Pag-aaral ni Rizal sa Ateneo at UST PDF
Document Details
Uploaded by DiversifiedSphinx
Bulacan State University
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad ng mga pangyayari sa pag-aaral ni Jose Rizal sa Ateneo de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas. Tinatalakay ang kanyang mga karanasan, kasanayan, at mga kaisipang nabuo sa mga establisimyento. Kabilang din sa talakayan ang mga impluwensya sa kanyang pag-aaral at mga nakamit na karangalan.
Full Transcript
PAG AARAL SA ATENEO AT UST Ateneo De Municipal Dahilan sa ipinamalas na kahusayan sa larangang pang-akademya, naging mataas ang pangarap ng kanyang pamilya para sa kanya kaya naman kapwa ninais ni Don Francisco, ang kanyang ama, at ni Paciano, kanyang nakatatan...
PAG AARAL SA ATENEO AT UST Ateneo De Municipal Dahilan sa ipinamalas na kahusayan sa larangang pang-akademya, naging mataas ang pangarap ng kanyang pamilya para sa kanya kaya naman kapwa ninais ni Don Francisco, ang kanyang ama, at ni Paciano, kanyang nakatatandang kapatid, na makipagkarera siya sa isang paaralan sa Maynila.Ang orihinal na plano ng ama ay sa San Juan de Letran mag-aaral si Rizal ngunit mas nagustuhan niya ang turo sa Ateneo kaya doon siya nakipag eksamen. Si Rizal ay nagpunta ng Maynila noong June 10, 1872 upang kumuha ng kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Ang San Juan de Letran (Dominiko) ay mahigpit na katunggali ng Ateneo de Manila. Kumuha si Rizal ng eksamen sa San Juan de Letran at siya pumasa ngunit noong siya’y nagbalik sa Calamba upang makapiling ang kaniyang pamilya, ang kanyang ama ay nagbago ang isip at siya ay pinagpasyahang pagaralin sa Ateneo de Manila. Kilala ang Ateneo de Manila noon bilang “Escuela Pia” o “Escuela Municipal de Manila” nabago lamang ito noong 1865 nang magsimulang magkaroon ng kurso para sa mga high school na Bachelor of Arts upang paghahanda sa kolehiyo, ang pangalan ay naging Ateneo de Municipal. Sa panahong yaon ang paaralan ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga paring Heswita. Hindi agad tinanggap si Rizal sa Ateneo de Manila ng tagapagtala o registrar na sni Fr. Magin Fernando sa kolehiyo sapagkat huli na siya sa talaan, sya ay maliit at sakitin para sa kaniyang edad. Nakapasok lamang siya sa tulong ni Fr. Manuel Xerez Burgos(pamangkin ni Padre Jose Burgos). Ang kinuhang kurso ni Rizal ay Bachelor of Arts(high school) at ang gamit Nyang pangalan ay Rizal dahil ang Mercado ay pinagsususpetyahan na ng mga opisyal ng espanya noon dahil sa koneksyon ng kaniyang kapatid na si Paciano kay padre Burgos. Si Rizal ay nanirahan sa boarding house sa Intramuros at lumipat lamang sa Calle Caraballo sa Sta. Cruz, 25 minutong lakad papuntang paaralan tahanan ni Titay, kaibigan ng kanilang pamilya na mayroong 300 peso na utang sa kanila. Bilang parte ng Jesuit educational system, ang mga magaaral ng Ateneo de Manila ay nahahati sa dalawang grupo; “Romans/Roman Empire” – ang mga boarders kilala rin bilang Infernos at ang pangalawa naman ay “Carthaginians/Carthaginians Empire” – ang mga non-boarders o mga Externos. Ang Jesuit education ay mas advance kumpara sa ibang paaralan noong panahon na iyon, nagbibigay diin sa pagtuturo ng rigid discipline, religious instruction, physical culture, humanities at scientific studies. Ang uniporme sa Ateneo noong panahon ni Rizal ay binubuo ng pantalon