Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik PDF
Document Details
Uploaded by SupremePiccoloTrumpet3272
Trento National High School
Tags
Related
- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungong sa Pananaliksik: Ang Tekstong Naratibo PDF
- Lesson 1: Pagbasa, Pagsusuri at Pananaliksik PDF
- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik PDF
- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik PDF
- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (PPTP_Intro)
- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik PDF
Summary
Ang dokumento ay tungkol sa mga antas ng pagbasa, pagsusuri, at pagtatasa ng iba't ibang uri ng teksto para sa akademikong pananaliksik. Naglalaman ito ng mga tanong at mga halimbawa ng teksto.
Full Transcript
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik Deskripsyon ng Kurso: Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik. PANAPOS NA GAWAIN...
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik Deskripsyon ng Kurso: Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik. PANAPOS NA GAWAIN informercial / advertisement / propaganda / short film PAGBASA Proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag- unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo. Intensibo at Ekstensibong Pagbasa INTENSIBONG PAGBASA Pagsusuri sa gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa estruktura para maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at ugnayan ng isang sulatin. EKSTENSIBONG PAGBASA Isinasagawa para makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto. Scanning at Skimming SKIMMING Mabilisang Pagbasa Alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto. SCANNING Mabilisang Pagbasa Paghahanap ng ispesipikong impormasyon Bilis at talas ng mata ang kailangan. 1. Ayon sa Philippine Statistics Authority (2014), ilang bilang ng sanggol ang isinisilang ng mga kabataan kada oras? 2. Ano raw ang kinakailangan ng ating bansa upang mas magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan kaugnay sa usapin ng pagtatalik? Maagang Pagbubuntis Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga babae sa edad na dose hanggang labing siyam ay isang malawakang isyu hindi lang sa Pilipinas pero sa buong mundo. "Ang hindi marunong maghintay madalas ay maagang nagiging nanay",kasabihan na madalas nating naririnig sa mga nakakatanda. Palagi nating tatatandaan mula sa simula lang ang sandaling sarap at kasunod nito ay pang matagalang hirap. Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority kada oras ay 24 na sanggol na isinisilang ng mga kabataan. Ang datos na ito ay sinisusugan ng 2014 Young Adult Fertility and Sexuality sturdy. Napakaloob dito na 14% ng mga Pilipina na may edad na 15 to 19 ay buntis o di kaya ay mga ina. Sinasabi ding mas mataas ang bilang ng teenage pregnancy sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa ng Southeast Asia. Kaya mabuti ng magkaroon ng SEX education sa ating bansa, para sa kaalaman ng mga kabataan at malaman nila ang mga resulta sa hindi magandang gawain katulad ng maagang pagtatalik na magiging resulta sa teenage pregnancy. ANTAS NG PAGBASA Primarya Pinakamababang antas Tumutukoy sa tiyak na datos at espesipikong impormasyon. Petsa, setting, lugar, tauhan, atbp. Mapagsiyasat Nauunawaan ang kabuuang teksto. Nakakapagbigay ng hinuha o impresyon. Analitikal Mapanuri at kritikal na pag-iisip. Nauunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin ng manunulat. Sintopikal Pagsusuri/Paghahambing sa iba’t ibang teksto. Nakabubuo ng sariling perpektiba o pananaw sa isang tiyak na paksa.