YUNIT 1-RETORIKA- Depinisyon at Kahalagahan PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides an overview of rhetoric, including its definition, history, and characteristics in Tagalog. It discusses the various aspects of rhetoric, including its different elements and its applications in communication.
Full Transcript
RETORIKA Ano ang Retorika? Ang Retorika ay galing sa salitang Griyego na RHETOR na nangangahulugang guro o maestro na mananalumpati o orador. Ito ay kaalaman sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat. Mabisa sapagkat maayos, malinaw, maengganyo, at magandan...
RETORIKA Ano ang Retorika? Ang Retorika ay galing sa salitang Griyego na RHETOR na nangangahulugang guro o maestro na mananalumpati o orador. Ito ay kaalaman sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat. Mabisa sapagkat maayos, malinaw, maengganyo, at magandang pakinggan o basahin ang pagsasabi. Isinasaalang-alang dito hindi lamang ang mga kaalamang gustong ibahagi, gayundin ang mga kaalamang pangwika gaya ng palatunugan at palabigkasan kung pasalita, ng palabaybayan at palabantasan kung pasulat, bagkos at lalo’t higit, yaong matimbang na pagpili at tamang paggamit ng mga salita, at ang maingat at lohikal na pagbuo ng mga kaisipan – mapasapangungusap o mapasatalata. Tumutukoy sasining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag upang maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa. Ayon kay Plato, ang Retorika ay “art of winning the soul”. Ayon din kay Cicero, ito ay pagpapahayag na dinisenyo upang makapanghikayat. Sinabi rin ni Aristotle na ang Retorika ay pagtuklas ng lahat ng abeylabol na paraan ng panghihikayat. At tama rin ang sinabi ni Quintillian na ang Retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita. KATANGIAN NG RETORIKA Ang retorika ay simbolikal Ang mga simbolo ay kinakatawan ng mga letra, imahe o kaya’y kumpas na may ipinararating na ideya o kaya nama’y natatagong kahulugan. Ang retorika ay nagsasangkot ng mga tagapakinig Lumalabas lamang ang paggamit ng retorika kapag nag-usap o nagkaroon ng instensyon ang dalawang tao na magpalitan ng impormasyon. Maaaring intensyon ng retor na magbigay ng impormasyon o manghikayat ng mga tagapakinig Ang retor at ang mga tagapakinig ay dapat nagkakaintindihan sa mga simbolong kanilang ginagamit. Ang wika o mga salita ay dapat naiintindihan ng tagapakinig. Mas magkakaintindihan ang Ilokano kung ang kausap ay ang kapwa Ilokano, kaysa ang Ilokano at isang Maranao. Ang retorika ay nakabatay sa panahon. -Ang gumagamit nito ay nangungusap sa wika ng ngayon, hindi ng bukas o kahapon. Ang iba pang sangkap ng retorika tulad ng paksa at paraan ay laging naiimpluwensyahan ng kasalukuyang panahon. Baguhin mo ang panahon at magbabago rin ang retorika. Ang retorika ay nagpapatatag sa maaaring maging katotohanan Ang retorika ay mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng wika Sa ilalim ng mga tayutay, malimit nag awing bahagi ng pahayag ang personipikasyon at hyperbole. Nilalayon nitong tumalon mula sa realidad sa mapaglarong mundo ng imahinasyon ng awdyens. Ang retorika ay nagbibigay lakas/kapangyarihan Ang kapangyarihang panlipunan ay karaniwang nakukuha sa galing ng pagsasalita sa harap ng publiko. Ang mga politiko, pastor, negosyante, titser, at iba pang may kapangyarihan o awtoridad ay nakaiimpluwensya/nakapaghihikayat ng tao. Sa totoo lang, hindi lahat ng tao ay kayang gawin ito. Sa pamamagitan ng kanilang mga talumpati, sermon, sales talk, lektyur ay napasusunod, napahahanga at napakikilos nila ang kanilang awdyens. Hindi lubos na makikinig ang isang mag-aaral kung hindi magaling ang lektura ng isang tagapagsalita o tagapanayam. Ang isang komentarista ay nakakuha ng tagapakinig dahil sa husay ng kanyang pananalita. Ang retorika ay malikhain at analitiko Ang konsepto ng pagiging malikhain ng isang retorika ay maipapakita ng isang tagapagsalita kung nagagawa niyang mabigyan ng kongkretong imahe ang mga tagapakinig sa pamamagitan lamang ng mga salita Sa pagiging malikhain, kailangan ng isang tagapagsalita na magkaroon ng malinaw na ugnayan sa mga tagapakinig upang maging epektibo ang komunikasyon sa pagitan niya at ng tagapakinig. Kung may kakayahang maging malikhain ang isang tagapagsalita, nangangahulugan itong anumang ideya ang kanyang nasasagap ay kaya nito ring maanalisa. Nagsusupling na Sining Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman. Halimbawa, ang isang manunulat ay nagsisimula sa isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. Ang mambabasa naman ay nagsisimula sa pagbabasa at nagbibinhi ng kaalaman sa kanyang isipan. Walang hangganan ang pagsusupling at pagpapasa ng kaalaman sa pamamagitan ng retorika hanggat may nagsasalita at nakikinig, may nagsusulat at nagbabasa. Pahapyaw na Kasaysayan ng Retorika Unang Yugto KLASIKAL NA RETORIKA Homer – Kinilala ng mga Griyego bilang Ama ng Oratoryo. 510 B.C. – Itinatag ang demokratikong institusyon sa Athens. Sophist - Pangkat ng mga guro / Faculty Protagoras – Kauna-unahang Sophist, nagsagawa ng pag-aaral sa wika at itinuro sa kanyang mga mag-aaral. Corax – sinasabing aktwal na tagapagtatag ng Retorika bilang isang agham. Mga Iba pang Sophist ng Retorika: Tisias ng Syracuse – mag-aaral ng Corax Gorgias ng Leontini – nagpunta sa Athens noong 427 B.C. Thrasymachus ng Chalcedon – nagturo rin sa Athens Antiphon – una sa itinuturing na Ten Attic Orators. - kauna-unahang nagsanib ng teorya at praktika ng Retorika. Isocrates – dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo BC. - nagpalawak sa sining ng Retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at pilosopiya na may layuning praktikal. Plato – isang pilosopong Griyego. Aristotle – isang pilosopong Griyego na tumutol sa teknikal na pagdulog sa Retorika. Cicero at Quintillian – itinuturing na mga dakilang maestro ng praktikal na Retorika. Ikalawang Yugto GITNANG PANAHON/MIDYIBAL AT RENASIMYENTO - sa yugtong ito, ang Retorika ay naging isang sabjek ng trivium (3 preliminary subjects) ng Pitong Liberal na Sining sa mga unibersidad. - Pitong Liberal na Sining: Aritmitik, Astronomi, Retorika, Dyometri, Musika, Gramar, Lohika. Mga Pangunahing Awtor sa Midyibal na Retorika: Martianus Capella – awtor ng isang ensayklopidya ng Pitong Liberal na Sining. Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus – isang historyan na tagapagtatag ng mga monastery. San Isidore – mula sa Seville, isang Kastilang Arsobispo. Tatlong nangungunag “Artes” sa ikalawang yugto: 1. Paggawa ng Sulat 2. Pagsesermon / Tuwirang Pangangaral 3. Paglikha ng Tula Panahon ng Renasimyento (ika-14 hanggang ika-17 na siglo) Mga Klasikal na Manunulat Aristotle Cicero Quintillian Sa ika-16 na siglo nakilala sina: Pierre de Courcelles Andre de Tonquelin Ikatlong Yugto MODERNONG RETORIKA Sikat na akda: Lectures on Rhetoric (1783) – ni Hugh Blair at Richard Whately Semantiks – isang agham ng linguistika. Mga Modernong Edukador Ang pinakamahalagang paaralan ng retorika sa panahong ito ay ang University of Edinburgh na ang puno ng departamento ng Retorika at ng Belles Lettres ay ang paring presbiteryo na si Hugh Blair. Sa kanyang aklat na “Sermon” inilahad niya kung paano mamumuhay nang praktikal at may moral bilang isang tao. Ang kanya ring gawa ay nagging gabay ng mga kabataan sa praktikal na pagsulat ng komposisyon. Ang gabay na ito ang nagging daan upang tawagin si Blair na “the first great theorist of written discourse”. Hugh Blair Kenneth Burke -Ayon sa kanyang pananaw ang Retorika ay ginagamit ng tao upang tugunan ang suliranin at tukuyin ang magkatulad na katangian at interes ng mga bagay. Higit na napalawak ang saklaw ng retorika bilang di-direktang pamamaraan ng pagtukoy ng pagkakakilanlan. PERELMAN, CHAIM -Ipinanganak noong Mayo 20, 1912 sa bansang Poland. Kilala siya sa kanyang akda na The New Rhetoric. Dito sinasabi niya na angrasyonal na nagpapaikot sa isang argumento ay maaaring kunin sa ‘Rhetorical Theory’ at dapat isaalang- alangang tagapakinig at ang kanilang ‘values’. EDWIN BENJAMIN BLACK - October 26, 1929 (sa Houston, Texas). Pilosopiya sa University of Houston. Master of Arts in Rhetoric and Public Address sa Cornell University. Minor in Philosophy and Social. Rhetorical Criticism: A study in Method(1965). Neo-Aristotellian FRANCIS BACON - Binigyang-kritiko niya ang mga panghihimok na higit ang pagpapahalaga sa estilo kaysa sa bigat ng usapin, paksa ng talakay, kabutihan ng argumento, paglalahad ng paksa at ang lalim ng paghuhusga. Upang pagbutihin ang estilo ng pagpapahayag, iminungkahi ang paggamit ng simpleng mga salita hangga't maaari. -Pinanganak siya noong ika-5 ng Mayo, 1897 sa Pittsburgh, Pennysylvania. Siya ay isang retorisyan, pilosopo at makata. Ilan sa kanyang mga akda ay ang Language as Symbolic Action (1896), A Rhetoric of Motives (1950), A Grammar of Motives (1945) at Counterstatement (1931). Inilarawan niya ang retorika bilang “ang gamit ng wika bilang simbolo na paraan ng panghihikayat sa kooperasyon ng buhay na natural at ayon sa simbolo.” MARSHALL MCLUHAN - Isang Canadian philosopher ng Communication Theory and Public Intellectual na ipinanganak noong July 21, 1911. Ang kanyang mga likha ay naging tanyag lalo na sa pag-aaral ng Media Theory at sa pagkakaroon ng practical application sa advertising at television industries. Naging kilala din ang kanyang sinulat na “The Medium is the Message” , “Global Village” at ang pagpredict ng World Wide Web 30 years bago ito maimbento. Ang kanyang impluwensya ay nagsimula noong 1970s. ang kanyang mga akda ay mayaman sa mga salitang nagpapalawak ng imahinasyon, may tugmaan at may talinghaga. Si Mcluhan ay tulad ng isang sophist na may angking husay sa paghahabi ng mga salita. Siya ay namatay noong December 30, 1980 ngunit nagpatuloy pa din siyang controversial sa academic circles. I.A. RICHARDS STEPHEN TOULMIN - Siya ay isang pilosopong Briton, awtor at edukador. Ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng retorika ay ang “The Toulmin Model of Argumentation”, ang dayagram na naglalaman ng mga magkakaugnay na elemento sa pag-aanalisa ng argumento. Nakipagtulungan siya kay Albert R. Jonsen upang isulat ang “The Abuse of Casuistry: A History of Moral Reasoning” (1988), na naglalahad sa pagreresolba ng mga suliranin sa usaping moral. Isa sa kanyang pinakahuling gawa ay ang “Cosmopolis: The Hidden Agenda of Modernity” (1990), ay tiyakang tumuligsa sa pagbaba ng pagtingin sa moralidad dahil sa pag- usbong ng modernong agham. Ang mga Layunin sa Maretorikang Pagpapahayag Maakit ang interes ng kausap na tutok ang atensyong makinig sa sinasalita. Masanay sa pagsasalitang may kalakasang dating ang gilas, may mapamiling kaangkupan at panlasa ang ginagamit na salita, at kalinawan ang bigkas Maliwanag na mapaintindi ang mga sinasabi Maikintal sa isip at damdamin ng kausap ang diwa ng sinasabi; at Maiaplay sa sarili ng tagapakinig ang nakuhang mensahe. Kakayahan sa Pagpapahayag Kakayahang Linggwistika -Ang bawat aspektong pang wika (ponolohiya, morpolohiya at sintaksis) ay masusing pinag-aaralan, sa gayon, ang paggamit ng wika, ang pinakainstrumento sa pagpapahayag, ay magiging matatas, masining at mabisa Kakayahang Komunikatibo -Bukod sa maingat, maayos at masinop na paggamit ng wika, ang matalino, maguniguni at masinop na paggamit ng wika, ang matalino, maguniguni at malikhaing pagsasabuhay nito sa bawat sitwasyong kinalalagyan ng tao ay napangyayaring matagumpay Mga Kanon ng Retorika Imbensyon – invenire o to find. Nakatuon sa kung ANO ang sasabihin. Pagsasaayos / Arrangement – Nakatuon sa pagkakasunod-sunod ng isang akda. -introduksyon (exordium) -paglalahad (narration) -dibisyon (partition) -patunay (confirmatio) -reputasyon (refutation) -konklusyon (peroratio) Istayl – nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya. Nakatuon sa kung PAANO ito sasabihin. Memori– Nakatuon sa pagkakaroon at paggamit ng mnemonics o memory aids. Deliberi – pampublikong presentasyon ng diskurso, pasalita man o pasulat. Magiging matagumpay dahil sa pagkakaroon ng exertatio (practices/exercises). Sangkap ng Mabisang Pagpapahayag ETHOS - Kung paanong ang “karakter” o kredibilidad” ng tagapagsalita ay nakaiimpluwensya sa tagapakinig/awdyens para ikunsidera na kapani-paniwala ang kanyang sinasabi. PATHOS - ang paggamit ng emosyon ng tagapagsalita upang mahikayat ang tagapakinig/awdyens na mabago ang kanilang desisyon. Nang-aakit ang kanyang pananalita gamit ang emosyon. Nagagawa ito sa pamamagitan nang paggamit ng metapora, amplifikasyon ng boses, pagkukuwento at pagrerepresenta ng paksa na nang-aakit ng damdamin ng kausap. LOGOS - ito ay ang paggamit ng katwiran/rason upang bumuo ng mga argumento. Ang apela sa logos (logos appeal) ay maaaring maipakita sa paggamit ng istadistika/istatistiks, matematika, lohika (logic) at objectivity. KAIROS - ito ay ang paggamit ng natatanging oras at panahon sa pagbibigay ng argumento para maging matagumpay. “Timeliness of an Argument”. (Logic) (Emotion) (Credibility) (Timing) Ang Saklaw ng Retorika 1. Tao/Mga Tao. Tumutukoy ito sa mga tao o lipunang makikinig o di- kaya’y babasa ng isinulat o ipinahayag ng manunulat. Ang bawat ipinahahayag, oral man o berbal ay tiyak na may patutunguhan sa tulong ng pokus ng talakay. 2. Kasanayan ng manunulat. Kung walang kasanayang pansarili ang manunulat mahirap magkaroon ng sining ang mabisang pahayag. Ang kasanayan sa pagpapahayag ay denebelop upang ibahagi sa iba at di sarilinin. 