ARALING PANLIPUNAN 9 - EKONOMIKS - PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA PDF
Document Details
Uploaded by RedeemingBaroque184
Cabatuan National Comprehensive High School
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga handout sa Araling Panlipunan 9, ika-3 na markahan, ukol sa Ekonomiks at paikot na daloy ng ekonomiya. Sa handout na ito, ipinaliliwanag ang mga konsepto sa paikot na daloy ng ekonomiya sa pamamagitan ng iba't ibang modelo.
Full Transcript
HANDOUTS IN ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) **ARALIN 1: PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA** *MELC 1: Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya. (Week 1-2)* Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay dinesenyo ng isang ekonomista na si **Francois Quesnay** sa ka...
HANDOUTS IN ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) **ARALIN 1: PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA** *MELC 1: Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya. (Week 1-2)* Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay dinesenyo ng isang ekonomista na si **Francois Quesnay** sa kaniyang aklat na *Tableau Economique,* inilathala noong 1758. Mula sa orihinal na *zigzag diagram*, ipinakita ni Quesnay sa modelong ito kung sino ang gumagawa ng mga produkto at kung sino ang gumagasta bilang paraan para mas maunawaan at maipaliwanag ang dahilan ng paglaki nito. Bilang batayan, ang kasalukuyang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng mga interaksiyon sa mga mahahahalagang sektor na kabilang sa isang *market economy*. Nakaangkla sa dalawang pangunahing gawain-ang produksiyon at pagkonsumo. **Mga Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya** **Unang Modelo.** Inilalarawan ng unang modelo ng ekonomiya ang isang simpleng ekonomiya. Sa modelong ito ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa dahil ang gumagawa ng produkto ay siya ring kumokonsumo nito. Ang suplay ng bahay-kalakal ay ayon sa *demand* o pangangailangan ng sambahayan. Halimbawa nito ay kung ikaw ay napadpad sa isang isla at walang tao na maaaring makatulong sayo. Ano ba ang iyong gagawin para ikaw ay mabuhay? Maaring ikaw ay maghahanap ng makakain na tutugon sa gutom na iyong nararamdaman, gagawa ng pansamantalang masisilungan para ikaw ay may matulugan, o maghanap ng materyales na pwedeng gawing damit para hindi ka malalamigan. Samakatuwid, ang sambahayan at bahay-kalakal ay ikaw lamang. Ang halaga ng produksiyon sa isang takdang panahon ay itinuturing na kita sa isang simpleng ekonomiya. Ang halaga ng produksiyong inaasahan ay siya ring inaasahang dami ng produktong ikokonsumo. Sa ganitong uri ng daloy ng ekonomiya, kailangan ng aktor na maitaas ang kaukulang produksiyon at pagkonsumo nito. **Payak/ Simpleng Ekonomiya** Kumokonsumo ng produkto Sambahayan Bahay-kalakakal Lumilikha ng produkto **Ikalawang Modelo.** Ang ikalawang modelo ay nagpapakita ng bahay-kalakal at sambahayan bilang pangunahing sektor ng paikot na daloy ng ekonomiya. Sa modelong ito ay magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal. Ang sambahayan ang pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon subalit walang kakayahan na gumawa ng tapos na produkto at serbisyo. Sa kabilang dako, ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng mga produkto at serbisyo subalit kinakailangan niya ang salik ng produksiyon na nagmumula sa sambahayan. May dalawang uri ng pamilihan ang makikita sa ikalawang modelo. Una ay ang pamilihan ng salik ng produksiyon o *factor markets*. Dito inilagak ng sambahayan ang mga salik ng produksiyon gaya ng kapital, lupa, paggawa at pagnenegosyo. Ang pangalawa ay ang pamilihan ng tapos na produkto o *commodity markets*. Dito dinadala ang tapos na produkto at serbisyo mula sa bahay-kalakal para ibenta sa sambahayan. Makikita sa modelong ito ang ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal kung saan sila ay magkaiba subalit kinakailangan nila ang isa't isa. Tinatawag ang ugnayang ito na *interdependence.* **Ang Bahay-Kalakal at Sambahayan sa Pamilihan ng Tapos na Produkto at Salik ng Produksiyon** **Ikatlong Modelo.** Sa ikatlong modelo, ipinapakita ang presensiya ng dalawang pangunahing sektor- ang sambahayan at bahay-kalakal kung saan isinaalang-alang ng dalawang sektor na ito ang mga desisyon sa hinaharap. Ang sambahayan ay ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon at mga kumokonsumo ng mga produkto at serbisyo. Mula sa kita na halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay maaaring ang buong kita ay hindi ginagamit. Maaari itong itabi o itago bilang *savings* o ipon. Ang *savings* ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos (Farmer, 2002). Ang *investment* naman ay paggasta ng bahay-kalakal sa mga kapital upang mapalago ang produksiyon. Nagkakaroon ng *investment* kapag ang ipon ay inilalagak para sa negosyo. Ang isang indibidwal o sambahayan ay maaari rin na isalin ang kanyang ipon bilang *financial asset* katulad ng *stocks, bonds,* o *mutual funds*. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay naging mahalagang gawaing pang-ekonomiya na nagaganap sa pamilihang pinansiyal o *financial market.* Habang ang bahay-kalakal ay may pagnanais na magpalawak ng negosyo sa iba't ibang panig ng bansa at hindi lamang nakatuon sa tubo. Ang pagpapalawak ng sakop ng produksiyon ay magbibigay-daan sa pagpapabuti ng kalagayan ng negosyo subalit maaaring hindi sapat ang puhunan para gawin ito. Mula rito, maaaring manghiram ang bahay-kalakal ng karagdagang salapi na gagamiting puhunan para maisakatuparan ang nasabing plano. Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansiyal. May kapalit na kabayaran ang panghihiram ng puhunan ng bahay-kalakal. Ito ay sa pamamagitan ng pagbabayad na may interes sa hiniram na puhunan kapalit ng kapakinabangang natamo ng bahay-kalakal. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng malaking ipon ng sambahayan ay isang paraan para mapatatag ang ekonomiya gayundin ang sapat na dami ng bahay-kalakal na handang mamuhunan. Sa ganitong pamamaraan, tataas ang produksiyon ng mga kapital na produkto na magbibigay-daan sa pagbubukas ng maraming trabaho para sa paggawa. Ang pagkakaroon ng balanseng pag-iimpok at pamumuhunan ay binibigyang-halaga sa ganitong modelo ng ekonomiya. ![](media/image2.png)**Pamilihang Pinansiyal: Pag-iimpok (Savings) at Pamumuhunan (Investments)** **Ikaapat na Modelo.** Sa ikaapat na modelo, makikita ang presensiya ng pamahalaan na lumalahok sa sistema ng pamilihan. Bukod sa pagpapatupad ng mga batas, programa at mga polisiya sa bansa, tungkulin ng pamahalaan ang pangongolekta ng buwis mula sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang kita mula dito ay tinatawag na *public revenue.* Ito ay ginagamit para makalikha ng pampublikong serbisyo at proyekto na tumutugon sa pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal. Sa modelong ito, naitatakda ang kita ng ekonomiya batay sa kabuuang gastusin ng sambahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan. Ang positibong motibasyon ng pamahalaan gaya ng paghahatid ng pampublikong paglilingkod na ipinapangakong isasakatuparan sa pagsingil ng buwis ay isa sa mga paraan para mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Sa paraang ito, makikita ng bawat sektor ang kinahihinatnan ng buwis na kanilang binabayad. Hindi man maiwasan ang pagtaas ng buwis na sinisingil, ang mahalaga ay hindi maramdaman ng mga sektor ang pagtataguyod ng mga pangangailangan at kagustuhan nito. Mahalagang mapag-ibayo ang mga kaalaman at kakayahan ng sambahayan at bahay-kalakal sa aspektong gastusin ng pamahalaan. Ang pampublikong paglilingkod ay dapat produktibo. **Ang Pamahalaan at Pamilihang Pinansiyal, Salik ng Produksiyon, Kalakal, at Paglilingkod** **Ikalimang Modelo.** Ang ikalimang modelo ay tinatawag na *open economy* dahil sa presensiya ng panlabas na sektor na nangangasiwa ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. Ang perspektibo ng mga naunang apat na modelo ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya ay sarado o *domestic*. Sa modelong ito, nagaganap ang kalakalang panlabas kung saan may mga gawain ng pagluluwas *(export)* at pag-aangkat *(import)* ng mga produkto at serbisyo sa loob at labas ng bansa. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at mga salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya. Maaaring may sambahayan at bahay-kalakal ang mga dayuhang ekonomiya at maaring may pagkakapareho ng pinagkukunang-yaman subalit maaari rin na magkaiba ang kaayusan at dami ng mga ito. Ang pakikipagkalakalan ay nagaganap base sa pangangailangan ng pinagkukunayang-yaman. May mga sangkap na mahalaga sa produksiyon sa pambansang ekonomiya na kinakailangang angkatin mula sa ibang bansa gayundin ang kalagayan ng mga dayuhang ekonomiya. Magkapareho man ang mga produkto o magkaiba, nakikipagpalitan ng produkto ang mga bansa sa isa't isa. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng panlabas na sektor dahil iniuugnay nito ang ating pamilihan sa pakikipagkalakan sa ibang bansa. Nabibigyan ng pagkakataon ang ating lokal na mga produkto na makilala at maibenta sa ibang bansa na maaaring magdulot ng mas malaking kita sa ating ekonomiya. Sa kabilang banda, ang mga dayuhang produkto ay nakakapasok sa ating bansa na maaaring tutugon sa kakulangan ng mga hilaw na materyales na mahalaga sa pagbuo ng bagong produkto at serbisyo. **Ang Pambansang Ekonomiya sa Kalakalang Panlabas** ![](media/image4.png) **Sanggunian** *Modyul 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Araling Panlipunan 9, Self Learning Module. Ikatlong Markahan, Unang Edisyon (2020).* **ARALIN 2 PAMBANSANG KITA** *MELC 2 Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita (Week 3)* Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa. Sinusukat ang *Gross National Income (GNI)* at *Gross Domestic Product (GDP)* ng ating bansa upang malaman kung may pag-unlad sa ekonomiya ng bansa. Ano ba ang GNI at GDP? ***Gross National Income (GNI).*** Ito ay tinatawag ding *Gross National Product (GNP)* na tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa sa isang takdang panahon. Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat *quarter* o sa loob ng isang taon. ***Gross Domestic Product (GDP)**.* Ito naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Ibig sabihin lahat ng salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama rito. **Pagkakaiba ng GNI sa GDP** Sinusukat sa pamamagitan ng *Gross National Income (GNI)* ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo ng mga mamamayan ng isang bansa sa itinakdang panahon. Anumang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo ng mga mamamayan ng isang bansa, halimbawa ang mamamayang ito ay isang *OFW* sa Saudi Arabia ang kanyang kabuuang halaga at serbisyong nabuo sa bansang iyon ay maibibilang sa GNI. Habang ang *Gross Domestic Product (GDP)* ay ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon. Anumang serbisyo o produkto na ginawa sa loob ng isang bansa ay maibibilang dito. Halimbawa na lang ang ginawang motorsiklo ng mga Hapon dito sa Pilipinas ay maibibilang sa GDP. At upang malaman kung nagkaroon ng pagbabago sa GNI at GDP sa bawat taon ginagamit ang pagsukat ng *growth rate.* **Mga Paraan ng Pagsukat sa *Gross National Income (GNI)* at *Gross Domestic Product (GDP)*** Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan ng pagsukat sa *Gross National Income:* \(1) pamamaraan batay sa gastos *(expenditure approach),* \(2) pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon *(income approach)* \(3) pamamaraan batay sa pinagmulang industriya *(industrial origin approach)* **[1.Paraan Batay sa Paggasta *(Expenditure Approach)*]*.*** Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor at ang gastos ng bawat sektor ay kinukuwenta upang makuha ang pambansang kita. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod: a. **Gastusing personal/*Personal Consumption (C)*** -- napapaloob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito. b. **Gastusin ng mga namumuhunan/*Capital Invesment (I)*** -- kabilang ang mga gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa. c. **Gastusin ng pamahalaan/*Government Expenditure (G)*** -- kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba pang gastusin nito. d. **Gastusin ng panlabas na sektor/*Net Export (X -- M)*** -- makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas o *export* sa inaangkat o *import.* e. ***Statistical discrepancy (SD)*** -- ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon. f. ***Net Factor Income from Abroad (NFIFA)*** -- tinatawag ding *Net Primary Income*. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa. **GNI = C + I + G + (X -- M) + SD + NFIFA** **GNI at GDP Batay sa Paggasta mula 2018 hanggang 2021 *(At Current Prices)*** +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **Item** | **2018** | **2019** | **2020** | **2020** | **2021** | | | | | | | | | | | | | **First | **First | | | | | | semester* | semester* | | | | | | * | * | +===========+===========+===========+===========+===========+===========+ | **I. | 13,250,08 | 14,288,33 | 13,478,48 | 6,465,326 | 6,791,659 | | Household | 4 | 3 | 9 | | | | Final | | | | | | | Consumpti | | | | | | | on | | | | | | | Expenditu | | | | | | | re** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **II. | 2,199,637 | 2,433,439 | 2,740,783 | 1,358,689 | 1,445,181 | | Governmen | | | | | | | t | | | | | | | Final | | | | | | | Consumpti | | | | | | | on | | | | | | | Expenditu | | | | | | | re** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **III. | 4,959,105 | 5,153,069 | 3,118,277 | 1,480,347 | 1,935,805 | | Gross | | | | | | | Capital | | | | | | | Formation | | | | | | | ** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **IV. | 5,518,573 | 5,539,739 | 4,518,390 | 2,211,422 | 2,344,359 | | Exports** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **V. | 13,250,08 | 14,288,33 | 13,478,48 | 2,911,473 | 6,791,659 | | Less: | 4 | 3 | 9 | | | | Imports** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **VI. | 0 | 0 | 0 | -23,813 | -10,467 | | Statistic | | | | | | | al | | | | | | | Discrepan | | | | | | | cy** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **Gross | **12,677, | **13,126, | **10,377, | **8,580,4 | **5,714,8 | | Domestic | 315** | 247** | 450** | 98** | 78** | | Product** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **Net | 1,947,159 | 1,954,197 | 1,381,265 | 826,070 | 292,416 | | Primary | | | | | | | Income | | | | | | | from the | | | | | | | Rest of | | | | | | | the | | | | | | | World** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **Gross | **14,624, | **15,080, | **11,758, | **9,406,5 | **6,007,2 | | National | 474** | 444** | 715** | 68** | 94** | | Income** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ **Datos mula: [www.bsp.gov.ph](http://www.bsp.gov.ph)** **[2. Paraan Batay sa Kita ng mga Sangkap ng Produksiyon *(Income Approach)* ]** a. **Sahod ng mga manggagawa** -- sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan. b. ***Net Operating Surplus*** -- tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at pinapatakbo ng pamahalaan at iba pang negosyo. c. **Depresasyon**- pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma at bunga ng tuloy-tuloy na paggamit sa paglipas ng panahon. d. **Di-tuwirang buwis at subsidiya** 1. **Di-tuwirang buwis-** kabilang dito ang *sales tax,* *custom duties,* lisensiya at iba pang di-tuwirang buwis. 2. **Subsidiya**- salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo. Isang halimbawa nito ay ang pag-ako ng pamahalaan ng ilang bahagi ng bayarin ng mga sumasakay sa *Light Rail Transit.* **[3. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya *(Industrial Origin)* ]** Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang *Gross Domestic Product* ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo. Sa kabilang banda, kung isasama ang *Net Factor Income from Abroad* o *Net Primary Income* sa kompyutasyon, masusukat din nito ang *Gross National Income (GNI)* ng bansa. **GNI at GDP Batay sa Pinagmulang Industriya mula 2018 hanggang 2021 *(At Current Prices)*** +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **Item** | **2018** | **2019** | **2020** | **2020** | **2021** | | | | | | | | | | | | | **First | **First | | | | | | Semester* | Semester* | | | | | | * | * | +===========+===========+===========+===========+===========+===========+ | **I. | 1,762,616 | 1,783,855 | 1,780,544 | 855,916 | 849,947 | | Agricultu | | | | | | | re, | | | | | | | Forestry | | | | | | | and | | | | | | | Fishing** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **II. | 5,582,525 | 5,887,869 | 5,112,155 | 2,517,802 | 2,704,447 | | Industry | | | | | | | Sector** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **III. | 10,920,04 | 11,711,02 | 10,634,57 | 5,195,972 | 5,331,404 | | Services | 8 | 7 | 5 | | | | Sector** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **Gross | **18,265, | **19,382, | **17,527, | **8,569,6 | **8,885,7 | | Domestic | 189** | 751** | 274** | 90** | 98** | | Product** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **Net | 1,947,159 | 1,954,197 | 1,381,265 | 826,070 | 292,416 | | Primary | | | | | | | Income | | | | | | | from the | | | | | | | Rest of | | | | | | | the | | | | | | | World** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | **Gross | **20,212, | **21,336, | **18,908, | **9,395,7 | **9,178,2 | | National | 348** | 948** | 539** | 60** | 14** | | Income** | | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ **Datos mula: [www.bsp.gov.ph](http://www.bsp.gov.ph)** ***Current o Nominal GNI at Real o Constant Prices GNI*** ***Current o Nominal GNI.*** Ito ay ang GNI sa kasalukuyang presyo na kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo. ***Real GNI o Constant Prices GNI.*** Ito ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o *base year.* Sa pagsukat ng *nominal* at *real GNI*, kailangan munang malaman ang *price index*. Sinusukat ng *price index* ang *average* na pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo. Malalaman kung may pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng *price index*. Halimbawa sa ibaba, ang *price index* ng 2006 ay 133.36. Kung ang batayang taon ay 2000 (ang *price index* ng batayang taon ay laging nakatakda sa 100), ipinapakita nito na sa pagitan ng taong 2000 at 2006 nagkaroon ng 33.36% na pagtaas ng presyo ng bilihin. Samantala, 37.57% ang itinaas ng presyo ng mga bilihin mula 2000 hanggang 2007. Nagtala ng 48.35% na pagtaas ng presyo mula 2000 hanggang 2008 at 52.42% na pagtaas mula 2000 hanggang 2009. Pinakamalaki ang itinaas ng presyo noong 2000 hanggang 2010 na umabot sa 58.65%. **Taon** **Current/Nominal GNI** **Price Index** **Real/Constant Prices GNI** ---------- ------------------------- ----------------- ------------------------------ 2006 7,883,088 133.36 5,911,134 2007 8,634,132 137.57 6,276,174 2008 9,776,185 148.35 6,589,946 2009 10,652,466 152.42 6,988,890 2010 11,996,077 158.65 7,561,347 Mahalagang malaman ang *real/constant prices GNI* dahil may pagkakataon na tumataas ang presyo ng mga bilihin na maaaring makaapekto sa pagsukat sa GNI. Dahil pampamilihang halaga ang ginagamit sa pagsukat ng GNI, lalabas na mataas ito kung nagkaroon ng pagtaas sa presyo kahit walang pagbabago sa dami ng produksiyon. Sa pagkakataong ito, mas mainam na gamitin ang *real o constant prices* *GNI*. Ginagamit ang *real/constant prices GNI* upang masukat kung talagang may pagbabago o paglago sa kabuuang produksiyon ng bansa nang hindi naaapektuhan ng pagtaas ng presyo. Malalaman ito sa pamamagitan ng pormula sa ibaba upang masukat ang *real GNI*. Kung ating susuriin, mas mababa ang *real/constant prices GNI* kompara sa *nominal/current price GNI* dahil gumamit ng batayang taon upang hindi maapektuhan ng pagtaas ng presyo ang pagsukat sa *Gross National Income* ng bansa. Mas kapani-paniwala ang ganitong pagsukat dahil ito ang tunay na kumakatawan sa kabuuang produksiyon ng bansa na tinanggal ang insidente ng epekto ng pagtaas ng presyo. Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya sa pamamagitan ng *growth rate.* Ginagamit ang pormula sa ibaba upang masukat ang *growth rate* ng *Gross National Income.* Ang *growth rate* ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon. Kapag positibo ang *growth rate* masasabi na may pag-angat sa ekonomiya ng bansa. Samantala, kapag negatibo ang *growth rate*, ay masasabing walang naganap na pag-angat sa ekonomiya ng bansa at maipapalagay na naging matamlay ito. Ang mahalagang datos na ito naman ang gagamitin ng mga nagpaplano ng ekonomiya ng bansa upang gumawa at bumuo ng mga patakaran upang matugunan ang mga suliraning may kinalaman sa pagbaba ng *economic performance* ng bansa. Ang halimbawa sa ibaba ay nagpapakita ng pag-angat ng gawaing pangkabuhayan ng bansa sa paglipas ng panahon. **Taon** **Current/Nominal GNI** **Growth rate ng nominal GNI** **Real/Constant Prices GNI** **Growth Rate ng Real/Constant Prices GNI** ---------- ------------------------- -------------------------------- ------------------------------ --------------------------------------------- 2006 7,883,088 \- 5,911,313 \- 2007 8,634,132 9.53% 6,276,013 6.18% 2008 9,776,185 13.23% 6,590,009 5.00% 2009 10,652,466 8.96% 6,988,767 6.05% 2010 11,996,077 12.61% 7,561,386 8.19% Samantala, sa pamamagitan ng *income per capita* ay masusukat kung hahatiin ang *Gross Domestic Product* sa kabuuang populasyon ng bansa. Sinusukat nito ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan. Tinataya rin ng *income per capita* kung sasapat ang kabuuang halaga ng produksiyon ng bansa upang tustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito. Kalimitan, ang maliit na populasyon at malaking *income per capita* ay nangangahulugan ng malaking kakayahan ng ekonomiya na matustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito. Kapag mas mabilis ang paglaki ng populasyon kompara sa *income per capita*, magiging mahirap para sa ekonomiya na tustusan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan ng bansa. Isa itong batayan upang malaman ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan. **Limitasyon sa Pagsukat ng Pambansang Kita** - **Hindi pampamilihang gawain** - **Impormal na sektor** - ***Externalities* o hindi sinasadyang epekto** - **Kalidad ng buhay** **Sanggunian** 1. *Modyul 2: Pambansang Kita. Araling Panlipunan 9, Self Learning Module. Ikatlong Markahan, Unang Edisyon (2020).* 2. *Ekonomiks-Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral. Unang Edisyon (2015).* **ARALIN 3: IMPLASYON** *MELC 3 Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon (Week 4-5)* Alam mo ba na ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba't ibang panahon ay karaniwang nagaganap? Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba sa halaga ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng **implasyon**. Ayon sa *The Economics Glossary*, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng piling produkto na nakapaloob sa ***basket of goods***. Ayon naman sa aklat na *Economics* nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay ang pataas na paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo. Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya, ang kondisyon ng implasyon ay nagaganap. Dahil dito, naaapektuhan ang dami ng produkto na maaaring mabili ng mamimili. Maliban sa implasyon, mayroon ding tinatawag na ***hyperinflation*** kung saan ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo na naganap sa ilang mga bansa tulad ng Germany noong dekada 1920, Hungary noong 1946 at Zimbabwe noong 2007 hanggang 2009 (Fernando, 2020). Kahit sa kasalukuyan, ang implasyon ay isang suliraning hindi mapigilan. Ang mga pangunahing produkto tulad ng bigas, asukal, manok, karne, isda at iba pa ay hindi nakaliligtas sa pagtaas ng presyo. **Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo** Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang ***Consumer Price Index (CPI)*** upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto. Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa *basket of goods.* Ang mga nasabing produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at pinagkakagastusan ng mamamayan. Mula sa *market basket*, ang *price index* ay nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan at *average* na pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin. Ang *price index* ay depende sa uri ng bilihin na gustong suriin. **Iba't ibang Uri ng *Price Index*** 1. ***Consumer Price Index (CPI)*.** Ang CPI ay tanda ng pagbabago ng kabuuang presyo ng isang *basket* ng mga produkto at serbisyo na karaniwang binibili ng isang sambahayan *(household)* sa isang taon kumpara sa presyo nito sa itinakdang taon *(base year)*. Batayan sa pagkompyut ng CPI ang presyo at dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng tinatawag na *market basket.* Ang *market basket* ay ginagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga konsyumer. 2. ***Wholesale Price Index (WPI).*** Ito ay *index* ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili. 3. ***Producer Price Index (PPI)***.Ito ang *index* ng presyo ng prodyuser ay binubuo ng isang tinimbang na *index* ng mga presyo ng kalakal sa pakyawan. 4. ***GNP Deflator.*** Panukat na pang-ekonomiya na nagkakaroon ng mga epekto ng implasyon sa *gross national product* ng kasalukuyang taon sa pamamagitan ng pag-*convert* ng *output* nito sa isang antas na nauugnay sa isang tagal ng base. ***Inflation Rate*** Ang *inflation rate* at tumutukoy sa antas ng pagbabago sa presyo ng mga bilihin. Ito ay nakokompyut gamit ang sumusunod na *formula:* Kung saan: P2=bagong presyo, P1=luma/dating presyo Halimbawa: Ang *facemask* na dati ay nabibili lamang ni Aling Rosa na P90 pesos bawat kahon bago nagkaroon ng pandemya ay biglang tumaas ang presyo nito sa P150 bawat kahon noong nakaraang taon ng itinalaga ng pamahalaan ang paggamit nito bilang bahagi ng proteksyon sa sarili laban sa *COVID-19*. Gamit ang *formula,* ang *inflation rate* ng *facemask* ay 66.66%. = *= 0.66666* **Dahilan ng Implasyon** 1. ***Demand-pull*** 2. ***Cost-push*** **Iba pang Dahilan at Bunga ng Implasyon** Maraming salik ang nakaaapekto sa presyo sa pamilihan na nagiging daan sa pagkakaroon ng implasyon. **Mga Nakinabang sa