Karapatan ng Tao at Wika: Pag-unawa sa mga Batas sa Lipunan | PDF
Document Details

Uploaded by FerventRosemary
Philippine Normal University
Tags
Summary
Ang dokumento ay tungkol sa mga karapatang pantao at ang kahalagahan nito sa lipunan ng Pilipinas. Tinalakay nito ang papel ng batas at wika sa pagprotekta at pag-unlad ng mga karapatan ng mamamayan. Nagbibigay din ito ng impormasyon tungkol sa Artikulo 3 at iba pang mahahalagang bahagi ng Saligang Batas na may kaugnayan sa isyung ito.
Full Transcript
Okay, I will convert the document into a structured markdown format. ### Layunin: * Nakikilala ang karapatan bilang isang indibidwal sa lipunan. * Naipapahayag ang sariling damdamin kaugnay ng mga panlipunang karapatan. * Naisasabuhay ang karapatan sa mga sitwasyong kinakaharap. ### Paglala...
Okay, I will convert the document into a structured markdown format. ### Layunin: * Nakikilala ang karapatan bilang isang indibidwal sa lipunan. * Naipapahayag ang sariling damdamin kaugnay ng mga panlipunang karapatan. * Naisasabuhay ang karapatan sa mga sitwasyong kinakaharap. ### Paglalahad: ## Aralin 3: Ang Batas at Karapatang Pantao Ang batas ay mahalaga sa pagkakaroon ng katahimikan at kaayusan ng isang bansa. Ito ang nagsisilbing gabay o pamantayan sa ating pakikisalamuha upang mapangalagaan ang kaligtasan at karapatan ng mga mamamayan ng isang bansa. Ang batas ay agham ng mga alituntunin sa moralidad na nakasalig sa katutubong pangangatwiran ng tao. Ang pagbubuklod ng isang bansa ay nakasalalay sa pagpapaunlad ng sariling wika. Ang wika at ang bayan ay laging magkakambal at hindi maihihiwalay ang wika sa bayan. Napakahalaga ng wika sa karunungang pantao. Ang pagkakaroon ng wika ay isang katangiang ikinaiba ng tao sa iba pang nilikha ng Diyos. Ang wika ay siyang instrumento at daluyan ng kaisipan upang maipahayag ang kanyang ideya sa kanyang kapwa at ito ang siyang gamit upang makibahagi sa lipunan at maipagtanggol ang kanyang sarili sa oras ng pangangailangan. Sa adhikaing ito ang batas ay dapat na lubos na maunawaan ng bawat mamamayan ng isang bansa. Sa probisyong pangwika ang pagpapakilala ng isang wikang ginagamit ay nagsasalamin sa identidad ng isang malayang bansa na may pagmamahal sa sariling wika. Sa Saligang Batas Art. 14 Seksyon 6 na nagsasabing. "Ang wikang pambansa ay Filipino samantalang nililinang ito ay dapat na payabungin at pagyamanin salig sa mga umiiral na wika at ibang wika sa Pilipinas." Sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), binigyan nila ng malinaw na deskripsyon ang salitang Filipino. “Ang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ito ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at sa mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika para sa iba't ibang saligang sosyal para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Upang ang wikang ito ay patuloy na maging buhay nararapat na gamitin at isaalang-alang ang gamit nito sa lipunan. Ang pagkilala sa wika ay kaalinsabay ang pagkilala sa karapatan ng mga mamamayang naninirahan sa isang bansa. Ang batas na siyang nagbibigay ng proteksyon at pagkalinga sa estado maging sa pangangailangan ng mamamayan ay dapat na maging bukas sa pang-unawa ng mamamayan ng isang bansa. Sa katutubong karangalan at sa pantay at di-maikakait na mga karapatan ng lahat ng nabibilang sa angkan ng tao ay siyang saligan ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa daigdig. Sapagkat ang pagwawalang-bahala at paglalapastangan sa mga karapatan ng tao ay nagbunga ng mga gawang di-makatao na humamak sa budhi ng sangkatauhan, at ang pagdatal ng isang daigdig na ang mga tao ay magtatamasa ng kalayaan sa pagsasalita at ng kaligtasan sa pangamba at pagdaralita ay ipinahayag na pinakamataas na mithiin ng mga karaniwang tao. Dahil dito mahalaga, kung ang tao ay di-pipiliting manghawakan bilang huling magagawa, sa paghihimagsik laban sa paniniil at pang-aapi, na ang mga karapatan ng tao'y mapangalagaan sa pamamagitan ng paghahari ng batas ng mga karapatan ng tao. Bilang pangkalahatang pamantayang maisasagawa para sa lahat ng tao at bansa, sa layuning ang bawat tao at bawat galamay ng lipunan, na laging nasa isip ang pahayag na ito, ay magsikap sa pamamagitan ng pagtuturo at edukasyon na maitaguyod ang paggalang sa mga karapatan at kalayaang ito at sa pamamagitan ng mga hakbang na pagsulong na pambansa at pandaigdig, ay makamtan ang pangkalahatan at mabisang pagkilala at pagtalima sa mga ito, maging ng mga mamamayan ng mga kasaping estado at ng mga mamamayan ng mga teritoryo na nasa ilalim ng kanilang nasasakupan. Batay sa Artikulo XIII batay sa katarungang panlipunan at mga karapatang pantao ay isinasaad sa Seksyon I na dapat pag-ukulan ng pinakamataas na prayoriti ang pagsasabatas ng mga hakbangin na mangangalaga at magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa dignidad pantao, magbabawas sa mga di-kapantay-pantay na panlipunan, pangkabuhay at papawi sa mga di pagkapantay-pantay na pamamagitan ng ekwitableng pagpapalaganap kapangyarihang pampulitika para sa kabutihan Ang katarungang panlipunan o hustisya sc islogan na nagsasaad ng paglingap (concern) sa mahihirap at ng mga kapus-palad. Bilang isang ng Konstitusyon, ito'y nangangahulugan na ang pamahalaan ay magpapapairal ng mga batas na gagarantiya sa karapatan ng mga tao lalung-lalo na ang maralita sa pantay-pantay na oportunidad at makatarungang pagbabahagi, batay sa hirap na pansosyal at pang-ekonomiko at sa lahat ng hakbangin na hahango sa mga kulang-palad sa kanilang kahirapan. Anupa't ang kulang ng kapalaran sa buhay ay dapat na mabigyan ng higit na tangkilik sa batas. Higit kaninuman bilang mamamayan ng bansang Pilipinas dapat na bigyang tuon ang ilang mga karapatan. ***Artikulo 1*** Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan. Sila'y pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isa't isa sa diwa ng pagkakapatiran. ***Artikulo 2*** Ang bawat tao'y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa pahayag na ito, nang walang ano mang - uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan. Bukod dito, walang pagtatanging gagawin batay sa katayuang pampulitika, hurisdiksiyunal o pandaigdig na kalagayan ng bansa o teritoryong kinabibilangan ng isang tao, maging ito ay nagsasarili, itinitiwala, di-nakapamamahala sa sarili o nasa ilalim ng ano mang katakdaan ng soberanya. ***Artikulo 3*** Ang bawat tao'y may karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili. ***Artikulo 4*** Walang sino mang aalipinin o bubusabusin; ipagbabawal ang ano mang anyo ng pang-aalipin at ang pangangalakal ng alipin. ***Artikulo 5*** Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit, di-makatao o nakalalait na pakikitungo sa parusa. ***Artikulo 6*** Ang bawat tao'y may karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas. ***Artikulo 7*** Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas at may karapatan sa .Anging pagtatangi ng pangangalaga ng batas. Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pangangalaga laban sa ano mang pagtatangi-tanging nalalabag sa pahayag na ito at laban sa ano mang pagbubuyo sa gayong pagtatangi-tangi. ***Artikulo 8*** Ang bawat tao'y may karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa tungkol sa mga gawang lumalabag sa pangunahing mga karapatan na ipinagkaloob sa kanya ng Saligang Batas o ng batas. ***Artikulo 9*** Walang sino mang ipaiilalim sa di-makatwirang pagdakip, pagpigil o pagpapatapon. ***Artikulo 10*** Ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan, sa pagpapasiya ng kanyang mga karapatan at panangutan at sa ano mang paratang na kriminal laban sa kanya. ***Artikulo 11*** Ang bawat taong pinararatangan ng pagkakasalang pinarurusahan ay may karapatang ituring na walang-sala hanggang di-napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas sa isang hayag na paglilitis na ipinagkaroon niya ng lahat ng garantiyang kailangan sa kanyang pagtatanggol. Walang taong ituturing na nagkasala ng pagkakasalang pinarurusahan dahil sa ano mang gawa o pagkukulang na hindi isang pagkakasalang pinarurusahan, sa ilalim ng batas pambansa o pandaigdig, noong panahong ginawa iyon. Hindi rin ipapataw ang parusang lalong mabigat kaysa nararapat nang panahong magawa ang pagkakasalang pinarurusahan. ***Artikulo 12*** Walang taong isasailalim sa di-makatwirang panghihimasok sa kanyang pananahimik, pamilya, tahanan o pakikipagsulatang ni sa tuligsa sa kanyang karangalan at mabuting pangalan. Ang bawat tao'y may karapatan sa pangangalaga ng batas laban sa gayong mga panghihimasok o tuligsa. ***Artikulo 13*** Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mga hanggahan ng bawat estado. Ang bawat tao'y may karapatang umalis sa alin mang bansa, pati na sa kanyang sarili, at bumalik sa kanyang bansa. ***Artikulo 14*** Ang bawat tao'y may karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop laban sa pag-uusig. Ang karapatang ito'y hindi mahihingi sa mga pag-uusig na tunay na nagbubuhat sa mga pagkakasalang di-pampulitika o sa mga gawang nasasalungat sa mga layunin at simulain ng mga Bansang Nagkakaisa. ***Artikulo 15*** Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pagkamamamayan. Walang sino mang aalisan ng kanyang pagkamamamayan an Walang katwiran ni pagkakaitan ng karapatang magpalit ng kanyang pagkamamamayan. ***Artikulo 16*** Ang mga lalaki't babaeng may sapat na gulang ay may karapatang mag-asawa at magpakawalang ano mang pagtatakda dahil sa lahi, bansang kinabibilangan na o relihiyon. Nararapat sila sa pantay-pantay karapatan sa pag-aasawa, sa panahong may asawa at pagpapawalang bisa nito. Ang pag-aasawa'y papasukan lamang sa pamamagitan ng malaya at lubos na pagsang-ayon ng mga nagbabalak magkapangasawahan. Ang pamilya ay likas at pangunahing pangkat sa sangay ng lipunan at karapat-dapat sa pangangalaga ng lipunan at ng Estado. ***Artikulo 17*** Ang bawat tao'y may karapatang mag-angkin ng ari-arian nang mag-isa gayon din na kasama ng iba. Walang sino mang aalisan ng kanyang ari-arian nang walang katwiran. ***Artikulo 18*** Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon; kasama sa karapatang ito ang kalayaang magpalit ng kanyang relihiyon o paniniwala maging nag-iisa o kasama ang iba sa