FILIPINO REVIEWER PDF
Document Details
Uploaded by LovingTundra
University of Baguio
Tags
Summary
This document is a Tagalog glossary of terms, suitable for use in education. The list includes many terms, including several educational terms such as 'Action Plan', 'Agenda', 'Akademik', and 'Asignatura'. The document appears to be a study guide or review material for a Tagalog language related course or subject.
Full Transcript
GLOSARYO NG MGA TERMINOLOHIYA Para di nakakahilo: FLASHCARD Abstrak. Buod ng isang pag-aaral o pananaliksik. Action Plan. Planong pagpapaunlad bilang resulta ng isang pag-aaral Agenda. Talaan ng mahahalagang paksang pag-uusapan sa isang pulong Akademik. Anumang gawaing umaangkop sa akademya at pamah...
GLOSARYO NG MGA TERMINOLOHIYA Para di nakakahilo: FLASHCARD Abstrak. Buod ng isang pag-aaral o pananaliksik. Action Plan. Planong pagpapaunlad bilang resulta ng isang pag-aaral Agenda. Talaan ng mahahalagang paksang pag-uusapan sa isang pulong Akademik. Anumang gawaing umaangkop sa akademya at pamahalaan Aklat. Kagamitang pansuporta sa proseso ng pagkatuto Applied Track. Espesyalisadong kurso o direksyong iniaangkop sa inaasahang larangan Asignatura. Kurso o sabject Bakgrawn. Saligan, pinag-ugatan, o pinagmulan Balita. Pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa Batas. Patakaran, tuntunin, o regulasyon Biodata. Tala o datos na magbibigay ng personal na pagpapakilala sa isang tao Bionote. Mahahalagang tala o mga tiyak na impormasyon patungkol sa indibidwal Buod. Pinaikling bersyon ng mahabang akda Blog Entries. Anumang teksto o tala na inilahala sa isang website Case Study. Pag-aaral sa isang kaso ng indibidwal o grupo Claim. Panimulang pananaw o walang bisang pala-palagay tungkol sa isang paksa Diksyonaryo. Kahulugan ng anumang konsepto Disertasyon. Resulta ng pag-aaral o pananaliksik ng isang nagpakadalubhasa ng doktorado Editoryal. Napagkaisahang opinyon ng mga mamamahayag tungkol sa isang isyu Filipino. Pambansang wika, wikang panturo, opisyal na wika Impormal. Wikang pang-araw-araw; maaaring balbal, kolokyal, o diyalektal Jornalistik. Anumang artikulo sa pahayagan; Gumagamit ng wikang naiintindihan ng marami Kahingian. Pangangailangan (requirement) Kalikasan. Katangian(nature) Katitikan. Komprehensibong kalipunan ng mga naitalang napag-usapan sa pagpupulong Kompetensi. Kaalaman, kasanayan, kaasalang dapat matutuhan Kongklusyon. Implikasyon o realisasyon sa anumang resulta ng pag-aaral Kumpas. Galaw ng kamay na nagbibigay-diin sa mensahe, kaisipan, o damdamin Lagda. Orihinal na sulat-kamay ng indibidwal Larangan. Disiplina o tiyak na kinabibilangang propesyon o institusyon Lathalain. Anumang akda o tekstong nagbibigay-linaw sa anumang paksa Mabisa. Pahayag o pagkilos na mas naiintindihan o tinatanggap Malikhain. Orihinal, bunga ng sariling pag-iisip, at produkto o pagganap na bunga ng kalayaan Manifesto. Pampublikong patakaran o polisiya na kadalasang ipinahahayag ng indibidwal o pangkat bago ang halalan o ng anumang pagkilos Masining. Nagtataglay ng kagandahan batay sa itinakdang pamantayan Memorandum. Tala o pasulat na mensahe para sa inaasahang mambabasa Modyul. Buo at ganap na kagamitan tungo sa proseso ng pagkatuto Panayam. Interbyu o pasalitang paraan ng pangangalap ng datos Pantas. Edukado, dalubhasa, eksperto Panukala. Mungkahing programa, pagkilos, o kaisipan Pormal. Ibinabatay sa inaasahang pamantayan; maaaring pambansa o pampanitikan Portfolio. Kalipunan ng mga gawain, produkto, dokumento na naglalayong maging ebidensya ng pagkatuto, tagumpay, o ebalwasyon tungo sa pag-unlad Posisyong