Implasyon** **Halimbawa** ------------------------------------------------------------------------- ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Mga umuutang Dahil sa implasyon, nababawasan ang halaga ng ibinabayad ng mga umuutang. Halimbawa, kung ang umuutang ay nagbayad ng Php1,000 sa kanyang hiniram na pera na may 10% na interes subalit ang implasyon ay 15%, ang ibinayad ay mayroong Php935 na halaga lamang. Mga negosyante/may-ari ng kompanya *Retailer* ng gasolina ang isang tao at marami siyang imbak nito. Kapag tumaas ang presyo ng gasolina, tataas ang kaniyang kita nang hindi inaasahan. Mga *speculator* at mga negosyanteng may malakas ang loob na mamuhunan. Mga *real state broker*, nagtitinda ng mga alahas at iba pa na nag-*speculate* na tataas ang presyo sa hinaharap. **Mga Taong Nalulugi** **Halimbawa** ----------------------------- -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Mga taong may tiyak na kita Ang mga empleyado tulad ng guro, pulis, *clerk*, nars at iba pang tumatanggap ng tiyak na kita bawat buwan ay matinding naaapektuhan sa pagtaas ng presyo. Ang dating dami sa kanilang nabibili ay nababawasan dahil bumababa ang tunay na halaga ng salapi. Ang mga taong nagpapautang Ang taong nagpautang ay umaasa na kikita ng 10% interes sa kaniyang pinahiram na pera. Ang ibinayad ng nangutang kasama ang interes ay Php1,000. Ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang halaga ng kaniyang tinanggap ay Php935 lamang kaya siya ay nalugi. Mga taong nag-iimpok Sila ay malulugi kapag ang interes ng kanilang inimpok sa bangko ay mas maliit kompara sa antas ng implasyon. Ang *real value o* tunay na halaga ng salaping nasa bangko ay bumababa bunsod ng mas mababang kinikita nito mula sa interes. **Sanggunian** *Modyul 4: Implasyon. Araling Panlipunan 9, Self Learning Module. Ikatlong Markahan, Unang Edisyon (2020).* *MELC 4 Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal (WEEK 6)* Ang salitang piskal o *fiscal* ay nagmula sa salitang Latin na *fisc*, na ang ibig sabihin ay *basket* o *bag*. Sa paglipas ng panahon, ang salitang ito ay iniuugnay sa *bag* ng salapi o partikular sa salaping hawak ng pamahalaan. Ang pamahalaan ay nangongolekta ng salapi sa pamamagitan ng buwis. Ang **patakarang piskal** ay tumutukoy sa gawain ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis. Isinasaad sa aklat nina Balitao et. Al (2014) na ang patakarang piskal ay tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya. Ayon kay John Maynard Keynes (1935), malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya mula sa pangongolekta ng buwis sa mga mamamayan, negosyante, at kompanya hanggang sa paggasta ng mga salaping nalikom nito. Ang paggasta ng pamahalaan ay may malaking kontribusyon upang masiguro ang pagsasaayos ng isang ekonomiya. **Dalawang Uri ng Patakarang Piskal** May dalawang paraan na ginagamit ang pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito at upang maiwasan ang labis na implasyon at *recession* bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa. Ang mga patakarang ito ay *expansionary fiscal policy* at *contractionary fiscal policy.* +-----------------------------------+-----------------------------------+ | ***Expansionary Fiscal Policy*** | ***Contractionary Fiscal | | | Policy*** | +===================================+===================================+ | - Layunin nito na mapasigla ang | - Layunin nito na bawasan ang | | pambansang ekonomiya. | sobrang kasiglahan ng | | Ginagawa ito upang isulong | ekonomiya dahil ang labis na | | ang ekonomiya lalo na sa | mataas na *demand* sa suplay | | panahon ng *recession.* | ay magdudulot ng implasyon. | | | | | - Kabilang dito ang pamumuhunan | - Kabilang sa mga hakbang nito | | ng pamahalaan at pagbabawas | ang pagbabawas sa gastusin ng | | sa ibinabayad na buwis. | pamahalaan, pagsasapribado ng | | | ilang pampublikong | | - Ang ganitong uri ng gawain ay | korporasyon at pagpapataas sa | | magpapataas sa demand, | singil ng na buwis. | | magpapababa sa presyo ng | | | kalakal at magpapalaki sa | - Ang ganitong gawain ay | | *output* ng ekonomiya. | magpapababa sa *demand,* | | | magpapataas sa presyo ng | | | kalakal at pagbabawas sa | | | *output* ng ekonomiya. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Sanggunian** *Modyul 5: Konsepto ng Patakarang Piskal. Araling Panlipunan 9, Self Learning Module. Ikatlong Markahan, Unang Edisyon (2020).* **ARALIN 5: PATAKARANG PANANALAPI** *MELC 5 Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi (WEEK 7)* **Konsepto Bilang I:** **Patakarang Pananalapi** - Ito ay isang sistemang pinaiiral ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang makontrol ang *supply* ng salapi sa sirkulasyon. Ito ay itinatakda sa pamamagitan ng pagpapatupad ng *expansionary money policy* o *contractionary money policy*. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Expansionary Money Policy** | **Contractionary Money Policy** | +===================================+===================================+ | - Layunin nito na mahikayat ang | - Layunin nito na mabawasan ang | | mga negosyante na palakihin o | paggasta ng sambahayan at ng | | magbukas ng bagong negosyo. | mga namumuhunan. | | | | | - Ibababa ng pamahalaan ang | - Sa pagbabawas ng puhunan, | | interes sa pagpapautang kaya | nababawasan din ang | | mas maraming mamumuhunan ang | produksiyon. | | mahihikayat na humiram ng | | | pera upang idagdag sa | - Sa pamamaraan ito, bumababa | | kanilang negosyo | ang presyo at nagiging | | | dahilan ng pagbagal ng | | | ekonomiya. | | | | | | - Ang kalagayang ito ang | | | ninanais ng pamahalaan upang | | | mapababa ang implasyon. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Konsepto Bilang II:** **Bangko**- ay isang institusyong pampananalapi na tumatanggap ng mga deposito at ginagamit ang mga ito sa mga pagpautang o hindi tuwirang pagpapautang; na maaaring tuwirang pagpapautang o hindi tuwirang pagpapautang gaya ng merkado ng mga *capital*. **Mga Uri ng Bangko** 1. **Bangkong Komersyal**- tumatanggap ng lahat ng uri ng deposito tulad ng *savings deposits* gamit ang tseke, nagpapautang ng malaking halaga ng puhunan. Hal: BDO, BPI, *Land Bank*, PNB, *China Bank* at iba pa. 2. ***Thrift Banks***- tinatawag na *"savings bank"* na humihikayat sa mamamayan na mag-impok. Hal: *Allied Bank, BPI, City Savings Bank* at iba pa. 3. **Bangkong Rural**- Layong tulungan ang mga magsasaka, maliliit na negosyante at iba pang kanayunna upang mapa-unlad at magkaroon ng puhunan. Hal: *One Network Bank, Eastwest Bank, Katipunan Bank, Rizal Bank, Rizal Rural Bank* 4. ***Specialized Government Bank*** a. ***Land Bank of the Philippines (LBP)-*** Pangunahing bangko ng pamahalaan na ang layunin nito ay magbigay at magpahiram ng pondo sa mga programang pansakahan. b. ***Development Bank of the Philippines (DBP***)- Tumutulong sa pamahalaan na mapaunlad ang proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng Agrikultura at sektor ng Industriya at prayoridad din ng pamahalaan ang mga *small and medium scale industry*. c. ***AL-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (AL-Amanah***)- Pangunahing layunin ang tulungan ang mga Muslim upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. **Mga Institusyong Di-Bangko** 1. **Kooperatiba**- layunin nito ay programang panlipunan at pangkabuhayang pagtutulungan at pagkakaisa. Hal. *Zaneco Electric Cooperative, Paglaum Cooperative.* 2. **Bahay Sanglaan o *Pawnshop***- nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral. Hal. *Palawan Pawnshop, Cebuana* at iba pa. 3. ***Pension Funds*** a. ***Government Service Insurance System (GSIS**)-* nagbibigay ng seguro *(life insurance)* sa mga kawani na nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno. b. ***Social Security System SSS**)*- nagbibigay seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan katulad ng pagkakasakit, pagkabalda, pagretiro, pagkamatay, at pagdadalang-tao. c. **Pagtutulungan sa kinabukasan: Ikaw Bangko, Industriya at Gobyerno (PagIBIG Fund)**- layunin nito na tulungan ang mga kasapi sa papubliko at pampribado na kawani sa pabahay. 4. ***Registered Companies:*** ang mga rehistradong kompanya *(registered companies)* ay yaong mga kompanya na nakarehistro sa komisyon ng *Securities and Exchange Commission* o SEC. 5. ***Pre-Need***- Maaaring magbenta ang isang *Pre-need company* ng *"single"* at *"multiplan*", layunin nito na maibigay ang karampatang serbisyo sa takdang panahon o pagbibigay ng naaayong halaga ng pera sa takdang panahon ng pangangailangan. 6. ***Insurance Companies***- ay mga rehistradong korporasyon sa *Securities and Exchange Commission* (SEC) na bibigyan ng karapatan na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas. **Mga *Regulators*:** 1. **Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)-** Itinuturing na bangko ng mga bangko ang Bangko Sentral ng Pilipinas dahil sinusubaybayan nito ang lahat ng institusyon sa pananalapi. **Mga Tungkulin ng BSP** - Mapanatili ang katatagan ng pananalapi - Maitaguyod ang pagtaas ng antas ng produksiyon, empleyo at tunay na kita ng mamamayan - Mapangalagaan ang internasyonal na halaga ng piso at ang palitan nito sa dayuhang salapi - Mapanatili ang katatagan ng presyo na makatutulong sa pagsulong ng ekonomiya 2. ***Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC***)- Layunin nito na mabigyan ng proteksiyon ang mga depositor at mapanatiling matatag ang sistemang pinansiyal sa bansa. **a.** **Bilang taga seguro ng depositor *(Deposit Insurer)*** 1\. Pagbabayad ng nakasegurong deposito 2\. *Assessment* at *Collection* 3\. *Risk Management* **b. Bilang *Receiver* at *Liquidation* ng Nagsarang Bangko** 1\. Namamahala sa nagsarang bangko. 2\. Pagbebenta ng ari-arian ng nagsarang bangko *(Liquidation of assets of closed bank)* d. **Bilang Imbestigador** 3. ***Securities and Exchange Commission (SEC)-***Nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa. 4. ***Insurance Commission (IC)*-** Nangangasiwa at namamatnubay sa mga negosyo ng pagseseguro *(insurance business)* layunin nito na panatilihing matatag ang mga kompanyang nagseseguro sa buhay ng tao. **Sanggunian** *Modyul 7: Patakarang Pananalapi. Araling Panlipunan 9, Self Learning Module. Ikatlong Markahan, Unang Edisyon (2020).