Saligang Batas ng ASEAN PDF
Document Details
Uploaded by BetterRetinalite3206
Tags
Summary
This document appears to be a constitution or charter for the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Includes details about the goals, principles, and structure of the organization as well as guidelines for its members.
Full Transcript
ANG SALIGANG BATAS NG ASEAN PANIMULA KAMI, ANG MGA MAMAMAYAN ng mga Kasaping Bansa ng Samahan ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya (Association of South East Asian Nations o ASEAN), na kinakatawan ng mga Puno ng Bansa o Pamahalaan ng Brunei Darussalam, Kaharian n...
ANG SALIGANG BATAS NG ASEAN PANIMULA KAMI, ANG MGA MAMAMAYAN ng mga Kasaping Bansa ng Samahan ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya (Association of South East Asian Nations o ASEAN), na kinakatawan ng mga Puno ng Bansa o Pamahalaan ng Brunei Darussalam, Kaharian ng Cambodia, Republika ng Indonesia, Demokratikong Republika ng mga Mamamayan ng Lao, Malaysia, Unyon ng Myanmar, Republika ng Pilipinas, Republika ng Singapore, Kaharian ng Thailand at ng Sosyalistang Republika ng Vietnam; na: BINIBIGYANG PANSIN nang may kasiyahan ang mga makabuluhang tagumpay at pagpapalawak ng ASEAN mula nang itatag ito sa Bangkok sa pamamagitan ng paghahayag sa Deklarasyon ng ASEAN; GINUGUNITA ang mga kapasiyahang bumuo ng isang Saligang Batas ng ASEAN sa Vientiane Action Programme, sa Pahayag ng Kuala Lumpur sa Pagkakabuo ng Saligang Batas ng Asean at sa Pahayag ng Cebu sa Panukalang Saligang Batas ng ASEAN; ISINASAISIP ang Kagalingan ng isa’t isa at pagtutulungan ng mga mamamayan at mga Kasaping Bansa ng ASEAN, na pinag-iisa ng heograpiya, layunin at tadhana; BINIBIGYANG INSPIRASYON at pinag-isa sa ilalim ng Isang Pangarap, Isang Pagkakakilanlan at ng Isang Pamayanang Mapagkalinga at Nakikipagtulungan; PINAGBUBUKLOD ng iisang mithiin at sama-samang hangaring manirahan sa isang rehiyong nagtatamasa ng kapayapaang panghabang panahon, katiwasayan at katatagan, patuloy na pag-unlad ng kabuhayan, pinagsasaluhang kasaganaan at kaunlarang panlipunan at upang itaguyod ang mahahalagang kapakanan, mithiin at hangarin natin; IGINAGALANG ang pangunahing kahalagahan ng pagsasamahan at pagtutulungan at ang mga simulain ng kataas-taasang kapangyarihan, pagkakapantay-pantay, pananatiling buo ng teritoryo, hindi panghihimasok, pagkakasundo at ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. NANININDIGAN sa mga simulain ng demokrasya, sa tuntunin ng batas at mabuting pamamahala, paggalang at pangangalaga sa mga karapatang pantao at mga pangunahing kalayaan. 1 NAGPASIYANG tiyakin ang isang nagpapatuloy na kaunlaran para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at darating na mga salinlahi at gawing sentro ng prosesong pagtatatag ng pamayanang ASEAN ang kagalingan, kabuhayan at kapakanan ng mga mamamayan; NANINIWALA na kailangang patatagin ang umiiral na buklod ng rehiyonal na pagkakaisa para makamit ang isang pamayanang ASEAN na nagkakaisa sa pulitika, magkakasama sa larangang pangkabuhayan at may pananagutang panlipunan para mabisang makatugon sa kasalukuyan at darating na mga hamon at pagkakataon; NANGANGAKONG pabilisin ang pagtatatag ng pamayanan sa pamamagitan ng pinagbuting rehiyonal na pagtutulungan at pagkakaisa, lalo na sa pagtatatag ng Pamayanang ASEAN na binubuo ng Pamayanang Pangkaligtasan ng ASEAN, Pamayanang Pangkabuhayan ng ASEAN at ng Pamayanang Panlipunan at Pangkultura ng ASEAN na ipinag-utos sa Pahayag ng Bali ng ASEAN Concord II; SA PAMAMAGITAN NITO ay magtatatag, sa pamamagitan ng Saligang Batas na ito, ng isang balangkas na legal at institusyonal, para sa ASEAN; AT SA LAYUNING ITO, pinagtibay ang Saligang Batas na ito ng mga Namumuno ng Bansa o Pamahalaan ng mga Kasaping Bansa ng ASEAN, na nagtipon sa Singapore sa makasaysayang ika-apatnapung (40) anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN. KAPITULO 1 MGA LAYUNIN AT SIMULAIN ARTIKULO 1 MGA LAYUNIN Layunin ng ASEAN na: 1. Mapanatili at mapangalagaan ang kapayapaan, katiwasayan at katatagan at higit pang mapalakas ang mga pinahahalagahang simulain, tungo sa kapayapaan sa rehiyon; 2. Magkaroon ng higit na katatagang panrehiyon sa pamamagitan ng pagtataguyod ng higit pang pagtutulungang pampulitika, pangkaligtasan, pangkabuhayan at pangkultura; 3. Mapanatili ang Timog Silangang Asya bilang isang Sonang Malaya sa Sandatang Nukleyar at malaya sa lahat ng iba pang sandatang pangwasak ng sangkatauhan; 2 4. Matiyak na ang mga mamamayan at mga Kasaping Bansa ng ASEAN ay nabubuhay nang mapayapa kasama ng iba pang bansa sa kalakhang mundo sa isang kapaligirang makatarungan, malaya at nagkakasundo; 5. Magkaroon ng isang pamilihan at pundasyon ng produksyon na matatag, maunlad, nakikipagsabayan ng galing at kabilang sa larangang pangkabuhayan, na may mabisang pamamaraan para mapadali ang pangangalakal at pamumuhunan, na may malayang daloy ng kalakal, serbisyo at puhunan, pinadaling pagkilos ng mga mangangalakal, mga propesyunal, mga talent at manggagawa; at may mas malayang daloy ng puhunan; 6. Pababain ang antas ng kahirapan at paunlarin ang mga bansang ASEAN sa pamamagitan ng pagdadamayan at pagtutulungan; 7. Patatagin ang demokrasya, pag-ibayuhin ang mabuting pamamahala at kapangyarihan ng batas, at itaguyod at ipagtanggol ang mga karapatang pantao at mga pangunahing kalayaan, nang may pagsasaalang-alang na gaya ng nararapat sa mga karapatan at pananagutan ng mga Kasaping Bansa ng ASEAN; 8. Matugunang mabuti, alinsunod sa simulain ng masaklaw na seguridad, ang lahat ng uri ng pananakot, mga krimeng nagaganap at mga hamon na umiiral sa labas ng bansa; 9. Itaguyod ang maipagpapatuloy na kaunlaran upang matiyak ang pangangalaga sa kapaligiran ng rehiyon, ang patuloy na paglago ng likas na yaman, ang pagpapanatili sa pamanang pangkultura at ang mataas na uri ng buhay ng mga mamamayan nito; 10. Paunlarin ang yamang tao sa pamamagitan ng mahigpit na pagtutulungan sa edukasyon at habambuhay na pagkatuto, at sa agham at teknolohiya para mabigyang kapangyarihan ang mga mamamayan ng ASEAN at mapalakas ang Pamayanang ASEAN; 11. Pabutihin ang kalagayan at kabuhayan ng mga mamamayan ng ASEAN sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pantay na pagkakataon para sa kaunlarang pantao, kagalingan at katarungang panlipunan; 12. Palakasin ang pagtutulungan sa pagtatatag ng isang kapaligirang ligtas, matiwasay at malaya sa ipinagbabawal na gamot para sa mga mamamayan ng ASEAN; 13. Magtaguyod ng isang ASEAN na may oryentasyong pantao, na ang lahat ng sektor ng lipunan ay hinihikayat na lumahok at makinabang sa proseso ng pagiging kabilang ng ASEAN at pagtatayo ng pamayanang ASEAN; 14. Maitaguyod ang isang pagkakakilanlang ASEAN, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng higit na kamalayan sa iba’t ibang kultura at pamana ng rehiyon; at 3 15. Panatilihin ang aktibong bahaging ginagampanan ng ASEAN bilang isang pangunahing lakas na nagtutulak sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan nito sa iba pang mga kasamahan sa labas sa isang kaayusang panrehiyon na lantad, malinaw at masaklaw. ARTIKULO 2 MGA SIMULAIN 1. Sa pagsisikap na makamtan ang mga Layuning isinasaad sa Artikulo 1, muling pinagtibay at nanindigan ang ASEAN at ang mga Kasaping Bansa nito sa mga pangunahing simulain na nilalaman ng mga pahayag, mga kasunduan, kapulungan, kaisahan, tratado at iba pang kasulatan. 2. Ang ASEAN at mga Kasaping Bansa nito ay kikilos alinsunod sa mga sumusunod na simulain: (a) paggalang sa kalayaan, kapangyarihan, pagkakapantay-pantay, pananatiling buo ng teritoryo at pagkakakilanlang pambansa ng lahat ng mga Kasaping Bansa ng ASEAN; (b) pagkakaroon ng iisang pangako at pananagutan ng lahat sa pagkakaroon ng higit na kapayapaan, kaligtasan at kaunlaran sa rehiyon; (c) pagtatakwil sa anumang uri ng pagsalakay, pananakot o paggamit ng lakas o anumang gawaing hindi naaayon sa batas internasyonal; (d) pag-asa sa mapayapang paglutas ng mga alitan; (e) hindi panghihimasok sa mga panloob na suliranin ng mga Kasaping Bansa ng ASEAN; (f) paggalang sa karapatan ng bawat Kasaping Bansa na pamahalaan ang pambansang pamumuhay nito na malaya sa panghihimasok, pag-aalsa at pamimilit mula sa labas; (g) higit pang mga pagsasanggunian tungkol sa mga usaping lubhang nakakasama sa kapakanan ng ASEAN; (h) pagsunod sa tuntunin ng batas, mabuting pamamahala, mga simulain ng demokrasya at pamahalaang konstitusyunal; (i) paggalang sa mga pangunahing kalayaan, pagtataguyod at pagtatanggol sa mga karapatang pantao at katarungang panlipunan; 4 (j) paninindigan sa Saligang Batas ng United Nations at sa batas internasyunal, kabilang ang pandaigdigang batas na makatao na pinagtibay ng mga Kasaping Bansa ng ASEAN; (k) hindi paglahok sa anumang patakaran o gawain, kabilang ang paggamit sa teritoryo, na ipinatutupad ng alinmang Kasaping Bansang ASEAN o hindi kasaping bansa o alinmang kumikilos na hindi bansa, na hindi nakakabuti sa kapangyarihan, pananatiling buo ng teritoryo o katatagang pulitikal at pangkabuhayan ng mga Kasaping Bansang ASEAN; (l) paggalang sa iba’t ibang kultura, wika at relihiyon ng mga mamamayan ng ASEAN, habang binibigyang diin ang mga pinahahalagahan nila alang-alang sa diwa ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba; (m) ang pagiging sentro ng ASEAN sa mga panlabas na ugnayang pulitikal, pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura, habang nananatiling isang aktibong kalahok, nagmamasid sa labas, masaklaw at walang itinatangi; at (n) pagsunod sa mga tuntunin ng kalakalang multilateral at mga rehimeng ASEAN na nababatay sa mga tuntunin, para sa mabisang pagsasagawa ng mga pangakong pangkabuhayan at patuloy na pagbabawas tungo sa pagtatanggal ng mga hadlang sa pagkakaisang pangkabuhayan ng rehiyon, sa loob ng isang ekonomiya na isinusulong ng pamilihan. KAPITULO II LEGAL NA PERSONALIDAD ARTIKULO 3 LEGAL NA PERSONALIDAD NG ASEAN Sa pamamagitan nito, ang ASEAN, bilang isang organisasyon ng mga pamahalaan, ay pinagkakalooban ng legal na personalidad. KAPITULO III KASAPIAN ARTIKULO 4 MGA KASAPING BANSA Ang mga Kasaping Bansa ng ASEAN ay ang Brunei Darussalam, Kaharian ng Cambodia, Republika ng Indonesia, Demokratikong Republika ng mga Mamamayan ng Lao, Malaysia, Unyon ng Myanmar, Republika ng Pilipinas, Republika ng Singapore, Kaharian ng Thailand at ang Sosyalistang Republika ng Vietnam. 5 ARTIKULO 5 MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN 1. Ang mga Kasaping Bansa ay magkakaroon ng magkakapantay na mga karapatan at tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas na ito. 2. Ang mga Kasaping Bansa ay magsasagawa ng lahat ng mga kinakailangang hakbang, kabilang na ang pagpapatibay ng mga nararapat na pagbabatas panloob, para mabisang maipatupad ang mga tadhana ng Saligang Batas at makatugon sa lahat ng mga tungkulin ng pagiging kasapi. 3. Sakaling magkaroon ng malubhang paglabag o hindi pagsunod sa Saligang Batas, ito ay isasangguni sa Artikulo 20. ARTIKULO 6 PAGPASOK NG MGA BAGONG KASAPI 1. Ang pamamaraan ng paghiling na maging kasapi ng ASEAN at pagkatanggap dito ay itatakda ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN. 2. Ang pagkatanggap sa ASEAN ay ibabatay sa mga sumusunod: (a) kinatatagpuan ng bansang humihiling na maging kasapi sa kinikilalang heograpiya ng rehiyon ng Timog Silangang Asya; (b) pagkilala ng lahat ng mga Kasaping Bansa ng ASEAN; (c) pagsang-ayon na matali at sumunod sa Saligang Batas; at (d) kakayahan at kahandaang isagawa ang mga tungkulin ng pagiging Kasapi. 3. Ang pagkatanggap bilang kasapi ay pagpapasiyahan ng nagkakaisang Kapulungang ASEAN (ASEAN SUMMIT) sa mungkahi ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN. 4. Ang isang Bansang nagnanais na maging miyembro ay tatanggapin ng ASEAN sa sandaling lumagda ito sa isang Kasulatan ng Pagiging Panig sa Saligang Batas. KAPITULO IV MGA BAHAGI ARTIKULO 7 KAPULUNGANG ASEAN 1. Ang Kapulungang ASEAN ay bubuuin ng mga Namumuno ng Bansa o Pamahalaan ng mga Kasaping Bansa. 6 2. Ang kapulungang ito ng ASEAN ay ang pinakamataas na lupon na: (a) babalangkas ng patakaran ng ASEAN; (b) mag-uusap, magbibigay ng gabay pampatakaran at magpapasya sa mahahalagang usaping nauugnay sa pagkamit ng mga layunin ng ASEAN, tungkol sa mahahalagang usaping gustong maliwanagan ng mga Kasaping Bansa at sa lahat ng mga suliraning isinasangguni dito ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN, ng mga Sangguniang Pamayanan ng ASEAN at ng mga Lupong Tagapagsagawa Pansektor ng ASEAN. (c) magtatagubilin sa mga nauugnay na Minister ng bawat kinauukulang Sanggunian na magdaos ng mga ad hoc na pagpupulong at tugunan ang mahahalagang suliraning nauugnay sa ASEAN na nakakaharap ng mga Sangguniang Pamayanan. Ang mga tuntunin para sa pagdaraos na ito ay pagtitibayin ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN; (d) tutugon sa mga gipit na kalagayang nakakabahala sa ASEAN sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tamang pagkilos; (e) magpapasiya tungkol sa mga bagay na isinasangguni dito sa ilalim ng mga Kapitulo VII at Kapitulo VIII. (f) pahintulutan ang pagtatatag at pagbuwag ng mga Lupong Tagapagsagawa Pansektor at iba pang institusyon ng ASEAN; at (g) hihirang ng Kalihim Panlahat ng ASEAN na may ranggo at estado na Minister, na maglilingkod hanggang sa pinagtitiwalaan at nasisiyahan ang mga namumuno ng Bansa o Pamahalaan sa mungkahi ng mga Minister Panlabas ng ASEAN sa kanilang Pulong. 