Aralin III: Ang Tunay na Kalayaan (ESP-10) PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng aralin tungkol sa kalayaan. Tinatalakay ang kahulugan ng kalayaan, mga aspekto at responsibilidad na kaakibat nito.

Full Transcript

ARALIN III Ang Tunay na Kalayaan Ano nga ba ang Kalayaan? Ikaw at ako, nais makamit ang kalayaan. Bawat tao ay may karapatang mabuhay at magpasya anuman ang nais gawin at walang makakahadlang sa kanyang gawin ito. Isang napakahalagang karapatan ng isang tao ang kalayaan - walang sinuman ang pwedeng...

ARALIN III Ang Tunay na Kalayaan Ano nga ba ang Kalayaan? Ikaw at ako, nais makamit ang kalayaan. Bawat tao ay may karapatang mabuhay at magpasya anuman ang nais gawin at walang makakahadlang sa kanyang gawin ito. Isang napakahalagang karapatan ng isang tao ang kalayaan - walang sinuman ang pwedeng humadlang o pumigil sa anumang naisin at gawin sa kanyang buhay. Malayang gampanan ang anumang bagay na magpapaunlad at magpapaligaya nito. Malayang lumikha, magtatag at magsagawa ng anumang makabuluhang bagay sa ikakaunlad ng sarili, mga kasamahan at maging ang iyong pamayanan at walang magiging anumang agam-agam o alalahanin sa paggawa ng mga ito. Mapayapa, mahusay, at maligaya ka sa pagtupad ng mga tungkulin bilang masunuring mamamayan. (Johann) Ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad o may kasunod na responsibilidad. Ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad o may kasunod na responsibilidad. Dalawang responsibilidad 1. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos loob - Ito ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan 2. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ng sitwasyon - Pagkilos ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Dalawang aspekto ng Kalayaan 1. Kalayaan Mula Sa (Freedom From) - Ang kalayaan mula sa ay ang kawalan ng hadlang ng isang tao sa pagkamit ng anumang naisin. Malaya siyang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay at para maging ganap na malaya ang isang tao, dapat kaya niyang pigilin at pamahalaan ang nais ng kanyang sarili. Mga negatibong katangian at pag-uugali na kailangang iwasan para ganap na maging Malaya a. Makasariling interes b. Katamaran c. Kapritso d. Pagmamataas 2. Kalayaan Para Sa (Freedom For) - Inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sariling kapakanan. Kung ang isang tao ay malaya sa pagiging makasarili. Upang patuloy na makapagmahal at makapaglingkod ang isang tao, kailangang malaya siya - mula sa pansariling interes na nagiging hadlang sa kanyang pagtugon sa pangangailangan ng kanyang kapwa. Dalawang uri ng Kalayaan 1. Malayang Pagpili (Free Choice o Horizontal Freedom) - Ang malayang pagpili ay ang pagpili sa kung ano ang alam ng taong makabubuti sa kaniya (goods). Ang isang bagay ay pinipili dahil nakikita ang halaga nito. 2. Vertical freedom o fundamental Option - Ito ay tumutukoy sa pangunahing pagpiling ginagawa ng isang tao. a. Ang pagtaas o tungo sa mas mataas na halaga o fundamental option ng pagmamahal - nangangahulugan ito ng pagpili sa ginagawa ng tao; kung ilalaan ba niya ang kanyang ginagawa para sa tao at sa Diyos. b. Ang pagbaba tungo sa mas mababang halaga o fundamental option ng pagkamakasarili - ito ang mas mababang fundamental option dahil wala kang pakialam sa iyong kapwa at sa Diyos. Sinabi natin na ang kalayaan ay may dalawang uri: (1) freedom of choice at (2) fundamental freedom. Ang una ay tumutukoy sa karapatan ng tao na malaya at may kakayahang pumili. Ang ikalawa ay kalakip ng unang uri. Ang fundamental ay tumutukoy sa angkop na responsibilidad sa malaya nating napili. Ang mga banghay at tala ng kaisipan na nakapaloob ay ilan lamang sa mga dapat tandaan o isaalang-ala sa paggawa ng angkop na kilos tungo sa pagtugon o pagsasabuhay ng tunay na kalayaan. 2 Fundamental Option sa Pagpili 1. Pagmamahal – mataas na option, ito ang paglalaan sa buhay o sarili na mamuhay kasama ang kapuwa at ang Diyos. 2. Pagkamakasarili – mababang option, ito ay ang mabuhay para sa sarili niya lamang. Mga kaisipan sa pagtugon ng tunay na kalayaan ✓ Ang karanasan sa buhay ay napahalagang kontribusyon sa sariling pagpili ng isang tao ng angkop na kilos kung paano niya tutugunan ang isang sitwasyon. Nakapaloob sa kanyang napiling gagawin ang kanyang kadakilaan. ✓ Mga positibong pag-uugali na dapat taglayin kagaya ng pagmamahal, pagibig, paglilingkod, atbp upang matugunan ang tunay na kalayaan. ✓ Mga negatibong kaugaliang dapat iwasan ay ang pagiging sakim, ganid, mapang-api, atbp dahil sagabal sa pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa. ✓ Ang pagiging responsibilidad sa resulta ng kilos ay kalakip ng pagmamahal at paglilingkod sa pagtugon ng kalayaan. ✓ Ang pagmamahal ay isang panloob na kalayaan (inner freedom), ayon kay Johann. Ang tunay na pagmamahal at paglilingkod ay pagkukusa hindi ito sapilitan at hindi puwedeng ikaw ay diktahan. GAWAIN 1 PUNUTO: Basahing mabuti ang sitwasyon na nakapaloob sa ikalawang hanay. Ibigay ang tinutukoy nito na negatibong katangian ng pagdedesisyon at ibigay ang tamang desisyon na dapat mong gawin. Kopyahin at isulat ang iyong sagot sa isang buong papel. Negatibong katangian Sitwasyon Tamang desisyon na gagawin sa sitwasyon Pagbili ng mga bagay bagay na hindi masyadong kailangan Hindi pagsasabi sa kamagaral kung mayroong libreng ayuda na ipamimigay ng paaralan o barangay Pagsasabing masakit ang pangangatawan kung alam na maraming trabahong dapat tapusin. Pag ginusto ay pilit na kinukuha Hindi alam makinig sa pakiusap o sinasabi ng iba PAGSUSULIT 1 Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at isulat naman ang Mali kung hindi wasto ang ipinapahayag. Hindi kailangan kopyahin sagutan lamang ito sa isang buong papel. ________1. Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagpapasaya sa damdamin. ________ 2. Magsuot ng damit na nakikita ang pusod dahil uso ngayon. ________3. Isulat ang nais ipahayag sa gusali ng paaralan. ________4. Hindi sumamang magtanan si Mariel kahit na mahal na mahal niya ang kasintahan. ________5. Alam mong pwedeng ulitin ang isang asignatura sa darating na pasukan kaya hindi ka na pumasok pagkatapos ng ikatlong pagsusulit ________6. Pinagsabihan mo ng masasakit na salita ang iyong kaibigan dahil sa sobrang galit. ________7. Ang pagsigaw at paghalakhak ng malakas habang nanonood sa isang pagtanghal ay pagpapakitang maganda ang pinanonood. ________8. Pinagsabihan ka ng iyong ina na buksan ang sulat ng ate mo upang malaman kung sino ang sumusulat sa kanya. ________9. Bilang isang miyembro ng isang samahan sa iyong paaralan, sumama kang pumunta sa iyong pungguro upang magsumbong na hindi naglilinis ang ibang mag- aaral kung eskedyul nila. ________10. Kapatid ng nanay mo ang kahera ng paaralan, pumipila ka upang magbayad.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser