SLG-FIL5-LG1-Aralin 1.1 PDF
Document Details
Uploaded by NicerDystopia
Philippine Science High School System
Tags
Summary
This document is a lesson plan for Filipino 5, focusing on basic language knowledge, the role of language in society, and examples from personal experiences. It details the importance of language and introduces various concepts related to language.
Full Transcript
BATAYANG KAALAMAN SA WIKA Aralin Filipino 5: Filipino sa Agham, Matematika, at Teknolohiya Module Code: Fil 5 Lesson Code: 1.1 Time Limit: 60 minuto TA: 2 minuto ATA: _____ Sa katapusan ng arali...
BATAYANG KAALAMAN SA WIKA Aralin Filipino 5: Filipino sa Agham, Matematika, at Teknolohiya Module Code: Fil 5 Lesson Code: 1.1 Time Limit: 60 minuto TA: 2 minuto ATA: _____ Sa katapusan ng aralin, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. nakikilala ang batayang kaalamang pangwika; 2. naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng wika sa lipunan; at 3. nakapagbibigay-halimbawa mula sa personal na karanasan hinggil sa kahalagahan ng wika. TA: 8 minuto ATA:____ Masayang mabuhay na may kasamang kausap tulad ng pamilya, kaibigan, kapitbahay, guro, boypren/girlpren, isama na rin natin ang ating mga alagang hayop at halaman. Iba-iba man ang ating relasyon at pinag-uusapan, may naidudulot ito sa ating mga sarili at maging sa kanila. Tayo ay nakikipagkuwentuhan, nakikipagbabahagian ng naiisip at nararamdaman mapa-araw-araw man o kaya ay minsan lamang. Nais kong balikan ninyo ang isang karanasang hindi malilimutan na naidulot ng pakikipag-usap ninyo sa isang tao. Sino at ano ang naging daloy ng inyong pinag-usapan? Ano ang inyong nararamdaman habang at pagkatapos ng inyong usapan? Isulat sa ibaba ang inyong paliwanag. Dagdagan ang papel na susulatan kung kinakailangan. TA: 25 minuto ATA: ________ Sa ating pakikipag-usap, sa iba man o sa ating sarili, wika ang pangunahing instrumentong ating ginagamit. Naipahahayag natin ang ating naiisip at nararamdaman sa Filipino 5 // Pahina 1 ng 13 pamamagitan ng wika. Wika ang nag-uugnay sa atin sa ating kapwa bilang bahagi ng lipunang ating kinabibilangan. Anopa’t bahagi ng ating buhay ang wika. Ngunit ano nga ba ang wika? Tatalakayin natin ang ilang mahahalagang konsepto tungkol sa wika gamit din ang wika ayon sa paglalahad nina Magracia, Santos et.al (2016). Kahulugan ng Wika Ang mga dalubwika ay may iba’t ibang pakahulugan sa wika. Caroll (1964). Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Bunga ito ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at pagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawing pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad. Todd (1987). Ang wika ay isang set o kabuoan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y isinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang magkapareho sapagkat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin. Edgar Sturtevant. Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon sa tao. Pansinin sa ibaba ang paghimay-himay sa kahulugan ng wika batay sa sinabi Sturtevant. Kahulugan ng Wika 1. Isang sistema (may konsistensi o may sinusunod na pattern). 2. Binubuo ng mga tunog (binubuo ng mga tinuhog na tunog na pamilyar at alam ng gumagamit). 