3. Ang mga Pagpupulong ng ASEAN ay: (a) idaraos nang dalawang beses sa loob ng isang taon, at tatayong punong-abala ang Kasaping Bansa na nanunungkulan bilang Tagapangulo ng ASEAN; at (b) gaganapin, kung kailangan, bilang mga di-pangkaraniwan o ad hoc na pulong sa ilalim ng Kasaping Bansa na nanunungkulan bilang Tagapangulo ng ASEAN, sa mga lugar na pagkakasunduan ng mga Kasaping Bansa ng ASEAN. 7 ARTIKULO 8 SANGGUNIANG TAGAPAG-UGNAY NG ASEAN 1. Ang Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN ang bubuo sa mga Minister Panlabas ng ASEAN at magpupulong ang mga ito ng dalawang beses man lamang sa loob ng isang taon. 2. Ang Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN ang: (a) maghahanda ng mga pagpupulong ng Kapulungang ASEAN; (b) makikipag-ugnay para sa pagsasakatuparan ng mga kasunduan at kapasiyahan ng Kapulungang ASEAN; (c) makikipag-ugnayan sa mga Sanggunian ng Pamayanang ASEAN upang magkaroon ng higit na pagtutugma ng patakaran, kahusayan at pagtutulungan ng mga bansa sa isa’t isa; (d) paratingin ang mga ulat ng mga Sanggunian ng Pamayanang ASEAN sa Kapulungang ASEAN; (e) tingnan ang ulat ng Kalihim Panlahat tungkol sa gawain ng ASEAN; (f) tingnan ang ulat ng Kalihim Panlahat tungkol sa mga tungkulin at palakad ng Kalihiman ng ASEAN at iba pang kaugnay na lupon; (g) magpapatibay sa paghirang at pagwawakas ng panunungkulan ng mga Kinatawang Kalihim Panlahat sa mungkahi ng Kalihim Panlahat; at (h) magsasagawa ng iba pang mga tungkulin na itinatadhana sa Saligang Batas na ito o iba pang tungkuling itinatalaga ng Kapulungang ASEAN. 3. Ang Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN ay tutulungan ng mga nauugnay na nakatataas na mga opisyal. ARTIKULO 9 MGA SANGGUNIANG PAMAYANANG ASEAN 1. Ang mga Sangguniang Pamayanang ASEAN ang bubuo sa Sangguniang Pamayanang Pangkaligtasang Pulitikal ng ASEAN, Sangguniang Pamayanang Pangkabuhayan ng ASEAN at Sangguniang Pamayanang Sosyo-Kultural ng ASEAN. 2. Ang bawat Sangguniang Pamayanang ASEAN ay sasaklaw sa mga kaugnay na mga Lupong Tagapagsagawa Pansektor ng ASEAN. 8 3. Ang bawat Kasaping Bansa ay hihirang ng pambansang kinatawan nito sa bawat pulong ng Sangguniang Pamayanang ASEAN. 4. Upang makamit ang mga layunin ng bawat isa sa tatlong haligi ng Pamayanang ASEAN, isasagawa ng bawat Pamayanang ASEAN ang mga sumusunod: (a) tiyakin ang pagsasakatuparan ng mga nauugnay na kapasiyahan ng Kapulungang ASEAN; (b) pag-ugnayin ang gawain ng iba’t ibang sektor na sakop nito sa isa’t isa at iugnay din ang kanilang mga gawain sa mga usaping kinakaharap ng ibang mga Sangguniang Pamayanan; at (c) maghain ng mga ulat at mungkahi sa Kapulungang ASEAN tungkol sa mga usaping nasasakop nito. 5. Ang bawat Sangguniang Pamayanang ASEAN ay magpupulong dalawang beses man lamang sa isang taon at pamumunuan ng karapat-dapat na Minister mula sa Kasaping Bansa na nanunungkulan bilang Tagapangulo ng ASEAN. 6. Ang bawat Sangguniang Pamayanang ASEAN ay tutulungan ng mga kaugnay na nakakataas na mga opisyal. ARTIKULO 10 MGA LUPONG TAGAPAGSAGAWA PANSEKTOR NG ASEAN 1. Isasagawa ng mga Lupong Tagapagsagawa Pansektor ng ASEAN ang mga sumusunod: (a) maglilingkod alinsunod sa kanilang mga kautusan; (b) magsasakatuparan ng mga kasunduan at kapasiyahan ng Kapulungang ASEAN tungkol sa mga usaping nasasakop nila; (c) palalakasin ang pagtutulungan sa kani-kanilang larangan bilang pagtataguyod sa pagkakaisa at pagtatatag ng Pamayanang ASEAN; (d) maghaharap ng mga ulat at mungkahi sa kani-kanilang Sangguniang Pamayanan (Community Councils). 2. Ang bawat Lupong Tagapagsagawa Pansektor ng ASEAN ay maaaring sakupin ang mga kinauukulang nakatataas na opisyal at mga karagdagang lupon upang magsagawa ng mga tungkuling ito gaya ng isinasaad sa Karugtong 1. Ang Karugtong 1 ay maaaring isapanahon ng Kalihim Panlahat, sa mungkahi ng Komite ng mga Permanenteng Kinatawan, nang walang pagtukoy sa tadhana tungkol sa Mga Susog sa ilalim ng Saligang Batas na ito. 9 ARTIKULO 11 ANG KALIHIM PANLAHAT AT ANG KALIHIMAN NG ASEAN 1. Ang Kalihim Panlahat ng ASEAN ay hihirangin ng Kapulungang ASEAN upang maglingkod sa loob ng hindi mauulit na panahon ng panunungkulan na limang taon. Ito ay pipiliin mula sa mga mamamayan ng mga Kasaping Bansa ng ASEAN batay sa paghahalinhinang alpabetikal nang may pagsasaalang-alang sa integridad, kakayahan at karanasang propesyonal at pantay na karapatan sa kabila ng kasarian. 2. Ang Kalihim Panlahat ay: (a) magsasagawa ng mga tungkulin at mga pananagutan ng mataas na katungkulang ito alinsunod sa mga tadhana ng Saligang Batas na ito at ng mga kaugnay na mga kasulatan, protocol, at mga ipinamalaging kalakaran ng ASEAN; (b) susubaybay at pabibilisin ang pagsulong ng pagsasakatuparan ng mga kasunduan at kapasiyahan ng ASEAN at mag-uulat nang taunan tungkol sa mga gawain ng ASEAN sa Kapulungang ASEAN; (c) lalahok sa mga pulong ng Kapulungang ASEAN, mga Sangguniang Pamayanang ASEAN, Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN at mga Lupong Tagapagsagawa Pansektor ng ASEAN at iba pang kaugnay na mga pulong ng ASEAN; (d) maghaharap ng mga pananaw ng ASEAN at lalahok sa mga pakikipagpulong sa mga panig sa labas alinsunod sa mga pinagtibay na mga gabay pampatakaran at kautusang ibinigay sa Kalihim Panlahat; at (e) magmumungkahi sa paghirang at pagwawakas ng panunungkulan ng mga kinatawan ng Kalihim Panlahat sa Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN, para sa pagpapatibay nito. 3. Ang Kalihim Panlahat din ang Punong Pinunong Tagapangasiwa ng ASEAN. 4. Ang Kalihim Panlahat ay tutulungan ng apat na Kinatawang Kalihim Panlahat na may ranggo at estadong Kinatawang Minister. Ang mga Kinatawang Kalihim Panlahat ay mananagot sa Kalihim Panlahat, sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. 5. Ang apat na Kinatawang Kalihim Panlahat ay may nasyonalidad na iba sa Kalihim Panlahat. Sila ay manggagaling sa apat na iba’t-ibang Kasaping Bansa. 6. Ang apat na Kinatawang Kalihim Panlahat ay bubuuin ng: 10 (a) dalawang Kinatawang Kalihim Panlahat na maglilingkod sa loob ng hindi mauulit na panahon ng panunungkulan na tatlong taon na pinili mula sa mga mamamayan ng mga Kasaping Bansa, batay sa paghahalinhinang alpabetikal, at may pagsasaalang-alang gaya ng nararapat sa integridad, kwalipikasyon, kahusayan, karanasan at pagkakapantay-pantay kaugnay ng usaping kasarian; at (b) dalawang Kinatawang Kalihim Panlahat na maglilingkod sa loob ng panahon ng panunungkulan na tatlong taon at maaaring maulit ng tatlong taon pang muli. Ang dalawang Kinatawang Kalihim Panlahat ay hihirangin nang hayagan batay sa merito ng isang tao. 7. Ang Kalihiman ng ASEAN ay bubuuin ng Kalihim Panlahat at mga tauhan na maaaring kailanganin. 