Ano ang Tunggalian at Nobela? (PDF)

Summary

This document discusses the different types of conflict (tunggalian) in a story, specifically in Filipino literature (nobela). It also covers essential elements of poetry (tula), such as rhythm, and provides examples.

Full Transcript

# Ano Ang Tunggalian? * Merong apat na uri ang tunggalian: * Tao laban sa tao * Tao laban sa sarili * Tao laban sa lipunan * Tao laban sa kalikasan ## Tao Laban Sa Kalikasan: - Ang tunggaliang ito ay madalas na tumutukoy sa mga kalamidad gaya ng lindol, sunog, at baha. Ang mga ito...

# Ano Ang Tunggalian? * Merong apat na uri ang tunggalian: * Tao laban sa tao * Tao laban sa sarili * Tao laban sa lipunan * Tao laban sa kalikasan ## Tao Laban Sa Kalikasan: - Ang tunggaliang ito ay madalas na tumutukoy sa mga kalamidad gaya ng lindol, sunog, at baha. Ang mga ito ang kalaban ng tao na kadalasan ay pinagbubuwisan ng buhay. ## Tao Laban Sa Lipunan: - Umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang tauhan o mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan. Nangyayari din ito kapag tahasang binabangga o binubuwag ng tauhan ang kaayusang sa tingin niya ay sumusupil o kumokontra sa kaniya. ## Tao Laban Sa Tao: - Ang tunggaliang ito ay ang panguna uri ng panlabas na tunggalian. Ang tauhan ay nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan. Ito ay labanan ng klasikong bida sa isa pang tauhan. Ito ay labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida o mabuti laban sa masamang tao. ## Tao Laban Sa Sarili: - Ito ay panloob na tunggalian nangyayari ito sa mismong sarili ng tauhan. Kabilang dito ang suliranin ng moralidad at paniniwala. Karaniwang pinoproblema ng tauhan ay kung ano ang kanyang pipiliin, ang tama o mali, mabuti o masama. ## Ito ang umiiral na pakikipaglaban, pakikipag-away o pakikipagtunggali ng mga tauhan sa isang akda. # Nobela ## Karaniwan sa mga kuwento sa nobela ay isinasapelikula o ipinapalabas sa mga programang pantelebisyon (o mas popular sa tawag na telenobela at pelikula) na paborito nating panoorin dahil sa taglay nitong mga aral na angkop sa tunay na buhay. ## Taglay ng nobela at ng mga programang pantelebisyon ang isang mahalagang elemento, ang tunggalian sa pagitan ng mga tauhan. Nagbibigay ito ng higit na kapanabikan sa mga manonood upang patuloy itong subaybayan. # Ano ang Nobela? Ang nobela o novel sa ingles ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila - isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod magkakaugnay. # Mga Patnubay sa Tamang Pagbigkas ng Tula * **Himig**: Sa pagbigkas ng tula, dapat iwasan ang mistulang ibong umaawit. Kinakailangan na ang himig ng manunula ay kahali-halina sa pandinig. * **Pagbigkas**: Ito ay pagpapahayag ng tula kung saan gumagamit ng wastong diin sa pagbigkas. Malinaw ang pagsasalita at gumagamit ng wastong pagputol. * **Pagkumpas**: Sa bawat pagkumpas ng kamay ay dapat may layunin at kinakailangang damhin ang nais ipahayag ng tula. * **Hikayat**: Masasabing malakas ang hikayat o dating sa mga manonood kung nagawa niyang patawanin o paiyakin ang mga tagapakinig o manonood. * **Tindig**: Ito ay ang impresyong ibinibigay ng bumibigkas sa kanyang mga tagapakinig, bahagi pa rin nito ay ang tindigan ng bibigkas ng tula. * **Tinig**: Isa sa mahalagang elemento