3. Ginagamit para sa komunikasyon ng tao (ginagamit para sa epektibong pagpapahayag ng iniisip, nadarama, at anomang nakikita sa paligid). Ang mga tunog at kahulugan ng mga salita ay magkakaugnay sa arbitraryong paraan. Nangangahulugan ito na kung hindi mo pa naririnig ang isang salita o ang mga tunog na bumubuo sa salitang ito ay hindi mo ito mauunawaan. Kung gayon, ang wika ay isang sistema kung saan iniuugnay ang mga tunog sa kahulugan at kung alam mo ang wika, alam mo ang sistema. Arbitraryo ang mga simbolo sa bawat wika. Dumedepende sa tagagamit ang tunog nito, ang anyo, ang kahulugan o semantika, ang pagbubuo o sintaksis at ang pagkakaugnay- ugnay ng mga salita upang maunawaan o pragmatiks. Filipino 5 // Pahina 2 ng 13 Ang bahay sa Tagalog ay balay sa Cebuano, bayay sa Surigaonon, casa sa Kastila, house sa Ingles, at ushi sa Hapon. Ang pangungusap na Tumakbo ang bata sa wikang Filipino ay hindi maaaring Running is the child sa wikang Ingles, sa halip, ito ay The Child is running. Ang pangungusap sa Ingles na The bananas are yellow ay hindi maaaring Ang saging ay dilaw sa Filipino dahil may salitang mga sa Filipino na tumutukoy sa kailanang maramihan ng pangngalan tulad ng Ang mga saging ay dilaw. Pansinin ding bagamat maaaring gamitin ang pangungusap na may panandang ay, hindi naman ito ang karaniwang paraan ng pagpapahayag ng mga pangungusap sa wikang Filipino. Ang karaniwang paraan ay Dilaw ang mga saging, kung saan nauuna ang panaguri na sinusundan ng paksa na taliwas sa wikang Ingles. Katangian/Kalikasan ng Wika Kapag ang isang sanggol ay ipinanganak, sa panahon ng kanyang paglaki ay nagsasalita siya ng wikang kaniyang kinagisnan at natutuhan sa kaniyang kaligiran. Ang isang Cebuano ay nagsasalita ng Cebuano kung ipinanganak siya at lumaki sa kaligirang Cebuano, tulad din ng Ilonggo na nagsasalita ng Hiligaynon o kaya’y Kinaray-a o iba pang barayti ng Hiligaynon, at ng Meranaw na nagsasalita ng wikang Meranaw. Ngunit kapag ang isang Ilonggo na mula pagkabata ay itinira sa Syudad ng Iligan na ang wika ay Cebuano, lalaki siyang nagsasalita ng Cebuano dahil sa impluwensiya ng kanyang kaligiran bukod sa wikang Hiligaynon na sinasalita sa loob ng tahanan. Katangian/Kalikasan ng Wika (Austero, et al.,1999) 1. Pinagsama-samang salita (combination of words) 2. May kahulugan ang mga salita (words have meaning) 3. May ispeling (spelling) 4. May estrukturang gramatikal (grammatical structure) 5. Sistemang oral-awral (oral-aural system) 6. Pagkawala o ekstinksyon ng wika (language loss) 7. Iba-iba, dibersipikado, at pangkatutubo o indihenus (indigenous) Pinagsama-samang tunog/salita. Ang mga wika ay pagsasama-sama ng mga tunog na nauunawaan ng mga tagagamit nito na kapag tinuhog ay nakabubuo ng salita. Ang nabubuong salita mula sa mga tunog na ito nagkakaroon ng kahulugan. May dalang kahulugan. Bawat salita ay may taglay na kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung ginagamit na sa pangungusap. May ispeling. Bawat salita sa iba’t ibang wika ay may sariling ispeling o baybay. Sa wikang Filipino, masasabing madali lamang ang ispeling ng mga salita dahil sa katangian ng wikang ito na kung ano ang bigkas ay siya ring baybay. May estrukturang gramatikal. Binubuo ito ng ponolohiya at morpolohiya (pagsasama ng mga tunog upang bumuo ng salita); sintaks (pagsasama-sama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap); semantiks (ang kahulugan ng mga salita at pangungusap); at pragmatiks (nagpapaliwanag sa pagkakasunud-sunod o pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap), sa Filipino 5 // Pahina 3 ng 13 partisipasyon sa isang kombersasyon at sa antisipasyon ng mga impormasyong kailangan ng tagapagsalita at tagapakinig. Sistemang oral-awral. Sistemang sensura sa paraang pasalita (oral), at pakikinig (awral). Ang dalawang mahalagang organo na binubuo ng bibig at tainga ang nagbibigay- hugis sa mga tunog na napakikinggan. Ang lumalabas na tunog mula sa bibig ay naririnig ng tainga na binibigyang-kahulugan ng nakikinig. Pagkawala o ekstinksyon ng wika. Maaaring mawala ang wika kapag ‘di nagagamit o wala nang gumagamit. Tulad din ito sa pagkawala ng salita ng isang wika, i.e., ang salitang banggerahan na bahagi ng sinaunang ayos ng kusina na lugar kung saan hinuhugasan at itinataob ang mga pinggan, baso, atbp. ay hindi na alam ng kabataan sa ngayon. Dahil nagkakaroon ng pagbabagong estruktural ang bahay sa kasalukuyang panahon, darating ang panahong tuluyan nang ‘di gagamitin ang salitang banggerahan kaya masasabing pawala na ito o papunta na sa ekstinksyon. Hindi lamang salita o bahagi ng bokabularyo ng isang wika ang maaaring mawala. Ang buong wika ay maaaring mawala kung wala nang tagapagsalita ang wikang ito o kung hindi na ginagamit ang isang partikular na wika ng tagapagsalita nito dala na halimbawa ng akulturasyon. Nangyari na ang pagkawala ng wika ng mga taga-California na wikang Yahi Indian sa pagitan ng 1853-1870. Nangyari rin ito sa wikang Eyah ng Alaska nang ang huling dalawang matandang nagsasalita nito ay pumanaw. Karamihan sa wikang nawawala ay wika ng mga minorya. Sa Pilipinas, ang wikang Butuanon ay unti-unti na ring nawawala. Ilang barangay na lamang sa Butuan (matatagpuan sa Mindanao) ang puspusang gumagamit ng wikang ito. Ito ay dulot ng mga nandayuhan sa lugar na karaniwang wikang Cebuano ang alam na wika. Iba-iba, dibersipikado at pangkatutubo o indihenus. Dahil sa iba’t ibang kulturang pinagmulan ng lahi ng tao, ang wika ay iba-iba sa lahat ng panig ng mundo. May etnograpikong pagkakaiba sapagkat napakaraming grupo at/o etnikong grupo ang mga lahi o lipi. Iba pang Katangian ng Wika 1. Dinamiko /buhay 2. May lebel o antas 3. Gamit sa komunikasyon 4. Malikhain at natatangi 5. Kabuhol ng kultura 6. Gamit sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon Dinamiko/Buhay. Ang bokabularyo nito ay patuloy na dumarami, nadaragdagan, at umuunlad. Aktibo itong ginamit sa iba’t ibang larang. Hindi lamang ito pang-akademya kundi pangmasa rin. May lebel o antas. May wikang batay sa gamit ay tinatawag na pormal at di-pormal, balbal, kolokyal, lalawiganin, pansiyensya, at pampanitikan. Dumedepende ang lebel o antas ng wika sa mga taong gumagamit nito at maging sa uri ng lugar na pinaggagamitan. Filipino 5 // Pahina 4 ng 13 Halimbawa, iba ang uri ng wikang gamit ng isang pari sa simbahan kaysa sa wikang gamit pampalengke. I Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita. Sa pagsasama-sama ng mga salita, nabubuo ang pangungusap. Ginagamit ang wika bilang instrumento ng pagkakaintindihan, pagkakaisa, at pagpapalawak ng kaalaman. Ang wika ay natatangi. Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. May pagkakaiba man ang mga wika, wala namang maituturing na superyor o imperyor. Napagsisilbihang lubos ng partikular na wika ang lipunang gumagamit nito, kaya walang makapagsasabing nakahihigit ang kaniyang wika sa wika ng iba. Magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Maaari kayang may wika ngunit walang kultura? O, maaari kayang may kultura, ngunit walang wika? Ang totoo, anoman ang umiiral sa kultura ng isang lipunan ay masasalamin sa wikang ginagamit ng nasabing lipunan. Ang pagkamatay o pagkawala ng isang wika ay nangangahulugan ding pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang pagkakakilanlan ng isang kultura. Gamit ang wika sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon. Bawat disiplina/propesyon ay may partikular na wikang ginagamit, kung kaya may mga partikular na register na lumalabas o nabubuo. Halimbawa, may mga salitang partikular na gamit lamang ng mga doktor, may kaniya ring partikular na gamit ng wika ang mga abogado, ang mga magsasaka, ang mga kutsero, at iba pang grupo. Maaaring may mga salitang pareho ang anyong ginagamit sa iba’t ibang larang, ngunit may iba’t ibang kahulugan. Isang halimbawa rito ay ang salitang komposisyon. Sa larang ng musika, ito ay nangangahulugang pyesa o awit; sa larang ng wika, ito ay sulatin; at sa larang ng agham, ito naman ay pinagsamasamang elemento. Kahalagahan ng Wika Ang kahalagan ng wika ay katumbas din ng halaga ng tao. Ayon pa kay Bienvenido Lumbera, ang wika ay parang hininga, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika upang makamit ang kailangan natin. Tulad na lamang kapag nagugutom ay humihingi ng pagkain, kung nasusugatan ay dumadaing at kung nangungulila ay humahanap ng makakausap (Peña, Sagun, et.al. 2016). Ayon naman kina Magracia at Santos, kasama sa pagbabago at pag–unlad ng bansa ang wika. Ang lahat ng mga bagong imbensyong nalikha ng tao ay inililipat sa iba’t ibang parte ng mundo. Wika ang kasangkapan para sa materyal na pag-unlad, maging sa pagsulong ng kultura, edukasyon, sining, at humanidades. Filipino 5 // Pahina 5 ng 13 Kahalagahan ng Wika (Buensuceso, et al.1996) 1. Ang wika ay behikulo ng kaisipan. 2. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao. 3. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita. 4. Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi, maging ng kanilang karanasan. 5. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumagamit ng kakaibang mga salitang hindi laganap. 6. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kaniyang artistikong gamit. 7. Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi. 8. Ang wika ay tagapagbigkis ng lipunan. Ang wika ay behikulo ng kaisipan. Ang wika ay tagapaghatid ng mga ideya o kaisipang nagsisilbing tulay ng pagkakaunawaan ng bawat indibidwal o grupo man. Ngunit maaari ring magbigay ng maling kaisipan o impormasyon ang wika na magiging dahilan ng ‘di pagkakaunawaan. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao. Tagapaghatid ito ng mga mensaheng pangkaibigan o pakikipaglagayang-loob. Naipaaalam sa pamamagitan ng wika ang iba’t ibang emosyong nararamdaman ng bawat nilalang o grupo, maging ito’y pagkatuwa, pananabik, hinanakit, atbp. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita. Sa wikang ginagamit ng isang tao makikilala kung nasa anong posisyon o estado ng buhay ang nagsasalita. Ang kapangyarihan ng wika sa taong gumagamit nito ay malakas na pwersang makapagpapasunod sa sinomang mababa sa kanya ang katayuan. Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi, maging ng kanilang karanasan. May mga salitang natatangi lamang sa isang grupo ng mga tao. Ang maratabat (pride sa wikang Ingles) halimbawa ng mga Meranaw, Magindanawan at iba pang etnikong grupong matatagpuan sa Mindanao ay hindi matatagpuan sa wika ng ibang grupo. Ang salitang maratabat at ang konsepto nito ay kaugaliang bahagi ng kultura ng partikular na grupong nag-aangkin lamang nito. Nangangahulugan ito ng pagbabangon ng dignidad na nadungisan at pagtindig sa kabila ng anomang hamong kaakibat nito. Ilang mga patunay pa nito ang salitang pakbet na isang uri ng luto o pagkain ay popular sa mga Ilokano, tulad din ng batsoy na isang uri rin ng lutuing popular naman sa mga Ilonggo, salitang tapis na nagmula sa mga taga-Luzon at taga-Bisayas, ang salitang malong naman na popular sa mga taga-Mindanao partikular sa grupo ng mga Muslim. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumagamit ng natatanging mga salitang hindi laganap. Kapag ang nagsasalita o isang ispiker ay narinig mong nagsabi ng “Wa ka kasabot?” (Hindi mo naintindihan?), masasabi ng nakaririnig na pamilyar sa wika na ang nagsasalita ay isang Bisaya-Cebuano. Kapag narinig naman ang “Damo gid ang akon nabal-an.” (Talagang marami akong nalaman), ang nagsasalita ay isang Ilonggo. Ilokano naman ang tagapagsalita kung ganito ang maririnig mula sa kaniya, “Napintas nga balasang” (Magandang dalaga), “Napintas ti balasang” (Ang magandang dalaga). Kahit Filipino 5 // Pahina 6 ng 13 na hindi sila magpakilala ng kanilang pangkat na pinanggalingan ay makikilala sila dahil sa wikang gamit nila. Maging ang mga bakla o bayot ay may natatanging salitang ginagamit na hindi ginagamit ng ibang grupo ng tao. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kaniyang artistikong gamit. Ang wika ng panitikan ay masining. Sa pamamagitan ng wika ay naipahahayag ang yamang-isip ng bawat pangkat. Ang panitikan ay lalong napagaganda nang dahil sa mga piling salitang gamit ng mga malikhaing manunulat. Malayang naipahahayag sa panitikan sa pamamagitan ng wika ang matatayog na pangarap, naiisip, dapat baguhin, mga nakalipas na mga pangyayaring naglalarawan ng sanlibutan, at ang mga kasalukuyang pangyayaring hindi lantad sa iba. Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi. Wika ang dahilan kung bakit napag-aaralan ang kultura ng iba’t ibang pangkat kahit nasa malayo man silang lugar. Pasulat man ito o pasalita, wika ang naging daan para makilala natin ang kultura at tradisyon ng iba’t ibang lahi. Ang wika ay tagapagbigkis ng lipunan. Wikang panlahat ang tagapag-ugnay ng bawat mamamayan para mabuo ang solidong pagkakaunawaan at kapatiran sa bawat bansa. Halimbawa—Filipino ang lingua franca sa buong Pilipinas. Ito ang wikang nag-uugnay sa mamamayan ng bansa. Ang Ingles ay isa sa mga lingua franca ng daigdig na nagbubuklod sa maraming bilang ng mga mamamayan ng daigdig. Mabubuod sa tatlo ang Kahalagahan ng Wika (Garcia, et.al. 2010). Kahalagahan ng Wika 1. Kahalagahang Pansarili 2. Kahalagahang Panlipunan 3. Kahalagahangh Global/Internasyonal Tungkulin ng Wika Subukin kaya nating hindi magsalita sa loob ng isang araw? O isang oras kaya? Napakahirap yata? Maaari namang may komunikasyong ‘di berbal, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon sapagkat ang tao ay likas na may kakayahang magsalita. Kailangan din nating gumamit ng wika upang maging maayos at matagumpay ang paghatid natin ng mensahe. Ayon kay Halliday, may pitong gamit o tungkulin ang wika. (Sagun, Castillo, et al.) Tungkulin ng Wika 1. Personal 2. Imahinatibo 3. Interaksyonal 4. Impormatibo/Representasyonal 5. Instrumental 6. Regulatori 7. Heuristik Filipino 5 // Pahina 7 ng 13 Personal. Ito ay tungkulin ng wikang ginagamit sa pakikipagkomunika kung nais o gustong ipahayag ang sariling saloobin ng may pagsaalang-alang sa sariling indibidwalidad. Bahagi nito ang pagbulalas ng damdamin gaya ng pagkagulat, pagkagalit, hinanakit, at tuwa. Maging ang pagmumura at mga ekspresyong naibubulalas nang biglaan ay saklaw rin ng tungkuling ito, gayundin, ang pagtataglay ng punto sa pagsasalitang nagpapakita ng kakanyahang taglay ng mananalita. Sa iba’t ibang ekspresyon ay naipahahatid din ng tagapagsalita at nadedetermina ng mga mambabasa o tagapakinig kung ang tagapagsalita ay taga-Rizal, taga-Cavite, o kaya ay taga-Batangas. Hindi maikakaila ng “Ala eh” na siya ay isang Batangueno; ng napakalambing na punto ng isang Ilonggo; at ng “Ga” ng mga Cebuano o Bicolano. Imahinatibo.Tungkulin ito ng wikang ginagamit upang hikayatin ang mambabasa o tagapakinig na mapagana ang imahinasyon o kaya’y unawain o bigyang-hugis sa isipan ang mensaheng nais iparating ng tagapagsalita. Bunga nito, nabubuhay ang emosyon o damdamin ng mambabasa habang pinatatakbo lamang sa gunita ang mga pangyayari, senaryo, at sitwasyong inilalarawan. Estetiko ang bunga nito kaya madalas na nagagamit sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. Ang paggamit ng iba’t ibang uri ng tayutay ay pinakamabuting halimbawa nito. Hindi nga ba’t tungkulin ng mga tayutay na sa halip na direktang