Pagsusulat-Summative Reviewer PDF
Document Details
Tags
Summary
Ito ay isang pagsusulit na may mga katanungan at opsyon para sa pagsusuri sa paksa ng pagsusulat sa wikang Tagalog. Ang pagsusulit ay may iba't ibang tanong, mula sa pagtukoy sa kahalagahan ng pagsulat hanggang sa pag-unawa sa mga bahagi ng akademikong pagsulat at iba pa.
Full Transcript
## Pagsusulat: Multiple Choice Quiz ### **Part I: Identifications** **Q. 1 - Bakit mahalaga ang Pagsusulat sa buhay ng tao?** - Dahil itoý nagsisilbing libangan sa kanila. - Dahil sa pamamagitan nito ay nailalahad nila ang kanilang mga ideya. - Dahil ang pagsulat ay nakapagbibigay ng bagong kaala...
## Pagsusulat: Multiple Choice Quiz ### **Part I: Identifications** **Q. 1 - Bakit mahalaga ang Pagsusulat sa buhay ng tao?** - Dahil itoý nagsisilbing libangan sa kanila. - Dahil sa pamamagitan nito ay nailalahad nila ang kanilang mga ideya. - Dahil ang pagsulat ay nakapagbibigay ng bagong kaalaman sa mga mambabasa. - Lahat ay tama. **Q. 2 - Sino ang nagsabi na ang pagsulat ay ay mental at pisikal na aktibiti?** - Austero - Mabilin - Graciano - Garciano **Q. 3 - Bakit kailangan ang organisasyon ng ideya ng isang sulatin?** - Madaling maunawaan ng mga mambabasa. - Upang makitaan ng kagandahan at kalinawan ang pagkakasulat. - Dahil kailangang may pagkakasunod-sunod ang istruktura at magkakaugnay-ugnay ang mga ideya - Lahat ay tama **Q. 4 - Ang uri ng pagsulat na ito ay gumagamit ng Obhektibong papamaraan sa pananaw.** - Malikhaing pagsulat - Akademikong pagsulat - Propesyunal na pagsulat - Di-akademikong pagsulat **Q. 5 - Alin dito ang nagpapakita ng tamang pagkasunod-sunod ng hakbang sa Pagsulat ng Abstrak?** - 4-3-5-1-2 - 3-1-4-5-2 - 5-3-1-4-2 - 5-4-1-2-3 ### **Part II: True or False** **Q. 6 - Ang akademikong pagsulat ay kailangang makitaan nang malinaw at pagkaka-ugnay ang mga ideya. Bakit kaya?** - Para madaling maunawaan at mabasa. - Para mabigyang halaga ang isang sulatin. - Para maisulat ang lahat ng nais isulat sa sulatin. - Para makitaan na ang mga isinulat ay may kaisahan at umiikot lamang ito sa isang sentral na ideya. **Q. 7 - Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit subhektibo ang pananaw ng di-akademikong pagsulat?** - Upang ito ay maging kapani-paniwala. - Dahil mahalaga ang opinyon ng bawat isa, mapapormal man ito o hindi. - Dahil ang di-akademikong pagsulat ay maaaring nanggagaling sa sariling opinyon. - Wala sa nabanggit. **Q. 8 - Sa paraan o batayan ng paghahanap ng datos, bakit kailangan ang obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa?** - Para maging impluwensyado ang gagawing sulatin. - Para maging mas matagal ang pagtatapos ng sulatin. - Para maraming maipakita at maipagmalaki na mga datos sa iba. - Para hindi nakabatay sa sariling opinyon at makaiwas sa pagbibigay ng kuro-kuro o personal opinyon. **Q. 9 - Ito'y isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo.** - Tesis - Abstrak - Bionote - Sinopsis **Q. 10 - Ang LAYUNIN ay isa sa mga gamit o pangangailangan ng Akademikong Pagsulat. Ano sa iyo ang tamang layunin nito?** - Magsisilbing iikutan sa gagawing sulatin. - Magsisilbing impormasyon na iikutan ng sulatin. - Magsisilbing giya upang makapagbigay ng impormasyon. - Wala sa mga nabanggit ang tama. **Q. 11 - Alin sa mga sumusunod ang awdyens ng di-akademikong sulatin?** - Guro - Iskolar - Mag-aaral - Iba't ibang komunidad **Q. 12 - Ang pagsulat ay may dalawang aktibiti, ang aktibiti na ito ay isang ehersisyo na kung saan isinasatitik ang mga ideyang nilalaman ng isipan. Ano ang tawag sa aktibiti na ito?** - Sosyal - Pisikal - Mental - Emosyonal **Q. 13 - Ito ay isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag-aaral na inilalagay bago ang introduksyon.** - Abstrak - Sinopsis - Bionote - Talumpati **Q. 14 - Alin sa mga nabanggit na pahayag tungkol sa pagsulat ang PINAKATAMA?** - Ang pagsulat ay walang saysay sa buhay ng tao. - Ang pagsulat ay nagbibigay aliw kapag walang ginagawa. - Ang pagsulat ay nakakatulong upang malinang ang pagbabasa. - Ang pagsulat ay mental at pisikal na aktibiti dahil ginagamitan ito ng pag-iisip, mata at kamay. **Q. 15 - Ayon sa kanya, malaki ang naitutulong ng pasguslat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sino ang nagwika nito?** - Cecilia Austera - Royo - Edwin Mabilin - Charles Darwin **Q. 16 - Nasa anong panauhan ang ginagamit sa pagsulat ng sinopsis?** - Unang panauhan - Pangatlong panauhan - Pangalawang panauhan - Lahat ng nabanggit ay tama **Q. 17 - Ang mga sumusunod na pahayag ay ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng Abstrak, maliban sa isa. Anong pahayag ang HINDI kabilang?** - Maging obhetibo sa pagsulat ng Abstrak. - Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa Abstrak. - Gumamit ng mga malalim, matalinghagang at direktang mga pangungusap. - Huwag maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag aaral o sulatin. **Q. 18 - Bakit mas mainam na gamitin ang Impormatibong Abstrak?** - Dahil ito ay malinaw at detalyado - Sapagkat binubuo ito ng higit sa 250 na salita - Higit na kapakipakinabang ito sa mambabasa - Lahat ng nabanggit ay tama **Q. 19 - Ang pagsulat ay nakakatulong sa mga pagpipilian sa ibaba maliban sa isa. Alin sa mga pagpipilian ang HINDI kabilang?** - Guro - Lipunan - Manunulat - Mambabasa **Q. 20 - Bakit kinakailangang basahing muli ang sinulat na Abstrak?** - Upang maiwasan ang anumang kamalian sa isinulat na abstrak - Upang maiwasto nang mabuti ang mga maling bantas at baybay - Upang mailahad nang maayos ang mga kinakailangang impormasyon - Lahat ay tama. **Q. 21 - Itoý katangian na dapat taglayin sa pagsulat ng isang Akdemikong sulatin na kung saan ay naglalahad na hindi dapat magpabago-bago ng paksa ng isusulat.** - Obhetibo - May Paninindigan - May Pananagutan - Maliwanag at Organisado **Q. 22 - Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI katangian ng isang Sinopsis?** - Ito ay gingamit sa paraang naratibo. - Ito ang pagbibigay buod sa mga panitikan - Ito ay ginamit ng mga siyentipiko sa paglilimbag ng mga datos - Ito ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. **Q. 23 - Ano ang kahulugan ng deskriptibong uri ng abstrak?** - Ang deskriptibong abstrak ay detalyado at malinaw - Ang deskriptibong abstrak ay naglalarawan ng pangunahing ideya ng papel - Ang deskriptibong abstrak ay naglalaman ng higit sa isang daang (100) salita - Ang deskriptibong abstrak ay binubuo ng dalawang daan at limangpung (250) salita o higit pa. **Q. 24 - Alin sa mga sumudunod ang katangian ng hindi malinaw na estruktura sa organisasyon ng ideya sa di akademikong pagsulat?** - May pinagbabatayang pananaliksik - May layuning magbigay ng konkretong impormasyon - Mula sa sariling karanasan at opinion lamang ng isang tao - Lahat ay tama **Q. 25 - Ilang bilang ng mga salita ang kinakailangan sa Impormatibong uri ng abstrak?** - Ang impormatibong abstrak ay naglalaman ng higit sa isang daang (100) salita - Ang impormatibong abstrak ay naglalaman ng hindi hihigit sa isang daang (100) salita - Ang impormaibong abstrak ay hindi lalagpas sa dalawang daan at limangpung (250) salita - Ang impormaibong abstrak ay binubuo ng dalawang daan at limangpung (250) salita o higit pa **Q. 26 - Alin sa mga sumusunod napahayag ang MALI tungkol sa benepisyong makukuha sa pagsulat?** - Naghuhubog ang kakayahan sa pagbubuod. - Nahuhubog ang pagpapahalaga sa mga akda ng mga manunulat - Nahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbabasa - Nakakapag-ambag ang mga mag-aaral ng bagong kaalaman sa lipunan. **Q. 27 - Ito ay uri ng abstrak na maiksi lamang at hindi kakikitaan ng resulta.** - Naratibo - Ekspositori - Deskriptibo - Impormatibo **Q. 28 - Bakit sinasabing pisikal na aktibiti ang pagsulat?** - Dahil ang pagsulat ay isang ehersisyo. - Dahil ito'y pagsasatitik ng nilalaman ng isipan - Dahil kinakailangan ang mata sa pag-organisa ng mga ideya - Dahil ginagamit ang kamay sa pagpindot at mata sa pagmonitor ng isinusulat. **Q. 29 - Sino ang awdyens ng akademikong pagsulat?** - Guro - Iskolar - Mag-aaral - Lahat ay tama **Q. 30 - Ano ang batayan ng datos ng isang di-akademikong sulatin?** - Pagbabasa - Obserbasyon - Pagnanaliksik - Sariling karanasan ng Pamilya