Nobela Analysis: Tagalog PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document is an analysis of the Tagalog novel, including definitions and examples of literary terms. Includes questions on literary themes and characters. Aimed at students.
Full Transcript
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani at ng katunggali sa isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod-suno...
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani at ng katunggali sa isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod-sunod at magkakaugnay. Sa nobela, maraming mga pangyayari ang inilahad, samantalang sa maikling kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento. Ang mga sumusunod ay katangiang dapat taglayin ng nobela: a) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, b) pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan, c) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin, d) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon, e) malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad, at f) nag-iiwan ng kakintalan. Gabay na Tanong: 1. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang iyong hinahangaan? Bakit? 2. Ano-anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na inilalarawan sa nobela? 3.Masasabi mo ba na ang Nobelang: “Ang Matanda at Ang Dagat” ay isang kuwentong nahahanay sa teoryang Realismo? Bakit? 4.Paano nasasalamin sa akda ang kasalukuyang sistema ng ating lipunan? Kolokosyon Ang kolokosyon ay ang pagsasama ng isang salita sa ibang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation) Halimbawa: Anak + araw = anak-araw Tainga + kawali = taingang-kawali Nagdilim+ paningin= nagdilim ang paningin Basag + ulo = basag-ulo Halimbawa: 1. Si Jessa ay hinahanga dahil sa kanyang katangiang pagkakaroon ng pusong _______. 2. Ang mga bata ay nalalaro kahit may bagyo at basang-basa ng Tubig_______. 3. Laging napapaway si Mark at madalas nakikita sa kanto na nakikipag basag_____.