* **ARALIN 6: PAG- IIMPOK AT PAMUMUHUNAN BILANG ISANG SALIK NG EKONOMIYA** *MELC 6 Napahahalagahan ang pag -iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya (WEEK 8)* Ang **pag-iimpok** ay isang sistema na kung saan ang mga hindi nagamit na pera ng gobyerno ay iniimbak sa bangko. Ito ay pagtatabi o pag-iipon ng ilang bahagi ng kita para sa hinaharap. Ang pag-iimpok ay isa sa mahalagang gawain ng sambahayan na kailangan ng ekonomiya. Samantala, ang **mamumuhunan** naman ay maaaring utangin ang perang ito upang makapaglikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino. Kung gayon, ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nakatutulong sa pag-unlad ng isang ekonomiya. May mga gawain ang sambahayan at bahay-kalakal na nagdudulot ng pagkakaroon ng palabas at paloob na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Ginagastos ng sambahayan ang kanilang mga kita ngunit hindi lahat ng kanilang kita ay kanilang ginagastos dahil bahagi nito ay itinatabi nila sa mga bangko bilang pag-iimpok. Ang **pag-iimpok** ay pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa kanilang mga pangangailangan sa kinabukasan. Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman ay palaging may layuning palaguin ang kanilang produksiyon kung kaya't madalas silang nangangailangan ng karagdagang puhunan. Sila ay umuutang sa mga bangko upang mamuhunan at makabili ng karagdagang salik ng produksiyon. Kung ganoon, ang pamumuhunan ay papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Ang **pag-iimpok** ay tinatawag ring pagtatabi o pag-iipon para may magamit sa hinaharap. Maaari tayong mag-impok sa bangko o sa alkansya. Maaari din tayong bumili o magbayad ng mga *insurances*. Madalas ganito ang kaisipan ng bawat Pilipino, ang magtago ng *"savings"* o ipon sa bangko. Kadalasan ginagawa ito ng mga wais sapagkat ito ay lumalago dahil sa interes sa deposito. Kaya naman mas hinihikayat ng gobyerno na mag-ipon sa bangko kaysa gumamit ng alkansya. Ang pag-iimpok ay bahagi ng buhay at upang maging kapaki-pakinabang ang inimpok na salapi, ilagay ito sa mga bangko o institusyong pampinansyal. Ang **pamumuhunan** o pagdaragdag ng istak para sa hinaharap ay kailangan upang palawakin ang produksiyon. Ang pagbili ng mga makinarya, paglalaan ng pondo para sa depresasyon ng mga kapital at paghiram ng salapi ay ilan sa anyo ng pamumuhunan na ang layunin ay para sa hinaharap. Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng sapat na salapi. Ang paggasta ay pagbili ng mga kagamitan, mga salik ng produksiyon at iba pa. Karaniwan sa mga namumuhunan ay gumagamit ng sariling salapi o puhunan na hiniram sa ibang tao, sa bangko, o sa ibang institusyon sa pananalapi. Ang perang hiniram upang gamiting puhunan ay nagmumula sa inimpok o idineposito sa mga institusyon sa pananalapi tulad ng bangko o kooperatiba. Ang perang inimpok ng mga tao sa bangko ay ipinapahiram sa mga negosyante upang gamitin sa pamumuhunan. Ang pamumuhunan ay isa ring mahalagang salik sa ating bansa. Mas maraming negosyo, mas maraming trabaho. Ito ay maaaring magbunga sa pagkakamit ng kaunlaran. Ang ilan sa mga halimbawa ng bangko na matatagpuan sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:*Land Bank*, *Development Bank of the Philippines, Producers Bank, China Bank, City Savings Bank, Rural Bank of Maria Aurora Inc.,* *PNB, RCBC,* at iba pa. Ang mga bangko at iba pang *financial intermediaries* ay nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan. Ang umuutang o *borrower* ay maaaring gamitin ang nahiram na pera sa pagbili ng *asset* (pagmamay-ari) na may ekonomikong halaga o bilang karagdagang puhunan. Ang pera na iyong inilagak sa mga institusyong ito ay maaaring kumita ng interes o dibidendo. Kung itatago mo nang matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at maaari pang lumiit ang halaga dahil sa implasyon. Ang implasyon ay ang pagtaas ng pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal *(goods)* at mga serbisyo sa isang ekonomiya. Bukod dito, dahil sa pagtatago mo at nang maraming tao ng pera sa alkansya, maaaring magdulot ng kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan. Makabubuti kung ilalagak ang salapi sa matatag na bangko o iba pang *financial intermediaries* upang muling bumalik sa pamilihan ang salaping inimpok. Suriin ang pigura sa ibaba. **MODELONG DALOY NG UGNAYAN NG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGGASTA/PAGKONSUMO** *Pigura 1* ![](media/image10.png)*Pigura 2* **Paalala: Ang dalawang modelo ay pareho lamang. Ang nasa itaas ay ilustrasyon gamit ang larawan at ang nasa ibaba ay ilustrasyon gamit ang krokis o dayagram.** **7 Habits of a Wise Saver** 1. **Kilalanin ang iyong bangko.** 2. **Alamin ang produkto ng iyong bangko.** 3. **Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko.** 4. **Ingatan ang iyong *bank records* at siguruhing *up-to-date.*** 5. **Makipag-transaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong kawani nito.** 6. **Alamin ang tungkol sa PDIC *deposit insurance.*** 7. **Maging maingat.** **Sanggunian** 1. *Modyul 3: Ugnayan ng Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo. Araling Panlipunan 9, Self Learning Module. Ikatlong Markahan, Unang Edisyon (2020).* 2. *Modyul 6: Pag-iimpok at Pamumuhunan bilang isang Salik ng Ekonomiya. Araling Panlipunan 9, Self Learning Module. Ikatlong Markahan, Unang Edisyon (2020).* Inihanda nina: **ARBIE JANE B. BAYLON MARY JOY P. JIMENEZ AVEGAIL R. RAZA RUBEN C. MONTINOLA JR.** *Grade 9 AP Teacher* *Grade 9 AP Teacher* *Grade 9 AP Teacher* *Grade 9 AP Teacher* Binigyang-Pansin ni: **MARIANNE G. BASTIERO** *Head, Social Studies Department*