung saan ang kanilang Wikang Pambansa ay instrumento sa kanilang multiracial o multi-etnik na lipunan. Gayunpaman, maari din itong maghati o mag bukod-bukod ng mga tao at lipunan. Wika at Literasi Literasi Literasi Ang kakayahang magbasa, magsulat, magsalita at makinig sa paraang nagbibigay-daan sa atin na makipag-usap nang epektibo at magkaroon ng kahulugan sa mundo. Literasi Ang literasi ay mahalagang iugnay sa wika lalo na kung susuriin ito bilang mahalagang aspekto ng edukasyon, politika, at ekonomiya ng bansa. Ang literasi ay hindi lamang pagkatuto kundi pagkatuto sa wika. Ayon nga kay Gunnar Myrdal (1970), anomang pagtatangkang bumuo ng isang bagay na may pag- uugnayan at may malawak na pakikisangkot ng mga mamamayan ay nangangailangan ng mas malawak na literasi. Malinaw na ito rin ang kailangan para magkaroon ng epektibong demokrasyang politikal. (Salin ni Pamela Constantino) Sa Pilipinas, ang lumalalang problemang ekonomiko ay nakaapekto nang malaki sa literasi ng bansa. Ayon sa World Development Report noong 1986, sa taong 1973-1974 ang Pilipinas ang may pinakamababang porsiyento ng pag-unlad sa mga bansang ASEAN. PAGGAMIT NG WIKANG KATUTUBO PAGGAMIT NG WIKANG KATUTUBO minimum na functional literacy kapakinabangang sosyal at panlipunang pakikisangkot kultural na pagbabago at pagkakaisa maging kasama ng mga ito tungo sa pag- unlad ng bansa Nasyonalismo Ang nasyonalismo ay itinuturing na isang ideolohiya. Ano nga ba ang ideolohiya? Nasyonalismo Ang nasyonalismo ay itinuturing na isang ideolohiya. Ayon kay Plamenatz (1970), ang ideolohiya ay tumutukoy sa isang "set ng magkakaugnay at organisadong paniniwala o ideya, at maging atityud ng isang pangkat o komunidad. Nasyonalismo bilang ideolohiya: kamulatang pambansa pambansang identidad dimensiyong heograpikal patriotismo pangangailangang aksiyon para sa lalong ikagagaling ng pangkat o komunidad. Nasyonalismo Sa paanong paraan mahalaga sa nasyonalismo ang wika? Nasyonalismo Sa paanong paraan din ang mahalaga sa larangan ng edukasyon at ekonomiya ang wika? Nasyonalismo Mahalaga ang nasyonalismo para sa ekonomikong pag-unlad ng isang bansa. Ang pagprotekta sa interes ng sariling bansa laban sa kompetisyon at pagdodomina ng mga dayuhang kapitalista ay isang pagkilos na tutulong sa ekonomikong pag-unlad ng bansa. Nasyonalismo pagkakaisa wika wikang pambansa Nasyonalismo Ngunit ang isang wikang pambansa, para maging pag tunay na pambansa ay hindi lamang dapat manatiling isang wikang pambansa. Dapat ding maging pambansa ang gamit nito-sa edukasyon, batas, gobyerno, korte, mass media, at iba pa. At magagawa lang ito sa pamamagitan ng political will ng gobyerno. Sa isang lektura kaugnay ng ika-26 na anibersaryo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, naging paksa ang etnisidad at nasyonalismo. Pinaniniwalaan ng pag inimbitahang tagapagsalita at mga nakikinig na wala pa tayo hanggang sa ngayon (pagkaraan ng 40 taon mula nang mabigyan ng kalayaan) sa yugto ng nasyonalismo. Hanggang ngayon ay etnisismo o etnisidad pa rin ang umiiral. Kaya't mas binibigyan ng mga Pilipino ng identipikasyon ang ating pagiging Tagalog, Bisaya, Ilokano, o Kapampangan kaysa bilang mga Pilipino. Mas gugustuhin pa na magdomina ang banyaga kaysa kapuwa katutubo huwag lamang madehado ang sarili. Kolonyalismo at Multilingguwalismo KASTILA DIVIDE AND RULE AMERIKANO Ang sikolohiya ng edukasyon pagbibigay at wika kung ano ang ino ipinagkait. ilip P Ayon kay Joshua Fishman (1971), ang multilingguwalismo ay hadlang sa nasyonalismo. At kung susundan natin ang lohika, apektado ang ekonomikong pag-unlad ng isang bansang multilingguwal. Naging obserbasyon ng mga sociologist at political scientist na ang mga bansang monolingguwal ay mas maunlad o mas madaling umuunlad kaysa mga bansang multilingguwal. Multilingguwalismo Hindi lamang ito bansang hindi naging biktima ng kolonyalismo kundi isa ring monolingguwal na bansa. Magandang pag-aralan ang tindi ng nasyonalismo ng mga Hapon. Determinado ang gobyernong Hapon na paunlarin at palalimin ang nasyonalismong ito sa pamamagitan ng eskuwelahan at mismong sa mga patakarang pang-ekonomiya. Multilingguwalismo Ponciano Intal, Jr., isang propesor ng Economics sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños (UPLB) Mahalaga ang kultural na nasyonalismo sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Upang paunlarin ang kultural na nasyonalismo, iminungkahi niya ang pagpapakuha sa mga kolehiyo ng mga asignaturang pangwika at pampanitikan ng Pilipinas. Multilingguwalismo Ang sustenadong ekonomikong pag- unlad ay sumasabay, batay sa kasaysayan, sa pagyabong ng kultural na nasyonalismo at sa paggigiit tungo sa pagdodomina ng pagkakaroon ng pambansang identidad at pagmamalaki sa bansa kaysa sa rehiyon at/o mga banyagang nasyon. Pagkakaisa at Paglaya WIKA Kasangkapan o instrumento ng pagkakaisa at paglaya tungo sa ekonomikong pag-unlad na magreresulta sa pag-unlad ng kaisipan ng mga mamamayan sa isang kolonyal o malakolonyal at multilingguwal na lipunan. Maraming Salamat!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser