EsP 6 Modyul 3: Pagiging Matapat (2020) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Tags
Summary
This is a Tagalog educational resource on honesty for Grade 6 students in the Philippines, published in 2020 by the Department of Education. It focuses on the importance of honesty in various aspects of life. This module also aims to develop essential 21st-century skills.
Full Transcript
6 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagiging Matapat CO_Q2_ESP 6_Module 3 Edukasyon Sa Pagpapakatao (EsP) – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagiging Matapat Unang Edisyon, 2020...
6 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagiging Matapat CO_Q2_ESP 6_Module 3 Edukasyon Sa Pagpapakatao (EsP) – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagiging Matapat Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Andrea N. Claur, Lionipel C. Daniel Editor: Maricha D. Rojo, Carmelita R. Segara Tagasuri: Zaldy H. Reliquias, PhD, Raulito D. Dinaga Tagaguhit: Cyros C. Toding Tagalapat: Othelo M. Beating, Raulito D. Dinaga Tagapamahala: : Ramir B. Uytico, EdD, CESO IV - Regional Director Pedro T. Escobarte, Jr., PhD, CESO V - OIC-Regional Director Elena P. Gonzaga, Regl Chief-CLMD Donald T. Genine, Regl EPS-LRMS Meriam T. Lima, Reg'l EPS, ESP Marsette D. Sabbaluca, CESO VI - SDS Lynee A. Peñaflor - ASDS Salvacion J. Senayo - OIC-ASDS Zaldy H. Reliquias PhD, Chief-CID Raulito D. Dinaga, EPS-LRMS Carmelita R. Segara, EPS- ESP Othelo M. Beating, PDO II-LRM Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VI – Western Visayas Office Address:Duran St. Iloilo City, Philippines Telefax: (033) 336-2816, (033) 509-7653 E-mail Address: [email protected] 6 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagiging Matapat Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikaanim na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagiging Matapat! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Alamin Ang modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng mga hakbang kung paano maging responsable sa kapuwa sa pamamagitan ng pagiging matapat. Matututuhan mo rin sa modyul na ito ang mga kahalagahan ng pagiging matapat at ang mga di-kanais- nais na mga pangyayari dulot ng pagiging sinungaling. Sa araling ito, ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon na patunayan ang iyong pagiging matapat ayon sa mga positibong sagot sa mga tanong. At sa bandang huli, inaasahang masagot mo ang tanong: Paano mo mapatutunayan na ikaw ay matapat? Sa modyul na ito, inaasahang malilinang ang sumusunod na mga kaalaman, kakayahan at pag-unawa: 1. Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa sa pamamagitan ng pagiging matapat (MELC #4.3) 2. Naipapaliwanag ang epekto ng pagiging matapat. 3. Napahahalagahan ang pagiging responsable sa kapuwa sa pamamagitan ng pagiging matapat. 4. Naisasagawa ang pagiging matapat bilang tanda ng pagiging responsable. 1 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Subukin Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong kaisipan sa pagiging matapat at MALI naman kung hindi. Isulat sa kuwaderno ang sagot. ______________ 1. Nalimutan ni Joseph na gawin ang kaniyang takdang-aralin sa Filipino. Biglang nagwasto ng kuwaderno si Bb. Kim. Nang tawagin si Joseph ay sinabi nito na naiwan niya ang kaniyang takdang-aralin sa kanilang bahay. ______________ 2. May malasakit sa mga gawain sa silid-aralan si Kevin nakatingin man o hindi ang kaniyang guro. ______________ 3. Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa Math. Agad mo itong sinabi sa inyong nanay pati ang eksaktong halaga ng naturang halaga nito. ______________ 4. Si Lito ay nangunguha ng mga gamit ng kaniyang mga kaklase at agad itong itinatago sa ilalim ng kaniyang upuan. ______________ 5. Si Cyros ay kumandidato bilang pangulo ng Supreme Pupil Government sa kanilang paaralan. Sa mismong araw ng botohan ay may nakita siyang nakakalat na balota na siyang gagamitin sa botohan. Agad niyang ibinalik ang mga ito sa gurong tagapangasiwa. ______________ 6. Nagbabasa at nagbabalik-aral ako nang maraming ulit bago ang pagsusulit kung kaya’y hindi na ako nangongopya sa aking katabi. ______________ 7. Ginagawa ko ang aking proyekto at tinatapos ito sa takdang araw dahil ito ang nararapat upang makakuha ako ng tamang marka mula sa aming guro. ______________ 8. Sinusunod ko ang mga tamang hakbang na ibinigay ng guro kung paano gumawa ng isang proyekto dahil dito nakasalalay ang aking puntos na makukuha ayon sa rubrik sa paggawa ng isang proyekto. ______________ 9. Ibinabahagi ko ang aking mga ideya sa aking mga kapangkat para makagawa sila ng iniatas ng guro na gamit ang kanilang kaalaman upang hindi na sila mangongopya sa iba. ______________ 10. Nakikinig ako sa aking guro habang nagtatala nang sa ganoon ay makasagot ako sa aming pagsusulit bukas na hindi tumitingin sa papel ng iba. 2 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Aralin 1 Pagiging Matapat Alam natin ang salita ng Diyos: “Maging tapat sa inyong sarili, sa kapuwa, at sa Diyos sa lahat ng panahon.” Ang ibig sabihin ng pagiging matapat ay ang piliing huwag magsinungaling, mandaya, o manlinlang sa anumang paraan. Kapag kayo ay tapat, pinalalakas ninyo ang inyong pagkatao at dahil dito ay makapaglilingkod kayo nang lubos sa Diyos at sa iba. Bibiyayaan kayo ng kapayapaan ng isipan at paggalang sa sarili. Pagtitiwalaan kayo ng Diyos at magiging karapat-dapat na makapasok sa Kaniyang banal na templo.” Ang pagiging hindi matapat ay nakasasakit sa inyo at sa iba. Kapag kayo ay nagsisinungaling, nagnanakaw, nangungupit, o nandaraya, pinipinsala ninyo ang inyong espiritu at ang pakikipag-ugnayan ninyo sa iba. Ang pagiging tapat ay magpapaganda ng inyong mga oportunidad sa hinaharap at magdaragdag sa inyong kakayahang magabayan ng Espiritu Santo. Sa lahat ng panahon, magiging tapat sa iyong kapuwa, pamilya at sarili. Bilang estudyante magiging tapat rin sa iyong pag- aaral nang sa ganoon ay iyong maipakita na kaya mong gawin ang isang bagay na magbibigay ng kabutihan sa iyong buhay dahil sa katapatan. Balikan Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang pangungusap. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno. ______________ 1. Pinakokopya ni Rodney sina Ilcon at Julianne tuwing may pagsusulit. ______________ 2. Tinuturuan ni Edwin ang kaklase na si Grace sa pag- aaral. ______________ 3. Pinagtatanggol ni Cyril ang kaibigan na si Janny kahit ito ay may masamang nagawa. ______________ 4. Walang kai-kaibigan sa maling gawain kaya pinagsasabihan ni Argie ang kaniyang kaibigan. 