8. Ang Kalihim Panlahat at ang mga tauhan nito ay: (a) magtataguyod ng pinakamatataas na pamantayan ng integridad at kahusayan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin; (b) hindi sasangguni o susunod sa anumang mga tagubilin mula sa alinmang pamahalaan o panig na labas sa ASEAN; at (c) hindi gagawa ng anumang pagkilos na maaaring makasira sa kanilang katungkulan bilang mga opisyal ng Kalihiman ng ASEAN na may pananagutan lamang sa ASEAN. 9. Igagalang ng bawat Kasaping Bansa ng ASEAN ang mga pananagutan ng Kalihim Panlahat at ng mga tauhan nito na may katangiang natatangi lamang sa ASEAN, at hindi iimpluwensyahin ng mga bansang ito ang kanilang pagtupad sa mga tungkulin. ARTIKULO 12 KOMITE NG MGA PERMANENTENG KINATAWAN SA ASEAN 1. Bawat Kasaping Bansa ng ASEAN ay hihirang ng isang Permanenteng Kinatawan sa ASEAN na may ranggong Sugo na nakabase sa Jakarta. 2. Ang mga permanenteng kinatawan ang sama-samang bubuo sa Komite ng mga Permanenteng Kinatawan sa ASEAN na: (a) tutulong sa gawain ng mga Sangguniang Pamayanan ng ASEAN at ng mga Lupong Tagapagsagawa Pansektor ng ASEAN; (b) makikipag-ugnay sa mga Pambansang Kalihiman ng ASEAN at iba pang Lupong Tagapagsagawa Pansektor ng ASEAN; 11 (c) makikipag-ugnay sa Kalihim Panlahat ng ASEAN at sa Kalihiman ng ASEAN tungkol sa lahat ng usapin na may kaugnayan sa gawain nito; (d) pabibilisin ang pakikipagtulungan ng ASEAN sa kanilang mga katuwang sa labas; at (e) gaganap sa iba pang mga tungkulin na maaaring itakda ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN. ARTIKULO 13 ANG MGA PAMBANSANG KALIHIMAN NG ASEAN Ang bawat Kasaping Bansa ng ASEAN ay magtatatag ng Pambansang Kalihiman na: (a) maglilingkod bilang pambansang sentro; (b) magsisilbing lagakan ng impormasyon ng lahat ng mga usaping ASEAN sa antas na pambansa; (c) makikipag-ugnayan para sa pagsasakatuparan ng lahat ng kapasiyahan ng ASEAN sa antas na pambansa; (d) makikipag-ugnayan at tutulong sa mga paghahanda ng bansa para sa mga pulong ng ASEAN; (e) magtataguyod sa pagkakakilanlan at kamalayang ASEAN sa antas pambansa; at (f) tumulong sa pagtatatag ng pamayanang ASEAN. ARTIKULO 14 LUPON SA MGA KARAPATANG PANTAO NG ASEAN 1. Bilang alinsunod sa mga layunin at simulain ng Saligang Batas ng ASEAN na kaugnay ng pagtataguyod at pangangalaga sa mga karapatang pantao at sa mga pangunahing kalayaan, ang ASEAN ay magtatatag ng isang lupon para sa mga karapatang pantao. 2. Ang lupong ito para sa mga karapatang pantao ay kikilos alinsunod sa mga tagubilin na itatakda ng Pulong ng mga Minister Panlabas ng ASEAN. 12 ARTIKULO 15 ANG ASEAN FOUNDATION 1. Tutulungan ng ASEAN Foundation ang Kalihim Panlahat ng ASEAN at makikipagtulungan sa iba pang mga kaugnay na lupon ng ASEAN sa pagtatatag ng pamayanang ASEAN sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng higit pang kamalayan sa pagkakakilanlang ASEAN, pakikipag-ugnayan sa tao, at lubos na pakikipagtulungan sa sektor ng pangangalakal, lipunang sibil, akademiya, at iba pang stakeholder ng ASEAN. 2. Ang ASEAN Foundation ay mananagot sa Kalihim Panlahat ng ASEAN, na mag-uulat sa Kapulungang ASEAN, sa pamamagitan ng Sangguniang Tagapag- ugnay ng ASEAN. KAPITULO V MGA ENTIDAD NA MAY KAUGNAYAN SA ASEAN ARTIKULO 16 MGA ENTIDAD NA MAY KAUGNAYAN SA ASEAN 1. Ang ASEAN ay maaaring makipagtulungan sa mga entidad na nagtataguyod sa Saligang Batas ng ASEAN; lalo na, sa mga layunin at simulain nito. Ang mga entidad na ito ay nakatala sa Karugtong 2. 2. Ang mga tuntunin ng pamamaraan at mga batayan sa pakikipagtulungan ay itatakda ng Komite ng mga Permanenteng Kinatawan sa ASEAN sa mungkahi ng Kalihim Panlahat ng ASEAN. 3. Ang Karugtong 2 ay maaaring isapanahon ng Kalihim Panlahat ng ASEAN, sa mungkahi ng Komite ng mga Permanenteng Kinatawan nang walang pagbawi sa tadhana tungkol sa Mga Susog sa ilalim ng Saligang Batas na ito. KAPITULO VI MGA KALAYAAN AT PRIBILEHIYO ARTIKULO 17 MGA KALAYAAN AT PRIBILEHIYO NG ASEAN 1. Tatamasahin ng ASEAN sa mga teritoryo ng mga Kasaping Bansa ang mga kalayaan at pribilehiyo na kinakailangan para makamit ang mga layunin nito. 2. Ang mga kalayaan at pribilehiyo ay ilalatag sa magkahiwalay na kasunduan ng ASEAN at ng nag-aanyayang Kasaping Bansa. 13 ARTIKULO 18 MGA KALAYAAN AT PRIBILEHIYO NG KALIHIM PANLAHAT AT MGA TAUHAN NG KALIHIMAN NG ASEAN 1. Ang Kalihim Panlahat at mga tauhan ng Kalihiman ng ASEAN na lumalahok sa mga opisyal na gawain ng ASEAN o kumakatawan sa ASEAN sa mga Kasaping Bansa ay magtatamasa ng mga kalayaan at pribilehiyo na kailangan, sa pagtupad nila ng kanilang mga tungkulin. 2. Ang mga kalayaan at pribilehiyo sa ilalim ng Artikulong ito ay ilalatag sa isang hiwalay na kasunduang ASEAN. ARTIKULO 19 MGA KALAYAAN AT PRIBILEHIYO NG MGA PERMANENTENG KINATAWAN AT MGA OPISYAL KAUGNAY NG MGA TUNGKULING ASEAN 1. Ang mga Permanenteng Kinatawan ng mga Kasaping Bansa sa ASEAN at mga opisyal ng mga Kasaping Bansa na lumalahok sa mga opisyal na gawain ng ASEAN o kumakatawan sa ASEAN sa mga Kasaping Bansa ay magtatamasa ng mga kalayaan at pribilehiyo na kailangan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. 2. Ang mga kalayaan at pribilehiyo ng mga Permanenteng Kinatawan at mga opisyal na lumalahok sa mga opisyal na gawain ng ASEAN ay pamamahalaan ng 1961 Vienna Convention on Diplomatic Relations, alinsunod sa pambansang batas ng kinauukulang Kasaping Bansa ng ASEAN. KAPITULO VII PAGPAPASIYA ARTIKULO 20 PAGSASANGGUNIAN AT PAGKAKASUNDO 1. Bilang batayang simulain, ang pagpapasiya sa ASEAN ay ibabatay sa pagsasanggunian at pagkakasundo. 2. Kung hindi magkasundo, ang Kapulungang ASEAN ang maaaring magsabi kung paanong ang isang kapasiyahan ay maaaring gawin. 3. Walang anumang isinasaad sa talata 1 at 2 ng Artikulong ito ang makakaapekto sa pamamaraan ng pagpapasiya, gaya ng nilalaman sa mga kaugnay na mga legal na kasulatang ASEAN. 4. Sakaling may malubhang paglabag sa Saligang Batas o hindi pagsunod dito, ang usapin ay isasangguni sa Kapulungang ASEAN para pagpasiyahan. 14 ARTIKULO 21 PAGSASAKATUPARAN AT PAMAMARAAN 1. Ang bawat Sangguniang Pamayanang ASEAN ay magtatakda ng sarili nitong tuntunin ng pamamaraan. 2. Sa pagsasakatuparan sa mga pangakong pangkabuhayan nito, isang pormula ng naibabagay na pakikilahok kabilang na ang pormulang Minus x ng ASEAN, ay maaaring ilapat kung may pagkakaisang gawin ang ganito. KAPITULO VIII PAG-AAYOS NG ALITAN ARTIKULO 22 MGA PANGKALAHATANG SIMULAIN 1. Ang mga Kasaping Bansa ay magsisikap na maayos nang mapayapa ang lahat ng alitan sa tamang panahon, sa pamamagitan ng pag-uusap, pagsanggunian at pakikipagkasundo. 