3.Wika. Ang wika ay sadyang mnakapangyarihan. Nagagawa nitong maging kilala at hinahangaan ang isang tao dahil sa kagalingan nitong gamitin ang wika. 4. Kultura. Malaki ang kinalaman ng kultura sa pagpapaunlad ng sinabi o ipinahayag dahil anumang gampanin ng isang mamamayan, tuwina ito’y saklaw ng kulturang kinabibilangan. Kabilang dito ang mga pinaniniwalaan, mga tradisyon, wika, awit at iba pa. 5. Sining. Kumakatawan ito sa taglay na galing o talino ng manunulat o mananalita sa larangan ng pagsasalita o pagsusulat. Pumapasok dito ang taglay na pagkamalikhain ng taong gumagawa ng masining na pahayag. 6. Iba Pang Larangan. Ngunit ang retorika ay hindi lamang eksklusibo sa larangan ng Wika, Sining, Pilosopiya at Lipunan. Sino mang tao, saan mang larangan ay may pagnanasang maging mabisa sa pagpapahayag. Sa ano mang larangan, hindi maaaring hindi magsasalita o magsusulat ang mga taong kasangkot doon. Samakatwid, maging sa ibang larangan, ang retorika ay may malaking kinalaman. Ang Kahalagahan ng Maretorikang Pagpapahayag Kahalagahang Pangkomunikatibo - Ano man ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na paraan upang maunawaan ng iba pang tao. Samakatwid, dahil sa retorika, ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon ng komunikasyon. Kahalagahang Panrelihiyon - Salita ang puhunan ng mga pari at ministro ng alin mang sekta ng relihiyon sa kanilang pagpapalaganap ng pananampalataya. Nakasalalay sa kanilang makarismatikong tinig, malinaw at madaling maintindihang pananalita at maengganyong pagsasalita ang tagumpay ng kanilang misyon at mismo bilang relihiyosong lider. Kahalagahang Pampanitikan - Sa isang manunulat, ang kanyang tagumpay sa pagsusulat ay nasa paggamit niya ng mga salita. Dapat ang gamit niyang wika at ang istilo ng kanyang pagpapahayag sa kanyang mga akda ay parang buhay na tubig na natural na sumisibol at dumadaloy sa personalidad ng kanyang mga tauhan at sa kapaligirang kanilang ginagalawan. - Sa kabisaan ng kanyang pamamaraan sa pagsulat, nakuha ng kanyang mga mambabasang simpatyahan at empatyahan ang kanyang mga obra. Kahalagahang Pang-ekonomiya Kahalagahang Pangmedia - Ang mga artista sa teatro, telebisyon at pelikula, gayundin, ang mga personalidad sa iba’t ibang media ay nakararating sa rurok ng kanilang tagumpay sa pamamagitan ng mga katangi-tangi nilang pagsasalita at mga kaakit-akit nilang boses na humuhubog sa kanilang personalidad para makilala ng madla. Ito ang nagsisilbing puhunan sa pag- unlad. Kahalagahang Pampulitika - Maraming batikang pulitiko ang namumuhunan sa maretorikang pagpapahayag. Sa sandal ng kanilang pangangampanya, kapanapanabik ang pagbibitiw nila ng mga pananalita, lalo’t naglalaman ng mga platapormang mapangako sa mga kalagayang naghihintay ng pagbabago. Kaengka-engkanto ang kanilang mga itsura habang nagsasalita na kinadadamhan ng marami ng pagtitiwala kaya naman ibinibigay sa kanila ang sagradong boto, tuloy, nananalo sila at nakapangyayaring makapangyarihan kapagdaka. http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-retorika.html Saklaw ng Retorika Wika Iba pang Sining larangan RETORIKA Lipunan Pilosopiya Mga Gampanin ng Retorika Nagbibigay-daan sa komunikasyon Nagdidistrak Nagpapalawak ng pananaw Nagbibigay-ngalan Nagbibigay-kapangyarihan WAKAS