Papel. Kabuuang pahayag na naglalayong makapanghikayat o mangatwiran sa isang isyu o problema Pictorial Essay. Paglalahad ng mga karanasan gamit ang mga larawan Propesyonal. Anumang bagay na produkto ng akademikong pagkilos; Eksperto o dalubhasa sa kanyang kinabibilangang larangan Pulong. Pormal na talakayan Rasyonal. Layunin o panimulang pahayag sa dahilan ng pag-aaral Rekomendasyon. Paglalatag ng mga mungkahi ng pagkilos, tugon, o solusyong hango sa resulta ng pag- aaral Repleksyon. Nabuong realisasyon bunga ng naging karanasan Resume. Detalyadong tala ng mga impormasyong magpapakilala sa indibidwal Sanaysay. Naglalahad ng ideya, impormasyon, at mga karanasan Sintesis. Pangkalahatang pag-unawa sa binasa, pinakinggan, napanood, atbp. Talambuhay. Isinatalang buhay ng indibidwal Talumpati. Pampublikong paraan ng paglalahad ng ideya, impormasyon, o karanasan Thesis Statement. Pinakabuod nap unto o pananaw patungkol sa paksa Teknikal. Espesyalisado; pormal na batayan, iniaangkop sa kahingian Tesis. Pag-aaral o pananaliksik ng nagpakadalubhasa sa isang larangan Travel Essay. Naglalahad ng mga karanasan sa paglalakbay REPLEKTIKBONG SANAYSAY (ARALIN 1) - Sanaysay para sa pagsasanay sa pagninilay - Damdamin at opinyon para sa isang paksa, pangyayari, o tao - Para kilalanin ang sarili gamit ang karanasan at pagbabago SAYSAY: - Suriin at bumuo ng pag-unawa sa nabasa, narinig o nakita - Gumawa ng koneksyon para sa sarili - Ano ang natutunan mo? - Subhektibong sulatin at tumutulong matukoy ang iyong interes Mga paksa para sa replektibong sanaysay - Karanasan na hindi malilimutan - Kinatatakutang karanasan - Pinakamahirap na desisyon - Hamon sa buhay - Pagbabago sa buhay - Pinakamasaya at nakakatakot na sandali sa buhay - Makakatulong sa pagpapaganda ng mundo - Mga panahon na nawawala ka sa pakiramdam MGA HAKBANG SA PAGSUSULAT Simula (1 talata) - Pananaw sa paksa - Epekto sa buhay - Hindi pag epekto sa pagkatao - Gumamit ng quotation - Paksa at layunin (1 pangungusap) - Tesis statement (1 pangungusap) Katawan - Suporta sa kaisipan - Mga natutunan at napagnilay-nilayan - Paano umunlad ang pagkatao mo dahil dito - Objetibong batay sa mga naobserbahan at naranasan - Sanggunian ay dapat mapagkakatiwalaan Wakas o kongklusyon - Banggitin ang tesis statement - Mga hamon na naranasan - Tanong para sa kaisipan - Paano magagamit ang natutunan Maaring maging: - Proposal - Konseptong papel - Editoryal - Sanaysay - Talumpati TANDAAN NA GAWIN PA RING PORMAL AT TAMANG TRANSISYON ANG PAPEL POSISYONG PAPEL AT TALUMPATI (ARALIN 2) - Layuning mangumbinsi at mangatwiran - Maipaglaban ang sariling panig - Para sa batas, institusyon, politika - Mayroong rekomendasyon - Mayroon dapat ebidensya P.O.S.I.T.I.O.N (CONEAPP) MGA HAKBANG SA PAGSUSULAT Unang talata: - Background information - Kunin ang atensyon ng mga mambabasa - Ibigay ang posisyon at katwiran Ikalawang, ikatlong talata: - Unang katwiran (and so on, different paragraphs per stance) - Bigyan ng pahayag at mga susuportang ebidensya Huling talata: - Ibuod lahat ng mga points - Tuligsain muli ang posisyon na hindi ka sang ayon - Mention ulit ang position TALUMPATI Layon: - Magbigay ng impormasyon - Magbigay ng aliw - Magkumbinsi Uri ng Talumpati: - Impromptu - Pinaghandaan Uri ng Talumpati na Pinaghandaan: - Binabasa - Sinaulo - Ekstemporanyo Paghahanda ng Talumpati: - Dami o bilang - Kasarian - Edad o gulang - Edukasyon - Grupong kinabibilangan Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati: - Pagpili ng paksa - Pagtitipon ng materyales - Pagbabalangkas ng ideya - Paglinang ng kaisahan Dapat isaalang-alang