Kasaysayan ng Kurikulum sa Pilipinas PDF
Document Details
Uploaded by WinningMeteor
University of Cabuyao
Prof. Zijay P. Pereda
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang lektura tungkol sa kasaysayan ng kurikulum sa Pilipinas. Sinusuri nito ang kurikulum mula sa mga sinaunang panahon hanggang sa makabagong panahon. Sinasaklaw din nito ang mga pagbabago sa sistema ng edukasyon sa iba't ibang panahon.
Full Transcript
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS SFM103 – WEEK 1 LESSON Prepared by: PROF. ZIJAY P. PEREDA Instructor KAHULUGAN NG KURIKULUM Ayon kina Ragan at Shepherd ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may resposibilidad paghahatid, pag...
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS SFM103 – WEEK 1 LESSON Prepared by: PROF. ZIJAY P. PEREDA Instructor KAHULUGAN NG KURIKULUM Ayon kina Ragan at Shepherd ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may resposibilidad paghahatid, pagsasalin sa pagsasaayos n g mga karanasang pampagkatuto. Ang kurikulum at pagtuturo ay isang larangan sa loob ng edukasyon na naglalayon makapanaliksik, makapag- unlad, atmakapagpatupad ng mga pagbabago sa kurikulum nanakapagpapataas ng mga nagagawa o nakakamit ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan. PANAHON BAGO ANG PANANAKOP Pinagtutuunang pansin ang mga pagiging pinuno upang makatulong sa pag-unlad. Sa ilalim lamang ng puno nagtuturo ang mga tribo, nakaupo lamang ang mga bata sa lupa at gumagamit lamang sila ng makikinis na bato sa pagsulat. PANAHON BAGO ANG PANANAKOP Pangangaso para sa mga lalaki at mga gawaing-bahay para sa mga babae. Ang edukasyon ay kolektibong responsibilidad ng pamayanan o barangay. Ang mga magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga bata. Ang mga kasanayan sa produksyon tulad ng paghahabi, pangingisda at pangangaso ay pangunahing binibigyang pansin. Mahalaga ang pangangalaga noon sa mga produkto dahil ito lamang ang pinagkukuhanan nila ng kabuhayan at pinagkakakitaan. Hindi nila gaanong binibigyan ng kaukulang pansin ang pag-aaral. Panahon ng Kastila Ang unang pananahanan ng mga Kastila ay nagsimula sa pagtatayong unang bayan ni Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legaspi noong 1565. Pangunahing hangad ng mga Kastila ang pagpapalaganap ngrelihiyong Katoliko Apostolika Romano, pagpapalawak ng kanilanghanapbuhay na pambansa at ng kanilang nasasakupang lupain. Mahigit na isang daang pagbabangon laban sa kapangyarihan ng Kastilaang ginawa ng mga Pilipino. Maraming nagtangkang lumusob at umagaw sa Pilipinas tuladngIntsik, Hapon, Olandes ngunit ang Ingles lamang ang nakapasoknoong 1762 1764. Panahon ng Kastila Napalitan ng alpabetong Romano ang Alibata. Naging saligan ng gawaing panrelihiyon ang Doctrina Cristiana. Maraming salitang Kastila ang naging bahagi ng wikang Filipino. Naging bahagi ng panitikang Filipino ang alamat ng Europa at tradisyong Europeo tulad ngawit, kurido, moro-moro, atbp. Panahon ng Kastila Malaki ang naging gampanin ng pagdating ng iba't ibang misyonero dito sa Pilipinas pagdating sa sistema ng edukasyon. Naging pangunahin nga nilang layunin ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa. Itinuro dito ang relihiyong Kristiyanismo, wikang Espanyol, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika, sining at paggawa. Ipinasasaulo ang aralin sa mga mag- aaral maging ang mga dasal. Panahon ng Kastila May mga paaralang bokasyonal na naitatag din layunin nitong ituro ang iba't ibang karunungan tulad ng pananahi, paglililok, sining sa pagpipinta at pagdaragat. Nagbukas ng mga paaralang normal para sa mga lalaki at babae na nais maging guro. Nahahati ito sa dalawang uri: (a) Dominikano-pinamunuan ang Unibersidad de Sto. Tomas; samantalang (b.) Heswita-naman ang namuno sa Ateneo Municipal de Manila. Panahon ng mga Amerikano Sa loob ng mahigit 40 na taon pananakopng mga Amerikano sa ating bansa, maramingnatutunan ang mga Pilipino sa kulturangAmerikano na siyang nagpabago sa kanilang pamumumuhay. Dito nalinang at nagsimula angtinatawag nating “Kurikulum”. At dito nagkaroon ng “pormal na edukasyon” sa ating bansa. Pangunahing Layunin sa Edukasyon ng mga Amerikano Pagpapalaganap ngdemokrasya Pagtuturo ng wikang Ingles Pagpapatupad ng kulturang Amerikano Mga Pangyayari sa Sistema ng Edukasyon Sa pananakop ng mga Amerikano maraming mga pampublikong paaralan ang naipatayo upang maraming mga Pilipino ang makapag-aral. Sundalong Amerikano ang unang naging guro ng mga Pilipino sa pag-aaral ng wikang Ingles. At Sibika ang naging unang pokus ng pagtuturo sa mga paaralan at binigyan diin ang demokratikong pamumuhay, hindi ang relihiyon. Mga Pangyayari sa Sistema ng Edukasyon 1. Matapos mapasakamay ng mgaAmerikano ang Maynila noong Mayo 1898, sinimulan na ang pagtatatag ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.- Mga Ameriakong sundalo ang naging unang mgaguro nito. -Kalaunan pinalitan ito ng mga gurong galingsa Amerika na tinatawag na ‘Thomasites”Thomasites ang tawag sa mga gurung ito dahilnakasakay sila sa barkong Thomas noong 1901.1901- naitatag ang Kagawaran ng pagtuturo ng Pampubliko o Department of Public Instruction. 1903- naitatag ang Bureau of Education at si Dr. David Barrows ang unang direktor. Mga Pangyayari sa Sistema ng Edukasyon 2. Sa ilalim ng Batas bilang 74, itinatag ang Kagawaran ng Pampublikong Instruksiyon(Department of Public Instruction). Sa pamamagitan din ng batas na ito ay nabigyang-daan ang pagkakaroon sa bansa ng mga normal school at trade school tulad ng Philippine Normal School/University at ang PhilippineSchool of Arts and Trades na kilala ngayon bilang Technological University of the Philippines. Mga Pangyayari sa Sistema ng Edukasyon 3. Noong 1906 nagpadala ng mgaPilipinong iskolar angpamahalaang kolonyal saAmerica. Tinawag silang mgapensionado dahil tinutustusanng pamahalaan ang kanilang pag-aaral. 4. Noong 1907, pinalabas ng Asamblea ng Pilipinas ang BatasGabaldon na isinulat ngmambabatas na si Isauro Gabaldonng Nueva Ecija. Mga Pangyayari sa Sistema ng Edukasyon Nabigyan ng tig dalawangpampublikong paaralan ang bawatlalawigan-Sapilitan ang pag- aaral.Maaring ipakulong ang mgamagulang kapag hindi pinaag-aralang mga bata. Libre ang matrikula,lapis,aklat at papel Ingles ang gamit sa pag-aaral. Mga Pangyayari sa Sistema ng Edukasyon 5.Noong 1908 , naitatag angUnibersidad ng Pilipinas. 6.Binigyang-laya ang pagtatag ngiba’t ibang paaralan ang mga sektaka gaya ng -Siliman University ng mga Protestante -Far Eastern University -University of Manila Mga Pangyayari sa Sistema ng Edukasyon 7. Nabigyan din ng mga paaralang pambabae gaya ng - Escuela de las Senyoritas( Centro Escolar University) - Philippine Womens University 8. Sa panahon ng mga Amerikano umusbong ang mga babaeng propesyonal. Mga Pangyayari sa Sistema ng Edukasyon Ang edukasyon ng Pilipino sa panahon ng mga Amerikano ay naiiba sa edukasyon sa ilalim ng mga Kastila. Kung sa panahon ng mga Kastila ay tanging mga mayayaman, may-kaya at makapangyarihan lamang ang nakapag-aaral, ang sa Amerikano naman ay demokratiko.Nangangahulugang bukas-palad ang paaralan sa lahat ng nais matuto. Ang mga batang Pilipino ay pinipilit na pumasok sa paaralan, paano’y urong-sulong sila kung mag-aaral o hindi. Upang mahikayat ang mga batang pumasok sa paaralan nang sila’y matuto ng Ingles,binibigayan sila ng lapis at papel at may libre ring pagkain. Isa pang ikinaiiba ay ang edukasyong Amerikano ay hindi nakasalig sa relihiyon. Ang tuon nila ay sa mga paraang gagawin upang maging mabuting mamamayan ang Pilipino. Ang layunin ng edukasyong Kastila ay gawing mabuting mamamayan ng mga Pilipino para sa kabilang- buhay, samantalang ang sa Amerikano ay gawing mabuting mamamayan para sa buhay dito sa lupa. Mga Pangyayari sa Sistema ng Edukasyon Kung pinilit ng mga Kastila na mag sauloang mga batang Pilipino, pinilit naman ng mga Amerikano na ituro ang wikang Ingles sa lahat ngpaaralang-bayan. Ang Kastila ay hindi inalis sa mga paaralang Kastila ang ginagamit na wika. Gaya ng San Juan de Letran, Ateneo de Manila at iba pa.Ang puno’t dulo nito’y marami sa ating kababayang Pilipino ay natuto ng wikang Ingles. Isa pang insentibo na ibinigay ng mga Amerikano upang maging “Kayumangging Amerikano” o “Amerikanong Kayumanggi” ay ang pagpapadala sa Amerika ng mga Pilipinong “may berdeng utak” upang magpakadalubhasa sa larangang kanilang napili. Masasabing ang lahat ng ito’y tagapagbandila ng sibilisasyong Amerikano. Ang mga Pilipino ay nagpilit Mga Pangyayari sa Sistema ng Edukasyon Ang kurikulum na ipinasok ng mga Amerikano sa mga paaralang-bayan ay sipi sa kurikulum sa Estados Unidos. Ang naging bunga nito’y higit na naunawaan ng mag- aaralna Pilipino ang mga salitang Ingles atkulturang Ingles kaysa mga bagay nakatutubong Pilipino. Maging ang mga aklat na ginamit ay pawang galing sa Amerika. Dahil dito, ang lahat ng natutuhan ng ma Pilipinong mag-aaral ay mga bagay na palasak sa Amerika ngunit di kilala sa Pilipinas. Ito marahil ang pinagmulan ng“colonial mentality” ng mga Pilipino. PANAHON NG MGA HAPON Sa panahon ng Hapon, na tumagal mula 1942 hanggang 1945, ang Pilipinas ay nakaranas ng makabuluhang pagbabago sa iba't ibang aspeto, kabilang na ang edukasyon. PANAHON NG MGA HAPON Pagsakop at Digmaan:** Ang mga Hapones ay pumasok sa Pilipinas noong Disyembre 1941, kasabay ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa loob ng mga sumunod na taon, kanilang pinanatili ang kontrol sa bansa hanggang sa pag-urong ng kanilang mga pwersa noong 1945. PANAHON NG MGA HAPON Pamamahala:** Itinatag ng mga Hapones ang kanilang sariling pamahalaan sa Pilipinas, na pinamumunuan ni Jose P. Laurel bilang pangulo. Kasama ng mga Hapones, nagpatupad sila ng mga patakarang nakatuon sa pagsasanga ng mas malalim na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Hapon. PAGBABAGO SA KURIKULUM Medium of Instruction:** Ang pagkakaroon