sa pagbigkas ng tula ay ang kalidad ng boses. Dapat buo, swabe, at maganda ang dating sa nakikinig. * **Tingin**: Isa sa mga dapat tandaan sa tuwing bumibigkas ng tula ay ang pagkakaroon ng eye-to-eye contact sa mga manonood o tagapakinig. # Pagkakaiba ng Elehiya at Awit Ang kanilang pagkakaiba ay ang pinapaksang tinatalakay dito. Ang elehiya ay tungkol sa sa pagkawala ng isang mahal sa buhay . Samantalang ang dalit o awit naman ay ang pagpupuri, luwalhati, kaligayahan, pasasalamat pagpaparangal sa Diyos. # Ano Nga Ba Ang Pagkakatulad Ng Elehiya At Awit? Ang elehiya at dalit ay parehong uri ng tulang liriko na nagpapahayag ng damdamin ng makata sa mambabasa ang kaniyang sariling damdamin, iniisip at persepsyon. # Ano Naman Kaya Ang Kanilang Pagkakaiba? # Pagbibigay-puna Sa Pagbigkas ng Elehiya O Awit ## Module 3 - Group 2 # Narito Naman Ang Mga Salitang Pang-Ugna Y Na Hudyat Ng Pagkakasunod-Sunod Ng Pangyayari. * **Sa pagsisimula**: una, sa umpisa, noong una, unang-una * **Sa gitna**: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka * **Sa wakas**: sa dakong huli, wakas # Ginagamit Ang Sa Kapag Ang Kasunod Ay Isang Pangngalang Pambalansa, O Panghalip. Ang Kay At Kina Namn Ay Ginagamit Kapag Ang Kasunod Ay Pangngalang Pantangi Ng Isang Tao. * **a**. Buksan mo ang pinto *sa* kusina. * **b**. Pakikuha *kina* Berto ang bayad *sa* utang. * **c**. *Kay* Ezekiel nalang muna ako sasabay *sa* pag-uwi # 3. Pang-Abay Na Pamaraan - Naglalarawan Kung Paano Naganap, Nagaganap, O Magaganap Ang Kilos Na Ipinahahayag. * **Halimbawa**: nang, na, at -ng. * **a.** Sumagot ako *nang* buong husay *sa* pagsusulit. * **b.** Matamis *na* ngumiti *sa* akin ang dalagang aking napupusuan. # Walang Pananda * **Halimbawa**: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali * **a**. Sumayaw kami *kahapon* sa palatuntunan. * **b**. *Kanina* pa sila umalis. * **c**. *Sandali* na lamang at aalis na tayo. # Nagsasaad Ng Dalas * **Halimbawa**: araw-araw, tuwing, taon-taon * **a**. Kailangan mong maligo *araw-araw*. * **b**. *Oras-oras* kung magdasal ang mga madre. * **c**. *Linggo-linggo* namimili ng paninda si Aling Fe # 2. Pang-Abay Na Panlunan - Nagsasaad Kung Saan Naganap Ang Pangyayari. Ito Ang Nagsasabi Kung Saan Ginawa, Ginagawa Gagawin Ang Kilos Sa Pangungusap. Tumutukoy Rin Ito Sa Pook Na Pinangyarihan O Pangyayarihan Ng Kilos * **Halimbawa**: sa, kina/kay # Ano Ang Pang-Abay? Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. # Mga Uri Ng Pang-Abay * **1. Pang abay na pamanahon -** nagsasaad kung kailan nagaganap o magaganap ang kilos na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap, Ito ay may tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas. ## May Pananda * **Halimbawa**: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhay, mula, umpisa, hanggang * **a**. Paalis na kami *nang* siya ay dumating. * **b**. Nagpipintura kami *sa* tanghali. * **c**. Maglalaba tayo *kapag* sumikat ang araw. # Group 5 Reporting # Modyul 6: Pang Abay Na Pamanahon, Panlunan At Pamaraan # Halimbawa: Tagaktak - Tak-Tak-Tak # Pangungusap: Tagaktak Ang Pawis Ni Mang Ben Sa Kabubuhat Ng Balde-Baldeng Galon Ng Tubig # Paraan Ng Pinagmulan Ng Salita ## Onomatopoeia - Naglalarawan Sa Pinagmulan Ng Salita Batay Sa Tunog

Use Quizgecko on...
Browser
Browser