Mga Flyer at Leaflet (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
STI
Tags
Summary
Ang dokumento ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga flyers at leaflets, kasama ang iba't ibang uri nito, mga lugar kung saan ito ikakalat, at iba't ibang paraan ng paggamit sa mga flyers at leaflet. Kasama rin ang mga sanggunian sa teksto. Ito ay isang handout.
Full Transcript
SH1673 Sana ay Huwag Lamang Ibasura Ang Flyers at Leaflets Ano ba ang flyer? Ayon sa Aart Design (2013), ang flyer ay matatawag din nating handbill o leaflet. Karaniwang nakalathala sa isang kapirasong papel na may karaniwang sukat na 8 ½" x...
SH1673 Sana ay Huwag Lamang Ibasura Ang Flyers at Leaflets Ano ba ang flyer? Ayon sa Aart Design (2013), ang flyer ay matatawag din nating handbill o leaflet. Karaniwang nakalathala sa isang kapirasong papel na may karaniwang sukat na 8 ½" x 11". Ang Dalawang (2) Uri ng Flyer: a. Business Flyer – Ito ay ginagamit sa paglulunsad ng isang produkto or serbisyo. Ipinakikilala rin ng bahagya ang kumpanyang naglunsad nito. Maaari din itong tawaging professional flyer. b. Club Flyer – Ito ay kadalasang ginagamit sa pag-aanunsyo ng mga kaganapan o mga okasyon gaya ng pista, mga pagtitipon, party, at iba pa. Karaniwan din itong makulay at nakalathala sa magagandang papel. Sabi sa Taradel.com (2008), mayroong tatlong (3) lugar na pwedeng ikalat ang mga flyers: a. Sa matataong lugar – Ito ay mga paaralan, pamilihan, at mga establisyimentong may mataas na dami ng taong nagdaraan. b. Sa mga pahayagan – May kamahalan ito ngunit malaki ang maaabot na demograpiko. Hindi naman kailangang naka-imprenta. Ang iba naman ay naka-stapler lang sa pahina ng pahayagan o ginagawang newspaper insert. c. Sa mga kainan na maaari kang mag-iwan ng flyers – Mayroong mga kainan na may mga community boards kung saan ay maaari kang magpaskil ng mga flyers gaya ng Starbucks. Ngunit karamihan ay mahigpit na ipinagbabawal ang pamamahagi ng flyers ng personal sa kostumer o patron. Humingi muna ng pahintulot sa may-ari o tagapangasiwa ng kainan o restawran. Ayon sa Digitalpress (2013), may limang (5) kumbensyunal na pamamaraan sa pamamahagi at paggamit ng flyers at leaflets: a. Inserts – Sabihin sa mga mag-aaral na katulad ng nailarawan kanina, ang inserts ay mga flyers na inilalagay sa mga pahayagan o dyaryo, at kung minsan naman ay sa mga magasin. b. Mailers – Karaniwang inilalagay ng mga kumpanya sa sobre ng mga bayarin gaya ng credit card, kuryente, at tubig. c. Imbitasyon – Karaniwang ginagamit ng mga ahente ng produkto o real estate. May nakasulat na: “You are invited to a free tripping on…” d. Price Sheets – Madalas na ginagamit ito ng mga fastfood restaurants. Nagsisilbi na din itong menu. 06 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 2 SH1673 e. Gift Certificates at Coupons – Ang ang pao na binibigay ng mga fastfood restaurants ay isang uri ng flyer at coupon. Epektibo ito sa paglulunsad ng mga diskwento at promosyonal na pagkain. Mga Sanggunian: Cambridge Dictionary Online. (2015). Retrieved June 3, 2015, from http://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/business-english/environmental-footprint AArt Design. (2013, November 21). Difference and specification between flyers, brochures, leaflets, pamphlets & newsletters. Retrieved June 3, 2015, from http://www.aart.us.com/marketing- materials.html Digital Press. (2013, February 5). Knowing the different types and uses of flyers. Retrieved on June 3, 2015, from http://digitalpress.com.au/blog/digital-printing/knowing-the-different-types-and- uses-of-flyers Taradel. (2008). Retrieved on June 3, 2015, from http://www.taradel.com/resourcecenter/flyer- printing/ways-to-distribute-your-flyers/ 06 Handout 1 *Property of STI Page 2 of 2