2. Ang ASEAN ay magpapanatili at magtatatag ng mga mekanismo para sa pag- aayos ng alitan sa lahat ng larangan ng pakikipagtulungan ng ASEAN. ARTIKULO 23 MABUTING PAKIKITUNGO, PAGPAYAPA AT PAMAMAGITAN 1. Ang mga Kasaping Bansa na mga panig sa isang alitan ay maaring magkasundong magsagawa anumang oras, ng mabuting pakikitungo, pagpayapa at pakikipagkasundo para malutas ang isang alitan sa loob ng napagkasunduang itinakdang panahon. 2. Ang mga panig sa isang alitan ay maaaring humiling sa Tagapangulo ng ASEAN o Kalihim Panlahat ng ASEAN, bilang isang pinunong ex-officio na magkaloob ng mga pamamaraang gaya ng mabuting pakikitungo, pagpayapa at pakikipagkasundo. ARTIKULO 24 MGA MEKANISMO SA PAG-AAYOS NG ALITAN SA MGA TIYAK NA KASULATAN 1. Ang mga alitan na kaugnay ng mga tiyak na kasulatan ng ASEAN ay aayusin sa pamamagitan ng mga mekanismo at pamamaraan na itinatakda sa mga nasabing kasulatan. 15 2. Ang mga alitan na walang kinalaman sa kahulugan o paglalapat ng anumang kasulatan ng ASEAN ay aayusin nang mapayapa, alinsunod sa Tratado ng Pagsasamahan at Pagtutulungan sa Timog Silangang Asya at sa mga tuntunin ng pamamaraan nito. 3. Kung hindi tiyak na ipinag-uutos, ang mga alitang may kinalaman sa kahulugan at paglalapat ng mga kasunduang pangkabuhayan ng ASEAN ay aayusin alinsunod sa Protocol ng ASEAN sa Pinagbuting Mekanismo ng Pag-aayos ng Alitan. ARTIKULO 25 PAGKAKAROON NG MGA MEKANISMO SA PAG-AAYOS NG ALITAN Kung walang tiyak na itinatadhana, bubuo ng mga nararapat na mekanismo para sa pag-aayos ng alitan, kabilang na ang pamamaraan ng pamamagitan, para sa mga alitang may kinalaman sa kahulugan o paglalapat ng Saligang Batas na ito at iba pang kasulatang ASEAN. ARTIKULO 26 MGA HINDI NAAYOS NA ALITAN Kung ang isang alitan ay hindi nalutas, pagkatapos ng paglalapat ng mga naunang tadhana ng Saligang Batas na ito, ang alitang ito ay dadalhin sa Kapulungang ASEAN para mapagpasiyahan. ARTIKULO 27 PAGSUNOD 1. Susubaybayan ng Kalihim Panlahat ng ASEAN, katulong ang Kalihiman ng ASEAN o alinmang hinirang na lupon, ang ginagawang pagsunod sa mga resulta, mungkahi o kapasiyahan ng isang mekanismo ng pag-aayos ng alitan, at mag-uulat sa Kapulungang ASEAN. 2. Ang alinmang Kasaping Bansa na naaapektuhan ng hindi pagsunod sa mga resulta, mungkahi o kapasiyahan ng isang mekanismo ng pag-aayos ng alitan, ay maaaring dalhin ang usapin sa Kapulungang ASEAN para mapagpasiyahan. ARTIKULO 28 MGA TADHANA NG SALIGANG BATAS NG UNITED NATIONS AT IBA PANG KAUGNAY NA PAMAMARAANG PANDAIGDIG Maliban kung itinatadhana sa Saligang Batas na ito, ang mga Kasaping Bansa ay may karapatang bumalik sa mga pamamaraan ng mapayapang paglutas ng alitan na nakapaloob sa Artikulo 33 (1) ng Saligang Batas ng United Nations o alinmang iba pang legal na kasulatang pandaigdig, na mga panig ang mga Kasaping Bansa na nag- aalitan. 16 KAPITULO IX LAANG GUGULIN AT PANANALAPI ARTIKULO 29 MGA PANGKALAHATANG SIMULAIN 1. Ang ASEAN ay magtatatag ng mga tuntunin at pamamaraan sa pananalapi, alinsunod sa mga pamayanang pandaigdig. 2. Ang ASEAN ay susunod sa mga patakaran at kalakaran ng isang mahusay na pamamahala sa pananalapi at wastong paggugol. 3. Ang mga gugulin ay isasailalim sa panloob at panlabas, na audit. ARTIKULO 30 GUGULIN SA PAGPAPALAKAD AT PANANALAPI NG KALIHIMAN NG ASEAN 1. Ang Kalihiman ng ASEAN ay bibigyan ng kailangang salapi para mabisa nitong magampanan ang mga tungkulin. 2. Ang gugulin sa pagpapalakad ng Kalihiman ng ASEAN ay pupunuan ng mga Kasaping Bansa sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng pare-parehong taunang kontribusyon na ipapadala sa tamang panahon. 3. Ang Kalihim Panlahat ng ASEAN ay maghahanda ng taunang laang gugulin para sa pagpapalakad ng Kalihiman, na pagtitibayin ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN sa mungkahi ng Komite ng mga Permanenteng Kinatawan. 4. Ang Kalihiman ng ASEAN ay palalakarin alinsunod sa mga tuntunin at pamamaraang pampananalapi na itinakda ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN, sa mungkahi ng Komite ng mga Permanenteng Kinatawan KAPITULO X PAMAMAHALA AT PAMAMARAAN ARTIKULO 31 TAGAPANGULO NG ASEAN 1. Ang pagiging tagapangulo ng ASEAN ay iikot nang taunan, batay sa ayos na alpabetikal ng pangalang Ingles ng mga Kasaping Bansa. 2. Sa loob ng isang taon ang ASEAN ay magkakaroon ng isang taunang Tagapangulo na ang Kasaping Bansang manunungkulan bilang Tagapangulo ay mamumuno sa: (a) Kapulungang ASEAN at kaugnay na mga kapulungan; 17 (b) Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN (c) Tatlong Sangguniang Pamayanan ng ASEAN; (d) kung nararapat, ang mga kaugnay na mga Lupong Tagapagsagawa Pansektor ng ASEAN at mga nakatataas na opisyal; at (e) Komite ng mga Permanenteng Kinatawan. ARTIKULO 32 BAHAGING GINAGAMPANAN NG TAGAPANGULO NG ASEAN Ang Kasaping Bansa na nanunungkulan bilang Tagapangulo ng ASEAN ay dapat: (a) aktibong itataguyod at ipagtatanggol ang kapakanan at kabutihan ng ASEAN, kabilang ang mga pagsisikap na magtatag ng Pamayanang ASEAN sa pamamagitan ng mga patakaran, pakikipag-ugnayan, pagkakaisa at pagtutulungan. (b) tiyakin ang pagiging sentro ng ASEAN (c) tiyakin ang mabisa at napapanahong tugon sa mga usapin na kailangang harapin agad o krisis na nakaaapekto sa ASEAN, kabilang ang mabuting pakikitungo at iba pang pag-aayos para matugunan agad ang mga usaping ito. (d) katawanin ang ASEAN sa pagpapalakas at pagtataguyod ng higit na malapit na ugnayan sa mga kasama mula sa labas; at (e) isagawa ang iba pang mga gawain at tungkulin na maaaring ipag-utos. ARTIKULO 33 PROTOCOL AT MGA KALAKARANG DIPLOMATIKO Ang ASEAN at mga Kasaping Bansa nito ay susunod sa mga protocol at kalakarang diplomatiko sa pagsasagawa ng mga gawain nitong kaugnay ng ASEAN. Anumang pagbabago ay pagtitibayin ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN sa mungkahi ng Komite ng Mga Permanenteng Kinatawan. ARTIKULO 34 WIKANG GAMIT NG ASEAN Ang wikang gagamitin ng ASEAN ay wikang Ingles. 18 KAPITULO XI PAGKAKAKILANLAN AT MGA SAGISAG ARTIKULO 35 PAGKAKAKILANLANG ASEAN Palalaganapin ng ASEAN ang pagkakakilanlang ASEAN nito at ang diwa ng pagiging kaisa ng mga mamamayan nito, upang makamtan ang kanilang iisang tadhana, layunin at mga pagpapahalaga. ARTIKULO 36 ANG SAWIKAIN NG ASEAN Ang magiging sawikain ng ASEAN ay “Isang Pangarap, Isang Pagkakakilanlan, Isang Pamayanan”. ARTIKULO 37 ANG BANDILA NG ASEAN Ang bandila ng ASEAN ay gaya ng makikita sa Karugtong 3. ARTIKULO 38 ANG SAGISAG NG ASEAN Ang sagisag ng ASEAN ay gaya ng ipinapakita sa Karugtong 4. ARTIKULO 39 ANG ARAW NG ASEAN Ang ikawalo ng Agosto ay ipagdiriwang bilang araw ng ASEAN. ARTIKULO 40 ANG AWIT NG ASEAN Ang ASEAN ay magkakaroon ng awit. KAPITULO XII MGA UGNAYANG PANLABAS ARTIKULO 41 ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA LABAS 1. Ang ASEAN ay makikipagkaibigan, at makikipag-usap para sa kapakinabangan ng isa’t isa at, makikipagtulungan sa mga bansa at sa mga organisasyon at institusyong subrehiyonal, rehiyonal at internasyunal. 