sabihin ang denotasyon ng mga pahayag ay ikinukubli ang kahulugan ng nais ipahiwatig sa pamamagitan ng paggamit ng pagkukumparahan o metapora? Interaksyonal. Ito ay ginagamit sa pakikipagkapwa, pagpaplano, pagpapayabong o pagpapanatili ng ugnayan sa iba, gayundin maaari rin namang may tungkuling panatilihin ang ekslusibidad. Ang paggamit ng sosyolek tulad na lamang ng wika ng mga bakla at jargon na wika ng isang partikular na disiplina ay halimbawa ng mga wikang ang tungkulin ay interaksyonal. Ang paggamit ng jargon ay nag-uugnay sa magkausap na gumagamit ng mga espesyal na termino upang magkaroon ng ekslusibong daloy ang usapan. Impormatibo/Representasyonal. Ito ay ginagamit sa pagpapaliwanag upang maipaalam ang katotohanan, datos at impormasyong hatid ng mundo. Ito ang ginagampanan ng wika kapag nagkakaroon ng lektura, naghahain ng mga bagong tuklas na datos, at nagbibigay ng mga resulta ng sarbey. Instrumental. Sa uring ito, tungkulin ng wikang maging kasangkapan upang maipahatid ang nais o gusto, pagtutol o kaya ay pagsang-ayon. Ipinakikita sa tungkuling ito ang pagbabago ng tono upang bigyan-diin ang nais ipahiwatig. May pagkakahawig ito sa tungkuling personal bagamat sa uring ito ay hindi isinasaalang-alang na makilala ang tagapagsalita kundi ang kanyang ipinahahayag lamang. Regulatori. Ito ay ginagamit ng mga taong may awtoridad o kapangyarihan sa pagkontrol ng kanilang nasasakupan. Nakapagpapakilos ang wika tungo sa pagtatamo ng layunin dahil sa kapangyarihang bunga ng awtoridad, impluwensiya, karisma, at pwersa. Makikita ang tungkuling ito sa pakikiusap, pagsulat ng mga batas, pag-aatas sa mga memorandum, mga akta (act), regulasyon, at ang pagpapatupad sa mga kautusan o maging simpleng mga utos ng magulang, nakatatanda, at/o kaibigan upang mapanatili ang kaayusan, sistema, tuluyang daloy ng proseso, at mabuting pakikitungo at samahan. Filipino 5 // Pahina 8 ng 13 Mabuting halimbawa nito ang mga tuntunin sa tahanan na ipinatutupad ng mga magulang upang mapalaki nang mabuti, mabait, responsible, at mapagkakatiwalaan ang miyembro ng pamilya. Heuristik. Ito ay upang makatuklas at mapatotohanan ang mga hinuha upang makamit ang kaalamang akademik o propesyonal. Ito ang naging tungkulin ng wikang ginamit sa mga pananaliksik at imbensiyon. Hindi nga ba, kapag gagawa ng pananaliksik ay kailangang matugunan ang mga tanong na inihain? Ika nga, ang mga suliranin sa pananaliksik ang nagsisilbing pundasyon ng isinasagawang pananaliksik. Bagamat may hinuhang nabubuo, mapatotohanan, o mapasusubalian ang anomang hinuha sa pamamagitan ng resultang matatamo ng mananaliksik. TA: 15 minuto ATA:____ I. Pag-unawa. Panuto. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ayon sa kaniya, ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng tao. A. Todd B. Caroll C. Halliday D. Sturtevant 2. Ayon sa kaniya, ang wika ay parang hininga, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. A. Sagun B. Lumbera C. Magracia D. Buensuceso 3. Ayon sa tungkuling ito ng wika, ginagamit ang wika upang kontrolin ang nasasakupan. A. Heuristik B. Regulatori C. Imahinatibo D. Instrumental 4. Sinasabi ng katangiang ito na ang wika ng isang lipunan ay nabuo ayon sa napagkasunduan ng mga gumagamit nito. A. Ang wika ay arbitraryo. C. Ang wika ay natatangi. B. Ang wika ay dinamiko o buhay. D. Ang wika ay malikhain. 