pamayanan upang ipakilala ang kanyang relihiyon o paniniwala sa pagtuturo, pagsasagawa, pagsamba at pagtalima. ***Artikulo 19*** Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag: kasama ng karapatang ito ang kalayaan at kuro kuro nang walang panghihimasok at humanap, tumanggap at ***Artikulo 20*** Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahani. Walang sino mang pipiliting sumapi sa isang kapisanan. ***Artikulo 21*** Ang bawat tao'y may karapatang makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa, sa tuwiran o sa pamamagitan ng mga kinatawang malayang pinili. Ang bawat tao'y may karapatan sa pantay na pagpasok sa paglilingkod pambayan ng kanyang bansa. Ang kalooban ng bayan ang magiging saligan ng kapangyarihan ng pamahalaan; ang kaloobang ito'y ipahahayag sa tunay na mga halalan sa pana-panahon sa pamamagitan ng pangkalahatan at pantay-pantay na paghahalal at idaraos sa pamamagitan ng lihim na balota o sa katumbas na pamamaraan ng malayang pagboto. ***Artikulo 22*** Ang bawat tao, bilang kasapi ng lipunan, ay may karapatan sa kapanatagang panlipunan at nararapat na makinabang sa pamamagitan ng pambansang pagsisikap at pakikipagtulungang pandaigdig at alinsunod sa pagkakabuo at mga mapagkukunan ng bawat estado, sa mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan na lubhang kailangan para sa kanyang karangalan at sa malayang pagpapaunlad ng kanyang pagkatao. ***Artikulo 23*** Ang bawat tao'y may karapatan sa paggawa, sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay, sa makatarungan at kanais-nais na mga kalagayan sa paggawa at sa pangangalaga laban sa kawalang mapapasukang hanapbuhay. Ang bawat tao'y may karapatan sa kapantay na bayad ng kapantay na gawain, nang walang ano mang pagtatangi. Ang bawat taong gumagawa ay may karapatan sa makatarungan at nababatay sa kabayarang tumitiyak sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ng kabuhayang karapat-dapat sa karangalan ng isang tao, at pupunan, kung kailangan, ng iba pang paraan ng pangangalangang panlipunan. Ang bawat tao'y may karapatang magtatag at umanib sa mga unyon ng manggagawa para sa pangangalaga ng kanyang mga kapakanan. ***Artikulo 24*** Ang bawat tao'y may karapatan sa pamamahinga at paglilibang, kasama ang mga makatwirang pagtatakda ng mga oras ng paggawa at may sahod sa mga pana-panahong pista opisyal. ***Artikulo 25*** Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, kasama na ang pagkain, pananamit, paninirahan at pagpapagamot at kinakailangang mga paglilingkod panlipunan, at ng karapatan sa kapanatagan sa panahong walang gawain, pagkakasakit, pagkabalda, pagkabalo, katandaan at iba pang kakapusan sa ikabubuhay sa mga di-maiiwasang pangyayari. Ang pagkain at pagkabata ay nararapat sa tanging kalinga at tulong. Ang lahat ng bata, maging anak na lehitimo o di-lehitimo, ay magtatamasa ng gayon ding pangangalagang panlipunan. ***Artikulo 26*** Ang bawat tao'y may karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay walang bayad, doon man lamang sa elementarya at pangunahing antas. Ang edukasyong elementarya ay magiging sapilitan. Ang edukasyong teknikal at propesyonal ay gagawing maabot ng lahat at ang lalong mataas na edukasyon ay ipagkakaloob nang pantay pantay sa lahat batay sa pagiging karapat-dapat. Ang edukasyon ay itutungo sa ganap na pagpapaunlad ng pagkatao at sa pagpapalakas ng paggalang sa mga karapatan ng tao at mga