19 2. Ang mga pakikipag-ugnayang panlabas ng ASEAN ay magiging tapat sa mga layunin at simulating nakasaad sa Saligang Batas na ito. 3. Ang ASEAN ang magiging pangunahing lakas sa mga kaayusang rehiyonal na pinasisimulan nito at pananatilihin din ng ASEAN ang pagiging sentro nito sa pakikipagtulungan panrehiyon at pagtatatag ng pamayanan. 4. Sa pagsasagawa ng ASEAN ng mga pakikipag-ugnayan sa labas, ang mga kasaping Bansa ay makikipag-uugnayan at magsisikap na bumuo ng isang paninindigan at magkakaroon ng sama-samang pagkilos, batay sa pagkakaisa at katatagan. 5. Ang patutunguhan ng mahalagang patakaran ng mga pakikipag-ugnayang panlabas ng ASEAN ay itatakda ng Kapulungang ASEAN, batay sa mga mungkahi sa Pulong ng Minister Panlabas ng ASEAN. 6. Sisiguraduhin ng Pulong ng mga Minister Panlabas ng ASEAN na hindi pabago- bago at may kaisahan sa pagsasagawa ng mga pakikipag-ugnayang panlabas. 7. Ang ASEAN ay maaaring makipagkasundo sa mga bansa o mga organisasyong subrehiyonal, rehiyonal at internasyonal. Ang mga pamamaraan sa pakikipagkasundong ito ay itatakda ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN sa pakikipagkonsultasyon sa mga Sangguniang Pamayanan ng ASEAN. ARTIKULO 42 TAGAPAG-UGNAY NG PAG-UUSAP (DIALOGUE COORDINATOR) 1. Ang mga Kasaping Bansa, bilang mga Tagapag-ugnay ng Bansa ay maghahalinhinan sa pagtanggap ng pananagutang pakikipag-ugnayan at pagtataguyod sa mga kapakanan ng ASEAN, sa mga pakikipag-ugnayan nito sa mga Dialogue Partner, mga rehiyonal at internasyonal na mga organisasyon at institusyon. 2. Sa mga pakikipag-ugnayan sa mga katuwang sa labas, ang mga Tagapag-ugnay ng Bansa ay: ( inter alia;) (a) kakatawanin ang ASEAN at pagbubutihin ang mga pakikipag-ugnayan, batay sa paggalang at pagkakapantay sa isa’t isa, alinsunod sa mga simulain ng ASEAN. (b) maging ka-tagapangulo sa mga pulong ng ASEAN at mga katuwang sa labas; at (c) tutulungan ng mga kaugnay na mga Komite ng ASEAN sa mga Bansang Umuunlad at mga Organisasyong Pandaigdig. 20 ARTIKULO 43 MGA KOMITE NG ASEAN SA MGA BANSANG UMUUNLAD AT MGA ORGANISASYONG PANDAIGDIG 1. Ang mga Komite ng ASEAN na naroroon sa mga itinuturing na Third Countries ay maaaring itatag doon sa mga bansang di-ASEAN. Maaaring magtatag ng mga kaparehong Komite, kaugnay ng mga organisasyong pandaigdig. Itataguyod ng mga Komiteng ito ang mga kapakanan ng ASEAN at ang pagkakakilanlan nito sa mga nag-aanyayang bansa at organisasyong pandaigdig. 2. Itatakda ng Pulong ng mga Minister Panlabas ng ASEAN ang mga tuntuning pampamamaraan ng mga nasabing Komite. ARTIKULO 44 ANG KATAYUAN NG MGA KATUWANG SA LABAS 1. Sa pagsasagawa ng mga pakikipag-ugnayang panlabas ng ASEAN, maaaring ipagkaloob ng Pulong ng mga Minister Panlabas ng ASEAN sa isang katuwang sa labas ang pormal na katayuang Dialogue Partner, Sectoral Dialogue Partner, Special Observer, Guest o iba pang katayuan na maaaring itatag sa darating na panahon. 2. Ang mga katuwang sa labas ay maaaring anyayahan sa mga pulong ng ASEAN o sa mga gawaing pakikipagtulungan nang hindi gagawaran ng anumang pormal na katayuan, alinsunod sa mga tuntunin ng pamamaraan. ARTIKULO 45 MGA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA SISTEMA NG UNITED NATIONS AT IBA PANG ORGANISASYON AT INSTITUSYONG PANDAIGDIG 1. Ang ASEAN ay maaaring humiling ng nararapat na katayuan sa sistema ng United Nations, ganoon din sa ibang mga organisasyon at institusyong subrehiyonal at internasyunal. 2. Ang Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN ang magpapasiya sa paglahok ng ASEAN sa ibang mga organisasyon at institusyong subrehiyonal, rehiyonal at internasyunal. 21 ARTIKULO 46 PAGKILALA SA MGA HINDI KASAPING BANSA SA ASEAN Ang mga Bansang hindi Kasapi sa ASEAN at mga kaugnay na mga organisasyong inter- government ay maaaring humirang at kilalanin ang mga Embahador ng mga ito sa ASEAN. Ang Pulong ng mga Minister Panlabas ng ASEAN ang magpapasiya sa nasabing pagkilala. KAPITULO XIII MGA PANGKALAHATAN AT PANGWAKAS NA TADHANA ARTIKULO 47 PAGLAGDA, PAGPAPATIBAY, PAGLALAGAK AT PAGKAKABISA 1. Ang Saligang Batas na ito ay lalagdaan ng lahat ng Kasaping Bansang ASEAN. 2. Ang Saligang Batas na ito ay sasailalim sa pagpapatibay ng lahat ng Kasaping Bansa, ng alinsunod sa kani-kanilang pamamaraang panloob. 3. Ang mga kasulatan ng pagpapatibay ay ilalagak sa Kalihim Panlahat ng ASEAN na agad na magpapaalam sa lahat ng Kasaping Bansang ASEAN ng bawat paglalagak. 4. Ang Saligang Batas na ito ay magkakabisa sa ikatatlumpong araw, pagkatapos ng petsa ng paglalagak ng ikasampung kasulatan ng pagpapatibay sa Kalihim Panlahat ng ASEAN. ARTIKULO 48 MGA SUSOG 1. Ang alinmang Kasaping Bansa ay maaaring magpanukala ng mga susog sa Saligang Batas. 2. Ang mga panukalang susog sa Saligang Batas na pinagkaisahan ng nakararami ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN sa Kapulungang ASEAN para pagpasiyahan nito. 3. Ang mga susog sa Saligang Batas na sinang-ayunan nang nakakarami sa Kapulungang ASEAN ay pagtitibayin ng lahat ng Kasaping Bansa alinsunod sa Artikulo 47. 4. Ang isang susog ay magkakabisa sa ikatatlumpung araw, pagkatapos ng petsa ng paglalagak ng huling kasulatan ng pagpapatibay sa Kalihim-Panlahat ng ASEAN. 22 ARTIKULO 49 MGA KONDISYON AT TUNTUNIN NG PAMAMARAAN Maliban kung may ibang itinatadhana sa Saligang Batas na ito, itatakda ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN ang mga kondisyon at tuntunin ng pamamaraan at titiyakin din nito ang hindi pagiging pabago-bago ng mga kondisyon at tuntuning ito. ARTIKULO 50 PAGBABALIK-ARAL Ang Saligang Batas na ito ay maaaring pag-aralang muli limang taon matapos itong magkabisa o kung may anumang ibang kapasyahan ang Kapulungang ASEAN. ARTIKULO 51 PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN SA SALIGANG BATAS 1. Sa kahilingan ng alinmang Kasaping Bansa, ang pagbibigay ng kahulugan sa Saligang Batas ay isasagawa ng Kalihiman ng ASEAN, alinsunod sa mga tuntunin ng pamamaraan na pinagpapasiyahan ng Lupong Tagapag-ugnay ng ASEAN, alinsunod sa mga tuntunin ng pamamaraan na itinakda ng Sangguniang Tagapag-ugnay ng ASEAN. 2. Anumang alitang lilitaw, dahil sa pakahulugan sa Saligang Batas ay aayusin, alinsunod sa mga kaugnay na mga tadhana sa Kapitulo VIII. 3. Ang mga pamagat at titulo na ginamit sa kabuuan ng Saligang Batas ay para lamang sa layunin ng pagtukoy. ARTIKULO 52 LEGAL NA PAGPAPATULOY 1. Lahat ng mga tratado, kapulungan, kasunduan, pagkakaunawaan, pahayag, protocol at iba pang mga kasulatan ng ASEAN na ipinatutupad na, bago pa magkabisa ang Saligang Batas na ito, ay magpapatuloy na may bisa. 2. Kung may pagkakaiba sa mga karapatan at tungkulin ng mga Kasaping Bansang ASEAN sa ilalim ng mga kasulatang iyon at ang Saligang Batas na ito ang mamamayani. 