habang nasa entablado: - Tindig - Galaw - Kumpas - Tinig - Ekspresyon - Paningin - Paghinga BAKA UNG ARRANGEMENT: LAKBAY SANAYSAY AT LARAWANG SANAYSAY (LESSON 4) LAKBAY SANAYSAY: - Mayroong litrato na nagpapakita ng paglalakbay - Mayroong sanaysay tungkol sa imahe SAYSAY: - Ipakita ang kagandahan ng lugar - Gabay para sa mga turista - Kultura, tradisyon, pamumuhay - Pagdagdag sa nais pumunta sa lugar LARAWANG SANAYSAY: - Larawan na naglalahad ng isang konsepto - “A photograph shouldn’t be just a picture, it should be a philosophy”- Amit Kalantri - Mayroong buhay ang mga larawan - Pictorial essay DAPAT TANDAAN: 1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes. 2. Magsagawa ng pananaliksik 3. kawilihan at uri ng iyong mambabasa. 4. Ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon 5. sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan. 6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. 7.ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu. 8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. PAGSULAT NG BIONOTE, RESUME/ CURRICULUM VITAE (LESSON 5) BIONOTE: - Impormasyon tungkol sa taong pinapakilala - Mabilisang pagkilala sa aplikante - Mababasa sa likuran ng aklat, blogs - Nagpapakita ng karanasan at nagiging pampukaw-atensyon - Mga impormasyon na importante lamang - Hindi permanente ang nakalagay - Pormal at direkta Mga impormasyon sa bionote: - Nagsisimula ito sa pagpapakilala sa sarili - Pinagkadalubhasaan - propesyonal na karanasan - edukasyong natamo - organisasyong kinabibilangan - Mga karangalang natamo - Publikasyon - Proyekto - Iba pang natatanging tagumpay - kaugnay na mga programa o proyekto. RESUME O CURRICULUM VITAE - Detalyadong pagkaakakilanlan ng isang tao - Organisado at malikhaing pagpapakita ng impormasyon MGA KINAKAILANGAN: - Buong Pangalan - Estadong Sibil - Tirahan - Pinakamataas na Edukasyong Natamo at Karangalan - Kasalukuyang Posisyon - Disiplinang Kinabibilngan - Malikhaing Output at/o Imbensyon (Isulat ang deskripsyon, layunin at kapakinabangan) - Pananaliksik at/o Publikasyon (Isulat ang pamagat at pinaglathalaan nito) - Organisasyong Kinabibilangan - Mga Gawaing Propesyonal - Partisipasyon sa Komunidad - Mga Natamong Karangalan IBAT IBANG URI NG LIHAM SA PAGTRATRABAHO (LESSON 6) 1. Liham Aplikasyon - Liham ng pamamasukan - Mayroong aplikasyon (resume at CV) 2. Liham Pahintulot - Ginagamit sa paghingi ng pahintulot ng awtor 3. Liham Pamamaalam - Ito ay ang tinatawag na Resignation Letter 4. Liham Paghingi ng Kapatawaran - Hingi ng tawad o paumanhin dahil sa pagkakamali 5. Liham Imbitasyon - Para sa panauhing mahalaga katulad ng tagapagsalita sa programa 6. Liham Paalala/Paunawa (Memo) - Polisiya o mga tuntunin 7. Liham Pagpaparangal / Pagbati - Ginagamit sa mga nagwagi sa mga patimpalak 8. Liham Pasasalamat - Pagpapasalamat sa isang taong may malaking ambag 9. Liham Pagbibigay impormasyon - Maaaring magbigay ng kaalaman. 10. Liham-Pakikipagkalakalan - Ginagamit sa pagbebenta ng produkto 11. Liham Paghingi ng paliwanag (inquiry) MGA DAPAT TAGLAYIN 1. Magalang 2. Wasto 3. Buo 4. Magalang 5. Maikli 6. Kompersasyonal- naiintindihan 7. Mapagsaalang-alang- Ipadama ang pagtitiwala at kabutihing loob MEMORANDUM - Opisyal na korespondensya na nagsisilbing paalala, patakaran, tuntunin, o gabay - Nagsisilbing ugnayan ng employer sa employees - Ginagamit para makarating sa lahat ang impormasyon PARTE NG MEMORANDUM: 1. Logo ng kompanya 2. Bahaging “Para sa…. Para kay….” 3. Mula kay 4. Petsa 5. Paksa 6. Mensahe: Sitwasyon, problema, solusyon, paggalang o pasasalamat 7. Lagda, signature