pangunahing kalayaan. Itataguyod nito ang pagkakaunawaan, pagbibigayan, at pagkakaibigan ng lahat ng bansa, mga pangkat na panlahi o panrelihiyon, at palawakin ang mga gawain ng mga Bansang Nagkakaisa sa ikapapanatili ng kapayapaan. Ang mga magulang ay may pangunahing karapatang pumili ng uri ng edukasyong ipagkaloob sa kanilang mga anak. ***Artikulo 27*** Ang bawat tao'y may karapatang makilahok nang malaya sa buhay pangkalinangan ng pamayanan, upang tamasahin ang mga sining at makihati sa mga kaunlaran sa siyensiya at sa mga pakinabang dito. Ang bawat tao'y may karapatan sa pangangalaga ng mga kapakanang moral at materyal bunga ng alin mang produksiyong pang-agham, pampanitikan o pansining na siya ang may-akda. ***Artikulo 28*** Ang bawat tao'y may karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig na ang mga karapatan at mga kalayaang itinakda sa Pahayag na ito ay ganap na maisasakatuparan. ***Artikulo 29*** Ang bawat tao'y may mga tungkulin sa pamayanan sa ikaaari lamang ng malaya at ganap na pagkaunlad ng kanyang pagkatao. Sa paggamit ng kanyang mga karapatan at mga kalayaan, ang bawat tao'y masasaklaw lamang ng mga katakdaan gaya ng ipinapasya ng batas ng tanging sa layunin lamang ng pagtatamo ng kaukulang pagkilala at paggalang sa mga karapatan at mga kalayaan ng iba at sa pagtugon sa makatarungang kahilingan ng moralidad, kaayusang pambayan at ng pangkalahatang kagalingan sa isang demokratikong lipunan. Ang mga karapatan at kalayaang ito ay hindi magagamit sa ano mang pangyayari nang nasasalungat sa mga layunin at mga simulain ng mga Bansang Nagkakaisa. ***Artikulo 30*** Walang bagay sa Pahayag na ito na mapapakahulugan ang nagbibigay sa alin mang Estado, pangkat o tao ng ano mang karapatang gumawa ng ano mang kilusan o magsagawa ng ano mang hakbang na naglalayong sirain ang nakalahad dito. ## Bill of Rights ng Saligang Batas ang mga Karapatan ng Bawat Pilipino Nakasaad dito na hindi maaaring kitilin ang buhay, kalayaan, o ari-arian ng sinuman nang hindi nabibigyan ng 'due process'. Ibig sabihin, dapat dumaan sa tamang proseso ang sinumang nanganganib matanggalan ng mga proteksiyong ito. Kasama diyan ang mabigyan siya ng pagkakataong idepensa ang kanyang sarili. May karapatan din ang bawat mamamayan laban sa anumang search o pangangapkap at paghahaluglog nang walang search warrant. Paliwanag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kapag kusang pinagbuksan ng pinto at pinapasok ang law enforcers gaya ng pulis at National Bureau of Investigation agents at pinahintulutang maghalughog, wala itong paglabag. Pero ibang usapan na umano kapag nagpumilit pa ring pumasok ang mga opisyal kahit walang pahintulot na binigay ang may-ari ng bahay." Ngayon, ang the best diyan ay for the police to get a search warrant kung kailangang pumasok. Kailangang maging magalang \[ang mga pulis] sa paghingi ng pahintulot sa mga maybahay. Kung ayaw papasukin, politely decline," ani Aguirre. Dagdag ni Aguirre: "Know your rights. Talagang walang karapatan sinuman ang pumasok sa bahay mo nang walang pahintulot kahit nakabukas pinto mo." Sa pag-a-apply naman ng arrest warrant, dapat itong katigan ng Korte kapag may basehan lamang. Pinapahintulutan ang warrantless arrest kung ang aarestuhin ay kagagawa lang ng krimen, kasalukuyang gumagawa ng krimen, nagtatangkang gumawa ng krimen o isang pugante. Maaari ding isagawa ang warrantless arrest kapag suspendido ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus. Pero para lang ito sa mga pinagdududahang sangkot sa rebelyon. Kailangang masampahan na ng kaso ang naaresto tatlong araw matapos itong mahuli. Pinoprotektahan din ng Saligang Batas ang 'privacy of communication and correspondence'. Maaari itong panghimasukan kapag may utos ng Korte o sa mga pagkakataong nanganganib ang kaligtasan ng publiko. May karapatan din ang bawat isa na ihayag ang sarili maliban na lang kung ito ay paninirang puri na. Binibigyan din ng kalayaang mamahayag ang media, pati na ang mga mamamayan na magsagawa ng mapayapang pagtitipon para ihayag ang mga daing sa pamahalaan. May karapatan ding manahimik at hindi maaaring puwersahing magsalita o umamin sa krimen ang sinumang iniimbestigahan dahil sa posibleng paglabag sa batas. May karapatan din ang inaakusahan na katawanin ng abogado. Labag sa batas ang paggamit ng torture, puwersa, dahas, at anumang uri ng pananakot sa sinumang nakadetene. Bawal din ang mga sikretong kulungan at detention facilities, pati na ang pagtago sa taong nakadetene. Dapat ding ituring na inosente ang sinumang nasampahan ng kaso sa Korte maliban na lang kung nahatulan na itong may sala. Karapatan din ng bawat mamamayan na sumailalim sa patas at mabilis na paglilitis kung saan may sapat siyang pagkakataon na ipagtanggol ang sarili. Ang sinumang awtoridad na lalabag sa mga karapatang ito ay mahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo. Ang sinumang mamamayan na pinagtatangkaang gawan ng mga nasabing paglabag sa batas ay maaaring maghayag ng pagtutol at agad tumawag ng abogado. Payo ng legal experts, dapat alam ng mga sibilyan at awtoridad ang mga karapatang ito para na rin sa proteksyon at kapakanan ng bawat panig. ### Paggamit ng wikang Filipino sa loob ng korte MADALAS na umalingawngaw ang linyang "ang hustisya ay para sa mga mayayaman lamang" mula sa mga maralita habang kanilang ipinapahayag ang mga hinaing ukol sa 'di umano'y hindi patas na "pagtrato" sa kanila sa loob ng hukuman. Isang halimbawa nito ang nakasaad sa isang artikulo sa Inquirer.net tungkol kay Zosimo Buco, isang 27 taong gulang na magbabalut mula sa Leyte na lumuwas sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Ngunit sa kasamaang palad, naakusahan siya ng pagbaril at pagpatay sa isang sibilyan sa Quezon City. Ipinagtapat niyang kinabahan siya sa paglilitis ng kanyang kaso dahil nahihirapan siyang makapagsalita at makaintindi ng wikang Ingles na ginagamit sa mga korte. Tanging sa diyalektong Waray lamang matatas magsalita si Buco kaya't laking pasasalamat niya nang isinagawa ang kanyang paglilitis sa wikang Filipino na nababatay sa Tagalog. Bagama't hindi siya bihasa sa pagsasalita nito, mas naintindihan naman niya ang mga naganap sa kanyang paglilitis. Batay sa isinagawang pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) noong 2003, 46 na porsiyento ang nagsabing nahihirapan silang makaintindi ng Ingles. Ang ganitong pagbibigay ng pagkakataong maipagtanggol ng mga nasasakdal ang kanilang mga sarili ay bahagi ng proyektong Forum on increasing access to justice: Bridging gaps and removing roadblocks ng Mataas na Hukuman. Layunin nito ang mapabuti ang pag-unawa ng mga nasasakdal sa paglilitis ng kanilang kaso at mabigyan sila ng pagkakataon na maipahayag ang kanilang panig sa korte sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino. Hindi na