Saligang Batas ng Pilipinas (PDF)

Summary

Ang dokumento ay tungkol sa mga probisyon ng Saligang Batas ng Pilipinas, partikular ang konsepto ng separation of powers at checks and balances. Binibigay nito ang mga detalye ng mga kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan.

Full Transcript

Ang isa sa pinakamahahalagang isinasaad ng Saligang Batas ay ang pagkakaroon ng separation of powers o paghihiwa-hiwalay ng kapangyarihan sa tatlong sangay ng pamahalaan. Sa ganitong paraan, malayang magagawa ng bawat sangay ang tungkulin nito. Mahalaga ang separation of powers upang maiwasan ang ko...

Ang isa sa pinakamahahalagang isinasaad ng Saligang Batas ay ang pagkakaroon ng separation of powers o paghihiwa-hiwalay ng kapangyarihan sa tatlong sangay ng pamahalaan. Sa ganitong paraan, malayang magagawa ng bawat sangay ang tungkulin nito. Mahalaga ang separation of powers upang maiwasan ang konsentrasyon ng kapangyarihan at magbigay ng checks and balances. Nililimitahan nito ang kapangyarihan ng isa pang sangay upang maiwasan ang pang-aabuso sa kapangyarihan. Narito ang ilang probisyong nakasaad sa Saligang Batas na alinsunod sa prinsipyo ng checks and balances: 1\. Maaaring i-veto o hindi pagtibayin ng pangulo ang anumang batas na ipinasa ng Kongreso. Gayundin, ang veto ng pangulo ay maaaring mapawalang-bisa ng Kongreso kung ito ay may sapat na bilang ng mambabatas na susuporta sa batas. 2\. Ang batas na pinagtibay ng Kongreso at ang utos ng pangulo ay maaaring suriin ng Korte Suprema kung ito ay labag sa Saligang Batas. Mapapawalang-bisa ng Korte Suprema ang batas kung ito ay labag dito. 3\. Ang pangulo, pangalawang pangulo, at punong mahistrado ng Korte Suprema ay maaaring maalis ng Kongreso sa kanilang tungkulin sa pamamagitan ng impeachment. 4\. Ang sangay na hudikatura ang nagbibigay-kahulugan sa mga batas, ngunit ang pangulo ang nagtatalaga ng magiging mahistrado sa Korte Suprema, mga hukom ng Court of Appeals, at iba pang mga hukom sa mababang hukuman. 5\. Ang pangulo ay maaaring magtalaga ng mga opisyal sa sangay na ehekutibo, ngunit ang sangay na lehislatibo naman ang nagbibigay-kumpirmasyon sa mga nominado ng pangulo. 6\. Ang sangay na ehekutibo ang tagapagpatupad ng batas, ngunit ang Kongreso, kung may sapat na bilang, ang may kapangyarihang magdeklara ng digmaan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser