Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinhagang Istilo PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Bb. Rachel R. Ilagan
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa pagpapahayag ng ideya gamit ang mga matatalinghagang salita o tayutay sa wikang Tagalog. May mga halimbawa at paliwanag tungkol sa iba't ibang uri ng tayutay.
Full Transcript
Bb. Rachel R. Ilagan Nabibigyan ng kahulugan ang mga idyomatikong pagpapahayag; Nakikilala ang mga uri ng tayutay; at Mabatid ang mga kahulugan ng alusyon. Napakahalaga ng pagpapahayag ng ideya gamit ang mga matatalinghagang pahayag o salita sa iyong kapwa. May napakara...
Bb. Rachel R. Ilagan Nabibigyan ng kahulugan ang mga idyomatikong pagpapahayag; Nakikilala ang mga uri ng tayutay; at Mabatid ang mga kahulugan ng alusyon. Napakahalaga ng pagpapahayag ng ideya gamit ang mga matatalinghagang pahayag o salita sa iyong kapwa. May napakaraming dahilan: sa pakikipagtalastasan natin sa ating kapwa, ay nagbabahagi tayo ng kaalaman sa mga bagay bagay, nahuhbog nito ang intektuwal ng isang tao, at mas mahuhubog ito kung gagamit tayo ng matatalinghagang salita o pahayag sa ating kapwa upang magamit niya ang kanyang isip. Hindi lamang mahalaga na maunawaan kundi mas mahalaga na di mo direktang sasabihin ang mga ideya mo sa kaniya. ilaw ng tahanan – ina buwayang lubog – taksil sa haligi ng tahanan – ama kapwa bukas ang palad – malaki ang ulo – matulungin mayabang taingang kawali – pantay na ang mga paa – nagbibingi-bingihan patay na maitim ang budhi – tuso may bulsa sa kapilas ng buhay – asawa balat – kuripot bahag ang buntot – duwag ibaon sa hukay – balat-sibuyas – mabilis kalimutan masaktan kusang-palo – pagsunog sa sariling sipag kilay – pag aaral usad pagong – mabagal ng mabuti kumilos nakalutang sa itaga sa bato – ilagay sa ulap – sobrang saya isip Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng ng lugar. Pamamaraang panretorika na gumagamit ng pagtukoy sa isang tao, pook, katotohanan, kaisipan o pangyayar ina iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng isang taong may pinag-aralan. (Bisa at Sayas,1966) ay isang paraan ng pagsulat kung saan gumagamit ang manunulat ng mga kilalang lugar, lupain, o katangiang heograpikal upang bigyan ng karagdagang kahulugan o simbolismo ang isang akda. Halimbawa: Maituturing na Mount Vesuvius ng Pilipinas ang Bulkang Taal sa lakas at laki ng sakop ng pinsala nito tuwing sasabog. Sa sobrang lamig sa Baguio ay tinaguriang North Pole ito ng bansang Pilipinas. ay isang paraan ng pagsulat kung saan gumagamit ang isang manunulat ng mga tauhan, kwento, o aral mula sa Bibliya upang magbigay ng mas malalim na kahulugan o simbolismo sa kanilang akda. Halimbawa: Si Tasyo ang nagsilbing Noah ng mga taga Isla Dolores ng pinasakay niya sa kanyang bangka ang mga alagang hayop ng mga naninirahan dito. Hudas Iscariote ang turing kay Jordan sapagkat madalas nitong ipagkalulo ang mga kasama nito. ay isang teknik sa panitikan kung saan tumutukoy ang isang manunulat sa mga tauhan, kwento, o pangyayari mula sa mitolohiya upang magbigay ng karagdagang kahulugan o simbolismo sa kanilang akda. Halimbawa: Walang tatalo sa Poseidon ng baranggay Bagong Bato sa galing nitong mangisda. Si Miss Universe Catriona Gray ang Venus ng Pilipinas dahil sa angkin nitong kagandahan. ay isang pampanitikang teknik kung saan tumutukoy ang isang manunulat sa ibang mga kilalang akda, tauhan, o tema mula sa mga naunang aklat o sulatin upang palalimin ang kahulugan ng kanyang akda. Halimbawa: Si Lorna ang Binibining Phathupats ng baranggay uno sa galing nitong magkunwari na hindi niya kayang gawin ang bagay na dati niyang ginagawa. Si Jose ang Florante ng buhay ng kanyang kasintahang si Mercedes. ay isang pampanitikang teknik kung saan tumutukoy ang isang manunulat sa mga kilalang elemento ng popular na kultura, tulad ng mga pelikula, kanta, sikat na personalidad, palabas sa telebisyon, social media trends, o pangyayari sa kasalukuyan Halimbawa: Si David ang Piolo Pascual ng paaralan dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Sa husay ni Gina sa pakikipanayam ay tinagurian siyang Kris Aquino ng paaralan. Ang pag aaral ng mga talinghaga o mga nakataling hiwaga. Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin 1.1. ALITERASYON Pag–uulit ng mga tunog–katinig sa inisyal na bahagi ng salita. (pag-ibig, pananampalataya at pag-asa)(lungkot at ligaya)(masama at mabuti) Halimbawa: Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi mahal niyang Bayan. 1.2. ASONANS Pag–uulit ng mga tunog–patinig sa alinmang bahagi ng salita. (hirap at pighati)(salamat at paalam)(buhay na pagulung-gulong) Halimbawa: Nasisiyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid na kamandag at lason. 1.3. KONSONANS Katulad ng aliterasyon, pag–uulit ng mga katinig sa pinal na bahagi. (kahapon at ngayon)(tunay na buhay)(ulan sa bubungan) Halimbawa: Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamot sa isang pusong wasak. 1.4. ONOMATOPIYA Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang kahulugan. Halimbawa: *lagaslas ng tubig, *dagundong ng kulog 2.1. ANAPORA Pag–uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod. Halimbawa: Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating inang bayan. Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang. Ngunit kabataan din ba ang sisira sa kanyang sariling kinabukasan? 2.2. EPIPORA Pag–uulit sa huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod. Halimbawa: Ang Konstitusyon o Saligang Batas ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan at mula sa mamamayan. 2.3. ANADIPLOSIS Pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod. Halimbawa: (mula sa tula ni Juseng Sisiwo Jose Dela Cruz)“Mata’y ko man yatang pigili’t pigilin pigilin ang sintang sa puso’y tumiim;tumiim na sinta’y kung aking pawiin,pawiinko’y tantong kamatayan ko rin.” 3.1. PAGTUTULAD o SIMILI Hindi tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay, tao o pangyayari pagkat gumagamit ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng. Halimbawa: Tumakbo siyang tulad ng isang mailap na usa nang makita ang papalapit na kaaway. 3.2. PAGWAWANGIS o METAPORA Tuwirang paghahambing sapagkat hindi gumagamit ng mga parirala. Halimbawa: Isang bukas na aklat sa akin ang iyong buhay, kaya’t huwag ka nang mahiya pa. 3.3. PAGBIBIGAY-KATAUHAN o PERSONIPIKASYON Inaaring tao rin ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng Mga kilos o gawi ng tao. Halimbawa: Mabilis na tumakbo ang oraspatungo sa kanyang malagim na wakas. 3.4. PAGMAMALABIS o HAYPERBOLI Lagpas ito sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung pakasusuriin. Halimbawa: Sa dami ng inimbitang kababayan, bumaha ng pagkain at nalunod sa mga inuminang mga dumalo sa kasalang iyon 3.5. PAGPAPALIT-TAWAG o METONIMI Ang panlaping meto ay nangangahulugan ng pagpapalito paghahalili. Nagpapalit ito ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy. Halimbawa: Ang palasyo ay nag anusyo na walang pasok bukas. 3.6. PAGPAPALIT-SAKLAW o SINEKDOKI Binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan. Halimbawa: Ayaw kong makitang nakatungtong ang iyong paa sa aking bahay. 3.7. PAGLUMANAY o EUPEMISMO Paggamit ng mga salitang magpapabawas sa tinding kahulugan ng orihinal na salita. Halimbawa: Magkakaroon na lamang siya ng babae ay bakit sa isa pang mababa ang lipad. 3.8. RETORIKAL NA TANONG Isang tanong na walang inaasahang sagot sa isipan ng nakikinig. Halimbawa: Natutulog ba ang diyos? 3.9. PAGSUSUKDOL o KLAYMAKS Paghahanay ito ng mga pangyayaring may papataas na tinig, sitwasyono antas. Halimbawa: Mabilis na humupa ang hangin, napawi ang malakas na ulan, muling sumilay ang liwanag ng araw na nagbabadya ng panibagong pag–asa! 3.10. ANTI KLAYMAKS Ang kabaligtaran ng pagsusukdol o klaymaks. Halimbawa: Noon, ang bulwagang iyon ay punung–puno ng mga nagkakagulong tagahanga, hanggang sa unti–unting nababawasan ang mga nanonood, padalang nang padalang ang mga pumapalakpak at ngayo’y maging mga bulong ay waring sigaw sa kanyang pandinig. 3.11. PAGTATAMBIS o OKSIMORON Paggamit ng mga salita o pahayag na magkasalungat. Halimbawa: Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatwa: may lungkot at may saya, may hirapat may ginhawa, may dusa at may pag –asa! 3.12. PAG –UYAM o IRONIYA May layuning mangutyangunit itinatago sa paraang waring nagbibigay – puri. Halimbawa: Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya lang ang humahanga. 3.13. PARALELISMO Sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, inilalatag dito ang mga ideya sa isang pahayag. Halimbawa: Saan ako pupunta kasama ang sugat kong ito.