na gawa sa himayhimay na abaka at “stripped cotton coat”. Ang materyal ng coat ay tinatawag na “Rayadillo,” na kalaunan ay ginamit bilang uniprome ng mga Pilipinong kawal. · Unang taon ni Rizal sa Ateneo taong 1872-1873 - Siya ay kabilang sa mga Carthaginians na kung saan siya ay isang "externo" o isang mag-aaral na nakatira sa labas ng paaralan. Si Rizal ay inilagay sa pinakamababang antas ng klase. - Inilarawan ni rizal bilang “napaka-memorable na taon” ang una niyang taon sa Ateneo. - Si Padre Jose Bech - ang guro ni Rizal sa unang taon niya sa Ateneo.Noon ay hindi pa siya gaanong matatas sa pagsasalita ng wikang kastila kaya tuwing rises nila ay nagpupunta siya s Colegio de Santa Isabel upang mag-aral ng kastila. - Malungkot si Rizal sa unang taon niya sa Ateneo sa dahilang ang kanyang ina ay nasa bilangguan. - At sa pagtatapos ng kanyang unang taon sa Ateneo, lahat ng kanyang grado ay "Sobresaliente," - Nung siya ay magbakasyon lihim siyang pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kanyang ina at kinuwentuhan ang ina ukol sa kanyang pag-aaral. · Pangalawang taon ni Rizal sa Ateneo (1873-1874) - Sa taon na ito ginamit ni Rizal ang kanyang mga tagumpay sa pag-aaral upang palakasin ang loob ng kanyang ina na nakakulong. - Masaya si Rizal dahil dumating sa Ateneo ang ilan sa mga dati niyang kamag –aral sa Biñan. - Sa taong 1874 nakalaya si Donya Teodora at ito ay nagdulot ng di matawarang kasiyahan kay Rizal. - Napamalas ang kasiyahan ni Rizal sa pagkakaroon ng mabubuting marka at pagbabalik ng pagkahilig sa pagsusulat.Dito niya naisulat ang unang kastilang tula na may pamagat na Mi Primera Inspiracion (ang aking unang Salamisim)na inialay niya sa kaarawan ng kanyang ina. - Nagsimula ang interes ni Rizal sa pagbabasa ng mga nobela at natutunan niya ang 22 wika tulad ng Arabic, Aleman, Pranses, Latin, Ruso, atbp. - Nahilig din siya sa pagbabasa ng mga nobela ng pag –ibig. Ang unang nobelang nahiligan niya ay ang The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas.Ipinabili niya sa kanyang ama ang Universal History ni Cesar Cantu na nakatulong ng malaki sa kanyang pag-aaral. Binasa rin niya ang Travels in the Philippines ni Dr. Feodore Jagor. · Ikatlong taon (1874-1875) - Isa sa mga naging guro ni Rizal ay si Padre Francisco de Paula Sanchez, inilarawan niya bilang isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag – unlad ng kanyang mga mag –aaral. - Humanga ang mga paring Heswita sa galling ni Rizal sa paglililok kaya hiningan siya ni Padre Lleonart na ililok siya para sa Sagrado Corazon de Jesus. Ang guro niya rito ay si Romualdo de Jesus. - Ngunit sa pagtatapos ng taon, isang medalya lang ang nakuha niya sa Latin, bagamat magaganda pa rin ang kanyang mga grado. Ayon sa kanyang diary, hindi siya nanalo ng medalya sa Espanyol dahil hindi kaaya-aya ang kanyang pagsasalita ng wika. - Noong siya muli ay nagbakasyon, bumalik si Rizal sa Calamba at siya mismo ay hindi napahanga sa kanyang mga gawaing pang-eskwela. · Pang-apat na taon ni Rizal sa Ateneo (1875-1876) - Naging isang "Roman" (Interno) si Rizal sa tulong ni Father Francisco de Paula Sanchez, na nagbigay inspirasyon sa kanya upang mas mag-aral at magsulat ng tula. - Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsulat ng mga tula at naisulat niya sa panahong ito ang Felicitacion (pagbati) bilang tugon sa kahilingan ng