23 ARTIKULO 53 ANG ORIHINAL NA TEKSTO Ang nilagdaang orihinal na teksto ng Saligang Batas na ito sa wikang Ingles ay ilalagak sa Kalihim-Panlahat ng ASEAN, na magbibigay ng isang pinatunayang kopya nito sa bawat Kasaping Bansa. ARTIKULO 54 PAGPAPAREHISTRO NG SALIGANG BATAS NG ASEAN Ang Saligang Batas ay irerehistro ng Kalihim-Panlahat ng ASEAN sa Kalihim ng United Nations, alinsunod sa Artikulo 102, talata 1 ng Saligang Batas ng United Nations. ARTIKULO 55 MGA YAMAN NG ASEAN Ang mga yaman at pondo ng organisasyon ay ilalagay sa pangalan ng ASEAN. Isinagawa sa Singapore noong Ikadalawampung Araw ng Nobyembre, sa Taong Dalawang Libo at Pito, sa isang orihinal sa wikang Ingles. Para sa Brunei Darussalam (Lgd) HADJI HASSANAL BOKIAH Sultan ng Brunei Darussalam Para sa Kaharian ng Cambodia (Lgd) SAMDECH HUN SEN Punong Ministro Para sa Republika ng Indonesia (Lgd) DR. SUSILO BAMBANG YUDHOYONO Pangulo 24 Para sa Demokratikong Republika ng Mamamayan ng Lao (Lgd) BOUASONE BOUPHAVANH Punong Minister Para sa Malaysia (Lgd) DATO SERI ABDULLAH AHMAD BADAWI Punong Ministro Para sa Unyon ng Myanmar (Lgd) HENERAL THEIN SEIN Punong Ministro Para sa Republika ng Pilipinas (Lgd) GLORIA MACAPAGAL ARROYO Pangulo Para sa Republika ng Singapore (Lgd) LEE SHEIN LOONG Punong Ministro Para sa Kaharian ng Thailand (Lgd) HENERAL SURAYUD CHULANONT (RET.) Punong Ministro Para sa Sosyalistang Republika ng Vietnam (Lgd) NGUYEN TAN DUNG Punong Ministro 25 KARUGTONG 1 MGA LUPONG TAGAPAGSAGAWA PANSEKTOR NG ASEAN I. PAMAYANANG SEGURIDAD PAMPULITIKA NG ASEAN 1. ASEAN Foreign Ministers Meeting (AMM) ASEAN Senior Officials Meeting (ASEAN SOM) ASEAN Standing Committee (ASC) Senior Officials Meeting on Development Planning (SOMDP) 2. Commission on the Southeast Asia Nuclear Weapon Fee Zone (SEANWFZ Commission) Executive Committee of the SEANWFZ Commission 3. ASEAN Defense Ministers Meeting (ADMM) ASEAN Defense Senior Officials Meeting (ADSOM) 4. ASEAN Law Ministers Meeting (ALAWMM) ASEAN Senior Law Officials Meeting (ASLOM) 5. ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crime (AMMTC) Senior Officials Meeting on Transnational Crime (SOMTC) ASEAN Senior Officials on Drugs Matters (ASOD) Directors-General of Immigration Departments and Head of Consular Affairs Division of Ministers of Foreign Affairs Meeting (DGICM) 6. ASEAN Regional Forum (ARF) ASEAN Regional Forum Senior Officials Meeting (ARFSOM) II. PAMAYANANG PANG-EKONOMIYA NG ASEAN 1. ASEAN Economic Ministers Meeting (AEM) High Level Task Force on ASEAN Economic Integration (HLTF-EI) Senior Economic Officials Meeting (SEOM) 2. ASEAN Free Trade Area (AFTA) Council 26 3. ASEAN Investment Area (AIA) Council 4. ASEAN Finance Ministers Meeting (AFMM) ASEAN Finance and Central Bank Deputies Meeting (AFDM) ASEAN Director-General of Customs Meeting (Customs DG) 5. ASEAN Ministers Meeting on Agriculture Forestry (AMAF) Senior Official Meeting of the ASEAN Ministers on Agriculture and Forestry (SOM-AMAF) ASEAN Senior Officials on Forestry (ASOF) 6. ASEAN Ministers on Energy Meeting (AMEM) Senior Officials Meeting on Energy (SOME) 7. ASEAN Ministerial Meeting on Minerals (AMMin) ASEAN Senior Officials Meeting on Minerals (ASOMM) 8. ASEAN Ministerial Meeting on Science and Technology (AMMST) Committee on Science and Technology (COST) 9. ASEAN Telecommunications and Information Technology Ministers Meeting (TELMIN) Telecommunications and Information Technology Senior Officials Meeting (TELSOM) ASEAN Telecommunication Regulator’s Council (ATRC) 10. ASEAN Transport Ministers Meeting (ATM) Senior Transport Officials Meeting (STOM) 11. Meeting of the ASEAN Tourism Ministers (M-ATM) Meeting of the ASEAN National Tourism Organisations (ASEAN NTOs) 12. ASEAN Mekong Basin Development Cooperation (AMBDC) ASEAN Mekong Basin Development Cooperation Steering Committee (AMBDC SC) High Level Finance Committee (HLFC) 13. ASEAN Centre for Energy 14. ASEAN-Japan Centre in Tokyo 27 III. PAMAYANANG PANLIPUNAN AT PANGKULTURA NG ASEAN 1. ASEAN Ministers Responsible for Information (AMRI) Senior Officials Meeting Responsible for Information (SOMRI) 2. ASEAN Ministers Responsible for Culture and Arts (AMCA) Senior Officials Meeting for Culture and Arts (SOMCA) 3. ASEAN Education Ministers Meeting (ASED) Senior Officials Meeting on Education (SOM-ED) 4. ASEAN Ministerial Meeting on Disaster Management (AMMDM) ASEAN Committee on Disaster Management (ACDM) 5. ASEAN Ministerials Meeting on the Environment (AMME) ASEAN Senior Offiicials on the Environment (ASOEN) 6. Conference of the Parties to the ASEAN Agreement on Transboundary Haze Pollution (COP) Committee (COM) under the COP to the ASEAN Agreement on Transboundary Haze Pollution 7. ASEAN Health Ministers Meeting (AHMM) Senior Officials Meeting on Health Development (SOMHD) 8. ASEAN Labour Ministers Meeting (ALMM) Senior Labour Officials Meeting (SLOM) ASEAN Committee on the Implementation of the ASEAN Declaration on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers 9. ASEAN Ministers on Rural Development and Poverty Eradication (AMRDPE) Senior Officials Meeting on Rural Development and Poverty Eradication (SOMRDPE) 10. ASEAN Ministerial Meeting on Social Welfare and Development (AMMSWD) Senior Officials Meeting on Social Welfare and Development (SOMSWD) 11. ASEAN Ministerial Meeting on Youth (AMMY) Senior Officials Meeting on Youth (SOMY) 28 12. ASEAN Conference on Civil Service Matters (ACCSM) 13. ASEAN Centre for Biodiversity (ACB) 14. ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on disaster management (AHA Centre) 15. ASEAN Earthquakes Information Centre 16. ASEAN Specialized Meteorological Centre (ASMC) 17. ASEAN University Network (AUN) KARUGTONG 2 MGA ENTIDAD NA KAUGNAY NG ASEAN I. MGA PARLIAMENTARIAN ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) II. MGA SAMAHANG PANGNEGOSYO ASEAN Airlines Meeting ASEAN Alliance of Health Supplement Association (AAHSA) ASEAN Automotive Federation (AAF) ASEAN Bankers Association (ABA) ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) ASEAN Business Forum (ABF) ASEAN Chamber of Commerce and Industry (ASEAN-CCI) ASEAN Chemical Industries Council ASEAN Federation of Textiles Industries (AFTEX) ASEAN Furniture Industries Council (AFIC) ASEAN Insurance Council (AIC) ASEAN Intellectual Property Association (ASEAN IPA) ASEAN International Airports Association (AAA) ASEAN Iron and Steel Industry Federation ASEAN Pharmaceutical Club ASEAN Tourism Asociation (ASEANTA) Federation of ASEAN Economic Associations (FAEA) Federation of ASEAN Shipper’s Council US-ASEAN Business Council 29 III. MGA THINK TANK AT MGA INSTITUSYONG PANG-AKADEMIKO