5. Ayon dito, ang wika ay may kani-kaniyang katangian kaya walang wikang parehong- pareho. A. Ang wika ay arbitraryo. C. Ang wika ay natatangi. B. Ang wika ay dinamiko o buhay. D. Ang wika ay malikhain. Filipino 5 // Pahina 9 ng 13 II. Pagbubuo. Panuto. Gamitin ang mga salitang nasa kahon upang makabuo ng pangungusap/pahayag at ipaliwanag kung anong kalikasan ng wika ang masasalamin dito. wala relo ako ako kamay dumaing hanggang walang sapagkat taong nakakita akong ng mga bagong. Pangungusap: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ___________________________________ Paliwanag: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _____________________________________________________ III. Pagsusuri. Panuto: Suriing mabuti kung anong tungkulin ng wika ang masasalamin sa larawan at ipaliwanag. Gawing batayan ang pamantayang nasa ibaba. Pamantayan Puntos 7 5 3 0 Organisado at May kakulangan Kulang na kulang Walang komprehensibo sa organisasyon sa nilalaman. sagot. ang talakayan. at nilalaman. Nilalaman 3 2 1 0 Nakasusunod sa May 1-2 kamalian May higit sa 3 (Walang Gramatika kaayusang sa gramatika. kamalian sa sagot) panggramatika. gramatika. Walang mali. Filipino 5 // Pahina 10 ng 13 Paliwanag Sanggunian: https://www.shutterstock.com/image- vector/boy-girl-working-together-illustration- 328258397 IV. Paglalapat. Panuto. Ipaliwanag kung ikaw ba ay sang-ayon o salungat sa pahayag ng isang Pilipinong dalubwika na si Virgilio Almario sa kaniyang pahayag na “Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.” Gawing batayan ang pamantayang nasa ibaba. Pamantayan Puntos 7 5 3 0 Organisado at May kakulangan Kulang na kulang Walang komprehensibo sa organisasyon sa nilalaman. sagot. ang paglalahad. at nilalaman. Nilalaman 3 2 1 0 Nakasusunod sa May 1-2 kamalian May higit sa 3 (Walang Gramatika kaayusang sa gramatika. kamalian sa sagot) panggramatika. gramatika. Walang mali. Filipino 5 // Pahina 11 ng 13 Paliwanag: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _______________________________________ TA: 10 minuto ATA:____ Batay sa iyong napag-aralan, bumuo ng tula tungkol sa wika. Pamantayan sa Pagbuo ng Tula Pamantayan Puntos 10 8 6 Pagkakabuo Angkop at wasto May isa hanggang Walang kaugnayan ang mga salitang dalawang salitang at hindi wasto ang ginamit sa ginamit nang hindi mga salitang ginamit pagbubuo ng tula. angkop. Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag naipahayag ang naipahayag ang ang mensahe ng mensahe ng tula. mensahe ng tula. tula. Filipino 5 // Pahina 12 ng 13 Sanggunian: Alcaraz, C.V., Jocson, M.O. & Villafuerte, P.V. (2005). Filipino 1: Komunikasyon sa akademikong Filipino. Manila: Lorimar Publishing Co., Inc. Bernales R.A., Ravina, E.A. & Zafra, R.B.G. (2019). Filipino sa iba’t ibang disiplina. Malabon: Mutya Publishing House, Inc. Bernales, R.A., Ravina, E.A. & Zafra, R.B.G. (2019). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House, Inc. Garcia, L.C., Gonzales, C.C., Gozom, B.E.P., Carpio, P.C., Domalanta, M.B., Lartec, N.C., Mangonon, I.A., Guevarra, J.T., Canare, L.C. & Padernal, A.P. (2011). Tinig: Komunikasyon sa akademikong Filipino. Malabon City: Jimczyville Publications Hufana, N.L., Banawa, M.J.D., Gervacio, G.V., Pantorilla, C.R., Sajulga, A.C & Tiosen, R.B. (2018). Wika at kultura sa mapayapang lipunan. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc. Peña, R.P., Castillo, M.J.A., Sagun, R.D., Camba, A.M. & Adaya, J.G. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Malabon City: Jimczyville Publications. Santos, A.L., Hufana, N.L., Magracia, E.B., Banawa, M.J.D., Hilot, R.M. & Sual N.T. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc. Santos, A.L. & Hufana, N.L. (2009). Ang akademikong Filipino sa komunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc. Inihanda ni: PERLITA REQUINO Posisyon: Special Science Teacher IV Kampus: Central Mindanao Campus Pangalan ng reviewer: RIZA REYNA G. CALMA Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher V Kampus: Central Visayas Campus Filipino 5 // Pahina 13 ng 13