kanyang kapatid na si Narcisa para sa kanyang asawa na si Antonio Lopez. - Marami rin siyang naisulat na tulang pangrelihiyon. · Huling taon ni Rizal sa Ateneo taong 1876-1877 - Nag – aral si Rizal ng Pilosopiya, Physics, Chemistry at Natural History. - Hinikayat siya ni Padre Jose Villaclara na itigil ang pagsusulat at iwanan na niya ang grupong Musa (Muses) subalit hindi ito sinunod ni Rizal. - Nalinang ng husto ang kanyang kakayahan sa paglikha ng mga sining-biswal at iba pang anyo sa gabay ng kanyang paboritong guro na si Padre Francisco de Paula Sanchez. - Sa kanyang pagtatapos, nakuha niya ang pinakamataas na grado sa lahat ng asignatura (Pilosopiya, Pisika, Biyolohiya, Kemistri, Wika, Mineralohiya, atbp.). Pinarangalan siya bilang pinuno ng kanyang klase kasama ang walo pang mga mag-aaral. Nagtapos si Rizal na may pinakamataas na karangalan at itinuring na "pinakabrilyanteng Atenista ng kanyang panahon," at tinawag na "karangalan ng mga Jesuita." - Sa kanyang pagtatapos nakamit ni Rizal ang Bachiller en Artes noong Marso 23,1877 at limang medalya. Universidad ng Santo Tomas Pinagpatuloy ni Jose Rizal ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas pagkatapos niyang mag-aral sa Ateneo kung saan siya ay nakakuha ng pinakamataas na karangalan. Sa umpisa ay tinutulan ng kaniyang ina na si Donya Teodora ang balak na ito ni Rizal sapagkat nangangamba ito sa kapakanan ng kanyang anak noong mga panahong iyon; aniya, ang sobrang katalinuhan ni Rizal ang magdadala sa kanya sa hukay. Noong mga panahong iyon ay pinamamahalaan ng mga Dominikanong pari ang Unibersidad, kung saan kumuha si Rizal ng Pilosopiya y Letras bilang kaniyang unang kurso. Kasunod nito ay magkakasabay niyang kinuha ang mga kurso na Kosmolohiya (Cosmology) na tumatalakay sa pag-aaral ng sangay ng daigdig na cosmos, Metapisika o Metaphysics na isang sangay ng pilosopiya na mailalimang tumatalakay sa pag-aaral ng realidad, Teolohiya o Theology na nag-aaral ng mga paniniwalang may kaugnayan sa relihiyon, at Kasaysayan ng Pilosopiya. Habang nag-aaral siya sa Unibersidad ng Santo Tomas ay patuloy pa rin siyang hinihikayat ng mga dati niyang propesor na bumalik sa Ateneo kaya naman kumuha siya ng maiksing bokasyunal na kurso roon ng Agrimensor o pagsa-surbey ng lupa kung saan pinarangalan siya ng eskwelahan na Titulong Perito de Agrimensor o titulo ng pinakamasuhay na surbeyor. Nagampanan niya ang lahat ng mga gawain niya sa pag-aaral dahil sa angking galing niya sa pagtatakda ng oras sa bawat asignaturang nakatakda sa kaniya, kasabay pa ang pakikisalamuha niya sa mga kaibigan sa loob at labas ng unibersidad. Nang sumunod na taon ay pinayuhan siya ng kaibigan na rector sa Ateneo na bagay sa kaniyang kumuha ng kursong medisina na agad naman niyang sinang-ayunan. Sakto rin ng mga panahong iyon na nagsimula nang manlabo ang mga mata ng kaniyang ina na siyang mas nagpasiklab ng kaniyang kagustuham na kumuha ng kursong medisina. Bagaman labag sa patakaran, nagkaroon siya ng pribilehiyong kumuha ng Pre-Medical Course o Ampliacion, kasabay ng kanyang unang taon sa Medisina. Kailangan ng makatwirang dahilan para pahintulutan ng Gobernador-Heneral ang mga estudyanteng nais mag-aral ng dalawang kurso nang sabay. Hindi nasabi sa mga aklat kung ano ang dahilan ni Rizal para pahintulutan siya ng Gobernador-Heneral Kung sa Ateneo ay naging masaya ang