ASEAN-ISI Network IV. MGA KINIKILALANG CIVIL SOCIETY ORGANIZATION ASEAN Academics of Science, Engineering and Technology (ASEAN CASE) ASEAN Academy of Engineering and Technology (AAET) ASEAN Association for Clinical Laboratory Sciences (AACLS) ASEAN Association for Planning and Housing (AAPHS) ASEAN Association of Radiologists (AAR) ASEAN Chess Confederation (ACC) ASEAN Confederation of Women’s Organization (ACWO) ASEAN Constructors Federation (ACF) ASEAN Cosmetics Association (ACA) ASEAN Council for Japan Alumni (ASCOJA) ASEAN Council of Teachers (ACT) ASEAN Federation for Psychiatric and Mental Health (AFPMH) ASEAN Federation of Accountants (AFA) ASEAN Federation of Electrical Engineering Contractors (AFEEC) ASEAN Federation of Engineering Organization (AFEO) ASEAN Federation of Flying Clubs (AFFC) ASEAN Federation of Forwarders Associations (AFFA) ASEAN Federation of Hearth Foundation (AFHF) ASEAN Federation of Land Surveying and Geomatics (ASEAN FLAG) ASEAN Federation of Mining Association (AFMA) ASEAN Fisheries Federation (AFF) ASEAN Football Federation (AFF) ASEAN Forest Products Industry Club (AFPIC) ASEAN Forestry Students Association (AFSA) ASEAN Handicraft Promotion and Development Association (AHPADA) ASEAN Kite Council (AKC) ASEAN Law Association (ALA) ASEAN Law Students Association (ALSA) ASEAN Music Industry Association (AMIA) ASEAN Neurosurgical Society (ANS) ASEAN NGO Coalition on Ageing ASEAN Non-Governmental Organizations for the Prevention of Drugs and Substance Abuse 30 ASEAN Oleochemical Manufacturers Group (AOMG) ASEAN Orthopaedic Association (AOA) ASEAN Peadiatric Federation (APF) ASEAN Para Sports Federation (APSF) ASEAN Ports Association (APA) ASEAN Thalassaemia Society (ATS) ASEAN Valuers Association (AVA) ASEAN Vegetable Oils Club (AVOC) Asian Partnership for Development of Human Resources in Rural Asia (AsiaDHRRA) Committee for ASEAN Youth Cooperation (CAYC) Federation of ASEAN Consulting Engineers (FACE) Federation of ASEAN Public Relations Organizations (FAPRO) Federation of ASEAN Shipowners’ Associations (FASA) Medical Association of Southeast Asian Nations Committee (MASEAN) Rheumatism Association of ASEAN (RAA) Southeast Asia Regional Institute for Community and Education (SEARICE) Southeast Asian Studies Regional Exchange Program (SEASREP) Foundation Veterans Confederation of ASEAN Countries (VECONAC) V. IBA PANG MGA STAKEHOLDER SA ASEAN ASEANAPOL Federation of Institutes of Food Science and Technology in ASEAN (FIFSTA) Southeast Asian Fisheries Development Centre (SEAFDEC) Working Group for an ASEAN Human Rights Mechanism 31 KARUGTONG 3 BANDILA NG ASEAN Ang Bandila ng ASEAN ay kumakatawan sa isang matatag, mapayapa, nagkakaisa at dinamikong ASEAN. Ang mga kulay ng Bandila – asul, pula, puti at dilaw – ay kumakatawan sa mga pangunahing kulay ng mga bandila ng lahat ng mga Kasaping Bansa ng ASEAN. Kinakatawan ng asul ang kapayapaan at katatagan. Ang pula ay naglalarawan ng tapang at kasiglahan. Ang puti ay naglalarawan ng kalinisan at ang dilaw ay sumasagisag ng kaunlaran. Ang mga uhay ng palay ay kumakatawan sa pangarap ng mga Tagapagtatag ng ASEAN na binubuo ng lahat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya, na pinag-iisa ng pagkakaibigan at pagsasamahan. Ang bilog ay kumakatawan sa pagkakaisa ng ASEAN. Ang mga ispesipikasyon ng Pantone Color na ginamit para sa mga kulay ng bandila ng ASEAN ay ang sumusunod: Blue : Pantone 19-4053 TC Pula : Pantone 18-1655 TC Puti : Pantone 11-4202 TC Dilaw : Pantone 13-0758 TC Para sa bersyong inimprenta, ang ispesipikasyon ng mga kulay (maliban sa puti) ay susunod sa mga ispesipikasyon para sa mga kulay ng sagisag ng ASEAN. Asul : Pantone 286 o Process Colour 100C 60M 6K Pula : Pantone Red 032 o Process Colour OC 91M 87Y OK Dilaw : Pantone Process Yellow o Process Colour OC OM 100Y OK Ang proporsyon ng lapad sa haba ng Bandila ay dalawa sa tatlo, at ang laki ng mga sumusunod na mga Bandila ay: Para sa Mesa : 10sm x 15sm Para sa Kuwarto : 100sm x 150sm Para sa sasakyan : 10sm x 30sm Para sa labas : 200sm x 300sm 32 KARUGTONG 4 ANG SAGISAG NG ASEAN Ang Sagisag ng ASEAN ay kumakatawan sa isang matatag, mapayapa, nagkakaisa at dinamikong ASEAN. Ang mga kulay ng Sagisag - asul, pula, puti at dilaw - ay kumakatawan sa mga pangunahing kulay ng mga sagisag ng lahat ng mga Kasaping Bansa ng ASEAN. Kinakatawan ng asul ang kapayapaan at katatagan. Ang pula ay naglalarawan ng tapang at kasiglahan. Ang puti ay naglalarawan ng kalinisan at ang dilaw ay sumasagisag ng kaunlaran. Ang mga uhay ng palay ay kumakatawan sa pangarap ng mga Tagapagtatag ng ASEAN na binubuo ng lahat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya, na pinag-iisa ng pagkakaibigan at pagsasamahan. Ang bilog ay kumakatawan sa pagkakaisa ng ASEAN. Ang mga ispesipikasyon ng Pantone Color na ginamit para sa mga kulay ng bandila ng ASEAN ay ang sumusunod: Blue : Pantone 19-4053 TC Pula : Pantone 18-1655 TC Puti : Pantone 11-4202 TC Dilaw : Pantone 13-0758 TC Para sa bersyon inimprenta, ang ispesipikasyon ng mga kulay (maliban sa puti) ay susunod sa mga ispesipikasyon para sa mga kulay ng sagisag ng ASEAN. Asul : Pantone 286 o Process Colour 100C 60M 6K Pula : Pantone Red 032 o Process Colour OC 91M 87Y OK Dilaw : Pantone Process Yellow o Process Colour OC OM 100Y OK Ang proporsyon ng lapad sa haba ng Bandila ay dalawa sa tatlo, at ang laki ng mga sumusunod na mga Bandila ay: Para sa Mesa : 10sm x 15sm Para sa Kuwarto : 100sm x 150sm Para sa sasakyan : 10sm x 30sm Para sa labas : 200sm x 300sm Ang font na ginamit para sa salitang ASEAN sa Sagisag ay ang mababang Helvetica na ginawang higit na madiin. 33 Notes: 1. The English acronym ASEAN was retained for status purposes but was given the equivalent Samahan ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya in the beginning. 2. Same with United Nations and ASEAN Foundation. 3. Following are the equivalents given in Filipino for the ASEAN officials, committees, councils, etc. a. ASEAN Samahan ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya b. ASEAN Summit Kapulungang ASEAN c. ASEAN Coordinating Council Lupong Tagapag-ugnay d. ASEAN Community Council Mga Lupon ng Pamayanang ASEAN e. ASEAN Sectoral Ministerial Mga Lupong Tagapangasiwa ng ASEAN Bodies f. Secretary General Kalihim Panlahat g. ASEAN Secretariat Kalihiman ng ASEAN h. Deputy Secretaries-General Mga Katuwang na Kalihim Panlahat i. Committee of Permanent Komite ng mga Permanenteng Kinatawan Representatives j. ASEAN Security Community Lupong Pamayanan para sa Kaligtasan Council k. ASEAN Economic Community Lupong Pamayanan Para sa Pangkabuhayan Council l. ASEAN Socio-cultural Lupong Pamayanang Sosyo-kultural Community Council 34