bago ang paggamit ng wikang pambansa sa mga paglilitis. Sa akdang Mga Saliksik sa Batas at Politika (2003) ni Cezar Peralejo, inisa-isa niya ang mga probisyon sa Mga Alituntunin ng Hukuman (Rules of Court) ukol sa paggamit ng Filipino sa korte tulad ng pagsasalin ng sakdal sa akusado sa diyalektong nauunawaan niya. Nararapat ding isalin sa diyalektong naiintindihan ng nasasakdal ang mga katibayang dokumento at paunang pagsisiyasat sa krimen. Ayon kay Peralejo, "Ang pagpapatupad sa paggamit ng pambansang wika sa paglilitis ng krimen" ang siyang tanging kinakailangan sa pagtatanggol ng nasasakdal sa kanyang mga karapatan. Sa ulat ng Inquirer.net noong ika-1 ng Hulyo, sinabi ni Punong Hukom Reynato Puno na naging epektibo ang paggamit ng wikang Filipino sa mga paglilitis. Nagkaroon ng malinaw na komunikasyon sa pagitan ng mga nasasakdal, abogado, hukom at miyembro ng korte. Una itong isinagawa sa lalawigan ng Bulacan. Dahil sa tulong na naidulot ng paggamit nito sa mga paglilitis, isinusulong na rin ang pagpapatupad nito sa iba pang probinsyang gumagamit ng Tagalog tulad ng Cavite at Batangas. Ngunit maganda man ang resulta ng proyekto, nagkaroon pa rin ng mga problema sa pagpapatupad nito. Nagpakaroon ang pagkakaroon ng iba't ibang diyalekto sa bansa bukod sa Tagalog na nagpapatagal sa pagpapatupad ng proyekto sa buong Pilipinas. Ilan pa sa mga suliraning kinakaharap ng proyekto ay ang pagkakaroon ng mga hukom na hindi matatas sa Tagalog at ang kinakailangang pagsasanay ng mga stenographer o ang mga tagapagtala ng mga pahayag ng nasasakdal para sa panghinaharap na gamit. Noong taong 2003 at 2004, lumabas sa isang pag-aaral ng SWS na 76 na porsiyento ng 889 na hukom mula sa mga regional trial courts ang tumutol sa paggamit ng wikang pambansa sa mga hukuman. Subalit kung mabibigyan lamang ng karampatang solusyon ang mga problema sa pagpapatupad ng nasabing proyekto, malaki ang maitutulong nito upang maging mas epektibo at mabilis ang pagkamit ng hustisya ng mga mamamayang nahihirapan sa paggamit ng Ingles. Mapapalad ang mga nakakapag-aral dahil nakakaintindi sila ng wikang Ingles na ginagamit sa mga pormal na pagtitipon, sa pakikipagkalakalan, at maging sa pagbuo ng mga batas. Ngunit paano na ang mga hindi nakakapagsalita o nakakaintindi ng Ingles? Hindi ba't bilang mga mamamayan ng bansa, karapatan din nilang maipagtanggol ang kanilang mga sarili? Kung ang ilang bansa tulad ng Saudi Arabia, Japan at China ay gumagamit ng kanilang pambansang wika sa mga gawaing pang-estado, kaya rin itong gawin ng mga Pilipino. Ani Peralejo, "Ang wika ang pangunahing kasangkapan sa pag-uugnayan sa pagitan ng namamahala at pinamamahalaan; o ng gobyerno at ng mamamayan. Samakatuwid, dapat na gamitin sa komunikasyon ang wika ng bayan para magkaunawaan." Kung talagang nais ng mga Pilipino na magkaroon ng pagkaunawaan hindi lamang sa mga hukuman kundi sa buong bayan, nararapat lamang na payabungin ang paggamit ng wikang nagbubuklod sa ating lahat bilang isang lahi. ## Papel ng Wikang Filipino sa Lipunan Napag-iwanan na ang Pilipinas ng mga karatig-bansa nito sa Asya pagdating sa pagtangkilik sa sariling wika tulad ng Japan, Malaysia at Indonesia. Ang mga bansang ito ay may pambansang wika at ito ang ginagamit ng lahat mula sa mga simpleng mamamayan hanggang sa mga namumuno sa pamahalaan. Ang pambansang wika nila ang ginagamit sa lahat ng aspeto ng lipunan: Edukasyon, komersyo