kanyang karanasan sa pag aaral naging kabaliktaran naman ito sa Unibersidad ng Sto. Tomas sa kahilanang ito ay pinapatakbo ng mga Dominikong Propesor. Noon ay mababa ang tingin ng mga propesor na ito sa mga pilipinong mag aara. Naging mahirap kay para kay Rizal ang pakikisama at madalas ay nabubunga ng hindi pagkakaintindihan kung ito man ay makikibagay sa iba. Ngunit hindi ito naging hadlang upang ipamalas ang kanyang talento sa pag sulat at nagkamit ng ibat ibang parangal Bagamat sa UST na siya nag-aaral ay patuloy pa rin ang kaniyang pagdalaw sa Pamantasan ng Ateneo kung saan ipinagpatuloy niya pa rin ang pagiging kalihim at kasapi ng Marian Congregation ng Ateneo. Dagdag pa rito ay naging pangulo rin siya ng Pampanitikang Akademya ng Kastila at Kalihim ng Akademya ng mga Likas na Agham. Taong 1879 nang magdaos ng patimpalak ang Samahan ng mga mahihilig sa panitikan at sining na Liceo Artistico-Literario de Manila kung saan isinali niyang ang kanyang tulang pinamagatang “Ala Juventud Filipina” o sa “Sa Kabataang Filipino” sa Tagalog. Sa patimpalak na ito ay nakapagtamo siya ng premyo na plumang pilak. Labis na ikinatuwa ito ni Rizal sapagkat gayong ang mga hurado ng nasabing patimpalak ay mga kastila ay nagustuhan pa rin nila ang kanyang gawa. Ang tulang Ala Juventud Filipina ay nagpapahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino. Sa tula ay hinihiling ni Rizal ‘na ang mga kabataan ay magbangon sa pagkakahimlay, gamitin ang kanilang katalinuhan upang mapatid ang tanikalang pumipigil sa pag-usbong sa mga matatalinong kabataang Pilipino” Sa kanyang ikatlong taon ay sumali siya sa Patimpalak na inorganisa ng Liceo Artistico-Literio de Manila gamit ang kanyang akdang El Consejo de los Dioses (Ingles: The Council of the Gods, Tagalog: Ang Konseho ng mga Diyos) at Nagtamo ng parangal ang prosing ito. Pito lamang silang estudyante pagdating sa ika-apat na taon. Sa kabuuang panahon niya sa Unibersidad ang kanyang nakamit ay: isang “pasado”, walong “Mahusay”, anim na “Mahusay na mahusay” at anim na “Pinakamahusay”. Kasabay ng pag-aaral niya sa Unibersidad ng Santo Tomas ay naranasan ni Rizal na umibig at mabigo dahil sa iba’t ibang babaeng kaniyang nakilala at nakadaupang palad, isa na rito ay si Leonor Rivera na kaniyang nakilala dahil ito ay kamag-aral ni Soledad, ang kaniyang nakababatang kapatid. Nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang gamutin ni Leonor Rivera ang mga sugat ni Rizal nang isang gabing ito ay umuwing duguan mula sa pakikipag-away. Hindi kalaunan ay naging magkasintahan ang dalawa kung saan sila ay nagsusulatan at ang ginagamit ni Rizal na pangalan sa mga sulat ay “Pepe”, at ang kay Leonora naman ay “Taimis”. Hindi masyadong naipamalas ni Rizal ang kanyang katalinuhan, hindi gaya noong siya’y kumukuha pa ng kursong Metaphysics. Dito marahil sinabing hindi naging maganda ang tingin sa kanya ng mga Dominikong propesor. Ang pagkahaling ni Rizal sa pag-ibig niya kina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela at Leonor Rivera na pinagbuhusan niya ng atensyon at panahon, ang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang pokus sa pag-aaral. Sa pag-aaral ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas ay itinatag niya ang Compañerismo, na isang samahan o kapatiran ng mga Pilipinong mag-aaral sa Santo Tomas na naglalayong ipagtanggol ang bawat