3 CO_Q2_ESP 6_Module 3 ______________ 5. Pinapasunod ni Javen ang kaniyang kaibigan sa kaniyang maling ginagawa. ______________ 6. Hinahayaan ni Chad ang kaniyang mga kalaro na magbulakbol sa kanilang klase upang maglaro ng basketbol. ______________ 7. Si Renelle ay tumutulong sa kaniyang mga kapitbahay sa mabibigat na mga gawain. ______________ 8. Isinasama ni Rommel ang mga kaklase sa kanilang bahay tuwing may handaan. ______________ 9. Kapag may hindi gusto si Othelo sa kaniyang mga kaibigan, agad itong nagagalit. ______________ 10. Sina Marlon at Cyros ay tumutulong sa mga kaklase na babae sa paglilinis ng silid-aralan. Mga Tala para sa Guro Katungkulan mong tiyakin na ang bawat mag-aaral ay mabibigyan ng sapat na suporta at alalay mula sa kanilang magulang, nakatatandang kapatid sa bahay o kahit na sa mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay. 4 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Tuklasin “Si Andrea, Ang Batang Tapat” (ni R.D.D) Linggo ng umaga. Magluluto si Aling Carmelita ng adobong manok. Nakita niya na ubos na ang kanilang toyo at suka kaya inutusan niya ang kaniyang anak na si Andrea na bumili sa tindahan sa kanto. Habang papunta ng tindahan, nakita ni Andrea ang kaniyang kaibigan na si Lione. Niyaya niya ito para samahan siyang bumili ng toyo at suka. “Lione, samahan mo naman akong bumili sa tindahan ng toyo at suka para may kakuwentuhan naman ako,” yaya ni Andrea. “Sige nga! Kasi may bibilhin din ako na kendi,” ang sagot ni Lione. Ano ba ang ulam ninyo at inutusan ka ni Aling Carmelita na bumili ng toyo at suka? tanong ni Lione. “Magluluto si Inay ng adobong manok para sa aming pananghalian,” sagot ni Andrea. “Wow! Ang sarap naman ng ulam ninyo, sana ganoon din ang sa amin,” masayang sabi ni Lione. “Hayaan mo at sasabihin ko kay Inay na bibigyan kayo mamaya,” may ngiting sagot ni Andrea. Masayang nagkukuwentuhan ang magkaibigan habang papunta ng tindahan. “Aling Dulce, pabili po ng isang bote ng toyo at suka. Ito po ang isang daang piso,” sabi ni Andrea. “Aling Dulce pabili din po ng limang piso na kendi,” sabi ni Lione. “Ito na ang toyo at suka mo Andrea at ang kendi mo Lione, pati na ang inyong mga sukli.” Habang sila ay naglalakad pauwi ng bahay nakita ni Andrea na sobra ang sukli ni Aling Dulce. “Naku Lione, sobra ang sukli sa akin ni Aling Dulce,” sabi ni Andrea sa kaibigan na kinakabahan. “Huwag na lang natin isauli kay Aling Dulce kasi hindi naman niya alam,” sabi ni Lione. “Naku Lione masama iyan, gagawin natin ang nararapat, ibalik natin ito ngayon na at baka matuklasan pa niya mamaya, nakakahiya!” sabi ni Andrea sa kaibigan. Kaya dali-dali silang bumalik sa tindahan at isinauli ang sobrang sukli. Tuwang-tuwa naman si Aling Dulce sa ginawa ni Andrea at ikinuwento niya ito sa mga bumibili sa kaniyang tindahan. Simula noon tinawag na si Andrea na “Batang Tapat”. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang natuklasan ni Andrea habang naglalakad sila ni Lione pauwi? 2. Bakit natuwa si Aling Dulce? 3. Bakit tinawag si Andrea na batang tapat? 4. Kung ikaw si Andrea, ganoon din ba ang iyong gawin? Bakit? 5. Ano ang iyong natutuhan sa kuwento? 5 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Suriin Magandang araw! Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito ikaw ay makatutukoy, makasusuri, makagagwa, at makapagsasagawa ng mga kilos na nagpapakita ng pagiging matapat bilang responsableng tao. Ang katapatan, na tinatawag ding katapatang-loob, pagkamatapat na loob, o pagkamatapat, ay ang pagkakaroon ng debosyon at pananalig sa isang tao, bansa, pangkat, o layunin. Ang ibig sabihin ng matapat ay ang piliing huwag magsinungaling, mandaya o manlinlang sa anumang paraan. Kapag tayo ay tapat, pinalalakas natin ang ating pagkatao at dahil dito tayo ay magkaroon ng kapayapaan sa isipan at paggalang sa sarili. KATAPATAN SA SALITA AT GAWA Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at sapat na kakayahan ang magiging sandata upang maging kaisa sa pagpapanatili ng buhay at kinang nito. Ang hindi pagsasabi ng totoo o panloloko ng kapuwa ay parang isang bisyo. Kapag paulit-ulit ito na ginagawa, nagiging ugali na ito ng isang tao. KATAPATAN SA GAWA May kasabihan na “action speaks louder than words”. Patunay ito na mas binibigyan ng halaga ang gawa kaysa sa salita. Sa usapin ng katapatan, minsan ay natutuon lamang ang pansin ng marami sa kasinungalingan bilang paglabag sa katotohanan. Nakaliligtaan na ang kilos din ng tao ay may kakayahang lumabag sa katapatan. Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng bagay na hindi niya pag-aari at hindi manlilinlang o manloloko ng kaniyang kapuwa sa anumang paraan. Ito ay ang pagkakaayon ng isip sa katotohanan. IBA’T IBANG URI NG PAGSISINUNGALING PROSOCIAL LYING – Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao. Ito ay madalas na ginagawa para sa isang taong malapit sa buhay SELF-ENHANCEMENT LYING – Pagsisinungaling upang maisalba ang sarili mula sa kahihiyan o kaparusahan. SELFISH LYING – Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapaminsala sa ibang tao. 6 CO_Q2_ESP 6_Module 3 DAHILAN NG PAGSISINUNGALING Upang makaagaw ng atensiyon o pansin. Upang mapasaya ang isang mahalagang tao. Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao. Upang makaiwas sa personal na pananagutan. Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o malala. PATNUBAY PARA SA MGA BATA Ang pagsisinungaling sa edad na anim ay kailangang bigyan ng pansin. Sa edad na ito, ang isang bata ay marunong nang kumilala ng kasinungalingan at katotohanan. Sa edad na pito, napapanindigan na ng isang bata ang pagsisinungaling. Nakakikilala na sila ng pagkakaiba ng kanilang iniisip at kung sa paano paglalaruan ang kilos ng ibang tao para sa kaniyang sariling kapakanan. Ang maagang yugto na ito ang pinakakritikal. Dahil kapag ito ay napabayaan, magtutulak ito upang makasanayan na ang pagsisinungaling at maging bahagi na ito ng kaniyang pang-araw-araw na buhay. MGA MAHALAGANG DAHILAN SA PAGSASABI NG TOTOO Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga pangyayari. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan, kalituhan at hidwaan. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon para sa mga inosenteng tao upang hindi masisi o maparusahan. Nangyayari ito sa mga pagkakataong ginagamit ang isang tao upang mailigtas ang sarili sa kaparusahan. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari. Magtitiwala sa iyo ang iyong kapuwa. Hindi mo na kinakailangan lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban. APAT NA PAMAMARAAN NG PAGTATAGO NG KATOTOHANAN AYON SA AKLAT NI VITALIANO GOROSCOPE 1. SILENCE (Pananahimik) – Ito ay ang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang katotohanan. 2. EVASION (Pag-iwas) – Ito ay ang pagliligaw sa sinumang humihingi ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang katanungan. 7 CO_Q2_ESP 6_Module 3 3. EQUIVOCATION (Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan) – Ito ay ang pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon. 4. MENTAL RESERVATION (Pagtitimping Pandiwa) – Ito ay ang paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensiya ng impormasyon 8 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Pagyamanin Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ang pagiging ____________ ay isang katangian na nangangailangan ng kolektibong pagkilos upang mapanatiling buhay at nag-aalab. 2. Ang pagkakaroon ng malawak na __________ at sapat na kakayahan ang magiging sandata upang maging kaisa sa pagpapanatili ng buhay at kinang nito. 3. Ang hindi pagsasabi ng totoo o __________ ng kapuwa ay parang isang bisyo. 