at pamahalaan. Samantalang dito sa atin pinagtatalunan pa rin kung karapat-dapat bang gamitin sa lahat ng disiplina ang wikang Filipino, lalo na sa pagtuturo ng sa ibang disiplina. Mahirap daw kasing ituro sa Filipino ito dahil marami daw kasing teknikal na termino ang ginagamit sa mga asignatura ang walang katumbas sa Filipino. May ibang pananaw naman ang dating direktor ng Sentro ng Wikang Filipino na si Virgilio S. Almario sa pagsasa-Filipino ng mga teknikal na termino. Naniniwala siya na sa halip na Tagalog lamang ang pagmulan ng panumbas bakit hindi na lang tayo umimbento ng mga bagong salita gamit ang iba pang wika sa Pilipinas. Sa ganitong paraan mapagyayaman natin ang Filipino gamit ang ating mga katutubong wika bago tayo humiram ng mga salita sa mga banyaga. Ganito rin ang pananaw ni Propesor Jayson Petras ng UP Diliman, para sa kanya nagkakamali tayo kung Ingles lang ang tanging wika ng Agham at Teknolohiya. Nasanay lang daw tayong mag-angkat ng mga aklat na nakasulat sa Ingles dahil kombinyente ito, ngunit kasabay nito ay naangkat din natin ang mga kaalaman at pananaw ng mga Kanluranin na wala namang kabuluhan sa konteksto ng Pilipinas. Ayon sa kanyang artikulong, Kabuuang Talakay sa Wika, "Sa katunayan, sa wika ng Hanunuo Mangyan ng Mindoro, matatagpuan ang 1500 specie ng halaman, 450 specie ng hayop at 30 uri ng lupa - higit sa kayang ibigay ng taksonomiya ng Kanluran. Ngunit napag-aaralan ba natin ito sa paaralan? Hindi ba't nakapanghihinayang ang ganitong kaalamang hindi makarating sa atin dahil sa pagkabulag natin sa Ingles? Hindi ba't mas mainam na matutuhan natin ang mga ito kasabay ng mga kaalamang makukuha sa wikang Ingles? Mas bentahe sa atin ito kung magkataon." Hindi lang sa larangan ng edukasyon ito usapin, maging sa pamahalaan. Ayon kay Abueva, Ingles ang karaniwang gamit ng ating mga kinatawan sa kanilang mga tungkulin at sa Kongreso dahil magsisimulang magtatalumpati at talakayan sa rehyunal ang ibang kinatawan kapag Filipino na ang ginamit na midyum, lalo na iyong mga nagmula sa Visayas at Mindanao na Bisaya ang alam na wika. Dapat umanong maunawaan ng mga kinatawang ito na aksidente ng kasaysayan kung bakit Tagalog at hindi Bisaya ang naging batayan ng wikang Filipino. Kapag nagkaisa ang ating mga pinuno na gamitin ang Filipino sa lahat ng gawain ng pamahalaan - lehislatura, hudikatura at ehekutibo - mas marami ang makikinabang. Dahil alam naman nating lahat na mas marami pa rin ang nakakaunawa sa Filipino kaysa Ingles. At kung Ingles naman ang patuloy nilang tatangkilikin, parang pinagkaitan na rin nila ang kalakhan ng mamamayan ng karapatang makisangkot sa mga usapin ng bayan. Kaya marapat lang na igiit natin na gamitin ang Filipino sa deliberasyon sa lehislatura at pagsulat ng mga batas, pag-isyu ng mga direkto at kautusang ehekutibo, pagbubuo ng mga pambansang patakaran, paghahanda ng mga impormasyong pampubliko, pagdaraos ng paglilitis at pagpapasya ng hukuman, pagsulat ng memorandum at iba pang komunikasyon, pagbuo ng mga opisyal na porma/dokumento (lisensiya, sertipiko, pasaporte, at iba pa) at paglikha ng mga tungkulin at gawain ng estado. Nakahihiyang Filipino ang nakalagay sa ating Konstitusyon ngunit hindi naman natin talaga ito ginagamit. Nakalulungkot na ang pananaw ng karamihan sa atin ay inferior pa rin ang Filipino, kaya ang Ingles ang ating pilit na niyayakap. Walang masama na tayo ay maging mahusay