miyembro laban sa mga mapangutyang estudyanteng kastila. Sa kabila ng lahat ng mga gantimpala’t mga tagumpay na kaniyang natamo sa pag-aaral sa pamantasan ay hindi pa rin siya nasiyahan sapagkat nararamdaman niyang ang Domikanong paring kanyang mga guro ay may galit sakanya sapagkat mababa ang pagtingin ng mga ito sa mga mag-aaral na Pilipino na tinatawag nilang ‘Indio’. ang mababang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino noon at ang mapang-aping sistema ng pagtuturo sa Unibersidad ang nagtulak sa kanya upang lisanin ito. Dahil dito ay sinunod niya ang payo ng kaniyang kapatid na si Saturnina at kaniyang tiyuhin na ipagpatuloy na lamang ang kaniyang pag-aaral ng medisina sa ibang bansa na kaniya namang ginawa pagkatapos ng apat (4) na taong niyang pag-aaral ng Medisina noong taong 1882. Ang desisyon na ito ay kaniyang isinangguni sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Paciano kung saan napagkasunduan ng dalawa na si Rizal ay mag-aaral sa ibang bansa at susupurtohan siya ni Paciano sa pag-aaral kasabay ng pag-aalaga nito sa kanilang mga magulang. Ang pagpapasiyang ito ay kanilang inilihim sa kanilang mga magulang at mga may kapangyarihan para sa kapakanan at kaligtasan ni Rizal. Pagsalaysay: Sa kabila ng mga pagsubok na kanyang hinarap, tulad ng pagtanggi sa Ateneo de Manila dahil sa kanyang maliit na pangangatawan at pagiging huli sa pagpapatala, hindi siya nawalan ng determinasyon. Sa halip, ginamit niya ang kanyang talino at sipag upang maging pinakamahusay sa klase, at ito ay nagpatuloy hanggang sa Unibersidad ng Santo Tomas, bagaman nakaranas siya ng hindi patas na pagtrato dahil sa kanyang pagiging Pilipino. Sa harap ng mga hadlang, ang kanyang dedikasyon sa pag-aaral ay nagdala sa kanya sa mas mataas na antas, na kalaunan ay nagtulak sa kanya upang mag-aral sa Europa. Tulad ni Rizal, maraming kabataan ngayon ang humaharap sa mga balakid sa kanilang edukasyon, tulad ng kakulangan sa pondo, diskriminasyon, at mga pagbabago sa sistema tulad ng online learning dulot ng pandemya. Gayunpaman, ang aral ni Rizal ay buhay pa rin: sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at pananalig sa edukasyon, ang mga estudyante ngayon ay maaaring magtagumpay sa kabila ng mga balakid. Sa halip na sumuko, pinipili ng maraming kabataan na gamitin ang kanilang talino at kakayahan upang lumikha ng mas magandang hinaharap, hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para rin sa lipunan. Katulad ng naging epekto ng edukasyon kay Rizal, na nagbigay daan upang siya ay maging instrumento ng pagbabago, ang mga kabataang nag-aaral ngayon ay may kakayahang mag-ambag ng positibong pagbabago sa ating bayan sa pamamagitan ng kanilang kaalaman at karunungan. ADDITIONAL INFORMATION: Ranking (ROMANS/ CATHARGINIANS) Emperor Tribuno Decunon Centuriun Standard Bearer BECH- strict VILLACLARA-magfocus sa agham at pilosopiya(advice) SANCHEZ- Nagsisimula sa misa sa ateneo 3 piso- colegio de sta isabel 1880-El consejo(cervantes- don quixote,sarcastic) - about sa mt olympus, gods and goddesses - Homer - Virgil - Katarungan(justice) A filipinas- sinasabi na itanghal ang pilipinas sa mga akda Junti al pasig- binanggit na ang pilipinas ay mas maganda nong ala pang kastila ang patunay ay ang ganda ng psig, pero binawi nya na d espanya ang dahilan kung bakit mahirap ang pilipinas kundi ang prayle