4. Kapag paulit-ulit ito na ginagawa, nagiging __________ na ito ng isang tao. 5. Ang __________ ng tao na tumutulong sa atin upang magkaintindihan ay madalas na inaabuso. 6. Ang __________ ay isang uri ng pang-aabuso. 7. Ang pagsisinungaling ay ang isang __________. 8. Ang anumang uri ng pagsisinungaling __________ ng katotohanan at katapatan. 9. Ang _________________ ay isang uri ng pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao. Ito ay madalas na ginagawa para sa isang taong malapit sa buhay. 10. Ang ________________ ay isang uri ng pagsisinungaling upang maisalba ang sarili mula sa kahihiyan o kaparusahan. 9 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Panuto: Sumulat ng iyong karanasan na nagpapakita ng pagiging matapat. Pumili lamang ng isa sa tatlong karanasan na nasa loob ng pahaba at gawin ito sa iyong kuwaderno. Mga Karanasan 3. Nakakita ng isang bagay na Pagiging 1. Lagumang Pagsusulit hindi sa iyo Matapat 2. Pagbili ng mga bagay sa tindahan 10 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Isaisip Ngayon ay alam ko na kung paano maging matapat sa iba’t-ibang gawain. Pagyayamanin ko ito at ipagpapatuloy ang mabuting gawi. Iginuhit ni Cyros C. Toding A. Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon. Ilahad ang iyong damdamin sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata? Isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Si Arnel ay isang ulilang bata na nakatira sa kaniyang tiyuhin. Pumasok 1. siya sa paaralan na hindi nakapag-aral ng leksyon at antok na antok pa dahil tumutulong siya sa mga gawaing bahay at sa bukirin. Biglang nagbigay ng pagsusulit ang kanyang guro. Ano ang iyong damdamin sa ganitong sitwasyon? 11 CO_Q2_ESP 6_Module 3 2. Bumili ka ng tinapay sa kantina nang mapansin mong sobra ang2. sukli na ibinigay sa iyo ng tindera at ika’y nangangailangan ng pera para pambili ng ballpen. Ano ang iyong gagawin? 3. Namili 3. ang iyong kamag-aral ng mga materyales na gagamitin para sa inyong proyekto sa EsP. Natuklasan mo na may sobrang illustration board ang kaniyang pinamili at nagkataon na kailangan ito ng iyong bunsong kapatid. Tama bang ibigay mo ito sa kaniya? B. Sagutin ang mga tanong tungkol sa artikulo sa “Suriin.” Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang ibig sabihin ng matapat sa salita at sa gawa. 2. Ano-ano ang mga dahilan ng pagsisinungaling? 3. Bakit kailangang pag-aralan ng mga bata ang kahalagahan ng pagiging matapat? 4. Ano-ano ang epekto ng pagsisinungaling? 12 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Isagawa A. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat sa iyong kuwaderno ang salitang TAMA kung ito ay nagpapakita ng pagiging matapat sa paggawa at MALI kung hindi. ______________ 1. Sinabi ni Mark sa kaniyang guro na siya ang nakabasag ng plorera. ______________ 2. Kumuha si John ng pera sa pitaka ng kaniyang Tatay ng hindi nagpaalam. ______________ 3. Nagpaalam si Grace sa kaniyang Nanay na pupunta siya sa parke subalit sa bahay ng kaniyang kaklase siya nagpunta. ______________ 4. Nakapulot si Joy ng payong. Nagkataon na ang pangalan ng kaniyang kaklase ang nakalagay kaya ibinalik niya ito. ______________ 5. Sobra ang sukli ng tindero kay Allan at hindi niya ito isinauli. B. Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang OPO kung ikaw ay sumasang-ayon sa pahayag sa bawat bilang at HINDI PO kung hindi ka naniniwala sa pahayag. ______________ 1. Dapat isauli ang mga bagay na hiniram mo. ______________ 2. Dapat aminin ang pagkakamali kahit alam mo na pagtatawanan ka ng ibang tao. ______________ 3. Dapat isauli sa “Lost and Found” ang bagay na napulot mo. ______________ 4. Dapat na maghintay muna ng pabuya bago isauli ang isang mahalagang bagay na napulot mo. ______________ 5. Tama lang na angkinin ang papuri para sa isang proyektong mahusay na ginawa ng iba. 13 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Tayahin A. Panuto: Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawain sa ibaba? Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong mga sagot kung ginagagawa mo ito ng Palagi, Madalas o Bihira. Mga Gawain Palagi Madalas Bihira 1. Nagsasabi ako ng totoo sa aking mga magulang kapag humihingi ako ng pahintulot na pumunta sa isang lugar 2. Sinasabi ko sa aking mga magulang kung ano ang nangyayari kapag ginagabi ako ng uwi mula sa paaralan 3. Nagagalit ako kapag sinasabihan ako ng aking mga magulang ng aking pagkakamali 4. Isinasauli ko ang sobrang sukli kapag bumibili ako sa tindahan 5. Tumatanggi akong sumali sa isang gawain sa aming paaralan kapag sa tingin ko ay hindi iyon kapakipakinabang 6. Nagtatago ako kapag may ipagagawa ang aming guro na paglilinis sa silid- aralan 7. Tamang halaga ang ibinabayad ko kapag sumasakay ako sa pampublikong sasakyan. 14 CO_Q2_ESP 6_Module 3 8. Kapag ayaw kong magtratrabaho sa loob ng bahay, nagdadahilan ako na masama ang aking pakiramdam 9. Sinasabi ko sa aking mga magulang kapag nakagawa ng pagkakamali ang aking kapatid 10. Sinasabi ko ang totoong dahilan kapag nahuli ako sa klase. 11. Ipinapagawa ko ang proyekto sa nakatatanda kong kapatid 12. Minarkahan ko ng mali ang hindi tamang sagot ko sa pagsusulit kahit na gusto kong makakuha ng mataas na marka 13. Masusi kong ginagawa ang takdang- aralin na nag-iisa. 14. Kaagad kong ipinagbigay alam sa aking guro nang makakuha ako ng test paper na may mga sagot na. 15. Nagpapatulong ako sa pag-download ng mga larawan ng mga bayani ng Pilipinas. 15 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Karagdagang Gawain Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga katangian ng pagiging matapat na iyong nagawa sa tahanan, paaralan, simbahan, kaklase at sa kaibigan. Kopyahin ito at sagutin sa iyong kuwaderno. TAHANAN PAARALAN SIMBAHAN KAKLASE KAIBIGAN A. Panuto: Isulat ang mga ginawa mo na nagpapakita ng katapatan sa iyong sarili, pamilya at komunidad. Gawin ito sa iyong kuwaderno. SARILI PAMILYA KOMUNIDAD 16 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Panuto: Magpakita ng kahalagahan ng pagiging matapat sa kapuwa, gamit ang isa mga gawain na makikita sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. poster 2. dula 3. kuwento 17 CO_Q2_ESP 6_Module 3 CO_Q2_ESP 6_Module 3 18 Subukin Balikan Pagyamanin 1. MALI 1. MALI 1. matapat 2. TAMA 2. TAMA 2. kaalaman 3. TAMA 3. MALI 3. pagsisinungaling 4. MALI 4. TAMA 4. ugali 5. TAMA 5. MALI 5. katapatan 6. TAMA 6. MALI 6. pagsisinungaling 7. TAMA 7. TAMA 7. bisyo 8. TAMA 8. TAMA 8. pagbaligtad 9. TAMA 9. MALI 9. prosocial lying 10. TAMA 10.TAMA 10.self- enhancement lying Isagawa Tayahin 1. TAMA B. 2. MALI 1. OO 3. MALI 2. OO 4. TAMA 3. OO 5. MALI 4. HINDI 5. HINDI Susi sa Pagwawasto Sanggunian https://www.churchofjesuschrist.org/manual/for-the-strength-of-youth/honesty- and-integrity?lang=tgl https://www.wattpad.com/165457449-mga-kasabihan-katapatan https://www.slideshare.net/lhengacusan/katapatan 19 CO_Q2_ESP 6_Module 3 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]