ng wika ng Hapon bilang pangunahing midyum ng pagtuturo ay isa sa mga pangunahing pagbabago. Ang mga paaralan, lalo na ang mga publikong paaralan, ay nagpatupad ng mga sistema ng edukasyon kung saan ang mga aralin sa iba't ibang asignatura ay itinuturo sa wikang Hapon, na nagdulot ng confusion at pagkalito sa mga mag-aaral at guro. PAGBABAGO SA KURIKULUM Nasyonalismo at Militarismo:** Isinulong ng mga Hapones ang mga ideolohiya ng nasyonalismo at militarismo sa kanilang kurikulum. Ang mga aralin ay naglalaman ng mga ideya na pumuri at sumuporta sa militar na pamahalaan ng Hapon, at hinikayat na maging loyal ang mga Pilipino sa bagong pamahalaan. Ang mga aralin na may kaugnayan sa kasaysayan ng Hapon at mga kulturang Hapones ay naging bahagi ng curriculum. PAGBABAGO SA KURIKULUM Pagsasanay sa mga Asignaturang Teknikal:** Binibigyang-diin ng mga Hapones ang mga kasanayang teknikal na makakatulong sa kanilang layunin. Ang mga asignaturang tulad ng pagtatahi, pagsasaka, at iba pang mga teknikal na kasanayan ay isinama sa kurikulum upang madagdagan ang kakayahan ng mga Pilipino na lumahok sa mga industriyang kinalaman sa mga pangangailangan ng mga Hapones. PAGBABAGO SA KURIKULUM Pagsara at Paghina ng mga Paaralan:** Maraming mga paaralan ang nagsara dulot ng mga ekonomikong suliranin at pasubali ng mga Hapones. Bagaman may mga paaralang nagpatuloy, hindi lahat ay nakapagbigay ng sapat na edukasyon sa kabila ng kagustuhan ng mga estudyante at guro. EPEKTO SA MGA MAG-AARAL AT GURO Paghihirap ng mga Mag-aaral:** Maraming mga kabataan ang nahirapang makakuha ng kalidad na edukasyon. Ang pagbabago ng medium ng pagtuturo ay naging hadlang para sa mga mag-aaral na sanay sa wikang Ingles o wikang Pilipino. PAGBAWI AT REPORMA PAGKATAPOS NG DIGMAAN Pagbabalik sa Ingles at Wikang Pilipino:** Ang mga paaralan ay nagbalik sa paggamit ng Ingles at mga lokal na wika, na nagbigay-diin sa mga mas tradisyonal na asignatura at pag- aaral ng sariling kultura. PAGBAWI AT REPORMA PAGKATAPOS NG DIGMAAN Pagsasaayos ng Kurikulum:** Ang mga educator at mga tagapamahala ng edukasyon ay nagtulungan upang bumuo ng mas inklusibong kurikulum na nagtataguyod ng edukasyong nakaugat sa lokal na kultura, kasaysayan, at identidad ng mga Pilipino. PAGBAWI AT REPORMA PAGKATAPOS NG DIGMAAN Pagpapalakas ng Edukasyon:** Nagsagawa ng mga hakbang ang gobyerno upang palakasin at mapabuti ang mga imprastruktura ng mga paaralan at ang kabuuang sistema ng edukasyon, mula sa elementarya hanggang sa sekundarya. PAGBAWI AT REPORMA PAGKATAPOS NG DIGMAAN Ang panahon ng Hapon ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas at nag-iwan ng mga aral na nagbukas ng mas malawak na pag-unawa sa mga pangangailangan ng mga Pilipino sa larangang ito. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN Ipinatupad sa panahon na ito ang bilingual education, population education at family planning, taxation at land reform, at pagpapatibay ng/sa pagpapahalagang Pilipino. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN Naging bahagi ng kurikulum ang computer at makabagong teknolohiya. Binigyang-diin ang pagpapaunlad ng wikang bernakular, wikang Ingles, inclusive education, special education, makabagong pamamaraan sa pagtuturo gaya ng multiple intelligences, learning styles at mga katulad nito.